Camelia T

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Camelia T.

Canaman – ABM 12

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA DIBORSYO

Ang Diborsyo ay ang pagpapawalang bisa ng sibil na


pagpapakasal at mga legal na kasuduan ng magasawa. Sa
kasalukuyan ang Pilipinas at Vatican na lang ang lugar
kung saan illegal parin ang diborsyo. Hanggang ngayon
patuloy pa rin ang debate kung dapat bang gawing legal
ang diborsyo o hindi. Ayon sa survey noong March 10.2018
halos 53% ng Pilipino ang sumasang ayon sa pagpapatupad
ng diborsyo sa ating bansa, sa mga kadahilanan na ang mga
magaasawa ay hindi na nagkakasundo, may nangangalunya,
may emosyonal at pisikal na pangaabuso at nagsasawa o
nawalan na ng pagmamahal sa kinakasama. Ngunit
diborsyo ba ang pinaka mainam na solusyon?
Yes, Father I do! magasawang nangako na magsasama
habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalakasan, sa
saya at kalungkutan, ngunit ngayon ay maaari ng wakasan
kung mapatupad ang diborsyo sa ating bayan. Sa kabila ng
mga pinagsamahan at nalagpasan na problema ng dalawang
indibidwal na nasa isang relasyon ay diborsyo ba ang
tatapos sa kanilang nasimulan?
Para sakin hindi opsyon ang Diborsyo, makikita natin sa
bibliya sa Mateo 19:6 “Ang pinagsama ng Diyos, ay huwag
papaghiwalayin ng tao” diyan ay mali na agad ang diborsyo
sapagkat labag ito sa batas ng Diyos. Ang Diborsyo ay
maaaring maging dahilan lalo, para sa bawat may asawa na
gumawa ng mali dahil madali nalang makipaghiwalay sa
kinakasama at magiging dahilan pa ito upang matukso sa
mga bagay na maaaring makasira sa kanilang pamilya.
Hindi rin solusyon ang diborsyo, para lang iwasan ang sakit
na nararamdam, hindi porket nahihirapan, ay dapat ng
lumisan. Isipin niyo muna ang lahat niyong pinagsamahan
bago kayo magsawaan. Ang lahat ng nangyayari o
problemang dumadaan sa buhay magasawa ay pagsubok
lamang ng Maykapal upang pagtibayin ang pagsasama,
Kailangan lang harapin ng buong pamilya para malagpasan,
palawakin ang isip sa lahat ng bagay, alisin sa solusyon ang
paghihiwalay. Bilang isang anak, ay masasabi ko na wala ng
mas sasaya sa batang may buong pamilya kaya hanggat
maaari ay ipaglaban ang pagsasamahan alang ala sa
pagiibigan niyong sinimulan at para rin sa anak na inyong
minamahal.
Bago magpasya na magasawa, pag isipan munang mabuti
kung handa na ba talaga, kung siya na ba talaga, para
huwag magsisi sa huli. Isentro ang Diyos sa inyong
relasyon, para kayo ay magabayan sa inyong mga desisyon.

You might also like