Re Kompan Q1W6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

11 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 -
8180

Filipino 11
Quarter 1: Week 6
Learning Activity Sheet

0
FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Pangalan: Unang Markahan: Ikaanim na Linggo


Taon at Pangkat: Petsa:

KONSEPTONG PANGWIKA (KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA)

Panimula

Ang kasaysayan ay sinasabing simpleng tala ng nakalipas o nakaraang mga panahon. Ito’y tumutukoy
sa pananaliksik, pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa lipunan na binubuo ng mga wika, tao o
pangyayari tulad ng mga opinyon, pang-unawa o panayam (pasalita o pasulat).
Ang wika ay isang buhay na kaluluwa ng isang bansa na sumasalamin sa kanyang lipunan na syang
pagkakakilanlan nito. Ang bawat wika ay may mga iba’t ibang mga katangian tulad ng, ito ay isang midyum
sa komunikasyon pasalita o pasulat. Mayroon itong masistemang balangkas na nakabatay sa kultura, may
politika at may sinasalitang tunog. Walang wika na superyor, ito ay makapangyarihan, dinamiko at arbitrayo.
Ang wikang pambansa ay maaaring maging masining na susi o makinarya upang sa pagkakabuklod
ng mga damdamin, saloobin, opinyon o pananaw ng mga mamamayan ng isang lipunan sa mga paraang
pangkomunikasyon at gramatika, pasalita man o pasulat sa mga indibiduwal, institusyon at ng isang lipunan.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Sadyang napakahalaga na malaman at matunghayan ang kasaysayan ng isang wikang pambansa para
makakuha ng konkretong impormasyon sa nakalipas na tala na siyang naging batayan parang maging wikang
pambansa.
FILIPINO – ang opisyal na wikang pambansa ng ating bansa – ang PILIPINAS na nakabatay sa
Saligang-batas ng 1987. Mula sa Artikulo XIV Sek,6., na dapat ito ay pagyamanin at payabungin na siyang
umiiral na wika ng ating bansa at ng iba pang wika. Ito’y itinaguyod para gamiting midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wikang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

MGA ILANG BATAS, KAUTUSAN, PROKLAMASYON NG WIKANG PAMBANSA

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263 (Abril 1, 1940) – Pagpapalimbag ng “A


Tagalog English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Ang pagtuturo ng wikang
pambansa - TAGALOG sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.

BATAS NG KOMONWELT BLG. 570 (Hulyo 4, 1946) – Ipinahayag na isa sa wikang opisyal
ang wikang pambansang TAGALOG.

PROKLAMASYON BLG. 12 (Marso 26, 1954) – Ipinalabas noon ni Pang. Ramon Magsaysay
ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 (kapanganakan ni Francisco
Balagtas).

1
PROKLAMASYON BLG. 186 (1955) – Inilahad ng paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 7 (Agosto 13, 1959) – Ipinalabas ni G. Jose E.


Romero na nooy kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa na
PILIPINO.

SALIGANG-BATAS NG 1987, ARTIKULO XIV, SEKSYON 6 – Ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay FILIPINO.

CHED (Commission on Higher Education) MEMORANDUM BLG. 59 (1996) –


Nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o pamantasan.

PROKLAMASYON BLG. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Valdez Ramos
na nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang FILIPINO.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang
pambansa. - F11PN – If – 87

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga ibinigay
na pagpipilian. Isulat ang titik sa patlang.

1. Anong kautusan ang tagapagpaganap na nag-aatas na tawagin ang wikang


pambansa na Pilipino?
a. BLG. 7 Agosto 19, 1959 b. BLG. 7 Agosto 13, 1959 k.BLG. 7 Agosto 31, 1959
2. Aling saligang-batas ang nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino?
a. Artikulo XVI, Sekyon 96 b. Artikulo XIV, Sekyon 6 k. Artikulo XI, Sekyon 6
3. Sa aling Kautusang Tagapagpaganap nailahad ang pagtuturo ng wikang pambansa – ang
Tagalog,
a. BLG. 263 Abril 1, 1940 b. BLG. 7 Agosto 13, 1959 k. BLG. 236 Abril 1, 1940
4. Anong Proklamasyon ang ipinalabas ni dating Pang. Ramon Magsaysay na ang
pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4?
a. BLG. 1041 (1997) b. BLG. 186 (1955) k. BLG. 12 Marso 26, 1954
5. Proklamasyon na nilagdaan at ipinalabas ng dating Pangulong Fidel Valdez
Ramos?
a. Blg. 1014 (1997) b. BLG. 186 (1955) k. Blg. 1041 (1997)
6. Ano ang opisyal na wikang pambansa ng ating bansa?
a. Tagalog b. Pilipino k. Filipino
7. Ang Batas Ng Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahahayag na ang
opisyal na wikang pambansa ay .
a. Tagalog b. Pilipino k. Filipino

2
8. Ang Memorandum na nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan ng Filipino
sa kolehiyo o pamantasan.
a. BLG. 59 (1969) b. BLG. 59 (1996) k. BLG. 69 (1969)
9.Itinuturing ang “AMA” wikang pambansa.
a. Manuel L. Quezon b. Francisco Balagtas k. Jose Rizal
10. Ang kapanganakan ng “AMA” wikang pambansa.
a. Agosto 9, 1878 b. Agosto 19, 1878 k. Agosto 29, 1878

Pagsasanay 2
Panuto: Maglahad ng sariling opinyon o pananaw sa mga sumusunod na katangian ng wikang Filipino.

1. WIKA: Isang midyum sa komunikasyon sa pasalita o pasulat

2. WIKA: Nakabatay sa kultura

3. WIKA:Makapangyarihan

4. WIKA:Walang superyor na wika

5. WIKA:May politika

3
Pagsasanay 3

Panuto: Magbigay ng sariling opinyon o pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang


pambansa ng isang bansa gamit ang akronim na FILIPINO na nasa loob ng kahon.

I P

Pagsasanay 4
Panuto: Isulat ang “timeline” ng kasaysayan ng wikang pambansang TAGALOG, PILIPINO at FILIPINO na
nakabatay sa mga ilang batas, kautusan at mga proklamasyon ng wikang pambansa.
Mga Batas, Kautusan at Proklamasyon

Mga taon
FILIPINO

PILIPINO

TAGALOG

Pagsasanay 5

Pagsasanay 5

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang diyalogo. Isulat sa Venn Diagram ang iyong sariling
opinyon o pananaw sa naging pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang diyalogo sa paggamit ng wikang
pambansa.

4
Unang Diyalogo
MARCUS : Lodi!!! Kmusta n?
SEBASTIAN : hah! Lodi, wrong send ka ata!?
MARCUS : slr lodi d qoh nasagot col mo knina ksam si mudra s bayan kme..hahaha di aqoh
x send lodi kita!! LODI, bliktaran mo basa sa IDOL iba?! hahaha slr?! Oo nga
SEBASTIAN : ne. IDOL nga!! Asan ka nyan? Natapos mo na ba yun takdang-aralin natin sa
Filipino?
MARCUS : sori l8 rply (slr) ahaha. D pa nga e, kw ba? Arat!! bola na lang tau.. Natapos ko
SEBASTIAN : na kagabi pa, kaya heto gumagawa ako ng takdang-aralin naman sa
Matematika.
MARCUS : huwaaww!! petmalu ka talga.!! kainet pa d2 alang werpa d2 sa min lodi hahaha.
SEBASTIAN : Werpa?! Haha Power?!!Mamayang hapon na lan tayo maglaro ng bola, tapusin
ko lan ito.
MARCUS : un ohh yup, kuryente sige lodi mya na lan..g, chat na ln.
SEBASTIAN : Sige sige. LODI!! Hahaha gtg,
MARCUS : ngats!! C u l8r lodi..

Pangalawang Diyalogo

>>>KABANDILANG BALITA!!!! (Musika..)


….. MULA SA NEWROOM NG W-I-K-A SAIS- SYETE- NWEBE-BENTE
NARITO ANG NAGBABAGANG KABANDILANG BALITA SA UMAGA
ITO IISANG BANDILA IISANG BALITA
NARITO NA ANG
MapagpalangKABANDILA
umaga Pilipinas!! Magandang
MARIA : umaga mga Kabandila!!
SEGUNDO : Ika-23, buwan ng Agosto, Ako si Maria Ramos At
MARIA : Ako si Segundo Primero..para sa KABANDILANG
SEGUNDO : BALITA!!!
MARIA at SEGUNDO: Sa ulo ng mga hitik at mga nagbabagang kabandilang balita
SEGUNDO : WIKA!!! isang midyum sa komunikasyon pasalita man o
MARIA : pasulat….
SEGUNDO : WIKA!!! ay may politika at makapangyarihan…
Musika….

Venn Diagram

5
Pangwakas/Repleksyon

Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, paano mo naipapakita ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa
iyong pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sanggunian

Jocson, M. O. “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. VIBAL Group DepEd- BLR
http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/order/2013/DO_s2013_034.pdf
https://www.academia.edu/28281471/Komunikasyon_at_Pananaliksik_sa_Wika_at_Kulturan g_Pilipino
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/ http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan

6
7

You might also like