Buod Sa Mental Health Awareness

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUOD SA MENTAL HEALTH AWARENESS

Ang Mental Health ay isang bagay na dapat bantayan, nakakatulong upang malaman
kung papaano pangasiwaan ng isang indibidwal ang kaniyang stress, pakikipagsosyo at
magdesisyon. Dito naisasama ang emosyonal, psychological, at social well-being. Kung saan
naapektuhan nito ang pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos. Ang Mental Health ay mahalaga sa bawat
hakbang sa buhay, mula sa pagkabata, pagbibinata at pagdadalaga hanggang sa pagtanda.

Ang isa sa mga rason ng pagkasira ng pag-iisip ay ang paglalugmok sa alak (alcohol addiction),
ang alak nakakapagbigay ng panandaliang inhibisyon upang mawala ang anumang problemang iniisp
gaya ng pagkabalisa o anxiety. Ngunit ito ay panandalian lamang maaaring kinabukasan ay magkakaroon
ng hanover ang isang indibidwal kung saan palalalain nito ang anxiety na nararamdaman. Nakakawala
rin ng inhibisyon ang alak at kumilos ng wala sa tamang pag-iisip, kung saan maaaring magresulta sa mga
Gawain gaya ng self-harm o suicide. Ang pag-inom rin ay konektado sa mga suicidal thoughts and
attempts. Kalaunan kapag napasobra ang pag-inom ay hindi makayanan ng atay ng isang indibidwal ay
maaaring magdulot ito ng cancer, pagkaka-ospital at kamatayan. Ikalawangrason ng pagkasira ng pag-
iisip ay ang paggamit ng ilegal na droga gaya ng marijuana. Kabaligtaran sa sabi-sabing ang ilegal na
droga ay nakakatulong maresolba ang mga problema, naihahatid sa mas magandang barkada o mga
kaibigan at tao, lahat ng mga ito ay sabi-sabi lamang. Ang ilegal na droga ay mayroong short term effects
at unang mapapansin kapag ang isang indibidwal ay may mapupulang mata, tuyong bunganga at
lalamunan, disoriented o palaging lutang, pagdanas ng palpitation o pagiging hyper, sakit sa dibdib.
Mayroon rin itong mga nagdudulot ng mga short term effects gaya ng: cancer, pagkabaog, pagkakaroon
ng iregular na pagregla, at premature child kapag buntis ang gumagamit. At upang maiwasan ang
paggamit ng ilegal na droga ay dapat alalahaning may Karapatan ang bawat indibidwal na magsabi ng
“HIndi”. Maging magalang sa mga nag-aalok na tumanggi, matatag sa desiyon at huwag ipaliwanag ang
dahilang kung ayaw. Magbigay ng oras na alamin ang sarili, ang talento, kahusayan, at magdiskobre ng
ibang tao at bagay-bagay. Ikatlo ay ang teenage pregnancy. Sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay
20% ng mga kababaihan ay nagbubuntis na sa mga taong 15-19 o 20 pababa pa lamang. Hindi lang pag-
iisip ang naapektuhan kundi kasama ang pangkalahatang kalusugan. Ang teenage pregnancy ay maaring
madulot nito sa mga kababihan: aborsyon, suicide, malnutrition of the child, sexually transmitted disease
(STD), human immunodeficiency viruse (HIV), at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Pagka’t
hindi pa fully matured ang katawan ng mga kababihan ay nagkakaroon ng 168 na pagkamatay ng mga
kababaihang nasa edad 15-19 taong gulang, kasama na rito ang pagkamatay habang nanganganak.

Sa buong mundo ay tinatayang 5% ng mga matatanda ay nakakaranas ng depresyon. Lagpas sa


bilang na 700,000 ang namamatay taon-taon dahil sa suicide. Sa taong 2019 ay isa saw along tao o 970
milyong tao sa buong mundo ay kadalasang nabubuhay na may sakit sa kaisipan, anxiety, at mayroong
depressive disorders. 14 milyong tao ay nakakaranas ng eating disorder, kasama na rito ang 3 milyong
kabataan at mga dalagita’t binate. Ayon sa pag-aaral, isa sa 5 kabataan sa edad na 12 at 17 ay
nakakaranas ng online sexual abuse habang ginagamit ang internet. Sa Pilipinas noong taong 2020 ay
maraming nabla-blackmail o hindi kaya ay napipilit magpagamit o sumapi ng mga gawaing sekswal
kapalit ng pera habang ang iba ay ibinabahagi ang mga maseselang larawan na walang pahintulot.

Mahalagang alamin ng isang indibidwal ang sariling pakiramdam at emosyon. Ang pagtse-tsek
ng sarili araw-araw ay isang mahalagang bagay na dapat gawin. Ito dapat ang mga katanugang
tinatanong ng indibidwal sa sarili: “ano kaya ang nararamdaman ko ngayon, pisikal, mental, at
emosyonal?”; “Ano kaya ang kailangan ko ngayon upang may maramdaman akong mabuti?”; at “Kilala
ko kaya kung sino-sino ang lalapitan ko kapag kailangan ko ng tulong?”. Ang pagrerepleksyon sa sarili at
pagkakaroon ng pansariling pangangalaga ay palaging isang sus isa kalusugan rin. Dapat lahat ng
sangkatauhan ay makiisa upang ma-prevent ang pagrami ng mga biktima ng mga mental disorders.

You might also like