Post Test in Ap10 3RD Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

Pangalan: _______________________ Seksiyon:_____________


Pangwakas na Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10 – Ikatlong Markahan
Mga Kontemporaryong Isyu

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat
bilang.
1. Sila ang mga tao na nakararamdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanilang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.
A. Bisexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender
2. Ito ay anomang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayono naging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
3. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng tao.
A. Sex B. Gender C. Feminine D. Masculine
4. Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Ano ang tawag sa oryentasyong seksuwal na kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng atraksyon sa
dalawang kasarian?
A. Asexual B. Bisexual C. Heterosexual D. Homosexual
_____5. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing
layunin nito?
a. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
b. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay- pantay ng mga LGBT.
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
_____6. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?
a. Sex Orientation and Gender Identity and Expression.
b. Same sex Orientation and Gender Identity Expression.
c. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression.
d. Sexual Orientation and Gender Identification Expression.
_____7. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal,
seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa
kanya, o kasariang higit sa isa:
a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation
_____8. Ito ay malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation
_____9. Ito ay mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
a. Asexual b. Bisexual c. Homosexual d. Heterosexual
_____10. Ano ang gender roles?
a. Kamulatang pangkasarian
b. Pagkakaiba sa pagitan ng babae at lalaki
c. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma o angkop sa lipunan
d. Tumutukoy sa tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang responsibilidad na kailangang gampanan ng
bawat isa

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

_____11. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya itong may kasamang
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa
b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan
_____12. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing
layunin nito?
a. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
b. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
c. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay makasal
_____13. Isa sa mga pangkulturang pangkat ng New Guinea na kung saan kilala rin sila sa tawag na biwat. Ang
mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng New Guinea?
a. Arapesh b. Chambri c. Tchambuli d. Mundugamur
_____14. Ang FGM ay nangangahulugang:
a. Fatal Genital Mutilation c. Female Genital Mutilation
b. Fetus Genital Mutilation d. Female Genitics Mutigation
_____15. May panahon sa bansang ito na kung saan hindi pinapayagang magmaneho ang mga babae na walang
pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid), ngunit natamasa nila ang karapatang ito noong
2018.
a. Egypt b. Syria c. Africa d Saudi Arabia
_____16. . Ang breast ironing o breast flattening ay isang uri ng karahasan laban sa mga batang babae sa
Cameroon. Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang nakakapinsalang kasanayan ng pagyupi
ng suso sa sumusunod na bansa maliban sa ____.
A. Benin B. Kenya C. Zimbabwe D. Uganda
_____17.. Itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women
upang ________________.
A. mapalaganap ang kaalaman tungkol sa karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito matatanggal o
malilimitahan
B. maalala ang kabutihan ng mga babae
C. malaman ang kagandahan ng mga babae
D. makilala ang mga nagawa ng mga kababaihan
_____18. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng mga batang kababaihan
nang walang anumang benepisyong medikal. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa Africa at Kanlurang Asya?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala.
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan.
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

_____19. Ang breast ironing o breast flattening ay isang tradisyonal na kaugalian ng sapilitang pagyupi o pagbayo
sa suso ng mga batang babae gamit ang mga maiinit na bagay upang mapigilan ang pagbuo nito. Alin sa mga
sumusunod ang hindi malinaw na dahilan kung bakit ito ginagawa?
A. upang maiwasan ang mga sakit C. upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral
B. upang maiwasan ang pagkagahasa D. upang maiwasan ang maagang pagbubuntis
_____20. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa
daigdig. Ang kaugaliang foot binding noon sa China ay naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Pinaniniwalaan na ang pagkakaroon ng “lotus feet” ay nangangahulugan ng __________ maliban sa isa.
A. simbolo ng ganda C. karapat-dapat sa pagpapakasal
B. simbolo ng yaman D. karapat-dapat sa marangyang pamumuhay
_____21. Sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang
maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
A. Burga B. Purdah C. Niqab D. Malong
_____22. Ang karahasan na nakabatay sa kasarian ay isang karahasan na nakadirekta laban sa isang tao dahil sa
kanilang kasarian. Parehong kababaihan at kalalakihan ang maaring maging biktima. ngunit ang karamihan sa
mga biktima ay kababaihan at babae. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad at nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
C. Madalas sinasabi na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o alagang hayop.
_____23. Ang GABRIELA ay isang pambansang alyansa ng samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas, na
lumalaban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan. Pokus ng kampanya ay tinaguriang “Seven
Deadly Sins Against Women”. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama rito?
A. Pambubugbog B. Pagnanakaw C. Panggagahasa D. Pananakit
_____24. Ang sumusunod ay nagpapakita ng karahasan sa lahat ng kasarian. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng
“domestic violence”?
A. Patuloy na tinatanggihan ang mga saloobin, ideya at opinyon.
B. Nagmumura kapag nakainom ng alak o gumagamit ng droga.
C. Nagsasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender.
D. Nananakit o nambubugbog ng asawa dahil sa selos.
_____25. Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Aling bansa ang nagpapahayaag nito?
A. India B. China C. Uganda D. Saudi Arabia
_____26. Taon na tinanggal ang sistemang foot binding sa China ay panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen
dahil sa hindi mabuting dulot ng tradisyong ito?
A. 1911 B. 1912 C. 1913 D. 1914
_____27. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. diskriminasyon C. pagsasamantala D. pananakit
_____28. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap
sa kanya. Sa pag-aalala mong iiwan ka niya, tinanong mo siya kong ano ang kailangan upang mapatunayan mong
hindi ka niya iiwan. Tinitigan ka niya at tinanong, kung talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang sarili
mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo?

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

A. Magtatanong o kokonsulta sa guidance counselor.


B. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi pa handa sa nais niya.
C. Isusumbong ko siya sa kanyang mga magulang.
D. Kakausapin siya at sasabihing hindi ka pa handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
_____29. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa
sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang
tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal. Ano ang tawag sa pinaliit na paa ng mga sinaunang
kababaihan sa China.
A. FGM B. Sharo C. Lotus Feet D. Sunna
_____30. Si Raul ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod at may awtoridad sa pamilya. Anong uri ng
diskriminasyon ang ipinapahayag dito?
A. edad B. kasarian C. kulay ng balat D. lahi
_____31. Nasa 29 na eksperto sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan (sexual orientation at
gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia.
Kailan naganap ang pagbuo ng Yogyakarta Principles?
a. ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 c. ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2007
b. ika-6 hanggang ika-9 ng Disyembre, 2006 d. ika-6 hanggang ika-9 ng Disyembre, 2007
_____32. Ang 29 na Yogyakarta Principles ay nakaayon sa___________________.
a. Local Government Code c. Republic Act 9710
b. Universal Declaration of Human Rights d. Lahat ng nabanggit
_____33. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural,
pangekonomiya, panlipunan at pampamilya.
a. UDHR b. CEDAW c. GABRIELA d. WRMP
_____34. Kailan unang ipinatupad ang CEDAW?
a. Hulyo 15, 1980 b. Setyembre 3, 1980 c. Setyembre 3, 1981 d. Agosto 5, 1981
_____35. Ang sumusunod ay mga hangarin ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan maliban sa
isa.
a. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak
b. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaabuso sa kababaihan, anomang layunin ng mga ito
c. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa
kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin
d. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado
na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
_____36. Ano ang mabuting epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
a. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at dipagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae,
at may tungkulin ang estado na solusyunan ito
b. Kinikilala ng Pilipinas ang papel ng iba’t ibang organisasyon na nagtataguyod sa kapakanan ng tao anoman ang
kasarian nito
c. Kinikilala ng Pilipinas na bumababa na ang kaso ng diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan
ng kababaihan dahil sa mga programa ng pamahalaan
d. Kinikilala ng Pilipinas na bahagyang bumababa na ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng babae, at may tungkulin pa rin ang estado na solusyonan ito

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

_____37. Bilang State party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyonan ito. May tungkulin ang
State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang HINDI
inaasahang tungkulin ng isang state party?
a. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
b. Nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima ng karahasan
c. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang
mga tungkulin sa kasunduan.
d. Wala sa nabanggit.
_____38. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng Magna Carta of Women?
a. Si Mila na isang Badjao c. Mga babaeng dayuhan na bumisita sa Pilipinas
b. Si Ariesha na isang dalagang Muslim d. Si Aling Corazon na walang pinag-aralan
_____39. Sino-sino ang tinatawag na “marginalized women”?
a. Negosyanteng kababaihan c. Kababaihan na maluho sa buhay
b. Mga maralitang tagalungsod d. Kababaihan na nasa politika
_____40.Sino-sino ang tinatawag na “women in especially difficult circumtances” sa sumusunod MALIBAN sa isa?
a. Si Matilda na isang prostitute
b. Mga batang babae na naiipit sa sigalot
c. Si Malou na laging binubugbog ng kanyang asawa
d. Si Madonna na isang pulis at ipinaglalaban ang karapatan ng mga babaeng biktima ng illegal recruitment.
_____41.Saan sa Pilipinas karaniwang may diskriminasyon?
a. sa reproductive health b. sa politika c. sa trabaho d. lahat ng nabanggit
_____42.Saklaw ng Magna Carta of Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan.
“Marginalized Women,” at “Women in Especially Difficult Circumstances.” Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa
women in especially difficult circumstances?
a. Maralitang tagalungsod c. Magsasaka at manggagawa sa bukid
b. Kababaihang Moro at katutubo d. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
______43.Ang sumusunod ay batas na nagsusulong higit para sa kapakanan ng kababaihan. Alin ang HINDI
kabilang?
a. Magna Carta of Women b. Yogyakarta Principles c. VAWC d. CEDAW
_____44.Ang mga batas tulad ng Anti-Violence Against Women at Magna Carta of Women ay makakatulong
upang_________________________.
a. Upang sumigla ang kalakalan sa ating bansa
b. Upang maitaguyod ang lahat ng ninanais gawin ng isang tao
c. Upang magkaroon ng magandang oportunidad sa trabaho ang lahat anoman ang kasarian nito
d. Upang maitaguyod ang pagtanggap, paggalang at pagkakapantaypantay ng tao bilang isang kasapi ng
pamayanan
______45.Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng mga
kababaihan na tinagurian Seven Deadly Sins Against Women. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women?
a. Pambubugbog c. Sexual Harrassment
b. Pangangaliwa ng asawang lalaki d. Sex Trafficking

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

_____46. Ang UN Women ay nagkaroon ng pinag-isang kampanya para sa pagkakapantaypantay ng kasarian. Ano
ito?
a. HeForShe.org b. SOGIE Bill c. Human Rights d. Gender Equality
_____47. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “Both men and women should feel free to be sensitive. Both
men and women should feel free to be strong. It is time that we all perceive gender on a spectrum, instead
of two sets of opposing ideal.” –Emma Watson
a. Ang kababaihan ay higit na sensitibo kumpara sa kalalakihan
b. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan
c. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay at magkasundong pananaw tungkol sa kasarian
d. Ang kababaihan ay dapat bigyan ng higit na karapatan kumpara sa kalalakihan dahil sila ang kalimitang
nakararanas ng diskriminasyon
_____48. Si Andrew ay kabilang sa LGBT community. Siya ay mahilig magsuot ng damit pambabae sa tuwing siya
ay nagpupunta ng mall dahil ito ay naaayon sa kaniyang damdamin ngunit din dahil dito ay madalas siyang
kutyahin ng ilang tao sa kanilang lugar. Anong panukalang batas ang maaaring makatulong kay Andrew upang
maiwasan na ang ganitong uri ng pangyayari?
a. Human Rights b. SOGIE Bill c. HeForShe.org d. Gender Equality
_____49. Bakit kinakailangang magkaroon nang pantay-pantay na karapatan ang lahat ng tao kahit ano pa ang
kanilang kasarian?
a. Dahil lahat ng tao, anoman ang kasarian ay mabubuti
b. Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad
c. Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa
d. Dahil ang lahat, anoman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan
_____50. Si Roy ay miyembro ng isang organisasyong lumalaban at naglalayong mabigyang ng patas na
pagkakataon at pagtingin ang lahat ng tao, sila man ay babae, lalaki o LGBT. Ano ang ipinaglalaban ni Roy?
a. Gender Sensitivity b. Feminism c. Gender Equality d. Sexualism

Inihanda Ni: Pinagtibay Ni:

RACHELLE S. PEREZ,LPT JEREMIAS S. BELTRAN, PhD


Guro I/Guro sa AP 10 Ulong Guro I

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

POST TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10


IKATLONG MARKAHAN
TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
TAONG PANURUAN 2022-2023

BILANG NG AYTEM

ITEM PLACEMENT
UNDERSTANDING
%

APPLICATION
KNOWLEDGE
KASANAYAN SA PAGKATUTO
LESSON (MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES)

*Natatalakay ang mga uri ng


kasarian (gender) at sex at
Konsepto ng Kasarian 15 10 5 1-15 30%
gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig
Nasusuri ang diskriminasyon at
Diskriminasyon sa mga diskriminasyon sa kababaihan,
10 8 2 16-25 20%
Lalaki, Babae at LGBT kalalakihan at LGBT (Lesbian ,
Gay, Bi – sexual , Transgender)
*Napahahalagahan ang tugon ng
Tugon sa mga Isyu sa pamahalaan at mamamayan
20 5 5 10 26-45 40%
Kasarian at Lipunan Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon
Nakagagawa ng hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at
Mga Hakbang Hinggil sa paggalang sa kasarian na
Pagtanggap at Paggalang nagtataguyod Ng 5 5 46-50 10%
sa Kasarian pagkakapantaypantay
ng tao bilang kasapi ng
pamayanan
KABUUAN 50 23 12 15 100%

Inihanda Ni: Binigyang-Pansin Ni: Pinagtibay Ni:

RACHELLE S. PEREZ,TI CRISTINA B. MOSTAJO JEREMIAS S. BELTRAN, PhD


Guro sa AP 10 Guro III Ulong Guro I

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim nasugbu batangas

ANSWER KEY

1. d 26. a
2.b 27. b
3. a 28. d
4. b 29. c
5. c 30. b
6. c 31. a
7. d 32. b
8. b 33. b
9. d 34. c
10. d 35. a
11. d 36. a
12. b 37. b
13. d 38. c
14. c 39. b
15. a 40. d
16. d 41. d
17. a 42.d
18. d 43.b
19. a 44.d
20. d 45. b
21. b 46.a
22. a 47.c
23. b 48.b
24. b 49.d
25. c 50.c

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”


Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231

 : 0999-456-8118

 : tumalim_nhs@yahoo.com

You might also like