Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Iloilo Doctors’ College

Basic Education Department


West Avenue, Molo, Iloilo City

FILIPINO 10

Linggo 7
February 26 – March 1, 2024

Paksang Aralin: ARALIN 6: PAG-IBIG NA NAWALA AT NATAGPUAN SA BERLIN WALL

Mga Layunin:

Para sa February 27, 2024


1. Nakababasa nang may pag-unawa ng kuwento tungkol sa pag-ibig at paninindigan
2. Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa kuwentong nabasa
3. Nakabubuo at nakatatanghal ng isang maikling talumpati sa harap ng klase
Para sa February 29, 2024
4. Nakatutukoy at nakabibigay-kahulugan sa mga salitang karaniwang nakikita sa
social media.
5. Nakasusulat at nakababahagi ng sariling akda gamit ang internet

Sanggunian: Ang Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall; Pinagyamang


Pluma 10 Edisyon 4; Ailene G. Baisa-Julian, et al; pp. 222-247, Quezon
City, Philippines; Phoenix Publishing House; 2023

MODULE/FILIPINO 10 TEACHER LY
Gumawa Tayo

Para sa February 27, 2024


1. Basahin ang kuwento na may pamagat na Ang Pag-ibig na Nawala at
Natagpuan sa Berlin Wall sa pahina 224 – 227.
2. Sagutin ang mga tanong na kasunod nito sa pahina 227 – 228. Isulat ang sagot sa
inyong Filipino notebook.
3. Basahin at pag-aralan ang ALAMIN NATIN sa pahina 233 – 235.
4. Pagkatapos mabasa ang mga dapat tandaan sa paggawa ng talumpati
(speech), subukan mong gumawa ng iyong sariling talumpati. Gawin ang GAWIN
NATIN B sa p. 236. Ang gagawing talumpati ay dapat maikli lamang at mabilis
ninyong maisaulo. Maaaring isa o dalawang minutong talumpati lamang. Mag-
ensayo ng Mabuti para sa isang pagtatanghal sa klase. Maaari ding lagyan ng
kumpas ng mga gamay at facial expression upang mas maging epektibo ang
pagtatanghal ng talumpati.

Para sa February 29, 2024


5. Pumunta naman sa pahina 242 PALAWAKIN PA NATIN. Basahin at unawin teksto
tungkol sa mga Popular na Anyo ng Social Media.
6. Matapos alamin ang mga popular na anyo ng social media, subukan mong
mabigyan ng kahulugan ang mga acronym na madalas ginagamit sa social
media. Saguatan ang aklat sa pahina 245-246.
7. At panghuli, gawin ang D sa pahina 246 bilang 1. Sumulat ng isang Facebook post
tungkol sa iyong damdamin na may kinalaman sa kalayaan. Gumamit ng
#TLyFilipino10. Hihintayin ko ang inyong post sa February 29, 2024 sa takdang 10:00
ng umaga.

Karagdagang Gawain:

Labhan ang inyong IDC ID Lace para mukhang bago ulit sa susunod nating
pagkikita.

Hindi mahalaga kung gaano kabagal ang iyong pagusad,


hangga't patuloy kang hindi sumusuko. 😊

MODULE/FILIPINO 10 TEACHER LY

You might also like