Suroy - Suroy Sa Palawan Varayti NG Filipino Sa Multi-Etnikong Probinsya at Chavacano Filipino Varayti NG Filipino Sa Siyudad NG Zamboanga

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 58

Suroy- suroy sa

palawan: VArayti ng
filipino sa multi-
etnikong probinsya
Inihanda ni: Gilbert Mike Doria
varayti at varyasyon ng pambansang wika
“hindi kailanman uniporme ang anumang wika” (Bloomfield 1918)
“bawat wika ay may mahigit sa isang varayti, lalo na sa pananalita”
(Yule 1985)

Isang heograpiyang lingguwistiko ang maikakatha atpapaloob dito


ang terminong tulad ng punto o aksent,dayalek, isogloss,
bidayalektal, bilingguwal

Samantala ang panlipunang varayti at varyasyon aynakasalalay


hindi sa lokasyong heograpiya kundi sa uri,edukasyon, trabaho,
edad, kasarian at iba pangpanlipunang sukatan
•Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1986
–“ang pambansang wika ay Filipino. Habang ito ay nabubuo , patuloy itong
pauunlarin at pagyayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pangwika”.

-Natuklasan na nating natural na penomenanglingguwistiko ito. Kasabay ng


pagsasaalang-alang ngkatotohanang palaging nagbabago ang wika at ng
pangangailangan ng pambansang lingguwistikang sagisag at kasangkapan sa
pamamagitan ngpagpaplanong pangwika, positibo ang dapat magingturing dito.
ambag ng saliksik

Pagsisiyasat sa sitwasyon ng lingua franca sa probinsya ng


Palawan. Bungsod ng preokupasyong historyograpikal kung saan
matingkad na tuklas ang katangian ng Palawan bilang etnikong
haluan o melting pot. (Ocampo1985/1991)

Pinag-aralan ni San Juan (1990) ang wikang Filipino at wikang
katutubo ng Palawan.
ambag ng saliksik

Pagsisiyasat sa sitwasyon ng linguafranca sa probinsya ng


Palawan. Bungsodng preokupasyong historyograpikal kungsaan
matingkad na tuklas ang katangianng Palawan bilang etnikong
haluan o melting pot. (Ocampo1985/1991)

Pinag-aralan ni San Juan (1990) ang wikang Filipino at wikang
katutubo ng Palawan.
ang sitwasyon pangwika sa palawan

Ang kasaysayan ng Palawan ay mikrokosmo ng bansa dahil


nahuhugis ditoang tatlusok na hatiang nasimulan sa pagdatalng
mananakop na:

EUROPEO
KATUTUBO-MUSLIM-
KRISTIYANO
Lunan ng pinakaunang tao sa kapuluan at lagusan ng kultura
at kabihasnan, natipon dito ang mga katutubong:

BATAK
na naharap sa hamon ng
TAGBANUA MUSLIM AT KRISTIYANO

PALAW
Ginawang himpilan

At tanggulan ng mga Muslim

Frontier na binuksan para sa kolonyal na mananakop at


mgatauhan nito
Kitang-kita ito sa distribusyon ngmga tao sa probinsya.
Simula ngpagkakatatag ng Puerto Princesa noong 1872,
sa pagdadala ng Espanyol ng mga settler at departado
mula sa iba’t ibang dako ng kapuluan, hindi na natigil ang
distribusyon ng tao. Kung kaya, may kinatawan ang Abra
hanggang Zamboanga o ang wikang Abaknon hanggang
Yogad.
1995 Census ang 640, 486 katao ay tumaas ng 112,199
mula sa datos ng 1990

Panganganak
Malakas sa Pandarayuhan
Migrante
Mamumuhunan at Turista
paghahati sa wika

Sa larangang pangwika, puwedengmahati ang mga wika ng


Palawan sadalawang kategorya:

Katutubong
Wika

Dayo
KATUTUBO
KAYONON BATAK

AGUTAYNEN TAGBANUA

KALAMIANEN PALAWANEN

KAGAYANEN MOLBOG
DAYO

TAGALOG

IBA PANG
WIKA
Noong 1995 Census, bahagyang tumaas ang Tagalog sa
29.08%, Hiligaynon sa 12.6% at Cebuano sa 7.63% subalit
bumaba ang Kuyonon sa 0.04%, Pinalawan sa 6.10% at
Tagbanwa 1.99%. Kakatwa gayunman na may entri na Other
Local Dialects na 27.82%.
Pansinin ang bayan ng Cuyo mismo natahanan ng etnikong wika
kung saan 0.03% ang Cuyonan at 86.83% ang other local
dialects.
FILIPINO BILANG LINGUA fRANCA

• Kuyonon ang unang naging lingua franca dahil sa pagpunta ng mga


Kuyonon sa iba’t ibang dako sa probinsya. Naging prominente at
maimpluwensya ito kaya maging sa kapital na Puerto Prinsesa
Kuyonon ang unang nagsilbing lingua franca.
ANG HUGIS NG FILIPINO SA PROBINSYA

Sinasabing haluang etniko na nga ang probinsya ngunit “bahid


pa rin ng unangwika ng nagsasalita” (San Juan 1990)
Di tulad sa Kamaynilaan sapagkat sentrona may tendensiyang
maliitin ang panrehiyong pananalita. Nagiging maingat na ang
mga taga probinsya namagpakita ng “probinsyalismo” at
nahihigop sa istandard ng Kamaynilaan
PONOLOHIYA AT MORPOLOHIYA
Nang dumating ang mga Espanyol ,naging signifikant o nagkaroon
ng indibidwal na katangian ang mga dating naipagpapalit na
ponemang e at i, o at u sa mga wika sa Pilipinas.
Hindi ito mahalaga sa kaso tulad ng lalaki/lalake o babai/babae
pero sa tulad ng mesa/misa o petsa/pitsa, may distinksyon na dapat
pansinin saangkat na mga salitang ito.
May preskripsyon na ng pagkakaiba, subalit sa kaso ng mga Bisaya
at Kuyonin na marami sa probinsiya, nananaig kahit paano ang pre-
Hispanikong dila.
Pitsa/Petsa
Ibidinsiya/Ebidensya
Kawel/Kawil
Omihe/Umihi
Katomal/Katumbal
Apu/Apo
Basu/Baso
Bitirano na tayo
Aplikabel ang mga priciples
Konting yuga lang at makakarikaber na ako
Maglakad ka na, Nel (Nil)
TAg para sa tig

Tag-tres ---- Tig-tres


Tag-siyete --- Tig-siyete
mag-/mga
PANGNAKARAAN
Tagalog Bisaya Kuyonin
1. Kumain Nagkain Nagkain
2. Bumili Nagbili Nagbili
3. Uminom Nag-inom Nag-inom
PANGKASALUKUYAN
Tagalog Bisaya Kuyonin
1. Kumakain Nagkain Nagakain
2. Bumibili Nagbili Nagabili
3. Uminom Nag-inom Naga-inom
PANGHINAHARAP
Tagalog Bisaya Kuyonin
1. Kakain Magkain Magakain
2. Bibili Magbii Magabili
3. Iinom Mag-inom Magainom
Ayon sa balarila ng Pilipino (Ramos et al 1971), katangian
ng aspekto ng pandiwa ang –um at karaniwang may
tuwirang layon o “may obligatoryongtagaganap ang
pandiwang mag-”.
Hal.
Maglinis ka (ng bahay)
Maglinis ka (ng bahay) (sa probinsya)
Hindi kailangan ng tuwirang layonsa gamit ng mag- sa
probinsya.
Hal.
Nagsakay ng bangka(hindi ibig sabihin noong nagdala
bilang karga o pasahero kundi sumakay ng bangka)
Magbasa kita (Bumasa tayo)
Ang kawalan ng –um at ng –in ay katangian naman ng
Tagalog Bataan, Batangas, Quezon at iba pa na
napapansin din sa probinsya.
Hal.
Nakain ka na ba?
Naulan
Nadamulag
Gayunman, nagagamit rin ang –um pero kabaligtaran sa
karaniwang gamit.
Hal.
Tumago na ang tuko.(Nagtago na ang tuko.)
Dumala ng gamit.(Nagdala ng gamit.)
Sumaing na ako.(Nagsaing na ako.)
Pansinin rin na nawawala ang pag-uulit o reduplikasyon sa
mga anyong
Doon na ako sasakay/makakasakay (Doon na ko
makasakay)
Nag-uugat naman ito sa kawalan o di-kasanayan ng mga
Sebwano sa reduplikasyon.
pagpasok ng bokabularyo

Ang Palawan ay tinaguriang “laboratoryo ng wika” (San Juan


1990) dahil malaki ang puwang para sa pag-aambag ng iba’t ibang
wika sa kaniya-kaniyang antas.
Tulad ng Ingles at Tagalog, may Ingles ang sitwasyon ng
pagbibiyahe na hindi na Ingles kung tutuusin sa mga salitang
taplud, istaping, riserb(topload, stopping, reserve).
pagpasok ng bokabularyo

Tunay nga na mataas ang tingin sa dalawang wikang itong Ingles at


Tagalog pero pasok na rin ang ating kamalayan sa yumayamang
pananalita mula sa iba pang wika.
mga ilang halimbawa
Suroy-suroy (Pasyal-pasyal)
Basakan(Tubigan)
Pamahawan(Almusalan)
Dyutay (Konti/Sandali)
Gwapa (Magaganda)
Balay ( Bahay)
Mag-okasyon (Sasakyang bibiyahe)
Uma (Bukid/Taniman)
Hibas (Tuyo/Kati)
pagyamanin ang Butil na ambag
Napapansin ang panghihiram sa Espanyol at Ingles sa
ponetikong ispeling (eskapo,suspek, tsuper, traysikel)

Nakikita rin ang pag-iikli o pagsisiple nganyo ng (Dagdag


kita –Dumadagdag ang kita) hindi na lang basta lang
maaapulang istilong barok sapagkat kilusan rin sa sa
nagbabago-bagong Ingles (Push button when get off)
pagyamanin ang Butil na ambag

Proseso pa ng pagbabagong painot-inot, hakbang-


hakbang ang pagtalunton ng mga praktisyuner ng
wikang pambansa tungo sa modernisasyon nito. Kaunti
lamang ang mga halimbawa rito subalit sapat na upang
ipahiwatig ang kakayahang wikang pambansa.
pagyamanin ang Butil na ambag
Darating o isang oras kailangan na ng istandardisasyon,
subalit hindi muna sa kasalukuyan habang yumayabong
at ipinagyayabong.
May varayti at varyasyon sa punto o aksent na dapat
tingnan sa parehong karapatan sa pambansang dila,
batay sa pagkaunawa sa pagkakapantay ng wika at
pambansang pagbubuklod.
pagyamanin ang Butil na ambag
Gayundin sa simplipikasyong nagyayari o
modipikasyong nagaganap sa panlalapi o morpolohiya o
sintax.
Tinatawaran pa ang pagkapambansa ng bigkas at
panulat dahil raw naipupuwera ang mga salitang hindi
tagalog.
pagyamanin ang Butil na ambag
“Hindi kasali ang mga taga-Palawan sa gayong
pananaghili, sapagkat sa kanilang natural na paggamit
ng linggua franca, nag-aambag sila ng kani-kanilang buti
ng hiyas, at wasto lamang na tanggapin at pagyamanin
ang mga handog na ito.”
Chavacano filipino:
varayti ng filipino sa
siyudad ng zamboanga

ni Teresita Semorlan
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang varayti ng
Filipino ng ilang grupo ng mga Zamboangueño na
kinabibilangan ng mga estudyante at empleado.
Ang Zamboanga bilang Siyudad ng mga Bulaklak at
isang tourist destination; isang siyudad na mainam na
tirahan, ang lumalalang sitwasyon sa Basilan, ang hiling
ng MNLF na itiwalag ang Mindanao sa Pilipinas at ang
pagtawag sa Mindanao na "Bangsa Moro Country"
Itineyp ang pagsasalita ng mga impormante at pagkatapos
nito ay itinaranskrayb. Ang transkripsiyon na nakateyp ang
naging basehan ng mga impormasyon para sa analisis ng
varayti ng Filipino na ginagamit ng mga Zamboangueño sa
siyudad ng Zamboanga.
Zamboanga: Ang Sosyolingguwistikong
Sitwasyon Nito
Mainam na tirahan ang Siyudad ng Zamboanga. Malinis
ang lugar, katamtaman ang klima at mura lamang ang
pang-araw-araw na bilihin gaya ng pagkain. Sagana rito
ang isda at masasarap na prutas.
Kaya hindi kataka-takang iba’t ibang klase ng tao o mga
etnolingguwistikong grupo mula sa ibat’t ibang lugar ang
dumadayo sa Zamboanga.
Zamboanga: Ang Sosyolingguwistikong
Sitwasyon Nito
Mga Tausug, Samal, Yakan, at Maranao naman ang
mga Muslim na makikita sa siyudad. Ngunit wikang
Chavacano ang lingua franca ng lugar at talagang
nananatili pa rin ang pangkalahatang pagsasalita ng
Chavacano.
Wikang Chavacano

Gaya ng ibang rehiyon, may sariling wikang ginagamit


ang mga Zamboangueño Chavacano ang tawag dito na
tinawag na pidgin Spanish subalit nagiging creole na
dahil may nabuo na itong gramatika.
Wikang Chavacano
Gaya ng ibang rehiyon, may sariling wikang ginagamit
ang mga Zamboangueño Chavacano ang tawag dito na
tinawag na pidgin Spanish subalit nagiging creole na
dahil may nabuo na itong gramatika. Maliwanag na ang
garrison troops ang siyang may pinakamalakas na
impluwensya sa naturang wika. (Whinnon, 1965).
Zamboanga Chavacano Filipino

Batay sa pag-iinterbyu sa mga impormante, narito ang


nakitang mga paraang (1) pagbigkas ng ilang salita, (2)
pagpasok ng mga salitang Sebwano,
Espanyol/Chavacano ang Ingles sa Filipino ng
Chavacano , (3) ang paggamit ng pandiwa, at (4) ang
pagbubuo ng pangungusap sa Chavacano Filipino.
A. Paraan ng Pagbigkas sa Ilang Salita

1. Binibigkas na /c/ ang /g/


Kapag tuluy-tuloy ang pagsasalita ng isang
Zamboangueño, hindi niya namamalayan na ang /g/ ay
nabibigkas niya ng /c/ Halimbawa sa mga salitang
magkasama, magkaibigan: kanila itong nabibigkas nang
mackasama, mackaibigan.
A. Paraan ng Pagbigkas sa Ilang Salita

2. Binibigkas na /u/ ang /w/


Nahihirapan ang isang tunay na Zamboangueño na
bumigkas ng tinig ng /w/ at sa halip binibigkas niya ng
/u/. Halimbawa sa mga salitang giliw, aliw, paksiw.
Ganito rin ang paraan ng pagbigkas ng mga Tausug sa
mga salitang nabanggit. Maaaring naimpluwensiyahan
ng mga Tausug ang mga Zamboangueño sa
pamamaraan ng pagbigkas.
A. Paraan ng Pagbigkas sa Ilang Salita

3. Ang salitang tulad ng nakita ay binibigkas nang may


impit sa /a/. Ganito ang pagbigkas ng mga Zamboangueño
sa salitang ito. Masasabi rin na maaaring
naimpluwensiyahan ng mga Bisaya ang mga
Zamboangueño sa pamamaraan ng pagbigkas ng mga
salitang ito.
A. Paraan ng Pagbigkas sa Ilang Salita
4. Ang salitang isda ay hindi binibigkas ng mga
Zamboangueño nang tuluy tuloy sa halip binibigkas ito nang
malumay ngunit may impit din sa /a/.
Halimbawa
sa halip na isda/ isda/ nagiging is.da/is.da/
A. Paraan ng Pagbigkas sa Ilang Salita

5. Ang mangga/manggah/ ay hindi na binibigkas nang


mabilis sa halip ay malumay, gaya ng mangga/manggah. Sa
Zamboanga, ang salitang mangga sa vernakular na
pamamamraan na pagbigkas ay malumay/manggah/ kaya
masasabing epekto ito ng lipunang tagapagsalita.
B. Ang pagpasok ng mga salitang Bisaya,
Chavacano/Espanyol at Ingles sa leksikon ng
Chavacano Filipino
Gaya ng nabanggit, ang wikang Chavacano ay
nahahaluan ng wikang Bisaya kaya ang pagpasok ng
nasabing wika sa Chavacano Filipino na ginagamit ng
mga Zamboangueño ay epekto o dala ng kaligiran. Ang
mga salitang Bisaya tulad ng maskin (kahit) at cay (kasi)
ay bahagi na rin ng Filipino na ginagamit ng mga
Zamboangueño.
B. Ang pagpasok ng mga salitang Bisaya,
Chavacano/Espanyol at Ingles sa leksikon ng
Chavacano Filipino
Halimbawa:

1. Maskin saan may gulo.


2. Cay delikado ang panahon.
C. Ang Paggamit ng Pandiwa
Sa halip na gamitin ang panlaping um, malimit nilang
ginagamit ang mag sa pandiwa.

Halimbawa:

1. Maggawa siya ng listahan.


2. Mahilig kang magpasok sa ganyan.
3. Nagpili ako ng parehong design.
4. Huwag nang palagi magtawag sa telepono.
5. Mag-inom siya ng gamot.
6. Hindi sila mag-aaway sa sibilyan.
C. Ang Paggamit ng Pandiwa
Masasabing ang paggamit ng mga Zamboangueño ng mga
pandiwang binubuo ng panlaping mag ay impluwensiya o
epekto ng kaligiran.
Kung nagsasalita ang mga Bisaya, mapapansin na ang
karaniwang ginagamit nilang panlapi ay mag, mang- at i.
Hindi sila gumagamit ng panlaping um, in o hin.
Halimbawa:

Mangaun, magkaun, ibatag, ibutang, mangayo, mag-unsa


D. Pagbuo ng Pangungusap
Ang sumusunod na hinango sa pag-iinterbiyu ay
masasabing halimbawa ng pagbuo ng pangungusap sa
Chavacano Filipino.

1. Sana ma-improve ang peace and order situation sa Basilan.


2. Dapat may unity and cooperation ang mga tao.
3. Kailangan ng mga tao ang assistance ng government.
4. By kilo ang mga bilihin sa Zamboanga City.
5. Maraming etnolinguistic groups ang puwedeng makatanggap
ng share og government.
Konklusyon
Ang papel na ito ay isa lamang pahapyaw na pagtingin sa
varayti ng wikang Filipino na ginagamit ng mga
Zamboangueño sa siyudad ng Zamboanga.
Maliban lamang siguro sa tono sa paraan ng pagbigkas at sa
baryasyon ng ibang leksikon na maaaring nagpapakita ng
katangian ng wikang Bisaya at Tausug na
nakakaimpluwensiya sa Filipino ng mga Zamboangueño.
Posible ring makita ang ganitong kondisyon sa Filipino ng
ibang etnikong grupo sa Pilipinas na kasasalaminan din ng
katangian ng kani-kanilang wika.
MARAMING
sALAMAT!

You might also like