SANAYSAY

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SANAYSAY

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga


tanong:

1. Ano ang kahulugan ng sanaysay para sa iyo?

Para sa akin ang sanaysay ay ang karaniwang


ginagawa natin sa mga paksa na nais natin bigyan ng
malawakang paliwanag. Ang sanaysay ay karaniwang
ginagamit sa halos lahat ng asignatura na tinatalakay
sa paaralan dahil ang sanaysay ay nagbibigay daan
upang maipaliwanag ng may akda ang nais niyang
pahiwatig o ang kaniyang nais iparating. Ang sanaysay
ay malayang paglalantad ng mga ideya, kaisipan, at
kuru-kuru ng isang manunulat.
SANAYSAY

2. Ilarawan ang katangian ng sanaysay.

Base sa aking dating kaalaman ang sanaysay ay binubuo ng


tatlong estruktura, ang simula gitna at ang wakas. Ang bawat
estruktura ay may kaniya kaniyang gampanin katulad ng sa
simula, dito nakapaloob kung paano mo mahihikayat ang
mambabasa na basahin ang iyong ginawang sanaysay. Sa
gitna naman ay ang pagbibigay suporta base sa simula, ang
gitnang parte ay siyang nag papatibay ng argumento ng isang
sanaysay. Kumbaga dito ipinaparating ng manunulat ang
pinaka punto ng isang sanaysay. Ang wakas naman ay ang
konklusyon ng sanaysay na nag babalot o nag bubuod sa
sanaysay.

Natandaan ko din na ang sanaysay ay maaaring Pormal o


Hindi Pormal. Ang Pormal na Sanaysay ay ginagamit sa mga
propesyonal na larangan dahil mas ginagamit dito ang
maingat na pag gamit ng wika natin. Ang pormal na sanaysay
ay maayos na paglalapat ng mga estruktura mula sa umpisa,
gitna at wakas. Ang Hindi Pormal na Sanaysay naman ay
malaya kang makakapagsulat ng iyong opinyon at saloobin.
Ang hindi pormal ay maaaring nagbibigay ka ng iyong
karanasan, kaalaman at saloobin ukol sa paksa.
SANAYSAY

3. Ano sa palagay mo ang kabuluhan ng pagsulat ng


sanaysay sa mga mag-aaral?

Ang kabuluhan ng sanaysay sa mga mag-aaral ay ang


pagpapalawak ng kanilang ideya sa bawat paksa. Ito
din ay nagbibigay sa kanila ng kalayaan upang
ipahayag ang kanilang saloobin, damdamin at opinyon
base sa paksa. Maaari din nilang ilagay dito ang
kanilang sariling karanasan upang mas magkaroon ng
ugnayan sa pagitan ng studyante at ng paksa. Ang
sanaysay ay nakakatulong upang mas lalong pag-
aralan pa ng mga studyante ang mga impormasyon
na batay sa paksa. Ang bawat sanaysay ay may
katuturan kung kaya't para sakin pag ginagawa ito
palagi ng mga mag-aaral ay mamumulat sila sa
malalim na pang-unawa sa kanilang sarili at sa
mundong kanilang ginagalawan.

You might also like