Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pitong Araw ng buhay pisay ni mikay

BATING PANIMULA:

Kumusta mga kaibigan! Ako si Mikay at malugod kong inaanyayahan kayo sa aking espesyal na video
project na pinamagatang "Pitong Araw ng Buhay Pisay ni Mikay". Handa na ba kayo na sumama sa
akin sa isang kakaibang paglalakbay?

Sa bawat araw na lumilipas, natututo ako na maging matatag at maging totoo sa aking mga
pangarap. Ang bawat karanasan ay nagbibigay sa akin ng bagong perspektiba at nagpapalakas ng
aking pagkatao.

LUNES:

Isang mainit na umaga ang bumungad sa akin nitong Lunes. Bilang isang mag-aaral sa Philippine
Science High School, hindi maiiwasan ang mga hamon na kailangang harapin araw-araw.

Ngunit ang pinakamalaking hamon na aking kinaharap ngayong araw ay ang graded quiz sa English.

Nagsimula nakong umakyat papuntang 2nd floor ng ACad building papuntang Faculty room. Kumatok
muna ako at bumati sa mga guro bago tuluyang pumasok. Saka akoy dumeretso sa mesa ni Ginang
Perillo, ang aming guro sa Ingles. Nag intay muna ako sapagkat nag print pa si Ginang ng ibibigay
saakin, kaya nag video muna ako. Mabilis akong nakatapos at nagpasalamat kay Ginang.

Lumayas agad ako at bumaba papunta sa aming silid aralan. Humiram ako ng piano ng aking kaklase
upang makapag ensayo para sa isang proyekto sa Music. Kinuhaan ko rin ng video ang aking kaklase
na tinutugtog ang golden hour by JVKE , ang galing nya! Pagkatapos nito ay bumalik nako ng
dormitoryo.

MARTES:

Pangalawang araw na! Martes ng umaga, pagkatapos ko kumain natakam ako sa umiinom ng Taho
kaya nagpasya akong bumili rin. Bente pesos lang isa, sobrang sarap niya at mabait rin si kuyang
nagtitinda.

Nang dumating ang hapon, pinatawag kami ni ng aming School Nurse upang pumunta sa bayan
sapagkat kinailangan konh bumili ng aking mga gamot. Sumakay ako sa Estrada na kotse na may
tatak ng Pisay Mrc papuntang bayan. Pumunta kaming Mercury drug at RHU ngunit hindi ko na
nakunan ng video sapagkat puno ang aking mga kamay. Pagkatapos nun ay bumalik na rin ako ng
Campus.

MIYERKULES:
Miyerkules ng umaga ako ay papunta ng canteen upang kumain ng almusal. Kita nyo Diba
nakakapagod maglakad!

Oh slay, ganda check! Joke lang! Pagkatapos ay dumeretso nako sa classroom at nagsimula na ang
klase. Nang magpahapon na meorn sana kaming bakanteng oras ngunit kinuha ito ni sir Benson!
Yaayy math! Nung akala ko wala ng klase, uuwi na sana ako pero may Batch review pa Pala kami para
sa Math long test 1,huhu.

Nang matapos na talaga ang lahat ng klase naisipan ko na mag praktis muli ako para sa proyekto
namin sa musiko.

HUWEBES:

Ikatlong araw na mga ka buhay! Pinaka hihintay kong araw sapagkat CHEAT DAYY! Ngunit mayroon
rin kaming Long Test 1. Kaya naman nag review muna ako sa Math sapagkat takot akong bumagsak.
Nang matapos ang exams, kumain ako ng masarap na Cheat day na pagkain para baka sakaling
mapasaya ang natataranta kong Utak. Pagkatapos ay pumunta ako sa library upang tingnan ang mga
sinagutan ko sa Long test kung tama ba o hindi. Pero hindi na rin ako nakapagtagal sapagkat niyaya
ako ng kaklase ko upang magpatulong sa guro namin sa math tungkol sa Polynomials kung saan
naguguluhan kami. Nang napagod na ang aking Utak pinagpasya ko nang umuwi at matulog na sa
aking malambot na kama.

BIYERNES:

Sa wakas, huling araw na ng pag aaral ngayong linggo!

Konti lang ang aming klase ngayon kaya naga pag picture pako sa banyo. Nang dumating ang hapon,
ang Ala club ko naman na speechcraft ang aking pinuntahan na hindi ko nakuhaaan ng video ngunit
litrato lamang.

Pagkatapos ay pumunta ako sa library upang magbasa ngunit may pelikula Pala silang pinapanood
kaya nanood na lamang ako. Ngunit hindi ko na ito natapos sapagkat akoy inantok na kaya akoy
bumalik na ng dormitoryo at namahinga.

SABADO:

Unang araw ng pahinga!


Maaga akong nagising sapagkat may maingay sa dormitoryo, kaya naman naligo agad ako at
dumeretso na papuntang kantina. Pagkatapos naming kumain lumabas kami at bumaba sa may gate
upang samahang bumili ang aking kaibigan. At sa aming pagbili nakahanap kami ng laruan na bilyaran
na bente pesos lamang. Pansamantala namin itong naging libangan ngunit nagkawalaan ang mga Bola
kaya bumalik nalamang ako nang dormitoryo. Wala nakong ginawa noong araw na yoon kundi matulog
at mag selpon.

LINGGO:

Ang bills! Linggo na agad! Sisimba dapat ako ngunit naubusan nako ng pera pampamasahe. Kaya nag laro na
lamang ako ng table tennis. Ngunit hindi ako maalam kaya nagpaturo ako sa kaklase kong si Von. Limang oras
akong naglaro at natuto rin ako. Napagod narin ang aking braso kaya akoy umuwi na pabalik ng dorm at
diretsong tulog na ng mahimbing.

BATING PANGWAKAS

Maraming salamat sa inyong suporta at pagtutok sa aking video project na "Pitong Araw ng Buhay
Pisay ni Mikay". Sana'y na-enjoy ninyo ang aking paglalakbay at naging inspirasyon ito sa inyo.
BYEEE!!

You might also like