Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

Ano ang sinisimbolo ng larawan?

Bakit?
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
SA PANAHON NG
PAGHIHIMAGSIK AT
PROPAGANDA
Ano-anong mga pagbabago sa
kultura, paniniwala, pamumuhay at
maging sa pananampalataya ng
mga Pilipino ang naging epekto ng
pagsakop ng mga dayuhang
Kastila?
Ganap na Pagbubukas
ng Maynila sa
Kalakalang
Pandaigdigan
Nagdulot ito ng pag-unlad ng
agrikultura at industriya sa
bansang Pilipinas. Dahil sa
pagbubukas na ito’y nagkaroon
ng kalayaan ang Pilipinas na
makipagkalakalan sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.
Dahil sa malayang
pakikipagkalakan at unti-unting
pag-unlad ng kabuhayan sa
Pilipinas ay nagkaroon din ng
kalayaan ang mga dayuhang
mangangalakal na maglabas-
pasok sa bansa.
Ang pagpasok ng ibang banyaga
sa bansa maliban sa mga Kastila
ay nagdulot ng matinding
pagbabago sa mga kaisipan ng
mga ilan sa mga Pilipino. Dahil
nagkaroon ng pagkakataon ang
mga Pilipino na makihalubilo sa
ibang banyaga, nagbigay-daan
ito upang mamulat ang ilan sa
mga ideyolohiyang liberal.
Nagsimulang magtanong ang
ilan sa mga Pilipino hinggil sa
hindi pagkakapantay-pantay na
pagtrato ng pamahalaan at
simbahan sa mga Pilipino.
Pagbubukas ng
Suez Canal
Taong 1869 nang ganap na
buksan ang Suez Canal upang
maging alternatibong ruta
para mapabilis ang paglalakbay
mula iba’t ibang bahagi ng
mundo. Malaki ang naging
epekto nito sa Pilipinas sapagkat
mas napabilis din ang pagpasok
ng iba’t ibang kaisipang liberal
sa bansa.
Isa si John Locke sa mga
pilosopong umusbong nang
mga panahon na ito. Ang
kaniyang kaisipang pampulitika
ay nakarating sa Pilipinas
dahilan upang magsimulang
mamulat sa kani-kanilang
karapatan ang mga Pilipino.
Binigyang-diin ni John Locke na
ang bawat tao’y may karapatan,
ayon sa kaniya “every person
has the right to life, liberty, and
property, that have a foundation
independent of the laws of any
particular society”.
Isa lamang ito sa mga kaisipang
gumising sa damdaming
makabayan ng ilan sa mga
Pilipino. Napagtanto nilang
marami sa mga karapatan nila ang
hinamak at tinapakan ng mga
Kastila dahilan upang mamulat
ang ilan sa katotohanan. Mabilis
na isinadiwa ng ilan sa mga
katutubong Pilipino ang
demokrasya.
Pagbagsak ng
Kapangyarihan ni
Reyna Isabel II sa
Espanya
Hindi lamang mga Pilipino ang
namulat sa iba’t ibang kaisipang
liberal buhat sa iba’t ibang
pilosopo sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Maging mga kinawawang
mga Espanyol sa Espanya ay
nagsimula na ring mamulat noong
1868.
Ang pagkamulat na ito ng
mga Espanyol na liberal ay
nagdulot ng himagsikan sa
Espanya at unti-unting
bumagsak ang
kapangyarihan ni Reyna
Isabel II.
Nagbigay-daan ito sa
kalayaan sa pamamahayag,
pananampalataya,
pagkatuto at pagbuo ng mga
samahan at pagdaraos ng
mga pulong.
Pag-usbong ng
nasa Gitnang-uri
Dahil sa edukasyong
nakamtan sa ibang bansa,
maraming mga Pilipino ang
naging guro, abogado, doktor
at iba pang propesyon.
Namulat ang mga Pilipino sa
pagkakaroon ng pambansang
kamalayan dahilan upang
humingi sila ng reporma sa
pamahalaan.
Mga Pangunahing
Lider ng
Pambansang
Kamalayan
Isyu Hinggil sa
Sekularisasyon ng
mga Parokya
Ang sekularisasyon ay isang proseso
kung saan ang isang lipunan o
institusyon ay nagiging hiwalay mula
sa impluwensya o kapangyarihan ng
relihiyon. Ito ay maaaring mangyari sa
iba't ibang antas ng lipunan, tulad ng
pampubliko o pribadong sektor.
Sa konteksto ng kasaysayan, ang
sekularisasyon ay kadalasang
nangyayari sa mga bansa o kultura na
unang umiral sa ilalim ng malakas na
impluwensya ng relihiyon, at sa oras,
nagiging mas maluwag at mas
hiwalay sa relihiyosong pagmumuni-
muni sa mga pampublikong usapin at
institusyon.
Halimbawa, ang sekularisasyon sa
pamahalaan ay maaaring
nangangahulugang paghihiwalay ng
relihiyon at estado. Ito ay maaring isagawa
sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga
batas at patakaran na nakabatay sa
prinsipyo ng katiyakan ng relihiyosong
kalayaan, at ang hindi pagiging sang-ayon
sa paggamit ng relihiyon bilang batayan
para sa pampublikong polisiya at desisyon.
Hindi ito nangangahulugang ang
sekularisasyon ay nangangahulugang
pagtanggi o paglabag sa relihiyon. Sa
halip, ito ay naglalayong mapanatili
ang hiwalay na operasyon ng mga
institusyon na may kani-kanilang
tungkulin at responsibilidad, na hindi
lamang nakabatay sa relihiyosong
prinsipyo.
Mula nang sinakop ng mga
Kastila ang Pilipinas, sila na
ang namuno sa pamahalaan
at sa mga simbahan. Bahagi
sa repormang nais na
makamtan ng mga Pilipino
noon ay ang sekularisasyon
ng mga parokya.
Nais ng mga paring Pilipino
na magkaroon sila ng
kalayaang makapagpalakad
ng mga parokya.
Tinutulan ng mga paring
Kastila ang usaping ito
sapagkat ayaw nilang
mabawasan ang mga parokya
na pinapatakbo nila dahilan
upang mabawasan ang kita
nilang pera.
Enero 20, 1872
Nagkaroon ng pag-aalsa sa
Cavite at dahil sa matinding
isyu hinggil sa sekularisasyon
ng mga pari ay napag -
bintangang namuno sa pag-
aalsa ang tatlong paring sina
Gomez, Burgos at Zamora na
lalong kilala sa tawag na
GOMBURZA.
Makalipas lamang ang kulang-
kulang isang buwan ay
nahatulan sila ng pagkamatay.
Noong Pebrero 17, 1872,
ginarote ang tatlong pari sa
Bagumbayan. Ang
pagkakagarote sa kanila ang
pumukaw sa mga natutulog na
damdaming makabayan ng
mga Pilipino.
Ang Kilusang
Propaganda
Hindi tahasang naghihimagsik
ang kabataan, humihingi
lamang sila ng pagbabago sa
pamahalaan.
Ayon kina Salazar, et.al, (1995),
ang sumusunod ang mga
pagbabagong nais makamtan
ng kilusan buhat sa
pamahalaan at simbahan:
1. Gawing pantay-pantay ang
mga Pilipino at Kastila sa
harap ng batas;
2. Gawing lalawigan ng
Espanya ang Pilipinas;
3. Ibalik ang pagkakaroon ng
kinatawang Pilipino sa Kortes
ng Espanya;
4. Pairalin ang sekularisasyon
ng mga parokya;
5. Kalayaang pangkatauhan
tulad ng pamamahayag,
pananalita at pagtitipon.

You might also like