Professional Documents
Culture Documents
(CreepyPervy) Almost Mine (Bachelors Series 5) .TXT Version 1
(CreepyPervy) Almost Mine (Bachelors Series 5) .TXT Version 1
Chapter 12
I knew something was wrong between us but I can't still point out what it was.
Wala kaming imikan ni Troy simula ng manggaling kami sa bahay nila Summer kahapon.
Kagabi nga ay tahimik lang kaming kumain then he went to his library, the whole
night siyang nag stay doon at mukhang doon na rin siya nakatulog. I didn't bother
to disturbed him kaya doon na lang din ako natulog sa tabi ni Maxaine sa dati 'kong
kwarto.
Wala naman akong ma alala na kakaibang nangyari kahapon but we ended up not talking
to each other. Napabuntong hininga na lang ako mula sa nakakabinging katahimikan.
Hindi lang ako sanay na tahimik si Troy, he used to be the cheerful man I've ever
met. Binuksan 'ko na lang iyong radyo sa sasakyan niya.
[ DJ: Para sa mga nabigo at nagmamahal. Narito ang ating magandang awitin para sa
inyo~
What is that sad look in your eyesWhy are you cryingTell me now, tell me nowTell
me, why you're feelin' this wayI hate to see you so down, oh babyIs it your
heartOoh, that's breakin' all in piecesMakin' you cryMakin' you feel blueIs there
anything that I can do ]
At mukhang wrong timing naman iyong kanta. Parang nanadya pa eh kaya pinatay 'ko na
lang iyon pero agad din binuksan ni Troy, napatingin pa ako sa kaniya pero seryoso
at diretso lang ang tingin nito sa daan.
Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siya, ibinaling 'ko na lang din ang
atensyon 'ko sa may bintana but every lyrics touched my heart. Para bang apektado
ako at tugma iyon sa gusto 'kong sabihin sa kaniya. Kainis lang diba?
[ Why don't you tell me where it hurts now, babyAnd I'll do my best to make it
betterYes, I'll do my best to make those tears all go awayJust tell me where it
hurts now, tell meAnd I love you with a love so tenderOh and if you let me stayI'll
love all of the hurt away..]
It was obvious that there was a thing that we need to be discussed, pero hindi 'ko
alam kung ano iyon at kung tama bang ako ang mag tanong sa kaniya. Siya naman kasi
itong na wala sa mood simula kahapon. Ibig sabihin siya ang may problema so why do
I need to initiate? Dapat lang na siya ang mag open up and if he doesn't want to
talk about it, then let it be. Baka naman mamaya ako lang itong nag iisip ng kung
ano ano or maybe it was his personal problem.
[ Where are all those tears coming fromWhy are they fallingSomebody, somebody,
somebody left your heart in the coldYou just need somebody to hold on, babyGive me
a chance to put back all the piecesTake your broken heartMake it just like
newThere's so many things that I can do.. ]
Yeah, just let it be. Ako lang siguro itong OA but it sucks how he treated me right
now! I missed how he nags, how sweet he was, I miss everything he did.
At kahit nakarating na kami ng bahay at wala pa rin siyang kibo, nag luto lang siya
then he called me for dinner then after noon, wala na. Dumiretso lang siya ulit sa
library niya.
Habang nag huhugas ako ng plato hindi maalis sa isip 'ko kung ano bang nagpa bago
sa mood ni Troy. Wala naman kasing nangyari kahapon na kakaiba maliban sa hindi pa
rin namin napag uusapan iyong tungkol sa agreement namin about baby pero ok naman
siya kahapon hanggang sa makarating kami sa bahy nila Summer.
"Uggghh! Nakakainis!" Ibinagsak 'ko na lang ang likod 'ko sa may sofa at kahit wala
akong interes na manood ay binuksan 'ko iyong T.V.
Hindi 'ko nga alam kung ano iyong palabas basta nakatutok lang iyong mata 'ko sa
may screen pero si Troy ang tumatakbo sa isip 'ko. See how pathetic I am right now?
And I don't even know why I felt that way, kung bakit apektado ako sa hindi niya
pag pansin sa akin.
So ano naman kung hindi niya 'ko kinakausap? Kawalan ba siya? Wala naman akong
ginawang mali ah? Bahala siya! Bahala nga siya kung ayaw niya 'kong kausapin!
Uggghh! Shit! Puntahan 'ko na kaya siya sa library niya? Dalhan 'ko kaya siya ng
kape? o gatas? O baka gusto niya rin ng meryenda? pero hindi, kakatapos lang namin
kumain. Ayain 'ko ba siyang magpahinga na? o mas magandang ako na ang makipag usap
sa kaniya?
But why would I? Siya ang hindi nakikipag usap kaya dapat siya ang maunang makipag
usap. Wala akong pake--
"Anong facebook account mo?"
Natigilan ako sa pag iisip ng bigla na lang umupo si Troy sa tabi 'ko. Napatingin
pa ako sa kaniya pero seryoso iyong mukha niya habang nakatuon ang atensyon sa
hawak nitong cellphone.
"W-wala akong facebook."
Napakagat pa ako sa ibabang labi at kunot noo niya naman akong tinignan.
"Tao ka ba?"
Napairap ako sa naging tanong nito. Iyon talaga ang tinanong niya? Hindi ba pwedeng
tinanong niya muna kung bakit wala akong facebook or what?
"Malamang, hindi naman ako tumatahol."
Sarkastikong sagot 'ko sa kaniya. Sinubukan 'ko naman maging nice sa pakikipag usap
sa kaniya pero ganito talaga kami mag usap, at least he talked to me, he did at
masaya ako na kinausap niya na ako.
"Instagram? Twitter? Viber?"
Kunot noong tanong ulit ni Troy na kinaikot na ng mata 'ko at ibinalik ang tingin
sa TV.
"Wala, wala nga akong social media accounts."
"You serious?"
"Mukha ba akong nag bibiro?"
Tumango tango na lang siya tapos nag patuloy sa pag titipa sa cellphone. Balak 'ko
sanang silipin iyong gi agawa niya kaso panay ang layo nito sa hawak niyang phone
at tinitignan niya pa ako ng parang sinasabing 'bakit ka tumitingin?'
Kaya pinili 'ko na lang na ibaling ang atensyon 'ko sa TV kahit wala talaga ako
interes sa palabas.
Wala akong social media accounts dahil wala naman akong gagawin doon. Una ay wala
naman akong ibang kaibigan maliban kay Night at Summer. Wala rin akong oras sa mga
ganoong bagay.
"Kailan na nga ulit birthday mo? June 11, 1993 ba?"
"Oo, bakit mo na tanong?"
"Wala,"
Literal ng naningkit ang mata 'ko sa kaniya. Ano bang ginagawa niya? Tutok na tutok
kasi iyong mulha niya sa cellphone.
"Shit!" angil pa niya at muntikan na nitong ibalibag iyong cellphone na halatang
inis na inis.
"Ano ba kasi 'yang pinagkaka abalahan mo?" Lumapit na ako sa kaniya at nakisilip sa
cellphone niya pero itinago niya lang iyon.
"Wala 'to. Manood ka na lang diyan."
Sinamaan 'ko siya ng tingin, iyong sobrang talim na tingin na halos nakakamatay na
pero imbis na matinag siya ay humiga ito sa sofa at ginawa pang unan ang hita 'ko.
"Ginawa mo pa 'kong unan, ayaw mo naman ipakita 'yang ginagawa mo."
Naiinis ako sa kaniya kasi naman--kinausap niya nga ako pero iyong atensyon niya na
sa cellphone lang.
"Ano na nga 'yung birthday nun?"
Hindi ako nito pinansin at patuloy lang siya sa ginagawa at mukhang malalim ang ini
isip niya dahil nag bibilang pa siya sa daliri ng hindi 'ko maintindihan bago nag
type ulit.
Ok, napipikon na ako sa kaniya. Konti na lang ihuhulog 'ko na siya sa pagkakaunan
sa akin.
"Ah! Bwisit! Mali!"
"Ano ba kasi 'yan?"
"Wala nga."
"Meow~" sabay pa kaming napalingon ni Troy kay Maxaine ng tumalon ito sa tiyan niya
pero itong si Troy ay agad na napabangon.
"Tama!" Binuhat pa nito si Maxaine na kinakunot lalo ng noo 'ko.
"Hoy, anong ginagawa mo kay Maxaine?"
Nakita 'ko pang tinanggal nito ang kwintas ni Maxaine kaya hindi na ako nakapag
pigil na mainis.
"Troy ano bang problema mo at pati 'yang kwintas ni Maxaine ginagalaw mo. Napipikon
na 'ko sa'yo ah! Akin na nga 'yan!"
Nakipag agawan ako sa kaniya sa kwintas pero panay ang suri nito sa kwintas.
"meow~"
"Ah, January 8, 2014." Parang tanga pa nitong sabi bago inabot sa akin iyong
kwintas at muling nag type sa cellphone niya.
Naiinis at naguguluhan ako sa ginagawa ni Troy. Ang weird niya at the same time
para siyang tanga.
"Nakakainis ka! Ano bang problema mo?"
Ibinalik 'ko na iyong kwintas ni Maxaine sa kaniya.
"Yun!" Sigaw pa ni Troy na parang tuwang tuwa.
Sa inis 'ko hinablot 'ko iyong cellphone niya pero agad din niyang na bawi iyon.
"Nakakainis ka na!"
Inis 'ko siyang pinag susuntok sa braso na kinangiti niya at nagulat na lang ako ng
bigla ako nitong halikan sa labi.
"Huwag ka ng mainis, Ok?"
Shit! Bakit ganiyan siya sa'kin. Bigla bigla niya na lang ako hahalikan ng walang
pasabi lalo na pag naiinis ako sa kaniya at ako naman itong si tanga, hindi na
makapag isip ng matino at na tutulala na lang.
Aaminin 'ko naman, nawawala agad iyong inis 'ko sa kaniya kapag hinahalikan niya
'ko.
At ngayon 'ko lang din na realize na wala na si Troy sa tabi 'ko kaya napasibangot
ako. Haneo talagang lalaki 'yun naisahin niya na naman ako eh.
Porket alam niyang marupok ako sa mga halik niya, sinasamantala niya kahinaan 'ko.
Kainis!
Padabog 'ko siyang hinanap at natagpuan 'ko ito sa kusina na nakatutok pa rin sa
cellphone niya habang umiinom ito ng alak.
Salubong ang kilay 'kong sinipa ang binti nito niya na kina angil ni Troy na
nakatutok pa rin ang tingin sa cellphone hanggang sa tuluyan ng mag salubong ang
kilay nito sa inis, napansin 'ko rin ang mahigpit na paghawak nito sa bote ng alak
at ang pag tagis ng bagang niya.
So ano? Siya pa ba ngayon ang may ganang magalit? siya pa ang na iinis pagkatapos
niya ako hindi kausapin kahapon hanggang kanina at ngayon, nag mumukha akong tanga
kakatanong sa kaniya.
"Hindi mo pa rin ako kakausapin?"
Inis 'kong baling kay Troy at nang hindi ito kumibo ay tinalikuran 'ko na siya.
Bakit ba ang tiyaga 'kong makipag utuan kay Troy, kung ayaw niya 'kong ka usap edi
'wag! Huwag na huwag lang talaga siyang lalapit sa'kin. Naubos na pasensya 'ko sa
kaniya.
"Anong meron sa inyo ni Maxus noon?"
Bigla akong natigilan ng marinig ang baritono nitong boses na may halong inis.
Nabato rin ako sa kinatatayuan 'ko at hindi 'ko alam kung dahil ba narinig 'ko ang
pangalan ni Maxus o mas na-estatwa ako sa tono ng pananalita ni Troy.
"Tinatanong mo 'ko kung anong ginagawa 'ko kanina diba?"
Napalunok ako kahit ramdam 'ko ang panunuyo ng lalamunan 'ko at tila na ipit rin
ang hangin rito ng marinig ang mga yabag ni Troy palapit sa akin.
"Ang totoo niyan, kagabi 'ko pa ini-stalk ang facebook ni Maxus."
Bumilis na rin ang pagkabog ng puso 'ko ng tuluyan ng huminto si Troy sa tapat 'ko
pero hindi 'ko na gawang tignan ito ng diretso sa mata.
Hindi naman ako kinakabahan, hindi 'ko lang kinasanayan na pag usapan ang tungkol
sa amin ni Maxus dahil wala naman talagang namamagitan sa amin.
Mas kinakabahan pa nga ako sa klase ng tono at tingin ni Troy at kung bakit niya pa
kailangan i-stalk ito.
Ano kayang pumasok sa isip niya? at ano kayang espirito ang sumanib sa kaniya para
isipin na may kinalaman ako kay Maxus?
"S-so? Anong pake 'ko kung may ini-stalk ka o wala. Matutulog na ako."
I try to act normal as I can at akmang lalagpasan 'ko ito ng hawakan nito ang braso
'ko.
"Walang matutulog ng hindi natin 'to pinag uusapan."
"Wala naman tayong dapat pag usapan."
Napansin 'ko pa ang mariin nitong pag pikit at malalim na pag hugot nito ng
hininga. Kalmado naman ang pakikilag usap niya sa akin lero madilim ang mga mata
nito.
Mariin din niyang kinagat ang gilid ng ibabang labi at na gulat naman ako ng bigla
ako nitong ni yakap ng mahigpit.
"T-Troy,"
"Please.. let's talk.. Nababaliw na 'ko sa kakaisip sa kung ano namagitan sa inyo
ni Maxus. Hindi ako makatulog at nahihirapan akong huminga."
Napakagat ako sa ibabang labi 'ko ng maramdaman ang kakaibang kirot sa puso 'ko ng
marinig ang nag susumamong boses ni Troy. Kahit hindi niya sabihin, alam 'ko--
nararamdaman 'ko iyong bigat kaya marahan akong napatango sa kaniya dahil alam 'ko
na iyon lang ang magagawa 'ko para mapawi iyong bigat na nararamdaman nito.
Wala naman akong dapat itago kay Troy dahil wala naman talagang espesyal sa amin ni
Maxus. Ayoko rin na nakikitang nahihirapan siya dahil parang nasasakal din ako.
We headed back to the living area, nakabukas pa rin iyong TV. Mag uusap kami ni
Troy pero ilang minuto na siya hindi umi-imik. Ako ba dapat ang mag kwento? o
tamang hintayin 'ko siyang magtanong?
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ako sanay sa ganito. I mean, what
should I do first? or Am I doing it ringht?
Pag dating kasi kay Troy palagi 'ko na lang naiisip kung ano ba ang mas tamang
gawin, hindi dahil sa hindi ako nag papakatotoo pag kasama siya. Nag iingat lang
ako na may magawa o masabi akong mali na pwede siyang masaktan.
Ang weird pero natatakot ako na masaktan siya. Sobra na ba akong na attach sa
kaniya? Pero bakit kay Night, hindi naman ako ganito. We've been friends for a long
time and I care about his feelings pero iba 'yung pag iingat 'ko para kay Troy.
Napatingin ako kay Troy ng i-angat nito ang kamay 'kong nakapatong sa hita 'ko,
bago soya humiga at ginawa muling unan ito. Sanay naman na ako kay Troy, madalas
para siyang bata na nag lalambing.
"Kwentuhan mo na 'ko."
Bigla na lang akong napangiti ng mag salita ito na parang bata. Pinaglandas 'ko
iyong kamay at daliri 'ko sa buhok niya bago nakatitig sa mata nito at ganun din
naman siya sa akin.
"Hindi 'ko alam kung anong kwento ba ang gusto mong marinig."
Natatawa 'kong untag sa kaniya. Biglang gumaan kasi iyong pakiramdam 'ko ng mabakas
sa mata ni Troy na hindi ito galit. Malaman 'ko lang na hindi siya galit, ok na
ako.
"Ah-- paano kayo nagkakilala?"
Tanong nito habang patuloy lang ako sa pag hagod sa buhok niya.
"Stalker 'ko siya." Sagot 'ko kay Troy na kinasibangot nito.
"Seryoso ako, Raine."
"Hindi ka ba naniniwala na pwede akong magka-stalker?"
Natatawa 'kong biro kay Troy na lalong nag pasibangot sa kaniya.
"Don't play with me, Raine. Hindi ka i-stalk ni Max. He was my friend way back our
college days."
Nagulat ako sa sinabi ni Troy. Magkakilala pala talaga sila ni Maxus. Sadyang
napakaliit ng mundo sa amin ni Troy.
Imagine, we have a small circle of friends but we met in unexpected time.
"Talaga? Magkaibigan kayo?"
"Oo, magkasama kami sa basketball team noong college. Ako, si Rye, si Lee, ang kuya
ni Summer na si Xander at si Maxus. Mostly, laging kami ni Maxus magkasama dahil
busy si Rye noon kay Ai."
"Oww, no doubt you have the same personality."
Kaya parehas silang balahura mag salita, mas malalang version nga lang si Troy.
"Mas gwapo naman ako sa kaniya. Mga isang daang paligo pa bago niya 'ko abutan--
aray!"
Sabay pitik 'ko sa noo nito.
"Ang yabang mo."
"Mayabang talaga ako dahil meron akong pinag yayabang."
"At ano pinagyayabang mo?"
"Ikaw. Mayabang ako dahil meron akong ikaw."
May kakaiba kiliti ang humahaplos sa puso 'ko at ngayon 'ko lang iyon naramdaman.
Kahit noon kay Maxus, hindi 'ko naramdaman ang ganitong tuwa.
"Huwag kang ngumiti baka makalimutan 'ko na may kwento ka pang utang."
Hindi 'ko na malayan na nakangiti na pala ako ng dahil sa sinabi niya. Simpleng
salita lang ni Troy na babago na nito agad ang mood 'ko. Sobra na talaga akong
attached sa kaniya.
"So, paano nga? Sa LNB rin ba? jeep din ba? o sa taxi? sa mall? o sa CR din?"
Sabay tusok nito sa noo 'ko ng pa ulit ulit kaya tinapik 'ko iyong kamay niya.
"Hindi noh! Hindi mo naman siya katulad na nakikipag halikan sa bakla."
Bigla 'kong na alala iyong unang beses na magkita kami ni Troy, nakakatawa talaga
dahil nagkita talaga kami sa paraan na nilalamon siya ng kahihiyan. Iyong mukha
niya ng gabing iyon ang pinaka-priceless at nakakatawa sa lahat.
"Huwag mo ng ipa-alala, kinikilabutan ako eh. So saan nga?"
"Dahil kay Summer."
I told him how I met his friend and his purpose. Hindi 'ko lang binaggit kay Troy
kung para saan iyong trabahong inalok sa akin ni Maxus noon.
Ipinangako 'ko kasi kay Night at Summer na mananatiling tikom ang bibig 'ko tungkol
sa underworld.
"You work with him--tulad ngayon? You work with me."
"Hmm... parang ganun na nga." Minamasahe 'ko naman iyong sintido ni Troy habang
tinatadtad niya ako ng tanong kay Maxus.
I don't feel anything bad right now, akala 'ko noon hindi ako magiging komportable
na pag usapan ang tungkol kay Maxus pero ng dahil kay Troy, parang gumagaan pa
iyong pakiramdam 'ko. Nailabas 'ko lahat ng gusto 'kong sabihin at masaya ako dahil
nakikinig talaga siya sa akin.
Ikinuwento 'ko sa kaniya lahat ng tungkol sa pinag samahan namin ni Maxus, maliban
doon sa part na ilang beses akong ninakawan ng halik ni Maxus.
Ninakawan din ako ni Troy ng halik noon at mas malala pa iyong ninakaw ni Troy--ang
ka-inosentehan 'ko. Jusme! Nahawa na ako ng kalandian ni Troy.
"I see-- in short, friends lang kayo?"
Tumango ako sa kaniya at kinuha naman nito ang kamay 'ko at pinaglaruan iyon na
parang sinusukat sa mga kamay at daliri niya.
"You liked him?"
"Huh?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Troy. Diretso ang tingin nito sa akin
habang isinugpong na niya ang mga daliri sa mga daliri 'ko.
"I told you, you're too predictable. Kitang kita 'ko naman na may gusto ka sa
kaniya. On how you react when you heard his name, on how you tell everything you
knew about him. Obvious naman."
"Eh bakit tinatanong mo pa ako?"
Pinigilan 'kong humaba iyong nguso 'ko pero mukhang bigo ako dahil natatawang
dinuro duro iyon ni Troy.
"Kamukha mo si tweety bird."
"Troy naman," hinila 'ko iyong kamay niya dahil naka-saklop pa rin naman iyon sa
mga kamay 'ko.
"Tinatanong 'ko dahil gusto 'kong marinig ang totoo mula sa'yo. It was good to
heard true things from you, talk to you like that and being honest with each other.
Ayaw mo ba nun?"
"Hmmm... siyempre gusto.."
Nakangiti 'kong sagot sa kaniya at dali dali naman itong bumangon sa pagkakahiga at
sinalubong ang tingin 'ko.
"So tell me, do you like him?"
"No, I don't." Mabilis 'kong sagot kay Troy na kinakunot ng noo niya at kinatipid
ng ngiti 'ko.
"I fell in love with him, he's my first love."
Siya na ang nag sabi na magpakatotoo kami sa isa't isa but I don't think it was a
good idea to tell him what I feel for Maxus before, na wala ang ngiti sa labi ni
Troy at napabitaw din ito sa kamay 'ko.
"Ah," Patango tango nitong sabi at tipid na ngumiti.
"S-sinabi mo ba 'yun sa kaniya?"
Mabilis akong umiling kay Troy.
"Hindi, natakot kasi akong ma-reject at babae ako. Lalaki dapat ang nag i-initiate.
Isa pa, alam 'ko naman sa umpisa pa lang na may mahal siyang iba."
Nakahinga ako ng maluwag, parang naalis iyong mabigat na nakadagan sa dibdib 'ko na
matagal 'ko ng ini inda. Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam na nailabas mo lahat
mg hinanakit mo, na may taong handang makinig sa mga hinaing mo at maswerte ako
dahil nandito si Troy sa tabi 'ko.
Ngumiti ito at ipinatong ang kamay sa ulo 'ko.
"Hindi ka ba nagsisisi o nang hihinayang man lang?"
"Hmmm.. sometimes, maiisip mo na paano kung ganito o ganiyan.. ako kaya? maging
kami kaya? ang daming tanong at sadyang nakakapang hinayang, pero ganun talaga,
it's a one sided love at normal naman iyon diba? Hindi lang naman ako ang mag isang
umiibig."
Mas tumamis ang ngiti ni Troy sa akin at pasimple nitong ginulo ang buhok 'ko na
kinasibangot 'ko.
"Troy naman!"
"Kaya ang bitter mo!"
"Hindi ako bitter noh! I can trust and love someone again but I just can't-- I
can't trust love itself-- on how love manipulate us, how love play with our
feelings and how love hurt us is the thing that I hate about love. Hindi ka sa tao
nawawalan ng tiwala, kung hindi sa love mismo at sa sarili mo."
Napangiti pa ako ng mapait kung anong naging epekto sa akin ng first heart ache
'ko.
Kaya natin mag tiwala sa isang tao pero para paniwalaan iyong klase ng pagmamahal
nila para sa atin, iyon ang mahirap pagkatiwalaan. Madalas, nawawala rin ang tiwala
natin sa sarili, lagi na lang tayong napapa isip kung bakit hindi ako? Saan ba ako
nag kulang? o kung anong mali sa akin?
Ang laki ng nagiging epekto ng pagiging broken hearted ng isang tao sa kung sino
tayo ngayon at hindi 'ko itatanggi na isa ako sa biktima ng nawalan ng tiwala sa
salitang love at sa sarili 'ko mismo.
I was filled with my own insecurities in life and it's hard for me to trust the
genuineness of love.
Napatitig ako kay Troy ng ikulong nito sa mga palad niya ang magkabila 'kong pisngi
at sinakubong ako ng matamis na ngiti.
"I want to know--if--if you kiss each other?"
Napayuko ng wala sa oras sa naging tanong ni Troy. Hindi ako nahihiya pero parang
ang awkward naman sabihin kay Troy na we kiss but we're just friends.
Ang landi 'ko lang ganun?
"Look at me, Raine. Be honest."
Iniangat pa nito ang mukha 'ko sa kaniya at tila hinihintay ang sagot 'ko. Ok, wala
namang big deal doon diba? Wala lang naman iyon kay Troy diba?
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago napatitig sa mata ni Troy at para akong na
hypnotized at napatango sa naging tanong niya.
"Great! I should thank him 'cause he miss the chance I got."
And in just a snap, He crashed his lips to mine. Kakaiba itong halik ni Troy ngayon
na tila ba may binubura itong marka sa labi 'ko. Kasabay noon ang malikot na pag
gapang ng mga kamay niya.
Alam 'ko na kung saan ito patungo at wala akong pinagsisihan sa bawat araw na
dadaan na kasama 'ko siya.
Nabigo man ako noon pero ipagpapasalamat 'ko iyon dahil kung hindi ako na saktan
noon, hindi ako magiging masaya at hindi 'ko makikilala ang isang Orange Troy
Sarmiento.