Esp7 Q2-Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY
SAN ANTONIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Antonio, Himamaylan City, Negros Occidental

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
2023- 2024
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
_____1. Bakit sinasabing kawangis ng Diyos ang tao?
A. dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya
B. dahil kamukha niya ito
C. dahil ang tao ang nangangalaga sa lahat
D. dahil kinakain niya ang halaman at hayop
_____2. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao at hinuhubog ang kanyang personalidad.
Anong sangkap ito ng tao?
A. Isip C. kamay at katawan
B. Puso D. ulo at paa
_____3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. gumawa C. mag-isp
B. magpasya D. umunawa

_____4. Sinasabing ang tao ay natatanging nilalang. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
pagkakaiba ng tao sa hayop at halaman?
A. Ang tao ay kumakain ang hayop ay hindi.
B. Ang tao ay may tirahan samantalang ang hayop at halaman ay wala
C. Ang tao ay may isip na marunong umunawa, puso na nagpapakita ng emosyon at kamay at
katawan na naglalapat ng ninanais gawin.
D. Ang tao ay nabubuhay ng mas matagal kaysa halaman at hayop.

_____5. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang
mismong masama. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
B. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Ang kilos-loob ay maaring pumili ng kasamaan.
D. Ang kilos-loob ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili

_____6. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang
paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com
_____7. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng
pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang
ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano
ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang
pagkakamali.
C. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa
kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit

_____8. Ang sumususunod ay katangian ng isip maliban sa:


A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

_____9. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


A. mag-isip C. magpasya
B. umunawa D. magtimbang ng esensiya ng mga baga

_____10. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob: ___________


A. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

_____11. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at
makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami.

_____12. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.


A. kabutihan C. katotohanan
B. kaalaman D. karunungan

_____13. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

_____14. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com
_____15. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos-loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit

_____16. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ano ang ibig sabihin ng
pangungusap?
A. Ang kilos loob ay walang kakayahang gawin ang nanaisin.
B. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang
isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan
C. Ang isip ang ang siya nagbibigay impormasyon sa kilos-loob.
D. Wala sa nabanggit

_____17. Ito ay maahalagang bahagi ng pagkatao, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang
nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.
A. Katawan C. kamay
B. Isip D. paa

_____18. Anong bahagi ng ating pagkatao ang humuhubog ng personalidad nito, lahat ng kasamaan at
kabutihan ng tao ay dito natatago?
A. Isip C. kamay
B. Puso D. katawan

_____19. Bakit ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na
kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at intelektuwal na memorya
(intellectual memory)?
A. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
B. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
C. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto
D. Lahat ng nabanggit

_____20. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. may tatlong mahahalagang sangkap ang tao, ano ang mga
sangkap na ito?
A. Kamay, paa at katawan C. isip, puso kamay at katawan
B. Mata, puso at isip D. isip, ulo at puso

_____21. Si Juan ay nagmamadali dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Sa paghihintay ng


masasakyan ay may nakatabi siyang matandang babae. Dumaan ang tricycle na kinakailangan lamang
ng isang pasahero. Ngunit hindi inaalintana ni Juan ang matanda at nauna siyang sumakay. Ano ang
nakaligtaan ni Juan sa kanyang ginawang desisyon?
A. Ang gamitin ang tunguhin ng kilos-loob na ang tunguhin ay kabutihan.
B. Gusto lamang niyang hindi mahuli sa klase kaya siya nagmamadali.
C. Alam niya na di mabuti ang ginawa ngunit pinili niya itong gawin. Subukin
D. Wala siya pakialam dahil sa tingin niya wala siyang pananagutan sa kapwa.

_____22. Biniyayaan ng Diyos ang tao ng isip at kilos-loob, kaya siya ay natatanging nilikha. Ano
ang nararapat gawin the tao sa biyayang ito?
A. Tungkulin ng tao na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos- loob.
B. Tungkulin na gamitin ito sa ano mang paraan
C. Hayaang ang sariling kagustuhan ng tao ang mangingibabaw kahit na ito ay labag sa

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com
kabutihan at katotohanan.
D. Wala sa nabanggit

_____23. Bilang isang mag-aaral marami kang matutuklasang kaalaman mula sa iyong pag-aaral at
pagsasaliksi, ngunit hindi dito nagtatapos ang iyong pagiging isang tao. Paano mo maipapakita ang
wastong paggamit ng katalinuhang ipinagkaloob sa iyo?
A. gamitin ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao,
paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
B. gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang
kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
C. inaasahan naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng kanyang
kaalaman.
D. Lahat ng nabanggit

_____24. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

_____25. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________


A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

_____26. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa
tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang
aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa
paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.

A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya


B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa
pagkilala sa mabuti at masama.

_____27. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?


A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit

_____28. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com
_____29. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya
ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsiyensiya C. Maling konsiyensiya
B. Purong konsiyensiya D. Mabuting konsiyensiya

_____30. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-
Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo C. walang hanggan
B. Unibersal D.di nagbabago

_____31. Kailan masasabing mali ang konsensiyang ginagamit sa isang kilos at pasya?
A. kung hinuhusgahan ang tama bilang mali
B. kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan
C. kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali
D. A at C

_____32. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang may kaugnayan sa layon ng tao na hindi
nagbabago (Nature of Man)?
A. pangkalahatan C. obhektibo
B. walang hanggan D. di nagbabago

_____33. “Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa
batas-moral at dito kailangan ang konsiyensiya.” Ano ang ibig sabihin ang pangungusap na ito?
A. kailangan ang personal na pagpapasiya kung saan ginagamit ng tao ang kaniyang
konsiyensiya.
B. Ang pagsagawa ng isang kilos ay gawain ng tao na walang pagbabatayan sa maaring
resulta.
C. kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na batas moral, ang konsiyensiya ay maaari
pa ring magkamali.
D. Ang pagsagawa ng kilos ay nakabatay sa likas na batas moral na ginagamitan ng
konsensiya para sa kabutihan ng tao.

_____34. Paano mapapangalagaan ng tao ang likas na batas mula sa Diyos na ibinigay sa kanya?
A. kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng
kanyang kalayaan at kilos-loob.
B. Ang tao ay may kakayahang kumilala sa mabuti at masama kaya dapat gawin ang mabuti
at iwasan ang masama
C. Ang batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa
siya ng tamang pasya at kilos
D. Lahat ng nabanggit

_____35. Karaniwang sinasabi ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan
lang upang pangatwiranan ang maling ginawa. Kung patuloy na babale-walain ng tao ang kaniyang
konsiyensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil may pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi
nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao at ito ang nagaganap sa kaniyang
konsiyensiya nang hindi niya namamalayan.
B. Tama, dahil hindi naman nakakepekto sa pagkatao ang mga maliit na maling pagpapasya.

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com
C. Mali, dahil ang maling ginawa ay maging basihan sa iyong pagiging totoong tao.
D. Mali, dahil ang konsensiya ay hindi kailan man maging manhid.

_____36. Kailan masasabing tama ang konsensiyang ginawa sa isang kilos at pasya?
A. Kapag ang mali ay ginawang tama
B. Kapag nakabatay ito sa kagustuhan ng isang tao
C. Kapag hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali
D. Kapag hindi inalintana ang kilos sa likas na batas moral

_____37. Si Sheena ay inutusan ng ina na bumili ng tinapay sa tindahan, inaakala ng ina na tama lang
ang perang ibinigay ngunit nang sinuri ni Sheena dalawang piraso ng limangpung piso ang ibinigay
nito. Naisip niya na huwag ng isauli sa ina total hindi naman nito namalayan at kailangan niya ng pera
pambili ng load. Kung ikaw si Sheena ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibili ito ng load total hindi naman alam ng ina
B. Itago ito at isauli kapag hiningi ng ina.
C. Sasabihin sa ina ang totoo dahil ito ang tama
D. Ipangbili muna at saka sasabihin sa ina upang hindi na niya ito mababawi

_____38. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat
ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. Anong katangian ng Likas na
Batas Moral ang sinasaad sa pangungusap?
A. pangkalahatan C. obhektibo
B. walang hanggan D. di nagbabago

_____39. Si Rhea ay nahaharap sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang mamili sa


nagtutunggaling prinsipyo. Ano ang maaaring pagbabatayan ni Rhea upang magkaroon ng tamang
pagpapasya?
A. Tamang konsensiya C. mabuting konsensiya
B. Maling konsensiya D. purong konsensiya

_____40. Ano ang kaugnayan ng kosensiya at likas na batas moral?


A. Ang konsensiya ay likas sa tao gayon din ang likas na batas moral
B. Ang konsensiya ay hindi nakadepende sa sinasaad sa likas na batas moral
C. Ibinabatay ng konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhektibong pamantayan
ng Likas na Batas-Moral.
D. Lahat ng nabanggit

"Palaging imposible hanggang sa matapos ito."


Mag- aral nang Mabuti.

Address: Brgy. San Antonio, Himamaylan City


Telephone: 09777165147
Email Address: sanhs302650@gmail.com

You might also like