Banghay Aralin Filipino V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin Filipino V

I. Layunin:
A. Nababaybay nang wasto ang salitang natutunan sa aralin/hiram.
B. Marunong kumilala ng mga salitang salitang hiram o salitang natutunan.
C. Nagagamit ang mga salitang hiram sa pang araw=araw..

II. Paksang Aralin:


A. Pagbabaybay nang Wasto ng Salitang Natutuhan sa Aralin/hiram. (F5PU-lc-1)
B. Sanggunian: Ugnayan V, p. 31 Pagdiriwang sa Wikang Filipino p. 156-158.
C. Kagamitan: Tsart, larawan, plaskard
D. Balyu: kalinisan
III. Pamaraan:
A. Pagbati
B. Pagdadasal
C. Pagta-tala ng lumiban sa klase
A. Panimulang Gawain:
1.Pumakaw Sigla: Tula: “INGATAN NATIN ANG ATING MUNDO”
Ingatan natin ang kapaligiran
Ang pagsunog sa plastic ay ihinto
Palagid ay ingatan
Mahalin ang kalikasan
Para climate change ay maiwasan

Alagaan ang kalikasan


Dahil bigay to ng maykapal
Alagaan ang kalikasan
Para peligro ay maiwasan
2.Pagsasanay:
Pagbasa ng mga salita sa plaskard.
1. Coach
2. Flashcard
3. Computer
4. Pizza
5. Shorts
3.Balik Aral:

1. Saan ginagamit ang mga makabagong kagamitan katulad ng cellphone, xerox machine,
phonecard?
2. Ano ang tawag sa mga ito?
4.Pag-aalis Sagabal:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang hiram nsa salita sa Hanay A.
Hanay A Hanay B,
1. Makabagong kagamitan sa A. Internet
pagpapaarami ng sipi ng mga papeles at
dokumento.
2. Nakakatulong upang makita ang mga B. Xerox
bagay na nasa malayo tulad ng nasa
kalawakan.
3.Atsara ng mga kore C. elevator
4.Mahalaga upang makaalyat-panaog sa D. kimchi
matataas na palapag ng mga gusali nang
walang pagod.
5.Isang makabagong computer na E. Shawarma
nagbibigay ng anumang kaalamang
hinihingi natin sa pindot lamang. D.Telescope

5. Pangganyak:
Sa anong paraan nakatutulong ang mga makabagong kagamitan tungo sa kaunlaran ng
bansa?
B. Paglinang na Gawaiin:
1. Paglalahad:
Alamin nating kung paano ang pagbabaybay nang wasto ng mga salitang
hiram/natutuhan sa aralin.
2. Pangkatang Gawain:
Pangkat I:
Panuto: Kumuha ng mga plaskard ng mga salitang hiram o mga salitang natutuhan sa aralin
at ipabaybay nag wasto sa ibang kasapi ng pangkat sa harap ng klase.
1. Hamburger
2. Ice cream
3. Barbecue
4. Stainless
5. Flashligh
Pangkat II
Panuto: Tukuyin ang mga salitang nakasulat sa baba kung ito ay Salitang Hiram o Hindi
Salitang Hiram. Isulat ito sa inilaan ang espasyo
_________1. Macaroni
_________2. Upuan
_________3. E-mail
_________4. baso
_________5. Tseki
3. Pagtatalakay
Hiram na Salita- mga salitang banyagang ginagamit sa Wikang Filipino. Wala itong katumbas na salita sa
wikang Filipino kaya’t hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga dito. Maaaring ang mga ito
ay may taglay na mga hiram na titik gaya ng: C F, J, Q, V, X, Z.

1. Titser (Teacher)
2. Keyk (Cake)
3. Hayskul (High School)
4. Populasyon (Population)
5. Magasin (Magazine)
6. Telebisyon (Television)
7. Basketbol (Basketball)

Mga Paraan sa Paghihiram ng salita


1. Sa pahiram ng salitang na may katumbas sa wikang kastila unang preperensya ang
hiram na salita.

Mga Halimbawa ng Salitang Hiram sa Espanyol:


apellido – apelyido
cuenta – kwenta
siempre – siyempre
fiesta- pista
toalla- tuwalya
2. Kung konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
Reporter
Hair spray
Gel
Brush
School
3. Kung hindi konsistent ang pagbabaybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent
ayon sa tuntuning kung ano ang bigkas ay siyang baybay.
Halimbawa
Meeting-miting
leader -lider
teacher-titser
jacket – dyaket
doctor - doktor
4. Sa Pagsulat ng pagbaybay, kung ano ang bigkas ay siya ring sulat at kung ano ang sulat ay
siya ring bigkas.
Halimbawa:
Physical – pisikal
Emotional – emosyonal
Column - kolum
Construction- konstraksiyon

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
1. Ano ang Hiram na salita?
2. Ano-anu ang ibat-ibang paraan ng panghihiram ng salita?
3. Paano naibabaybay nang wasto ang mga salitang hiram/salitang natutuhan na?
2. Paglalapat:
Baybayin nang wasto ang mga salitang hiram/salitang natutuhan na naiididikta ko.
Sikaping maibigay ito ng wasto at walang mali.
1. Puerto
2. Prinsesa
3. Regular
4. Cancer
5. Ecuador
IV. Pagbibigay Halaga:
Panuto: Ibaybay nang wasto ang mga salitang hiram/salitang natutuhan naiididikta ko.
1. Couch
2. Pizza
3. Hamburger
4.Cassete
5. Juice
V. Takdang Aralin
Maglista ng 5(limang) salitang hiram/salitanng natutuhan na at sikaping maibaybay ito nang
wasto sa harap ng klase.

You might also like