Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Filipino W6

Pagyamanin Gawain 2

1. Ang layunin ng Senadora ay ang magbigay ng isang “joke” para magpatawa. Ito
ay kanyang ginagawa sa kanyang mga talumpati upang makuha ang atensyon ng
mga madla. Makikitang ang personalidad ni Senadora Santiago ay mabagsik,
matigas at intelektwal. Ngunit mapapansin na ang kanyang mga talumpati ay
palaging nagsisimula sa mga “pick up lines”. Ito ay upang kanyang makuha ang
tenga ng mga tao para siya ay pakinggan. Sa kanyang libro, ito din marahil ang
kanyang ginamit upang maging mas interesado ang mga mambabasa nito.

2. Ang layunin ni Bob Ong ay ang pangaralan ang mambabasa ng kanyang libro.
Sinasabi niyang an gating mga buhay ay batay sa kung ano ang isusulat natin araw-
araw. Ang ibig niyang sabihin ay nakabase ang ating hahantungan sa araw-araw
nating ginagawa. Dagdag niya ay mensaheng, okay lang ang mag kamali dahil
allowed ang erasures.
Fil W6
Summative Assessment

Ang pag gamit ng Wika ng mga tao sa Ilocos Norte ay nakabase sa layunin ng
kanilang pakikipagtalastasan sa iba. Madalas ito ay hindi pormal. Nagiging pormal
lamang ito kung may mga pagkakataong kinalailanagang gumamit ng pormal na
salita, katulad ng pakikipagusap sa Guidance Counselor o sa isang guro. Matindi
rin ang impluwensiya ng mga kanluraning bansa sa diyalektong Ilocano. Pati ang
mga bansang nasa Asya ay nakaimpluwensiya na rin dahil sa mga K-Drama,
Teleseryeng Thai at kanilang mga musika. Makikita sa sanaysay na ito ang bagong
paraan at pagbabago ng paggamit sa Wika ng mga tao sa Ilocos Norte.

Ang Ilokano ay ang ikatlong pinakamalaking ethnolinguistic grupo sa Pilipinas.


Ang terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula sa) at “looc” (cove o
bay), na kapag pinagsama ay nangangahulugan ng “Tao ng bay”. Sila rin ay
tinukoy bilang Samtoy, na kung saan ay isang pagpapaikli ng pariralang “sao mi
ditoy” (ito ay ang aming wika).1

Ayon kay Palma2, tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong
panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang
kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na
tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.

Iloco parin ang gamit na diyalekto ng mga taga Ilocos Norte. Halos lahat ng
naninirahan ay gumagamit parin nito. Tanging mga hindi tagarito lamang ang hindi
marunong gumamit ng Iloco. Ngunit may pagkakataong humihiram ng salitang
tagalog at ingles and mga Ilokano, sapagkat hindi lahat ng katumbas nito sa
Ilokano ay alam ng lahat ng tao dito. Katulad ng salitang tooth brush. Sasabihin
nilang “Inka ag tooth brush’en.”

Gamit na gamit din ang salitang balbal ngayon sa mga magkakaibigan. Maririnig
halos sa kanila ang mga salitang “charot,” “bet,” at iba pa. Ang mga salitang
dayuhan din ay ginagamit ng mga Ilokano, katulad ng “oppa” at “sawadee ka.

1
https://buhay-ng-ilokano-blog.tumblr.com/post/148974891056/kasaysayan-ng-ilokano-ang-ilokano-ay-ang
2
http://palmachristeljoy.blogspot.com/2015/02/wikang-ilokano-marami-ang-lengguahe-na.html
May mga kabataan na ring mas marunong sa wikang Ingles. Habang sila ay bata
pa, pinapanood ng kanilang mga magulang yoong mga video sa youtube na Ingles
and gamit na lengwahe. Subalit ginawang asignatura ang “mother tongue,” ng
DepEd, kaya unti-unting bumabalik ang galing ng mga kabataan sa pagsasalita ng
Iloco.

Maraming nagbago sa kung paano ginagamit ang diyalektong Iloko sa Ilocos


Norte. Ngunit sa haba ng panahon, hindi nawala sa mga taga Ilocos Norte and
paggamit nito. Anuman ang dumating, hindi natitinag ang importansya ng
diyalektong Ilocano sa mga taga Ilocos Norte.
Filipino Week 7
Isagawa:

Paksa: Pangunahing Dahilan ng paggamit ng Wikang Dayuhan ng mga mag-aaral


sa ika-11 na baiting ng Ilocos Norte National High School - STEM

Pamagat ng Mga Kasangkot Kaugnayan sa Sanggunian


Artikulo sa Pag-aaral Wika at Kultura
na Natukoy sa
Artikulo/Pag-
aaral
Kontribusyon ng Ang mga Ang wikang Tan, Maverick. (n.d.).
mga Wikang kasangkot sa Filipino ay Kontribusyon ng mga
Dayuhan sa pag-aaral na ito ginamit ng mga Wikang Dayuhan sa
Pagpapa-unlad at ay mga nasa ika- indibidwals Pagpapa-unlad at
Paggamit ng 11 na baitang ng noong rebolusyon Paggamit ng Wikang
Wikang Filipino Ilocos Norte sa laban sa mga Filipino. Sinipi 25
National High Espanyol dahil Enero 2022 sa
School Stem. kahit ipinagkait https://uclaliwanagat
ng mga dayuhang dilim2018.wordpress.
Malalaman ang Espanyol na com/kontribusyon-ng-
sagot sa matutunan ng mga-wikang-dayuhan-
katanungan mga Pilipino ang sa-pagpapa-unlad-at-
gamit ang kanilang wika, paggamit-ng-wikang-
pagsusuri sa mga ang wikang filipino/
iba’t-ibang Filipino ay ang
artikulo sa libro pinagka-isa ng
at sa internet at mga
sa pamamagitan mamamayang
ng pagpapasagot Filipino. Ang
sa questionnaire wikang Filipino
sa 20 na ay ang ugat ng
estudyante ng komunikasyon na
Ilocos Norte mga Pilipino at
National High dahil dito, ito ang
School STEM wikang na may
Grade 11. pinakamalaki na
epekto sa buhay
nila.
Wikang Filipino Mas nasasanay Becilla, Charlotte.
o Wikang tayong gumamit (2017). Wikang
Dayuhan? Ano ng mga nasabing Filipino o Wikang
ang mas nais wikang dayuhan Dayuhan? Ano ang
mo? dahil na rin sa mas nais mo? Sinipi
impluwensya ng 25 Enero 2022 sa
mga ito sa ating https://charlotebecilla.
bansa sa wordpress.com
pamamagitan ng /2017/02/16/wikang-
panonood at filipino-o-wikang-
pakikinig sa dayuhan-ano-ang-
kanilang mga mas-nais-mo/
pelikula at mga
kanta. Maging sa
mga paaralan at
trabaho’y
gumagamit tayo
ng mga wikang
dayuhan sa atin.
Dahil dito, hindi
natin masyadong
nabibigyang
halaga ang
wikang mayroon
tayo lalo na ang
mga
matatalinhagang
salita. Tulad ng
Sipnayan na ang
tawag sa ingles ay
“Mathematics”,
mas nasasanay
tayong gamitin
ang salitang
“Matematika”
dahil iyon ang
mas kilalang
tawag doon. Pati
ang salitang
Sulatroniko na
ang tawag sa
ingles ay
“Email”.

Pangwakas na Pagtataya

1. Matatandaang noong kumalat sa mundo and Covid-19 virus ay hindi handa ang
mga tao. Hindi natin alam kung ano ang virus na ito, kung paano ito nakakahawa,
kung saan ito nanggaling at kung ano ang sagot sa problemang ito.

Sa pamamagitan ng masusing pananaliksik at pagtuklas ng mga eksperto ating


nalaman ang mga sagot sa panimulang katanungang binanggit. Dahil sa
pananaliksik at pagtuklas, nakagawa ang mga eskperto ng bakuna na ngayon ay
ginagamit nang panangga sa virus. Ito ay isa lamang sa mga marami pang
sitwasyon kung saan nakikita ang kahalagahan ng pananaliksik at pagtuklas upang
matuntunan ang mga suliraning ating kinahaharap.

2. Ang resulta ng pananaliksik ay nakapagbibigay ng ginhawa sa buhay ng tao.


Kung ang pananaliksik ay maka-Pilipino, ito ay makakatulong sa sulinaring
kinakaharap ng ating bansa. Ito ay maisasagawa ko sa pamamagitan ng pag-iisip
ng mga temang naaangkop sa mga problema at pamumuhay ng mga Pilipino at
gawin ito sa paaralan sa tulong ng mga guro. Sa pamamaraang ito, ako ay
makakatulong sa ating bansa.
Filipino Week 7
Summative Assessment

T2: Batay sa pananaliksik, ano ang nagging inspirasyon ng mananaliksik upang


mapili ang ganitong uri ng paksa?

Claim: Ang aking sagot sa tanong ay ang teoriang Pakasatitaan ni Agcaoili noong
1996.

Evidence: Ang pahayag sa Articulo na sumusuporta sa aking sagot ay “Inspirasion


nito ang teoriang Pakasaritaan ni Agcaoili (1996) na nauna niyang binuo ng isulat
niya ang kanyang disertasion bilang Duktorado sa Pilosopia sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman na pinamagatang “Bannuar, Ang Libing ng Araw: Isang
Etnograpol na Pag-aaral sa Pilosopiya ng Buhay ng mga Ilokano 1971-1999.”
Pinag-aralan at hinabi niya ang mga kwento ng Pamilia Agtarap sa Kagayan upang
makabuo ng kasaysayan ng isang angkan noong panahong batas-militar. Bunga ng
pananaliksik ni Agcaoili ang nobelang Dangadang o Giera na inilathala niya noong
2003 at nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Philippine Centennial Literary Prize.

Reasoning: Ang patunay ng aking napili ay sumusporta sa aking sagot dahil: (1)
Ipinakilala ang awtor at ang pananaliksik bilang kanyang tesis sap ag-aaral ng
Masterado. Ang kanyang napiling inspirasyon ay isinulat ng isang Duktorado, ang
awtor ay hindi malayong mag-aaral rin ng pagka duktorado sa darating na
panahon. (2) Ang resulta ng pananaliksik ni Agcaoili ay nahantong sa paggawa
niya ng isang nobela na nanalo sa isang prestihyosong gantimpala. Ito ay hindi
malayong gusto ring marating ng mananaliksik na si Tejano. (3) Ito ay sinabi niya
mismo sa kanyang sulatin.

T5: Ano ang paksa ng pananaliksik? Ano ang kabuluhan nito sa wika at lipunang
Ilokano?

Claim: Ang aking sagot sa tanong ay ang pakabaliksan bilang mapagpalayang


teoretikal na balangkas sa naturang layuning pagsasakasaysayan.
Evidence: Ang pahayag sa Articulo na sumusuporta sa aking sagot ay “Tinatalakay
sa papel na ito ang gampanin ngh wika sa pananaliksik tungo sa mapagpalayang
pagsasakasaysayan ng buhay-Ilokano, Pangunahin rito, isinusulong ng papel na ito
ang pakabaliksan muka sa pormulang paka+balik[a]s+an bilang mapagpalayang
teoretikal na balangkas sa natuang layuning pagsasakasaysayan.”

Reasoning: Ang patunay ng aking napili ay sumusporta sa aking sagot dahil


ginamit niya bilang patunay ang mga salitang samtoy o sao mi ditoy at kung saan
nanggaling ang mga salitang “Paoay” – isang lugar sa ilocos norte

T8: Sumasang-ayon ka ba sa binanggit na mahalaga ang papel na ginagampanan


ng wika sa buhay ng tao? Pangatwiranan.

Claim: Ang aking sagot sa tanong ay ako ay sumasang-ayon.

Evidence: Ang pahayag sa Articulo na sumusuporta sa aking sagot ay “Mahalaga


ang papel ng wika sa buhay ng tao. Bilang kanlungan ng karunungang pantao,
nananahan sa wika-paggamit ng wika- ang napakayamang batis ng impormasiyon
ukol sa tao at karanasang pantao.

Reasoning: Ang patunay ng aking napili ay sumusporta sa aking sagot dahil


inilarawan nito ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao, ito ay upang malaman
ang mga impormasyon tungkol sa mga bagay na nangyari sa isang tao o sa
karanasan ng mga taong ito.
Week 8
Balikan:

1. Jocson

Paliwanag ayon sa Pag-Unawa: Ang pananaliksik ay kailangang minamasid at


sinasagawa gamit ang sistematiko at organisadong metodolohiya upang
makatuklas ng bagong impormasyon na makakatulong sa pamumuhay ng tao.

2. Cantillo, et. al.

Pagyamanin:

1. Ang mga sumusunod ay ang mga element ng panimulang pananaliksik:


a) Kaligiran ng Pag-aaral;
b) Suliranin ng Pag-aaral;
c) Mga Layunin;
d) Mga Tanong sa Pag-aaral (at/o haypotesis);
e) Balangkas ng Pananaliksik;
f) Kahalagahan ng Pag-aaral;
g) Metodo at Disenyo; at
h) Sanggunian.

2. Mahalaga ito upang mataya ang kontribusyon at limitasyon ng mga kaugnay na


literatua na nakakatulong upang mabigyang espasyo para sa tiyak na magiging
kontribusyon ng mga bagong panukala. Isa pa, hindi mo gugustuhing tuklasin ang
mga karunungang natuklasan na ng iba. Ang mga teoryang pagbabatayan ay
kailangang sapat upang maging lohikal ang pag-aaral.

3. Ang mga sanggunian ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagpapayaman sa


kaalaman at karunungan ng isang mananaliksik sa paksa. Kung ikaw ay gagawa ng
isang pag-aaral, kailangan mong maging eksperto sa paksa. Dahil dito, kailangan
mong magbasa ng mga literatura o sangguniuan na may relasyon sa paskang iyong
tatalakayin at sasaliksikin.
Filipino Week 8
Summative Assessment

Ang epekto ng Covid-19 sa problemang pinansyal ng mga nasa poverty line ng


mga Brgy. 2, Laoag City.

Ayon kay Alex Pinamang, ang pagtaas ng unemployment sa bansa dahil sa


mga ipinatupad na lockdowns at community quarantines ay umabot ng 17.6% na
pagtaas noong April 2020. Ito ay nagresulta sa pagtaas ng porsyento ng kahirapan
ng mga pamilyang Pilipino.3 Ayon sa World Bank, ang gobyerno ng Pilipinas ay
nagsagawa ng large-scale social protection program gamit ang batas na Bayanihan
to Heal as One Act4 na pinasa sa Kongreso.5 Sa Barangay 2, Laoag City, wala pang
pananaliksik na isinagawa upang malaman ang katayuan ng barangay na ito
tungkol sa mga pinansyal na suliranin ng mga nasa poverty line.

Importanteng malaman ang mga datos na ito upang magkaroon ng ideya ang
kinauukolan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasa poverty line ng
Brgy. 2, Laoag City. Maaaring ibase din sa resulta ng pananaliksik na ito ang mga
proyekto at programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga gipit na tao sa
kanilang araw-araw na pangangailangan.

Upang makagawa ng komprehensibong proyekto ang ating pamahalaan,


kailangang matukoy ang problema ng mga mamamayan sa naturang barangay.
Upang sagutan ang tanong, ang pananaliksik na ito ay naisakatuparan.

3
Pinamang, A. (w.p.). Impact Of COVID-19 On Poverty in the Philippines. Retrieved 25 January 2022 from
https://borgenproject.org/impact-of-covid-19-on-poverty-in-the-philippines/
4
Republic Act No. 11469
5
Worldbank. (2021). COVID-19 Impacts on Low Income Families in the Philippines. Retrieved 25 January 2022
from https://www.worldbank.org/en/country/philippines/brief/covid-19-impacts-on-low-income-families-in-the-
philippines

You might also like