Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Posisyong Papel

Same-sex Marriage: Dapat nga bang ipatupad?

Ang same-sex marriage ay isang ilegal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi


lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas. Isa ito sa mga isyung panlipunan na
dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang legalisasyon nito sa mga karatig
na lugar.
Kaya naman, ang pagnanais ng LGBTQ Community na makilala ang indibidwal at sosyal na
karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-sex Marriage na
siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan. Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang
halaga at paggalang ang karapatan ng mga “homoseksuwal” sa bansa kaya malaya ang lahat
ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community) na maipahayag ang
kagustuhang ipatupad na sa bansa ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na
maisulong ang Same-sex Marriage ay ibang usapan na; maaaring magdudulot ito ng malaking
dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan ng isang tradisyonal na pamilya.
Ang same-sex marriage sa Pilipinas ay hindi dapat gawing legal dahil sa tatlong kadahilanan.
Una, Law of God na nagsasabing ang pagpapakasal ay sa pagitan ng lalaki at babae lamang.
Ang mga iba’t-ibang relihiyon katulad ng Roman Catholicism, Iglesia Ni Cristo, Islam,
Dayawism at iba pa ay tumututol sa nasabing isyu sapagkat hindi katanggap-tanggap sa
Panginoon ang nasabing pagpapakasal. Pangalawa, Law of Nature na kung saan ang
katotohanan ng pagpapakasal ay sa pagitan lamang ng lalaki at babae. Pangatlo, Law of Man
na nasasakop nito ang Family Code of the Philippines, pito mula sa pulo ang tumututol sa
Same-sex Marriage. Ang pope o imam, Pangulong Rodrigo Duterte at gobyerno mismo ay isa
sa mga tumutol sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage sa Pilipinas. Ang mga nakakatanda
ay dapat maging isang modelo ng mga kabataan. Paano na kaya sususunod ang mga kabataan
sa mga banal na kasulatan ng Panginoon na nagtuturo ng kabutihan kung mismo ang mga
nakatatanda ang sumasalungat nito? Kaya, ang mga Filipino ay dapat magbukas ng puso’t
isipan para sa kinabukasan ng kabataan at ng bansang Pilipinas.
Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa bansa.
Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa
bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi
nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang same-sex marriage. Ayon kay
Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay
angkop lamang sa mga Kanluraning bansa.

Sanggunian:

Romero, Alexis. Duterte Against Same-sex Marriage in Philippines.Philstar, (n.d.). Web. 20


March 2017.
Hojilla, Kate Aubrey. Same-sex Marriage and it’s Legal Hindrance in the Philippines. Business
World Online, (n.d.).Web. 15 June 2017.

Metropolitan Community Church Quezon City. Holy Union. MCCQC, (n.d.). Web. 11 August
2017.

Abbey, Ruth. Duterte Opposes Same-sex Marriag. Sunstar, (n.d.). Web. 20 March 2017.

You might also like