Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit

na panghalip

_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.

_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa
Pilipinas.

_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang
pangulo.

_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.

_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo

Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.

_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang
pulitiko noon.

_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya
sa mga nangangailangan at kapuspalad.

_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American
Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.

_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A.
Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.

_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.

You might also like