Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO

IKA-SIYAM NA BAITANG

Layunin: Pagkatapos ng 60 minuto,ang mga mag-aaral ay inaasahang


makamit ang 80% ng pagkatuto
A. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kabanata
B. Napapahalagahan ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina
C. Nakasusulat ng isang liham patungkol sa pagmamahal sa Ina
II.Paksang Aralin :
A. Paksa: Noli Me Tangere Kabanata 21: Kasaysayan ng isang Ina
B. Konsepto: Sakripisyo at Pagmamahal ng Ina sa kaniyang mga
Anak
C. Kagamitan: Kartolina,Bond Paper
D. Sanggunian: Noli Me Tangere Kabanata 21, Pahina
Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Pang-araw araw na Gawain

o Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan,magsitayo ang lahat
para sa panalangin na
pangungunahan ni (pangalan ng
estudyante) Sa ngalan ng Ama,ng Anak, ng
Espiritu Santo Amen.

o Pagbati

Magandang Araw mga Bata Magandang araw din po, aming


guro!
o Pagsasaayos ng mga Mag-
aaral

Bago tayo magsimula pulutin


muna ang mga kalat at bumalik
sa tamang upuan (Nagpulot ng kalat at umupo sa
kanilang upuan)
o Pagtala ng mga Lumiban

Kalihim may lumiban ba sa araw


na ito? Wala po

o Pagwawasto ng Takdang-
Aralin

Ilabas na ninyo ngayon ang


inyong takdang aralin at aking
babanggitin ang tamang
kasagutan sa mga tanong na
aking ibinigay . (Inilabas ang kwaderno )

1-2 ) Pangunahing tauhan 1-2) Kabesa, Don Felipo


3-5) Kahalagahan ng pagbasa ng 3-) Pagkakaroon ng pagkakaisa
kabanata. at pagtutulungan sa pagbuo ng
isang mas maunlad na
komunidad.

B.Balik Aral

Sino ang maaring makapagbuod


ng ating napag aralan kahapon?
(nagtawag ng mag-aaral) o Sa kabanata pinagusapanang
gaganaping pista at mga
programang kaakibat nito,
kasama ang pagtatayo ng
paaralan para sa bayan.
Ginanap ang pulong sa
tribunal, kung saan nagtipon
ang mga makapangyarihan at
mayayaman na kinatawan ng
dalawang lapian: ang
konserbador na
pinangungunahan ng Kabesa,
at ang liberal na
pinamumunuan ni Don Filipo.
Naipakita po ang mga
pagkakaiba ng mga pananaw
at paniniwala ng dalawang
pangkaat hindi pagkakasundo
sa pagitan ng dalawang grupo
ay naging hadlang sa
pagpapatupad ng positibong
Mahusay pagbabago.

C.Pagganyak/Motibasyon

Bilang pagpapatuloy ng ating


talakayan, naghanda ako ng ilang
mga larawan na aking ididikit sa
pisara at sa loob ng 3 minuto nais
kong pagmasdan ninyong maigi
ang mga larawan at isulat sa
papel ang inyong napansin sa
mga imaheng inyong makikita.
Maliwanag ba ang panuto? Opo Guro
Pagmamahal ng magulang sa
kaniyang anak
Tapos na ang tatlong minuto,
atin ng suriin ang mga larawan Lahat ng bagay ay kayang gawin
na nasa harapan ng ina para sa kaniyang anak

Sakripisyo ng isang ina sa


Ano ang inyong napansin sa kanyang anak
larawan?

Mahusay! Ang ilan sa inyong


nabanggit ay patungkol sa ating
pag-aaralan ngayong araw.
D.Paglulunsad ng Aralin

Ngayon naman ay dumako na


tayo sa susunod na aralin, ang
mga nabanggit ninyo kanina ay
siyang pumapatungkol sa ating
aralin sa araw na ito. Ito ay ang
Kabanata 21 Kasaysayan ng
Isang Ina.

Magtatawag ako ng isang


estudyante na magbabasa ng
buod ng kabanata at pagkatapos
itong basahin ay magbibigay ako
ng ilang katanungan na
patungkol sa kabanatang
kaniyang babasahin.

Nauunawaan ba ng lahat? Opo.

Nang malapit na sa kaniyang


dampa, natanawan niya ang
dalawang guwayrdia sibil.
Ganoon na lamang ang kaniyang
takot. Batid niya ang kalupitan
ng mga ito, ang katigasan ng
kanilang puso. Alam niyang
walang luhang nakikita at
walang awang nararamdaman
ang mga iyon.

Tumingala siya sa langit.


Huminto siya upang mapigil ang
panginginig ng katawan.
Nagpasala-mat siya sa Diyos
nang makita niyang walang
kasama ang mga ito bagama’t
dala nila ang inahing inaalagaan
niya
Gusto sana niyang tumakbo ng
makita ang dalang kawal pero
pinigilan niya ang kaniyang
sarili.Parang hayop na tinawag
siya ng mga ito. Takot na takot
na lumapit si Sisa na hindi
nakuhang magsalita.

‘‘Sabihin mo samin ang totoo


kung hindi baka itali ka namin sa
puno at paulanan ng bala’’
Napatingin si Sisa sa malaking
puno

‘‘ Ikaw ba ang ina ng mga


magnanakaw?’’ saad pa nito

‘‘Nasaan ang perang ibinigay sa


iyo ng anak mo kagabi?’’

“Huwag kang magsinungaling at


masasaktan ka. Huhulihin sana
namin ang malaki ngunit
nakatakas. Saan mo itinago ang
maliit?” ang dugtong ng isa

“Ginoo, matagal ko na pong


hindi nakikita si Crispin. Inakala
kong makikita ko siya sa
kumbento kaninang umaga
subalit sabi roon sa akin...” wika
ni Sisa
‘‘ Kung gayon, bigyan mo
nalang kami ng pera at iiwan ka
namin”

“Ginoo, hindi po magnanakaw


ang mga anak ko kahit sila’y
nagugutom. Sanay na po kaming
magtiis ng gutom. Kahit
halughugin ninyo ang aming
bahay at gawin ninyo sa amin
ang gusto ninyong gawin.
Walang iniwang salapi si Basilio.
Hindi po magnanakaw ang lahat
ng mahihirap.”

‘‘Ayaw mong magsabi nang


totoo?Kung totoo ang tinuran mo
sumama ka sa amin. Kailangang
sumuko ng mga anak mo at
ibalik ang ninakaw nila sa
kumbento!”

Pilit na isinama si Sisa ng mga


guwardiya sibil. Sa kabila ng
kaniyang pagsusumamo at
pagluha ay hindi natinag ang
mga ito.

Sa daan halos mamatay sa


kahihiyan si Sisa habang
naglalakad sapagkat parang may
mga matang titingin tingin sa
kaniyang buong katauhan. Alam
niyang maralita sya subalit may
maganda naman siyang
reputasyon sa komunidad. Pero
sa paglalakad niyang iyon batid
niyang higit na mababa siya sa
mga babaeng kalaguyo ng mga
kawal sa kwartel.

Nang makarating sa bayan, malakas


niyang narinig ang kalembang ng
batingaw sa simbahan,katatapos lang
noon ng misa lumakad siya ng mabilis
upang matakasan ang mga lumalabas
sa simbahan. Subalit hindi niya ito
natakasan, nginitian niya ang mga ito
ngunit napangunot noo ng makita siya.
Sa pagkapahiya lumakad si Sisa subalit
napatid siya ng ilang nakausling bato at
napasubsob sa maalikabok na daan.
Marami ng tao sa karsada. Nakatingin
ang lahat kay Sisa , nagmamasid at
nagbubulungan.
Napatigil ang lahat sa eksenang
nagaganap samantalang si Sisa ay
walang magawa kundi umiyak at
panghinaan ng loob.
Inihagis siya ng mga ito pagdating sa
kwartel at nagsumiksik na lamang ang
naghihinagpis na ina sa isang sulok.
Pagkatapos ng dalawang oras ng
pagkakakulong ay pinakawalan ito ng
alperes .

Hindi tumitinag sa sulok si Sisa.Hindi


pa ito gagalaw kung hindi pinatayo at
pinagtulakan palabas ng kwarter.

Umuwi na si Sisa sa kanilang bahay at


hinanap ang dalawang anak. Pata ang
katawan at maalikabok ang paa
narating niya sa wakas ang munting
dampa at dali dali itong tumakbo sa
bahay ni Tandang Tasyo kumatok siya
ng kumatok ngunit wala doon ang
matanda balisa siyang bumalik sa
dampa. Wala kahit sino ang nasa
bakuran ang anino o kahit tinig ng
kanyang mga anak.

Patakbong umakyat sa dampa si sisa at


sumalampak sa banig na higaan nilang
mag-ina, nang itaas ng ina ang mukha
may napansin siyang piraso ng
kamiseta ni Basilio ang nasa kawayan.

Nilamon ng pighati ang kanyang


katinuan dahil hindi matanggap ng ina
ang kanyang nasilayan.

Nagpalaboy-laboy sa kalsada si Sisa


habang sinasabi ang pangalan ng
kanyang mga anak na sina Basilio at
Crispin.

Dahil sa labis na lungkot at hinagpis na


nadarama ay nawala ito sa kaniyang
katinuan.

1.Sino ang natanawan ni Sisa sa


kaniyang paguwi?

2.Bakit dumating ang mga guwardiya


upang arestuhin ang kaniyang mga
anak?

3.Ano ang dala ng mga ito palabas ng


dampa? Dalawang Guwardiya Sibil

4.Bakit lubos ang kahihiyan ang Inaakusahan nila itong


magnanakaw
sinapit ni Sisa sa kaniyang
paglalakad ?
Ang matabang inahing alaga ni
Sisa

5.Ilang oras ikinulong si Sisa ?

6.Nang hindi makita ni Sisa si Dahil sa mga tinging ng tao sa


Basilio sa dampa, nagpunta sya kaniyang paligid
sa bahay ni?

Dalawang oras po

7.Sa pag-uwi ni Sisa sa kanilang


dampa ano ang kanyang nakita
sa kawayan
Tandang Tasyo
8.Anong nangyari kay sisa
pagkatapos ng mga pangyayaring
ito?
Kapiraso ng damit ni Basilio na
may dugo po

Mahusay! Tunay na naunawaan


niyo ang mga pangyayari sa Siya po ay nawala sa katinuan.
sa ating aralin.

E.Pagbubuod
Sino ang nais magbuod ng ating
binasang kabanata? Ang mga anak ni Sisa ay inakusahang
magnanakaw, sa kanyang paguwi
natanawan niya ang dalawang guwardiya
sibil at tinanong siya nito kung nasan
angmagnanakaw niyang anak. Agad
naman itong pinabulaanan ni Sisa, Sinabi
niya sa mga ito na hindi ito magagawa ng
kaniyang mga anak. Nang hindi nito
makuha ang kailang kagustuhan ay pinilit
nilang isama si Sisa sa bayan at labis na
kahihiyan ang kaniyang natamo mula sa
kaniyang mga nakasasalubong. Alam ni
sisa na kahit anong pagmamaka-awa at
iyak niya ay hindi siya pakikinggan ng
mga ito. Inihagis siya ng mga ito
pagdating sa kuwartel at pagkatapos ng
dalawang oras ay pinalaya rin. Sa
kanyang pag-uwi sa dampa ay nakakita
siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio
na mayroong bahid ng dugo. At sa
pangyayaring iyon nagsimulang mawala
sa katinuan si Sisa.

Ang sakripisyo ng Ina at magulang ay


walang kapantay.

Ano ang aral na natutunan sa


kwento?
F.Pagpapahalaga

Ang kabanatang ito ay


nagpapakita ng tunay na
pagmamahal ng isang magulang
sa kaniyang mga anak, na kahit
sa anong pagsubok na
kinakaharap ng bawat ina, ang
kapakanan parin ng kaniyang
anak ang kaniyang inuuna.
Ano ang kahalagahan ng pag-
aaral sa ating binasang
kabanata? Mahalagang napag aralan ang
kabanatang ito dahil ipinakita
dito na ang pagmamahal at
sakripisyo ng isang ina, ay hindi
matutumbasan ng kahit ano
mang bagay.

You might also like