Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

School BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL Grade Level FIVE


Teacher CARLOS S. ASPE Duration 2 Days
BANGHAY ARALIN
Date November 29, 2023 Quarter 2nd Quarter
SA AGRIKULTURA 5
School Head JONATHAN E. FUENSALIDA Subject Agrikultura

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN


I. LAYUNIN NatatalakayEPP
ang– AGRIKULTURA
masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.
A. Pamantayang Naipapamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pangnilalaman pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sap ag-unlad ng pamumuhay,
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng maayos ang mga paraan ng pagdidilig, pagbubungkal, at
Pagganap paglalagay ng abonong organiko

C. Mga Kasanayan Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng mga tanim na mga gulay.
sa Pagkatuto 1.5.1 Pagdidilig
1.5.2 Pagbubungkal ng lupa
1.5.3 Paglalagay ng abonong organiko
EPP5 AG-OC-5

Integrasyon:

MUSIKA: Pagpapaawit ng Bahay Kubo


SCIENCE: Climate Change
ICT: Paggamit ng internet/google sa paghahanap ng mga kagamitan sa
Paghahalaman
ESP: Pagpapahalaga sa mga halaman

II. NILALAMAN Sa aralin matutuhan ang mga paraan sa maayos na pangangalaga ng mga
pananim.
Paksa
Mga paraan sa pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng organikong
abono.

Approach: Collaborative
Strategy:

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian Mga pahina sa Gabay Guro, Mga pahina sa kagamitang pang-mag-aaral

B. Kagamitan Powerpoint Presentation, Youtube video(https://www.youtube.com/watch?

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

v=z8KMV6XGqo0)( https://www.youtube.com/watch?v=Pp948YRYTXs),
Laptop/computer, Learning Resource Portal
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa 1. Ang mga halaman, pananim, puno na namumunga at di-namumunga ay
Nakaraang Aralin at/o nangangailangan ng mga bagay upang sila ay mabuhay, anu-ano ang mga
Pagsisimula ng pangunahing kailangan nila?
Bagong Aralin H-angin
A-raw
L-upa
T-ubig
B. Paghahabi sa 1. Sa inyong tahanan, anu-anong pananim ang makikita?
Layunin ng Aralin 2. Paano ninyo inaalagaan ang inyong pananim?
C. Pag-uugnay ng mga 1. Awitin ang “Bahay Kubo” (Integrasyon sa Musika)
Halimbawa sa https://www.youtube.com/watch?v=z8KMV6XGqo0
Bagong Aralin

2. Anu-anong pananim ang nabanggit sa awitin?


D. Pagtatalakay ng Ang wastong pag-aalaga ng mga halaman ay malaking tulong upang lumago
bagong konsepto at at magkaroon ng maraming ani ang isang magsasaka. Sa pamamagitan nito,
paglalahad ng bagong ang mga panananim ay mananatiling malusog at ang lupang pinagtataniman
kasanayan (bilang isa) ay hindi mawawalan ng sustansiya na siya namang kailangan ng mga halaman
upang ito ay mabuhay ng matagal.
Sa pangagalaga ng mga pananim, may mga paraan tayong dapat gawin upang
mapanatili ang kaayusan, kalusugan at patuloy na paglaki ng mga pananim.
Pagmasdan ang mga larawan.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

Ano-anong gawain ang ipinapakita sa larawan?

E. Pagtatalakay ng (Panoorin ang Youtube Video tungkol sa aralin)


bagong konsepto at https://www.youtube.com/watch?v=Pp948YRYTXs
paglalahad ng bagong Maraming paraan ang pwedeng gawin sa pag-aalaga ng mga
kasanayan (bilang tanim ngunit ang kadalasang ginagawa ay ang pagdidilig,
dalawa) pagbubungkal palagi ng lupa at paglalagay ng abonong
organiko. Wala ng hihigit pa sa mga gawaing ito.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman
tungkol sa
paghahalaman.

PAGDIDILIG
Mga masistemang paraan sa pagdidilig ng mga pananim:
1. Diligan ang mga tanim sa umaga. Ang pagdidilig sa hapon ay
hindi
iminimungkahi dahil ito ay magiging dahilan ng pagkakaroon
ng peste. Ang
tubig na nanatili sa dahon ay puwedeng dahilan ng
pamumugad ng peste.
2. Gumamit ng regadera at dahan-dahang ibuhos ang tubig sa

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

tanim.
dahil natatapon ang lupa na siyang sinisipsipan ng mga ugat.
3. Ang hand watering ay mainam sa maliit na taniman. Sa
malawak na taniman naman, ang pagamit ng hose ay
iminumungkahi dahil nakokontrol nito ang daloy ng tubig
galing sa gripo.
4. Matapos madiligan ang gulay, maghintay ng 15 to 20 minuto
bago diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad.

PAGBUBUNGKAL NG LUPA
Masistemang paraan sa pagbubungkal ng lupa.
1. Gamit ang bolo, farmer’s claw o hand trowel palambutin ang
lupang
nakapaligid sa halaman upang makahinga ang mga ugat.
Siguraduhing hindi matamaan ang mga ugat na magiging sanhi
ng kanilang pagkamatay. Gawing mababaw lamang ang
pagbubungkal lalo na sa mga halamang pino ang ugat at
malambot ang tangkay. Ang mahahabang ugat ay nagpapatibay
sa halaman laban sa malakas na hampas ng hangin.
2. Panatilihin ang pagtanggal ng mga damo sa paligid ng
halaman upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na
idinidilig sa halaman. Maaring gamitin ang kamay o wastong
kagamitan sa pag-aalis ng damo. Maging maingat sa paggawa
nito upang hind masira ang halaman.
3. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa
pamamagitan ng paggamit ng bolo at rake.

PAGLALAGAY NG ORGANIKONG ABONO


Masistemang paglalagay ng abonong organiko.
May iba’t ibang paraan sa paglalagay ng obonong organiko.
1. Broadcasting method - ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng
lupa at hindi na hahaluin. Kadalasan ito’y ginagawa sa isang
maliit na taniman.
2. Side-dressing method - ang abonong organiko ay inilalagay
sa lupa malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay
o isang kagamitang nakalaan para dito.
3. Foliar application method - ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng organikong abono
sa mga dahon ng halaman. Halimbawa ang pagdidilig ng
dinurog na sili, sibuyas at luya na inihalo sa tubig.
4. Basal Application method - paglalagay ng abonong
organiko sa

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang


halaman.
F. Paglinang sa
Kabihasan 1. Mga Paraan sa Pangangalaga ng Pananim
(Tungo sa Scenario-
based Assessment) 2. Pagpapakita ng Rubric sa Pangkatang Gawain

Rubric sa Pangkatang Gawain


PINAKA MAHUSAY KATAM - PAGBUTIHI HIGIT NA
MAHUSAY TAMAN N PA MAG-
PUNYAGI
5 sa batayang 4 sa batayang 3 sa batayang 2 sa batayang 1 sa batayang
hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay
nasunod at nasunod at nasunod at nasunod at nasunod
nakagawa nakagawa nakagawa nakagawa
nang nang nang nang
maayos, maayos, maayos, tama sa
malinis malinis at tama sa oras
at tama sa at tama sa oras
oras oras

Batayan sa Paggawa:
1. Naisasagawa nang wasto ang gawain.
2. Nakakasunod sa panuto.
3. Nakipagtulungan ang lahat ng kasapi.
4. Nagpamalas ng disiplina habang ginagawa ang pangkatang gawain.
5. Napapanatili ang kalinisan at kaayosan ng sarili at kagamitan.

3. Pangkatang – Gawain
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng paglilinis sa taniman, magbubungkal
sa paligid ng pananim, at magdidilig ng mga pananim sa Gulayan sa Paaralan.
Ibayong pag-iingat ay inaasahan.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

G. Paglalapat ng aralin Itanong ang sumusunod:


sa pang-araw-araw na
buhay

1. Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang makatugon sa patuloy
na pagtaas ng presyo ng mga bilihin?
2. Bakit mahalaga na matutunan mo ang mga paraan sa pangangalaga ng
pananim?
3. Anong katangian ang dapat mong taglayin upang makaiwas sa pag-aaksya
ng pagkain? (Integrasyon sa ESP)

H. Paglalahat ng
Aralin

Ang “Climate Change” o ang mabilis na pagbago ng klima/panahon dahil sa

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

patuloy na pagtaas ng temperatura o pag-init ng mundo ay isang malaking


panganib sa mga tao at kalikasan sa panahon ngayon at sa hinaharap.
(Integrasyon sa Science)
-Paano ka makakatulong upang maibsan ang epekto nito sa inyong
komunidad? Ipaliwanag ang iyong sagot.
IV. PAGTATAYA

V. KARAGDAGANG
GAWAIN PARA SA
TAKDANG ARALIN AT
REMEDIATION Gamit ang inyong gadget. Maghanap sa “Google” ng mga larawan ng
kagamitan sa paghahalaman. Halimbawa: regadera, piko, asarol atbp. Idikit
ito sa inyong kwaderno at tala ang gamit nito sa paghahalaman.
(Integrasyon sa ICT)
VI. MGA TALA
VII. PAGNINILAY

a. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
b. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
karagdagang gawain /
pagsasanay
c. Bilang ng mga
magaaral na
magpapatuloy sa
remediation.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

d. Mga istratehyang
pagtuturo na nakatulong
ng lubos. Paano?

Inihanda ni:

CARLOS S. ASPE
Guro sa EPP5

Pinagtibay ni:

JONATHAN E. FUENSALIDA
Punong Guro II

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210

You might also like