Lathalain

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Lathalain

Ang lathalain, katulad ng isang balita, ay hindi lamang isinulat upang magbatid, kundi lalo pa
pinapalawak ang balita impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan. Ito ay nagdaragdag
at nag papatingkad ng kulay at buhay sa pahayagan.

Ang lathalain ay isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari batay sa


karanasan, pagmamasaid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam, at sinusulat sa isang kawili wiling
pamamaraan.

Mga katangian ang lathalain

• May Kalayaan sa paksa


• Walang tiyak ang haba
• Laging batay sa katotohanan
• Maaring pormal o di pormal
• Maaring gamitan ng panguri, tayutay, dayalogo, katutubong kulay at idiomatikong pahayag
• Maaring sulatin sa una, ikalawa, o pangatlong panauhan

Mga uri ng Lathalain

1. Lathalaing pabalita – ito ay batay sa napapanahong pangyayari o balita.


2. Lathalaing nagpapabatid – ang binibigyang diin dito ay ang impormasyon at ang sangkap ng
pangkatauhang kawilihan ay pangalawa lamang. Ang mga ilan sa nabibilang dito ay tungkol sa
mga batang lansangan, kawalan ng trabaho, at napapanahong isyu.
3. Lathalaing paano – ang layunin naman nito ay ilahad ang proseso o kung paano ginagawa ang
isang produkto o serbisyo.
4. Lathalaing pangkatauhang dagli – ito ay isang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang
mga naging karanasan sa buhay, ang kanilang ugali, at kanilang paniniwala na siyang naging
dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.
5. Lathalaing may makataong kawilihan – ito ay kinagigiliwan basahin dahil sa taglay nitong kawili-
wiling istilo na pumupukaw sa emosyon ng mambabasa.
6. Lathalaing pansariling karanasan – ito ay tumatalakay sa mga di karaniwang karanasan ng tao.
7. Lathalaing Pang aliw – layunin nitong libangin ang mambabasa sa kakaiba, hindi lamang sa
paksa, kundi sa istilo ng pagkakasulat at sa uri ng mga pananalitang ginamit.
8. Lathalaing pangkasaysayan – tinatalakay dito ang mga kasaysayan ng tao, lugar, o bagay.
9. Lathalaing pakikipanayam – tLumatalakay sa opinion damdamin o kaisipan.
10. Lathalaing di pangkaraniwan – ito ay tumatalakay sa mga bagay na paranormal at di kapani
paniwala tulad ng mga paksa tungkol sa engkanto, duwende at madami pang iba.
11. Lathalaing pang agham – tumatalakay sa paksang pag agham.
12. Lathalaing pang isports – nahihingil ito sa mga paksang pampalakasan.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng lathalain:

• Pumili ng paksang meron kang kabatiran


• Gumamit ng makabagong pamatnubay na angkop sa bilang panimula.
• Gumamit ng malinaw na paglalarawan o paglalahad.
• Gumamit ng mga payak na salita at gawing maikli ang talata.
• Iwasan ang pagiging masalita
• Magbigay ng mga halimbawa upang maging kapani paniwala.

Mga dapat iwasan sa pagsulat ng lathalain:

• Maligoy
• Masalita
• Paggamit ng malalalim na salita
• Sobrang haba ng pangungusap
• Sabog sa ayos ang mga ideya

You might also like