Banghay Aralin Sa Filipino 10 - Aralin 1 - Ikatlong Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


TAKDANG PANAHON: 1 oras

I. LAYUNIN
A. Naibabahagi ang mga konsepto at ideyang nalalaman sa tulong ng mga larawan.
B. Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
C. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng
akda, kilos, gawi, at desisyong ng tauhan.
D. Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensiya nito sa sarili
at kamag-aral.
E. Napangangatwiranan ang sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng pagtatalo.
F. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
G. Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Aprika at
Persiya.
H. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Akdang Pampanitikan mula sa Aprika at Persiya
B. Sanggunian: Punla: Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El Filibusterismo
pp. 136-148
C. Kagamitang Panturo: Powerpoint Presentation
D. Pokus ng Kasanayan: Pagbasa ng may Pang-unawa, Pagsuri sa kultura ng ibang
lahi
E. Values Integration: Maka-diyos, Pagmamahal sa kapwa-tao, Katatagan at
Kasipagan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin at pagbati
b. Pagtala sa mga lumiban sa klase
c. Balik-aral
B. Pagganyak
Panuto: Ano ang nakikita mo sa larawan? Sumulat ka ng isang talata kung paano
mo mapaguugnay-ugnay ang nakitang mga larawan.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
C. Paglalahad
 Pagtalakay sa Etimolohiya.
Mahalaga sa isang salita na malaman hindi lamang ang kahulugan nito kundi pati ang
pinagmulan. Ito ay tinatawag na etimolohiya.
Ang salitang etimolohiya ay galing sa salitang Griyego na etymon, na
nangangahulugang ‘ang natatanging tunay na kahulugan ng isang salita’. Ang totoo, ang
orihinal na kahulugan ng salita ay madalas na naiiba mula sa kanyang napapanahong
depinisyon.
Halimbawa: Ang salitang salaray (suweldo) sa wikang Ingles ay nangangahulugan ng
fixed compensation for services. Subalit ang etimolohiya o pinagmulan nitong kung
babalikan 2,000 taon ang nakararaan ay sal, mula sa salitang Latin na salt o asin. Maari nga ba
namang pag-ugnayin ang asin at ang suweldo?

Salita Salita sa Wikang Pinagmulan Kahulugan


Ingles (etimolohiya)
1. balat skin Old Norse ‘skinn’ Panakip sa kalamnan
ng katawan ng tao o
hayop; isang uri ng
marka sa katawan ng
tao.
2. ahas snake Old English ‘snaca’ Isang uri ng
Proto-Germanic reptilyang hayop na
‘snakon’ walang mga paa.
Proto-Indo-European
‘snag-‘ or ‘sneg-‘
meaning ‘to crawl’
or ‘creeping thing’
3. paruparo Butterfly Old English Isang lumilipad na
‘buttorfleoge’ insekto sa orden na
Lepidoptera.
4. uod Worm Old English wurm, Maliliit at pahabang
variant of wyrm parasito na
"serpent, snake, gumagapang at
dragon, reptile" karaniwang nakikíta
sa mga dahon ng
halaman o madumi at
nabubulok na bagay
5. isda Fish Old English fiscian Mabuto at makaliskis
"to fish, to catch or na hayop na
try to catch fish" lumalangoy sa tubig
gamit ang buntot at
palikpik

 Pagtalakay sa mga Elemento ng Mito

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
Ang mito ay hango sa mga kuwentong ang kadalasang pinapaksa ay relihiyon o
paniniwala, mga diyos o diyosa, at kung paano nilikha ang daigdig.
Ang mito ay kadalasang nasa anyong panrelihiyon. May anim na pangunahing layunin
ang mito:
1. Maipaliwanag ang natural phenomena.
2. Maipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.
3. Maituro sa tao ang mga pangyayaring pangkasaysayan.
4. Maipaliwanag ang ilang matatandang ugaling panrelihiyon.
5. Maisiwalat ang pangkaraniwang pag-asa at takot ng mga tao.

Elemento ng Mito
Tatlo ang elemento ng Mito:
1. Tauhan- diyos o diyosa; makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga
tauhan; may taglay na kapangyarihan; at lahat ay magagawa.
2. Tagpuan- salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong; may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan
atbp.; nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan; nalalaman
kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilag ninuno at maiuugnay ngayon at
pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan
3. Banghay- pagkakasunod-sunod ng kaganapan at pangyayari; masususuri ang
pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda; naglalahad ng
pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa;
nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang
inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan; naglalahad ng mga
mahahalagang pangyayari sa kuwento.

 Pagtalakay sa Kultura ng Ethiopia at pagbabasa at pasagot sa mga


pamantayang katunungan patungkol sa isang mitong Ethiopian na
pinamagatang ‘Ang Pagbabalat’ na isinalin sa wikang Filipino ni
Felicidad Q. Cuaño.
 Talakayan sa pagsasaling wika.

D. Paglalahat
1. Ano ang Etimolohiya?
2. Bakit mahalagang malaman ang pinagmulan o etimolohiya ng mga salita?
3. Ano-anu ang mga panungahing layunin ng mito?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
4. Paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang mga kuwentong
mitolohiya?

E. Paglalapat
Hatiin ang klase sa tatlo:
PANGKAT 1
Bumasa ng mito na pinag-aralan ninyo noong kayo ay nasa elementarya
o mga unang taon sa hayskul na binibigyang-diin ang tauhan.
Gumawa ng komik strip na may walo o sampung kuwadro o higit pa na
ipinakikita ang kalakasan at angking talion ng pangunahing tauhan na ginagamit
ang tamang pagpapasya/pagtitimbang-timbang ng mga bagay (exercise right
judgement) upang hindi magkamali.
Rubric sa Paggawa ng Komik Strip

PANGKAT 2

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
Ang mito ay kuwento na nagpapaliwanag ukol sa isang particular na
nagpapaliwanag ukol sa isang particular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalajay ng
mga kuwentong mito ang mga diyos o diyosa at nagbibigay ng paliwanag hinggil sa mga likas
na kaganapan.
Magsaliksik ng isang mito ng Persiya. Ibigay ang kaibahan ng mito ng Aprika at
ng Persiya. Tukuyin ang layunin ng bawat isa at mga elementong binibigyang-diin.
Kaibahan ng Mito ng Aprika sa Persiya
APRIKA PERSIYA
1. Layunin 1. Layunin

2. Mga Elementong Binibigyang-diin 2. Mga Elementong Binibigyang-diin

PANGKAT 3
Subuking manuod ng video clip sa internet ng isang mito mula sa Aprika na may
kinalaman sa isang pangyayari na nahahawig sa binasa ninyong mitong ‘Ang Pagbabalat’.
Suriin ang nilalaman ng video clip na iyong napili sa pamammagitan ng
balangkas ng pagsusuri sa ibaba.
Pagsusuri ng Video Clip

Pamagant ng Video
Clip at Pangalan ng
Uploader
URL at Haba ng Video
Pamagat ng Mito na
tampok sa video clip
Pangalan ng mga
Tauhan (Papel na
ginampanan ng bawat
isa)
Suliranin ng Akda
Kilos at Gawi ng bawat
tauhan
Desisyon ng Tauhan

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
IV. PAGTATAYA
PANUTO: Isalin sa wiking Filipino ang sumusunod na pangungusap:
1. Congratulations! You made it.
2. Erase the writings on the blackboard.
3. It’s windy.
4. I like the place.
5. Study hard.
6. Tone down your voice.
7. Do good to your fellowmen.
8. Please throw your waste in the garbage can.
9. She is studying in an exclusive school in Masbate City.
10. I wish you were with me in times of trouble.

V. TAKDANG ARALIN
PANUTO: Basahin ang anekdotang ‘Ang Panghuhusga’ ni Mullah Nassreddin mula
sa Persiya at sagutan ang sumusunod na katanungan sa inyong kwaderno.
1. Anong ang maaring dahilan ni Mullah at ang anak ang pinasakay sa buro sa halip na
siya?
2. Bakit pinulaan ng unang pangkat ang anak ni Mullah? May katotohanan ba ang kanilang
sinasabi tungkol sa bata?
3. Sa sinabi ng uang pangkat, nagpapakita bai to ng pagmamalasakit sa ama?
Pangatwiranan.
4. Bakit hiyang-hiya ang bata sa kanyang narinig? Nangangahulugan ban a may
katotohanan ang sinabi sa kanya ng uang pangkat?
5. Bakit naman pumayag ang ama sa sinabi ng bata na sumakay sa buro?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
Inihanda ni:
GARRY B. MAGALO JR.
Guro sa Filipino

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like