Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Asignatura: Filipino 1

Pang-araw-araw na Tala ng Guro sa Pagtuturo


Guro: Eileen L. Ibatan Markahan: Ikalawang Markahan

Pangkat: Maka-Diyos Linggo: 8

Baitang: Isa Araw: Martes

Petsa ng Pagtuturo: Enero 16, 2024 Oras: 10:30-11:10

I. Layunin

A. Pamantayang Inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di pasalitang paraan ng pagpapahayag at
nakatutulong ang naaayon.
Pangnilalaman

B. Pamantayan Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiuugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o
sa Pagganap nibel at kaugnay

C. Pamantayan Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita

sa Pagkatuto ( F1KPIIIh-j-6)

II. Nilalaman Pagbuo ng Bagong Salita

III. Kagamitan Panturo

A. Sanggunian ADM, SLM, LM, MELC

B. Iba pang Kagamitang Google slides, larawan

Panturo

IV. Pamamaraan

Panimulang - Panalangin

Gawain - Pampasiglang Awitin

- Kamustahan

- Pagsasanay sa Pagbasa

1. maglaro

2. tumbang preso

3. saranggola

4. trumpo

5. luksong tinik

A. Balik-aral sa nakaraang aralin Itanong: Ano ang Panuto?


at/o pagsisimula ng bagong
aralin

Ipagawa ang mga sumusunod.

1. Tumayo nang tuwid.

2. Pumalakpak ng tatlong beses.

3. Itaas ang kanang kamay.

4. Kumaway gamit ang kaliwang kamay.

5. Tumalon ng limang beses.

B. Paghahabi ng 1. Itanong:
Layunin - Mahilig ka bang maglaro sa labas?

- Ano-ano ang mga paborito mong nilalaro sa labas?

- Alam mo ba ang tawag sa mga sumusunod na laro?

- Nakapaglaro ka na ba ng mga larong nabanggit?

- Alin ang mas gusto mong laruin - ang mga larong digital o larong pisikal?

Mababasa natin ngayon ang iba pang mga larong pisikal na paboritong laruin ng mga batang Pinoy.
Ano-ano kaya ang mga ito? Alamin natin ngayon!

2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na laro sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan at
paliwanag ukol dito.
 patintero
 bahay-bahayan
 taguan
 tumbang-preso

C. Pag-uugnay ng mga 1. Basahin ang tulang “ Maglaro Tayo”.


halimbawa sa bagong aralin Maglaro Tayo

Bata, bata, maglaro tayo! Kung ikaw ay may holen sa bulsa


Langit-lupa o tumbang preso Maglaro na tayo halika na!
Eroplanong papel o saranggola Luksong-tinik ay larong masaya
Lumundag nang mataas sa luksong baka Ipatong-patong kamay at paa
Baka gusto mong magsipa tayo
O kaya’y magpaikot ng trumpo
D. Pagtalakay ng bagong 1. Itanong ang mga sumusunod:
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1  Ano-anong laro ang binanggit sa tula?

 Anong laro ang ginagamitan ng tsinelas at lata?

 Anong laruan ang gawa sa papel?

 Paano nilalaro ang luksong baka?

 Anong laro ang may sinisipa?

 Paano nilalaro ang trumpo?

 (SEC Integration)

Sino ang kadalasang naglalaro ng holen? babae o lalaki?

Pwede rin bang laruin ng mga babae ang larong panglalaki?

 Paano nilalaro ang luksong tinik?

 (MAPEH Integration)

Bakit mas mabuti ang mga larong pisikal kaysa sa mga larong digital?

 Alin sa mga larong nabanggit ang gusto mong subukan? Bakit mo ito napili?
E. Pagtalakay ng bagong TALAKAYIN
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

ITANONG

- Ano ang bagay na tinatamaan sa larong tumbang preso? lata

- Sino ang naglalaro ng tumbang preso? bata

- Kapag pinalitan natin ang unang tunog sa salitang lata, maaari nating mabuo ang salitang bata.

- Ano-anong mga salita pa ang maaaring mabuo kapag pinalitan ang unang tunog o letra?

ITANONG

- Anong hayop ang ginagaya sa larong ito?

- Ano ang dapat mong gawin sa iyong paa para hindi sumagi sa iyong pagtalon?

- Kapag pinalitan natin ang nakasalungguhit na letra sa salitang baka, maaari nating mabuo ang
salitang buka.

- Ano-anong mga salita pa ang maaaring mabuo kapag pinalitan ang isang tunog o letra?

Nakabuo tayo ng panibagong salita sa pamamagitan ng pagpapalit na isa o dalawang tunog o letra sa
mga unang salita.

F. Paglinang ng Kabihasaan 1. Maglaro Tayo!


(tungo sa Formative Test)
Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo ng mga panibagong salita. Paramihan ng mabubuo
sa loob ng 20 segundo.

sala sala sala


Mga Posibleng Sagot:

2. Pangkatang-Gawain

Pangkat 1 Pangkat 2
Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo
ng panibagong salita. ng 5 pang panibagong salita.
piso – pi__o wala
lima – l__ma ___ala
wala – wal__ ___ala
dilis - __ilis ___ala
panis – pa__is ___ala
1. ___ala
Pangkat 3 Pangkat 4
Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo
ng panibagong salita. Kulayan ang angkop na sagot. ng panibagong salita.
bata Pag-ugnayin ang sagot.
piso  pisi
basa baso bara
piso  pito
baha bato baka piso  puso
pito  piko
pito  puto
G. Paglalapat ng aralin sa pang - Ano kaya ang kabutihang maidudulot ng paglalaro ng mga nabanggit na laro?
araw-araw na buhay
- Bakit mas mabuti ang mga ito kaysa sa mga larong digital?

H. Paglalahat ng Aralin Paano makakabuo ng isang panibagong salita?


Tandaan:

- Maaaring makabuo ng panibagong salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng tunog o letra.


Maaaring isa o higit pang letra ang gamitin.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang naka salungguhit na letra.
Gawing gabay ang pangungusap at larawan.

1. Binilhan ako ni lolo ng ______.

2. Gumuhit ako ng tulay na pula ang______.

3. Singkit ang mata ng ______.

4. May nakaukit na puso sa ______.

5. Masarap ang buhay kapag malinis ang _______.

J. Karagdagang Gawin Panuto: Palitan ang nakasalungguhit na letra upang makabuo ng panibagong salita. Gawing gabay ang
kahulugan o palatandaan.

1. piso- Ito ay hinihipan upang tumunog.

2. lima- Ito ay kabaliktaran ng bago.

3. wala- Ito ay isang bilang.

4. dilis- Ito ay kasingkahulugan ng dali.

5. panis- Ito ay pang timpla sa pagkain.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya ______

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng gawain para sa ______


remediation

C. Nakatulong ba ang Ibinigay na remedial? ______ Oo

______ Hindi

Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin ______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation ______ Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Bakit ito ______ Dula-dulaan ______ Interaktibo
nakatulong? ______ Pagtuklas ______ Debate

______ Panayam ______ Talakayan

______ Inobatibo

______ Paglutas ng suliranin

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasulusyonan sa tulong ng aking ______ Pambubulas
punongguro at superbisor
______ Pag-uugali

______ SanayangAklat

______ Kakulangan ng kagamitang panteknolohiya

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa ______Lokalisasyon
mga kapwa guro
______Kontekstwalisasyon

______Indiginasyon

______Panoorin/Video

______Musika/laro

Oo ______
● Naisagawa ba ang pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay?
Hindi ______

Oras _______

You might also like