Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Landline-(049) 531-4926/Mobile-09338107504/E-Mail-holyredeemerbanlic.cashier@gmail.

com
FB Page: Holy Redeemer School of Cabuyao Banlic

______ = %
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Filipino 4 50

Pangalan: ____________________________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: Baitang 4 - Guro: Bb. Erica A. Tarranco

I.TEST 1
PANUTO: Baybayin ang salitang sinabi ng guro. Isulat sa sagutang papel.

1. ______________________ 6. ________________________
2. ______________________ 7. ________________________
3. ______________________ 8. ________________________
4. ______________________ 9. ________________________
5. ______________________ 10. ________________________

I.TEST 2
PANUTO: Tukuyin mula sa mga pangungusap kung sino-sino ang mga marunong makibagay at makisama nang
tama sa kapwa? Gumuhit ng PUSO sa patlang.

_____11. Nagbigay ako ng puri sa aking kaibigan dahil sa kanyang magandang pagganap sa
palabas.
_____12. Nilait ko ang aking kaklase dahil sa kanyang kapalpakan sa gawain.
_____13. Hindi ko pinansin ang aking pinsan nang nagtanong siya tungkol sa kanyang mga plano.
_____14. Tinulungan ko ang aking kapitbahay na magdala ng kaniyang mga gamit nang siya ay
nahirapan.
_____15. Nagpasalamat ako sa aking guro dahil sa kanyang tulong sa pag-unawa ko sa isang
kahirapan sa asignaturang Math.
_____16. Nagnakaw ako ng pera mula sa bulsa ng aking kaibigan.
_____17. Pinakinggan ko ang aking kapatid nang may problema siya at ibinigay ko ang aking
suporta at payo.
_____18. Nag-abot ako ng tulong sa isang taong may dala-dalang mabibigat na kahon sa hagdan.
_____19. Sinisigawan ko ang aking mga kaklase dahil maingay sila.
_____20. Lumabas ako ng klase kahit hindi nagpapaalam sa guro.

II.TEST 3
A. PANUTO: Tukuyin kung SIMUNO o PANAGURI ang gamit ng pangngalang may salungguhit sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

_____21. Ang aking kaklase ay masayahin.


_____22. Ang ampalaya ay ang pinakapaborito kong gulay.
_____23. Artista sa telebisyon ang aking kapatid.
_____24. Mabuti sa kanyang estudyante ang bagong guro.
_____25. Ang kape at gatas ay paboritong almusal ng matatanda.
_____26. Si Dra. Briones ay dentista ko mula pagkabata.
_____27. Ang mga bulaklak ay lumilitaw sa hardin tuwing tagsibol.
_____28. Sumasayaw kami sa sayawang tradisyunal tuwing piyesta.
_____29. Ang mga kolorete ay isinilid niya sa kaniyang bulsa.
_____30. Enhinyero ang aking nanay.

B. PANUTO: Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang L kung layon at P
kung pinaglaanan.

_____31. Naghanda ako ng regalo para kay Maria sa kanyang kaarawan.


_____32. Ang aking desisyon ay batay sa mga impormasyong natanggap ko.
_____33. Ang doktor ay nag-aalaga ng mga pasyente sa ospital.
_____34. Nagkaroon ng malalim na diskusyon tungkol kina Jose at Emma sa pulitika.
_____35. Ang guro ay nagbibigay ng mga aralin sa mga estudyante.
_____36. Ang aking pagkilos ay alinsunod sa mga alituntunin ng paaralan.
_____37. Nagpadala ako ng mensahe kay Mark upang abisuhan siya tungkol sa aming proyekto.
_____38. Ang pulis ay naghihigpit ng seguridad sa kalsada.
_____39. Ang manunulat ay sumusulat ng mga kuwento at nobela.
_____40. Ang artista ay tumatanggap ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

III. TEST 4
PANUTO: Isulat sa patlang ang 1 kung isahan ang kailanan ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap, 2
kung dalawahan, at 3 kung maramihan.

_____41. Si Maria ay nagluluto ng hapunan.


_____42. Ang aso at pusa ay naglalaro sa hardin.
_____43. Ang mga mamamayan ay nagtulung-tulong para sa komunidad.
_____44. Ang kotse ay nasa garahe.
_____45. Ang upuan at mesa ay nasa sala.
_____46. Sina Henry, Anna at Badette ay magkakasamang naglakbay sa Norte.
_____47. Ang mag-ina ay pumunta sa parke.
_____48. Ang tanging anak na babae ay nag-aaral sa kilalang paaralan.
_____49. Sina Justin at Christian ay magaling umawit.
_____50. Ang barko ay may natitira na lamang na isang byahe.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Inaprubahan ni:

ERICA A. TARRANCO, LPT JAED Z. VERIÑA, LPT MARIETTA P. SAMPANG, LPT


SUBJECT TEACHER COMARTS- SUBJECT COORDINATOR PUNUNGGURO

You might also like