Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Don Alfaro St. Tetuan, Zamboanga City

Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

February 15, 2024 – Huwebes


I- Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naihahambing ang scanning at skimming na pagbasa.
b. Naisasagawa ang scanning at skimming na pagbasa ng teksto.

II- Nilalaman
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa – Scanning at Skimming
b. Sanggunian: De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Pah. 7-8. Manila: Rex Book Store, Inc.
c. Mga Kagamitan: Notebook, Panulat, Laptop, TV/Projector

III- Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati sa klase.
 Pagtsek ng Atendans
 Pagtala ng Liban/Huli sa klase
 Pagpuna sa kaayusan/Kalinisan sa klase

B. Aktibity
 INDIBIDWAL NA GAWAIN
 Magpapaskil ng jumbled letters ang guro sa pisara. Ang mga salitang mabubuo ay
SCANNING at SKIMMING.
 Mga gabay na tanong:
Sa sarili niyong pang-unawa, ano ang ibig sabihin ng Skimming? Ano naman ang
Scanning?
Naranasan niyo rin ba ang ganitong gawain sa pagbabasa?

C. Analisis
 Gamit ang Venn Diagram ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng scanning at
skimming.

SCANNING SKIMMING

 BAGYUHANG-UTAK (BRAINSTORMING)
 Paano nagkakaiba ang scanning sa skimming?
 Kailan maaaring gamitin ang Skimming?
 Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayang ito sa inyo bilang mag-aaral?

D. Abstraksyon
 INDIBIDWAL NA PAGBASA
 Scanning at Skimming
 Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari
ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang
dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
 Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at
talas ng mga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa,
simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makakatulong sa iyo, scanning ang angkop na
paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpukan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.
 Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan
ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang skimming
kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at
pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.

E. Aplikasyon
 Part 1: Isagawa ang scanning, Basahin ang mga tanong bago simulan ang pagbasa ng
seleksiyon. Pagkatapos unawain ang mga tanong, hanapin ang sagot sa seleksiyon
(p.11) sa pamamagitan ng scanning.
Mga Tanong:
1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power Plant?
2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito.
3. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nuclear
power plant?
4. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta
maging sa panahon ng kaniyang administrasyon?Sa

 Part 2, Isagawa ang skimming. Basahin ang seleksiyon (p. 12) sa pamamagitan ng
skimming at ibigay ang buod ng pangunahing ideya nito.

IV- Takdang Aralin


 Pag-aralan at basahin ang kasunod na paksa – Antas ng Pagbasa.

Inihanda ni:
Sandralyn P. Martinez
SST – I

You might also like