Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Filipino – 3rd Quarter Reviewer

Pang-abay at Uri nito


Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat ang A kung ito ay panlunan, B kung ito ay pamanahon at C
kung ito ay pamaraan.
_____ 1. Maghapong nagtatrabaho sa bukid ang magsasaka.
_____ 2. Si Ate Viring ay gaya mong sumayaw.
_____ 3. Darating kaya ang mga inanyayahan kong mga panauhin?
_____ 4. Inabutan sila ng bagyo sa gitna ng dagat.
_____ 5. Di-malayong naligaw ang mga iyon kaya hindi dumating.
_____ 6. Paano natin mabibili ang regalo, e wala tayong pera?
_____ 7. Patalong ingaw ng bata ang pabitin.
_____ 8. Darating ang mga anak ko maya-maya.
_____ 9. Magsalita ka naman. Kanina pa ako daldal ng daldala.
_____ 10. Ang pagpinsan ay sabay na dumalaw sa tiyang maysakit.

PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Dugtungan ng angkop na salita ang patlang.

1. Masiglang umawit ang mga _______________.


2. Namasyal kami sa _______________.
3. _______________ ang handa naming nuong pasko.
4. Ang aming paaralan ay _______________.
5. Ang buong maganak ay _______________.
6. Si _______________ maagang nagising.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT


Sabihin kung anong uri ng pangungusap. Sa patlang bago ang bilang, isulat ang PS- kung Pasalaysay, PT-
kung patanong, PU- kung Pautos, PD- kung padamdam. Lagyan ng tamang bantas and bawat pangungusap.

_____1. Maganda ang librong nabasa ko _


_____2. Naku Bakit mo kinuha iyan
_____3. Kasali ka ba sa napili para sa patimpalak
_____4. Kami ay nanood tungkol sa tamang pag-tapon ng basura kanina
_____5. Pakikuha mo nga ang baso sa mesa
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
Sa patlang, isulat ang P kung ang pangungusap ay payak, T kung ito ay tambalan, at H kung ito ay hugnayan.
____ 1. Mamamasyal kami sa parke pagkatapos namin magsimba.
____ 2. Ang blusa ay maganda, ngunit hindi ito kasya sa akin.
____ 3. Malalaki ang silid tulugan at malinis ang malaking bakuran.
____ 4. Ang mga bata ay nagtatakbuhan at naghahabulan sa plaza.
____ 5. Hindi tayo makakaalis habang malakas pa ang ulan.

OPINYON O KATOTOHANAN
Sa patlang, isulat ang O kung ito ay opinion at K kung ito ay katotohanan.
____ 1. Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.
____ 2. Isa ang Math sa mga asignatura sa paaralan.
____ 3. Mas nakakatakot sumakay sa eroplano kaysa sa barko.
____ 4. Ang elepante ay pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa.
____ 5. Nakakatawa ang hitsura ng ilong ng elepante.

Pangungusap at Mga Bahagi Nito


Gawin ang mga sumusunod.
1. Gumawa ng pangungusap tungkol sa mga kaibigan mo na may tambalang simuno at payak na
panaguri.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Gumawa ng pangungusap tungkol sa iyong pag-aaral na may tambalang simuno at tambalang
panaguri.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Gumawa ng tambalang pangungusap tungkol sa PIlipinas.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

You might also like