Professional Documents
Culture Documents
Filipino q2 Reviewer
Filipino q2 Reviewer
Isulat sa
puwang ang titik ng tamang sagot.
PATALASTAS!
Inaanyayahan ang mga kabataang edad 12-18 na sumali sa Paligsahan sa Paggawa ng
Poster tungkol sa pag-iwas sa COVID-19. Gaganapin ito sa ika-7 ng Disyembre,
Sabado sa ganap na ika-8 ng umaga sa Bulwagang Pambayan.
_____16. Ano ang magaganap sa ika-7 ng Disyembre?
A. Paggawa ng Poster B. Bulwagang Pambayan
C. Mga kabataan edad 12-18 D. Ika-8 ng Marso, Sabado, ika-8 ng umaga
_____17. Isa sa mga bansang nais mong malaman ang lokasyon, laki at lawak ng bansang
Korea. Ano ang dapat mong gamiting sanggunian?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Encyclopedia
_____18. Dalawang beses mo nang napansin na sinasadyang patirin ng kaklase mong si
John ang kaklase mong pinakamaliit. Pinagsabihan mo na siya noong unang
makita mong ginawa niya ito. Humingi siya ng paumanhin at sinabing hindi ito
sinasadya pero nahalata mong hindi siya tapat sa kanyang sinasabi. Ngayon ay
inulit na naman niya ito.
Ano ang mainam na aksiyon ang maari mong gawin sa pangyayaring ito?
A. Hahayaan na lamang upang hindi na masaktan.
B. Tatahimik na lang ako dahil baka ako ang kanyang pagbalingan.
C. Sasabihan ko ang iba ko pang kamag-aral na patirin din namin siya.
D. Isusumbong ko siya sa aking guro upang matigil na siya sa kanyang
ginagawa.
_____19. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-
awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto
nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga
Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang paksa ng talata?
A. Tayo ay tunay na Pilipino.
B. Mahilig umawit ang mga Pilipino.
C. Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
D. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produktong Pilipino.
_____20. Ang ating mga ninuno ay may iba’t ibang awit para sa mga espesyal na
okasyon. May mga awit para sa pagpupuri sa Bathala; awit para sa
panganganak at kasal; awit para sa pagpapatulog ng mga sanggol; at awit para
sa pagdadalamhati.
Tungkol saan ang talata?
A. Awit para sa Kasal B. Iba’t Ibang Awit ng mga Ninuno
C. Awit ng Sanggol D. Iba’t ibang mga Ninuno Natin
_____21. Tinipon nina Levenia at Rissa ang mga luma ngunit maayos pa nilang mga
damit.Nagdala rin sila ng mga pagkain sa mga nasalanta ng bagyo. Anong
katangian ang tinataglay ng magkapatid?
A. pagmamalasakit B. pagsisikap
C. pagpapakitang-tao D. paghanga
Matukoy Mo Kaya?
Naglilinis noon si Katrina ng silid ng nanay niya nang bigla siyang nakakita ng
buklet sa sahig. Hindi niya alam na iyon ay talaarawan ng kanyang nanay. Binuklat niya
at binasa ang nilalaman.
Enero 18—Mapula at namamaga ang mga mata ko. Kusang tumutulo ang luha ko sa
pisngi. Napapaligiran ako ng mga anak ko. Mahina lang silang umiyak. Nasa tabi kami ng
kama ni Niko.
Enero 19—Maraming tao ang nasa bahay namin, mga kaibigan, kapitbahay at
kamag-anak. May gumagawa ng korona at ang iba naman ay naghahanda ng meryenda.
Nagkukuwentuhan kami noon ng Kumareng Loring nang dumating ang malaki at itim na
sasakyan. Hindi ko mapigil ang kalungkutan ko at ako ay nawalan ng malay.
Enero 20—Pumunta ang maraming kapitbahay sa amin upang kami ay aliwin.
Magdamag silang naglaro ng kards nang sa gayon ay maipakita at maipadama sa amin ang
taos-pusong pakikiramay.
Sa lugar ng Malvar, may isang batang ang pangalan ay Jam. Lagi niyang kasama ang
paboritong aso na si Amara. Masayahin siyang bata. Kasama palagi ang aso kahit sa
pagtulog. Bago pumasok, pinapakain at pinaliliguan niya ito. Sinisiguradong maayos ang
lahat. Pag-uwi niya ng bahay, agad na sumasalubong ito sa kaniya. Binuhat niya ito at
saka papasok sa loob ng bahay. Isang umaga, paggising ni Jam laking gulat niya nang
wala si Amara sa kaniyang tabi. Tinanong niya ang magulang kung nakita nila ito.
Hinanap nila sa loob ng bahay pati sa may labasan. Nagtanong-tanong sila sa kapitbahay
pero wala pa rin si Amara. Dumaan ang araw, subalit di pa rin nakikita ang kaniyang
alagang aso. Naging malulungkutin na at walang ganang kumain si Jam. Nang biglang
narinig ang kahol ng isang aso. Hinanap niya agad kung saan galing ang kahol at laking
tuwa niya dahil sa wakas nakita rin niya ang mahal niyang aso. Bumalik na si Amara.
_____27. Alin kaya sa sumusunod ang tagpuan ng kuwento?
A. sa bahay B. sa kalye C. sa Parke D. sa Paaralan
_____28. Kung bibigyan mo ng pamagat ang kuwento, alin sa sumusunod ang angkop na
pamagat ng kuwento?
A. Si Amara B. Ang Masayahing Bata
C. Sa Probinsiya ng Malvar D. Si Jam at ang Kaniyang Alagang Aso
_____29. Ang mga sumusunod ay nagpapahiwatig ng magagalang na pananalita maliban
sa isa, Alin ito?
A. Maganda na nga iyang ginawa mo, kaya itigil mo na.
B. Kung ganito po kaya ang gagawin para mas kaakit- akit pa sa mga bata.
C. Naniniwala po ako na mas magtatagumpay tayo kung magtutulungan tayo.
D. Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya makabubuti kung sumangguni
muna tayo sa ating punongguro.
_____30. Si Nora ay naatasang sumali sa isang paligsahan sa paglikha ng islogan tungkol
sa pangangalaga sa kalikasan. Alin kaya ang maari niyang gamitin sa gagawin
niyang entri?
A. Tubig ay mahalaga huwag nating aksayahin!
B. Pagtatanim ay palawigin magandang kalikasan makakamit natin.
C. Ipagpatuloy ang kababaang loob sapagkat ang Diyos ang siyang huhukom.
D. Panatilihing malinis ang kapaligiran sapagkat ito ang tunay na kayamanan.
_____31. Alin ang pinakamahalagang pangyayari ang tinalakay sa dokumentaryong
“Kawayang Pangarap” ng I-witness ni Kara David?
A. Kailangang pasanin ni Mang Joseph ang mga kawayan pababa sa patag para
makabayad ng utang.
B. Pinag-aral ni Mang Joseph ang kanyang mga anak para hindi sila matulad
sa kanya na hindi nakapag-aral.
C. Hindi naging sapat ang mga naibabang kawayan ni Mang Joseph para
pambayad utang.
D. Hindi inalintana ng mag-anak ni Mang Joseph ang hirap ng pagpasan ng
kawayan para lang maitaguyod ang kanilang kailangan sa buhay.
_____32. Nagdodrowing kayo sa inyong Art class. Nakita mong ginagamit ng iyong kaklase
ang krayola mo at sa malas ay bigla itong nabali. Alin kaya sa mga ito ang
nararapat na ikilos mo sa pangyayaring ito?
A. Hahayaan ko na lamang.
B. Itatapon ko nalang ang mga nabaling krayola.
C. Tatakbo agad ako at babaliin ko rin ang kanyang krayola. Hindi na ko
magsasalita pa.
D. Titingnan ko kung lalapit siya sa akin para magsori. Kung hindi, lalapitan ko
siya para kausapin.
_____33. Ang Las Piñas Bamboo Organ na tinaguriang National Treasure ay nilikha
noong taong 1816 at 1824 para sa Parish Church ng Las Piñas. Ito ay isang
makasaysayang instrumentong natatangi sa mundo. Binubuo ito ng 1,031na
tubo, yari sa kawayan ang 902 rito at bakal naman ang iba. Kasalukuyan itong
nakalagak sa Simbahan sa St. Joseph Church sa Las Piñas City.Ang kakaibang
instrumento na may maikling pull-down pedal-board ay nabuo sa malikhaing
kaisipan ni Fr. Diego Cera de la Virgen del Carmen para sa Simbahan ng Las
Piñas. Sa inyong palagay, alin ang angkop na paksa ng teksto?
A. Si. Fr. Diego Cera B. Ang National Treasure
C. Ang Saint Joseph Church D. Ang Las Piñas Bamboo Organ
_____34. May kaibigan ka na kinasanayan mo nang tawaging pagong dahil nababagalan
ka sa kanyang kilos. Kahit binansagan mo siya nito, itinuturing ka pa rin niyang
kaibigan kahit alam mong hindi lang niya ipinahahalatang nasasaktan din siya.
Isang araw, napansin mong pati ang iba mong kaklase ay tinatawag siyang
pagong. Paano mo iwawasto ang pagkakamali mo?
A. Babansagan ko din ng ibang pangalan ang mga kaklase ko
B. Hahamunin ko sila ng away upang maipakita na handa akong ipagtanggol
ang aking kaibigan
C. Sasawayin ko sila at sasabihing ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya
ng ganoon dahil magkaibigan kami.
D. Sasawayin ko sila at ipapakita ko sa kanila ang paghingi ko ng paumanhin
sa aking kaibigan sa pagkakamali kong nagawa.
_____35. Aling kayang pamagat ang maaring ibigay sa teksto?
A. Si Mang Juan Tipid B. Paghingi ng Tawad
C. Pagtulong sa Kapwa D. Ang Matulunging Tao
_____36. Si Mang Juan ay napakatipid. Siya ay pinagtatawanan ng mga tao dahil sa
kaniyang katipiran. Isang araw, dinaanan ng isang malakas na bagyo ang
Barangay Mapalad. Dumating si Mang Juan at namigay ng pagkain at gamot sa
mga kabarangay niya. Humingi ng tawad ang mga tao kay Mang Juan at
nagtulong- tulong ang mga magkakabarangay na itayo muli ang mga nawasak
na tahanan.
Kung ilalarawan mo si Mang Juan, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?
I. Matipid II.Matulungin III. Mapagpasensiya IV. Maagap
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV
_____37. Aling kayang pamagat ang maaring ibigay sa teksto?
A. Si Mang Juan Tipid B. Paghingi ng Tawad
C. Pagtulong sa Kapwa D. Ang Matulunging Tao
_____38. Nais mong malaman ang isang napapanahong balita tungkol sa
pagkakadiskubre ng bakuna laban sa COVID-19 sa ibang bansa, alin kaya ang
iyong dapat basahin?
A. Aklat B. Diksiyunaryo C. Encyclopedia D.Pahayagan
_____39. Alin ang pinakamahalagang pangyayari ang tinalakay sa dokumentaryong
“Kawayang Pangarap” ng I-witness ni Kara David?
A. Kailangang pasanin ni Mang Joseph ang mga kawayan pababa sa patag para
makabayad ng utang.
B. Pinag-aral ni Mang Joseph ang kanyang mga anak para hindi sila matulad
sa kanya na hindi nakapag-aral.
C. Hindi naging sapat ang mga naibabang kawayan ni Mang Joseph para
pambayad utang.
D. Hindi inalintana ng mag-anak ni Mang Joseph ang hirap ng pagpasan ng
kawayan para lang maitaguyod ang kanilang kailangan sa buhay.
_____40. Nagdodrowing kayo sa inyong Art class. Nakita mong ginagamit ng iyong kaklase
ang krayola mo at sa malas ay bigla itong nabali. Alin kaya sa mga ito ang
nararapat na ikilos mo sa pangyayaring ito?
A. Hahayaan ko na lamang.
B. Itatapon ko nalang ang mga nabaling krayola.
C. Tatakbo agad ako at babaliin ko rin ang kanyang krayola. Hindi na ko
magsasalita pa.
D. Titingnan ko kung lalapit siya sa akin para magsori. Kung hindi, lalapitan ko
siya para kausapin.