Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 529

Cover

Chasing the Sun (College Series #1)

Author: Idy

Published: 2022

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions,
don't read this. Save yourself from stress. Started: 09/09/2020 Ended: 10/07/2020 Solene
Clemente was a typical Civil Engineering student who struggled to put up with her studies. Kung
pwede ngang i-bake na lang ang napakaraming itlog sa test papers niya, ginawa niya na. At a
young age, she experienced the harsh reality of life-poverty, abuse, and a broken family. But, as
someone who could see the bright side of everything, she knew she could make it with only her
mother and best friend, Duke Laurence Sanders, whom she secretly loved. Kahit pa naghihirap,
basta kasama niya ang ina, kaya niya. Kahit pa madalas niyang hindi maintindihan ang lessons,
ayos lang kasi may Duke naman na tuturuan siya. Na kahit gaano kalupit ang tadhana, patuloy
siyang lumalaban sa buhay dahil may dalawang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya.
She became too dependent on the love they could offer. But little did she know, like the sun she
adored, she was destined to be alone.

Disclaimer

This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses,
places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or
used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events
is purely coincidental.

I love creating flawed and imperfect characters so if you're looking for someone who has an
ideal attitude or belief, you can't find it here.

Also, my characters deserve what I think they deserve. Thank you! :)

This story contains strong language and scenes that could be disturbing to certain readers.
Read at your own risk.
Prologue

I didn't know when I started noticing him.

I stood there watching him bite his lower lip and stare blankly at his notebook. That simple act
revealed his small and deep dimples. Beads of sweat began to form on his forehead, and I
envied them as they had the chance to wander across his face.

"Alam kong gwapo ako, Sol."

Napaayos ako ng upo at mahinang kinurot ang sarili dahil nahuli niya na naman akong nakatitig
sa kaniya.

Yes, Duke, you're handsome, but there's no way I'll admit that. At least, not in front of you.

"Buti ka pa, alam mo," sagot ko.

Isinara niya ang notebook at humarap sa akin. His soft hair trailed behind him as he moved
swiftly.

"May assignment ka na?" tanong niya sa akin. "Tinatamad ako sa Literature. Pakopya na lang."

I smirked in response to his remark. "Sigurado ka bang gusto mong mangopya sa akin?"

Inalis niya ang tingin sa akin at napabuntong-hininga. He knew that he couldn't copy my answers.
Hindi naman kasi ako matalino gaya niya, at isa pa, wala pa rin naman akong assignment.
"Bakit ko nga ba naisip mangopya sa 'yo?" bulong niya sa sarili na hindi naman nakaligtas sa
pandinig ko.

"Ako na lang pakopyahin mo. Wala pa rin akong sagot."

He grinned. "Doon ka na sa upuan mo. Huwag mo akong abalahin para makapag-focus ako."

"Hmm..." I acted as if I was thinking deeply. "Nakakawala ba ng concentration ang kagandahan


ko, Duke?"

He gave me a puzzled look. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang nakarinig siya ng isang
lenggwahe na hindi niya maintindihan.

"Whatever, pakopya na lang mamaya," mabilis kong saad bago pa siya makapanglait. I stood
and went out of our classroom. Kapag kasi nasa loob ako ay hindi ko maiiwasan ang sarili na
obserbahan siya.

"Ibili mo akong cheesecake!" rinig kong pahabol na sigaw niya.

Sumilip ako at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Wala akong pera!" nakasimagot na sagot ko.

He grimaced. "Sagot ko ang pamasahe mo mamaya."

Inirapan ko siya at naglakad na papunta sa canteen. Two hours ang vacant namin kaya marami
kaming oras para magliwaliw. Hindi rin naman tambak ang requirements namin dahil halos
kasisimula lang ng klase.

Kakaunti ang tao sa canteen nang makarating ako roon. Pipila na sana ako para bumili ngunit
nadaanan ng mata ko sina Roswell at Bela, mga ka-department ko na malaki ang galit sa akin.

Napairap ako at hindi na lang sila pinansin. I bought cheesecake for Duke and a burger for me.
Bumili na rin ako ng tubig dahil paniguradong magrereklamo ang lalaki kapag wala akong
biniling panulak.

"Sol!"

Napapikit ako nang marinig ang nakakairitang boses ni Roswell. Nilingon ko siya at nakitang
malaki ang ngiti na parang wala siyang malaking atraso sa akin.

"Para kay Duke?" tanong niya nang makita ang cheesecake na hawak ko. Hindi rin kasi lingid sa
kaalaman nila ang pagkahumaling ng lalaki sa cheesecake bilang mga babaeng patay na patay
sa kaniya.

I rolled my eyes before answering. "Why do you care?"

"Girlfriend na girlfriend ang dating mo, 'no?" sinabayan pa niya iyon ng tawa bago tumingin sa
kasamang si Bela na natatawa rin.

"Oh, bakit? Inggit ka kasi hindi ka pinapansin?" pambabara ko.

She grinned. "You're still so arrogant, Sol. Ni hindi ka naman kayamanan. You literally have
nothing to be proud of."

"Maganda naman," I said proudly. Totoo naman! Hindi kami mayaman pero maganda ang
naipamanang genes sa akin ni Nanay.

"Sino ang may sabi? Nanay mong labandera?" she said, her voice dripping with disgust.

Nanggigil ako sa sinabi niya pero hindi ko hahayaan na makita niya iyon. She was such a kid!
Maturity really wasn't something that came with age.

"Nope, si Duke ang may sabi," tanging naisagot ko para lalong inisin siya.

I'm sorry, Duke. Alam ko namang hindi ka nagagandahan sa akin pero hayaan mo na, gusto ko
lang iritahin ang admirer mo.

Nilampasan ko silang dalawa ni Bela lalo at narinig ko ang naiinis na tili ni Roswell. Hindi niya
ako pwedeng saktan dahil kahit dalawa pa sila ni Bela, hindi ko sila aatrasan. Iyong nanay kong
labandera, tinuruan akong huwag magpapaapi!

Masama ang imahe ko sa campus at alam ko iyon. Hindi lang naman kasi iisang beses akong
napaaway. Kalimitan ay dahil iyon sa mga babaeng may gusto kay Duke. I knew it was childish,
but they were the ones who started it! Hindi alam ng lalaki iyon dahil akala niya ay away babae
lang. Madalas pa akong pagalitan no'n na parang bunsong kapatid niya.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ang inaatake ng mga babaeng iyon. Hindi kami
magkasintahan ni Duke, kahit pa ilang ulit ko nang pasikretong hiniling iyon. We were close
friends, and the girls saw our friendship as a challenge.

"Sol, nakakalinaw ka talaga ng mata!" narinig kong sigaw ng isang senior mula sa Business
Department, nang dumaan ako sa tapat ng building nila.

Napapikit na lang ako sa inis nang marinig ko pa ang ilang kantyawan. Nagpatuloy ako sa
paglalakad dahil wala naman akong planong patulan pa sila.
"Patikim, baby!" hiyaw pa ng isa. "Ang sarap mo!"

Marami pa akong narinig na nakakapikong salita pero hindi ko na lang sila pinansin. I walked
like their words didn't bother me.

"Kaya siguro hindi ka mabitawan ni Duke kasi ang galing mo sa kama!"

Napatigil ako at napatingin sa huling sumigaw. I was cool with the threats aimed at me because
I was used to them. However, if Duke was involved, I wasn't sure if I could handle it.

Simula noong nanalo akong Ms. Engineering last year, inilabas ni Roswell ang nude photos
'kuno' ko. Ikinalat niya iyon at sinabing sa akin ang mga litrato kahit na wala akong ideya kung
kaninong katawan iyon.

Syempre dahil maraming tanga, maraming naniwala. Ipinagkikibit-balikat ko na lang iyon no'ng
una dahil alam ko sa sarili kong hindi ako yon. Kaso lang ay araw-araw naman akong binabastos
ng schoolmates ko.

"What did you just say?" tanong ko nang lumapit sa lalaki. I didn't know him, but his physique
didn't intimidate me.

Narinig ko ang mga hiyaw nila. Ang iba pa ay malagkit ang tingin sa akin. These maniacs had to
get a hold of themselves. Para silang uhaw na uhaw sa babae.

The guy in front of me had the nerve to smirk. "Ang sabi ko, kaya ka siguro hindi mabitawan ni
Duke kasi ang sarap mo," mabagal na pagsasabi niya bago basain ang pang-ibabang labi.

I smiled and went closer to him. Lalong lumakas ang hiyawan nila. Mukhang gaya kasi namin ay
vacant ang mga ito.

Kumapit ako sa balikat niya habang nakatingin siya nang malagkit sa akin. Nakataas din ang
isang sulok ng labi niya na para bang handa siya sa gagawin ko.

I mirrored his grin, and before he could say anything, I hit his cock with my right knee. Malakas
ang pagkakatuhod ko sa kaniya kaya namilipit siya sa sakit.

"Tangina mo, Sol!" galit na galit na sigaw niya sa akin. Ang kaninang maingay na hiyawan ay
napalitan ng gulat na mga singhap.

"Tangina mo rin, jutay!" nanggagalaiting sagot ko.

Umalis ako sa harapan nilang lahat lalo at narinig ko ang mga tawanan nila. Hindi ko alam kung
para sa akin o para sa lalaking tinuhod ko.

Kaya ayokong maglalakad nang mag-isa e! Ang daming nangyayari sa akin!

Nakasimangot ako nang ilapag ang cheesecake ni Duke sa upuan niya. Nagsasagot pa rin siya
kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko.

I ate my burger, and I felt at ease. At least, medyo kumalma na. Nang lumabas ang nude photos
na iyon, kahit isang beses ay hindi ako itinanong ni Duke tungkol doon. He didn't ask me if that
girl was me. Basta kapag magkasama kami at nakarinig siya ng nambabastos sa akin ay
nauuwi iyon sa pakikipag-away niya. Ayaw na ayaw niyang may bumabastos sa akin dahil doon.

I didn't have any girl friends in school. Hindi ko alam pero bago pa man ang issue na iyon ay
marami nang natatakot sa akin. Bukod pa roon, marami ang may gusto kay Duke at nagagalit
sila sa akin dahil akala nila ay may relasyon kami.
"Oh, ayan, isinulat na kita."

Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang boses ni Duke. Inilapag niya ang notebook ko
sa arm rest at hinigit ang isang bakanteng upuan para tumabi sa akin.

Ngumiti ako nang nakakaloko sa kaniya. "Gusto mo ng kiss?"

Napatigil ito sa pagkagat sa cheesecake at tumitig sa mukha ko. Sa kaniyang itsura,


naiintindihan ko naman kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. He had that silky and
thick hair, narrow nose, deep eyes, and graceful brows.

"Pwede?"

Natawa ako bago ibinato sa kaniya ang isang gusot na papel. "Gago!"

Nakita ko rin ang pagngiti niya at pag-iling. "Mahina ka pala, eh."

"Pag ikaw nahalikan ko, baka maadik ka."

The smirk didn't leave his face. "Hindi ka siguardo. Baka hanap-hanapin mo dahil sobrang
nakakahumaling."

I snorted. Itinabi ko ang notebook na sinulatan niya sa loob ng bag ko. Napansin ko ang mga
kaklase namin na nakatingin sa gawi ko dahil siguro sa naririnig nilang usapan namin ni Duke.

Ang ilan naman sa mga lalaki kong kaklase ay nakangiti lang sa akin.
Lumapit sa pwesto namin si Troy, kaklase rin namin.

"May transferee raw bukas," balita niya sa amin bago humigit din ng silya at umupo sa tapat ko.

"Babae?"

Masama ang tingin na iginawad ko kay Duke dahil sa naging tanong niya.

"What?" he mouthed when he saw my glare.

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa babae?" mataray na tanong ko.

"Ngayon lang. Nagsasawa na ako sa mukha mo, eh."

Tumawa si Troy bago sumagot. "Babae raw. Buti nga at tatanggapin pa kahit late na. Isang
buwan na rin tayong nagkaklase."

"Sana matalino," bulong ni Duke. "Para naman may kokopyahan na kami nitong si Sol," aniya
bago ako pabirong akbayan.

Tinanggal ko agad iyon lalo at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Goodness, he
had no idea how affected I was every time our skin came into contact!

"Wala akong ibang kokopyahan kung hindi ikaw! Mas may tiwala ako sa sagot mo!" mabilis kong
saad para makabawi sa nararamdamang hiya.
"Oo nga naman, Duke. Ikaw ang pag-asa ng section natin," dagdag ni Troy. "Hindi mo na
kailangang mangopya dahil tiwala kaming lahat sa 'yo."

Duke shrugged. "Wala lang. Maganda rin kasi sa babae ang palaaral. 'Yong medyo matalino ba."

Natahimik ako. Nakita ko naman ang pagtango ni Troy sa lalaki na parang sumasang-ayon.

"Ako rin. Parang malakas makaganda 'yon."

Nakagat ko ang labi ko. Alam ko namang hindi nila ako pinariringgan pero pakiramdam ko lang
ay napakalayo ko sa pagiging ideal. I wasn't academically smart. Kadalasan nga ay
pinakamababa ang score ko sa klase kapag may exam o quiz.

"Pero iba iba naman kasi ang personality at identity ng mga tao, kaya ayos lang din kahit ano.
Bonus points lang ang pagiging matalino," ani Duke matapos ang ilang minutong pananahimik.

Nakinig lang ako sa kanila hanggang sa dumating ang professor namin sa Literature. Ipinapasa
niya sa amin ang assignment at pinagbasa ng tula. Buti nga at hindi nagkaroon ng quiz dahil
wala ako sa wisyong magsagot noon.

Mahilig pala si Duke sa matalino? Mukhang kailangan ko na talagang mag-aral nang maayos, ah?
Maybe I should start reading and reviewing our previous lessons?

I sighed. Paano ko naman magagawa iyon samantalang hindi ko naman talaga kaya ang
engineering? Kung wala ang tulong niya, hindi naman ako makakapasa.

"Bakit tahimik ka?" tanong sa akin ni Duke nang makasakay kami sa tricycle matapos ang klase.

Wala pang kinse minutos mula sa paaralan namin ang barangay na tinitirahan namin ni Duke.
Magkapit-bahay rin kami kaya literal na sabay kaming lumaki.

"Pagod lang," sagot ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin bago kunin ang tatlong librong nakapatong sa hita ko. Napatingin ako sa
kaniya pero abala siya sa paglalagay ng mga libro sa hita niya.

He straightened his back. Lumingon siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.
Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at ipinatong iyon sa balikat niya.

"You should rest."

Natatakot man akong marinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko, ipinikit ko ang mga mata ko
at dinama ang yakap ng braso niya sa akin.

My nose was welcomed by his manly scent. Kaya rin siguro napagkalamalan kaming
magkasintahan ay dahil sweet ang lalaki sa akin at hindi ako mataray sa kaniya. Pero syempre?!
Magkababata kami at saulo na namin ang likaw ng bituka ng isa't isa kaya ganito kami
magtratuhan! Isa pa, hindi ko talaga kayang magsungit sa kaniya!

"I know what you did earlier, Solene."

"Hmm?" sagot ko nang hindi gumagalaw mula sa pwesto. Nakakatakot na baka pag umayos
ako ng upo ay bitawan niya ako.

"Binastos ka ba no'ng mga nasa Business department?" mahina ngunit parang pagalit na tanong
niya.

"Duke, don't worry about them. They are not deserving of your time."
Hindi siya sumagot kahit nang makababa kami sa tricycle. Bigla ay gusto kong hilingin na sana
ay mahaba ang byahe namin para matagal akong makahilig sa kaniya.

Magkatapat lang ang bahay namin kaya nang pumasok siya sa loob ay pumasok na rin ako sa
amin.

Engineer sa Australia si Tito Franco, ang tatay ni Duke, at guro naman ng elementarya si Tita
Gemma, ang nanay niya. Malaki kumita si Tito Franco pero hindi mo makikitaan ng yabang ang
pamilya nila. Madalas pa ngang mag-donate sa orphanage si Tita Gemma.

Dalawa silang magkapatid pero parehas silang sa public school nag-aaral. Kumpara sa aming
mga nakatira rin sa iisang barangay, masasabi kong, nakakaangat na sa buhay ang pamilya nina
Duke.

"Nay!" sigaw ko nang makitang bukas ang ilaw pero wala sa sala si Nanay.

"Nasa likod ako, Sol!"

Pinuntahan ko siya at nakitang isang tambak ang labada niya. Alas sais na nang gabi ngunit
hindi pa siya tapos mag-sabon.

Walang imik akong nagpalit ng pambahay at umupo sa tapat niya para tulungan siyang maglaba.

"Wag ka nang tumulong! Gawin mo ang dapat mong gawin at patapos na rin ako rito.
Kagagaling mo lang pati sa sapatos, baka ma-pasma ka!"

Nginusuan ko siya. "Anong patapos? Ayan nga at hindi ka pa nangangalahati sa pagsasabon."


"Wala ka bang assignment?"

Itinali ko ang nakalaylay na buhok. "Meron, Nay, pero wag mo nang abalahin yon dahil
mangongopya na lang ako kay Duke bukas."

Narinig ko ang pagtawa niya. Wala na siyang nagawa nang umpisahan ko ang pagtulong sa
kaniya.

Halos tatlong oras bago kami natapos sa paglalaba. Hindi naman ako makapag-reklamong
masakit ang likod ko dahil alam kong mas masakit ang likod ni Nanay. Malapit na itong mag-
senior pero hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya para sa akin.

"Naku, hindi pa pala ako nakakapagluto."

I laughed. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung online si Duke. Nakita ko namang
online siya kaya nag-chat ako.

Me:

pahinging ulam at kanin hehe thanks mwa

Wala pang ilang minuto ay narinig ko na itong kumakatok sa pintuan ng bahay namin.

"May ulam na tayo, Nay."

Sa 'yo iyong dala. Akin iyong nagdala.

Chapter 1
Pumasok si Sir Alex sa room namin kasama ang mahinhin at mukhang mabait na babae. Her
short hair was pitch black, and she was a little whiter than me. Mukha siyang half Japanese sa
kaniyang features. Ibang iba sa akin na mukhang Latina kahit na ang totoo ay half American ako.

"Introduce yourself."

Huminga nang malalim ang babae at doon ko nakita ang itim na itim niyang mata. She looked
like a doll!

"My name is Mitzie Tanaka. I came from Nihon University in Japan, and I transferred here
because of my family's business."

Even her voice sounded angelic! Hindi na ako magugulat kung maraming magkagusto sa kaniya.
Mukha siyang mahinhin at mahiyain.

"You can sit beside Mr. Sanders."

And that was Duke.

He raised his hand for her to know that he was Mr. Sanders. Nakita ko ang pagbaling ng tingin
sa akin ni Duke kaya dinilaan ko lang siya.

Medyo sa dulo ako nakaupo at sa bandang unahan si Duke dahil magkalayo ang surname namin
at napagdesisyonan ng adviser namin na pabaligtad ang alphabetical arrangement. Kaya hindi
na rin nakakapagtaka na magkatabi si Tanaka at Sanders. Malayo sila sa Clemente. Kaso lang,
wala na akong uupuan kapag aasarin ko si Duke.

Mahinhin siyang umupo sa katabing arm chair ni Duke. Sa mukha niya ay hindi halatang Civil
Engineering ang program niya dahil mukha talaga siyang hindi makababasag ng pinggan.
Our class continued, and I saw Duke and Mitzie attempting to begin a small conversation.
Napangiti ako sa nakikita kong hirap sa mukha ng lalaki dahil mukhang mahirap kausapin si
Mitzie. He wasn't very fond of engaging with others, but he tried.

We had a surprise quiz and when I said surprise quiz sa engineering, talagang magigimbal ang
mundo mo. Hindi na rin naman ako magulat nang makitang wala akong score. You couldn't
judge me! I didn't study last night! Naglaba ako!

"Duke, lunch na tayo!" anas ko nang makalapit sa pwesto nila.

Isinukbit din naman agad ni Duke ang bag niya. Napatingin ako sa katabi niya na nakayuko lang
at nagsusulat ng kung ano sa notebook. Lunch na, hindi ba siya kakain?

"Tara, Sol. 'Wag ka nang tumunganga d'yan."

Naglakad kami palabas ng room kahit naiwan ang isip ko kay Mitzie.

"Hindi ba kakain iyon?"

Duke shrugged. "Dapat iitinanong mo."

"Ikaw ang katabi! Nagkukwentuhan na kayo kanina, hindi mo pa niyaya. Nakakaawa naman."

He let out a chuckle. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagat niya sa may kanipisan at pulang labi.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakealam sa iba, Sol?" pang-iinis niya.


Umirap ako. "Gusto ko lang ng kaibigang babae. Nabubwisit na ako sa mukha mo."

Sumabay sa paglalakad namin si Troy. Magkasing tangkad sila halos ni Duke at ngayong
pinaggigitnaan nila ako ay hanggang balikat lang nila akong dalawa.

"Pasabay, iniwan ako nina Calvin at Calix."

Nginusuan ko lang ito kaya pinitik niya ang noo ko. "Ayaw ba ng bebe Solene namin na sumabay
ako? Gusto mo bang masolo si Duke?"

Binatukan ni Duke si Troy. "'Wag mo ngang inaaway iyan. Kita mong wala iyang score sa
differential."

Agad kong sinapak ang tiyan ni Duke lalo at narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Troy.

"Ang kapal ng mukha mong tumawa Troy! Ilan ka, ha?!"

Umiling ito. "Itlog din."

Nakarating kami sa canteen na puro pang-aasar lang ng dalawa ang naririnig ko. Kaya ayokong
magsasama ang dalawang ito, eh! Lagi akong pinagtutulungan!

"Anong ulam sa 'yo, Sol?" tanong sa akin ni Duke matapos ilapag ang gamit niya sa bakanteng
mesa.

I was about to reply when he abruptly cut me off. "Chicken curry, 'no?"
I smiled sweetly and gave him a thumbs-up. "Pinalaki talaga kita nang tama!"

Umalis sila ni Troy sa harap ko para umorder. Ako naman ay naiwan lang na nakatunganga roon
kaya binuksan ko na lang ang aking cellphone at naglaro ng 2048.

Hindi na rin naman bago sa akin ang bulungan ng mga estudyante tungkol kina Duke at Troy
kaya hindi ko sila pinakinggan. Lalo ngayong maraming freshmen, ang daming nagtatanong sa
pangalan ng dalawa. Mga kabataan talaga, ang hilig sa gwapo!

"Magpapaturo na ako kay Mitzie," narinig kong saad ni Troy nang palapit sila sa mesa namin.

Ibinigay sa akin ni Duke ang pagkain ko kaya nagsimula na ako at hindi na sila pinansin. Unang
subo ko pa lang ng chicken curry ay napapikit na agad ako sa sarap. Magaling talagang magluto
ang cook sa canteen!

"Oo, matalino. Perfect niya iyong quiz kanina," sagot ni Duke bago kunin ang tissue at ipunas sa
gilid ng bibig ko. "Ang amos mo."

"Si Mitzie?" gulat na tanong ko nang ibaba niya ang tissue.

He nodded. "May makokopyahan na tayo."

"Shit, samantalang ako walang score. Paano niya nagawa yon?" manghang tanong ko. "Hindi
lang pala ikaw ang naka-perfect kanina."

Sumabat si Troy. "Oh, 'di ba mahilig ka sa matalino? Baka siya na iyon."


Sinamaan ko ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi niya. Don't give him ideas, dumbass! Mabuti nga
at hindi pa dumadating sa puntong may niligawan si Duke dahil kung mangyayari iyon ay hindi
ko alam kung ilang gabi akong iiyak.

"Gusto ko ng matalino para sa amin ni Sol."

Ngumisi nang nakakaloko si Troy kay Duke. "Baka naman si Sol ang gusto mo, ha?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pang-aasar nito. Hindi ko namalayan na hinihintay ko na pala
ang sagot ni Duke at tumigil na rin ako sa pagkain.

Natatawang binato niya si Troy ng tissue. "Tanga, kapatid ko na halos iyan!"

The remark struck me straight in the face. Nagpatuloy sila sa pagkain nang hindi napapansin
ang pagtigil ko. Alam kong gano'n lang ang tingin sa akin ni Duke pero ngayong sinabi niya ito
nang diretso, pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko.

Bumalik kami sa room na gano'n ang lagay ko. Nakikipagtawanan at biruan ako sa kanila pero
ang utak at puso ko ay nasa sinabi niya kanina.

"Mitzie, kumain ka ba?" narinig kong tanong ni Duke sa babae nang lampasan ko sila para
magtapon ng basura sa labas.

"Ah, I'm good."

Tumigil ako sa tapat nila at napansin nilang dalawa iyon. Napatingin sa akin ni Mitzie at muli
akong namangha sa inosente niyang ganda. Kumpara sa akin na mukhang mataray, ang mata
niya parang laging nagmamakaawa.
"My name is Sol," I introduced myself before extending my arms.

Nakita ko ang pagngisi ni Duke. Marahil sa isip niya ay gusto kong makipagkilala dahil gusto
kong kopyahan ang babae. Napaka-impakto talaga!

She smiled a little. "Yeah, ikinukwento ka ni Duke sa akin."

When I heard Duke chuckle, I instantly locked my gaze on him. Ano kayang pinagsasasabi ng
lalaking ito?! First day pa lang ni Mitzie tapos gusto niya na agad sirain ang pangalan ko?

"'Wag kang maniniwala sa sasabihin ng pangit na iyan, Mitzie. Gusto niya lang talagang wasa
akin ang reputasyon ko."

"Pangit daw, eh, crush mo nga ako no'ng grade school!"

Sinapok ko ng isa si Duke. "Tanga pa ako no'n!" Ngayon, tangang tanga na.

Totoong nalaman nitong crush ko siya noong elementary kami. Paano ba naman kasi ay isinulat
ko ang pangalan niya sa slambook no'ng iitinanong kung sino ang crush ko! Ang landi ng batang
Solene! Hindi nag-iingat!

Mitzie was just looking at us. Mukha siyang naaaliw sa asaran naming dalawa dahil may maliit
siyang ngiti sa labi.

"Hindi ka kumain?" tanong ko nang makabawi. Tumingin ako sa relo ko na bigay rin ni Duke sa
akin no'ng birthday ko. "May oras pa. Gusto mong pumunta sa canteen? Sasamahan kita?"

"Sol, ang plastic mo," pang-aasar pa rin ni Duke sa akin.


But I was sincere. Ala-una ang lunch break namin at kanina pang alas-otso nagsimula ang klase.
Hindi nagbibigay ng break ang susunod naming professor at kung titiisin niya ang gutom niya ay
baka matumba siya d'yan.

Inirapan ko si Duke. "Pag naging friends kami, hindi na kita aabalahin."

He sighed and turned to face Mitzie. "Please, kaibiganin mo iyan."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago batukan ulit si Duke. Sinuklian niya lang iyon ng
tawa dahil alam kong nang-aasar lang siya.

"Kumain na ako, Sol. Salamat sa concern mo," mahinhing saad ni Mitzie.

"Anong kinain mo?"

"Cheesecake," she simply answered.

Pinanood ko kung paano natuwa si Duke sa sinabi ni Mitzie dahil at last, may nakita na rin
siyang kagaya niya na mahilig doon. Nginusuan ko na lang sila bago nagpaalam na babalik na
ako sa upuan ko, katabi si Troy Dela Paz na isa pang asungot sa buhay ko.

"Kapag ba niligawan ni Duke si Mitzie, papayag ka?" tanong ni Troy sa akin makalipas ang ilang
sandaling panonood namin sa dalawa. Hindi na ito gaya kanina na medyo nahihirapan si Duke
sa pakikipag-usap sa babae.

I gulped. Syempre hindi. But what power did I have?


"Oo naman, anong pake ko roon?" mataray na sagot ko.

"Sana isa sa kanila ang maka-partner ko sa thesis para naman maayos akong maka-graduate."

"Akin si Duke!" saad ko agad.

Napalakas ata ang sigaw ko no'n dahil nakita ko ang pagtingin ng mga kaklase namin sa aming
dalawa ni Troy.

"Hoy, ano iyan?! Crush mo ba 'ko, Sol?" sigaw ni Duke mula sa kabilang sulok ng room.

I felt my cheeks flush. Wrong context! Akin si Duke sa thesis making!

Tawa nang tawa naman si Troy sa sinapit ko. Nakakahiya dahil inaasar kami ng mga kaklase ko
at hindi ko manlang maipagtanggol ang sarili!

"Sige na, Sol, sa iyo na si Duke. Wala namang aagaw."

Inirapan ko si Troy at hindi na pinansin. Sakto rin na pumasok na ang professor namin. Hindi na
ako makatingin kay Duke dahil alam kong aasarin din niya ako.

Tumahimik ang mga kaklase ko dahil isa si Ma'am Jona sa mga guro na sobrang strikto kahit
na hindi naman namin siya major. Ngayong nasa third year na kami ay dalawa na lang ang
minor subject namin—literature at art appreciation. The rest, puro madudugo na.

"Sorry for the late notice but I am requiring you all to join a club this semester."
Narinig ko agad ang pagtutol ng mga kaklase ko, pati na rin ako. Full units kami at wala na
kaming pagsisingitan ng club na iyan!

"'Wag niyo akong simangutan. It was written in the curriculum. Sumusunod lang ako."

Lalo akong napanguso. Mabuti pa sina Duke at Troy! Officer sila ng Engineering Society kaya
wala na silang kaso sa parteng ito. Vice president si Duke habang Treasurer naman si Troy.
Wala nang bakante roon kaya malabong makapasok pa ako.

Natapos ang klase namin kay Ma'am Jona na lahat kami ay naiinis. Engineering tapos sasali ka
pa sa club? That was a form of social suicide!

"Saan kayo mag-re-register?" rinig kong bulungan ng mga kaklase ko.

Marami namang club sa school na pwedeng salihan. Sa totoo lang ay alam ko na agad kung
saan ako pwedeng sumali. Ang kaso lang, hindi ko alam kung maaayos ko pa ang oras ko para
ro'n. Ako minsan ang gumagawa ng labada ni Nanay! Paano ko matutulungan iyon kung may
club pa?

"Sol, saan ka?" tanong sa akin ng katabi ko.

Ngumuso ako. "Ayokong mag-register."

"Ang tapang, ah. Gusto mong ma-incomplete?

"Hay nako, ang epal talaga ng mga minor subjects lagi!" tanging nasambit ko. Umani naman
iyon ng tawa kay Troy.

"Ang may karapatan lang magsabi niyan, iyong magaling din sa major!"
Sinapak ko siya sa braso. "Bwisit, bakit hindi ka pa mamatay?"

Napatingin ako sa gawi ni Duke na parang nag-hintay rin ng tingin ko. Nakakunot ang noo niya
sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Wala pang ilang segundo ay tumayo na ito at naglakad
patungo sa direksyon namin ni Troy.

Humigit siya ng isang upuan at pumwesto sa tapat namin.

"Saan daw si Mitzie?" tanong ko sa kaniya nang makaupo siya.

"Sa Music yata. Ikaw? Mag-register ka na sa bread and pastry." Inabot niya ang kamay ko at
nilaro iyon gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Wow, nag-ba-bake ka pala, Sol?" siniko pa ako ni Troy. "Patikimin mo ako, ha?"

I scoffed. "Baka mainlove ka sa akin, Troy. 'Wag na lang."

"Nakatikim naman ako ng gawa mo, Solene. Parang hindi naman ako na-inlove," bastos na sabat
ni Duke kaya binawi ko ang kamay ko sa kaniya at hinampas ang braso niya. Hindi effective sa
'yo dahil manhid kang hayop ka!

"Baka effective sa akin, Sol. Ako na lang ang igawa mo," sabat ni Troy.

Tumango ako. "Oo, sige. Kapag nakapagdesisyon ako, hinding-hindi ka makakatikim ng luto ko,
Duke. Kay Troy ko lang ibibigay lahat."

"Anong kapalit no'n?" bulong ni Troy sa akin. Hindi iyon dinig ni Duke kaya nakakunot lang ang
noo niya sa amin habang nagbubulungan kami.

"Sponsoran mo ako ng ingredients," sagot ko sa kaniya. "Kaya ayokong sumali, eh. Ang mahal
ng ambagan lagi."

Umayos ng upo si Troy at kinindatan ako. "Count on me, chef."

Chapter 2

"Nay, sumali ako sa bread and pastry club. Baka maging medyo busy ako. Required kasi,"
sumbong ko agad kay Nanay.

After a week, napagdesisyonan ko na ring sumali dahil halos lahat ng kaklase ko ay may club na.
Kahit si Mitzie ay maayos na nakapasok sa Music Club. Hindi ko alam kung nag-play ba siya ng
instrument o kumanta. Hindi pa naman kasi kami sobrang close.

In fact, joining the club piqued my interest. Baking was my ultimate passion. Hindi ko gustong
alamin kung kailan nagsimula ang pagkahilig ko rito pero sigurado akong hindi ko aalisin ito sa
sistema ko.

"Ayos lang, anak. Basta ay huwag ka masyadong magpapagabi lalo kung hindi mo kasama si
Duke."

Nilagyan ko ng kamatis at okra ang pinggan niya bago nagsalita. "Papayag ka ba kung
magpapart-timer ako, Nay?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Iisa ka na ngang anak ko, hahayaan ko pa? Kaya kitang
buhayin, Sol."

"Ang sweet mo naman. Baka naman may pera ka d'yan?" pambobola ko.
Natatawang hinampas niya ang balikat ko. "Marami akong labada ngayon. Kung wala kang
gagawin ay tulungan mo ako."

Sumaludo ako sa kanya. "Yes, Nay! At your service!"

Hinugasan ko ang pinagkainan namin. Sabado ngayon at wala naman kaming pasok kapag
weekends kaya nakakatulong ako kay Nanay sa trabaho niya. Kapag ganitong araw, marami
kaming kinukuhang labada dahil dalawa naman kaming nagtutulong.

Nang maghiwalay sila ng Tatay kong Amerikano noong anim na taong gulang pa lang ako,
walang ibang ginawa si Nanay kung hindi kumuha ng mga labahin. Hindi siya nakatapos ng pag-
aaral kaya wala siyang ibang mapasukan na trabaho. Bukod pa roon, hindi niya ako pwedeng
iwan dahil bata pa ako.

I saw how she suffered. Kahit kasi mag-isa lang akong anak niya ay hikahos kami sa buhay lalo
pa noong sinanla ng magaling kong ama ang bahay na tinitirhan namin bago ito umalis. Isang
dekada ang lumipas bago tuluyang mabawi ito ni Nanay.

Kaya kahit maldita ako, pagdating kay Nanay, napakalambot ko. As much as possible, ayokong
makitang pagod siya at nahihirapan. Kung pwede lang na patigilin ko na lang siya sa
pagtatrabaho para makapaghinga ay gagawin ko.

My documents were transferred under her name kaya Clemente ang ginagamit kong apelyido at
hindi Schulze. Isa pa ay ayoko rin namang gamitin iyon dahil masama ang loob ko sa ama kong
walang naidulot na maganda sa buhay naming mag-ina.

"Ano ang gusto mong regalo sa birthday mo?" tanong ko habang nagkukusot ng medyas.

Ito ang bonding naming dalawa. Simpleng kwentuhan lang habang naglalaba. Sabi ko nga ay
ibibili ko siya ng washing machine dahil may scholarship naman akong natatanggap. Tumanggi
siya dahil gastos pa raw iyon sa kuryente.

Umarte itong nag-iisip. "Gusto kong ligawan ka ni Duke."

Sinabuiyan ko ito ng kaunting sabon kaya napahagikgik siya. "Nay! Kaibigan ko lang iyon!"

"Sus, ako pa talaga ang lolokohin mo, Solene. Kilalang kilala na kita."

Nginisian ko siya at pinagpatuloy ang pagkukusot. "Mag-date na lang tayo, ha? Pagkatapos
naman iyon ng midterms namin. For sure, dumating na ang scholarship ko. Ibibili kita ng
napakaraming damit."

"He! 'Wag nang damit! Hindi ko naman magagamit ang mga iyon."

"Ano na lang?"

She smiled. "Sabon."

"Jusko, Nay! Sige, ibibili kita ng maraming sabon tapos kakain tayo sa Shakey's kasi favorite mo
ang pizza ro'n. Okay ba?"

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya. For sure, maya-maya lang ay iiyak na naman ito dahil na-to-
touch. May pagka-emosyonal kasi itong si Nanay. Kaunting paglalambing lang ay naiiyak na.

"Dapat gamitin mo sa pag-aaral mo iyong scholarship mo, o hindi kaya ay bumili ka ng bagong
black shoes. Nakanganga na iyong sapatos mo."
I snorted. "Kaya pa naman ng rugby iyon. Sa graduation na ako bibili. Hindi naman kailangang
kailangan."

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto kaya naghugas ako ng kamay para tingnan kung sino
iyon. Sumilip ako sa bintana at agad na napaayos ng buhok nang makita roon si Duke.

"Shocks, ang haggard ko yata..." bulong ko sa sarili.

Wala akong nagawa dahil hindi ko naman siya pwedeng pag-hintayin. Binuksan ko ang pinto
namin at bumungad sa akin ang fresh na fresh na Duke Laurence Sanders.

"Ano ang kailangan mo, pangit?" pambungad ko para hindi niya mahalata ang kagustuhan kong
tumitig sa mukha niya.

Nakita kong namula siya bago nag-iwas ng tingin. Ano ang arte nito?

"May konting salo-salo mamaya sa bahay. Pumunta raw kayo sabi ni Mama."

"Anong meron?" tanong ko bago higitin ang damit ko. Nakakahiya naman na nakita niya akong
ganito!

"Na-promote si Papa sa Australia. Head engineer na siya sa construction company na


pinagtatrabahuhan niya." Hindi pa rin siya nakatingin sa akin nang sinabi niya iyon.

Nanlaki ang mga mata ko. "OMG! Ang yaman niyo na lalo!" Napatalon pa ako. "Pupunta kami!
Ang dami lang naming nilalabhan pero mamayang hapon ay sasabihan ko si Nanay!"

Tumango lang siya sa akin kaya napakunot ang noo ko.


"I-co-congratulate ko pala si Tito Franco," ani ko bago siya hampasin. "Ano ang problema mo?!"
tanong ko dahil hindi niya pa rin ako tinitingnan. Ganoon ba ako ka-pangit ngayon?!

"Sana nagsuot ka muna ng bra bago mo ako pagbuksan," sagot niya bago ako tawanan.

Napatingin ako sa sarili at saka ko lang napagtanto na hindi pala talaga ako nakapagsuot ng bra!
Sanay kami sa isa't isa pero hindi sa ganitong point!

"Tangina..." paulit-ulit kong saad habang niyayakap ang sarili." Hindi mo agad sinabi, Duke!
Gustong gusto mo rin talaga. ano?" namumulang akusa ko sa kanya.

Lalong lumakas ang tawa niya. "Nah, too small for my liking."

Pinagbagsakan ko siya ng pinto kahit na rinig ko pa rin ang malakas niyang pagtawa. Akala ko
pa naman ay lilipas ang araw na ito na hindi niya ako binubwisit.

Wala naman nagbago sa nagdaan na linggo. Bukod sa mga quizzes kong kung hindi itlog ay isa
o dalawa ang tama ko, wala naman nang major na nangyari. Duke and Mitzie got closer, I guess,
siguro ay dahil sa seatmates sila. Hindi ko rin naman pinagselosan iyon dahil wala namang
sinasabi si Duke.

Sinabi ko agad kay Nanay ang balita at tuwang-tuwa siya para sa pamilya nila. Binilisan naming
dalawa ang paglalaba para makapagbihis at makapunta sa katapat na bahay.

"Magpaganda ka, Solene. Nakakahiya naman at baka may bisita si Gemma."

Nag-apply ako ng liptint. Isang simpleng bestida lang ang suot ko at hinayaan na nakalugay ang
wavy at medyo may pagkakulay tsokolate kong buhok.
Kakulay ng buhok ko ang may kakapalan kong kilay at pilik mata kaya bagay iyon sa medyo
maputi kong balat. Hugis puso ang aking mukha na nakuha ko kay Nanay habang ang ilong ko
naman ay maliit at tama lang ang taas.

"Effortless ang ganda ko, Nay. 'Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang magbihis nang ayos. Hindi
tayo pwedeng pumunta sa balae mo nang naka-daster ka."

Kinurot niya nang mahina ang bewang ko. "Talandi ka, may pa-friends friends ka pang
nalalaman!"

Nagbihis si Nanay ng isang T-shirt at pantalon. Maganda siya pero dahil siguro sa trabaho at
edad ay medyo laglag na ang kanyang katawan. Pero kahit na gano'n, siya pa rin ang
pinakamaganda sa mga mata ko.

"Wow, nanay ko 'yan? Pakiss nga!"

Hindi nga kami nagkamali dahil ang 'maliit' na salu-salo ay engrande pala. Sa barangay kasi
namin, ang mga Sanders ang may pinakamalaking bahay. Tatlong palapag ito at malawak. Sa
totoo lang ay papasa itong modern mansion kung magkakaroon lang ng kaunting renovation.
Pero ano pa nga bang hahanapin mo sa bahay ng isang head engineer, hindi ba?

Kahit na magkababata kami ni Duke, hindi ako laging pumupunta sa kanila, not unless,
inimbitahan ako o kapag may ibibigay kaming pagkain sa kanila. Medyo strikta kasi si Tita
Gemma. Buti nga at mabait ito sa akin kahit mukha siyang mataray.

Ang malawak na garden nila ay puno ng bisita. Napansin ko agad ang tatlong letchon kaya
napatingin ako kay Nanay.

"Kaunti lang ang balat ha. 'Wag putok batok..." bulong ko sa kanya na ngayon ay minamata na
rin ang handa.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hanapin natin sina Gemma at batiin! Naku, nakakatuwa talaga
ang blessings ng mga tao.," ligayang-ligayang saad niya. "Kapag talaga mabait sa kapwa, ibine-
bless ni Lord. Kaya ikaw, bruha ka, 'wag ka nang magmaldita!"

"Naisingit mo pa talaga ang sermon, Nay."

Pumasok kami sa loob ng bahay nina Duke at muli akong namangha sa loob non. Puro antique
ang kanilang display sa living room at may malaking portrait pa sa gitna ng buong pamilya nila.
Ang linings ng ceiling ay may mga nakaukit na parang kagaya ng mga nasa museo.

Naagaw ng isang matangkad na lalaki ang atensyon ko nang kumaway ito sa akin.

"Kuya Sean!" sigaw ko at agad na yumakap sa bewang ng lalaki.

Niyakap niya ako pabalik at hinaplos pa ang buhok ko. Kung si Duke ay lagi kong kaasaran, ito
namang nakatatanda niyang kapatid ay lagi akong bini-baby. He was gentler and sweeter than
Duke, but my heart chose to love a fool who didn't seem to care for my feelings.

"Hindi kita nakikita sa campus, ah? Busy ka ba, Sol?" tanong niya sa akin nang bumitaw ako sa
yakap.

"Malayo ang architecture building sa department namin, Kuya. Hayaan mo minsan, yayayain ko
si Duke at pupuntahan kita!"

He chuckled. Lumabas ang maliit na dimples niya na kagayang-kagaya lang din ng kay Duke.
They appeared to be the same person, but Kuya Sean exuded a more refreshing aura. Parang
friendly at approachable, hindi kagaya ni Duke na mukhang laging galit.
"May live band mamayang gabi. Sumama ka sa after party, ha? Ipagpapaalam kita kay Tita
Yella."

Napangiti ako. "Yes, Kuya. Sige na, hahanapin ko rin si Tita Gemma. Congrats pala sa family
niyo!"

Niyakap niya ako ulit bago siya lumabas para mag-entertain ng iba pang bisita. Nakita ko naman
sa kusina si Tita Gemma kasama si Nanay kaya nilapitan ko silang dalawa.

"Oh, dear, you're here..." Bumeso sa akin ni Tita. "You look dashing as always."

"You're way prettier than me, Tita. Congrats po sa pagka-promote ni Tito Franco!"

Nakangiti si Nanay habang nakatingin sa ginang. "Napakabait ng pamilya niyo kaya kayo
binibiyayaan ng Diyos, Gemma."

Ngumiti rin si Tita Gemma bago bumaling sa akin. "Nasa labas si Duke, hija. Puntahan mo na rin
para hindi ka mabagot sa amin ni Yella. Mapapatagal ang kwentuhan namin nitong Nanay mo."

Ngumiti ako at nagpaalam sa kanila. Kahit maraming tao ay natagpuan ng mata ko si Duke at
kasama niya sa table si Troy. Napasimangot ako dahil paniguradong pagtutulungan na naman
ako ng dalawa.

Duke's tattered pants and simple black shirt gave him an unnervingly attractive appearance.
Nakabrush-up lang ang kanyang buhok at may dog tag pa sa leeg. Even from afar, his nose is
sharp and pointy, parang matayog ito hindi kagaya ng labi niya na halatang malambot. He was
laughing with Troy at agad na lumitaw ang kanyang dimples.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ang nakukuha nilang atensyon. Marami rin naman kasing dalaga
sa barangay namin kaya talagang ang mga mata nila ay nakatutok kina Duke at Troy.
Pasalampak akong umupo sa tapat nila. I drew my arms over my chest and stared at them.

Nakita kong naalarma si Duke sa presensya ko. "Kanina ka pa ba?"

I shook my head. "Itinext kita na narito na ako at hindi ka nagreply."

He bit his lower lip. "Nasa itaas ang cellphone ko." He pouted. "Kumain ka na ba?"

Muli akong umiling. Inirapan niya naman ako bago siya tumayo para ikuha ako ng pagkain. Hindi
niya na itinanong kung ano ang gusto ko dahil alam kong alam niya na ang mga iyon. Naiwan
tuloy kami ni Troy sa mesa at napansin ko ang panliliit ng mata niya sa akin.

"Ano?" mataray kong tanong sa kanya.

He grinned. "Para talaga kayong mag-syota."

Nag-init ang mukha ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Pinanood ko kung paano humawi ang
mga tao nang dumaan si Duke. Para siyang si Moses nang hatiin nito ang dagat.

I shook my head. Duke and his effect on people.

"Sasama ka ba sa after party?" tanong ni Troy. "May banda raw."

"Yup. Ayan lang naman ang bahay namin sa tapat."

Tumango lang ito sa akin. Nang dumating si Duke ay may bitbit na itong plato. May chicken
curry, roasted chicken at caldereta roon.

"Ang dami naman!"

Pinitik niya ang noo ko. "Arte, ubos mo rin naman iyan."

Inirapan ko siya dahil totoo iyon. "Parang wala namang chicken curry don sa mesa. Saan mo
nakuha 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago umupo sa tabi ni Troy. "Niluto ko dahil alam kong paborito
mo. Konti lang iyan."

My entire being was filled with warmth. Being remembered was one of the most wonderful
feelings in the world. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa tagal ng pinagsamahan namin o
dahil talagang inoobserbahan niya ako. He knew so much about me, which made me really
happy but also terrified.

Kilala niya ako at natatakot ako na baka mabasaniya sa akin ang pagmamahal ko sa para sa
kanya.

Chapter 3

I loved mornings than nights. I appreciated the sun more than I appreciated the moon. Hindi ko
alam kung epekto iyon ng pagiging labandera ng nanay ko kaya nawili ako sa araw na nagtutuyo
sa mga sinampay o dahil mas nakikita ko ang lahat ng bagay kapag maliwanag.

And I had always wanted to see things more clearly.

Kung paanong ang batang Duke ay nakikipagbasaan gamit ang hose kay Kuya Sean sa tapat ng
bahay nila hanggang sa pagbibigay niya ng isang bote ng tubig sa pulubi na minsan ay namalagi
sa barangay namin.

Sigurado akong kung gabi at madilim, hindi ko iyon makikita lalo pa at sa bintana ng kwarto lang
naman ako nakatanaw.

Isa pa ay umaga rin nang makalaro ko si Duke, na naging hudyat ng pagkakaibigan namin.
Lumabas ako noon ng bahay namin kahit pa pinagbawalan ako ni Tatay na lumabas dahil lagi
raw akong mabaho. Duke didn't mind it. Sa halip ay pinahiram niya pa ako ng mga panlalaki
niyang laruan at ipinagyabang sa akin ang malalim niyang dimples. Pagkauwi ko man ay pinalo
ako, hindi iyon naging dahilan para masira ang araw ko.

The sun brightens everything. It serves as a gentle reminder that we have a long journey ahead
of us and should learn to appreciate every moment of it. It can irritate our skin and burn our eyes
at times, but we cannot deny that we wouldn't be able to function properly without it.

It's the same as falling in love. It's reassuring, like sunshine after the rain.

"Pre, si Mitzie ba 'yon?!" narinig kong saad ni Troy bago hampasin si Duke.

Sabay kaming napalingon sa tinuturo niya at nagulat ako nang makitang naroon nga ang babae.
I knew Duke and Mitzie weren't linked by blood, but what was she doing here?

"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko kay Duke.

Gaya ko ay nagulat din siya sa babae pero nag-iwas siya ng tingin nang mapabaling si Mitzie sa
pwesto namin.

"Kasama niya iyong banda. Baka kasama siya sa magpe-perform," mahinang tugon ni Duke.
Napangiti ako nang malaki. I love music, and if she was really fascinated by it, I would gladly be
her friend!

Nakita kong tumango ito sa amin pero hindi na niya nagawang makalapit dahil magsisimula na
rin silang tumugtog. Napaayos ako ng upo dahil gusto kong marinig nang maayos ang
kakantahin niya.

Alas nuebe na rin nang gabi. Nakauwi na si Nanay at ang karamihan ng bisita. Halos ang natira
na lang dito ay ilang kabataan na kaedad din namin kaya parang malaking inuman session ang
nangyari sa garden ng mga Sanders.

"Mic test, hello, sound check, 1, 2..."

I screamed a little. Nae-excite ako! Gusto kong isigaw na kaklase ko siya!

Nakapatong lang ang kamay ko sa mesa kaya naramdaman kong kinuha ito ni Duke at
pinaglaruan. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ang OA mo," he mouthed.

Hinayaan ko siyang laruin ang kamay ko dahil bukod sa gusto ko ang pakiramdam ng
magkadikit naming balat, gusto ko ring mag-focus sa pakikinig.

"And I'd give up forever to touch you. 'Cause I know that you feel me somehow. You're the
closest to heaven that I'll ever be and I don't want to go home right now..."

To say that I was blown away would be an understatement. I was in a state of euphoria!
Napakaganda ng tinig nito kahit first verse pa lang ang kinakanta niya. Her gentle voice drew the
attention of everyone in the place. Kung kanina ay walang pakealam ang mga ito sa nasa
unahan, ngayon ay makikita mong na kay Mitzie na ang mga mata nila.
"And I don't want the world to see me. 'Cause I don't think that they'd understand. When
everything's made to be broken. I just want you to know who I am..." she said, pouring out her
melodic voice while closing her eyes. I couldn't even lift a finger as she blessed our ears!

Naramdaman ko ang pagtigil ni Duke sa paggalaw sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
He was looking at the platform kung saan nagpe-perform ang banda nina Mitzie. His eyes were
filled with amusement and surprise. He seemed to have been struck by a fast-moving vehicle
because he had come to a complete stop.

Iniiwas ko ang tingin dahil sa naramdamang hindi makataong selos. I mean, I had the same
reaction, and her voice was truly enchanting. What the hell was wrong with me?!

"You bleed just to know you're alive..."

Troy let out a sigh, which I noticed. "Nakakainlove si Mitzie."

I agreed. She was like an angel, serenading her Lord's unworthy people. She, like me, was
dressed in a simple white dress that exuded her sweet and charming personality. Ang mga
kabanda niya ay panay mga nakaitim kaya ngayong nasa gitna siya at nakasuot ng puting
bestida ay para talaga siyang liwanag.

Kaya naiintindihan ko ang reaksyon ni Duke kahit na binitawan niya ang kamay ko para makapag
-focus kay Mitzie. Hindi dapat ito pinagseselosan. Masyadong mababaw.

"And that's our first song entitled Iris by Goo Goo Dolls!" masayang sigaw ni Mitzie. Ibang iba
kapag nasa room kaya nagugulat ako sa pagiging masigla niya.

Nagpatuloy sila sa pagtugtog habang ako ay nakatanga lang sa kanya. Gwapo rin ang mga
kabanda ni Mitzie kaya hindi nakalampas sa pandinig ko ang kinikilig na usapan ng mga dalaga.
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil gwapo talaga ang mga ito.
Hindi naalis ang mata ni Duke sa platform hanggang sa matapos ang pagtugtog nila. The way
they performed had him mesmerized and smitten.

He cleared his throat. "That's one hell of a performance..." he uttered. "Ang ganda ng boses ni
Mitzie," nangingiting pahayag niya bago nag-angat ng tingin sa akin.

I gave him a smile. "Oo, parang anghel. Grabe, mukha na nga siyang anghel, boses anghel pa."

"Tapos mahilig pa sa cheesecake," natatawang pahayag ni Duke.

"Ideal girl mo, 'no, pre?" pang-aasar ng katabi niyang si Troy. Simula noong maging kaklase
namin si Mitzie, parang lagi nitong ibinubugaw si Duke sa babae.

Naiinis ako dahil baka totoong magustuhan ni Duke si Mitzie. The girl was endearing! Mabuti
sana kung kasingsama at pangit ito nina Roswell at Bela, edi sana, hindi ako nag-aalala.

Lumapit sa amin si Mitzie kaya nawala ang usapan ng dalawa. Ako naman ay napangiti dahil sa
natapos niyang performance.

"Hi," bati niya sa amin bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ang ganda ng boses mo!" mataas ang boses na saad ko. "Kaya pala ang bilis mong nakapasok
sa Music club."

She chuckled. "Thanks, Sol. Is it okay if I add you on Facebook?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Oo naman! It's an honor. Ang galing galing ng banda niyo."
Ngumiti siya sa akin at bumaling sa dalawang lalaking nasa tapat namin kaya napatingin din
ako sa dalawa. Nakikinig si Duke sa usapan namin habang si Troy naman ay nagtatakang
nakatingin sa akin.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ko kay Troy.

He grinned. "Close kayo?"

I pouted and pinched his resting hand on the table. "Oo! Best friends kami!" ani ko bago tingnan
si Duke para irapan.

Ang kaso, hindi naman nakatingin sa akin si Duke. Nakamasid siya kay Mitzie na nanonood sa
amin ni Troy.

I felt a pang in my chest, but I dismissed it right away.

"May kapatid ka pala, Duke?" maya-maya ay tanong ni Mitzie sa lalaki. Parang nagising si Duke
mula sa pagkakahimbing dahil bigla siyang umiling.

Bakit umiiling 'to?! May kapatid siya!

"Ha? Ang sabi no'ng lalaki ay kapatid mo siya," mahinang bulong ni Mitzie.

Duke bit his lower lip. Lumabas ang dimples niya sa ginawa niyang iyon kaya napatitig ako sa
pisngi niya.

"I mean..." he chuckled. "Yeah, si Kuya Sean. I'm sorry I was spacing out."
Mitzie nodded. Nakatingin lang kaming dalawa ni Troy sa kanila habang nag-uusap sila.

"You met him?" tanong ni Duke makalipas ang ilang sandali. His piercing eyes were drawn to
Mitzie. Kahit may kadiliman dahil gabi na ay nabasa ko ang interes sa mukha ng lalaki.

My breathing became slurred. I didn't want to consider it, but does he like Mitzie?

"Oo, kinuha niya ang number ko para kapag may event daw ay iimbitahan niya kami ng banda
ulit," she said.

Hindi ko magawang ibaling ang tingin sa babae dahil sinusubukan kong basahin ang mukha ni
Duke. Binasa niya ang pang-ibabang labi at saka lang napagawi ang tingin sa akin. Nagsalubong
ang mga mata namin at naramdaman ko ang pagsabog ng kung ano sa loob ko.

Iniiwas ko ang tingin. I couldn't read him. Well, I could, but I shouldn't.

I stood up after clearing my throat. The scene was suffocating me. "Kukuha lang ako ng
maiinom natin..." ani ko. "A-ano, hindi, alak. Tubig siguro o juice?" kinakabahang saad ko sa
matang ipinukol sa akin ni Duke.

Hindi ko na sila hinintay makasagot dahil umalis agad ako sa mesa. Naglakad ako patungo sa
kusina nila at napahawak sa puso ko. My heart was racing, and I didn't like it. Ang bawat
pagtibok ay masakit.

Kumuha ako ng isang pitsel ng iced tea at isang pitsel ng tubig. Aalis na sana ako sa kusina
nang pumasok ang tatlong lalaking nakaitim. I immediately recognized them. Sila ang mga
kabanda ni Mitzie!
Napatigil sila sa paglalakad patungo sa ref nang makitang naroon ako. Isa-isa ko silang
tiningnan at tama nga ako ng hinala na lahat sila ay gwapo.

"U-Uhm..." kinakabahang saad ko. What's wrong with me today?! Umalis ako sa harap ng ref
para makakuha sila ng kailangan nilang kunin.

"Kaklase ka ni Mitz, 'di ba?" tanong sa akin no'ng drummer. Hanggang balikat ang makintab
niyang buhok kaya nagmukha siyang bad boy. His hooded eyes were dangerous, but they went
perfectly with his pouty lips. Kung mukhang masungit si Duke, masasabi kong mas mukhang
masungit ito.

I took a deep breath and nodded.

" Mitz failed to mention that she has a lovely classmate," ani naman ng bassist nila.

Napakunot ang noo ko. It was a compliment, but the way he said that was too sensual! Parang
may laman tuloy! Kahit mukha siyang mabait sa chinito niyang mata, hindi ko maiwasang
samaan siya ng tingin.

He smiled while looking at me. "It's a compliment."

Napahinga ako nang malalim at napatango sa sinabi niya. "Thank you, then."

Humarap sa amin ang guitarist nila na kanina ay may kinukuhang kung ano sa loob ng ref.
Inilapag niya ang dalawang pitsel ng iced tea at inismiran ang dalawang kabanda. Sumulyap
siya sa akin bago ngumisi nang nakakaloko.

Sa wari ko ay magkasing-kapal lang ang buhok nila ni Duke. Yun nga lang ay medyo may pagka-
brown din ang kanya gaya ng akin. His eyes were almost black, and he had a well-defined jaw.
All about him seemed to be daunting.
I looked away. "Lalabas na ako," pagpapaalam ko sa kanila.

The guitarist drew his arms together in front of him. "Wait."

Tinititigan niya ako kaya gumanti ako ng titig sa kanya. Akala mo naman! Kay Duke lang ako
matatalo pagdating sa titigan! Lalong lumaki ang ngiti niya habang nakatitig sa akin
samantalang ako ay walang kahit na anong emosyong ipinapakita.

"What's your name?" tanong niya na gumulat sa akin.

Nakita ko agad ang sikuhan ng dalawa niyang kabanda sa gilid. Pinanlisikan ko sila ng tingin
kaya ngumiti na lang sila at tumigil.

"Bakit ko sasabihin?"

The guitarist's smile grew even wider. "Ikaw ang bahala. Itatanong ko rin naman kay Mitzie."

Inirapan ko siya at akmang kukunin na ang dalawang pitsel na inilapag ko sa mesa nang unahan
niya akong bitbitin iyon. He handled it with comfort, hindi gaya ko kanina na parang bigat na
bigat.

"Akin na," mataray kong saad.

He shook his head. "Hindi dapat ganito ang dinadala mo."

I once again rolled my eyes. "Ano dapat, kung gano'n?"


"Kamay ko."

Napapikit ako sa inis. Narinig ko ang asaran ng dalawa niyang kabanda kaya walang paalam
akong lumabas ng kusina. He was hitting on me, and I was irritated as hell! Gwapo siya pero
ayoko sa kanya!

Naramdaman ko ang pagsabay niya sa paglalakad ko kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Sigurado akong nakasimangot ako habang siya ay malaki ang ngisi.

Napatingin sa amin ang ibang bisita pero diretso lang ang paglakad ko. Napansin kong itinuro
ako ni Troy kina Mitzie at Duke kaya napabaling din ang atensyon ng dalawa sa amin. Kumunot
ang noo ni Duke sa nakitang kasama ko habang si Mitzie naman ay halatang gulat din.

"I just helped her..." ani ng lalaki matapos ilapag ang dalawang pitsel sa mesa.

Nginusuan ko siya. "Tingin mo hindi ko kayang dalhin iyan?"

He let out a low chuckle. "Alam kong kaya mo pero 'di ba sinabi ko na sa 'yo kung ano dapat ang
dinadala mo?"

I snorted and went to my chair. Nakita kong nanatili ang madilim na mata ni Duke sa lalaki kaya
nabuntong-hininga na lang ako. Sana ay hindi niya iniisip na binabastos ako dahil kadalasan ay
ganiyan ang itsura niya kapag may nanlalandi sa akin.

"Harvin, do'n ka nga! 'Wag mong guluhin si Sol," narinig kong saway ni Mitz sa lalaking Harvin
pala ang pangalan.

"Oo, Mitz. Tinulungan ko lang naman..." he chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakita
kong nakatitig na naman siya sa akin. "See you again, Sol..."

Kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa papalayong pigura ng lalaki. He was a top-flight
playboy! I could put my whole life on the line!

"Ang taray naman may nagkakacrush din naman sa bebe Sol na iyan," pang-aasar ni Troy na
kinurot ko lang sa kamay. Kanina pa siya bumi-bingo sa akin! Ipinagtutulakan niya si Duke kay
Mitzie!

"Pasensiya na, Sol. Crush ka kasi no'n. Kanina pa itinatanong sa akin kung kilala kita," ani Mitzie.

Namula ako roon. Hindi naman ito ang unang beses na may nanlandi sa akin pero nahiya ako
dahil kabanda pa talaga ni Mitzie.

"Bakit ba kasi kumuha ka pa ng maiinom?" naiinis na pahayag ni Duke. "Pwede mo naman


akong utusan na lang kung nauuhaw ka, Solene."

Tumawa si Troy. "Patay ka, Sol. Ginagalit mo si Kuya Duke."

Masama ang tingin ni Duke sa akin at hindi ko alam kung bakit ang pasaring niya ay nagdala pa
ng init sa puso ko.

Chapter 4

Nag-inat ako dahil katatapos lang ng exam namin sa isang major subject. Pinag-puyatan ko ang
pagre-review dahil ayokong mag-remedial. Inis na inis na nga sa akin si Duke dahil ilang gabi ko
rin siyang kinulit na pumunta sa bahay namin para turuan ako.

"Ano ang sagot mo sa 2?" si Troy nang lumabas siya ng room. Gaya ko ay tapos na rin siya pero
iilan pa lang kaming nasa labas.
Nakakakaba nga dahil wala pa sina Mitzie at Duke, parang natatagalan sila sa pagsasagot
samantalang ako ay mabilisan lang. Parang may mali akong nagawa.

"0.538 ba? Hindi ko maalala pero parang ganiyan."

Napakamot sa batok si Troy. "Ah ah, nalito ako. Whole number ata ang sagot ko ro'n. Nakakalito
kasi iyong instruction."

Napangisi ako sa kanya. "Hindi pwede whole number, shunga ka."

Mas lalo itong napanguso at sumandal na lang sa pader habang parehas naming hinihintay sina
Duke at Mitzie para magtanong. Gano'n din ang ilan pang kaklase namin na nakatapos na. Lahat
sila ay nangangati nang malaman ang tamang sagot.

Sabay na lumabas sina Duke at Mitzie at hindi pa man tuluyang nakakalampas sa pinto ay
sinugod na sila ng mga kaklase namin. Kinausap nila ito pero hindi na kami lumapit dahil sa
direksyon din naman namin sila papunta.

Umayos ng tayo si Troy. "Duke, litong-lito ako sa 2-5! Five points each pa! Ano ba ang sagot
do'n?"

Tinanguan ako ni Mitzie at lumampas na sa amin habang si Duke naman ay tumigil sa tapat
namin ni Troy. Tumingin siya sa lalaki at naiiling na napangiti.

"True or False lang yon, ah? Ayun nga pinakamadali sa exam."

Para akong nagimbal sa sinabi niya. What?! Parang wala naman akong nabasang true or false
do'n, ah?!
"Sabi na, eh! Buti naman at naitama ko iyong 4 at 5," si Troy na ngayon ay medyo nakahinga na
nang malalim.

"Hoy! Gago? Seryoso ba?!" nanlalaki ang matang tanong ko. "Bakit isinolve ko lahat?!"

Lumapit sa akin si Duke at ginulo ang kasusuklay ko lang na buhok. "Ano ang isosolve mo ro'n
eh kumpleto ang given? I-indicate mo lang kung tama o mali iyong answer."

Naiiyak na napanguso ako. Wala na agad akong 20 points! Paniguradong bagsak na naman ako
neto. Pahirapan na naman ako sa pagpapaliwanag sa scholarship office kapag ipinresent ko
ang midterm grade ko.

I felt sad and disappointed. Pinaghirapan ko ang pag-aaral pero parang hindi talaga para sa akin
ang engineering!

"Okay lang iyan, bebe Sol. Ugaliin mo kasi ang pagbabasa ng instruction," akbay sa akin ni Troy
nang mapansin siguro ang lungkot sa mukha ko.

Sa kabilang banda naman ay ikinapit ni Duke ang braso ko sa kanya. "Kumain na lang tayo.
Hayaan mo na 'yon. Marami pa namang pwedeng bawian."

I shook my head. "Hindi ako makakasama. May meeting kami sa club..." malungkot na saad ko.
"Ang tanga kasi."

"Hindi ka maglulunch?" tanong sa akin ni Duke. "Kumain ka muna, Sol."

I pouted. "Hindi na. Saktong ala una kasi iyong meeting. Ayoko namang ma-late," I uttered
before removing my arms from theirs. "Sige na, uuna na ako. Bye!"
Hindi naman na nila ako napigilan nang tumalikod ako sa kanila. Inaalala ko pa rin iyong exam
ko, pero tama si Duke. Marami pa akong pwedeng bawian.

Pagkarating ko sa room kung saan gaganapin ang meeting namin ay halos naroon na ang lahat
ng member. Nakita ko si Jelay, kaklase ko no'ng highschool sa bread and pastry class namin,
kaya umupo ako sa tabi niya.

"Tapos na ba ang exams mo?" tanong niya sa akin.

I shook my head. "Meron pa next week."

"Mabilis na iyan," aniya habang inaayos ang buhok.

I sighed. Nakakawala ng gana talaga iyong exam kanina. Sana ay sa minor na lang ako
nagkagano'n hindi sa major!

Wala naman masyadong sinabi sa meeting namin bukod sa mga kailangang dalhing ingredients
sa isang linggo dahil gagawa kami ng sarili namin pastry. Buti nga at cookies lang iyon at hindi
masyadong mahal ang ingredients kaya hindi ko masyadong pinroblema.

Nakakatuwa dahil halatang mahilig din mag-bake ang mga nasa club. Nakaka-relate kami sa
isa't isa! Mabuting bagay rin pala ang pagsali ko rito dahil kahit papaano ay nalalaman ko ang
pwedeng alternative ingredients.

I couldn't wait to bake some for Nanay and Duke.

"Sasabay ka ba sa akin mamaya? Mamimili na ako para hindi ko na bitbitin sa Lunes," ani Jelay.
"Hindi na. Ipapa-shoulder ko kay Troy ang bayarin ko dahil sponsor ko siya," sinabayan ko iyon
ng pagtawa.

"Troy? Jefferson?"

I nodded. "Kaklase ko 'yon, ah? Bakit?"

Umiling ito at namula. "Wala lang, sana all."

Tinawanan ko siya at pabirong sinapak sa braso. "Crush mo 'yon?! Jusko, please lang."

May oras pa para mag-lunch kaya sabay na kami ni Jelay na naglakad papunta sa canteen.
Hindi kami sobrang close pero wala naman kaming samaan ng loob kaya maayos ang trato
namin sa isa't isa. Hindi rin awkward ang pag-uusap namin.

Saka ko lang naramdaman ang gutom. Hindi rin kasi ako nakakain kagabi dahil sa puspusang
pag-aaral. Isa pa ay medyo marami ring nilabhan si Nanay kaya tinulungan ko siya sandali.

Siniko ako ni Jelay kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

Inginuso niya ang isang tumpok ng mga estudyanteng babae. Nakapalibot ang mga ito sa kung
ano at hindi naman namin iyon makita dahil marami masyadong humaharang.

Nagkibit-balikat lang ako. "Hayaan mo sila. Nagugutom na ako."

She nodded. "Sina Roswell at Bela na naman 'yon." Sinabayan niya pa iyon ng pagtawa. Nilingon
ko ang dalawang babae at nakitang may inaaway nga sila. Mga war freak talaga.
Lumampas kami sa kanila nang mapayapa at nagkukwentuhan pa kami. Habang naglalakad ay
nakasalubong namin ang dalawang babae na halos tumatakbo na papunta sa tumpukan. Makiki
-chismis siguro.

"Iyong transferee raw..." narinig kong saad ng isa sa kanila.

Napatigil ako at bago pa tuluyang makaalis ang babae ay hinawakan ko ang braso niya. Nakita
ko agad ang takot sa ginawa kong paghawak sa kanya.

"Ate Sol..." kinakabahang saad niya.

"Sino ang binubully nila?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang takot sa mukha niya.

"Iyong transferee po. Si Mitzie ata."

Tumango ako sa kanya at umalis sa harap nila. Iniwan ko si Jelay roon na nakatanga lang sa
akin at hindi alam ang gagawin. One thing about Roswell and Bela, they couldn't go on a cat
fight with me because they knew I'd win.

"Tumabi kayo!" malakas kong sigaw sa mga taong nanonood at agad naman silang umalis sa
takot. Humawi sila at binigyan ako ng daan.

Halos malaglag ang puso ko sa nakita. Nakaupo si Mitzie sa semento at basang-basa. Walang
emosyon ang kanyang mukha pero nababasa ko sa mga mata niya ang takot.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang dalawang impakta na nakangisi sa akin. Napansin ko ang
pagdaan ng takot sa mukha ni Bela dahil sa nanlilisik kong mata.

"Lumampas ka na, ah? Hindi mo pa itinuloy," maangas na saad ni Roswell. "Magbibida ka na


naman dito."

"What do you think you're doing?" pagalit na sigaw ko.

Roswell snorted. "Bagay lang iyan sa kanya. Dapat nga ay sumabwat ka sa amin dahil inaagaw
niyan si Duke!" Nakita ko ang ginawang paghawak ni Bela sa braso nito pero naiinis na tinanggal
lang ito ni Roswell.

I took a deep breath and turned to face Mitzie, who was in a pitiful state. She was going through
the same thing I had experienced. Ang masama pa roon ay hindi niya kayang ipagtanggol ang
sarili niya mula sa mga ito.

"Duke was never yours to begin with, Roswell. Bakit ka galit na galit samantalang hindi ka
naman niya kilala?" Nilapitan ko si Mitzie at inalalayan itong tumayo.

Walang nagawa si Roswell kung hindi ang panoorin kami. Nanginginig sa takot at lamig si Mitzie
kaya nanlilisik ang mata ko sa babaeng kaharap ko.

She crossed her arms. "Aww, magkasama ang dalawang babae ni Duke. Hintayin kong mag-
away kayo dahil sa lalaking yon."

I laughed. "Makikipag-away ka dahil sa lalaki? Bitch, yuck."

Namula siya sa inis sa sinabi ko. Pakshet naman, gutom na ako! Paalisin mo na lang kami rito
kung ayaw mong masampal kita!

"Whatever, Solene..." she paused. "By the way, kunin mo pala ang marurumi kong damit sa
bahay. Ipalaba mo sa Nanay mong losyang."
That was it. Bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako
inisin at magkakamatayan muna kami bago ko ipakita sa kanya ang kahinaan ko.

I smirked. "Pag-iisipan ko, ha? Sa dumi mo kasi, parang hindi kaya ng clorox iyan." Sinabayan ko
iyon ng pagtawa. "Lagi mong idinadamay iyong Nanay ko, 'no? Eh iyong tinatawag mong
Mommy, balita ko, kabit ni Gov.?"

I heard gasps and whispers, but I didn't glance at any of them. Nanatili ang mga mata ko sa galit
na galit na Roswell. Parang kaunting pihit na lang ay susugurin niya ako at sasabunutan.

"I think mas maayos iyong trabaho ng Nanay ko, hindi ba? Mas maayos maging labandera kaysa
naman pumatol sa may asawa para sa pera." I shook my head to add more drama to my
statement.

Hindi nga ako nagkamali nang sumugod siya sa akin, pero bago niya pa ako masampal ay
nakuha ko na ang kamay niya at buong pwersang itinulak siya paupo sa semento. Agad ang
pagdalo ni Bela sa kanya.

"Manahimik ka na lang, Sol!" sigaw ni Bela sa akin.

Totoo ang sinabi ko. Matagal nang pinag-uusapan sa barangay namin na ang nanay ni Roswell
ay nakitang lumabas sa condo ni Gov. Wala namang trabaho ito pero makikita mo sa
pamamalakad nila sa buhay na marangya sila.

"'Wag niyo na kasi akong guluhin, okay?" I smiled sweetly at them. "You, guys, are just so pitiful
and... pathetic."

"Don't worry, hahanapin ko lahat ng baho ng Nanay mo! Ikakalat ko lahat ng nude photos mo,
Sol!" sigaw ni Roswell.
Nakaani iyon ng gulat na pahayag ng mga tao. Okay, nahalungkat na naman ang imaginary nude
photos ko.

Tumawa ako para lalo siyang inisin. Effective 'yon lagi. Kapag hindi mo makausap nang maayos
ang kaaway mo, tawanan mo lang dahil mabubwisit sila.

"Sige, galingan mo ulit mag-edit, ha?" I paused. "And girl, I'm not worried."

Tumayo na ako nang maayos at hinawakan sa braso si Mitzie. Hinigit ko siya palayo roon at
dinala sa malapit na women's rest room. Naaawa ako sa kanya dahil masyado siyang inosente
at mabait para sa ganito. She was not even flirting with Duke! Heck, I didn't even know if they
were friends.

"May extra uniform ka ba?" tanong ko sa kanya nang pumasok siya sa isang cubicle.

"A-ano..." she stuttered. "M-meron. Pinalabhan ko kanina para sana bukas."

Hindi na ako tumugon at hinayaan ko na lang siyang makapagpatuyo at magbihis. Ten minutes
na lang at mag-ti-time na kaya malabo nang makakain ako pero ayos lang dahil hindi naman
nakamamatay 'yon.

Lumabas siya. Medyo basa pa rin ang kanyang buhok at tinutuyo niya ito ngayon ng isang baby
towel. Nang humarap siya sa salamin ay pumunta ako sa likod niya para tulungan siyang
patuyuin ang buhok niya sa likod.

"Don't mind them, Mitzie. Mga inggit lang yon sa 'yo."

Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin at nakitang nagtutubig ang kanyang mata habang
nakatitig din sa akin.
"Sol..." mahinang tawag niya. "N-nararanasan mo ba 'to? L-lagi ka ba nilang ginaganito?"

Ngumiti ako sa kanya. Tuluyan ko nang inagaw ang towel sa kanya at tinuyo pa ang buhok niya.
Sa pwesto namin ay para kaming mag-ate.

"Oo, dati. Pero mataray kasi ako kaya tinigilan din nila ako." Sinabayan ko iyon ng mahinang
pagtawa. "Patay na patay ang mga iyon kay Duke, eh. Akala mo naman aagawin sa kanila."

"Ikaw rin naman."

Nagulat ako sa sagot niya at napatigil sa ginagawa.

"Huh?"

She smiled genuinely. Wala na ang luha sa kanyang mata at napalitan iyon ng mahinhin na ngiti.
"Obvious naman. You like him."

I gulped and bit my lower lip. "Imbento ka. Bilisan mo na nga diyan at mag-ti-time na!"

Ibinigay ko sa kanya ang towel at narinig ko ang mahihinang tawa niya. Kung hindi lang siya
parang baby ay bibigwasan ko talaga siya dahil ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko.
Gano'n ba talaga kahalata ang pagkagusto ko sa lalaki?!

"It's okay, Sol. Duke is likeable," aniya habang naglalakad na kami papunta sa room.

I rolled my eyes. "Tigilan mo ako, Mitzie. Ibabalik kita kina Roswell, makita mo."
She giggled. She touched my left hand while we were walking, and I immediately looked at her,
horrified. What was happening to her?

"Hindi ako lesbian, okay? Don't give me that look. Thankful lang ako sa 'yo. I really like you." I just
turned away as she smiled at me with her angelic face. Me too, Mitzie, I like myself.

Pagpasok namin sa room ay wala pa rin naman ang professor namin kaya napahinga ako nang
malalim. Inisip ko ang nangyari sa buong lunch break ko at napagtanto kung gaano kakalat iyon.

Naglakad ako patungo sa upuan ko nang mapansin ang isang tupperware. It wasn't something
new to me. Lumipad ang mata ko sa pwesto ni Duke na nakaabang lang din pala sa mga
ginagawa ko.

"Eat," he mouthed.

Chapter 5

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balita. Mas big deal ngayon dahil may ibang pangalan
na napasama, si Mitzie. Lahat ay nakikisimpatya sa kanya dahil kilala naman ng buong
eskwelahan sina Roswell at Bela bilang mga bully talaga.

"Buti nga at ipinagtanggol ni ate nudes," dinig kong bulungan ng ibang estudyante habang
naglalakad ako papunta sa room. Umagang-umaga pa lang ay iyon agad ang narinig ko.

I sighed. Hindi ko kasabay si Duke sa pagpasok dahil maaga siyang umalis sa kanila. May
hihiramin daw siyang libro sa library kaya hinayaan ko siyang umuna.

"Eh, palengkera rin naman kasi iyan. Kita mo nga at laging pasagot din."
"Sayang, 'no? Ganda sana..."

I tried ignoring them because I was used to it. Iniisip ko na lang ay masyado akong maganda
kaya sila inggit na inggit sa akin. Alangan naman kasing hindi ka sumagot kung may nanggigipit
sa 'yo, hindi ba? You should always be your own knight.

Akala ko pa naman ay gaganda na kahit papaano ang image ko sa ginawa ko kahapon pero
ngayon ay nakita pa rin nila ang pangengealam ko? Hay, I really despised their mindset.

Nang makarating sa room ay kinuha ko ang aking cellphone dahil naalala ko ang ingredients na
kailangan kong ipabili kay Troy. Seryoso kasi ito nang sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pastry.
Hindi na rin naman ako sumabat dahil mayaman naman ang pamilya nila. His mom was the
campus director of our university. Kahit pa state university lang ito, malaki pa rin ang sahod no'n!

Me:

wuy grocery tayo mamaya, bibili me ng ingredients para sa cookies

Wala pang ilang minuto ay nagreply ito. Marahil ay on the way na rin siya papunta sa school.

Troy Asungot:

gege

Napairap ako sa reply niya at ibinaba na lang ang cellphone. Nakita kong pumasok si Mitzie sa
room nang nakatungo kaya napakunot ang noo ko. Sigurado akong marami itong narinig
habang papunta rito sa room.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sa hindi malamang dahilan ay nginitian niya ako. I didn't
know what to say, so I just smiled back. Ibinaba niya ang kanyang bag at pumunta sa pwesto ko.
"Canteen tayo!" yaya niya sa akin. Gulat man sa ipinapakita niyang pagiging friendly ay tumango
ako.

"Ano ang sumapi sa 'yo?" tanong ko habang nakapila kami sa canteen. Kumuha ako ng
cheesecake para kay Duke dahil wala naman talaga akong bibilhin.

"Mahilig ka rin sa cheesecake?" nakangiting tanong niya, hindi sinagot ang nauna kong tanong.

Umiling ako. "Para kay pangit 'to."

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang mapang-asar niyang mukha. Lagi ko namang ginagawa
ito noon kay Duke pero ngayong may nagbibigay ng malisya ay naiilang ako!

"Hindi raw gusto."

Pabiro ko siyang siniko. "Manahimik ka d'yan. Secret lang natin 'yon."

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil mukhang
mapagkakatiwalaan naman ang babae. Isa pa ay baka asarin niya ako nang asarin kapag
kaharap na si Duke. Mabuti nang malinaw kami sa parteng iyon.

"Subukan mo talaga akong asarin don, ipagkakalat kong crush mo si Troy," pananakot ko sa
kanya kahit hindi naman totoo.

Nang mabayaran namin ang binili ay dumiretso na rin kami sa room. Naroon na nakaupo sa
pwesto niya si Duke kaya sa kanya ako nagpunta.

"Oh, umagahan mo," sabay lapag ko sa cheesecake at hot choco niya. Alam ko kasing hindi ito
nag-breakfast lalo pa at ang aga nito sa school.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at simpleng napangiti nang makita ang binili ko para sa kanya.
Napairap ako habang iniisip na sana ay kiligin naman siya.

"Sweet mo, ah? May atraso ka ba sa'ken?" aniya habang nilalantakan ang cheesecake.

Umupo sa tabi niya si Mitzie ngunit hindi niya iyon binalingan ng tingin. Para siyang pre-
occupied sa kinakain niya.

"Oo, nakipag-away ako kahapon," tugon ko bago hilahin ang bakanteng upuan para maupo sa
tapat nilang dalawa.

Doon siya napatigil. "Hindi nga?"

I nodded. "Wow, hindi mo pa nababalitaan? Everyone has been talking about it..." I paused.
"Hayaan mo na 'yon. Kumain ka na!"

But he didn't listen.

Ibinaba niya ang kinakain at ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. "Ano ang ginawa sa 'yo?
Sina Roswell at Bela na naman ba 'yan?"

His serious expression gave me goosebumps. Nakita ko kung paanong nagsalubong ang
kanyang kilay at bahagyang nagdilim ang mata dahil sa inis. Umikot ang paningin niya sa
kabuuan ko at napahinga nang malalim nang mapansing wala namang kakaiba sa akin.

Hinampas ko ang braso niya. "Napaka-OA mo! Ano 'to?! Baguhan ba ako sa pakikipag-away?"
natatawang asar ko sa kanya pero hindi naman siya tumawa.
"Hindi porket sanay ka na ay hindi na ako mag-aalala, Solene."

I bit my lower lip. Sa mga simpleng salitang iyon ay kuhang-kuha niya lagi ang loob ko. Sa totoo
lang, sinabi ko rin naman kasi sa kanya iyon dahil kapag sa iba niya pa narinig ay baka kung
anong gawin niya. Noong nakaraan nga na may nambastos sa akin sa Business Department,
nalaman kong ini-report niya iyon sa admins at napatawan ng two weeks suspension ang lalaki.

Napatingin ako sa katabi niya na malaki ang ngiti sa akin na parang nang-aasar. Inirapan ko lang
siya kaya lalong lumaki ang ngiti niya.

"Eto naman, wala 'yon. Nakipagsagutan lang naman. Hindi naman gyera." I reached for his hand
and gently squeezed it.

His face remained the same. Good heavens, ang aga aga, binebless mo agad ang mata ko!

"Tell me about it."

I frowned, but Mitzie cut me off before I could say something.

"I was bullied. She came. She protected me kaya siya ang napaaway. The end," dire-diretsong
saad niya na parang kaya no'n pakalmahin ang lalaki.

Kinagat ni Duke ang pang-ibabang labi kaya muling sumilay ang dimples niya. When he ran his
fingers through his hair, he had no idea how handsome he was. Sa tulong ng araw at liwanag na
tumatama sa bintana, nagmukha siyang modelo sa isang magazine. His reddish lips were
sinfully perfect, and his jaw was defined. Really, everything about this man is beautiful... and
dark.

I heaved a deep sigh. "Bati na tayo, ha? Ibinili kitang cheesecake." I giggled. "Hindi na ako
makikipag-away sana, ang kaso, binanggit niya na naman si Nanay. Alam mo namang ayaw ko
no'n, 'di ba?"

Lumambot ang kanyang ekspresyon at pabiro na lang akong inirapan. Kinuha niya ulit ang
cheesecake at muling kinain iyon.

"Huwag ko lang talagang mababalitaan na nakikipag-away ka ulit, Sol. Malilintikan ka sa akin."

I raised my eyebrow. "Bakit anong gagawin mo?"

"Ikakadena kita."

Parang gusto ko yata 'yon, ah?

"...sa lugar kung saan maraming palaka." dagdag niya kaya malakas ko siyang hinampas sa
balikat.

"Impakto ka talaga!"

He laughed at my agony. Alam niyang malaki ang takot ko sa palaka at iyon madalas ang
ipamblackmail niya sa akin. Noong nasa elementary kami at nagkaroon kami ng pagtatalo,
nilagyan niya ng medyo maliit na palaka ang black shoes ko kaya hanggang makarating ako sa
school ay parang hindi ako komportable.

Hindi ko na maalala ang buong detalye pero grabe ang iniiyak ko no'ng araw na iyon nang
makitang may palaka sa sapatos ko at napatay ko siya.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit at paanong napamahal pa rin ako sa lalaking ito. Ni hindi
ako nagkagusto sa iba dahil lagi rin namang siya ang kasama ko. Kapag by partner ang activity
ay laging kaming dalawa. Isama pa na siya ang escort ko noong JS prom at kahit nanalo siya
bilang prom king ay ako lang ang isinayaw niya. Noong mag-debut ako ay siya rin ang naghanda
para sa akin kasabwat si Nanay dahil alam niyang wala akong plano para sa mga 18 roses na
yon.

"Hindi pala ako sasabay sa 'yo mamaya pag-uwi."

"Bakit?" takang tanong niya. "Saan ka pupunta at sino ang kasama mo?"

I rolled my eyes. "Si Troy. Pupunta kami sa South, mamimili ng ingredients."

Kumunot ang noo niya sa akin at sa tingin niya ay para siyang nang-aakusa. "Bakit ayaw mo
akong isama?"

"Bakit ka naman sasama?"

He stopped eating. "Gusto mo bang si Troy lang ang kasama mo?"

I gave him a puzzled look but responded, "Aba, sagot no'n ang gastos ko, 'no!"

Medyo dumami na ang mga kaklase namin sa room kaya tumayo na ako at ibinalik ang upuan
sa dati nitong pwesto. Nakatingin pa rin sa akin si Duke na parang nag-hihintay ng idadagdag ko
pa.

"Sasama ako," parang batang saad niya.

I glared at him. "Huwag na! Baka kung ano pang bilhin mong hindi naman kailangan."
Kapag namimili kasi kami, kalimitan ay kung ano-ano ang ipinaglalalagay niya sa cart. Hindi ko
alam kung nang-aasar lang ba siya pero tumatawa kasi siya kapag pinagagalitan ko.

He shook his head. "Sasama ako, Sol."

Inirapan ko na lang siya at bumalik sa pwesto ko. Sakto rin naman ang dating ni Troy kaya pinag
-usapan namin ang pag-go-grocery mamaya. Wala namang kaso sa kanya kung kasama namin
si Duke. Ika niya nga ay pabor pa iyon sa kanya dahil baka ang lalaki na lang ang pagbayarin niya.

Napangiti ako dahil kahit lagi kaming nag-aasaran, alam nila kapag kailangan ko ng tulong. Hindi
kami mayaman at laging sakto lang ang baon ko. Nakakaipon lang ako sa bigay minsan ni
Nanay at sa scholarship ko kaya itong pag-ba-bake ay isang malaking gastos talaga para sa
akin.

Kahit pa hilig ko ito, hindi ito ang kinuha kong kurso ngayong college. Dahil practically, ang mga
ganitong programa ay pwedeng side course na lang. Ang hirap din kasing maging mahirap.
Walang sasalo sa iyo kapag hindi ka nagtagumpay sa napili mong field. Kaya kahit hindi ko
gusto ang engineering, dahil alam kong narito naman si Duke para gabayan ako, pinili ko pa rin
ito.

Mabilis na natapos ang klase kaya magkasama kami ni Troy paglabas ng room. Nakita ko pa
itong nakipagbatian kina Calvin at Calix na mga basketball players ng school.

"Akala ko ba sasama si Duke? Nasaan na 'yon?"

Iginala ko ang paningin ko. Nasa tapat lang kami ng room pero wala ang lalaki sa loob at wala
rin dito sa hallway. Saan naman kaya nagpunta 'yon?

"Owa!" tawag ko sa isang kaklase. Tumigil naman ito sa paglalakad at bumaling sa akin.
"Bakit?"

"Nasaan si Duke?" tanong ko dahil katabi niya lang din ang upuan nina Mitzie.

"Pinatawag sila ni Mitzie sa dean's office."

Tinanguan ko siya at pinasalamatan. Bumaling ako kay Troy na ngayon ay nakatingin na rin pala
sa akin. Naglakad kami patungo sa office. Sinilip ko ang loob dahil glass naman ang pinto. Agad
kong natanaw si Duke na nakikipagtawanan kay Mitzie sa loob habang kausap si Dean na
malaki rin ang ngiti.

"Ano kaya ang pinag-uusapan nila, 'no? Hindi ngumiti nang ganiyan sa akin si Dean, aba."

Nag-hintay lang kami sa labas pero mukhang matatagalan ang dalawa dahil lumipas ang
labinglimang minuto ay hindi pa rin sila tapos. Hindi ko alam kung nalimutan ni Duke ang
usapan dahil alam niyang uwian na pero wala pa rin siyang text na hindi siya sasama.

I sighed. "Tara na, Troy. Itetext ko na lang si Duke. Baka magsarado ang South."

He nodded. "Tayo muna ang mag-date, bebe Sol. Mukhang busy makipaglandian iyong isa
nating bebe."

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero ayokong isipin na naglalandian si Mitzie at Duke. Kahit
gaano pa sila ka-compatible sa isa't isa, hindi ko matatanggap ang relasyon nila kapag
nagkataonI knew Mitzie didn't like him in that way, but I wasn't sure if Duke felt the same way.

Nang makapamili ay diretso uwi lang din naman kami ni Troy. Hindi ko alam pero parehas
kaming bagsak ang balikat.
Siya dahil siguro sa gastos, ako dahil panigurado sa selos.

Chapter 6

"Looking in your eyes I see a paradise. This world that I found is too good to be true. Standing
here beside you. Want so much to give you this love in my heart that I'm feeling for you..." kanta
ni Mitzie habang naggigitara.

Kinuha ko ang bote ng tubig sa mesa at ginawa iyong mic.

"Let them say we're crazy! Don't care about that! Baby, we can make it if we're heart to heart!"
maingay kong kanta. Naramdaman ko ang pagbato sa akin ni Troy ng stick kaya sinamaan ko
siya ng tingin.

"Ang basher mo, Troy."

"Hindi ako basher. Ampangit lang talaga ng boses mo." Matapos sabihin iyon ay tinabihan niya
si Duke at tinulungan mag-ihaw.

Dahil tapos na ang midterms at nailabas na ang resulta, napagdesisyonan naming


magbarbecue party na sagot ng tuwang-tuwang si Troy dahil hindi kami magre-remedial.

Nasa rooftop kami ngayon ng bahay nina Duke dahil apparently, sa aming apat ay bahay lang
naman nila ang may ganitong lugar. Dito rin matutulog si Troy habang si Mitzie naman ay
pinayagan ng Daddy niya na sa bahay namin matulog.

Matapos ang nangyaring pambubully kay Mitzie, naging magka-close kami. Araw-araw na namin
siyang kasama kapag lunch. Kapag uwian naman ay sabay sila ni Troy dahil magkaiba ang daan
namin ni Duke kumpara sa kanila.
May kaya rin ang pamilya nila kaya lang ay nalugi ang business nila sa Japan kaya napilitan
silang umuwi sa Pilipinas para magsimula ulit. Purong Hapon ang Daddy niya habang Pilipino
naman ang kanyang Mommy kaya sa aming apat ay si Troy lang talaga ang pure-blooded Pinoy.
Half American ako habang si Duke naman ay half Australian.

"Nasaan si Kuya Sean, Duke?" tanong ko sa lalaki. Nakaupo lang kami ni Mitzie sa lapag dahil
japanese table style ang inihanda nila para mas feel daw.

"Baka nasa school pa 'yon, busy sa thesis," malamig na tugon sa akin ng lalaki.

Tumango ako. Sayang naman at masaya pa naman iyong kasama. Hindi ako maaaway ng mga
lalaking nandito siya.

"Si Sean iyong kapatid niya, 'di ba?" bulong sa akin ni Mitzie.

"Oo, bakit?" bulong ko rin sa kanya. Mukha kaming tanga na may sikreto sa dalawa dahil sa
ginagawa naming pagbubulungan.

"Crush ko 'yon."

Hindi ko napigilan ang singhap sa sinabi niya. I mean, yes, Kuya Sean was every girl's dream guy,
but I didn't think Mitzie would like him!

Lumapit ako sa tenga niya at bahagya siyang nakiliti. "Isang beses mo pa lang nakita 'yon ah?"

She shook her head. "Nakikita ko 'yon sa campus. No'ng nagtext siya sa akin no'ng nag-perform
ako rito, medyo humaba ang usapan namin."

I was so excited that I squealed. Kuya Sean texting a girl? I couldn't imagine him doing that!
Mukha itong laging focus lang sa pag-aaral at walang panahon para sa mga babae.

"Ano namang pinag-uusapan niyo d'yan?" tanong ni Troy bago ilapag ang niluto sa mesa.

Sabay kaming umiling ni Mitzie. Girl's talk 'to, Troy. Hindi ka makakarelate!

"Kunin mo iyong cookies ko sa ref nila sa baba, Troy," utos ko sa nakasimangot na lalaki.

Umiling siya, bahagyang nakangiti. "Masyado ka nang abusado. Si Mitzie naman ang pababain
mo at baldado na ata 'yan. Hindi manlang kayo kumilos."

Binato siya ni Mitzie ng tissue bago tumayo. Natatawa akong napatingin sa kanya dahil walang
imik siyang bumaba para kuhanin nga ang iniuutos ko. Pwede namang ako ang kumuha non
pero talagang sumunod siya, ha?

"Cute cute ni Mitzie..." bulong ko.

"Oo nga, eh, sana ikaw rin."

Dahil malapit lang sa akin si Troy, nagawa ko siyang hampasin sa balikat. Nakasando lang ito
gaya ni Duke kaya sigurado akong lumatay ang kamay ko sa balat niya.

Imbes na masaktan ay tumawa lang ito sa akin. Tumingin ako kay Duke na inaayos ang mga
pinag-ihawan at iniwan doon ang natatangang si Troy.

Likod pa lang ni Duke, alam mo nang napakagwapo niya. Nakatali ang makapal at may
kahabaan niyang buhok kaya sigurado akong maaliwalas ang mukha niya ngayon. Nakaputing
muscle tee lang siya at shorts pero pwede na siyang picturan at i-display iyon sa mga billboards
sa Edsa. Hindi ko alam kung bias lang ako dahil sa nararamdaman ko pero kung lalaki ang
mundo ni Duke, alam kong maraming mahuhumaling sa kanya.

Paglabas niya ng Isabela, paniguradong pagkakaguluhan siya ng mga agency sa malalaking


syudad. He was that handsome. He could use his appearance as a stepping stone to success.

"Tampo ka pa rin?" tanong ko agad sa kanya paglapit.

Isang linggo niya akong hindi inaasar dahil sa ginawa naming pag-iwan sa kanya ni Troy. Sabi
niya ay hindi naman iyon inabot ng tatlumpung minuto kaya sana ay hinintay ko na lang siya.
Hindi naman kasi siya nag-text kaya akala ko ay nalimutan niya na!

"Dun ka nga," he said in a dismissive tone.

Napangiti ako at kumapit sa braso niya. Gano'n pa rin ang reaksyon ng katawan ko sa
pagtatama ng balat namin, ang sarap pa rin sa pakiramdam.

"Dinalhan ko naman kayo ng cookies. Sorry na, hindi na mauulit," pangungulit ko pa sa kanya.

Earlier today, nag-bake kami ng mga kasama ko sa club. We had a good time because we
shared the same interests and passions. Ang ending, naging masarap ang gawa ko at lahat sila
ay pinuri iyon. Napangiti lang ako dahil at least, may kaya akong gawin.

Nakita ko ang pagnguso niya. "Para naman sa lahat 'yon..." bulong niya kaya napatawa ako. Para
siyang bata kung magtampo! Mas gusto ko ang ganitong Duke kapag nagkataon dahil para
siyang nagpapalambing.

"Pagkakuha ko ng scholarship grant ko bukas, igagawa kita, okay na?"

He glared at me. "Huwag mong ginagastos sa gano'ng bagay ang pera mo, Solene. Nakita ko
ang sapatos mo at kaunting lakad na lang ay masisira na. Ayun ang bilhin mo."

"Grabe, si Nanay ka ba?" I asked while chuckling. "Pwede pa 'yon. Hindi naman ako gaslaw. Ang
mamahal ng sapatos sa bayan e. Sa susunod na pasukan pa magmumura kaya tiis tiis muna."

Hindi niya ako pinansin pero hinayaan niya akong maglambitin sa braso niya habang naglilinis
siya ng utensils. Kanina niya pa pabalik-balik na nililinis ang mga iyon pero wala akong
pakealam dahil nakakapit naman ako sa braso niya.

"Sana naman ay matapos na ang mag-asawa, ano? Gusto ko nang kumain!" narinig kong sigaw
ni Troy mula sa mesa.

Wala akong nagawa nang binitawan ni Duke ang panlinis at naglakad patungo sa pwesto nila.
Napanguso tuloy ako dahil nabitawan ko siya.

Umupo rin ako doon sa tabi ni Duke at saka ko napagtanto kung gaano kapayapa ng araw na ito.
Papalubog na ang araw kaya iba't iba na naman ang kulay ng langit.

I sighed as I basked in the tranquility of the setting sun. Tomorrow would be a better day.

May plato na sa harap ko at habang nakatingin pala ako sa langit ay inaalis na ni Duke ang stick
ng barbecue at inilalagay ang karne sa pinggan ko. Dumating si Mitzie na namumula kaya
nawala ang atensyon ko kay Duke.

Umupo siya sa tabi ni Troy at huminga nang malalim. Inilagay niya ang dalawang tupperware ng
cookies sa mesa.

"Ano ang nangyari sa mukha mo?" tanong ko.


Tumingin siya sa dalawang lalaki kaya napatingin din ako sa dalawa. Nag-ce-cellphone si Troy
habang si Duke naman ay hawak na ang isang tupperware ng cookies.

Nang masiguradong wala sa amin ang atensyon ng dalawang lalaki, humarap sa akin si Mitzie
at bahagyang pinaypayan ang sarili.

"Nasa baba si Sean. We talked," she mouthed.

Naglagay iyon ng malaking ngiti sa labi ko dahil nakita ko kung paano siya kiligin. Mitzie was
undoubtedly one of the world's most pure souls.

"Hoy! Ba't ka naunang tumikim, Duke?! Sabi ko ako, eh!" si Troy na nagtatantrums.

Napatingin ako sa katabi ko na walang pakealam sa sinasabi ng lalaki. Imbes na kainin ang
barbecue, cookies na gawa ko ang nilalantakan niya.

Napangiti ako nang makitang dire-diretso ang subo niya.

"Chocolate chip cookie lang iyan pero sarap na sarap ka na," natatawang saad ko sa kanya.
Kumuha ako ng tubig at inilagay iyon sa tabi niya. "Kumalma ka, wala namang aagaw sa 'yo."

"Akin na itong isang tupperware, Sol."

Nag-alburoto naman si Troy. "Ako ang nagbayad niyan, Duke!"

Sinamaan niya ng tingin ang katapat na lalaki dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pakikipagtalo.
"Babayaran ko sa 'yo. Kung hinintay niyo sana ako, ako ang bibili ng ingredients nito." Umiling
siya bago tumingin sa akin. "Kaya ko namang ibigay ang kailangan mo, Solene. Huwag ka nang
magpasama sa lalaking iyan."

Para siyang tunog nagseselos kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay nag-init
ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kumuha na lang ako ng karne na nakalagay sa plato ko at
iniiwas ang mata palayo kay Duke. My red face shouldn't be noticed! Baka kung ano pa ang
isipin niya!

"Bakit pala kayo ipinatawag ni Dean?" tanong ni Troy habang kumakain kami.

Gabi at madilim na pero dahil nag-set up ng fairy lights kanina si Duke sa buong rooftop kaya
nagmistula itong isang romantic spot. Nakapalibot sa lugar ang maliliit na ilaw na animo'y mga
alitaptap.

Sumubo muna si Duke ng karne bago nagsalita. "Ilalaban kami ni Mitzie sa structural analysis at
fluid mechanics."

"Wow, bigatin!" natatawang saad ko. Tiningnan ko si Mitzie at kinindatan niya lang ako nang
pabiro.

"Papaalam pa nga ako, eh. Ang layo kasi," aniya habang inaalis ang stick sa barbecue.

"Huh? Saan kayo?"

"La Union daw."

Nagulat ako sa sagot ni Duke kaya napalingon ako sa kanya. "Aalis ka? Ilang araw?!"
"Galit na galit, Sol? Girlfriend ka?" nang-aasar na pahayag ni Troy pero hindi ko siya pinansin.

Nagtama ang mata namin ni Duke nang tumingin din siya sa akin. "Isang linggo lang. Para
naman sa school yon, Solene."

"Ang layo ng La Union..." bulong ko. "At saka ang tagal."

Kung kanina ay nakabaling lang siya sa akin, umayos siya ng upo at tuluyang iniharap ang
katawan sa akin. Inabot niya ang kamay ko at marahang hinawakan iyon.

"Sasabihin ko ba kay Dean na hindi ako sasama?" marahang na tanong niya.

I pouted and shook my head. As much as I wanted to keep him to myself, alam kong hindi
pwede dahil para ito sa kanya. The national convention might help him get a job in the future. At
saka, ganoon ba ako kaganda para pigilan siya?!

"Parang magjowa amputa," pang-aasar ni Troy.

Binitawan ni Duke ang kamay ko at nagsimula nang ulit kumain. Tatlong linggo mula ngayon
ang alis nila kaya kailangan nilang mag-review nang masinsinan. Hindi naman ito ang unang
beses na ilalaban siya dahil sa totoo lang, matalino talaga ang lalaki. Bonus pa ang itsura nito
kaya minsan ay hindi malaman kung sa quiz bees o pageants ba siya isasali. Kaya lang, tuwing
inilalaban siya, kadalasan ay bumibisita ako dahil malapit lang naman ang pinupuntahan niya.
Sa Sta. Clara, Lantawan at Recodo lang naman kasi siya madalas ilaban.

But this... it's a national competition. Sigurado akong kapag nanalo o nakilala sila ay
magbubukas ito ng maraming oportunidad para sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkwentuhan lang doon. Bumili rin kami ng canned
beers at gin. Dahil mababa pala ang alcohol tolerance ni Mitzie, nakatulog agad ito sa mesa.
Lumalim na rin ang gabi pero hindi pa rin kami tumitigil sa pag-inom. Marami na rin kaming
nainom kaya hindi ako nagtaka na medyo nahihilo na ako. Pula na ang mukha ni Troy at si Duke
naman ay kanina pa inaantok.

"Ipagbake mo ako bago ako umalis, ha?" narinig kong saad ni Duke. Mahina lang iyon kaya ako
lang ang nakarinig.

"Ano ang gusto mo?"

Bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Anything..." he whispered. "Basta gawa mo."

He kept mumbling, and I must have looked like a frozen stone. Ramdam na ramdam ko ang
pagrigudon ng puso ko habang nakapaton ang ulo niya sa balikat ko. Hindi pa siya nakuntento
at kinuha niya ang kamay ko para paglaruan. Napatingin ako kay Troy na pinapanood lang kami
gamit ang seryoso niyang mata. Troy was such a bubbly guy, but seeing him like this made me
nervous. Parang binabasa niya kami.

"Solene..." mahinang tawag ni Duke sa akin.

I gulped. "O-oh?" I bit my lower lip when I stuttered. Halatang halata panigurado ang kaba sa
mukha ko.

"Ano raw dapat ang binibitbit ng kamay mo?" mahinang tanong niya ulit. Buti nga at naririnig ko
siya kahit na mahina lang ang boses niya.

"Ha?"
He sighed. "Iyong sabi no'ng kabanda ni Mitzie," naiinis na bulong niya. "Ano raw dapat ang
hawakan mo?" ulit niya sa tanong niya. He sounded so impatient.

Sasagot na sana ako nang malaglag ang ulo ni Troy sa mesa. Napasubsob siya at medyo
napangiwi ako sa impact noon. That must hurt.

"Solene!" sigaw ni Duke nang hindi ko siya sagutin. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at
pupungay-pungay ang matang tumitig sa akin.

I shook my head, medyo nahihilo na rin. "W-wala yon. Huwag mo nang pansinin."

Ngumuso siya na parang bata at muling ibinalik ang ulo sa balikat ko. Sumiksik siya roon na
akala mo ay may sisiksikan pa siya. Much to my surprise, he lifted my hand and brought it to his
lips.

Gano'n na lang ang lakas ng tibok ng puso ko nang marahan niyang halikan iyon. His lips felt
soft and tender. Bumilis ang paghinga ko dahil sa ginagawa niya at wala siyang ideya kung
paano niya tinaranta ang buong sistema ko.

Chapter 7

"Hulog na hulog ka, 'no?" si Mitzie habang nagbabasa ng kung ano sa notebook niya.

Nasa malawak na garden kami sa school at dahil class hours, kakaunti lang ang mga
estudyante. We were sitting on a bench under the narra tree kaya ang sinag ng araw ay hindi
tumatama sa aming balat. Wala sina Duke at Troy dahil may meeting ang officers ng
Engineering Society. Malapit na kasi ang week ng college namin kaya busy silang lahat sa pag-
aasikaso.

"Nakita ko kayo sa rooftop. May pahalik ka pa sa noo, talandi ka."


Mabilis ang ginawa kong paghampas sa balikat niya. Napaaray siya dahil sa lakas ng palo ko. I
scoffed. Serves you right, Mitz.

"Ang ingay mo, gago."

Noong isang gabi ay matagal pa akong natulala dahil sa ulo ni Duke sa balikat ko. It was one of
the most peaceful nights I'd ever had, but it couldn't compare to my love for mornings. For
several minutes, I did not move. Ayokong maabala siya sa pagtulog lalo pa at ramdam ko ang
panatag niyang paghinga. I had the chance to gaze at him with adoration and love in my eyes.
And yes, Mitzie was right. When he was sound asleep, I kissed his forehead.

"Naalimpungatan lang ako tapos pagmulat ko, may pahalik?" natatawang asar ulit niya.

Inirapan ko siya. "Miss ko na iyong tahimik na ikaw. Nahahawa ka na kay Troy."

"Feeling ko kasi gusto ka rin ni Duke."

"Paasa ampota."

She laughed. "No, seriously! No'ng unang pasukan, imbes na ipakilala niya ang sarili niya sa akin,
ikinuwento ka niya. He's smitten."

"Nang-aasar lang yon!" namumulang tugon ko sa babae. Nakangiti siya nang nang-aasar sa akin
dahil sa pamumula ng pisngi ko.

"Kita mo iyong babae sa likod? iyong maputing brown ang buhok? Bobo sa math at science yon
pero magaling mag-bake," ginaya pa niya ang boses ni Duke.

"Shut up, Mitz!" saway ko. "Nanglait pa rin siya kaya wag mo akong paasahin!"
"Sol ang pangalan non, ibig sabihin "sun" kasi no'ng bata kami, laging amoy araw iyan," patuloy
niya. "It wasn't exactly the same words pero ganoon ang tinutukoy niya. May mga sinabi rin
siyang magandang bagay tungkol sa 'yo pero ayaw ko namang iparinig pa at baka matuwa ka."

Malakas kong pinalo ang balikat niya kaya itinaas niya ang dalawang kamay para sumuko. She
was laughing at my misery, and all I could do was glare at her. Ilang beses niya nang ikinuwento
sa akin iyon pero hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Lahat naman tayo ay amoy araw
no'ng bata! Si Duke lang yata ang biniyayaan ng natural na bango ni Lord.

Matapos ang pang-aalaska sa akin, muli siyang nag-aral na parang walang nangyari. Kahit hindi
siya nakatingin ay inirapan ko siya dahil hindi ako nakaganti sa pang-aasar. Wala naman kasi
siyang ichinichika tungkol kay Kuya Sean.

Umilaw ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Nakita kong tumatawag si Duke kaya hindi
ako nag-atubiling sagutin iyon.

"Oh, bakit, pangit? Miss mo agad ako?" bungad ko sa kanya.

He scoffed. "Kasama mo ba si Mitzie?"

"Yup." Tumango pa ako na akala mo ay kita niya ako. "Bakit?"

"Papuntahin mo sa library. Mag-aaral kami."

Kinulbit ko si Mitzie at napaangat naman ng tingin sa akin ang babae. "Mag-aral daw kayo sa
lib," ani ko sa kanya. Tumango siya at inayos ang gamit. Inilagay niya ang notebook sa bag at
mabilis na tumayo.
"Papunta na siya sa library."

"Sige, baho."

Kumunot ang noo ko. "Aba, Duke. Hindi kita pinalaking ganiyan."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Anyway, nasaan si Troy?" tanong ko.

"Bakit mo tinatanong?"

I scoffed. "Magpapasama akong bumili sa South."

"Ano na naman iyan?" narinig ko ang irita sa boses niya. "Hindi na naman ako kasama?"

"He! Mag-aral muna kayo ni Mitzie! Igagawa ko kayo ng brownies."

"Cheesecake na lang."

I pouted. "Mahal ang ingredients no'n at hindi pa ako magaling!"

"Basta hintayin mo na lang ako. Ako na ang sasama sa 'yo sa South."

"Bahala ka sa buhay mo, Duke. Bye."


Ibinaba ko ang tawag at napahinga na lang nang malalim. Sa totoo lang ay kanina pa ako
pwedeng umuwi dahil wala naman ang mga prof namin ngayong hapon. Ang kaso ay wala
naman akong gagawin sa bahay. Isa pa, walang nagpalaba kay Nanay ngayon kaya
paniguradong nasa simbahan yon. Wala akong kasama sa bahay kapag umuwi ako.

Ang ending, nakita ko ang sarili ko na naglalakad patungo sa library. Sigurado akong
pagagalitan lang ako ni Duke dahil magiging peste ako sa pag-aaral nila ni Mitzie.

Malaki ang campus namin. Ito ang pinakamalaking university sa buong Isabela. Sa sobrang
lawak ng lupain na iyon, may mga bumabyaheng jeep pa-ikot sa campus dahil magkakalayo ang
building, kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa lawak ng campus, kumalat pa rin ang
pangalan ko bilang "ate nudes".

Mahirap din makapasok dito dahil bukod sa dami ng requirements, dalawa rin ang entrance
exam. Hindi ko nga alam kung paanong nakapasa ako sa qualifying exam gayong alam ko sa
sarili kong hindi ako nag-aral.

Our vast library was the pride of our school. Maraming scholars at researchers ang dumadalaw
mismo sa school namin dahil maraming sources dito na hindi mabilisang mahahanap sa
internet.

Pumasok ako sa loob noon at inilibot ang paningin. Sumilip ako sa mga aisle pero wala sina
Duke at Mitzie. Wala sa buong first floor ang dalawa kaya umakyat ako sa second floor.

Pag-akyat ko pa lang, nakita ko agad si Duke na nakatitig kay Mitzie habang nagbabasa ang huli.
Titig na titig siya na animo'y mawawala ang babae anumang oras. Muli kong nabasa ang interes
sa mukha ni Duke.

Akala ko ba mag-aaral? Bakit parang si Mitzie naman ang inaaral niya?


Nag-angat ng tingin si Mitzie at awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki. It was like a
reflex, a conditioned response.

Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatitig sa kanilang dalawa at hindi naman nila
ako napapansin dahil malayo ang pwesto ko. They were seated at a four-chair table near the
large window, enjoying each other's company. Kung hindi biased ang titingin, you could say that
they looked good together. Pero, wala, biased ako kaya hindi sila bagay.

Naramdaman ko ang mapinong kurot sa puso ko nang makitang nagtama ang kamay nila dahil
sa binabasang libro. I knew Mitzie wouldn't betray me, but Duke could fall in love with her
without even thinking of me.

"Nililigawan ba ni Duke iyong transferee?" narinig kong bulong ng isang babae sa harap ko sa
kasama niya.

"Hindi ko lang alam. Lagi kasing kasama ni Duke si ate nudes." Hindi ata nila alam na nandito
lang ako sa likod nila.

Hello? Library 'to? Doon kayo magtsismisan sa garden!

"Legit bang si Solene ang nasa nude photos na yon? Parang hindi, e..." Umiling ito. "Parang ang
laki masyado ng boobs noong nasa picture."

"Ewan, wala naman akong pake sa kanya," natatawang sagot ng kasama niya. "Naaawa lang ako
kay Duke. Hindi makapanligaw at laging kabuntot iyon."

Napairap ako sa narinig. Hindi ko pinipigilan si Duke manligaw! Talagang wala lang siyang
magustuhan sa campus na 'to!

"Ako rin. Maganda naman si Solene pero mukha siyang mataray. Mas gusto ko ang ganda ni
Mitzie."

Muli akong napairap. I knew I was quite popular at school, but really?! Ginagawa ba nilang pag-
chismisan ang buhay namin on a daily basis?

I cleared my throat.

Sabay na napalingon sa akin ang magkaibigan. Para silang nabuhusan ng tubig nang makitang
naroon ako. Ang kulot na babaeng nagsabing "bumubuntot" ako kay Duke ay namutla.

"Ang dami niyong time, 'no?" I asked sarcastically.

I noticed how the curly girl's lips trembled. "A-ate Solene..."

I snorted. "Oh? Nagka-ate bigla? Hindi na Solene? Hindi na ate nudes?" Umiling-iling ako. "If you
have time to gossip, I'm sure you also have time to visit a hospital."

"Ate..." sabi ng isa. Basang-basa ko ang takot sa mukha niya ngunit masyado akong naiinis.
Naiinis na nga ako sa nakitang lambing sa mukha ni Duke kay Mitzie, dadagdagan niyo pa!

"Do you want me to beat you both to death? Ang papangit ng lumalabas sa bibig niyo, hindi niyo
naman kami personal na kilala."

Umiling ang dalawa at naiiyak na nag-sorry sa akin. Sa takot nila ay parang gusto nilang
hawakan ang kamay ko pero inirapan ko lang sila. They knew my reputation. Hindi ako natatalo
ng bullies dahil sanay talaga akong makipag-away.

Nilampasan ko silang dalawa at naglakad patungo sa direksyon nina Mitzie at Duke.


Paninindigan ko ang pagiging buntot sa lalaki dahil iyon naman ang pagkakakilanlan sa akin ng
mga tao.

"Oh, bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Duke nang maupo ako sa tabi ni Mitzie. "Manggugulo
ka lang, eh."

Inirapan ko siya. "Nandito ako para kay Mitzie, hindi para sa 'yo."

Tumawa ang katabi ko. "Hindi ako naniniwala."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tumingin ako kay Duke na nakatingin din sa akin.

"Kung sinabi mo sana kung nasaan si Troy, edi sana, wala ako rito sa harap niyo."

Ibinaba niya ang tingin sa librong binabasa. Ano 'yon? Bakit hindi niya magawang tumitig
ngayon kay Mitzie? Biglang libro ngayong nandito ako?! Okay lang, Duke! Titigan mo lang siya
para mapatunayang hindi kita itinatali sa akin!

"D'yan ka na lang. Hintayin mo kaming matapos," he uttered plainly.

Gano'n ang ginawa ko. Naglabas lang ako ng notebook at nag-practice ng pirma. Minsan ay
nagdo-drawing din ako ng kung ano-ano kahit hindi naman talaga ako marunong. Tuwing
nagtatano'ngan ang dalawa tungkol sa nirereview nila ay napapatingin ako pero dahil hindi
naman ako interesado sa sinasabi nila, bumababa rin agad ang tingin ko sa notebook.

I was having some troubling thoughts, but I was doing my best not to think about them.
Pakiramdam ko ay hinahangaan ni Duke si Mitzie dahil kahit ako naman ay bilib din sa babae...
even Troy.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit iba ang paraan ng pagtingin niya kay Mitzie. It was
something pure... and... deeper. Something that even I couldn't fathom.

"Gusto ko nang umuwi," inat ni Duke. Halos tatlong oras din kaming nasa library ngunit sila lang
ni Mitzie ang productive. Pero okay lang, perfect ko naman na ang pirma ko.

"Wala ba kayong pupuntahan?" tanong ni Mitzie kay Duke. Nag-aayos na sila ng gamit at
pinagpatong-patong na ang isasauling libro.

"Sa South pa raw. Ewan ko ba d'yan." He sighed. "Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang, Sol?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nahimigan ko ng inis ang tinig niya. Napalingon ako
sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi ko nagustuhan ang timbre ng boses niya. Bigla kong
naalala ang bulungan ng dalawang estudyante kanina na lagi akong buntot ng lalaki kaya hindi
niya magawa ang dapat gawin.

Duke, was I really that bothersome?

Sa nangyaring iyon ay nag-init ang ulo ko. I felt like I was a piece of luggage he had to drag
around. Ang tagal kong nag-hintay sa inyo dahil sinabi mong sasama ka pero ngayong tapos ka
na ay parang inis na inis ka sa akin?

Sandaling umalis si Mitzie para ilagay ang ilang libro sa bookshelves.

"Kung ayaw mong sumama ay huwag na, Duke," naiinis na saad ko sa lalaki.

Inirapan niya ako. "Sasama nga ako. Wala naman akong sinasabi, Sol."

"You sounded so bored and irritated! Hindi kita pipilitin!" medyo mataas na ang boses na sigaw
ko. Marami pang tao sa library kaya ang iba ay napatingin sa gawi namin.
Nanlaki ang mata ni Duke habang nakatingin sa akin. He breathed deeply before shaking his
head. "No, sorry, hindi ko sinasadya..." mahinang saad niya. "Halika na, magso-South tayo."

"Mabuti pang si Troy na lang ang isinama ko. Ang hirap mong kausap."

Dumaan ang inis sa mata niya. "Don't test my patience, Solene. Masakit ang ulo ko sa
pagbabasa," his voice was sending me a warning.

"Kaya nga sinabi ko sa 'yong huwag ka nang sumama, 'di ba?! Tapos ngayon ay parang naiinis
ka dahil nandito pa ako?" naiinis na pasaring ko sa kanya. Mabilis ang paghinga ko dahil sa
pagtatalo namin. "Sana ay pinaalis mo na lang ako at hindi pinag-hintay ng tatlong oras mahigit
kung pagkatapos mo naman ay ganiyan ang ugali mo!"

Malakas ang pagkakasabi ko noon. Kinuha niya ang bag niya at walang pasubaling hinigit ang
braso ko palabas ng library. Marami kaming nadaanan na mga estudyanteng napapatingin din
sa amin. But that was the last thing on my mind right now. Naiinis ako sa kanya!

Dinala niya ako sa likod ng library kung saan wala masyadong dumadaan na estudyante.

Galit ang mga matang ipinupukol niya sa akin habang mabilis ang paghinga. Sigurado akong
gano'n din ang itsura ko sa paningin niya.

"You're being sensitive, Solene," mahinang anas niya. "Sasamahan naman kita... medyo pagod
lang ako pero sasamahan kita."

"Hindi ako sensitive! Masyado ka lang insensitive." I laughed sarcastically. "Huwag na huwag
mong ipaparinig sa akin ang boses mo na parang abala ako sa iyo, Duke."
Tinatagan ko ang aking boses habang nakatingin sa kanya. Masyadong mababaw ang
pinagtatalunan namin para maiyak ako. Hindi ko alam kung mali ba ako pero... nasaktan ako sa
tono ng boses niya.

"That isn't the case, Sol!" nagtitimping aniya. "Alam mo, let's talk some other time. Ayokong
ganito na parehas tayong naiinis."

I shook my head in disbelief. "Sana hindi mo na lang ako pinag-hintay. Huwag kang mag-alala,
kaya ko namang mamili mag-isa. Nasayangan lang ako sa oras ko!" Dahil wala naman akong
ginawa kung hindi pigilan ang sarili ko na magselos.

He snapped. "Itinanong ko lang naman kung pwedeng sa ibang araw na lang ang pamimili at
pag-ba-bake mo dahil sigurado naman akong hindi iyan importante! Hindi naman agad-agaran
'yan, 'di ba?"

Para akong sinuntok sa sinabi niya. Literal na napatigil ako at napatulala dahil doon. Is he saying
that my passion isn't important? Matapos niya akong pag-hintayin ng tatlong oras habang
pinapanood ang paglalandi niya kay Mitzie, heto ang sasabihin niya sa akin? Siya ang nagpumilit
na sumama sa akin pero parang sa dulo ay nakaabala pa ako?

I was certain he was aware of my reaction. I was certain he could see the disappointment in my
eyes. Call me sensitive, but I was in intense pain at the time. I felt bad because this was such a
minor problem, but I was treating it as such. Pero ano ang magagawa ko? I was jealous and hurt
by his tone... his words.

I waited for three hours... for this?

"S-sol..." mahinang tawag niya. I brushed his hand away as he tried to reach for my hands.

"Solene..." muling tawag niya. He looked nervous and terrified. "I didn't mean it that way..."
"You do." I laughed sarcastically and with a touch of agony. "N-nice choice of words, Duke."

Tumalikod ako sa kanya at iniwan siya roon na mahinang tinatawag ang pangalan ko. I couldn't
believe I had started the day feeling so in love with him just to end it with feelings of
disappointment. The sky was starting to darken, which only added to my sense of doom.

I sighed. I really like mornings better.

Chapter 8

For some unknown reasons, two weeks had passed and we hadn't had the chance to talk. Mas
naging madalas ang pagsasama nila ni Mitzie dahil sa papalapit na laban. He never texted me,
just like in the old days. Miski sa messenger ay wala siyang chat.

Napakababaw ng pinag-awayan namin pero sa tagal ng hindi namin pag-uusap ay parang


malaki ang problema. Hindi kami nagpapansinan sa school. I tried talking to him after two days
of ignoring each other, but his voice is so dismissive and cold.

I didn't want this to go on any longer, so I went to the South Supermarket with Nanay to get
some ingredients. Igagawa ko si Duke ng cheesecake na matagal niya nang nire-request.
Sigurado naman akong kapag dinala ko ito sa kanya mamaya sa bahay nila ay magbabati rin
kami.

His words linger, but I guess he was just tired. Maybe he didn't really mean it.

Mahirap kasing tanggapin ang naging pagtatalo namin pero sa totoo lang ay mas masakit para
sa akin ang hindi siya maka-usap. Siguro ay wala lang sa kanya dahil hindi naman kami pareho
ng nararamdaman, ngunit sa akin ay iba ang epekto ng hindi naming pagpapansinan.

Kahapon ay buong araw kong pinag-aralan kung paano gumawa ng cheesecake. Ilang beses ko
naman na siyang pinag-bake no'n pero gusto kong mag-improve pa ako. Dahil kakukuha ko lang
din naman ng stipend ko, medyo may pera pa ako para rito. Mabuti na rin at hindi mataas ang
standards ng scholarship ko kay Gov. Basta ay walang sinco, qualified pa rin ako. Medyo
mataas kasi ang qualifying exam ko noon.

At syempre, birthday ni Nanay ngayon kaya kasama ko siya. We'll have the whole day together.
Uunahin lang namin ang groceries tapos ibababa namin sa bahay para makagora na. Alas otso
pa lang ay nasa supermarket na kami at namimili.

"Mas mabango ang surf na yellow, Nay."

Kumuha siya ng isang dosena non at inilagay sa cart. "Sabi kasi ni Ivy ay mas mabango ang pink
kaya medyo naguluhan ako." Mahina siyang tumawa. "Pero tama ka, mas mabango talaga ang
yellow."

Nginitian ko lang siya at itinulak na ang cart. "Ano pa ang gusto mo? Kunin mo na habang
mabait pa akong anak."

"Gusto ko sana ng matinong gobyerno, Solene. Afford mo ba?"

"Grabe, Nay. Same."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinutulak ang cart. Naglagay lang ng condiments si
Nanay at ibang delata. Nagsimula na rin akong maglagay ng mga kakailanganin ko para sa
cheesecake ni Duke. Maliit lang naman ang gagawin ko kaya mura lang ito.

"Wala ka pa bang boyfriend, anak? Magbebente ka na, wala ka pa rin ipinapakilala sa akin kahit
manliligaw."

Sinimangutan ko siya. "Ikaw nga fifty-five na pero wala ring boyfriend. Nagreklamo ba ako?"
Pabiro niyang kinurot ang bewang ko. "Kaya siguro hindi ka nililigawan ni Duke. Napakamaldita
mo!"

"Kung hindi niya ako kayang tanggapin nang ganito, pasensiyahan, Nay."

"Oh, bakit? Anong gagawin mo?"

I shrugged. "Edi magbabago."

Tawa lang siya nang tawa hanggang sa matapos kaming mamili. Hanggang sa nakauwi kami ay
patuloy pa rin ang pang-aasar niya sa akin na pinapatulan ko naman. Habang nakikita ko ang
tuwa sa mukha ni Nanay ay napapangiti rin ako. I was really grateful for having a mom like her.
Hindi kami mayaman at hindi kumpleto ang pamilya namin but we managed to enjoy and live.

Dahil magsisimba kami, pinalitan ko ang suot kong shorts at tshirt. Nagsuot ako ng itim na
bestida na umabot hanggang sa tuhod ko. Itinaas ko rin ang buhok ko para makita ang aliwalas
ng mukha ko. Tama talaga sila, mukha talaga akong masungit.

"Wow, nakapula! Feel na feel ang pagiging birthday girl," pang-aasar ko kay Nanay nang
magsalubong kami sa sala.

"Wow, nakaitim! Feel na feel ang pagiging tambay sa friendzone!"

"Nay! Napakabastos ng bibig mo!" nakasimangot kong saad sa kanya. Nagbiro lang naman ako
pero mamemersonal siya?!

We peacefully attended the mass. Hindi ko rin in-expect na meenjoy ko ang sermon ni Father
ngayon dahil kadalasan ay puro patungkol sa pagsuporta sa gobyerno at hindi pakikiisa sa
divorce ang topic niya kaya tinatamad akong umattend. We had different views regarding the
issue.
Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Duke. Jusko, hindi ko ata matitiis kung isang linggo ulit
kaming hindi magpapansinan. Pag-uwian, iisa kami ng tricycle na sinasakyan pero sa likod siya
umuupo. Sinubukan ko nga one time na hindi ako sumakay kahit hindi pa puno pero nakita kong
hindi rin siya sumakay.

Patigasan talaga kami ng mukha?! Well, Duke, malambot ako. Tutal ako lang din naman ang
nagmamahal ditto.

Me:

GOSURF50

Ibinaba ko ang aking cellphone at niyaya si Nanay na mag-ice cream sa labas ng simbahan.
Sumama naman siya sa akin dahil nakita niya kaninang ube ang flavor at paborito niya iyon.

"Sa Shakey's tayo mag-lunch," saad ko.

"Sigurado ka ba? Bumili ka na lang ng black shoes."

Umiling ako. "Mahigit isang libo iyong gusto ko para matibay na. Sa susunod na scholarship na
lang ako bibili."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya napangiti akong kinuha ito.

Duke Pangit:

The fuck?
Wow, ang yaman ng mura. Nagtipa agad ako ng sagot.

Me:

wrong send

Me:

pero miss kita

Nailing ako sa sariling kalokohan nang muli ko itong isilid sa bulsa ko. Alam kong hindi na
magrereply ang lalaki dahil hindi naman siya ma-text na tao.

Habang papunta kami ni Nanay sa Shakey's ay nahagip ng mata ko si Mitzie. Nakasuot lang siya
ng tshirt at pantalon pero ang ganda niya pa rin tingnan. Nasa labas siya ng isang department
store na parang may hinihintay.

"Nay, lalapitan ko lang si Mitzie."

Tumango si Nanay sa akin pero bago pa ako makahakbang nang tuluyan ay lumabas mula sa
department store si Duke. May hawak siyang paperbag at nahihiyang lumapit kay Mitzie. Nag-
usap sila saglit at nakita ko kung paanong napangiti nang malaki ang babae at nagpakita ng
approve sign kay Duke.

Ano ang ginagawa nila?

"Sol, ano?" tawag sa akin ni Nanay.


Mabilis akong lumapit sa kanya. Dumiretso kami papuntang Shakey's, nagkwentuhan, kumain at
nagtawanan pero nanatiling mabigat ang damdamin ko. Maraming pumapasok na isipin sa utak
ko na gusto kong iwasan.

Were they seeing each other? Kung oo, kailan pa? Kung hindi, then why...? Today is Sunday.
They didn't have any reason to be together.

Hanggang sa makauwi kami ay palaisipan iyon sa akin. Ayokong isipin na may relasyon sila
dahil alam ni Mitzie ang nararamdaman ko para sa lalaki. Hindi rin naman para magtago ng
sikreto sa akin si Duke. But still, it bothered me. It bothered me to the point na ang gagawin
kong cheesecake ay hindi ko na nagawa.

Tatlong araw na lang ay tutulak na pa-La Union silang dalawa. They will be able to spend more
time together. And La Union was a wonderful place to celebrate youth... and love.

Tama nga akong walang reply si Duke sa text ko. Malamang, busy siya sa kung ano. Mabuti pa
ay si Mitzie na lang ang itext ko.

Me:

mitz, saan u ngayon

Lumipas ang tatlumpong minuto na hindi nagrereply ang babae. Marahil ay magkasama pa rin
sila ni Duke at ang palaisipang iyon ay sinasaktan ako. Kapag nagSinungaling siya sa akin,
sigurado akong may relasyon ang dalawa. I wasn't sure if I was doing it right, but I couldn't stop
myself from thinking about it.

I knew I should not doubt them. Kung may gano'n nga silang relasyon, alam kong wala akong
karapatan na mangealam. I didn't have the authority to mess with their relationship. After all, I
was just a friend. And we were all aware that friends should support one another.
Habang tumatagal ang oras na hindi pagrereply ni Mitzie ay lumulubog ang puso ko. It felt as if
hope was being ripped away from me.

Umiling ako at bumangon. Alas sinco na ng hapon at nagpaalam sa akin kanina si Nanay na
pupunta siya kina Ate Ivy para makipagkwentuhan kaya wala akong kasama sa bahay.

Napakamot na lang ako sa aking ulo nang makita ang sarili na ginagawa ang cheesecake. Kahit
may tampuhan, saulo ko na ang ugali ni Duke. Hindi kami aabot ng ganitong katagal bilang
magkaibigan kung hinahayaan naming masira kami dahil lang sa isang pagtatalo.

Maayos ko naman itong nagawa. Baking temporarily distracted me from my emotional distress.
Nag-enjoy lang ako habang nagtatakal ng harina sa mga measuring cup at maging sa pagtikim
ng mixtures. It was all good and perfect. Sigurado na akong matutuwa ang lalaki rito. He could
resist me, but he couldn't resist a cheesecake.

Nang matapos kong gawin ito, inilagay ko iyon sa binili kong kahon. Maliit lang ito at alam kong
mabibitin si Duke pero yun ang gusto kong mangyari.

Nag-ayos ako ng sarili saglit bago lumabas bitbit ang box. Suot ko pa rin ang itim na dress pero
nakalugay na ang buhok ko. Dahil sa pagkakaipit, medyo nakulot ang dulo nito.

My phone beeped. Nagulat ako pero kinuha ko ito para tingnan.

Mitz:

Nasa bahay ako nina Duke.

Napakunot ang noo ko bago nagtipa ng reply.


Me:

ginagawa mo jan?????

Mabilis din ang naging pagsagot niya.

Mitz:

Nag-aaral kami. Nandito rin si Troy.

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Ano ang ginagawa nila nang hindi ako kasama? Hindi
na ako nagreply. Muli akong pumasok sa bahay at inilagay na lang sa ref ang cheesecake.
Pagkatapos no'n, naglakad na ako papunta sa katapat na bahay.

Pinindot ko ang door bell at wala pang ilang minuto ay bumungad sa akin si Kuya Sean. He
seemed to be clean and fresh, but my thoughts were elsewhere.

"Pasok ka, Sol. Ako na ang nagbukas at nasa loob ang dalawa niyong kaklase."

"Bakit daw, Kuya?" tanong ko habang papasok kaming dalawa.

"Nagrereview sina Duke at Mitz. Si Troy, makiki-group study raw." Tumawa siya. "Aaral daw pero
may dalang gin si Troy."

Nang nasa sala na kami ay agad ko silang nakita. Nagpaalam sa akin si Kuya Sean bago
umakyat sa kwarto niya.
Tiningnan ko ang ayos nila. Prenteng nakaupo si Duke sa sofa habang si Mitzie naman ay nasa
sahig at nagsusulat sa notebook na nakapatong sa center table. Gano'n pa rin ang suot nilang
dalawa.

Saktong lumabas si Troy mula sa kusina na may dalang pitsel at tatlong baso. Napatingin ito sa
akin at bahagyang natigilan.

"Sol?" gulat na tanong niya. "Ano ang ginagawa mo rito?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Mula sa peripheral vision ko, naramdaman ko ang pagbaling nina
Duke at Mitzie sa pwesto ko.

"Ano ang ginagawa niyo nang hindi ako kasama, ha?"

Napakamot siya sa batok at medyo lumikot ang mata. "Gusto ko rin sanang mag-aral."
Naglakad siya patungo sa direksyon ng dalawa kaya lumapit din ako roon. Hindi ako pinapansin
ni Duke pero nakita kong nakatingin sa akin si Mitzie.

"Mag-aaral ka, Troy? Bakit may alak d'yan?"

Duke groaned in frustration. "Sa labas na lang kayo magkwentuhan. I can't focus!" naiinis na
saad niya.

I looked at him in disbelief. What a fucking ass!

Were they having a party without me? Seriously? Dapat na ba akong magalit?
"What's wrong with you all?" Tumingin ako kay Mitzie. "Mitz, what's happening?"

Umiling ito. "I'm seriously here to study. Nothing more, nothing less."

"Bebe Sol, 'wag ka nang magtampo d'yan. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Akala ko ba ay
birthday ni Tita Yella?"

"Kaya ba hindi niyo ako sinabihan?"

Humarap si Duke sa akin matapos ibaba ang librong hawak niya. His penetrating eyes were now
fixed on me, darkly. Was he still mad? Hindi ba dapat ako ang magalit?

"We're not here to throw a party, Solene. We're here to review," he uttered in pure annoyance.

Para akong tinubuan ng hiya. Duke changed. Hindi ito ang kilala at minahal kong lalaki. He
wouldn't hurt me intentionally.

Ang kanyang tinig ay parang nagpapaliwanag sa isang musmos. But I couldn't understand why!
Bakit sila magkasama kanina ni Mitzie sa department store at bakit hindi nila ako sinabihan na
kumpleto sila ngayong araw dito?

"At hindi kayo makakapag-focus kapag nandito ako?" I laughed sarcastically. "Duke, I had no
idea you had this side of you. I'm so disappointed."

I felt unwanted and unwelcome. It was as if they were all hurling me out the door. I was a hell of
a fighter, but I wasn't immune to pain. Mababaw ba 'to? Masyado lang ba akong nag-iisip?

Nagkatinginan sina Troy at Mitzie sa sinabi ko.


Duke sighed. "Sol... it's not what you think." Umiling siya. "Biglaan lang ang lahat ng ito. Troy just
arrived here when he found out we're studying."

Mitzie groaned in frustration kaya napabaling ako sa pwesto niya. Masama ang tingin nito kay
Duke kahit hindi nakatingin sa kanya ang lalaki.

"Fix your issues now, Duke. Para kang tanga." She snorted. "Why can't you just tell her that you
purposely didn't invite her because you can't focus when she's around?"

Tumalon ang puso ko sa narinig sa kanya. As I looked into Duke's eyes, my breathing became
strained. For whatever reason, he seemed befuddled and shattered. Hindi nawala ang sakit ng
sinabi niya ngunit sa sinabi ni Mitzie ay parang may sumibol na maliit na pag-asa sa puso ko.

"Just tell her you miss her and you're jealous of Troy!"

Chapter 9

"Shut up, Mitz! You're sending her mixed signals," tanging nasabi ni Duke. "Don't worry, Sol. I
don't like you in that manner," dagdag niya.

Muli akong napahinga nang malalim. I had no idea what was going on with them, and I was at a
loss for words. And, yes, Duke, I understand. Thank you for deflating my hope bubbles. Since I
didn't seem to be very welcome here, mabuti pang umuwi na lang ako.

I sighed. "Uuwi na lang ako. Salamat." Akmang lalabas na ako nang tawagin ako ni Duke.
Tumayo siya at lumapit sa pwesto ko.

"Can we talk?" he uttered. Wala na ang matapang niyang itsura ngayon.


Tumango ako kahit na sobrang kinakabahan ako. This would be the first time we'd talk after two
weeks! Call me whatever you want, but I really missed him. We are so used to being together
that the thought of not being with him frustrated me to no end.

He rented so much space in my heart. That's when I knew the only people who could affect me
were those that mattered to me. Duke was sadly one of them, and I can assure you that he
wasn't a good tenant.

Lumabas kami at nagtungo sa garden nila. I was anxious because it was dark outside. Nothing
good happens at night... at least on my nights.

"Hindi ko na patatagalin ito, Sol." Huminga siya nang malalim. "I am sorry. Alam kong nasaktan
kita, kahit ngayong hindi kita sinabihan na nandito sila. I wouldn't take my words back because
they were said... I really am sorry. I-I didn't mean it that way."

You did, gusto ko sanang sabihin. Patuloy ang karera sa puso ko habang parehas kaming
nakatingin sa kawalan. Kahit dinig ko ang sinseridad sa boses niya at ang pagsisisi sa mga
mata, wala akong maramdaman dahil pakiramdam ko ay nagbago siya.

"Okay lang, pagod ka, eh," I managed to say.

Pero pagod din naman ako, Duke. Sa pagtulong kay Nanay, sa pag-aaral ng kurso na alam kong
hindi ko kaya, sa pagtingin sa 'yo at kay Mitzie, sa pagiging mahirap... sa lahat. I wasn't going to
make a fuss because you weren't to blame. Hindi mo kasalanan na pag-uwi ko sa bahay ay
kailangan ko pang maglaba kasama si Nanay para may ipambayad kami sa bills. Hindi mo rin
kasalanan kung hindi ako matalino gaya mo. At higit sa lahat, hindi mo kasalanan kung iba ang
gusto mo.

"Nagpasama ako kay Mitzie kanina."

Napatingin ako sa kanya. "Huh?" He was still staring blankly at the garden. He didn't even move
a finger.

"I..." He gulped. "I bought you a pair of shoes." Nahihiyang saad niya bago napayuko.

"Ano?!" Nawala ang mga naiisip ko sa bigla niyang sinabi.

Nagtama ang mata namin dahil nag-angat siya ng tingin. "At isa pa, hindi ako nagseselos kay
Troy. Hindi lang kita sinabihan dahil nahihiya ako sa mga nasabi ko sa 'yo." Mahabang litanya
niya.

I nodded. "Okay na 'yon, Duke. Para ka namang iba sa akin." I heaved a deep sigh. Nice lies,
Solene. " You don't have to buy me shoes at all. Ayos naman nang usap lang."

He shook his head. "Hindi dapat gano'n, Sol. We're adults. I should be more cautious with my
words. At isa pa, I saw struggling you with your old shoes! Nakakatanggap ka ng scholarship
pero inuuna mong bilhan ang iba."

"Sumabay kasi iyong birthday ni Nanay. Balak ko rin namang bumili sa susunod na stipend."

Muli itong umiling. "Just accept it, okay? Nagkamali ako sa 'yo."

I didn't say anything. I couldn't think of anything else to say. Okay na, napatawad niya na ako at
napatawad ko na rin siya.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ako masaya. Was I expecting more from him? Hindi
ko alam. My mind was hair wired. Gusto kong itanong kung gusto niya si Mitzie dahil iyon
naman talaga ang bumabagabag sa akin. But I couldn't bring myself to say it. I was afraid to find
out what he had to say.
"Sol." He sighed again. Gaya ko, para ring may bumabagabag sa kanya.

"Oh?" I casually answered.

Umiling siya. "Wala." He let out a low chuckle. Hindi ko alam kung totoo. "Pasabi kay Tita, happy
birthday. Bukas ko dadalhin ang sapatos sa bahay niyo. Sabay na ulit tayo, ha?"

Tumango ako at tipid na nginitian siya. Isasabay ko na ang pagbibigay ng cheesecake bukas... o
baka hindi na. Baka hindi pala masarap. Tinipid ko kasi ang ingredients. Gusto ko kasing kay
Nanay mapunta ang pera ko.

Umuwi akong gulong-gulo. Inasar pa ako ni Troy bago ako tuluyang umalis sa bahay nina Duke
but I wasn't my usual self. Ito ang unang beses na nakitaan ko ng interes si Duke sa isang babae.
Parang sinasakal ang puso ko tuwing nakikita ko ang pagkinang ng mata niya tuwing tinitingnan
si Mitzie.

Gano'n nga ang nangyari kinabukasan. Dinala niya ang sapatos sa bahay nang napakaaga kahit
na mamayang tanghali pa ang klase namin. It was a high-end pair of shoes, and I was certain I
hadn't properly expressed my gratitude to him. Lutang pa rin ako sa nangyari kahapon kahit na
wala naman dapat isipin. Ipinakain ko na lang kay Nanay ang cake at sinabing pa-birthday ko
iyon sa kanya.

I knew she was joking when she said it was the best cake in the world. Nanay ko iyan e.

Sabay kaming pumasok ni Duke. Aliw na aliw siya dahil kasya sa akin ang sapatos na binili niya.
Everything was okay, I guess. Bumalik na kami sa dati naming tratuhan. There was nothing
more I could wish for. But I couldn't deny the sense of loneliness I was feeling.

"Ang tahimik mo, ah?" ani Troy. Second period na namin at nilalabanan ko ang sarili na isipin
sina Mitzie at Duke dahil structural theory ang pinag-aaralan namin ngayon. I needed to focus.
"Nagfo-focus kasi ako, Troy. Try mo minsan para may maisagot ka," I said before chuckling.

Tumawa rin siya. "Kung kay Duke galing iyan, maniniwala ako."

"Mas mataas ako sa 'yo sa quiz last week, huwag mong kalilimutan yon."

"1 point lang ang lamang mo. Mas mataas pa rin ang score ko sa midterm exam!"

Patuloy kaming nag-asaran hanggang sa mag-angat ng tingin sa amin si Ma'am. Kanina kasi ay
nagsscan siya sa laptop niya ng kung ano kaya medyo maingay ang klase namin. Seryoso
ngayon ang kanyang mukha habang iniisa-isa ang tingin sa amin.

She sighed. "Pasado lahat ang midterm grade niyo. Walang incomplete, walang bagsak."

I shrieked in delight. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko naman nang mangyayari ito dahil
ichineck ko na sa utak ko ang grades ko. Isa pa, bulung-bulungan na rin iyon sa section namin.
Miski si Troy ay rinig ko ang pag-"yes".

Napagawi ang tingin ko sa bandang unahan at nakita si Duke na seryosong nakatingin kay
Ma'am. Parang sa room namin ay siya lang ang hindi masaya.

"But..." si Ma'am. "Magkakaroon tayo ng battery exam next year. This will... filter who's qualified
to take the next level."

There was complete silence after that. Parang lahat kami ay dini-digest ang sinabi ni Ma'am.

"Ma'am, ano pong mangyayari kapag hindi nakapasa?" tanong ni Owa. Um-oo agad ang mga
kaklase ko.
"You have to transfer to another program."

Para akong pinagbagsakan ng langit. Fourth year na kami sa susunod na pasukan tapos ngayon
pa nila naisip na mag-battery exam? Ibig sabihin, kapag hindi ako nakapasa, babalik ako sa
pagiging freshman?

Oh, God, engineering would kill me!

"Tutulungan namin kayong mag-review, 'wag ka nang mag-alala masyado, Sol," pag-aalo sa akin
ni Mitzie habang naglulunch kami.

"Pakiramdam ko namutla ako kanina," ani Troy bago balingan si Duke. "Pre, hipuin mo nga kung
may lagnat ako."

Sinapak lang siya ni Duke. "Matagal pa naman. May panahon pa para mag-aral."

I pouted. "Aaralin ko ulit lahat? Mula calculus I hanggang differential? Parang ayoko nang mag-
aral."

"Tutulungan kita, Sol," seryosong saad ni Duke sa akin.

"Ay may favoritism? Paano naman ako?!" madramang pahayag ni Troy. Pa-epal talaga kahit
kailan.

"Ako ang magtuturo sa 'yo," sagot ko sa kanya kaya agad siyang napasimangot.

"Sure na bagsak pa nga."


Our days went on normally. Nothing really happened aside from me—being extra observant of
Duke and Mitzie. So far, wala namang ginagawang bago ang dalawa. They looked... normal.

Gano'n din sa bahay. Kapag uuwi ako ay maglalaba kami ni Nanay. These days, napapansin ko
ang malalaking ugat sa kamay niya. Alam kong dahil iyon sa pagtatrabaho dahil bukod sa
pagiging labandera, pinasok niya na rin ang pamimigay ng flyers ng mga restaurant kapag wala
siyang labahin.

Bakit kaya gano'n? Masipag naman si Nanay pero bakit hirap na hirap pa rin kami? Maliit lang
ang tuition fee ko dahil ang kalahati ay shoulder ng scholarship ko. 100 lang din ang baon ko sa
isang araw at minsan ay malaki ang natitira sa akin. It made me wonder. May iba pa bang
binabayaran si Nanay bukod sa bills ng bahay namin?

Ngayong araw ang alis nina Duke at Mitzie patulak sa La Union. Naging malaking balita iyon sa
buong school dahil ire-represent nila ang university namin sa isang national convention. Ang
gaganda ng reviews kay Mitzie dahil kahit transferee ay napatunayan agad nito ang sarili at
proud ako sa kanya.

People wanted them to be together. Sinasabing bagay sila at may mga rumor pa na nililigawan
ni Duke si Mitzie na hindi naman nila itinatanggi, o baka hindi lang nila alam. Miski sa twitter ay
matunog ang pangalan ng dalawa lalo sa schoolmates namin na sa palagay ko ay ako lang ang
nagbabasa.

Zen @_zhnymolave

I ship these two intellectuals! Ms. Tanaka and Mr. Sanders are very compatible.

Napanguso ako. I was sure Zen didn't know the law of charges. Opposite charges attract and
same charges repel! Nagpatuloy ako sa pags-scroll sa twitter habang hinihintay ang oras ng pag
-alis ng dalawa.
Eunice @mukhangadik

finally, a worthy couple to stan!

💜 @armylangpwedevioletheart
skl na nakita ko silang dalawa na magkasama no'ng linggo sa plaza hmmm nagdate sila for
sure

People should get their facts right. Magkasama sila dahil ibinili nila ako ng sapatos! Maraming
reply ang tweet na yon pero hindi ko na inisa-isa dahil naiinis lang ako sa mga theory nila.
Pasalamat ko na lang siguro na hindi nadadawit ang pangalan ko sa ingay ng dalawa.

"Sol, tara na! Aalis na sila!" sigaw sa akin ni Troy mula sa pintuan ng classroom namin.

Mabilis akong kumilos at nagtungo agad sa labas para puntahan ang dalawa. Sasakyan nila ang
van ng school namin at sa dami ng tao ay nagmistulang celebrity ang dalawa. Hindi ko alam
kung paano ang gagawing pag-singit sa dagat ng mga tao dahil kanya-kanya sila ng pagkuha ng
pictures.

"Wow, instant famous ang mga bebe natin," saad ni Troy habang hinahawi namin ang mga
estudyante.

Natanaw ko ang dalawa na kausap ang campus director na malaki ang ngiti.

Siniko ko si Troy. "Mama mo, oh."


He scoffed. "Alam ko, Sol. Nakikita ko lagi sa bahay."

Nakacasual attire lang silang dalawa Duke was dressed in maong pants and a basic statement
shirt. Ang buhok niya ay walang wax dahil nakikita ko kung paano ito sumayaw sa hangin. He
was wearing his glasses, which made him even more attractive. Sa bawat pagkibot ng labi niya
ay bahagyang nagpapakita ang malalim niyang dimples.

"Ang gwapo ni Duke!" sigaw ng isang estudyante.

Girl, I know.

"Bagay sila ni Mitzie!"

Hindi nagagawi sa pwesto namin ang tingin ng dalawa. Kahit sasabak sa gyera, wala akong
mabasa na kaba o tensyon sa mukha nila. They looked calm and prim.

Dumating ang van ng school kaya kumilos ang dalawa patungo roon. Kasama nila ang dalawa
naming professor sa major kaya isang linggo kaming walang klase roon. Nag-iwan nga lang ng
napakadaming gawain.

I was about to call Duke when I saw him holding Mitzie's hand. Sa paraan ng paghawak niya ay
parang inaalalayan niya ang babae pero alam ko namang hindi na niya kailangang gawin iyon
dahil patag ang daan at madali namang sumakay sa van.

I heard yells and squeals of the students. Hindi na napansin ng dalawa iyon dahil para silang
may sariling mundo... at kahit ako ay hindi kayang makapasok doon.

"Para-paraan din talaga si Duke..." narinig kong bulong ni Troy.


"What do you mean?" hindi ko napigilang tanong.

He chuckled before shaking his head. "This trip will surely change something between them."

I gulped as the pain started strangling my heart.

"Mitz is Duke's ideal girl. Sigurado akong gagawa na ng paraan ang pare ko."

Napahinga ako nang malalim at mapait nanapangiti. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako
nakaramdam ng labis na inggit. Atkahit ilang ulit kong itanggi, alam ko sa sarili kong inggit na
inggit ako kayMitzie.

Chapter 10

Ibinaon ko sa limot ang narinig kay Troy kahit ramdam na ramdam ko ang panunuot ng sakit sa
nadudurog kong puso.

Duke Pangit:

Nakarating na kami.

Napangiti ako sa pag-uupdate niya ngunit hindi iyon sapat para mawala ang agam-agam sa akin.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung magkaroon sila ng relasyon? Paano ako
babangon? Paano ako magsisimula ulit? Mahihirapan akong lumayo. Siguro'y kahit isang
hakbang ay hindi ako makakagalaw. It feared me to death. Ayokong mangyari iyon dahil alam
kong masasaktan ako.

"Nay, nandito na ako." Malumanay na saad ko pagpasok sa bahay.


"Nasa likod ako, Sol!"

Napabuntong-hininga ako. It was a typical response from her. Naglalaba na naman siya gayong
alas sais na nang gabi. It was like a never-ending cycle.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis nang pambahay para tulungan si Nanay maglaba. I was
emotionally exhausted, but I couldn't sleep because I knew my mother was still working.

"May problema ka ba, Solene?" tanong niya habang nagkukusot kami ng mga damit.

"Pagod lang sa school, Nay."

"Naku, mabuti pa ay magpahinga ka na. Kaya ko naman nang tapusin 'to." Matapos sabihin iyon
ay inagaw niya sa akin ang medyas na nilalabhan ko.

I chuckled. "Para ka kamong birhen, Yella."

Initsahan ako ng sabon ni Nanay kaya malakas ang naging pagtawa ko lalo pa nang makita ang
nakanguso niyang mukha. Ang ganda ganda talaga ng nanay ko, aba! Ang sarap asarin.

"Nag-chat ang Tatay mo sa akin," biglaang saad niya. Tumayo siya sandali para kumuha ng
clorox.

"Ano raw ang kailangan?" naiinis na tanong ko. He didn't have the right to contact us. Matapos
ang ginawa niya sa pamiliyang ito, nawalan na siya ng anak at asawa.

"Tinatanong ka." She let out a chuckle. "Wala, hayaan mo na 'yon. May kanya-kanya na tayong
buhay."
Pinaliitan ko siya ng mata. "Huwag kong mababalitaang nakikipagbalikan ka d'yan ha?"

"Hindi ako kagaya mo, Solene. Pag sinabi kong tapos na, ayaw ko na talaga. Isa pa..." She
sighed. "Hindi ko kayang tanggapin ang ginawa niya sa 'yo."

Bumuntong hininga rin ako. My father was a drug addict. Gabi gabi ay binubugbog niya ako
kapag uuwi siya galing sa trabaho at sa mga kabarkada niyang adik din. Wala si Nanay noon
kapag gabi dahil nagtatrabaho siya sa pabrika.

It was torture. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa mga sugat na natamo ko. Ang hirap
humiga dahil sa sakit ng katawan ko. Kahit ang paliligo ay mahapdi sa balat.

I developed a trauma. Kaunting hawak lang sa akin ng tao ay napapaigtad ako. Kaunting galaw
lang ay para akong nawawala sa sarili. I experienced not only verbal but also physical abuse.

"Okay na ako, Nay. Kita mo nga at kaya na kitang buhayin," bawi ko na lang dahil nakita ko ang
pagbabago ng itsura niya.

It still haunts her. Sa loob ng limang taon ay nagbulag-bulagan siya sa pananakit sa akin ni
Tatay. Malaking lalaki ang ama ko kaya grabe ang takot ko sa kanya noon. Tutunog pa lang ang
pinto namin pagsapit ng alas syete ay tatakbo na ako papunta sa kwarto at magkukulong.

The moon was never the perfect company for me. Saksi ito sa dinanas ko noon. My father
instilled in me a disdain for the night. Dahil sa kanya, kahit gaano kaganda ang nangyayari sa
gabi, hindi ko na magustuhan ang buwan.

Although, in retrospect, it made me stronger. Words, people, and violence were all enough to
break me, but they weren't enough to end me.
Isa pa, matagal nang panahon ang nakalipas kaya hindi ko na iyon masyadong naiisip.
Nagkaroon naman ako ng ilang kaibigan at kasama kaya umayos ang lagay ko.

"Kayang buhayin pero walang pambili ng black shoes," aniya.

"May Duke naman ako. Okay na 'yon." I meant it. Alam ko sa sarili ko kung gaano ako ka-
dependent sa lalaki. I have so much faith in him. At kung sa dulo ay sakit lang ang maidudulot
niya sa akin, masasabi kong kasalanan ko iyon.

Kinabukasan ay hindi ko nakasama si Troy dahil kasama niya sina Calvin at Calix. They went
somewhere pero dahil hindi ako close sa dalawa, hindi na lang ako sumama kahit niyayaya ako
ni Troy. Buong araw tuloy ay mag-isa ako dahil wala naman akong ibang kaibigan sa room
bukod sa tatlo.

Napanguso ako nang makitang nagtext si Mitzie sa akin.

Mitz:

Patahimikin mo si Duke, miss na miss ka yata at ikaw ang bukambibig.

Napakapaasa! Hindi ko na tuloy alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila ni Troy. Kahit
kasi para sa akin, gusto ni Duke si Mitzie pero para naman sa babae, ako ang gusto ni Duke.

Me:

weh ikaw bet nan e

Mitz:

Kuya niya ang gusto ko.


Napangiti ako sa text niyang iyon. Since I had never seen her and Kuya Sean together, I had no
idea what was going on between them. Ilang beses pa kaming nagpalitan ng text hanggang sa
dumating na si Troy na malaki ang ngiti.

Kinunotan ko siya ng noo nang maupo siya. "Saya mo, ah?"

He smiled wider. "Hindi mo mararanasan sumaya nang ganito dahil wala kang crush, Sol."

"May crush ka?" takang tanong ko. Wala naman akong nababalitaan na nililigawan niya o ano.
"Sino?"

He nodded. "Sa BS Psychology." Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang naiiling. Halatang-
halata sa mukha niya ang kilig. "Grabeng ganda."

"Sana hindi ka magustuhan," pang-aasar ko.

"Pangit ng ugali mo, ah? Huwag ka sanang pumasa sa battery exam."

Hinampas ko nang malakas ang balikat niya. "Gago! Pasmado bibig mo!"

Tumawa siya sa akin. "Nakita mo IG story ni Duke?"

Tumango ako.

"Ang ganda sa La Union talaga. Ang sarap makipag-date do'n," dagdag niya. "Sana kasi matalino
tayo para ilaban din tayo sa gano'n."
That was true. La Union was one of my dream destinations because the sunrise and sunset
there were magnificently beautiful. Ang mga beach ay malinis ang tubig at kapag naroon ka ay
parang malilimutan mo sandali ang problema.

Inirapan ko siya. "Matalino ako. Idadamay mo pa ako."

"Pag-uwi nila, magsimula na tayong mag-review. Hindi ko alam kung may uuwian pa ako kapag
bumagsak ako."

Sasagot pa sana ako sa kanya nang may tumawag sa pangalan ko mula sa pinto ng room
namin.

"May naghahanap sa 'yo!" sigaw ni Krizia, kaklase ko.

Napakunot ang noo ko. "Sino naman kaya 'yon?" ani ko sa sarili bago tumayo at lumabas ng
room.

Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakasandal sa pader sa hallway si Harvin.
Maraming mata ang nakatingin sa kanya pero wala siyang pakealam. Kahit hindi masyadong
marami ang babae sa department namin, maraming nakikisilip na mga taga ibang building.

Napabaling ang tingin niya sa akin at agad na ngumiti. Naglakad siya patungo sa direksyon ko
na akala mo'y pag-aari niya ang nilalakaran. I really hate his guts.

"Hi, Sol," he greeted. "Long time no see."

Napairap ako. "Let's keep it that way."

Mahina siyang napatawa bago umiling. Sa mukha niya ay parang aliw na aliw siya sa akin
samantalang ako ay hindi masaya sa ginagawa niya. We were not close!

"Wala pala si Mitz, 'no?"

"Obviously." I sighed. "Ano bang kailangan mo?"

I wanted to swear so badly when I saw some of the students taking pictures of us. Anong
problema nila?! We weren't celebrities! Baka ilagay nila sa school blog ang picture at gumawa
ng kung anong chismis!

"Hindi pa ako pormal na nagpapakilala sa 'yo," he uttered before smirking That smirk on his face
was something I wanted to get rid of! Ang yabang!

"Hindi rin naman ako interesado."

"Well, I do." Lalo siyang ngumisi. "I'm Harvin Rouge Foster, 4th year Tourism student."

"Look..." I sighed. "Kung ano mang balak mo, itigil mo na dahil ayoko talagang makipagkilala."

"You've piqued my curiosity, Sol." Nagpakawala siya ng mahinang tawa. "I think we'll see each
other more often."

Namataan ko ang professor namin na papunta na sa direksyon ng room namin kaya humarap
ako sa lalaki. May klase na kami at wala rin naman akong pakealam sa sinasabi niya.

"Whatever, Harvin. May klase na kami. Mauna na 'ko."


Matapos sabihin iyon ay tumalikod na ako sa kanya. I was certain he wasn't a student at our
university. Hindi siya nakasuot ng uniform at hindi ko rin siya nakikita sa school sa halos tatlong
taon ko rito.

"Sino raw?" tanong ni Troy sa akin pagkaupo ko sa tabi niya.

"Kabanda ni Mitz."

"Wow, anong kailangan sa 'yo?"

I shrugged. "Ewan, nangungulit lang."

Pabiro niyang pinitik ang kamay ko kaya pinanlisikan ko siya ng tingin. Nasa unahan na ang prof
namin pero dahil nasa likod naman kami ay hindi kami kita.

"Magpaligaw ka na," natatawang saad niya. "Kapag naging mag-on sina Duke at Mitzie,
magiging third wheel ka."

Napairap ako sa narinig. Sa tuwing mawawala sa isip ko ang dalawa, lagi na lang pinaaalala ni
Troy na gusto ni Duke ang babae. Imbes tuloy na mag-focus ako sa pag-aaral, napapaisip ako!

"Edi third wheel tayo," tanging naisagot ko sa kanya.

He chuckled. "May liligawan ako, Solene."

Muli akong napairap at hindi na siya pinansin. Nagfocus na lang ako kay Ma'am kahit lumilipad
pa-La Union ang utak ko. I was curious as to what they were doing right now. Were they having a
nice time? O lumalaban na ba sila ngayon?
Our class ended briefly. Nagbigay na ulit ng mga worksheet ang prof namin sa major kaya
aligaga ako. Wala si Duke at wala akong kokopyahan. Ayoko namang picturan at i-send dahil
alam kong busy sila roon. Tuloy, parehas kaming problemado ni Troy.

Pauwi na ako at nag-hintay na ng tricycle nang mamataan ko si Harvin sa waiting shed na


parang may inaabangan. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya hindi niya napapansin ang
presensya ko, at ipinagpasalamat ko iyon.

Some students were looking at him, but he didn't seem to notice.

"Sol? Uuwi ka na?!" sigaw ni Kuya Emon, isang sa mga tricycle drivers na lagi naming sinasakyan
ni Duke pag-uuwi.

Halos mapapikit ako dahil kitang-kita ko kung paano mag-angat ng tingin si Harvin at mapangiti
nang malaki nang makita ako. Ni hindi ko nabalingan si Kuya Emon dahil sa paglakad ng lalaki
patungo sa direksyon ko. Malalaki ang hakbang niya habang tinatakpan ang mukha dahil sa init.

"Sol!" he said when he reached my spot. "Buti at nakita kita."

Napairap ako bago tumingin kay Kuya Emon. Magalang akong umiling sa kanya at ngumiti nang
maliit. Nang makaalis ang tricycle niya, muli kong hinarap si Harvin na ngayon ay nakangiti pa
rin sa akin.

"Ano ang kailangan mo?" mataray kong tanong.

"Nagba-bake ka pala?" kuryosong tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ko. "My mother owns a
bake shop, and we're searching for part-time bakers. Umalis kasi ang dalawang assistant ng
pastry chef namin kaya walang nakakatulong ngayon."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. I didn't expect this.

I gulped. "Hindi ako magaling, Harvin. Ni wala akong experience d'yan." I looked away. "Isa pa,
busy ako sa pag-aaral. Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin iyan."

"I asked your club's president, Sol. Sinabi niyang magaling ka at kaunting practice lang ay pwede
ka nang gumawa ng sarili mong recipe," pagpupumulit niya.

I shook my head. "Salamat sa tulong mo pero hindi ko talaga magagawa iyan. May battery exam
kaming paparating at kailangan kong mag-review."

"This could serve as your training ground if you want to pursue baking, Sol. But still, it's up to you.
Nag-suggest lang ako."

The truth was that I was eager to give it a shot. I wanted to broaden my baking skills. I opted to
put my passion into motion.

I didn't respond to him. I was so caught up in my own feelings.

"This is my mom's calling card in case you change your mind." He smiled. This time, it was
genuine and pure, parang ang intensyon talaga ay makatulong.

"Why are you doing this, Harvin?" I managed to ask. "We aren't close, but why are you trying to
help me?"

He shook his head while biting his lower lip. "I was just kind, Sol."

Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko iyon. Should I try? Nakailang iling ako. I should try to
focus more on my academics. Marami pang gagawin at hindi tamang baking ang iniisip ko. I
would be like that in the future kapag naging engineer na ako. Sa ngayon, I have to earn a degree.

Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko tanda na may nagtext sa akin. Nanlaki ang mga
mata ko nang makitang mula iyon kay Duke. He wasn't the type to send text messages!

Duke Pangit:

Binista ka raw kanina ni Harvin sa school? Bakit? Anong sinabi niya?

I pouted. Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Talagang ganiyan ang bungad mo, Duke
Laurence?

Me:

yup, nangulit lang, no biggies

Hindi siguro siya busy dahil nang mai-send ko iyon ay agad din ang pagsagot niya.

Duke Pangit:

Don't trust him, Solene.

Me:

bakit naman boss duke

I waited for five minutes before my phone beeped. Ni hindi ko ito binitawan dahil sa pag-hintay
ng reply niya.

Duke Pangit:

He isn't good enough for you, Sol. Wait until I come home.
I scoffed. Who was good for me, then? Him? He couldn't even assure me that nothing was going
on between him and Mitzie.

Chapter 11

Hindi nga ako nagkamali na nai-post ang picture namin ni Harvin sa school blog sa
entertainment section. Matapos ang post ukol kina Duke at Mitzie, kaming dalawa naman ni
Harvin ang naroon.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga haka-haka nila tungkol sa amin. Hindi pa
nakatulong ang pang-fa-flood sa akin ni Harvin sa IG at Facebook account ko. Lahat ata ng
pictures ko ay ni-reactan niya! Malay ko ba kasing kilala siya sa South Eastern University?! Pati
tuloy ako ay pinagkakaguluhan ng fan girls niya.

"Troy, may sagot ka na ba sa worksheet? Pakopya ako!" saad ko sa lalaki nang pumasok siya sa
room. Nakita ko kasing nagsasabihan na ng sagot ang ilan kong kaklase pero dahil wala akong
ka-close, hindi ako makapangopya.

Inilapag niya ang bag at ibinigay sa akin ang papel niya na kumpleto na ang sagot. Malaki akong
napangiti dahil doon. Nakapangolekta agad ng sagot, ah?

"Nakakapagod," aniya bago uminat. "Kailan ba uuwi sina Duke? Nagsasawa na ako sa mukha
mo."

I pouted. Kinokopya ko ang sagot niya kaya hindi ako nakatingin sa kanya. Ni hindi ko na
chineck kung tama ba ang mga ito dahil bukod sa tinatamad ako, hindi ko rin naman
mapagkakatiwalaan ang sarili ko pagdating sa math.

"Sabi ni Mitzie ay baka sa isang araw. Ngayon ang tapos nila sa convention pero parang gagala
sila roon for a day."
He sighed, which I heard. "Swerte talaga ng mga kupal."

"Kaya rin natin 'yon, Troy. Ayaw lang nating galingan dahil baka malungkot sila."

"Tama ka jan!" nag-apir pa kami sa sariling kalokohan.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa bond paper ko. Mamaya na ito ipapasa at kung nagkataon na
walang sagot si Troy ay parehas kaming bokya.

Napatigil ako sa pagsasagot nang marinig ang tilian ng mga kaklase kong babae. May
tinitingnan silang kung ano sa cellphone nila habang kitang-kita ko kung paano nila i-zoom ang
picture.

"Tingnan mo nga kung ano 'yon," ani sa akin ni Troy.

I scoffed. "Hayaan mo sila. Baka kpop 'yan."

Yumuko ako at muling nagsagot kaya lang ay ang ingay talaga ng mga kaklase ko kaya hindi
ako makapag-focus kahit nangongopya lang naman ako. Para silang inaasinan sa nakikita.

"Ang ingay!" malakas na parinig ko kaya bahagya silang natigilan. "Sa labas na lang sana
magtilian at may nagsasagot dito!" dagdag ko pa.

Kita ko ang ginawang pag-irap ng ilan sa kanila pero wala akong pakealam.

"Sungit, kaya hindi niligawan ni Duke, eh," rinig kong bulong ni Aseya. Malapit lang ang pwesto
niya sa akin pero alam kong alam niyang na narinig ko siya. "Hindi rin naman kasi mahilig si
Duke sa bobita."
Napatutop siya ng bibig nang balingan ko siya.

"Ano ang sinasabi mo?" mataray kong tanong. "Mukha ba akong nagmamakaawang ligawan
ako ni Duke?" dagdag ko. At anong karapatan niyang sabihan ako ng bobita gayong lagi namang
magkalapit ang scores namin?!

Siniko ako ni Troy. "Huwag mo nang patulan."

I didn't look away from Aseya. Para siya ngayong nahuling magnanakaw sa paraan ng pagtingin
niya sa akin.

"Oo, halata!" sigaw ni Giselle, matalik na kaibigan ni Aseya. "Halatang patay na patay ka kay
Duke!" matapang na saad niya habang nanlilisik ang mata sa akin.

Pabagsak kong binitawan ang ballpen. Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat doon.
Naramdaman ko ang hawak ni Troy sa aking braso pero inalis ko lang iyon.

"Manahimik ka nga, Giselle!" ani Troy nang mapansing nag-iinit ang ulo ko. "Huwag mo nang
patulan, Solene," pagbabawal niya sa akin.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. It was futile to be in a heated argument
with them. Isa pa, baka mapapunta pa kami sa guidance kapag hindi ko napigilang sabunutan
ito. Hindi naman siya si Roswell para patulan ko.

Pero hindi natahimik si Giselle. Tumawa siya nang nakakaloko na rinig sa buong room namin.

"May picture sila ni Mitzie na naghahalikan!"


Doon ako tuluyang nawala sa sarili. Dahan-dahan ang paggalaw ng ulo ko patungo sa direksyon
nila. Hindi ko naitago ang gulat sa sinabi niya. Kulang na lang ay tumayo ako at sugurin siya.

I gulped before letting out a nervous laugh. "T-try again, Giselle."

"Hindi ka naniniwala, Sol?" tumawa siya. "Edi tingnan mo ang school blog!"

Nangangatal ako sa galit. Kahit hindi ko pa man nakikita ang larawan ay gusto ko nang maiyak
sa sinabi niya. Iyon ba ang tinitingnan nila kanina kaya sila tumitili?

Tinatagan ko ang aking tinig. "So?! Kahit maghalikan sila sa harap ko, ichi-cheer ko pa sila!"
Malakas akong tumawa. "You think that can hurt me, Giselle?"

"Wear your goddamn mask for all I care, Solene! Your demise is approaching!"

"Oh? Ano ang nangyayari rito?" tanong ng prof namin na kararating lang. "Girls?"

"Wala po, Ma'am, nagaasaran lang!" sagot ni Troy. "Calm down, Sol. We both know they won't do
that."

Mabilis ang paghinga ko dahil sa nararamdaman. My heart was thumping painfully inside my
chest, and I was struggling to remain emotionless.

Troy was clearly attempting to read my mind. I had a feeling he knew what was going on inside
my head. My reaction was not normal. Hindi ko mapigilang masaktan sa palaisipang iyon dahil
alam ko na kahit gaano kasakit, sa dulo, wala akong karapatang magalit.

Umayos ang lahat dahil nag-lesson na si Ma'am. I was affected, but I couldn't bear looking at the
blog. Ayokong makita kung totoo ito. That would surely break me... or might as well, end me.
Lumipas ang buong araw na tulala lang ako. Maging si Nanay ay nagtataka sa kilos ko pero
dahil wala naman siyang labahin ay dumiretso na lang ako sa kwarto. Gustuhin ko mang
matulog ay hindi ako pinatatahimik ng utak ko. I trusted Mitzie because I knew she liked Kuya
Sean. Duke, on the other hand, was not someone I could control. I did not have the power to
deter him from falling in love with someone.

"Sol, anak?" katok ni Nanay sa pinto ng kwarto ko.

"Bakit, Nay?" Pinahid ko agad ang luha na di ko namalayang tumulo mula sa mga mata ko. Wala
pa man ay nasasaktan na ako.

Pumasok si Nanay at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya. Namumula iyon at sa
tingin ko ay kagagaling niya lang mula sa pag-iyak. Para akong sinuntok habang nakatingin sa
kanya. My mother's heart was clenching while I was crying over a guy. She was a strong woman,
and seeing her cry made me want to hit whoever brought tears to her eyes.

"Nay, bakit? Ano ang nangyari?" alo ko agad. Tumayo ako at pinaupo siya sa kama ko. "Sino ang
nagpaiyak sa 'yo?"

Umiling siya. "Ang tatay mo, Sol..." mahinang saad niya.

Kumulo agad ang dugo ko sa narinig. Walang magandang balita ang maidudugtong sa ama ko.
Gustuhin ko mang magngitngit sa galit ay hindi ko magawa dahil sa lungkot sa mata ni Nanay.

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at tiningnan ako sa mata. "A-aagawin ka niya sa
akin, anak..."

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. "Hindi naman ako sasama, Nay. Huwag kang umiyak. Hindi
kita iiwang mag-isa."
"Abogado ang Tatay mo, Solene. Kayang kaya ka niyang kunin sa akin." Pumatak ang luha sa
mata niya at naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

Nakagat ko ang aking labi at bahagyang napalunok sa narinig. "Nay, hindi na ako menor de edad.
Huwag kang nang mag-alala."

She sobbed like a baby. "Kaya kang pag-aralin ng Tatay mo, Sol. Kaya niyang hayaan kang gawin
ang gusto mo."

Hinagod ko ang kanyang likod. "Masaya naman ako, 'di ba? Napag-aaral mo naman ako, Nay.
Kontento ako sa buhay natin."

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya, parang may gustong ipa-realize sa akin. I was just
holding her close to me, trying to ease her pain.

"Hindi mo gusto ang kurso mo, Solene... kilala kita..." tanging nasabi niya habang umiiyak. I
hugged her tightly and brought her closer to my chest.

"Kasama ko sa lakad na ito si D-Duke, Nay..." Muli akong nakaramdam ng bigat sa sinabing iyon
pero mabilis ko ring inalis iyin sa utak ko.

Pinatahan ko si Nanay dahil hindi talaga siya natatahimik. Kung malaki ang takot ko kay Tatay,
mas malaki ang takot sa kanya ni Nanay. She feared my father so much. That night, I told her
that nothing—not even my own father—would cause me to abandon her.

My mother had left the room, but my thoughts were unabated. I knew nothing was certain at this
point, but I knew my father. He'd find a way to make it happen. I'd have to keep my gears in good
shape. I needed to get my act together.
And... engineering, I gulped. Nanay was well aware that I disliked engineering. She knew I was
just taking it for the sake of getting a "degree" and the good pay I'd be qualified for if I passed
the board exam. I thought it wouldn't be difficult, but the world kept telling me that I wasn't cut
out for this field.

I took engineering because Duke was there. I knew he wouldn't abandon me. He was not going
to let me down. Ipapasa ko ang battery exam. Ipapasa ko ang board exam. Gagraduate ako
bilang civil engineering student. I knew I could do that.

I sighed as another thought crossed my mind. Inabot ko ang aking cellphone at kusang nagtipa
ang kamay ko sa school blog namin. My heart was slowly breaking and shattering into small,
tiny pieces. This night was too much for me to bear. My mind was exhausted from thinking of
my father, Nanay, Mitzie, and Duke.

"You aren't ready for this, Sol..." babala ko sa sarili bago ipinikit ang mga mata. "You should not
do this..."

But my heart wanted otherwise. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nag-scroll sa


entertainment section.

When I saw the image, another batch of tears welled up in my eyes. There were a lot of reads
and comments on it. Everyone was making a huge deal about it, and I had a feeling that it
reached the two of them. Ang bawat pagtibok ng puso ko ay mahapdi at parang may kung
anong tanikala ang sumasakal doon.

Nakaharang ang likod ni Duke kay Mitzie pero halata ang ginagawa nila. He was leaning towards
her while Mitzie's eyes were closed. She seemed to be looking forward to it. Duke had his hands
on her cheeks.

At kung hindi pa sapat ang sakit na nararamdaman ko, nakita ko ang comment ni Kuya Sean na
parang nagpatunay na hindi niya gusto ang babae sa paraan na iniisip nito.
Sean Preston Sanders: nice, bro! mitz is a nice girl ;)

I closed my phone.

That night, my pillows witnessed how I wept. I was wide awake, my mind racing with visions of
them, like a spider tracking its prey. The museum I created in my mind from our happy
memories was destroyed.

Umiyak ako buong gabi habang iniisip ang malulungkot na mata ni Nanay, ang hagupit ng
sinturong pamalo ni Tatay at ang pigura ng dalawang taong naghahalikan.

Sa unang pagkakataon, hiniling ko na lang na sana ay hindi sumikat ang araw dahil hindi pa ako
handang harapin ang bukas.

Chapter 12

When the time came for them to arrive, the issue was the subject of much controversy. They
were silent about that. Walang kino-confirm. Everybody was proud of them because they won
quiz bees and contests.

It went down after a month. May mga bulungan pa rin pero hindi na kagaya ng dati na
pinagtitinginan sila.

Since they both requested it, the photo was taken down. On the other hand, I made every effort
to stay cool and unfazed. But we didn't talk about it. They didn't say exactly what happened.
Siguro dahil wala lang sa kanila 'yon o pwede ring dahil... sinisikreto nila.

"Saan tayo magre-review bukas?" tanong ko sa kanila habang kumakain kami.

Mitzie was sitting beside me, being her normal self. Si Duke ang nasa harap ko at katabi naman
nito sa Troy na mukhang nag-iisip. I was silently observing Duke and Mitzie, but nothing seemed
to change in the way they treated each other. Kaswal lang. Even Troy, who was dying to know if
they kissed, didn't bother to ask.

Duke shrugged. "Sa bahay na lang siguro."

Tumango na lang ako nang tipid. Duke's treatment of me remained consistent. Ang minsang
paghawak niya sa kamay ko at paglalaro sa mga daliri ko, maging ang pag-akbay niya sa akin
habang naglalakad kami. Of course, it didn't have malice toward him. Lingid sa kaalaman niya ay
halos sumabog ang puso ko mula roon.

Mitzie did not infuriate me. I was just a little annoyed. Since she knew my feelings for Duke, I
wanted her to tell me what had happened. But she did not.

These days, I've noticed some changes about her. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon
pero nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya.

Tumayo ako at nag-ayos ng gamit. May activity kami ngayon sa club at kahit may kaunting oras
pa ay excited na ako.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Duke.

"May activity sila sa bread and pastry," sagot ni Troy bago ako lingunin. "Igawa mo akong
cookies."

Hindi ko na pinansin ang pangungunot ng noo ni Duke.

I nodded at Troy. "Bayaran mo, ha?"


"Basta sarapan mo."

Umalis na ako sa mesa namin nang walang lingon. For a month, I tried distancing myself from
them. Kung hindi nasa club ay magbabasa ako sa library o tatambay sa garden nang mag-isa.
Hindi ako galit sa kanila pero nag-eensa 'yo na akong mag-isa dahil sa oras na makumpirma
kong may relasyon ang dalawa, alam kong lalayo ako nang tuluyan.

I may be a bitch, but I don't think my heart could handle watching them.

"Sol!" tumitiling lumapit sa akin si Jelay. She was beaming from ear to ear and seemed ecstatic.

"Anong meron?"

Her eyes twinkled. "Lalabas tayo! Three bakeshops contacted us! Pwede raw nating gamitin ang
shop nila for three hours with the help of their chefs. She then sighed dreamily. "This is a rare
opportunity!"

Napangiti rin ako nang malaki sa narinig. Ibig sabihin, magkakaroon kami ng hands on
experience?! The thought piqued my interest even more. Akala ko ay normal na activity lang sa
loob ng school!

The members were divided into three groups. Nakakapanghinayang dahil maraming hindi um-
attend kaya nasa labingdalawa lang kami.

Kagrupo ko sina Jelay, Kiana at Juwen. They were shrieking with joy, just like me. Ni hindi ko na
naisip ang mamimiss kong subject. After all, in-excuse naman kami ni Liane, ang club president
namin.

Wala pang tatlumpung minuto ay nasa tapat na kami ng Sweets and Treats. As I searched the
entire place, I could feel the blood coursing through my veins.
It was refreshing to look at. Mint green, pink at puti ang dominanteng kulay sa buong shop. The
tables and chairs were arranged in a cute manner. Mayroon pang Japanese-styled tables kung
sakaling gustuhin ng customers na umupo sa lapag.

Paintings were hanging on the wall. The dim lighting in the ceilings made the whole space a nice
hangout spot.

"Gusto ko nito," parang naiiyak na anas ni Kiana.

"Kapag ako talaga hindi naging accountant, mag-bu-business ako nang ganito," tanging nasaad
naman ni Juwen.

"Basta, kapag may isa sa atin na nagkaroon ng bakeshop, magbibigay rin tayo ng opportunity sa
mga frustrated bakers like us!"

I smiled as I heard them talking. Nakaupo lang kami sa isa sa mga mesa dahil inaayos pa raw
ang kitchen sa loob.

I was not sure what was up with this place, but I was starting to feel at home. O baka dahil lang
bakeshop ito kaya ganito ang nararamdaman ko.

Lumapit sa amin ang matangkad na babae. She was wearing a pink polo shirt with the shop's
logo and black pants. May nakasabit din sa leeg niyang apron.

"Hi, I'm Ate Sab!" masayang bati niya sa amin.

With the same excitement, we greeted her. We learned that she had been employed here for
almost 5 years and that they were doing this on a quarterly basis. Aniya pa, ang may-ari ng shop
ay mahilig mag-bake pero hindi natuto nito kaya nagbibigay siya ng daan para sa mga aspiring
bakers.

"I hope you'll learn something from our chef!"

Pinapasok niya kami sa loob ng kusina nila. I gasped as I felt the fast beating of my heart.

Ang mga chef ay nakasuot ng uniporme nila at nakangiti sa amin. There were rolling pins, trays,
spatulas, measuring cups, and other tools resting on the table. Ang mga oven ay maayos na
nakapwesto sa gilid. Maiisip mong pinag-isipan din kahit ang pagpupwesto sa mga ito.

"Here's Chef Rolenz, our head pastry chef, and you'll be under his provision for three hours."

Ngumiti sa amin si Chef Rolenz. He was most likely in his 30s, but his smile made him look
younger. Tumingin ako sa mga kasama ko at nakitang nakangiti rin sila.

Matapos ang kaunting introduction, pinagsuot kami ng apron at nilagyan ng hair net ang ulo
namin. Pinag-sanitize din kami ng kamay habang sinasabi ang rules and regulations sa loob ng
kitchen.

"Sino sa inyo ang nakasubok nang gumawa ng blueberry cheesecake?" tanong ni Chef Rolenz.

Umiling ako at napatingin sa mga kasama kong umiiling din. Gustuhin ko mang subukan iyon,
masyadong mahal ang mga ingredients kahit kaunti lang ang gagawin. Kalimitan naman sa club
ay brownies at cookies lang gang ginagawa namin. Nag-eensa 'yo pa kami sa paggagawa ng
cakes.

"Ikaw, Ms. Kiana, bakit hindi mo sinusubukan pa?"


She pouted. "Wala po kaming oven sa bahay tapos hindi naman namin ginagawa sa club iyan."

He nodded before smiling a little. "May kamahalan din ang ingredients nito kung quality talaga
ang hinahabol mo, tama ba?"

Sabay-sabay kaming tumango.

"Okay, well, today, with the complete set of ingredients, I'll tell you the procedures for making a
blueberry cheesecake."

Hindi ko napigilan ang pagpalakpak kaya napatingin sa akin si Jelay na tinawanan ko lang. Kahit
si Chef Rolenz ay napangiti sa ginawa ko. I tried baking cheesecake before, but the ingredients
weren't that good. Hindi ko nga alam kung bakit nasarapan si Nanay roon.

Pinapunta niya kami sa working area. Magkatapat kami ni Jelay habang katabi ko naman si
Juwen. We get our own tools and ingredients.

Chef Rolenz clapped his hands. "Okay, girls. Listen very carefully to the procedures." He said
strictly. My heart is thumping loudly against my chest.

"First, combine the crumbs, sugar, and butter."

Sinunod namin ang ginawa niya. All of us have our 9-inch springform pan and utensils.

"Put the mixture into the bottom of your pan."

Muli ang pagsunod ko. Sa pangangatal ata ni Jelay, napansin kong may kaunting natapon sa
kanya. Hindi naman niya iyon pinansin at isinalin na lang ang mixture sa pan.
"Mash the cream cheese until it becomes soft and creamy. Beat the sour cream, 3/4 cup of
sugar, flour, and vanilla. Then, beat eggs one at a time."

Mabilis ang pagkakasabi non ni chef at kinailangan ko pang pumikit para alalahanin ang sinabi
niya.

"What's the vanilla for, Ms. Solene?" tanong niya habang nagbabati ako ng itlog.

I gulped. "Pampalasa po, Chef. It enhances the flavors of the recipe."

He smiled and nodded. "Okay, good. Continue."

After doing that, I heaved a deep sigh and smiled. Sigurado akong tama ang pagkakagawa ko.
Malaki ang gagawin naming cake kaya bibigyan ko mamaya ang mga kaibigan. Papatikimin ko
rin si Nanay dahil alam kong magugustuhan niya ito.

"Kulang ka sa pagmamash, Ms. Juwen. The cream cheese doesn't look soft," pagsasaway ni
chef sa katabi ko.

Narinig ko ang buntong hininga ng babae. She's struggling in mashing the cream cheese kahit
pa may gamit naman. Hindi pa rin niya nababati ang itlog.

Napansin ni chef na tapos na ako sa ginagawa at nakita ko ang pagngiti niya nang mapansin
ang gawa ko.

"Good job." He said. "Now, pour this mixture in this," bago itinuro ang crumb-lined pan. "We'll
bake it."
It made an impact on me. I felt validated and valued. When was the last time anyone
complimented me on doing a good job? Malabong magyari 'yon sa school dahil puro panlalait
lang ang naririnig ko roon.

Lumipas ang oras at dahil nakita ni chef na nahihirapan si Juwen, tinulungan niya na ito dahil
baka kulangin kami sa oras. With that, Juwen looked ashamed and sad. Lahat kasi kami ay
nakatapos na at kanya na lang ang hindi nakasalang sa oven.

Dahil lumipas na ang isang oras mula ng ilagay ko ang mixture sa oven, kinuha ko na ito mula
roon. Pinalamig ko muna bago tinanggal ito mula sa pan. I followed the instructions of Chef
Rolenz. I topped the cake with frozen blueberries. I also added melted jelly to the tip.

"Ang ganda ng gawa mo, Sol," bati sa akin ni Jelay. Katatapos niya lang din gawin at parehas
naming pinalalamig ang blueberry cheesecake namin.

"Sana masarap din," natatawang sagot ko.

She chuckled. "Ang hirap pala, 'no? Tuluan na ang pawis ko kahit may aircon. Nakaka-pressure
si chef."

Tumango ako. "Buti nga at hindi ako nagkamali. No'ng gumawa ako ng cheesecake dati, hindi
naman ganito ang procedure ko."

"Ampangit nga ng arrangement ng blueberries ko, eh. Binasta ko na. Eh iyong iyo parang pwede
nang ibenta."

Mahina kong hinampas ang braso niya. "Hindi bagay sa 'yo mambola."

We waited until it was time for judgment. Dumating daw ang may-ari ng shop at sa kanya
ipatitikim ang gawa namin.
I was nervous. Parang hindi ko kayang ipatikim sa mga professional ang gawa ko kahit pa alam
kong sinunod ko nang maayos ang procedures.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Jelay. Her hands were cold. Hinawakan ko lang din
siya at pabirong siniko.

"Okay lang iyan, first timers, e."

Inilapag ang kaunting slice mula sa cake namin. Napansin kong medyo sunog ang gilid ng kay
Juwen habang hindi maayos ang pagkaka-arrange ng blueberries ni Jelay. Amin naman ni Kiana
ay maayos ang pagkakapresent.

"You did the same procedures and used the same ingredients, but don't expect the same
outcome, okay?" mahinahong ani chef.

Tumango kami.

"You all did a great job. For first-timers, masasabi kong maalam na kayo. Alam niyo kung paano
gamitin ang utensils at maayos niyong nagawa ang cake!"

Napahinga kaming lahat nang malalim. It's a fun and worthy experience! Pag dumating ang
stipend ko ay gagawin ko ulit ito.

A woman wearing a black fitted dress tasted all our cakes. Ito siguro ang may-ari.

Nakita ko ang pagngiwi niya nang tikman ang kay Juwen. "It's kind of burnt..." she trailed off.
"But sweet."
No'ng kay Kiana naman ang tikman, medyo napanguso siya. "The presentation is good, but...
there's something missing. Pero sure ako na kaunting practice pa ay mape-perfect mo ito."

I bit my lower lip when she tasted mine. I was anticipating her reaction... oh dear. Kumunot ang
noo niya kaya kinabahan ako. Muli siyang sumubo ng isa pang piraso at lalong lumalim ang
kunot ng noo niya.

Siniko ako ni Jelay. "Okay lang iyan."

I sighed, still nervous.

"Who did this?" tanong niya.

"Ako po, Ma'am," nahihiyang sagot ko. It must've tasted bland!

"Do you want to work here?"

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. A-anong sabi niya?!

"Dear, your blueberry cheesecake is way better than Rolenz'.

Tumawa si chef sa akin at nagpakita ng approve sign.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako habang naglalakad papasok sa building namin. Ma'am


Candy loved my cake! I couldn't believe how much I had impressed her. Bitbit ko ito sa aking
kamay at handang handa nang ipatikim kina Duke. He will like it!
Habang paakyat ay nakita kong nagtutumpukan na naman sina Bela at Roswell kasama ang
ibang babae sa likod ng building. Ayan na naman, may inaaway na naman sila.

Lalagpas na sana ako nang marinig ko ang boses ni Roswell.

"Oh ano, Mitzie?! Bakit hindi mo masabing naghalikan nga kayo ni Duke?! Alam mong gusto siya
ni Sol pero nilandi mo pa rin?"

Napako ako sa aking kinatatayuan. Dinig ko ang pagbubuhos ng kung ano pero masyado akong
kinakabahan habang nag-hintay sa sagot niya. Is this it? Will she admit that they kissed?

Am I ready to hear this?

"Balita ko pa ay nag-confess na sa 'yo si Duke at hindi ako natutuwa sa pagiging bait-baitan mo!"
sigaw ulit ni Roswell.

Parang ako ang binuhusan sa narinig. Was it true? Mitzie, please, I needed answers. I didn't want
to spend another night thinking about the two of you.

Tumingin ako sa gawi nila at nagtama ang mata namin ni Roswell. Kita ko ang nakadapa at
basang basang Mitzie ngunit hindi ako kumibo. Gusto kong marinig ang sagot mula sa babae.
Gusto ba siya ni Duke? Did they kiss?

But I heard nothing. She still didn't say anything, and it angered me.

Hinigpitan ko ang kapit sa dala kong cake at imbes na puntahan si Mitzie para tulungan,
nagpatuloy ako sa pagtaas. Nabasa ko ang gulat sa mukha ni Roswell pero wala na akong
pakealam.
I was happy just an hour ago, and now I am thinking of them again. They were hanging on my
head. My heart was pierced by the picture of them, and before I knew it, I was standing in front
of Duke.

"What's that?" tanong niya habang nakatingin sa dala ko.

"Blueberry cheesecake," tipid na sagot ko. While staring at him, I felt as if I had a hollow in my
chest.

Do you really like her, Duke?

He smiled as he held the box in my hands. Ako naman ay akmang maglalakad na patungo sa
upuan ko nang tawagin niya ako.

Lumingon ako sa kanya na sinisimulan nang kainin ang gawa ko.

"Nakita mo si Mitzie?"

With shame crushing my system, I bit my lower lip and turned away.

"Hindi, eh."

Chapter 13

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa upuan ko ay narinig ko na ang sigaw ni Duke.

"Mitzie?! What happened to you?!"


Napatingin ako sa pintuan ng room namin at nakitang mapula ang pisngi ng basang-basang si
Mitzie. She looked like she had encountered an accident. But, I knew better. She encountered an
accident named Roswell.

And I let her.

"P-paabot ng bag ko, Duke..." nangangatal na saad niya sa lalaki.

Napapikit ako sa pagsibol ng pagsisisi sa puso ko. She was trembling in fear and cold. Dahil sa
selos, hindi ako makapaniwalang nagawa kong talikuran ang pagiging magkaibigan namin.

Walang nakakapansin sa akin. Hindi ako nakagalaw para lapitan siya dahil sa guilt na
naramdaman ko. Nakatayo lang ako roon, nakatanaw sa kanya.

Duke stood up. Kita ko kung paano niya hinubad ang suot niyang hoodie at kung paano niya ito
inilapat sa likod ng babae. Nabasa ko ang aligaga sa mga kulay tsokolate niyang mata, nag-
iigting ang panga at galit ang mukha. Dinala niya ang bag nito sa kabilang kamay niya at walang
salitang hinigit mula roon si Mitzie.

That was another punch for me.

Mabigat. Masakit.

Natural na reaksyon ba iyon ng kaibigan?

Inalala ko ang mga panahong ako ang nabubully pero wala akong maalalang hinayaan ko ang
sarili kong tratuhin ako nang gano'n. When I was slapped, Duke got mad at Roswell and had her
suspended. Would he do the same for Mitzie? Was this the common denominator of friendship?
Napako ang tingin ko sa cake na dala ko. iyong pinaghirapan ko, iyong pinuri ni Ma'am Candy,
iyong nagustuhan ng mga kasama ko...

Gusto kong maiyak nang makitang ang slice na ibinigay ko kay Duke ay nasa sahig na...
nakatapon. Siguro'y nadali niya dahil sa pagmamadali kanina para matulungan si Mitzie. It
shouldn't be my concern right now, but I felt discarded. I put my effort and heart into it, and now,
the floor is tasting every bit of it.

"Huy, iyong kalat mo, Sol! Baka maabutan ni Sir!"

Right, kalat.

I took all my courage and swallowed the pain I was feeling. This is nothing. Duke was just
worried. He had no intention of wasting my efforts.

Nilinis ko ang area kung saan nandoon ang "kalat". Winalis, pinunasan, tinuyo... hanggang sa
mawala iyong bakas ng pinaghirapan kong kalat.

Umupo ako sa pwesto ko matapos ang nangyari. Dumating ang prof namin ngunit hindi na
nakabalik ang dalawa. Troy happened to be on the campus director's office, hindi ko alam kung
bakit. Hanggang sa natapos ang klase namin ay hindi na bumalik sina Duke at Mitzie.

Nang dismissal, nagtext sa akin ang lalaki.

Duke Pangit:

Hindi ako sasabay pauwi. Ingat ka.

I smiled bitterly. At least, sinabihan niya akong mag-ingat.


Lumabas ako ng campus at nag-hintay ng tricycle para makauwi. Maraming estudyante ang
naroon kaya mahirap makasakay. Kung magji-jeep ako, kailangan ko pang maglakad papasok
sa barangay namin. Ang dami pa namang manyak doon kapag pagabi.

Nag-hintay ako nang mahigit dalawampung minuto ngunit punuan talaga ang tricycle. Ang hirap
pa dahil mag-isa lang ako kaya walang nagsasakay sa akin.

At dahil may sumpa ata ako ngayong araw, bumuhos pa ang ulan. Malalaki ang patak no'n kaya
tinakpan ko ang ulo ko at naghanap ng masisilungan na shed. Medyo masikip na roon pero
nakisiksik ako dahil ayaw ko ring mabasa. Bitbit ko ang cake na parte ni Nanay. Mabuti nga ay
hindi natapon ni Duke ang buong cake.

"Nakakainis, si Duke ang may payong, eh..." bulong ko habang tinutuyo ang sarili gamit ang
panyo.

"Sol?" narinig kong tawag sa akin ng kung sino mula sa likod.

Lumingon ako at nakitang naroon si Harvin.

"Sol!" aniya nang makumpirmang ako nga iyon.

Ano naman kayang ginagawa niya sa tapat ng school namin samantalang hindi naman siya taga
-rito?

"Nice one, Harvin!" asaran ng mga kasama namin sa waiting shed.

Tiningnan ko sila isa isa at doon ko lang napagtanto na hindi ko pala schoolmate ang mga nasa
shed. Mula sila sa SEU! Iba ang suot nilang uniporme kaya mabilis ko rin na-distinguish iyon.
Ang ilan sa kanila ay nginitian ako kaya ngumiti rin ako nang maliit. Ang mga tropa naman ni
Harvin ay nagsisikuhan habang halatang pinag-uusapan ako.

"Pauwi ka na?" tanong ni Harvin. Nakalaglag ang buhok niya ngayon at nakasuot ng uniform ng
tourism kaya mukha siyang mabait.

"Obviously, Harvin."

"Patay ka, bro!" pang-aasar ng isa sa mga tropa niya. "Kita mong nag-hihintay ng masasakyan,
itatanong mo pa!

Nagtatawanan sila habang inaasar si Harvin na nakatingin lang sa akin. His friends mocked him,
but he ignored them. He was just laughing and staring at me.

Inirapan ko siya at tumingin na lang sa harap. The sky had gone berserk. Patuloy ang pag-ulan
at kada minuto ay lumalakas ito nang lumalakas.

I sighed. Mukhang matatagalan ako sa pag-uwi. If only Duke was here, siguro ay kanina pa ako
nasa bahay at tumutulong kay Nanay maglaba.

Napabuntong-hininga ako. Duke. Lagi na lang Duke.

I felt Harvin's presence beside me. "Matagal pa iyan."

Tiningnan ko siya at nakitang nasa ulan din ang tingin niya. Bahagyang inilagay ko sa likod ko
ang box dahil naaampyasan ito ng ulan.
"Harv, sa Centro muna kami, sasama ka ba?" narinig kong tanong ng isang tropa niya.

Malapit nang kaunti rito ang Centro, isang club, pero mukhang makakarating naman sila nang
ligtas do'n dahil dumating na yata iyong hinihintay nilang sasakyan.

"Pass muna!" sigaw ni Harvin bago tanguan ang mga lalaki.

Ngumiti sila nang nakakaloko sa lalaki at tuluyang sumakay sa van. Iniiwas ko ang tingin at
pinanood na lang ang pagbagsak ng ulan habang iniisip ang nangyari ngayong araw. Pwede
pala yon, 'no? Masaya ka pero malungkot din.

"Gawa mo ba 'yan?"

"Huh?" tanong ko sa kanya.

He chuckled. "Iyang nasa box, gawa mo?"

Marahan akong tumango at lalo itong itinago sa likod ko. Lumalakas ang ulan at wala talaga
kaming masakyan. Hindi ako pwedeng sumakay ng jeep dahil wala akong payong paglalakad sa
amin. Wala namang tricycle na dumadaan dahil halos lahat ng nasa parada kanina ay may
inihahatid na.

"Okay ka lang bang tumakbo sa ulan, Sol?"

I glanced at him, confused. "Ano ang sinasabi mo?"

"Nasa Delights ang kotse ko."


"Oh, bakit hindi ka pa umuuwi? May sasakyan ka naman pala!"

He shrugged before grinning. May isang patak ng ulan ang nagpadulas sa matangos niyang
ilong kaya bahagya niya iyong pinunasan.

"Centro dapat kami, eh," sagot niya. "Kaso nakita kita."

I rolled my eyes. "Ang arte mo."

"Nakakaawa naman kung iiwan kita rito, 'di ba? Baka sabihin mo wala akong kwentang
kaibigan."

I turned away from him, disgusted. "We're not friends!"

"Hindi pa ako ready na maging more than friends tayo, Sol. Makuntento ka muna." He smirked
after saying that.

Inirapan ko ang panlalandi niya ngunit narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa.

"Ang sungit mo talaga." Muli siyang tumawa. "Oh, ano? Takbo tayo?"

Tiningnan ko ang ulan at alam kong matatagalan pa ang pagtila nito. Isa pa, medyo malamig na
ang hangin dahil Disyembre na.

Napabuntong-hininga ako. Kung nandito lang si Duke, ibinigay na niya sa akin ang hoodie niya
para hindi ako lamigin. Alam niya kasing mabilis akong lamigin. But today, he lent his hoodie to
someone who wasn't me.
"You can trust me, Sol," ani Harvin nang hindi ako makasagot.

I frowned and looked at him suspiciously. He then put his arms in the air, as if surrendering to
the cops.

"I know martial arts."

Napangiti siya nang malaki sa sagot ko.

Gano'n na lang ang gulat ko nang tanggalin niya ang bag niya at ilagay iyon sa ulo ko, bago ako
hawakan sa braso. He pulled me away, and now we were running in the rain!

He was grinning widely as raindrops splattered over his forehead. Niyakap ko ang box sa
dalawa kong kamay dahil hawak niya naman ang bag na nasa ulo ko.

"Harvin!" tili ko dahil hindi ko inasahan na malayo-layo pala ang Delights sa shed. Pwede
namang siya na lang ang kumuha, talagang isinama pa ako!

Basang-basa na kami ng ulan pero dahil nakita ko ang pagtawa niya, hindi ko alam kung bakit
nahawa ako. I removed his bag from my head and let myself soak in the rain.

We were all running around like kids having fun in the rain. I realized I was smiling to myself as if
the sorrow I was feeling would go away with the rain.

"Mukha ka nang bruha!" sigaw ni Harvin. "Kumalat na ang mascara mo!"

I chuckled along with him, and I could see the amusement in his eyes. "Ayos lang iyan, maganda
pa rin ako!"
"Yeah..."

We ran until we reached the cafe. Sumilong kami sa receiving area nito habang binabawi ang
paghinga. I couldn't stop smiling. That made me so happy, I couldn't even believe it.

"Looks like you had fun, Sol." He uttered.

Napalingon ako sa kanya, may maliit na ngiti sa labi. "Yes!" masayang saad ko. "We should've
done it longer!"

He smiled while shaking his head. "Baka magkasakit ka pa." He took a breath and stopped.
"Teka at kukunin ko na ang kotse."

He left me there while I was drying myself with my handkerchief. Kinuha ko ang cellphone at
nakita ang repleksyon ko mula rito. Tama si Harvin, kumalat nga ang mascara ko.

I wiped it away with my handkerchief until I saw Harvin waving at me.

Kinuha ko ang gamit ko at sumakay sa lancer niya.

"That's tiring!" I said. Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng mascara sa ilalim ng mata ko pero
may naiwan pa ring bakas doon. Mukha tuloy akong panda!

"Magpalit ka agad ng damit pagkauwi mo, Sol," he uttered while driving.

I nodded. "I know."


Tumigil kami dahil sa traffic. Alas siete na ng gabi at paniguradong nagtataka na si Nanay kung
bakit wala pa ako sa bahay.

"Sa Camp Clark ako."

Tumingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Unlike Duke's brown eyes; his were
pitch black His hair had been neatly trimmed, but you couldn't deny its thickness, na kahit basa
ay makapal pa rin. He was also a bit whiter than Duke but I guess an inch smaller than him. Ang
lahing Australiyano ni Duke ang dahilan kung bakit matangkad siya.

"You look beautiful even without makeup, Sol."

He was handsome. I'm not going to lie.

But... he couldn't make me blush. He couldn't get my heart to thump in love with him. He didn't
affect me the way that guy did. Isa pa, halata rin namang hindi seryoso si Harvin sa akin. He was
just playing around.

I rolled my eyes and looked at the front. "Alam ko, Harvin. 'Wag mong masyadong ipahalatang
patay na patay ka sa akin."

He laughed and started driving again. Sinasabayan niya ang kanta sa stereo at masasabi kong
maganda rin ang boses niya. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin habang tahimik na
nakikinig sa kanya.

"Why don't you tell me where it hurts now, baby? And I'll do my best to make it better. Yes, I'll do
my best to make those tears all go away..." kanta niya. "Just tell me where it hurts now, te—si
Mitz ba iyon?"
Napatingin ako sa kanya. Napatigil siya sa pagkanta dahil sa sinabi kaya sinundan ko ang
tinitingnan niya.

There I saw Mitzie.

Nasa sari-sari store siya habang kumakain ng biscuit. Bahagyang bumagal ang pagpapatakbo ni
Harvin hanggang sa tuluyan kaming tumigil.

"She's not eating proper meals again," he uttered. Parehas kaming nakatingin sa babae.
Nakapambahay lang siya at sa ayos niya ay nakaramdam ako ng awa.

Muling tumubo ang guilt sa akin. Mitzie was nothing but a good friend. She was vocal about her
feelings for Kuya Sean yet I doubted her.

Was there a rift between her and her family? Bakit hindi pa ito umuuwi, at bakit sa tindahan siya
naghahapunan? Should I invite her over to our house?

"Bababain ko lang," ani Harvin pero pinigilan ko siya.

"Sasama ako."

Naghanap siya ng mapaparadahan ng sasakyan bago kami bumaba. Naglakad kami patungo
kay Mitzie na hindi napapansin ang presensya namin.

We were so close to her when a man in his uniform rushed over her. May dala itong tupperware
at malaking tumbler. Ibinigay niya iyon sa babae bago bahagyang pinagalitan ito.

Tumigil kami sa paglalakad at pinanood ang dalawa.


I could tell he was scolding her because he gave her that familiar look. He was concerned.
Pinasadahan niya ng kamay ang may kahabaang buhok bago kinagat ang pang-ibabang labi.
Lumitaw ang dimples niya. His eyes were focused on Mitzie, as if pressuring her to eat.

"Your friend..." ani Harvin.

I felt his stare, but my gaze was drawn to them. Hindi ko maalis ang tingin sa kanilang dalawa.
Habang tinitingnan sila, doon ko napansin na hinubad lang pala ni Mitzie ang hoodie ni Duke. I
didn't know for how long I stared at them, clenching my teeth in agony.

When the wind blew, I felt the cold breeze embrace my body.

Doon ko lang napagtanto na basa pala ako.

Before looking at Harvin, I managed to give a bitter smile. His face was stern, but I caught a
glimpse of surprise when he noticed a tear had fallen from my eye. Mabilis ang ginawa kong
pagpahid doon at marahang ngumiti sa kanya.

"T-take me anywhere, Harv..." My lips were trembling. One wrong move and I knew I was going
to have a nervous breakdown.

He approached me and engulfed me in his arms. He gently pushed my head toward his chest.

"Cry."

That was exactly what I did. Under the moon, with the disturbing sound of vehicles, inside
Harvin's arms, I wept.
Mabagal siyang naglakad habang itinatago pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. And that was
what I needed right now... something to stop me from looking back.

"Do you want to go home?"

It was a reckless decision, but I shook my head.

Chapter 14

"Nay..."

"Anak?! Sol?! Alas diez na! Nasaan ka na?!" Punong-puno ng pag-aalala ang tinig niya.

Napabuntong-hininga ako. "Nay, nasa bahay ako ng kaibigan ko. Dito po ako matutulog."

"Sinong kaibigan iyan? Si Mitzie ba? Si Duke? Si Troy?!" sunod-sunod na tanong niya.

I gulped. "Si... M-mitzie, Nay." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Bakit hindi ka nagtext agad?" saway niya sa akin. "Ang lakas pa naman ng ulan! Akala ko ay
napaano ka."

"Wala bang tulo ang yero, Nay? Ayos ka lang ba d'yan?"

She sighed. "Ayos lang ako rito, Sol. Ikaw ang inaalala ko."

"Ayos lang ako, Nay..." I trailed off. "Sige na, matutulog na kami. Mag-iingat ka d'yan. I-lock mo
ang mga pinto nang maayos."
I could hear her sigh. "Ikaw rin, Sol. Mag-iingat kayo d'yan."

Nang ibaba niya ang tawag ay saka lang ako nakahinga nang ayos. Ayokong umuwi sa bahay
nang pugto ang mga mata ko dahil sigurado akong magtatanong lang si Nanay. I lied to her,
obviously. I was at Harvin's condo, and he offered me some clothes.

I was back to my senses, but I couldn't bring myself back down. Kahit hindi ko lubos na kilala
ang lalaki, I wasn't sure why I thought he was harmless.

Napailing ako. I couldn't believe I cried in front of him. He was almost a stranger! I just showed
him my weakness! But again, Harvin seemed okay and... trustworthy.

Mag-isa si Nanay sa bahay at hindi ko maalis ang pag-aalala sa isip ko kahit ligtas naman ang
barangay namin. Bakit ko ba kasi hinayaan siyang mag-isa roon? Ni hindi pa ako nakapagtext
dahil sa kaiiyak!

"Sol, are you okay?"

Napabaling ang atensyon ko kay Harvin. Gaya ko ay nakapamalit na rin siya ng sweat pants at
malaking tshirt. Nakalugay na ang mahaba kong buhok at bahagyang pinatutuyo ito.

My eyes were puffy. Sigurado akong mahahalata ito bukas dahil mahapdi pa rin ito kahit
tumahan na ako.

I nodded. "Salamat, Harv."

He just smiled. "Told you, I'm kind!" biro niya bago ako tabihan sa couch niya.
We were standing in front of a large glass window, where the crescent moon shone brilliantly.
The stars were not visible, but the moon's radiance was enough to illuminate the sky. It was so
quiet and soothing. It was a little fuzzy because of the raindrops on the window... or maybe it
was just my tears trying to distort my vision of the perfect moon.

"Nagluto ako," Harvin suddenly uttered. "Just in case you wanted to eat."

I smiled a little and shook my head. I appreciated his efforts to console me. He even let me stay
with him to think that we barely knew each other.

"Thank you, Harvin," tanging nasabi ko.

Parang may nakadagan na kung ano sa puso ko habang inaalala ang nakita. Duke didn't go
home with me to stay with Mitzie. He didn't mind if I was soaking wet because his mind was
focused on her.

I thought the rain would help me wash away the remnants of pain. Ngunit kahit ilubog ko sila sa
kailaliman ng utak ko, lumilitaw at lumilitaw pa rin ang mga ito.

Hinayaan ko na lang tuloy. Inisip ko na lang nang inisip habang bitbit ang pangakong bukas ay
hindi ko na ulit ito babalikan at iiyakan.

"Kape tayo."

Sumulyap ako kay Harvin at marahang tumango. Siguro dahil sa katahimikan ay nabibingi siya.

Ngumiti siya sa akin bago tumayo. Nagtungo siya sa kusina kaya muli kong binalingan ng tingin
ang malaking bintana. Kanina ay hindi na rin naman ako nagulat nang malaman kong may
condo ang lalaki. South Eastern University was one of the most prestigious schools in the
country, and only rich people could afford it.
His condo was built in a modern style. It had a simple interior and furniture that complemented
his masculine features. It was just right for him.

Ipinatong niya ang kape sa center table at agad kong naamoy ang aroma nito.

Habang umiinom kami ay parehas kaming nakatanaw sa buwan. Hindi ko alam kung anong
tumatakbo sa isip niya dahil hindi rin naman siya nagtatanong.

"Do you hate Mitzie?"

Napaso ang dila ko dahil sa pagkabigla. Dali-dali kong ipinatong ang kape sa center table at
malakas na hinampas siya sa balikat.

"How can I hate her?!" tanong ko sa kanya.

He shrugged, ni hindi pinansin ang hampas ko.

"Because of Duke? Because you love... him?"

I sighed and felt the lump in my throat. "Hindi magbabago 'yong pagmamahal ko sa kanya dahil
lang may gusto siyang iba, Harv."

Nakatitig siya sa akin, parang binabasa ako. "He's an ass for wasting a woman like you."

Muli akong napahinga nang malalim sa sinabi niya. Kilala ko si Duke. We were together for years.
Harv, just because he likes Mitzie doesn't mean he's wasting me. My love for him isn't shallow,
gusto ko sanang sabihin.

"Ayos lang, hindi niya naman kasalanan," tanging nasabi ko.

"Ha?"

Tumawa ako nang mahina. "Hindi niya kasalanan na kamahal-mahal ang lahat sa kanya."

I sighed as I remembered Duke sniffing my hair, holding my hand in place, caressing my cheeks
as tears flowed down my face, and making me feel at ease in his embrace.

I showed Duke my darkness but he didn't hide. Instead, he danced with my loud demons and
hugged my shadows as if they were his.

Hindi mababaw ang pagmamahal ko sa kanya. His priorities might change but I knew him.

"Hindi niya kasalanan na 'yong bawat piraso ng puso ko, siya iyong pinili," patuloy ko.

"Sol..." I managed to shake my head despite his voice being filled with worry.

"Hindi niya kasalanan na kaya niyang yakapin ang lahat sa akin."

Tumulo ang luha ko. The pain was clenching my heart, making it hard for me to breathe.

Tumawa ako bago pinalis ang mga ito. Mukha na siguro akong tanga sa harap niya.
"Hush," he uttered. "It's okay, Sol... it's okay."

Umiling ako bago bigyan siya ng tipid na ngiti. "Kaya ayos lang." I paused. "Hindi niya lalo
kasalanang hindi... ako."

Hindi ko alam kung anong oras kami natulog ni Harvin. I told him I was going to sleep on the
sofa, but he pulled me into his room and ordered me to sleep there. Kumportable ako sa kama
niya kaya kahit mahapdi ang mga mata, nagawa kong makapagpahinga.

Kinabukasan ay nauna akong magising sa kanya. Kinuha ko ang cake sa ref at hinati ito para
mag-iwan ng para sa umagahan niya.

'Thank you, Harv. I appreciate you.'

Iniwan ko ang note na iyon sa ref niya bago nagbihis ng nilabhan at pinatuyo kong uniform
kagabi. Inilagay ko sa isang paper bag ang damit niya para madala ko ito pauwi at malabhan.

Hanggang makalabas ako ng condo niya ay hindi siya nagising. Hindi ko alam kung wala siyang
klase o ano pero dahil siguro sa puyat at pagod ay bumabawi siya sa tulog. Nakaabala pa ako
sa ginawa kong iyon.

"Nay?"

"Nasa likod ako, Sol!"

Napangiti ako sa pamilyar na sagot. Mamaya pa ang klase namin at may oras pa para tulungan
ko si Nanay na maglaba. Ibinaba ko ang gamit at nagbihis ng pambahay bago umupo sa harap
niya.
"Good morning sa maganda kong nanay," masayang bati ko.

Matapos ang pag-iyak magdamag, parang gumaan ang pakiramdam ko. Masakit pa rin pero
siguro, kaya na.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. She had a worried expression on her face as
she looked at me.

"Ayos ka lang ba, anak?"

My lips quivered. Her voice was soothing, making me want to cry and hide. She was causing me
to know that I had more tears to shed.

She walked up beside me and hugged me tightly without saying anything.

That's when I knew no one would ever love me as much as she did.

Hindi ako pumasok no'ng araw na iyon kahit may dalawa akong major subject. Pinagpahinga
lang ako ni Nanay sa kwarto ko dahil may sinat daw ako. Hindi naman big deal iyon sa akin dahil
gusto ko ring umiwas muna sa lahat. Kahit isang araw lang.

Hawak ko ang aking cellphone kaya naramdaman ko agad nang may mag-text sa akin.

Harvin:

Ang sarap ng cake mo grabe ipaggawa mo ulit ako nito!!!!


Ngumiti ako sa nabasa. Hindi na ako nakasagot dahil may nagtext ulit sa akin.

Troy Asungot:

bebe bakit ka absent 👉👈


Napairap ako sa text niya pero napangiti rin. Kumirot ang ulo ko at bahagyang sinapo ito.

Me:

ayaw kitang makita

Troy Asungot:

osiya shift ka na

Me:

sana magkapantal ka sa bayag

Troy Asungot:

okay lang, ipapakamot ko kay crush

Napanguso ako at gusto na siyang tirisin mula sa cellphone. Basta talaga asaran ay hindi ako
nananalo sa lalaking to!
Me:

asan si duke

Natagalan bago siya nagreply kaya medyo nagtaka ako. Kanina lang ay diretso naman ang text
namin ah? Lunch time naman kaya sigurado akong walang klase.

Troy Asungot:

legit nga? may lagnat ka?

Napakunot ang noo ko. Paano naman niya nalaman? Wala naman akong pinagsabihan sa
school.

Me:

mejo lang, naulanan kahapon e

Troy Asungot:

ah gano'n

Troy Asungot:

deserve mo
Me:

bwisit ka!!!

Kahit sa text lang ay naririnig ko ang pagtawa niya. Ibinaba ko ang cellphone at humiga sa kama
ko. Mukhang tama nga si Nanay na may sinat ako dahil bumigat ang pakiramdam ko.

I closed my eyes and tried to rest. Ni hindi man lang ako nagawang itext ni Duke. Maybe he was
busy with Mitzie. Baka inaalo niya pa rin ang babae.

With those bothersome thoughts, I managed to sleep.

Nagising na lang ako nang maramdamang may nagpupunas sa mukha ko ng malamig na twalya.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at inasahan nang makita si Nanay ngunit para akong
niloloko ng sarili ko dahil si Duke ang nakita ko.

Masakit ang ulo ko at medyo nagdidilim pa ang paningin kaya muling ipinikit ang mata. He
couldn't really be here! May klase pa kami panigurado.

Nang medyo nakabawi ay muli akong nagmulat ng mata at talagang si Duke ang nakikita ko!

"D-Duke?" mahinang tanong ko dahil wala akong lakas.

Inilagay niya ang bimpo sa noo ko. "Rest, Solene. I will stay here."

"Duke!"
Napaupo ako dahil napagtanto ko talagang si Duke ang nasa harapan ko. Agad ang pagkirot ng
ulo ko at pagdidilim ng paningin sa ginawa kong iyon.

"Sol!" saway niya sa akin bago ako alalayan pahiga. Muli niyang inilagay ang bimpo sa noo ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa mahinang boses. "M-may klase pa, ah..."

"I ditched the class," he said. "Just rest, please?"

"Para ka namang gago, eh. Lagnat lang naman 'to! Hindi mo kailangang umabsent. Parang
tanga."

"Sinong mag-aalaga sa 'yo rito, kung gano'n, ha?" He sighed. "Hindi makaalis si Tita para bumili
ng gamot kasi hindi ka kayang iwan."

Napahinga ako nang malalim. Nakaupo lang siya sa kama ko habang nakahiga ako. Nakatingin
siya sa akin at gano'n din ako sa kanya.

"Inutusan ka ba ni Nanay?"

I saw him shaking his head. "I came here voluntarily, Sol."

It's funny how his simple words brought a smile to my face. It was strangely comforting and
nostalgic.

I sighed. Duke, bakit kasi hindi ako?


"Hindi ka raw umuwi kahapon."

I swallowed my tears and stayed quiet. I just laid there and listened to him. Ipinikit ko ang mga
mata habang dinadama ang kamay niyang hinahaplos ang kamay ko. It was soothing me even
better than the medicine.

"Saan ka natulog kagabi?" tanong niya gamit ang seryosong tinig.

Kung normal na araw ay kakabahan na ako roon pero hindi ko alam kung bakit napangiti pa ako.
He's still the same Duke. He still cares for me.

"Alam kong hindi ka kina Mitzie nag-stay."

Syempre alam mo talaga yon. Kasama mo siya kagabi, hindi ba? Ni hindi mo nga ako naitext
kung nakauwi ba ako nang maayos.

Mabuti na lang at nakapikit ako dahil ayokong mabasa niya sa mata ko ang sakit.

"D-Duke..." My voice slightly cracked. "Sa condo ni Harvin ako natulog," I confessed.

Tumigil ang paghaplos niya sa kamay ko at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na nagtama ang paningin namin.

I feigned a smile while squeezing his hand. "Naligo ako sa ulan kahapon," kwento ko habang
bahagyang nanginginig ang boses. "Pangarap ko lang yon no'ng bata ako, 'di ba?" mahina akong
tumawa bago napailing. "Naligo ako sa ulan kasama si Harvin."
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagdaan ng sakit sa mata niya.

I looked away. "Hindi niya ibinigay iyong hoodie niya sa akin dahil bukod sa wala naman siyang
suot na gano'n, hindi niya alam na lamigin ako."

Nanatili siyang tahimik. He seemed to be contemplating my words.

Kinagat ko ang labi ko. "S-sabi ni Harvin..." I paused and took a deep breath. "Masarap daw iyong
cake ko..."

"Sol..." His voice trembled. He leaned in close to me, his head resting on my shoulder. "Solene..."

Nagtubig ang mata ko habang inaalala iyong cake na nasa sahig katapat ng upuan niya. Na
habang lahat pinuri iyong gawa ko, para sa kanya, naging kalat lang.

"Ayos lang 'yon!"

Umiling siya. "Sorry." Dinig na dinig ko ang pagsisisi sa boses niya pero hinawakan ko lang ang
dalawa niyang braso at itinulak palayo sa akin.

I wanted to strangle myself because I saw a glimmer of tears in his eyes. No, Duke, don't cry for
me.

"Ayos lang ako, Duke," I assured him. "Harvin sings songs for me," pagkukwento ko.
"Ipinagtimpla niya pa akong kape kahit hot chocolate lang ang iniinom ko," dagdag ko pa.

Umiling nang umiling si Duke. His eyes were filled with regret and pain. He wanted me to stop
telling stories but I had more to say.
"Hindi kasi ako nakasakay kahapon sa tricycle dahil walang gustong magsakay sa akin."
Tumawa ako nang mahina. "Ayaw magsakay ng isa, eh, ang ganda ko naman."

He held my hand and brought it closer to his lips. Hinalikan niya iyon nang paulit-ulit habang
nakapikit.

"Sol..." he pleaded. "I'm sorry, Sol." Hinalikan niya ulit ito. "Sorry..." Paulit-ulit ang paghingi niya ng
tawad sa akin. Hindi ko alam kung para saan dahil totoong ayos lang naman.

Hindi niya ako gusto, at hindi niya responsibilidad na gustuhin ako. It was my decision to love
him.

"Bakit ka ba nag-so-sorry?" tanong ko. "Naiintindihan kita, Duke."

He didn't answer.

"Wala akong pakealam kahit magkasakit ako basta maramdaman ko lang uli iyong saya ko
kahapon..." This time, I smiled genuinely. Totoong masaya ako sa ilalim ng ulan, buradong make
-up, magulong buhok, basa... lahat.

He looked at me, and I mirrored his gaze. His pleading and regretful eyes remained, but I
reassured him with a smile.

"Be happy for me," I said.

He shook his head. "Bakit? Anong ibig mong sabihin, Sol?"


"Na-realize ko lang... baka sobrang nakadepende na ako sa 'yo." I smiled. "Tapos kagabi,
napagtanto kong kaya ko naman pala kahit hindi kita kasama."

Tumulo ang luha sa mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. It was something I didn't want
to see. I didn't want it to become my hope once more. Kailangan ko nang patayin ang kandila ng
pag-asa na nagsasabing pwede kami.

"Hindi naman kita iiwan, Duke," I managed to say. "Pero ayaw na kitang ikulong sa akin."

Napatawa ako kahit na sobrang sakit ng dibdib ko. Baka tama 'yong mga babae sa library. Baka
ako ang dahilan kung bakit hindi siya makapanligaw.

This is my indirect confession, Duke.

"Hindi mo ako kargo kaya 'wag kang mag-alala. Do what you want, Duke. Hindi na kita
haharangan."

Hindi na kita guguluhin. Hindi ko nga lang maipapangakong hindi na ako masasaktan.

Chapter 15

Dahil Christmas break, I've decided to work at Sweets and Treats. Pinayagan din ako ni Nanay
na magtrabaho dahil ilang beses ko siyang pinilit.

I got hired immediately dahil nakilala ako ni Ma'am Candy. Imbes na sa cashier lang ako at sa
assistance, minsan ay hinahayaan nila akong mag-bake. And it made me so happy!

"Good morning, Sir. What's your order?" magalang na tanong ko sa lalaking nasa harap ko.
Tumingin siya sa menu sa taas at bahagyang binasa iyon.
"Chocolate chip cookie and..." he trailed off. "Iced americano."

Ngumiti ako bago marahang tumango sa kanya. I quickly assisted with his orders and returned
to him.

It was a normal day for me. Maya't maya ang pasok ng customers kaya kahit nangangalay na
kangingiti ay ngumingiti pa rin ako. When I told Jelay, Juwen, and Kiana that I had started
working here, they were all jealous! Isang araw raw ay pupunta sila para bumisita.

Kasama ko si Ate Sab at ang dalawang pastry chef namin. Chef Rolenz had demanded a leave
of absence until December 26th, which was a week away. Sarado ang shop namin sa 24 at 25
dahil noche buena at pasko. Ma'am Candy wanted us to celebrate the holiday with our loved
ones.

"Saan ka sa pasko?" si Ate Sab habang nakaupo kami. Wala na masyadong customer.

Nagkibit balikat ako. "Baka sa bahay lang, Ate."

"Wala ka bang boyfriend?" biglang tanong niya.

I laughed. "Wala!"

Agad ding humupa ang tawa ko nang maalala si Duke. Ang pag-uusap namin no'ng nilalagnat
ako ang naging huling seryosong usap namin. Sa school, nag-aasaran pa rin kami na parang
walang nangyari.

But I knew the truth.

That night, our perfect friendship had a crack.


Sabay pa rin kaming pumapasok at umuuwi lagi pero hindi na kami masyadong nag-uusap.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon dahil tahimik lang din naman siya.

Wala nang akbay, hawak sa kamay, halik sa buhok at higa sa balikat. It just went away... with the
cold breeze of December.

Hindi ako bato. Minsan ay sinusubukan niyang kausapin ako nang kaswal lang at pabirong
nilalaro ang daliri ko, ngunit alam kong napapansin niyang iniilag ko ang kamay ko tuwing
gagawin niya iyon.

Gusto kong maging kagaya ni Nanay na kapag ayaw na, ayaw na.

"Solene Clemente!"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at narinig ang bahagyang pagtawa ni Ate Sab.

"Ayan naman pala ang boyfriend mo, eh."

Inirapan ko ang papalapit na Harvin sa pwesto namin bago tingnan si Ate Sab.

"Hindi ko boyfriend iyan!"

She just looked at Harvin nang tuluyan itong makalapit sa amin. "Harvin, hindi ka raw niya
boyfriend."

Umupo ang lalaki sa tabi ko at inakbayan ang siliyang inuupuan ko.


"Idinedeny na naman ang relasyon natin, babe?! Sinasaktan mo na ako!"

Pabiro kong hinampas ang tiyan niya. "Umalis ka rito at nagtatrabaho ako!"

"Wow, paalisin mo ako sa shop ni Mama? Isusumbong kita!"

Umiling si Ate Sab habang nakatingin sa aming dalawa. May maliit na ngiti sa labi niya habang
pinapanood kami.

"Galing-galingan mong manligaw, Harvin, at hindi pumapalag iyan," tanging nasabi niya.

The guy chuckled. "Hindi ko na kailangang manligaw dahil walang hindi rurupok sa akin, Ate."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kadiri ka."

Pumasok ang ilang customers kaya tumayo kami ni Ate Sab. Pumunta ako sa counter para
kunin ang orders nila. Si Harvin naman ay pinapanood lang ako at minsan ay pinagtatawanan
dahil nakangiti ako.

"Ganda mo," he mouthed then winked at me.

Inirapan ko lang siya bago napatawa. Shortly after the rain incident, we became friends.
Samahan pa na anak pala siya ni Ma'am Candy kaya kahit ngayong bakasyon ay nangungulit pa
rin siya sa akin. He knew my feelings for Duke but he never asked me again. Parang naputol ang
usapan namin no'ng gabing natulog ako sa condo niya.

Alam kong biro lang din ang mga sinasabi niya sa akin dahil hindi naman talaga siya gumagawa
ng paraan para magpalipad-hangin sa akin.

Nakita kong umilaw ang cellphone ko at nakitang may nagchat sa group chat ng section namin.

Joshua: Bukas ang Christmas party natin. Sa school muna tayo magkita-kita para sabay-sabay
na tayong pumunta sa resort. 6 pm.

Napanguso ako at napaisip. Wala akong planong sumama dahil wala naman akong ka-close na
mga kaklase maliban sa tatlo tapos hindi pa ako sigurado kung sasama ba sila. Ang out ko
naman sa shop ay 4pm kaya may oras pa ako kung sasama ako.

Muling umilaw ang cellphone ko at nakita ang maliit na bilog na profile picture ni Duke. Agad
kong iwinaksi ang kabang naramdaman.

Duke Laurence Sanders: Baho, sama tayo. Puntahan kita bukas sa inyo.

I typed a reply.

Me: di ko sure

Napatingin ako kay Harvin nang malakas itong umubo. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nang-
aasar ang tingin niya sa akin.

"Huwag pong magselpon!" aniya ngunit inirapan ko lang.

Duke Laurence Sanders: Beach resort iyong pupuntahan. Mauna tayo sa venue para maabutan
natin iyong sunset.
Me: ha? sa school daw muna ah

Duke Laurence Sanders: You like sunsets. Ako ang bahala.

Hindi nila alam na nagtatrabaho ako. Dalawang linggo pa lang din naman kasi ako rito.

Nang matapos ang trabaho ko sa araw na yon, nasa shop pa rin si Harvin at kumakain ng
brownies. Nabubwisit na nga sa kanya si Ma'am Candy dahil hindi naman ito nagbabayad ng
kinakain niya.

Inalis ko ang apron sa leeg at inilugay ang buhok. Kumulot ang dulo nito dahil sa pagkakatali.
Nag-ayos lang ako sandali bago nagpaalam sa kanila.

"Ma'am, Ate Sab... uuna na po ako."

Napatingin sa akin si Ma'am Candy bago siya naglakad patungo sa counter at kumuha ng mga
ilang piraso ng donut.

"Give this to your mom, dear." Aniya nang makalapit sa akin.

I shook my head and waved both of my hands. "Hindi na po kailangan, Ma'am!"

She smiled before holding my hand. Inilagay niya roon ang pack. "I insist. Gawa mo naman iyan.
Ipatikim mo sa mom mo, okay?"

Sasagot na sana ako nang marinig ang tikhim ni Harvin.


"May favoritism ka, Ma."

Tinawanan namin siya ni Ate Sab dahil sa pagnguso niya. Lumapit naman si Ma'am Candy sa
kanya at bahagyang kinurot sa gilid.

I smiled before thanking Ma'am Candy.

Lumabas ako ng shop at nag-inat dahil sa natapos na trabaho.

"Sol!"

Napairap ako sa narinig. Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. "Huwag mo akong abalahin."

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Ihahatid na kita."

"Hatid lang?" paninigurado ko habang pinanliliitan siya ng mata.

"Oo, wala pa akong allowance ulit. Hindi kita maida-date."

Tinawanan kolang siya. Kinuha niya ang sasakyan at ipinarada iyon sa tapat ng shop. Sumakay
agad ako dahil baka magbago pa ang isip niya. Sayang din ang pamasahe.

"Marami ka nang utang na gas, ha?" pang-aasar niya pa sa akin.

Binigwasan ko siya. "Sana hinayaan mo na lang akong mag-jeep!"


He laughed. "Hindi ko kayang makitang hindi ka ligtas gayong pwede naman kitang ihatid."

"Mama mo," tanging nasabi ko.

"Boss mo," ganti niya.

Hanggang makarating kami sa bahay ay inaasar niya lang ako. Tinanggal ko ang seatbelt ko at
inayos ang sarili.

"Bumaba ka na, aba. Hinihintay mo bang pagbuksan pa kita ng pinto?"

Inirapan ko siya. "Teka lang!"

Muli siyang tumawa nang malakas bago bumaba sa kotse at umikot patungo sa pwesto ko.
Napasimangot ako dahil yumuko pa ito na akala mo ay prinsesa ang pinagbubuksan.

"See you tomorrow, Your Highness."

Tinadyakan ko siya kaya napatuwid siya ng tayo. Tumawa ulit siya habang nakatingin sa akin na
nanlilisik ang mga mata.

Umayos ako ng tayo. "Salamat, alipin," I uttered with formality.

He scoffed. "Ipag-bake mo ako ng blueberry cheesecake bukas. Bayad mo na 'yon sa akin."

"Depende sa mood ko."


Nakita kong sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako. Oh, anong nangyari rito?

"Ihahatid ulit kita bukas, Sol."

Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti rin agad. "Okay, ubusin mo ang gas mo sa akin."

"Solene..." Tawag sa akin ng nasa likod ko.

Nagulat ako nang makitang naroon si Duke at nakatingin sa aming dalawa ni Harvin. His eyes
were emotionless. Hindi ko inasahan na nakauwi na siya dahil nagbakasyon silang buong mag-
anak sa Vigan.

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya, gulat pa rin.

"Ngayon lang," I was not sure why his voice was so cold.

Tumango lang ako sa kanya at muling binalingan ang lalaki sa harap ko na seryoso ring
nakatingin sa akin.

"Umuwi ka na, Harv. Salamat sa paghahatid."

Sumilay ang ngiti sa labi niya bago ako tanguan. "Iyong blueberry cheesecake ko, ha?"

I scoffed. "Oo na!"

Pinanood ko siyang imaneobra ang kanyang sasakyan. Kumaway ako sa kanya hanggang sa
tuluyan na siyang di matanaw ng mga mata ko.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang maalala ko si Duke. Tumingin ako sa kanya at kita
ko ang galit at sakit sa mga mata niya. His teeth were clenched and his lips were pursed.

Napalunok ako. Ang sarap sanang isipin na nagseselos siya pero alam ko naman kasi ang totoo.

"Ahh... ano, p-papasok na ako..." kinakabahang saad ko. This was the first time I've seen him in
two weeks!

He bit his lower lip. "Saan ka galing?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Sa bakeshop nina Harvin."

He heaved a deep sigh. Para siyang pagod at naiinis sa akin. Tumingin pa ako sa kanya dahil
umaasa ako ng sagot ngumit umiling lang siya at mahinang tumawa.

"Sige na, Sol," he uttered. "Bukas na lang."

Normal din naman ang nangyari kinabukasan. Bukod sa pangungulit ni Harvin at pang-aasar ni
Ate Sab, wala naman nang masyadong nangyari. Hinihintay ko na lang ang oras ng uwi ko dahil
may lakad kami.

Sabi ni Duke ay mga alas kwatro y media raw kami umalis para maabutan namin ang sunset. I
was excited about it, gusto kong pabilisin ang oras para makita na ang paglubog ng araw sa
dalampasigan at para syempre, kahit itanggi ko naman, para makita si Duke.

"Aalis na ako, bye!"


"Ihahatid na kita, Sol!"

I shook my head. Talagang sinundan niya pa ako sa labas ng shop.

"Hindi na."

His forehead creased. "Bakit?"

"Baka nasa jeep ang the one ko."

Malakas siyang tumawa sa akin kaya tiningnan ko lang siya nang masama. Gusto ko nang
umalis! Magbibihis pa ako!

"Bye na!"

Akmang aalis na ako sa harap niya nang mapatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan niya ang
braso ko.

Lilingon na sana ako sa kanya nang makita si Duke na seryosong nakatingin sa akin. Nagtama
ang mata namin at mabilis kong binawi ang braso kay Harvin. What was he doing here?

"D-Duke..." bulong ko nang makalapit siya.

Without any word, kinuha niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako nakagalaw sa pamilyar na pakiramdam. Parang kakawala ang puso ko sa katawan ko
dahil sa lakas ng tibok nito.
"Let's go, Solene."

Matapos sabihin iyon ay walang paalam niya akong hinigit patungo sa dala niyang motor.
Iniabot niya sa akin ang isang helmet at para akong robot na sunod lang nang sunod sa kanya.

Sumakay siya roon pero nanatili akong nakatayo.

"What are you doing?" tanong niya.

Umiling ako at sumampa sa likod niya. Hindi ko pa alam kung saan ako kakapit dahil hindi ko
madala ang sarili ko para yakapin siya.

Sa gulat ko, hinigit niya ang dalawa kong braso at ipinulupot iyon sa katawan niya. Pinaharurot
niya ang motor kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kumapit at yumakap sa kanya.
Ramdam ko ang hangin na tumatama sa balat ko pero hindi ko magawang lamigin dahil sa init
ng likod niya.

I felt at home.

I had no idea how far he drove. Basta nakayakap lang ako sa kanya. Kahit nang dumaan kami sa
traffic, nakayapos lang ako. Parang 'yong sakit na kinimkim ko nitong mga nagdaang linggo ay
unti-unting nawawala dahil sa lapit ng katawan namin.

We reached our destination. Nakasakay pa rin kami sa motor niya habang nakatanaw sa dagat.
Ni hindi ko nga alam kung ito ba iyong resort na sinasabi ng mga kaklase ko.

I sighed.
Tinanggal ko ang helmet at bumungad sa akin ang hangin at simoy ng dagat. The water was
crystal clear, and the sands were golden. Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw pero ang ganda
na ng tanawin.

Kita kong tinanggal din ni Duke ang helmet niya kaya napaiwas ako ng tingin. He looked like a
freaking demigod, and I shouldn't praise him... I shouldn't worship him.

Bumaba ako sa motor at bahagyang lumapit sa dagat. The view was so peaceful and
breathtaking. Panandalian kong nakalimutan na hindi sa akin ang lalaking kasama ko.

I missed him.

I missed us.

Iyong kami bago pa dumating si Mitzie.

Iyong ipagluluto niya ako ng chicken curry kasi alam niyang favorite ko 'yon. Iyong pang-aasar
niya sa akin na amoy araw raw ako. Iyongg paglalaro namin sa arcade, panonood ng sine at pag
-go-grocery.

I missed everything we had before. Mga panahong hindi pa ako nag-aalala kung may
magugustuhan siyang iba.

Narinig ko ang paglapit niya sa akin bago ko naramdaman ang paglalagay niya ng hoodie sa
katawan ko. Nilingon ko siya pero hinawakan niya lang ang balikat ko at pinatingin ako sa dagat.

Niyakap niya ako.

Iniikot niya ang mga kamay niya sa bewang ko habang ang ulo niya ay nasa kanang balikat ko. I
was stoned, but I tilted my head to the left to give him more space.

Natatakot ako na baka marinig niya ang tibok ng puso ko. Baka malaman niya ang
nararamdaman ko.

"Ayaw mo na ba talaga sa 'kin?" parang batang saad niya.

I chuckled to hide the tension I was feeling. "Para kang bata."

Humigpit ang kapit niya sa akin. "Bakit?" he whispered in a hoarse voice. "Bakit hindi mo na 'ko
pinapansin?"

"Pinapansin kita, Duke."

He shook his head. "Kilala kita."

I didn't answer.

"Ayoko nito, Sol," hirap na hirap na saad niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ayokong ganito tayo."

As tears welled up in my eyes, I sighed. "Wala namang nagbago, Duke."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at agad iyong hinanap ng katawan ko. He held my
shoulders and made me face him.
His eyes were sad, pleading and... longing.

Duke, tama na. Huwag mo na akong paasahin na pwede tayo dahil alam kong iba ang gusto mo.

"Bakit hindi mo na sinasabi sa akin lahat?" sumbat niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na
nagtatrabaho ka?"

"Bakit hindi mo ako sinampal no'ng..." he breathed. "N-no'ng natapon ko iyong ginawa mong
cake para sa akin?"

I bit my lower lip. I couldn't stand his gaze. It was too intense and emotional.

"Bakit hindi mo ako pinagalitan no'ng hindi kita sinabayan pauwi?!" medyo mataas na boses na
tanong niya. "Bakit ka nagpaulan tapos hindi ako iyong kasama mo?!"

Inalog niya ang mga balikat ko na akala mo ay may mapipiga siya sa akin kapag ginawa niya
yon.

"Bakit?" he said in pure desperation. "Bakit mo tinatanggal ang kamay ko pag gusto kitang
hawakan?"

Umiling lang ako nang paulit-ulit. Namumuo ang luha sa mga mata ko dahil sa sinasabi niya.
The walls I was trying to build inside my heart were shattered in an instant!

"Bakit pakiramdam ko... umaalis ka na sa akin?" His voice cracked.

"Huwag ka namang lumayo sa akin..." nanghihinang saad niya. "Kargo kita. Mula noon hanggang
ngayon... hanggang bukas."
Hindi pa rin ako sumasagot dahil alam kong sa pagbuka ng bibig ko ay pipiyok lang ako.

"Wala akong pakealam kung kaya mo nang wala ako."

"D-Duke..." tanging nasabi ko. "Tumigil ka na..."

Umiling siya. "Ako hindi ko kaya, Sol. Kaya sorry, hindi ako kasing tibay mo." He bit his lower lip.
"Harangan mo ako hanggang kailan mo gusto kasi wala na akong pakealam basta ikaw."
Nanghina ang boses niya.

Tinitigan ko ang mukha niya. My love for this man was unconditional. I have written the will of
my life under his name.

Yumuko siya palapit sa akin hanggang sa magtama ang mga noo namin. Our breathing was
heavy, but we didn't care. He was so close to me... yet I want us to be closer.

Tumingin ako sa kanya at nabasa ko sa mga mata niya ang emosyon na dati'y sa mga mata ko
lang nakikita.

Pagmamahal.

His face lowered, and with the sea damping our feet and the sun brightening the skies for us, we
kissed.

It was so slow... and passionate. He moved his lips and sucked mine. His eyes were closed, so I
did the same. Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at hinigit ako papalapit pa lalo
sa kanya. I was hungry for more of his kisses, so I threw my hands in his crook and drew him
even closer.
The transition in my feelings was fast. Parang kanina lang ay gusto ko na siyang sukuan... gusto
ko na siyang bitawan, ngunit ngayon, binibigyan ko na naman ng pag-asa ang puso ko.

I couldn't believe he made me love sunsets even more.

Chapter 16

Totoo nga, mabilis lumipas ang oras kapag masaya ka. Parang iyong dalampu't apat na oras sa
isang araw, nagiging labing dalawa lang.

Duke and I celebrated Christmas and New Year together. Hindi iyon bago para sa mga
nakakakilala sa amin dahil lagi naman kaming magkasama.

But for us, it's different... more intense... more passionate...

Para kaming mga batang napakawalan. It happened way too quickly. Everything happened
quickly, but I didn't mind. This was everything I had hoped for. I had my heart set on him.

"D-Duke," ungol ko sa bibig niya. He was kissing and gently biting my neck. His tongue was
teasing that sensitive part of my body, and I couldn't help myself but squeeze his arms.

"Shh, baka marinig ka ni Mommy..."

I bit my lower lip to suppress my moans. I am lying in his bed, and he's on top of me. We're half-
naked.

Naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib. I breathed and moaned softly. I couldn't even
recognize my own voice! It was too womanly... and sensual. He teased my nipples with his
fingers while his lips traveled south.
I was holding onto his shoulder as he gave wet kisses to my collarbone. He sucked on it like it
was his favorite. His hands were doing wonders on my breast, and I was trying my best not to
moan.

Pinaltan ng bibig niya ang kamay na nasa dibdib ko.

"D-Duke..."

He licked my breast while squeezing the other one with his hand.

Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang mas malakas na pag-ungol. For Pete's sake! We
were in his room! His mom was just on the same floor!

Nang umakyat siya uli sa akin ay nagtama ang mata namin. His eyes were full of passion and
unadulterated lust. I knew my eyes looked the same.

I moved my hands over his chest... down to his flat stomach... I was running my hands slowly
across his body, taking my time to get a feel for him.

In my thigh, I felt his growing manhood. It poked me as if encouraging me to touch it. He was
just dressed in a pair of thin sweatpants, while I was clothed in shorts. While I was reaching for
his thing, he gave me a piercing stare.

One touch and he groaned.

"Solene..." nahihirapang saad niya. "Stop."


I didn't listen. I touched his huge thing again, but he grabbed both my hands and pinned it on top
of me.

"Do that again, and you'll lose your virginity."

After saying that, his face went down, and claimed my lips. His tongue was battling with mine,
and he was biting my lower lip sensually. His hand massaged my breast while I was arching my
back because of the pleasure he was giving me. His other hand was still pinning my wrists, and
when he let go, they caught his nape instinctively.

We kissed passionately until we were both panting.

Humiga siya sa tabi ko at marahan akong hinalikan sa noo.

"Parang gago, sabi ko sa 'yo, sa library na lang tayo mag-review!"

He chuckled. "Happy Valentine's Day."

Pabiro ko siyang hinampas ngunit niyakap niya lang ako palapit sa kanya. I listened to his heart,
and it became my favorite melody.

We crossed the line, and we were going to cross the bridge together. There was no turning back
now.

We took a nap while cuddling, half-naked.

Thankfully, hindi naman kami nahuli. Kinabukasan ay parang magkabarkada lang ulit kami
habang kasama sina Troy at Mitzie. Troy, being his usual self, was throwing tantrums about his
crush.
"Ang hirap landiin!" napakamot siya sa batok bago tumingin kay Duke. "Pre, patulong naman."

Tumawa ako. "Wala pa naman nagiging girlfriend iyan."

"Seryoso?!" si Mitzie. "Bakit wala pa?!"

Duke looked at me before smiling. "Bawal, eh."

Namula ako roon kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi naman iyon napansin ng dalawa dahil
na kay Duke ang focus nila. Magkatabi kaming dalawa at mabuti na lang ay hindi nila napansin
ang pagbaling nito sa akin!

"Ang strikta naman ni Tita," ani Troy bago napabuntong-hininga. "Ah ah! Paano ko liligawan si
Chin?!"

"Magtu-twenty one ka na, 'di ba? Bawal pa rin?" tanong ni Mitzie. Nakita ko ang bahagyang
pagpula ng pisngi niya bago muling nagtanong. "S-si Sean din ba, bawal?"

Lumaki ang ngisi ko habang kumakain. Ipinagluto ako ni Duke ng chicken curry habang ipinag-
bake ko naman sila ng brownies para may panghimagas kami. Maraming kayang iluto si Duke
pero masasabi kong chicken curry lang ang naperfect niya. Simula noong sabihin ko kasing
paborito ko ito, inaral niya talaga iyon.

"Pwede si Kuya, Mitz."

Marahang tumango ang babae at kumain na lang nang tahimik.


I felt a hand on my thigh. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling kay Duke na parang walang
ginagawa. Kahit pants ang uniform namin, ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.

"Duke," I whispered. "Remove it," saad ko pa nang mas mahina pero hindi niya ako pinansin.

Instead, he squeezed it.

Napapikit na lang ako at mas nagfocus sa pagkain. It wasn't the first time this happened. Sa
halos dalawang buwan ng aming tagong relasyon, kapag may pagkakataon ay talagang hindi
namin pinapalampas ang isa't isa.

Pero momol lang. Nothing more, nothing less. Sabi niya ay hindi niya gagawin sa akin ang bagay
na alam niyang hindi ko pa pinaghahandaan. Para kaming uhaw sa isa't isa. Matapos ang halos
ilang taong pagtatago ko ng nararamdaman sa kanya, masaya akong nasuklian na rin iyon.

He was the best boyfriend. Kapag umaga ay dadalhan niya kami ni Nanay ng pagkain at sabay
kaming papasok. Tinutulungan niya rin akong mag-aral dahil kalimitan talaga ay bagsak ang
quizzes ko. Kapag gabi naman ay hindi siya nakakalimot sa pagtawag bago kami matulog.

Our days went on like that. Sa school, para lang kaming normal na magkaibigan, parang iyong
dati. Sa pag-re-review ay kasama namin ang dalawa dahil kapag naiwan kami ni Duke ay iba ang
nagagawa namin. Mabuti sana kung kasing talino niya ako!

Tuwing lunch break, we find ways to escape from Troy and Mitzie. Pumupunta kami sa chem
lab to have our time together na usually ay nauuwi lang sa paghahalikan. Wala rin kasing
pumapasok sa chem lab dahil may bago nang laboratory malayo sa building namin. We were so
addicted to each other. I didn't think it was possible. So far, wala pang nakakahuli sa amin. Ni
walang nakakahalata na may namamagitan sa amin.

We hid our relationship because we didn't want to cause a ruckus. Ako ang nagsabi no'n sa
kanya kahit pa gusto na niyang aminin kina Mitzie at Troy. But I was shy! Parang hindi ko kaya
kung aasarin ako ng dalawa, at lalong hindi ko kaya kung bawat kibot namin ay lalagyan nila ng
malisya.

Ang trabaho ko sa Sweets and Treats ay mag-re-resume sa summer. Ngayon kasi ay ang
battery exam ang focus ko dahil isang buwan na lang din ay mangyayari na iyon.

We spent the whole month of February reviewing our past notes. Para akong mamamatay dahil
sumasabog ang utak ko sa dami ng formula na kailangang sauluhin. Sigurado pa ako na iba ang
nasa examples sa nasa exam kaya lalo akong nappressure.

"Pagod na pagod na ang utak ko!" reklamo ko sa kanila.

"At least na-realize mong meron pala."

Binato ko ng throw pillow si Duke. Tinawanan siya ni Troy at nag-apir pa ang dalawa habang
nakanguso ako.

Sige, ganyanin mo ako, Duke, hinding-hindi ko papayagang halikan mo ako!

"Duke, paano 'to?" tanong ni Mitzie habang ipinapakita ang isang equation.

Kinuha ni Duke ang notebook ng babae at isinolve iyon. Pinapanood ko rin sila dahil baka
mapasama yon sa exam at kailangan ko iyon matutunan.

"Ah okay," hindi pa man tapos si Duke ay nasabi na iyon ni Mitzie.

Ako naman ay naguluhan. "Huh? Anong nangyari?"


Inakbayan ako ni Troy na hindi ko namalayang katabi ko na pala. "Huwag mo nang kaisipin at
hindi abot ng utak natin iyan."

Pinalis ko ang akbay niya. "Baka kasama sa exam, hunghang ka!"

He shook his head. "Hindi iyan." Tumawa siya nang mahina. "Kung kasama, edi goodbye
engineering."

I shrugged, at nakitango na lang sa kanya. "Mag-aasawa na lang ako ng engineer."

Tumawa si Troy. "Huwag ako ha, loyal ako."

"Hindi naman mababa ang standards ko."

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at pinong-pinong kinurot ang dalawang pisngi ko. Nang
bitawan niya iyon, pakiramdam ko'y nagmanhid ang buong mukha ko.

"Sana kapag umamin ka kay Chin, sabihin niya, thank you!" sigaw ko habang nakahawak sa
pisngi ko.

Tumawa lang si Troy kaya napairap na lang ako. Muli kong hinarap ang notebook ko at
masinsinang isinolve ang mga worksheet na ipinaprint pa namin.

"Sol," tawag ni Duke sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sumeniyas siya na umakyat
kami sa kwarto niya.

Pakshet ka.
"Okay," sagot ko. "Umuna ka," I mouthed.

Dahan-dahang tumayo si Duke at nagpaalam sa amin na magpapahinga muna siya sa kwarto.


Normal naman iyon dahil syempre, bahay nila ito. Nasa sala lang kami at nasa school pa si Tita
Gemma dahil teacher siya. Si Kuya Sean ay wala rin dito kaya libreng libre ang bahay nila.

I cleared my throat. Napatingin sa akin ang dalawa.

"Mitz, alam mo ba kung paano 'to?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang isang
komplikadong equation.

Umiling siya. "Itanong mo kay Duke."

Mahina akong napa-yes sa utak ko.

"Mamaya na. Baka natutulog yon," ani Troy.

Tumayo ako. "Hindi pa iyan."

Umalis ako sa harapan nila at dahan-dahang umakyat patungo sa kwarto ni Duke. My steps
were slow but sure.

Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ni Duke ay hinigit na niya ako papunta sa kama niya. He gave
me a peck before hugging me. Mahigpit ang yakap niya na parang anong oras ay mawawala ako.

"Bilisan lang natin, nasa baba sila..." bulong ko sa kanya habang magkayapos kami.
"Hmm..." He sniffed my hair before kissing my forehead. "I miss you."

Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib. My heart started bursting like a horse in a race.

"Araw-araw tayong magkasama," natatawa kong sagot.

"I know." He sighed. "I just kept on missing you."

Tumahimik kami pareho. Our breathing was even. Parang nagpapahinga sa piling ng isa't isa.

"Duke?"

"Hmm?"

"Magre-review pa ako."

He chuckled before letting me go. Wala pa namang sampung minuto akong narito sa kwarto
niya pero kinakabahan ako dahil baka mahalata kami nina Troy at Mitzie.

"Baka pati magtaka sila."

Umupo siya sa kama kaya gano'n din ang ginawa ko. Sinuklay ko ang sariling buhok at inayos
ang damit na bahagyang nagusot.

"We'll tell them about us," seryosong saad niya.


Napatingin ako sa kanya na nakatitig sa akin. His beautiful almond-shaped eyes were looking
intently at me, and I couldn't take my gaze away from him.

I nodded. "Pagkatapos ng battery exam, we'll tell them."

Sa mga oras na ito, ang importante sa akin ay si Duke. Hindi ko kailangan ng approval ng iba
para mahalin siya.

Tumayo ako matapos ayusin ang sarili at lumabas sa kwarto niya. Sinabihan ko siyang bumaba
na rin agad dahil mag-aaral kami. Nakakatuwa nga dahil may alam na ako kahit papaano.
Malaking tulong ang ginagawa nila ni Mitzie.

"Oh, nasaan si Mitz?" tanong ko kay Troy bago umupo sa pwesto ko kanina.

"Umuwi. Tinawagan ng tatay niya."

I pouted. "Babalik pa raw ba siya?"

Umiling ito. "Baka hindi na. Bukas na lang daw ulit. Nagmamadali nga."

Tumango ako sa kanya at nag-aral na lang ulit. Sumunod din naman sa baba si Duke.

"Saan si Mitz?" tanong niya nang makaupo.

"Umuwi raw, tinawagan ng tatay," sagot ko sa kanya habang nagsusulat pa rin ng notes.

Umurong ang sofa kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo siya ngayon at parang nag-aalala.
He looked like he was thinking deeply.

"Anong nanyari sa 'yo?" tanong ni Troy.

He ignored his question. "Kanina pa ba siya nakaalis?" His voice was dripping with concern.

"May nangyari ba kay Mitzie?" nag-aalalang tanong ko na rin. Sa tono kasi niya ay parang may
masamang nangyari sa babae.

He shook his head and grabbed his hoodie. Kinuha niya rin ang pitaka at susi ng motor niya
bago walang imik na lumabas ng bahay. Narinig namin ang mabilis na pagpapaharurot niya sa
motor.

Nagkatinginan kami ni Troy.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Umiling ako habang binabalot ng pag-aalala ang puso ko. "Sumunod kaya tayo?"

He sighed. "Hindi ko alam ang bahay nila. Itext mo si Duke mamaya."

Tumango ako. Nagpatuloy kami sa pag-aaral kahit wala nang pumapasok sa utak ko. Mitzie had
gotten into my head. I had a feeling she was having problems with her family. No'ng nakita ko
ito sa sari-sari store ay halatang wala ito sa sarili.

And Duke was protecting her. Hindi dapat pagselosan. Magkakaibigan kami at dapat lang na
alam namin ang nangyayari sa isa't isa. Iyon nga lang, wala kaming ideya ni Troy sa nangyayari.
Bakit ayaw nilang sabihin sa amin? Hindi ba kami parte ng pagkakaibigan nila?
I sighed. Gano'n pa rin pala kahit may relasyon na kami ni Duke. Hindi pa rin ako tuluyang
makapasok sa mundo nila.

I put down my notebook and pulled out my phone. The only way to find out was to ask.

Me:

duke, anong nangyari kay mitz? is she okay?

Hindi siya agad nakasagot. Nagpaalam na si Troy na uuwi na siya kaya napagdesisyonan ko na
ring umuwi. Isinarado ko ang bahay nila at inilagay ang susi sa lalagyan nila.

"Nay?"

Like the rehearsed response, she said, "Nasa likod ako, Sol!"

Ibinaba ko ang gamit at pumunta sa kanya. Mukha siyang may iniisip kahit nang makaupo ako
sa tapat niya.

"May problema ba, Nay?"

She sighed before looking away at me. "Wala naman... pagod lang."

"Pumasok ka na." I told her. "Ako na ang magtutuloy nito."

Umiling lang siya sa akin at nagpatuloy sa paglalaba. She was not her typical self. Malungkot at
halatang aligaga. She was thinking of something, and I was sure of it. Pero hindi ako nagtanong.
Kilala ko siya. Sasabihin niya rin sa akin ito paglaon.

My phone beeped. Tinuyo ko ang kamay ko bago basahin ang text ni Duke. I changed his name
on my contacts dahil nang nabasa niya iyon ay pinandilatan niya ako ng mata.

Duke Laurence:

Mitz needs me right now. I'll text you later, baby.

Me:

okay bb, take care of her!!!

Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ng shorts koat inalis sa sarili ang hindi maipaliwanag na
pakiramdam.

Chapter 17

"Ang tagal mo nang hindi tumatanggap ng labada, Nay," ani ko habang kumakain kami. "Ayos
lang naman sa akin 'yon, pero, bakit?"

She smiled. "Napapagod na ang kamay ko, Sol."

Tumango ako at bahagyang pinisil ang kamay niyang nasa mesa. "Magpahinga ka muna. Ako
na ang maglalaba pag-uwi ko. Medyo maluwag naman ang schedule ko ngayong sem."

"Huwag na." Umiling siya. "Malapit na ang battery exam mo. Mag-aral ka."
I chuckled. "Hindi mo kailangang mag-alala ro'n. Anak mo ako kaya matalino ako!"

"Bagsak ako sa algebra at trigonometry noon, Sol." Sinabayan niya iyon ng pagtawa. "Oo nga,
anak nga kita."

Nginusuan ko siya. "Papatunayan ko sa 'yong basic lang sa akin ang exam!"

"Pag ikaw hindi nakapasa d'yan e!"

"Oh bakit, Nay, ano ang gagawin mo?" hamon ko sa kanya.

She smiled genuinely but it didn't reach her eyes. "Wala, yayakapin kita."

"Paano kapag nakapasa?" tanong ko dahil ayokong ipakita na naantig ako sa sinabi niya.

"Syempre, yayakapin pa rin kita."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Sweet mo, pwede pa kiss?" I chuckled. "Anyway, saan ang larga mo
today, mom?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at bahagyang kinagat ang labi. "K-kay Ivy lang."

Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako papunta sa school. Hindi ko kasabay si Duke ngayon
dahil maaga siyang pumunta kay Mitzie. Nagsabi naman siya sa akin kaya hindi ako nag-isip ng
kung ano.

Habang papunta sa school, pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin. Sa paglabas ko pa lang


sa bahay hanggang sa paglalakad ko hanggang kanto namin ay hindi ako mapakali dahil parang
may mali.

Sumakay ako ng jeep at nakita ang isang lalaking galing din sa barangay namin na sumakay rin
sa sinasasakyan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nagkunwaring may itinetext. Umupo siya
sa harap ko at ramdam ko ang titig niya sa akin.

Kahit malapit lang ang school sa bahay namin, it felt like a long drive.

Napahinga lang ako nang malalim nang makarating ako sa school at hindi naman bumaba ng
jeep ang lalaki.

"Sol!"

Napatingin ako kay Harvin na tumatakbo palapit sa akin, malaki ang ngiti at nakasuot ng
uniform nila.

"Bakit?"

Hinihingal siya nang makarating sa pwesto ko. Mahigit isang buwan ko rin siyang hindi nakita
dahil busy ako sa pag-re-review.

"Paki-sabi naman kay Mitz na may gig kami sa Sabado. Hindi nagrereply, eh."

Napaisip ako bago tumango. "Di ko lang sure kung sasama 'yon. Malapit na ang exam namin."
He nodded. "Basta pasabi na lang."

Tumango ako muli sa kanya. "Sana itinext mo na lang ako."

He winked at me. "Silay na rin."

Tumawa lang ako at nagpaalam sa kanya dahil may klase pa kami. Nagtungo ako papunta sa
building namin nang maramdaman ang pagsabay ni Troy sa paglalakad ko.

"Saan ka galing?" tanong ko dahil hindi kami iisa ng direksyon na pinanggalingan.

"Sa CAS, pinuntahan si Achi."

Inirapan ko lang siya. He was totally smitten! Lagi na lang niyang bukambibig ang babae kahit
na nagrereview kami. It's not that I'm unhappy, natatawa lang talaga ako sa porma niya.

Needless to say, Troy is a notorious flirt at school. He can easily get girls. Marami rin siyang
naging girlfriend na sineryoso naman niya. Ang problema lang, mabilis talaga siyang magsawa.
Seeing him tame someone who doesn't seem to like him is kind of entertaining.

Nagtungo kami sa room, limang minuto na lang at magsisimula na ang klase. Nakita kong
naroon na si Duke at Mitzie pero ibinaba ko muna ang bag ko bago pumunta sa kanila.

"Mitz," tawag ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin. Mugto ang kanyang mata at parang walang tulog.
I was shocked. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. My voice is dripping with worry.

"'Wag mo muna siyang guluhin, Sol," saway sa akin ni Duke.

Nakagat ko ang aking labi ngunit hindi ako umalis sa harap nila.

"A-ano..." I sighed. "Sabi ni Harvin, may gig daw kayo sa Sabado."

Nakatitig lang sa akin si Mitzie. Her eyes were swollen and pleading. Naaawa ako sa kalagayan
niya ngunit wala akong magawa. I wanted to hug her but... I couldn't. She was a sweet and
caring person.

"Sol," tawag sa akin ni Duke.

Napatingin ako sa kanya. His eyebrows were furrowed.

"Bakit?"

"Umupo ka na lang do'n," aniya. "Sabihin mo na hindi siya sasama sa Sabado."

I gulped and nodded.

Mitzie caressed Duke's shoulder. Napatingin sa kanya ang lalaki at ang galit na ekspresyon
kanina nito ay lumambot. Duke reached for Mitzie's hand and gently squeezed it as she smiled.

Umalis ako sa harap nila nang makita iyon. They built their own world. They're friends. This
should be okay for me. Mitzie is going through something! I just felt... unwanted.

Nang maglunch kami, sinubukan kong lumapit kay Mitzie habang naglalakad kami. Kumapit ako
sa braso niya at kinuwentuhan siya.

"Mitz, pagtapos ng batter exam, mag amusement park tayo, ha?" aya ko sa kanya. "Hindi pa ako
nakakapunta ro'n pero mukhang masaya naman."

Mahina siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang matulog sa amin sa Friday? Magpapaluto ako kay Nanay!" aya ko ulit, hindi
nakuntento sa sagot niya.

Muli siyang tumango sa akin. Her eyes were tired and almost empty. Kung pwede lang kami
tumigil sa paglalakad para yakapin ko siya ay gagawin ko.

I sighed. "Do you want a hug?"

Agad na nagtubig ang mga mata niya bago nag-iwas ng tingin sa akin.

"Sol, you're tiring her!" inis na saad ni Duke. Nasa kabilang banda siya ni Mitzie katabi si Troy.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Nagtatanong lang ako, Duke."

He sighed. "Just don't bother her." Matapos sabihin iyon ay hinawakan niya ang braso ng babae
na parang inaalalayan ito.
Napatigil ako sa paglalakad habang nauna silang tatlo. Ni hindi nila napansin na napatigil ako.
Parang bumabalik sa akin ang nangyari noon na nagiging abala ako sa ibang tao. At ngayon, si
Duke na mismo ang nagsabi no'n.

Mga sampung metro na ang layo nila sa akin nang lingunin ako ni Troy.

"Beb, tara!"

I faked a smile before walking towards them. Hindi na ako ulit tumabi kay Mitzie. Nasa likod
lang nila ako, nakasunod.

Nang nasa canteen na kami, umasa akong tatabi sa akin si Duke dahil magmula no'ng
nagkaroon kami ng relasyon ay sa akin na siya tumatabi. But this day was different. He sat
beside Mitzie. He was holding her as if she were a delicate glass that was about to shatter.

I mentally nodded. It's okay. She's not well. I should understand.

"Ano ang order mo?" tanong sa akin ni Troy. "Walang chicken curry."

Bahagya akong napangiti. "Buti naman, medyo nauumay na ako." I chuckled. "Tara, sasama na
ako sa 'yo."

Tumayo kaming dalawa. Napabaling ako kay Duke at Mitzie dahil hindi nila sinasabi kung anong
order nila.

"Kayo, pre?" tanong ni Troy.

Duke shook his head. "Nagluto ako ng para sa amin."


To say I'm upset would be an understatement. He did... what?

Hinawakan ni Troy ang braso ko ngunit nanatiling nakapako ang tingin ko sa dalawa. Ano na
naman ito, Duke? Ano na namang ginagawa mo?

Nag-angat ng tingin sa akin si Duke. His eyes were saying something I couldn't comprehend.
Alam kong nabasa niya sa akin ang pang-aakusa.

You better explain yourself, asshole.

Sumama ako kay Troy ngunit hanggang makabalik kami sa upuan ay tahimik na ako. I don't
want to say another word. Baka may masabi pa akong hindi maganda at magalit na naman sa
akin ang lalaki.

"Sol, hindi muna ako sasabay umuwi mamaya. Ihahatid ko si Mitzie."

Duke was up to his old tricks once more. He was dismissing me again. He was committing the
same mistakes he had previously committed.

But I would not.

"Sumabay ka sa akin, Duke," I said with finality. Kung noon ay hindi ako nagsabi sa kanya na may
problema dahil wala akong karapatan, iba na ngayon.

I have the right to get hurt now. Pwede na akong mag-demand.

Nasa chem lab kaming dalawa ngayon kaya walang nakakakita sa amin. I dragged him here
because I wanted us to spend our day normally. No'ng una ay ayaw niya pang sumama pero
napilit ko siya.

He sighed. "Sol..." he said softly. "Mitzie needs me."

I scoffed. "Alam na alam ko na iyan sa ngayon, Duke."

He didn't answer.

"Alam kong may problema siya ngayon..." Pinatatag ko ang boses. "Pero responsibilidad mo ba
siya?"

He looked at me, shocked. "She's my friend!"

"At girlfriend mo 'ko!" sigaw ko.

Natahimik siya. Pinanood ko kung paano niya kagatin ang pang-ibabang labi. It revealed his
dimples, but I was too mad!

"You don't understand... Sol," nahihirapang saad niya.

"Make me understand."

He shook his head. Tumingala siya na parang nag-iisip. Hanggang balikat niya lang ako ngunit
sa tapang ko ngayon ay parang mas mataas ako sa kanya.

"I can't tell you just yet." He sighed. "Intindihin mo muna... please?"
I shook my head. "Sa akin ka sasabay mamaya."

"Sol..."

"Kung ayaw mo, tigilan mo na ako, Duke..." I chuckled. "Ginagago mo na ako."

Lumabas ako ng chem lab at iniwan siya roon nang mag-isa. Pumunta ako sa room at walang
lingong umupo sa upuan ko.

Mga sampung minuto bago pumasok si Duke. Diretso lang ang tingin ko sa board kahit ramdam
ko ang pagtingin niya sa akin.

Nagklase kami. Inulit din ni Ma'am ang paparating namin na exam next week. Tapos na rin kasi
ang finals namin. Ito na lang talagang battery exam ang hinihintay naming lahat.

"Patay talaga ako kay Mama kapag hindi ako nakapasa," ani Troy. "Makapag-aral, two days
straight."

Nang matapos ang klase, medyo kinabahan ako dahil baka hindi sumabay sa akin si Duke.
Inayos ko ang mga gamit ko nang maramdaman ang paglapit ng lalaki.

"Tara na," he said.

Napangiti ako roon. Sa akin siya sasabay!

"Isaw tayo?" tanong niya pa habang naglalakad kami palabas ng school. "Nakakamiss ang isaw
ni Ate Roda."
Tumango ako sa kanya, malaki ang ngiti. "Edi mag-jeep na lang tayo."

He shook his head. "Tricycle na."

"Bakit? Sa kanto naman natin yon."

He smiled. "Para mas malapit ka."

Hinampas ko siya nang pabiro bago tumawa. Sumakay kami ng tricycle nang mapayapa. Our
bags were on our laps, while my head was resting on his shoulders. Nakalagay rin ang braso
niya sa balikat ko kaya para kaming magkayapos.

"I'm sorry for making you upset, Sol." He kissed my temple. "Naaawa lang talaga ako kay Mitzie."

I bit my lower lip. "Oo, sorry rin. Kaibigan ko rin si Mitzie at naiintindihan kita."

Hinigpitan niya ang kapit sa akin. "I'll be careful from now on. I'm sorry."

We ate street food. Tuwang-tuwa pa si Ate Roda nang makita kami dahil ang tagal niya na raw
kaming hindi nakita. Naparami tuloy ang bili namin. Bumili ako ng barbecue para kay Nanay.
Mabuti na rin at napadaan kami dahil tinatamad akong magluto.

Isaw, betamax, adidas, kwek kwek... namiss ko ito!

"Ang dami mong nakain!" natatawang saad sa akin ni Duke.


"Ang sarap kasi," pagrarason ko.

Pinunasan niya ng tissue ang sauce sa gilid ng bibig ko. "Ang amos amos, Solene," saway niya
sa akin na para akong maliit na bata.

He paid for it. Hindi na ako nag-inarte dahil sanay na kami sa isa't isa.

"Thank you," aniya habang naglalakad kami pauwi.

"Hmm?"

"Kapag may problema tayo, sabihin mo lang, ha?" he said. "Sabihin mo sa akin kapag
nasasaktan kita."

"Duke."

He squeezed my hand. "Whatever happens, it will never be my intention to hurt you, Sol..." He
sighed. "Never." Basang-basa ko sa mukha niya ang lungkot, pagsisisi, at dismaya sa sarili.
Pinisil ko ang kamay niya.

This is what we need... assurance.

Malaki ang ngiti ko nang makauwi sa bahay. My thoughts were cleared in an instant. Duke had
the ability to do that!

"Nay?"
"N-nasa...likod ako, Sol..."

Nagtaka ako sa boses niya. It was not her usual tone. She seemed nervous and anxious. Para
siyang kinakapos sa paghinga.

Sa pag-aalala, mabilis akong nagtungo sa likod namin at napako ako sa kinatatayuan ko sa


nakita.

Si Nanay...

Dugo.

"Nay?" kinakabahang tanong ko. "Ano iyan?"

I'm breathing heavily while looking at her. Lumingon siya sa akin, may luha sa mga mata.

"S-Sol, anak..."

"Nay..."

"A-anak, natatakot ako." Umiyak siya nang umiyak habang hinuhugasan ang kamay.

Umakyat ang kaba sa puso ko. Kita ko ang putlang mukha niya kaya lalong dinaga ang puso ko.

"Anong ginawa mo, N-Nay?"


She shook her head. "N-nakapatay ako!"

"Napatay ko ang tatay mo!"

Chapter 18

I didn't go to school the next days.

I was heartbroken. My sense of morality was slipping away from me. I knew I should hand her
over to the cops, but I couldn't bear the thought of putting my mother in jail!

Duke, Troy, and Mitzie were contacting me. Exam na namin bukas ngunit dahil sa sariling
problema ay hindi ako makapasok. I was terrified! Ni hindi ako makasagot sa texts at tawag nila
dahil natatakot akong baka alam nila ang nangyayari. I knew it sounded crazy, but... I was really
losing my sanity!

Halu-halo ang nararamdaman ko. Galit, lungkot, dismaya at takot. We hated that man, but... I
couldn't imagine my mom killing him. It wasn't self-defense. Ilang ulit kong iitinanong sa kanya
iyon ngunit hindi. She didn't even have a scratch. She really did commit... murder.

Ilang beses nang pumunta at kumatok rito si Duke ngunit hindi ako makalabas. Natatakot ako!
Pakiramdam ko, kapag nakita ko ang araw ay kukunin nila si Nanay.

"Nay, kain na..."

She didn't answer. Nakatulala lang siya sa kawalan. Ang suot na daster ay sira-sira. Kanina pa
siya nagwawala at ngayong medyo kumalma na, hindi ko naman siya makausap.

"Sol..."
Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin. Lumapit agad ako sa sofa at tinabihan siya. Nakatingin
siya sa akin gamit ang pumupungay na mata, pagod at halatang walang tulog.

"Mamamatay tao ako!" sigaw niya. "Pumatay ako!"

Tumulo ang luha ko. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sinusubukan niya na namang
sabunutan ang sarili niya. Pulang-pula na ang mukha niya mula sa mga kalmot.

"Pinatay ko ang tatay mo..." She sobbed. "Mamamatay tao ako. Kriminal ako..."

Inalo ko lang siya nang inalo. Ang sakit-sakit makitang ganito ang kalagayan niya. Alam kong
anumang oras ay malalaman din nila na si Nanay ang pumatay at wala akong ibang plano. Wala
kaming pera! We couldn't escape!

Those were just one of the tiring days.

Araw-araw ay gano'n ang nangyayari. Patay ang ilaw ng bahay namin at sarado ang mga pinto at
bintana. We didn't go outside. Kaunti na lang din ang stock namin at kakailanganin din naming
bumili ng pangkain.

"Nay, exam ko na bukas." I sighed. "Sabihin mo lang kung ayaw mong pumasok ako..."

Nakaligo na siya. Medyo maayos na ang itsura ngunit ang mukha ay gano'n pa rin. Pula, aligaga
at pagod. She didn't resemble my mother, who enjoys teasing me. She seemed to be someone
else entirely.

"Mag-exam ka, anak." She faked a smile. "Magiging okay ako rito."

Tumango lang ako at hindi na umimik. No one knew we were here. Alam kong kahit ang mga
kapitbahay namin ay nagtataka na dahil madalas namang nasa labas si Nanay. Kumukuha pa
siya ng mga labada.

She didn't tell me why she did that. Ayaw niyang ipaliwanag sa akin kaya hindi ko alam kung
anong mga hakbang ang dapat tahakin. Para akong sinasakal minu-minuto sa pagriring ng
cellphone niya at cellphone ko. Para kaming mahuhuli.

Alam ko ang dapat gawin... ngunit hindi ko kaya.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto at nag-aral. Binasa kong mabuti at pinag-aralan ang
mga asignaturang hirap ako. Dahil sa adrenaline rush, medyo nasasaulo ko ang formula.

"Nay, papasok na ako. Magkita na lang tayo mamaya. Mag-lock ka ng pinto."

That was what I told her before I went to school. Para akong nanibago sa sinag ng araw sa
paglabas ko. Pakiramdam ko ay may pag-asa pa ako bigla nang makita ang isang panibagong
umaga.

Naglalakad ako sa campus namin papunta sa building namin. I wasn't my usual self. I was not
wearing any make-up, kahit light make-up ay wala. Itinali ko lang din ang buhok ko na lagi
namang nakalugay noon.

Sa Room 4D ako naka-assign kaya doon ako nagpunta. I didn't see my friends, puro mga
kaklase ko lang na nagsikuhan nang mapansin ako ngunit wala sa kanila ang nagtanong.

I was worried for my mother's situation. Mag-isa siya sa bahay at anumang oras ay pwedeng
may maghanap sa kanyang mga pulis. Maraming gustong humawak sa kaso ng Tatay ko dahil
isa siyang sikat na lawyer at hanggang ngayon ay on-going pa rin ang kaso.

"Huy, buti pumasok ka," bati ni Owa sa akin bago umupo sa tabi ko. Parehas pala kami ng room
assignment.

Tumango ako. "Kailangan eh."

"Ang tagal kang hinahanap nina Duke. Akala nila ay may nangyari sa 'yo."

I just smiled and didn't respond. Kung hindi ko sila makikita ngayon ay ayos lang. Kailangan ko
talagang makauwi.

The exam went on. Mahirap naman ngunit may mga nasagutan ako. Ilang beses akong
nablangko dahil inaalala ko si Nanay pero sa dulo, nakapagsagot naman ako kahit papaano.
Hindi ako sigurado sa iba pero hinayaan ko na dahil wala na akong mapipiga sa sarili ko.

Nang maglunch break ay hindi ako lumabas. Wala akong ganang kumain kahit nag-alisan ang
lahat ng tao sa room. Mag-isa lang ako roon, nakatulala sa bintana at pinapanood ang mga
nagtutulakang estudyante, parang walang problema.

I sighed as I rested my head on the armrest.

Pagod na pagod ako. Hirap na hirap. Tuwing naiisip ko si Nanay na makukulong ay naiiyak ako.
Wala na akong ibang kasama sa buhay kung hindi siya. Wala akong ibang pangarap para sa
sarili kung hindi ang makatulong sa kanya at mabigyan siya ng magandang buhay para tumigil
na siya sa paglalaba.

Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob. Galit ako kay Nanay. Sobra ang galit ko ngunit
ayokong malaman niya iyon. I knew she had her reasons.

Lumagabag ang pinto, tanda na may pumasok, pero nanatiling nakayuko ang ulo ko. My head
was spinning, but I needed to finish my exams.
"Sol."

Napapikit ako sa narinig na tinig. Duke was here. Hindi pa ako handang kumausap ng tao kaya
nanatiling nakayuko ang ulo ko. I was just tired... and restless. Gusto ko na lang umuwi at
magkulong sa bahay hanggang sa parehas kaming mawala ni Nanay.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulak niya sa balikat ko para makita ang mukha ko at
masyado akong mahina para manlaban.

Yumuko siya sa lebel ko kaya nagtama ang mata namin.

Unang tingin ko palang sa kanya ay bumuhos ang luha sa mga mata ko.

Gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin na
nasasaktan ako.

Without asking any questions, he embraced me. Hinagod niya nang paulit-ulit ang likod at buhok
ko.

I sobbed and tugged on his uniform. Ni hindi ko na naisip na mababasa ko ito dahil sa luha ko.
Iyak lang ako nang iyak. Iyong kinimkim kong sama ng loob noong mga nagdaang araw, gusto
kong ibuhos lahat sa kanya.

"I'm here, Sol," he whispered. "Tatandaan mo lagi 'yan."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. At gano'n pa rin siya, patuloy ang paghaplos at pagpapakalma sa
akin.
Nang tumahan na ako, bahagya akong lumayo sa kanya. I didn't look at him, kahit na alam kong
titig na titig siya sa akin.

He held my hand and caressed it softly. "Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang nangyari."
Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at marahang hinagkan iyon. "Basta nandito lang ako. Hindi
kita iiwan."

Tumango lang ako sa kanya habang nakayuko. I wanted to express my gratitude, but I didn't
know how.

Bago siya umalis ay hinalikan niya pa ang noo ko. Nag-iwan din siya ng cheesecake at tubig
para kapag nagutom daw ako ay may makain ako. Ika niya ay gusto rin akong makita nina Troy
at Mitzie ngunit sinabi niyang siya muna ang pupunta sa akin.

Mas mahirap ang exam ngayong hapon. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa ko pero
patuloy ako sa pagsasagot. I have to pass this on. Ito na lang ang magsasabi sa akin na
magiging maayos ako.

Nang matapos ang exam ay nag-ayos na agad ako ng gamit. Naisip ko agad na kailangan ko
nang umuwi dahil kay Nanay. Walang suklay at ayos akong lumabas ng room. Pasalamat ko na
rin na maraming estudyanteng nagkukwentuhan tungkol sa exam kaya walang nakakapansin sa
akin.

Napaka-issue ng mga tao sa school. Kaunting kibot mo lang ay parang napakalaki na agad ng
kasalanan mo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Duke, Troy at Mitzie na papunta sa direksyon ko.
Hindi pa nila ako nakikita dahil nasa likod ako ng ibang estudyante na nag-take ng battery exam.

Napayuko ako at bahagyang nagtago nang dumaan sila sa gilid ko. Kailangan ko nang makauwi
at kung makikipagkwentuhan pa ako sa kanila ay mapapahaba iyon.
"Saang room ba si Sol?" si Troy.

"4D."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang makalampas sila sa akin. Agad akong
dumaan sa dagat ng mga tao at saka lang nakahinga nang maluwag nang tuluyang makalabas
ng school.

I immediately rode a tricycle. Ipinatong ko ang bag sa hita ko at lumipad ang utak kay Nanay. I
didn't text her the whole day. Ni hindi ko kinumusta kung kumain na ba siya o ano dahil hindi
naman kami gano'n.

Sumakay ang isang pamilyar na lalaki sa loob din ng tricycle kaya bahagyang napaipod ako. I
remembered him, but I wasn't in the right state of mind to recall him.

Nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

Duke Laurence:

Where are you?

Itinago ko iyon pagkakita ko sa mensahe. Hindi na ako sumagot dahil wala rin naman akong
balak magpakita. I was not ready to face them yet. Si Nanay ang priority ko sa ngayon.

"Ikaw ba si Solene?" tanong ng katabi ko sa tricycle habang pauwi kami.

I looked at him, confused and a bit shocked. Hindi ako maka-oo ngunit hindi rin ako makatanggi.
I averted his eyes because he was staring at me intently.

"Nanay mo ba si Maryella?"

Namutla ako sa tanong niya. Dinaga ang dibdib ko dahil may laman ang tono ng pagkakasabi
niya. I was not worrying about my own safety because I knew how to defend myself. Ang kaso
lang ay si Nanay! Paano niya nakilala ang nanay ko?

I didn't answer again. Ayokong marinig niya ang takot sa boses ko.

Inisip kong mabuti kung saan ko siya nakita. Hindi ko siya naging customer sa Sweets and
Treats. Lalong hindi ko siya schoolmate! He was in his 30s, but I was sure our paths had
crossed.

He let out a chuckle. "Sayang, ang ganda mo sana."

I bit my lower lip to keep my lips sealed. Hindi ko siya pwedeng patulan gayong para siyang may
alam sa nangyari sa amin.

"Kaso nagtatago ka ng kriminal sa bahay niyo."

Nanginig ang kalamnan ko at mabilis na napaharap sa kanya. I was in a state of shock as he


grinned widely. Bumilis ang paghinga ko at pakiramdam ko ay kahit anong segundo ay sasabog
ang puso ko sa kaba.

"Oh? Bakit gulat na gulat ka?"

Saka ko lang naalala ang lalaki. He was the guy who followed me! Siya iyong sumakay sa jeep at
tinitigan ako! He was that guy!
"What do you want?" mahinahon kong tanong kahit gigil na gigil na ako.

He shrugged. "Wala naman. Ang saya niyong panoorin." Muli siyang tumawa. "Sayang, patay na
si bossing."

Pumikit ako nang mariin. He was insane! Nakita kong malapit na kami sa tapat ng bahay kaya
nagmadali akong bumaba at nagbayad ng pamasahe.

Pagkapasok ko pa lang ay napasandal ako sa pintuan na hingal na hingal. Someone knew what
we were doing! Kumanta lang siya sa mga pulis ay malalaman nilang lahat ang nangyayari. Ang
masama pa, tauhan siya ng tatay ko at wala akong ka-ide-ideya kung anong plano niya.

Lumapit ako sa mesa at uminom ng tubig. Makalipas ang ilang sandali ay medyo kumalma na
ako.

I have to think. Hindi option ang pagtakbo papalayo dahil wala kaming ibang pupuntahan at
wala kaming pera. Bukod pa roon, we couldn't live that way.

The last option left was to surrender her to the police... na alam kong hindi ko kaya. Isipin
palang nasa kulungan si Nanay ay parang sinasakal na ako. She was the only person who loved
me unconditionally. Hindi ko kakayaning mabuhay nang wala siya.

Napakunot ang noo ko nang makitang may dilaw na papel na nakasabit sa ref. Lumapit ako
roon at agad ang pagtakip sa bibig nang makita ang sulat kamay ni Nanay.

Sol,

Anak, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Simula noong isinilang ka, wala akong
ibang hiniling kung hindi ang magtagumpay ka sa buhay, hindi kagaya ko na hindi ka kayang
suportahan sa mga bagay na gusto mo.

Patawarin mo sana ako at pagpasensiyahan noong mga araw na hinayaan kong maltratuhin ka
ng ama mo. Takot din ako, Sol. Natatakot akong ipatapon niya tayong dalawa dahil alam kong
hindi kita kayang buhayin. Binubugbog niya rin ako, anak. Ginahasa. Binaboy.

Galit na galit ako sa kanya pero nang umalis siya sa buhay natin ay naging masaya tayong
dalawa. Ipinaramdam mo sa akin na ikaw ang araw sa buhay ko. Ikaw ang nagbibigay liwanag
sa akin, Sol.

Tuwing nakikita kong nahihirapan ka sa sapatos mo at hindi manlang kita mabilhan ay


nasasaktan ako. Tuwing nahihirapan ka sa kurso mo ngunit pinipilit mo ang sarili mo dahil alam
mong iyon ang sa tingin mong makakapag-angat sa atin sa kahirapan... para akong dinudurog.
Lagi mong mas inuuna akong bigyan kaysa ang sarili mo.

Kahit ngayon.

Alam nating dalawa kung ano ang dapat nating gawin ngunit ayaw kong iwan ka. Ayokong
lumayo sa 'yo sa ganitong paraan. Hindi ko man maipaliliwanag sa 'yo ang dahilan kung bakit ko
nagawa 'yon, sana mapatawad mo si Nanay.

Mabuhay ka nang mahaba at masaya, Anak. Wala akong ibang dalangin kung hindi ang makita
ka sa loob ng isang bakeshop bilang isang mahusay na baker.

Susuko na ako sa mga pulis. Siguro sa mga oras na ito ay inililipat na ako sa malaking presinto
sa Maynila. Huwag mo na akong hanapin, anak. Maging malaya ka at mapagtagumpay.

Mahal na mahal kita, Solene. Ikaw ang paulit-ulit kong ipapanalangin sa Panginoon.
-Nanay

Chapter 19

Bumuhos ang luha ko habang kinikipkip sa dibdib ang sulat ni Nanay. I couldn't move a muscle.
Napako ako sa kinatatayuan ko. A series of fatalistic thoughts flooded my entire being. Dahan-
dahang nag-sink-in sa akin ang nangyari.

Nanay left me.

She didn't want us to meet again... mahal na mahal ko ang nanay ko pero ayaw niya na akong
makita dahil ayaw niyang hilahin ako pababa. Ayaw niyang madamay ako sa ginawa niya. While
I was hating on her, she was thinking of me.

I swallowed my sorrow, but it poured out of my shaking, icy hands. My knees had given up, just
as she had given up on life. That night, I climbed into bed, hoping that all of my worries would
vanish. My pain was folded and stuffed into my mouth, resulting in sobs and tears.

Dumating ang umaga pero wala akong ginawa kahit tumatama na ang araw sa mukha ko. I
didn't want to face the empty side of this house. I didn't sleep. Sa paglalim ng gabi, para akong
nilulunod ng alon ng buwan.

Mag-isa na lang talaga ako.

Nakatitig lang ako sa sira-sirang kisame ng kwarto ko, hinihiling na sana ay bigla na lang itong
malaglag sa akin.

Nay, ang dami kong plano para sa atin. Sabay nating tinanaw ang mundo. Ikaw lang ang
inspirasyon ko kaya ako nakakalakad. Ngayong wala ka na, paano ako? Saan ako magsisimula
ulit?
Lumipas ang buong maghapon na nasa kama lang ako. Rinig ko ang paulit-ulit at nakaririnding
tunog ng cellphone ko pero hindi ko ito tiningnan hanggang sa mamatay ito dahil sa pagka-low
batt. I was a complete mess and I didn't even want to fix myself. Gusto ko na lang mawala rin
gaya niya. This life was no longer worth living.

Bumangon lang ako nang makaramdam ng uhaw. Paglabas ko pa lang sa kwarto ko ay binalot
ako ng kalungkutan. Madilim ang buong bahay at halata mong walang tao. Sumulyap ako sa
pinto ng kwarto niya pagkainom ko.

Kagat-labi kong pinasok ang loob.

Nothing had changed. Naroon ang mga gamit niya. There was a picture of us on her bedside
table. Ang mga awards ko sa baking contests ay nakasabit sa dingding ng kwarto niya.

I sighed. This was her view every night. Puro mukha ko, puro ako.

Lumapit ako sa kama niya at muling tumulo ang luha ko. Kung pwede lang tanggalin na lang
ang mga mata ko dahil pagod na akong umiyak ay ginawa ko na.

Nay, bakit mo naman ako iniwan?

I cried into her pillow. It had a fragrance that reminded me of her. It smelled like home.

I slept there that night. Saka lang ako nakatulog habang naamoy ko siya. This house was not a
home without her.

I was a mess for days. Nabasa ko na lang sa group chat namin na individually raw i-a-announce
ang mga nakapasa sa battery exam. Duke and Troy were texting me constantly pero hindi ako
sumasagot. Ilang beses ko na ring narinig si Duke na parang sisirain ang pinto ng bahay namin
pero wala akong pakealam.
Nagpakalunod ako sa lungkot. Yes, I have friends. I have a very loving boyfriend. I have a lot of
people who support me. Pero ang sakit pa rin. Ang sakit ng paghihiwalay namin ni Nanay. Gusto
kong puntahan siya sa Maynila pero wala akong pamasahe. Ni hindi ko maalala kung kailan ako
huling kumain.

'Maging malaya ka at mapagtagumpay.'

Panibagong umaga, tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Nanay. Dito kasi ako ulit natulog.

'Ikaw ang araw ko.'

The sun was radiating its light. Kita ko ang ibang kapitbahay namin na nagsasampay na para
mahabol ang init. May mga ilang bata na naglalaro na rin sa daan dahil tapos na ang school year.

Doon ko napagtanto na hindi tumigil ang mundo para sa akin. Na normal lang ang takbo ng
buhay para sa lahat.

It took me weeks to realize that.

Gusto kong makita si Nanay? Pupuntahan ko siya.

Wala akong pera? Magtatrabaho ako. Lalo ngayon at bakasyon na.

With a new goal in mind, nag-ayos ako ng sarili. Naglagay ako ng make-up, nagbihis nang
maayos at ngumiti sa salamin. Hindi man ako masaya, at least, kayang itago ng mukha ko ang
nararamdaman.
I dialed Ma'am Candy's number. Sa ikatlong ring ay sinagot niya ito.

"Hello? Sol? Is this you, hija?"

I sighed. "Yes, Ma'am..." I bit my lower lip. Nakakahiya pero kailangan ko ng trabaho. "Ma'am,
kailangan niyo pa po ba ng assistant ng pastry chef?"

She gasped. "A-are you sure?"

Matagal niya nang in-offer sa akin yon ngunit ilang beses ko ring tinanggihan dahil wala akong
tiwala sa sarili ko. Mas okay sa akin noon ang pagiging servant at cashier kaysa ang
magtrabaho mismo sa kusina kahit pa sabihing mas malaki ang sasahurin ko.

"Yes, Ma'am..." I sighed. "I hope your offer still stands."

She screamed like a child. "Ang tagal kitang niligawan, Sol! Pumunta ka sa shop. ASAP!"

Napahinga ako nang malalim. I should trust myself more now. Wala na akong pwedeng
asahang magpapakain at magpapaaral sa akin. I would see you again, Nay. Mag-iipon lang ako
ng pamasahe.

Lumabas ako ng bahay namin at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nasa pinto si Duke.
Mukha rin siyang nagulat nang makita ako. Mukha siyang walang tulog dahil kapansin-pansin
ang itim sa ilalim ng mata niya.

"D-Duke..."

Para akong sinaksak nang makitang tumulo ang luha sa mga mata niya. Agad ang pagpula ng
ilong niya dahil sa pinipigilang hikbi.
Hindi ako nakagalaw. Isang hakbang lang at ikinulong nga ako sa bisig niya. I can feel his
shoulders vibrating, dahil sa iyak. I couldn't breathe because he hugged me so tightly.

"Tangina..." hikbi niya. "Sol, parang awa mo, 'wag mo nang gagawin 'to."

Namuo ang luha sa mata ko. Was he waiting for me here? Kaya ba hindi siya makatulog ay dahil
sa akin?

Hinagod ko ang kanyang likod. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin na parang kapag
binitawam niya ako ay mawawala ako. I didn't push him because I didn't want to hurt him, but
also because I missed him. I missed being encircled by his arms.

"Baby, please, don't do this again," he whispered. "Papatayin mo ako sa pag-aalala."

I bit my lower lip. "I-I'm sorry, Duke..."

"Shhh, it's okay." He kissed my temple. "Did you eat?"

Umiling ako at tumingin sa mukha niya. My eyes met his, and for the first time in two weeks, I
was content.

He held my hand and gently pulled me. Nagpatangay lang ako sa kanya hanggang sa
makarating kami sa bahay nila. Hindi ako nagsasalita dahil wala akong ibang gustong sabihin.

Pinaupo niya ako sa lamesa sa kusina habang nagluluto siya ng pwede kong kainin.

While looking at him, I realized how lucky I was to have him. Parang hindi nakakatakot ang pag-
iisa dahil lagi siyang nakaabang, nanonood at susuporta sa akin.

Naputol ang iniisip ko nang pumasok si Tita Gemma sa kusina.

"Sol," she called me. Lumapit siya sa akin at bahagyang hinalikan ang pisngi ko.

"Magandang umaga, Tita."

Nginitian niya ako bago dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. She was moving gracefully.
Halatang kalkulado ang bawat hakbang at galaw. Halata mong propesyunal.

Umupo siya sa katapat kong upuan at binigyan ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig.

"Pumayat ka," she uttered. "Ang tagal din kitang hindi nakita. How are you?"

I gulped. Kinuha ko ang baso at uminom doon bago sumagot sa kanya. "I'm okay po, Tita.
Medyo naging busy lang."

She nodded and smiled. "Kahit si Yella ay hindi ko na nakikita. Hindi na rin ako niyayayang
pumunta kina Ivy."

Kinagat ko ang labi nang marinig ang pangalan ni Nanay. Ang kamay na nasa hita ko ay
humigpit ang kapit sa suot kong pantalon.

"U-umalis po si Nanay, Tita."

They still didn't know what happened. Hindi naging maingay ang kaso ni Nanay kahit pa umamin
siya sa mga pulis. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang buwan pa lang halos simula no'ng
nangyari ang krimen o wala lang talagang pakealam ang lahat.

My father was killed, but I didn't even mourn for him. Wala akong magandang memorya kasama
siya. Ni hindi ko maramdamang dumadaloy sa akin ang dugo niya.

Tumango ito. "Kumusta pala ang battery exam niyo?"

Doon lang ako napahinga nang malalim. Sinabi ko sa kanya na sa isang buwan pa malalaman
ang resulta. Mabilis pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam ito sa akin na aakyat na
sa kwarto para mag-compute ng grades.

Lumapit din naman si Duke sa akin at inilapag sa harap ko ang tapsilog.

"Kumain ka."

Tumango lang ako sa kanya. Umupo siya sa upuan kanina ni Tita Gemma at pinanood akong
kumain.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryosong seryoso siya habang nakatitig sa akin. Wala sa
ayos ang buhok niya at ang pulang ilong kanina ay normal na ulit. Kahit puyat, hindi putla ang
kanyang labi. Kulay rosas pa rin ito at halatang malambot.

"Hindi ako ang pagkain, Sol."

I chuckled before eating. Unang subo ko pa lang ng pagkain ay gusto ko nang maiyak. He
prepared this for me! Parang si Nanay lang.

"Ha!" ani ko at ngumiti nang malaki nang maubos ang pagkain. "Wala na?" pang-aasar ko kahit
sasabog na ang tiyan ko.

He didn't smile back at me. He maintained his straight face and took my dishes. Hinugasan niya
rin iyon habang nanatili ang mata ko sa likod niya.

I sighed before standing. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod habang naghuhugas ng
pinggan. Ni wala na akong pakealam kung may biglang pumasok sa kusina.

"I love you, Duke."

Namuo ang luha sa mata ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Matagal ko nang nararamdaman
yon pero iba pa rin sa pakiramdam kapag nasabi ko nang harapan.

He will never hurt me... just like my Nanay.

Naramdaman ko ang paninigas niya. He stopped moving while my arms were wrapped around
his body. I want him to feel my warmth. I want him to rest in my warmth.

"Sorry kung matagal akong hindi nagparamdam..." I sighed. "Pero ayos na ako ngayon."

Hindi siya nagsalita.

"Salamat sa matyagang pag-hintay sa akin." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Nalaman kong
hindi ako mag-isa."

Humarap siya sa akin. Tinuyo niya ang kamay at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
Nakatingala ako dahil sa tangkad niya habang nakayuko siya sa akin.
His brown eyes were looking at me with tenderness. Parang sinasaulo niya ang bawat guhit ng
mukha ko sa paraan ng pagtitig niya at wala akong balak na mag-iwas ng tingin. He put my
mind at ease. He made me feel like I was one of a kind.

"Hanggang nandito ako, hindi ka mag-iisa, Sol."

Sinabi ko sa kanya ang balak kong pagtatrabaho sa Sweets and Treats. He was supportive
about it. Mabuti na rin daw iyong mahasa ako sa pag-ba-bake kaysa wala akong gawin sa bahay.
It made me happier. Masaya ako na mayroong nagsasabi sa akin na tama ang ginagawa ko.

Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kay Nanay dahil hindi pa ako handa. Pakiramdam ko ay
masyado pang hilaw ang nangyari. I couldn't tell him that my mother was a murderer.
Napakaganda ng imahe ng nanay ko sa buong barangay namin. I couldn't ruin that.

"Ihahatid at susunduin kita araw-araw."

Napalingon ako sa kanya. "'Wag na!"

He pouted. "At ano? Si Harvin ang maghahatid sa 'yo?" He shook his head. "That's not gonna
happen."

I laughed. "Are you jealous?" pang-aasar ko. Lagi na lang kasi itong parang inis sa lalaki.

"Oo."

Sabay-sabay ang pag-ubo ko sa pag-amin niya. Umakyat ang dugo sa mukha ko kaya bahagya
kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang mga kamay.

Nakatitig lang siya sa akin. Seryoso ang mukha at pinapanood ang bawat galaw ko.
I composed myself before looking back at him.

"Ikaw ang mahal ko, Duke."

Napangiti ako nang mag-iwas siya ng tingin at namula ang pisngi. Hinawakan ko ang kamay
niya at hindi naman niya iyon binawi kaya lalo akong napangiti.

"Nag-ba-blush ka rin naman eh, 'no?"

"Shut up."

Malakas ang pagtawa ko nang tumayo siya at tumingin sa akin.

"Halika na, ihahatid na kita."

I nodded. Tumayo rin ako at naglakad palabas ng bahay nila. Hindi ko alam kung nasaan si Kuya
Sean. Sa totoo lang ay ang tagal na noong huling beses ko siyang nakita at wala na akong balita
sa kanya.

"Saan pala galing ang motor mo?" tanong ko nang iniaabot niya sa akin ang helmet.

"Binili ko."

Umirap ako. "Very informative."

Ngumisi siya sa akin. Isinuot ko ang helmet bago sumampa sa likod niya at walang hiyang
ipinulupot ang kamay ko sa bewang niya.

Paglabas namin ay natanaw ko ang bahay namin. May kahoy na gate kami at halatang luma na.
Kaunting bagyo na lang ay masisira na ito nang tuluyan lalo pa at may tumutulo sa loob nito
kapag malakas ang ulan. Sa hilerang iyon ay bahay namin ang pinakamaliit. Hindi ko rin naman
kinukwestyon iyon dahil dalawa lang kami ni Nanay na nakatira roon.

Ngayon, mag-isa na lang ako.

I sighed, but as the breeze caressed my skin, I hoped she was fine... ibinulong ko sa hangin ang
pangakong makikita ko siya ulit at ipinagdasal na sana ay makarating iyon sa kanya.

Chapter 20

Life went on. Somehow, hindi na gano'ng kabigat ang araw-araw dahil palagi kong kasama si
Duke. Parang kahit sandali lang ay napupuno ang kulang sa akin. He assured me that he was
not going to leave me, marahil ay natakot talaga sa nangyari.

"Chef Rolenz, tikman mo nga," I said while handing him the cinnamon rolls I made.

Tumikim siya at bahagyang tumango. "Masarap na pero hindi nag-su-sustain iyong lasa."

Ngumuso ako. "Ano kayang kulang?"

Muli kong sinubukan. Nagdagdag ako ng kaunting asukal at gatas dahil pakiramdam ko ay
kulang sa tamis.

Habang gumagawa ako ay kinakausap ako ni Chef.


"Ang in demand ng chocolate chip cookie mo. Hindi mo ba talaga ituturo sa akin kung paano
gawin 'yon?"

Natawa ako sa sinabi niya. Sa halos tatlong linggo kong pagtatrabaho rito ay mabenta talaga
ang cookies na ginawa ko. It was an old recipe pero nang matikman at maaprubahan ni Ma'am
Candy ay ibinenta namin iyon.

"Paturo muna ng red velvet cake, Chef."

Tumawa na rin siya sa akin. Lumapit siya sa oven at inilagay roon ang mixture. Matapos iyon ay
inasikaso niya naman ang icing.

Dahil summer, may isa pang chef na ang ginagawa naman ay smoothies, frappes, at ibang
beverages na patok ngayon. Karamihan sa customers namin ay mga kabataan at couples.
Bibihirang pumunta ang isang buong pamilya dahil wala naman kaming rice meals.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo mamaya?"

Napangiti ako. "Opo, chef."

Naiiling siyang ngumiti. "Basted talaga si Harvin."

"Hindi naman kami talo no'n, Chef! Magkaibigan lang kami ni Harv."

He just shrugged and continued working. Gano'n din ang ginawa ko. Sinubukan ko hanggang sa
maperfect ko ang cinnamon rolls.

Tama nga si Duke, napakagandang platform nito para matuto ako sa pag-ba-bake . Isa pa,
nakakaipon ako. Kaunti na lang at makakaipon din ako ng pamasahe patulak sa Maynila.
Overall, it was a normal day. Inihatid ako ni Duke at ngayon ay nag-hintay na akong sunduin niya.
Hindi ko maintindihan sina Ate Sab na inaasar pa rin ako kay Harvin gayong ang alam ko ay may
nagugustuhan na ito. Isa pa, alam nilang may boyfriend ako kaya minsan ay hindi na lang ako
umiimik.

Marami kaming binake ni Chef ngayong araw para mild orders na lang bukas. Aagahan ko na
lang ang punta rito para masimulan ang chocolate chip cookies.

Hinintay ko ang out ko bago ako lumabas ng shop.

"Inom daw sabi ni Troy," bungad sa akin ni Duke nang itigil niya ang motor sa harap ko.

Umiling ako. "Wala akong pera." At nagtitipid ako!

Tumingin siya sa akin na para akong nahihibang. "Kasama mo, ako, Sol. Anong sinasabi mo?"

I pouted. "Bakit daw ba?"

"Announcement mamaya ng result ng battery exam. Sabay-sabay raw nating tingnan."

Huminga ako nang malalim para alisin ang kaba sa puso ko. The result would define my future.

Sumakay ako sa likod ng motor niya at dahil sa rooftop naman nila kami mag-iinom, umuwi
muna ako sa bahay at nag-ayos. Nagbihis ako ng mas komportableng damit.

"Sol, beb, namiss kita!" sigaw agad ni Troy nang makita ako. Yumakap pa siya sa akin at
pabirong ginulo ang buhok ko.
Tumawa ako sa kanya at bahagya siyang itinulak nang pabiro. "Hindi kita miss."

Nginitian ako ni Mitzie at kinawayan. Gano'n pa rin ang mga mata niya. Malungkot at halatang
may pinagdadaanan na hindi namin alam. She looked really tired, but still beautiful. Medyo
nanaba rin ito na bumagay naman sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko nang makaupo sa harap niya.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Duke. May dala siyang pagkain para sa aming dalawa ni
Mitzie.

"I cooked your favorite," he whispered.

Itinago ko ang pamumula dahil nakatingin sa amin si Mitzie. Hindi pa nila alam ni Troy na may
relasyon kami ni Duke.

"Oo, ayos lang ako, Sol," Mitzie answered before smiling. "Ang tagal mong nawala."

Tumango lang ako sa kanya para maputol ang usapan. Ayoko nang magtuloy iyon dahil baka
malaman pa nila ang tungkol kay Nanay.

"Kinakabahan ako..." ani Troy bago umupo sa tabi ni Mitzie. May dala siyang dalawang bote ng
alak dahil magsisimula na ata sila ni Duke.

Kami naman ni Mitzie ay kakain muna.

"Baka hindi ako sagutin ni Chin kapag hindi ako nakapasa," dagdag niya pa.
"Mas matakot ka sa Mama mo," natatawang sagot ni Duke bago magsalin ng alak sa baso niya.

Ako naman ay kumain na lang habang nakikinig sa usapan nila. Kahit pala Summer vacation ay
nagkikita pa rin sina Troy at Chin. Sabi niya sa amin ay ipapakilala niya sa amin ang babae.

Nang matapos kumain ay ibinaba ko ang plato sa kusina nila. Hinugasan ko na rin ang pinggan
para hindi nakatambak sa lababo. Paakyat na sana ako ulit sa rooftop nang makita ko sa sala si
Kuya Sean. Nakayuko siya kaya di niya ako pansin.

"Kuya..." tawag ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko agad ang itim sa ilalim ng mata niya. Mukhang
problemado siya.

I sighed. Ang daming malungkot ngayon.

"Sol," bati niya sa akin. "Kumusta?"

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "I'm okay, Kuya. Ikaw? Natutulog ka pa ba?"

Mahina siyang tumawag. "Stressed lang. Nagkukumpleto pa ako ng requirements. Graduating,


eh."

I smiled at him. "You can do it!"

Ginulo niya ang buhok ko at nginitian din ako. It didn't reach his eyes. Alam kong may iba pa
siyang iniisip pero hindi na ako nagtanong. Umakyat na ako sa rooftop at naabutan ko agad ang
pagtawa ni Troy.

Sasalinan na sana niya ng alak ang baso ni Mitzie ngunit iniilag ito ni Duke.

"Hindi siya iinom," ani ng lalaki bago tumingin kay Mitzie. "May orange juice sa baba. Ikukuha
kita."

"Akala mo talaga protective jowa ampota," sagot ni Troy bago tumawa.

Tumayo si Duke at nakita niya akong pinanonood sila. Tinapik niya lang ang balikat ko bago ako
lampasan. Ako naman ay naguguluhang bumalik sa upuan ko. What the hell did just happen?

"Kayo ba?" tanong ni Troy pagkaupo ko.

Kinabahan ako sa tanong niya. "Ha?" tanong ko bago namula. "Ano..."

He chuckled. "Hindi ikaw, beb. Si Mitz." Lumingon siya sa katabi niya. "Napapansin ko kayo.
Isang buwan na rin... hay nako."

What was he saying? Anong sila? Kami!

Napakamot sa ulo si Mitz. "I-imbento ka!"

Nang makabalik si Duke ay may dala nga itong juice. Iniabot niya iyon kay Mitzie na tinanggap
naman ng huli.

I breathed heavily. Ano na naman 'to?


Sinalinan ako ni Troy sa baso ko. Nag-hintay ako ng pagtanggi ni Duke ngunit hindi iyon
tumanggi.

"Pwede akong uminom?" hindi napigilang bulong ko sa kanya.

He gave me a puzzled look. "Oo naman. Bakit hindi?"

Mahina akong tumango at diretsong ininom ang alak na nasa baso ko. Ni hindi ko pinansin ang
pagguhit nito sa lalamunan ko. My mind was bombarding me with yet another set of unwanted
thoughts. I had no idea they'd gotten closer during the month I was gone. Minsan ay may
pinagkukwentuhan sila na hindi ko inaasahang hindi ako makaka-relate.

Isang buwan lang akong nawala pero parang ang layo na agad nila.

They talked about the time they went to a bar and a guy harassed Mitzie. Iniligtas din naman
iyon ng dalawa. They thrashed the man and sentenced him to community service. Pinag-usapan
din nila ang namuong romance kina Owa at Aseya. I didn't know that. Maging ang gigs ni Mitzie
na pinuntahan nila ay hindi ko alam.

I gulped as realizations gambled with my mind. Ang tanga ko naman para akalaing tumigil ang
buhay nila no'ng wala ako. I thought they were missing me every day. I thought they didn't have
fun while I was gone.

I mentally laughed. Jokes on you, Sol. Don't think highly of yourself.

"Okay ka lang?" bulong ni Duke sa akin.

I smiled a little and nodded.


"Ang tahimik mo, hindi ako sanay."

Anong sasabihin ko samantalang hindi ko naman alam ang pinag-uusapan niyo? Nakalimutan
niyo yatang hindi niyo ako kasama noong mga panahong 'yon.

"Beb, nagtatrabaho ka pala, 'no?" agaw ni Troy sa atensyon ko.

"Yup," I answered briefly.

"Punta ako minsan. Pag-bake mo ako, ha? Ibibigay ko kay Chin."

Inirapan ko siya. "Puro ka Chin."

"'Wag kang magselos."

I gave him a disgusted look. Tumawa lang siya at uminom.

Alas-diez daw i-e-email ang resulta. May dalawang oras pa kami halos para harapin ang totoong
kaba. We continued drinking. Kaming tatlo lang dahil hindi naman pinayagan ni Duke si Mitzie
na mag-inom.

"Umamin nga kayo sa akin," seryosong saad ni Troy. "Sino bang girlfriend mo sa dalawang 'to,
Duke?"

"Shut up, Troy," ani Duke. Ipinatong niya ang kamay sa hita ko kaya napatingin ako sa kanya. He
slightly shook his head. Parang sinisigurado ako.
"No'ng first year tayo, akala ko talaga si Solene." Tumawa siya. Alam kong medyo lasing na si
Troy dahil kung ano-ano na ang sinasabi niya. "Ang sweet niyo tapos siya lang ang pinapansin
mong babae sa school."

Uminom ako at tinitigan si Troy.

"Pero ngayong third year, parang mas close na kayo ni Mitzie."

"Troy, lasing ka na," ani Mitzie sa lalaki.

He shook his head. "Alam ko namang wala kang karelasyon sa dalawang 'to. Nalilito lang ako,
para kasing meron." Sinabayan niya iyon ng pagtawa.

Muli akong uminom. Totoo, mas close nga silang dalawa ni Mitzie kumpara sa amin. I couldn't
even tell him my problems... and it was not like us. Kahit ang pinakapangit na problemang
dumating sa buhay ko ay alam niya. Pero ngayon, parang may mali. Parang hindi ko kayang
magsabi sa kanya. At gano'n din siya sa akin. He wouldn't tell me his problems. Ni sa iba ko pa
nga nalaman na may problema ang pamilya nila.

Bali-balita kasing may affair si Tito Franco sa Australia. Last year pa iyon, matapos niyang ma-
promote. I waited for him to tell me that, but he didn't.

Lumalim ang gabi. Tumayo ako at lumapit sa railings. Kumapit ako roon at tiningnan ang buwan.
Kung siguro pag-uwi ko, nandoon si Nanay, hindi ako magiging ganito kalungkot. Ano kayang
ginagawa niya sa Maynila ngayon? On-going pa rin kaya ang kaso? Was she thinking of me?

Nanay, miss mo rin ba ako?


Tuwing uuwi ako, gusto ko siyang tawagin tapos naghihintay ako lagi ng sagot na naroon siya
sa likod. Pero nakailang uwi na ako. Nakailang silip na ako sa likod pero wala siya.

Si Duke na lang ang meron ako ngayon. Pero hindi siya gaya ni Nanay. He may have loved me,
but his feelings for me were not as deep as hers. Si Nanay, she never made me feel unwanted.
She always included me. Her dream was to see me prosper.

Walang magmamahal sa akin nang gano'n maliban sa kanya.

"Beb, okay ka lang?"

Pinahid ko ang luha sa pisngi at nagmulat ng mata. Tumingin ako kay Troy na nakatingin sa
langit.

"Oo naman. Ayos lang."

Sumulyap ako sa mesa at nakitang nilalagyan ni Duke ng makapal na kumot si Mitzie. Agad
akong nag-iwas ng tingin.

"Tanga ka, kaibigan mo ako." He sighed. "Gaya ni Duke, pwede mo rin akong asahan. Pwede mo
rin akong yakapin kapag hindi mo na kaya."

I bit my lower lip. That was true. Lagi kaming nag-aasaran ni Troy pero lagi rin siyang nand'yan
para sa akin.

"Beb, hindi ka sasaktan ni Duke. Sigurado ako d'yan."

"Sinasabi mo?" pabirong tanong ko.


He looked at me. Seryoso ang mga mata niya. "You love him."

I wasn't able to answer. Nakatingin lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

Nag-iwas siya ng tingin. "Ayos lang iyan, beb. Mahal ka rin naman niyan." Tumawa siya. "Strikto
lang iyan kay Mitzie pero sa nakikita ko, mahal ka talaga ni Duke."

"You don't know what you're saying."

Sasagot pa sana siya nang sumigaw si Duke na nakapasa raw siya sa battery exam. He was
smiling widely while looking at his phone. Nagkatinginan kami at nakita ko ang pagkislap ng
mga mata niya. He was happy.

Huminga ako nang malalim pero dahil hindi ko ma-access ang email ko ay nakailang try pa ako.

Nagtatalon din si Troy habang nakatingin sa cellphone niya. Nakapasa rin siya! Sumisigaw siya
at habang pinapanood sila ni Duke ay napangiti ako.

These two will become engineers in the future.

Nangatal ang kamay ko nang mabuksan ang email.

Tuluyang bumagsak ang luha ko nang mabasa ang laman non.

"The College of Engineering was delighted to have you for three consecutive years. However,
your scores did not reach our passing grade. We will show you your scores in the next few days.
We were sorry. We still hope for the best for you. Thank you."
Parang natahimik ang mundo ko.

I failed.

I was not qualified to go to the next level.

Just like that, the three years I spent in that program had been a complete waste.

Nakita ako nina Duke at Troy. One look and they knew what happened. Lumapit sa akin si Troy
at niyakap ako nang mahigpit. He comforted me while Duke was staring sadly at me. Hindi siya
nakagalaw.

Umupo ako sa mesa namin nang tahimik... thinking of my next plans. Siguro ay titigil na lang
muna ako. Nand'yan naman lagi ang edukasyon. I have a lot on my plate right now.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng baso kaya napaangat ako ng tingin.

Mitzie was crying.

Inilapag niya ang cellphone sa mesa at nakita kong iisa ang mensaheng natanggap namin.

Bagsak din siya.

She sobbed and pulled her hair. Iyak siya nang iyak at habag na habag ako sa kanya. Her agony
was palpable to me. We put in a lot of effort for this, and now, fate has decided that we aren't
good enough. It was funny how a piece of paper could derail her plans... and my way of life.
Tumulo ang luha ko nang tumayo siya at tumakbo paalis sa rooftop. Agad itong hinabol ni Troy.

Tumayo rin si Duke. Nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa pintong nilabasan ng
dalawa. Gusto niyang sundan ang dalawa... alam ko. Maiiwan akong mag-isa rito.

I sighed and held his hand. "Dito ka lang." I pleaded. "Please, dito ka lang..."

Kita ko ang gulo sa mga mata niya. Nawala ang sayang kanina lang ay nakapinta sa mukha niya.
He looked like he wanted to follow Mitzie, but because of me, he couldn't.

I smiled. "Sige na nga. Gawin mo na lang kung anong gusto mo..." my voice cracked. Dahan-
dahan kong binitawan ang kamay niya.

He looked at me apologetically. Eyes were regretful... as if he was torn.

Alam ko na agad kung anong gusto niya.

Alam ko na agad kung sinong pinili niya.

"She needs me, Sol..." he whispered. "I-I'm sorry..."

Tumango lang ako. Hindi ako makikipagkumpitensiya sa kanya, Duke. I need you, too, but I won't
tell you to choose me.

"Mas hindi niya inasahan 'to..."


Doon ako nadurog. He apologized again before running away from me.

Oo nga, mas hindi inaasahan ni Mitzie ito dahil kumpara sa akin, mas matalino siya. Kumpara sa
akin, mas malungkot siya. Kumpara sa akin, mas kailangan niya si Duke.

Duke really had his ways to make me feel awful and... not good enough.

Chapter 21

Trigger Warning: Suicide Attempt

Umiyak ako nang mag-isa sa rooftop nila. No one was there to comfort me. Kahit ang nag-iisang
taong inaasahan ko na yayakap sa akin ay tumakbo palayo para sa iba.

I hated the fact that people always saw me as a strong woman who didn't need anything.
Nasanay sila na okay lang ang lahat sa akin kaya ngayon, iniisip nila na ayos lang din, na kaya
ko...

Siguro kung ako iyong nabastos sa bar, ako iyong mambubugbog sa lalaki kaya hindi sila mag-
aalala. Siguro kung kasing hina ako ni Mitzie, may magpapakalma rin sa akin. May mananatili rin
sa tabi ko.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

I was so tired of being my own savior.

Umuwi ako sa bahay namin dahil hindi na sila nakabalik matapos ang ilang minuto. Walang
bumalik para sa akin. Walang bumalik para yakapin ako.
Sana ako na lang si Mitzie. Sana kaibigan na lang din ako ni Duke, hindi girlfriend.

Pumasok ako sa kwarto ni Nanay at doon nag-iiyak. Ang hirap isiping lagi akong mag-isa. Gusto
kong magkwento kay Nanay na hindi ako ayos. Gusto ko ulit maramdaman na may magsasabi
sa akin na magiging ayos din ang lahat.

I felt like I lost everything.

Nawala si Nanay. Nawala iyong tatlong taong pinaghirapan ko. Dumulas si Duke mula sa
pagkakahawak ko.

People... sasabihin nilang nand'yan sila palagi para sa 'yo. But when you needed them most,
wala sila... hindi sila mahanap. They were all saying comforting words, pero sa dulo, walang
hahawak sa kamay mo para samahan ka.

And I couldn't blame anyone for it. Wala akong karapatang utusan sila na mag-alala para sa akin.
I should be able to control myself. I should be able to stand on my own.

I cried hard. Namamaga na ang mga mata ko pero umiiyak pa rin ako. Nakakasawa na lagi na
lang akong ganito.

I was disappointed with myself. Ipinagpilitan ko ang sarili ko sa engineering kahit alam kong
hindi ko kaya. Inisip ko kasing nand'yan si Duke pero hindi ko naman pala siya pwedeng asahan
lagi dahil laban ko 'to.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa shop. Itinext ko lang si Duke na mauuna na ako dahil
marami akong dapat gawin kahit ang totoo ay gusto ko lang umiwas.

Duke Laurence:
I'm sorry.

I didn't reply. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng chocolate chip cookie. Binati ako ni Ate
Sab at napansin niya ang pamumula ng mata ko. I just said I didn't sleep well.

Dumating ang mga customers pero dahil marami na kaming nagawa ay tumulong na lang ako
sa labas sa pagseserve. Ayokong magpahinga dahil mag-iisip lang ako.

Napansin ko si Harvin na nakaupo sa mesa sa may bintana at nakatingin sa malayo. Ibinaba ko


ang hawak na tray at umupo sa tapat niya.

I cleared my throat. "Ang lungkot mo yata."

Tumingin siya sa akin at malungkot na napangiti. Araw-araw siyang nasa shop dahil siya ang
pinagbabantay ni Ma'am Candy pero ngayon ay ibang-iba ang awra niya.

"Nag-quit si Mitz sa banda," he uttered.

I sighed, nalungkot para sa kanya. Sa lagay ng babae ngayon, sigurado akong gusto niya
munang magpahinga.

"Paano ang gigs niyo?"

He shrugged. "Hindi muna siguro kami tatanggap. Hahanap kami ng bagong vocalist."

I nodded. Para kaming tangang dalawa dahil kahit mainit sa pwesto namin ay nagawa naming
mag-emote.
"Pasa ka?" tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.

I chuckled. "Si Mitzie nga hindi nakapasa, ako pa kaya?"

His eyebrows furrowed. "Don't say that, Sol. Magkaiba kayo. May mga bagay na kaya niya at
hindi mo kaya pero may mga kakayanan ka rin na hindi niya magagawa. Don't compare yourself
to her."

Napangiti ako sa kanya. Siguro, kung hindi si Duke ang laman ng puso ko, nahulog na ako kay
Harvin. He knew what to say every single time. He was always there for me.

"Sayang iyong tatlong taon." Naiiling na saad ko. "Tangina, sayang pagpapaaral sa akin ni
Nanay."

He grabbed my hand and gently squeezed it. "You're meant for something greater than being an
engineer, Sol."

Tumango ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. I thanked
him... wholeheartedly.

Tumayo na ako at nagsimula sa pagtatrabaho. My day at the shop went smoothly. Kahit
papaano ay nakalimutan ko ang nangyari kagabi. Duke told me that he would fetch me dahil
hindi niya na ako naihatid kanina.

Isang oras na lang at matatapos na ang out ko. Nakita kong pumasok si Troy sa shop at hawak
ang kamay ng isang babae. She was petite. Her skin was fair, and her face was simple. May
pagka-chinita at dahil nakangiti ay kita ko ang maliliit at pantay-pantay niyang ngipin. She looked
like a K-pop idol.
"Sol, beb!" bati sa akin ni Troy. "Si Chin."

Ngumiti ako nang malaki at nakipagkamay sa kanya. She bit her lower lip shyly while looking at
me.

"I'm Solene." Ngumiti ako.

Pinaupo ko sila sa pang-dalawahang mesa at personal na kinuha ang orders nila. Troy looked
like he wanted to talk to me, but I didn't give him the chance to say anything. If he was going to
apologize for what happened yesterday, hindi na iyon kailangan. I was not anyone's
responsibility.

I observed them both. Ang kaninang maamong mukha ni Chin ay nakabusangot sa nakangising
si Troy. Parang inaasar pa yata niya ang babae.

Bago sila tuluyang umalis ay nagpaalam silang dalawa sa akin. The innocent and sweet Chin
said she'd see me around the campus. Tumango lang ako kahit alam kong hindi ako mag-aaral
sa taong iyon.

Nang mag-out ako ay malungkot akong naghintay sa labas. Matatapos na naman ang araw na
hindi pa rin ako nakakaipon. Oo, may pamasahe ako pa-Maynila pero hindi ko alam kung saan
ko hahanapin si Nanay. I needed more money.

At si Duke.

I sighed. I felt like this wasn't the right time for us to be together. Mahal ko siya pero mas
madalas na 'yong sakit at duda kaysa sa saya. I treasure Mitzie so much, but I couldn't stand
seeing them together. Para akong madudurog sa selos.

Pumarada ang motor niya sa tapat ko kaya ngumiti ako na parang walang problema.
"Hi!" I greeted him.

Hindi agad niya ako pinaangkas sa likod. Humarap siya sa akin at doon, muli akong nahulog sa
kanya. One look, and I was drowning. Ang gwapo niya sa suot niyang white t-shirt at khaki short.

"Puyat ka?" tanong ko sa kanya bago hawakan ang magkabilang pisngi niya. Dahil nakaupo siya
sa motor niya ay mabilis kong nagawa iyon.

I kissed his eyes and smiled widely at him. Nakita ko ang pagpapakawala niya ng buntong
hininga at pinulupot ang kamay sa bewang ko. He rested his face on my chest.

I caressed his hair. Ramdam ko ang pagod niya pero kahit alam kong hindi ako ang dahilan non,
I calmed down. I let him rest in my warmth.

"Nasaktan na naman kita..." I heard him whisper.

"Hindi ah! Mitzie needed you. Kaya ko naman, Duke! Wala ka bang tiwala sa akin?" sagot ko. I
lied. I needed you, too, Duke.

Bumitaw siya at tinitigan ako. "Alam kong kaya mo. You can always shine alone, Sol... because
you're like a sun... my sun." He kissed my forehead. "But still... I'm sorry... I was just... I'm so
sorry."

Hindi niya maituloy ang sasabihin hanggang sa bigyan niya na lang ako ng isang pagod na ngiti.
His eyes were swollen, and there were dark circles under them.

For the first time, he seemed to be someone who had given up.
Agad ko ring iwinaksi ang naiisip nang maalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Tahimik na
pumunta na ako sa likod niya at isinuot ang helmet.

Nang maitago ang mukha ay mabilis na tumulo ang luha ko. Natatakot ako dahil sinabi rin ni
Nanay na ako ang araw niya pero umalis siya at iniwan ako.

Would you do the same, Duke?

Nakauwi ako nang tahimik lang. Ni hindi ko na pinansin si Duke nang makababa ako. Pumunta
ulit ako sa kwarto ni Nanay, hindi para umiyak kung hindi para maalala kung anong mga plano
ko.

I sighed. Binuksan ko ang cabinet ni Nanay para basahin ulit ang sulat niya dahil iyon na lang
ang nagbibigay ng lakas sa akin. Akmang kukunin ko na ito nang makakita ako ng maliit na
brown envelope na nakasingit sa paborito niyang daster.

Inilapag ko ang letter sa kama at kinuha ang sobre.

'Pangarap ni Sol'

Ayun ang nakalagay sa likod ng sobre. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko! Pera!

Mabilis akong pumunta sa kama at nangangatal na inilabas ang lahat ng pera. Kaya ba hindi
kami makaahon sa hirap ay dahil sa pag-iipon ni Nanay?

Nanlalambot ako nang matapos bilangin ang pera. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang
mag-ipon pero napakalaki ng dalawang daang libo para maipon niya ngayong taon lang.

Ni hindi niya dinala ang pera sa Maynila. She didn't use the money to hire an attorney.
I gulped as I stood. Sasabihin ko kay Duke ito! He has the right to know what's going on with my
life. He's my boyfriend! I knew he would not judge me. Isa pa, he could help me. Kumpara sa
akin, mas maraming koneksyon ang pamilya niya. We could easily locate Nanay!

Kinuha ko ang cellphone ko at tumakbo papunta sa bahay nila. Makalipas ang ilang minuto ay
lumabas si Tita Gemma. She saw how agitated I was kaya medyo nagtaka siya.

"Sol? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Nasaan po si Duke, Tita?"

"Umalis, eh. Hindi ko alam kung saan pupunta. Give him a call."

Matapos sabihin iyon ay tinapik niya ang likod ko at nilampasan ako. Ako naman ay
nanlulumong bumalik sa bahay. Aalis ako bukas at ngayong alas sais na nang gabi ay wala si
Duke. Nasaan naman kaya iyon? Itatanong ko pa naman sana kung pwede niya akong samahan.

I decided to just wait for him. Naupo ako sa bahay namin habang nagre-research ng mga police
station sa Maynila. Kung hindi ay baka pumunta na lang ako sa police station dito sa Isabela at
itanong kung saan dinala si Nanay.

Habang nagre-research ay nagulat ako nang nagtext si Troy.

Troy Asungot:

MITZIE IS PLANNING TO TAKE HER LIFE! PUMUNTA KA NGAYON SA ENGINEERING BUILDING!


Isinarado ko ang bahay. Hindi ko na pinansin ang magkaibang pares ng tsinelas ko dahil sa pag-
aalala! Habang papunta ay nangangatal ako sa takot.

Mitzie... please, hold on.

Mabilis kong narating ang department namin. Maraming estudyante ang nakapalibot doon
habang nakatingala. Anim na palapag ang building namin pero tanaw ko si Mitzie na nasa dulo
at handang tumalon.

"Mitz, no!" sigaw ko kahit hindi niya ako rinig. I found that people were looking at me. I was a
fucking mess.

Hinawi ko sila at nagmamadaling umakyat sa taas. Sa pagmamadali at takot ay mabilis kong


naakyat ito.

There I saw Mitzie, Duke, and Troy. Hindi makalapit ang dalawang lalaki kay Mitz dahil umiiyak
siya. Kaunting galaw na lang ay mahuhulog talaga siya.

Maraming estudyante ang naroon pero pinapanood lang nila kung paano pigilan nina Duke at
Troy si Mitz.

"Nasaan ang mga teachers?!" sigaw ko dahil sa galit. They should be here!

Ni hindi ko napansin na si Roswell ang napagtanungan ko.

"I-I don't know..." tanging sagot niya.

Hindi pa ako kita nina Mitzie, Duke at Troy dahil hindi ko magawang lumapit. I couldn't stand this!
"Mitz, please, mag-uusap tayo... halika na," puno ng lambing na saad ni Duke. He was extending
his hand, trying to reach her.

"Shut up, Duke!" galit na galit na sigaw niya. "I don't need you! I don't need any of you!"

Troy didn't know what to do. He's approaching her, but she's just so dismissive. Nakakatakot na
baka kapag nagalit ito ay tuluyan siyang tumalon.

"Kayong lahat... 'wag niyo akong pigilan..." she uttered. A tear fell from her eyes.

"Hindi na ako magiging maayos! Pagod na pagod na akong maging disappointment ni Daddy!"
She cried harder. "I failed the battery exam!"

Nakarinig ako ng singhap mula sa paligid.

"And you know what he did?! He fucking disowned me! He said I'm a disgrace to our family!
Ipapatanggal niya sa family register ang pangalan ko!"

Tumulo ang luha ko sa sinasabi niya. She had a cruel father, and I didn't know that.

"He... kept on telling me na hindi niya ako anak... hindi niya ako tunay na anak dahil produkto ako
ng rape! He isn't my biological father because I'm the daughter of a rapist!"

"Mitzie, please..." pagod na saad ni Duke. "Come on, Mitz..."

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!"
Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ko.

"I care for you, Mitzie. Alam mo iyan," pang-aalo ni Duke.

"But you love her more!" sigaw niya. "Hindi naman kita gusto pero dahil kang nand'yan para sa
'kin, hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa kanya, nahuhulog
ako sa 'yo!"

Habang naririnig ko ang singhap ng mga tao ay tumulo ang luha ko. No, Mitz, please, don't do
this...

"Alam mo ba?! Noong binully ako, nakita niya ako pero hindi niya ako tinulungan!" galit na sigaw
niya.

Tumubo ang hiya at guilt sa puso ko. She saw me.

"Tapos aarte siya na parang magkaibigan kami?! Now, tell me, Duke, do you love her?! Do you
love Sol?!" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

"Mitz, 'wag kang ganiyan! 'Wag mong pagsasalitaan nang ganiyan si Sol!" sigaw ni Troy pero
hinawakan lang siya ni Duke.

He shook his head. "N-no, Mitz, I-I don't love her..."

Nakatingin na sa akin ang mga estudyante. Umiiyak lang ako habang pinapanood sila. He was
just telling that to pursue her, right? Sinasabi niya lang iyan para pakalmahin siya, hindi ba?
"Sinungaling! You two are together!"

Kita ko uli ang pag-iling niya. Bawat galaw ng ulo niya ay nadudurog ako. He was denying us...
for her... again.

"Is she better than me?!" tanong niya ulit. Nakatitig sa mukha ni Duke.

"Mitzie!" galit na sigaw ni Troy. "What's wrong with you?!"

Muli siyang pinatigil ni Duke sa pagsasalita. I was just there, watching all of them. Iyong mga
kasama ko kagabi... iyong mga nakatawanan ko sa room at sa canteen...

"You're the best, Mitzie... walang papantay sa 'yo," Duke answered. His voice was shaking.

I cried harder. Walang makalapit sa akin kahit na alam kong gusto nila akong aluin.

Nanatili ang determinadong mukha ni Mitzie. She was looking intently at Duke.

"Am I better?" mahinang tanong niya.

Nahihirapang tumango ang lalaki. "Oo, Mitz. Kahit kanino. You're always better."

"Kahit kay Sol?"

I cried even more. I knew I didn't want to hear this.


"Oo naman... kahit kay S-Sol."

"Tangina mo, Duke!" galit na sigaw ni Troy. "Pre, anong ginagawa mo?!"

Umiyak lang ako nang umiyak. Of course, she was better. She was smarter. She was prettier.

"Halika na, Mitzie," Duke uttered, but Mitzie shook her head.

"Sinong mas mahal mo sa amin ni Sol? Sinong mas importante para sa 'yo? Sinong mas gusto
mong makasama?" sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ko makita ang mukha ni Duke kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.

"Ikaw..." He sighed. "Ikaw lahat..."

My knees gave up. Natulala lang ako sa kawalan, hindi alintana ang mga nakatingin sa akin. I
could feel my heart slowly tearing apart.

"Sinasabi mo lang iyan para pigilan ako!"

"No! Kung totoong mas gusto ko si Solene, sana noon pa lang, bago ka dumating ay niligawan
ko na siya..." he answered softly. "She isn't as good as you. She's nothing compared to you,
Mitz..."

Duke, tama na, durog na durog na ako.

Dahan-dahan akong tumayo at mabagal na lumapit sa kanila. Ramdam ko ang tingin ng mga tao.
"Okay ka na ba, Mitz?" My voice cracked. "Did you get the validation you needed?"

Nagulat si Duke sa paglapit ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil alam niyang dinig
ko lahat ng sinabi niya. Bigla niyang tinalikuran si Mitzie at nilapitan ako.

He tried reaching for my hand, but I shoved him away.

Nanatili ang mga mata ko kay Mitzie. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, parang
natauhan.

"Putangina, umpisa pa lang... umpisa pa lang alam mo na ang nararamdaman ko para kay
Duke!" nangangatal na saad ko.

Troy held my wrist, but I didn't care.

"Oo! Hindi kita ipinagtanggol dahil putangina, nasaktan ako! May picture kayo ni Duke na
naghahalikan pero hindi ka manlang nagpaliwanag!"

"S-sol..." naiiyak na tawag ni Duke sa akin ngunit itinulak ko lang siya. Nabasa ko ang labis na
takot sa mga mata niya.

"Mitzie, may narinig ka ba sa akin?! Wala!"

She couldn't look at me. Nakayuko lang siya. Bahagyang bumaba sa railings... ngunit wala na
akong pakealam. My heart was breaking...

Humarap ako kay Duke. May luha sa mga mata niya habang umiiling sa akin.
"B-baby, no..." hirap na hirap na saad niya. "S-sinabi ko lang yon..."

I laughed while tears were streaming down my face.

"Oo, naiintindihan ko!" sigaw ko. "In order to save her, you have to fucking disrespect me!"

He shook his head. Basang basa ko ang halu-halong emosyon sa kanya. Takot, kaba, pagsisisi.

"Putangina, Duke, girlfriend mo ako eh..." Itinuro ko ang sarili ko. "Girlfriend mo ako pero ilang
beses mo nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si Mitzie..."

"Sol... hindi..." Umiling siya nang paulit-ulit. "Sol..." nagmakakaawang tawag niya sa akin.

My hands were shaking in pain. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko. Rinig ko
ang gulat sa paligid pero walang nagtanong.

Tuluyang lumapit sa pwesto namin si Mitzie.

"S-sol," she called me in a terrified manner.

I laughed. "Ayan!" saad ko. "Napababa mo na! Okay na ba?"

Bumaba ang tingin ko sa magkaiba kong tsinelas... na sa pagmamadali ay hindi ko na nabago. I


was worrying about her tapos eto ang bubungad sa akin? I was worrying about her, and there
they are, making me feel useless.
"Oo, Mitzie. You're better than me. Mas matalino ka, mas maganda ka, mas mayaman ka... lahat
ng hindi ako. Maganda ang reputasyon mo sa school hindi kagaya ko na may mga issue."

I sobbed while looking at them. "P-pero tangina naman... kaibigan ko kayo eh," iyak ko. "B-bakit
niyo ako ginaganito?"

I stared at Mitzie. "Bagsak din ako sa exam pero ikaw ang pinuntahan ni Duke." Sumbat ko. "N-
nagmakaawa akong 'wag siyang umalis sa tabi ko... pero sinundan ka n-niya."

Niyakap ako ni Duke pero dahil sa gigil ko ay malakas ko siyang itinulak. Galit ako! Galit na galit
ako! I didn't need your hugs! I didn't need your comforting words!

"Ang galing mo!" sigaw ko sa kanya. "Para iligtas siya, kailangan mong lunurin ako!"

Iyak nang iyak si Duke, hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Si Troy ay lumapit sa akin at
hinihigit ako pero hindi ako gumagalaw.

Walang nagsasalita sa kanila. Tanging ang iyak lang naming tatlo ang maririnig sa buong
rooftop. Ang mga tao sa paligid ay nanonood lang.

I composed myself and looked into his eyes. Siya iyong taong mahal na mahal ko simula no'ng
nagkaisip ako. I aligned my dreams for him. I took that program because of him. I was still
holding on because I knew I had him. Siya ang lahat sa akin pero hindi ako magiging sapat sa
kanya.

"Sa lahat ng tao, Duke, ikaw ang hindi ko inaasahang sasaktan ako nang ganito..."

"Sol... please..."
I gulped. "Maghiwalay na tayo."

Kita ko kung paano nagdaan ang sakit sa mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ang
kamay ko pero tumalikod na ako. I was drained. Gusto ko nang magpahinga. Sa buong relasyon
namin ni Duke, lagi na lang nariyan si Mitzie. Ngayong harap-harapan kong narinig na hindi niya
ako mahal at mas higit ang babae kaysa akin ay naging sampal iyon sa akin.

Wala akong pakealam kung sinabi niya lang iyon para iligtas si Mitzie dahil alam ko sa sarili ko
na sa nagdaang mga buwan, iyon ang ipinaramdam niya sa akin.

Walang pumigil sa akin hanggang sa makalabas ako ng school. Everyone was looking at me.
Sinabihan ko si Troy na 'wag akong sundan dahil gusto kong mapag-isa.

Duke and Mitzie were calling, but my heart couldn't take another blow. Pagod na pagod na
akong makipagkumpitensiya sa oras at atensyon ni Duke, kaya sige na, I would raise my white
flag.

I had no idea how I got back home. I packed all of my belongings and boarded a bus to Manila
right away.

This would be the last time I'd cry because of him.

I hoped that in our next lives, the world would be a lot kinder to us and that our ending would be
more gentle.

Farewell, my young love.

Chapter 22
Trigger Warning: Suicide

It wasn't easy. Wala akong alam sa Maynila nang dumating ako rito.

Bagay na napagtanto ko nang matuto akong mabuhay mag-isa, mas masakit ang proseso ng
paghilom kaysa sa mismong sugat.

I texted Ma'am Candy that I would leave Isabela because of some matters. Matapos iyon ay
nagpalit na ako ng number. I deactivated all my social media accounts. Ang pokus ko ngayon ay
nasa paghahanap kay Nanay.

Ngayon ay nasa harap ako ng Manila City Jail. After months of searching, dito ako napadpad.
Sabi ng isang police officer ay naging mabilis lang ang trial ni Nanay dahil umamin siya sa
ginawa niya. My father's family in America was furious.

I lost count of the months that passed. Ito ang unang beses na makikita ko si Nanay.
Napuntahan ko na halos lahat ng presinto kahahanap sa kanya. Hindi ako nakapagtanong sa
mga pulis sa Isabela dahil sa mabilisan kong pag-alis. Hindi pa maasahan ang mga pulis dito sa
Maynila dahil kahit ilang beses ko nang ipinahanap ay walang kumikilos sa kanila.

Of course, I didn't have the power to do that.

Pumasok ako sa presinto at sinabi sa isang officer doon na narito ako para sa Nanay ko.
Inagahan ko ang punta dahil hindi ako mapakali sa bahay.

"Nay..."

Kung noon ay laglag ang katawan niya, mas kapansin-pansin ito ngayon. She was dressed in an
orange shirt, and no matter how hard I tried, I couldn't keep my gaze away from her.

Humagulgol ako nang maupo siya sa tabi ko. Walang bakas ng gulat sa mukha niya pero kita ko
ang lungkot doon.

Niyakap ko siya nang mahigpit; ni ayaw kong bumitaw dahil pakiramdam ko ay mawawala siya.

"Anak..."

Mas lalo akong naiyak sa paraan niya ng pagtawag sa akin. It sounded so soft and sweet.
Matapos ang halos kalahating taon naming hindi pagkikita, nahawakan ko ulit siya. Narinig ko
ulit siya.

It was just one of the days. Araw-araw akong dumadalaw sa kanya, walang palya. Lumipat din
ako sa mas malapit na apartment para mas mabilis akong makapunta sa kanya.

Dinadalhan ko siya ng pagkain. Nakahanap din ako ng trabaho. Nag-apply ako sa isang maliit na
bakery at nagustuhan nila ang paggawa ko ng pandesal. Sapat na sa pangkain ko ang kinikita ko
araw-araw. Pag tanghalian ay lagi ko ring dinadalhan si Nanay sa kulungan.

We couldn't win her case, ayun ang sinabi ng abogado ni Nanay nang kausapin ko ito. Umamin
siya sa kasalanan at nag-match ang fingerprints niya sa mga nakalap na ebidensiya.

This was the very least I could do for her. Kuntento na akong hindi man kami kagaya ng dati,
mas ayos sa akin ang nakikita ko siya. It was a lifetime imprisonment. Hindi na kami uli
magsasama sa iisang bubong dahil habambuhay na siya sa bilangguan.

She made friends with some of the prisoners. Itinuring daw siya na parang nanay rin sa loob.
"Nag-bake ako ng brownies, sariling recipe ko! Ikaw pa lang makakatikim niyan!" I said proudly.

She narrowed her eyes at me. Kumuha siya ng isang piraso at kinagat ito. Nakatitig lang ako sa
kanya habang hinihintay ang reaksyon niya.

Napangiti ako nang bigyan niya ako ng approved sign. "Sarap! Pwede mong ibenta 'to!"

Hindi ko ginastos ang perang naipon ni Nanay. Sinabi niya sa akin na limang taon niyang nilikom
iyon para makapagpagawa ako ng bakeshop. Hindi ako sumagot sa kanya no'n dahil alam ko sa
sarili kong hindi pa ako handa lalo at nandito siya sa loob.

At ang sakit na wala akong magawa kung hindi ang hayaan siyang manirahan sa isang lugar na
hindi siya pamilyar.

"Nay." Bumuntong-hininga ako. "Hindi talaga ako para sa engineering."

Ngumiti ako sa kanya bago napakamot sa batok.

"Alam ko!" tawa niya. "Nag-engineering ka lang naman kasi akala mo yayaman ka ro'n."

I shrugged. "Hirap pala. Sayang lang 'yong taon."

Umiling siya. "Hindi, ah. Marami ka rin namang natutunan. Hindi ka na talo." She sighed.
"Kumusta pala trabaho mo?"

"Ang taray ni Ate Eva." I pouted. "Natalo ako sa kamalditahan."


"Naku, Sol! Kapag minaltrato ka ay umalis ka na d'yan!"

I nodded. "Syempre. Ingat na ingat mo ako tapos gaganunin nila ako? Hindi pwede!"

Ilang minuto pa kaming naglokohan hanggang sa papasukin na siya ng nagbabantay. Pinanood


ko siyang tumalikod sa akin at kumaway. No'ng 20th birthday ko, nag-bake ako ng cake at dinala
ko iyon dito. Maraming preso ang natuwa dahil masarap daw akong mag-bake.

May mga oras na hindi ako nilalabas ni Nanay dahil gusto niyang magpahinga kaya sina Ate
Lorna, Jopay at Asul ang nakikipagkwentuhan sa akin. Sinasabi nila sa akin kung paano ang
buhay nila sa loob.

Akala ko dati ay puro hirap lang sila pero sa kwento nila, normal naman pala. Hindi naman pala
sobrang sama.

It was strange how those "bad" people seemed to be so kind to me.

Paglabas ko sa presinto ay muli akong dumiretso sa bakery. Maliit lang ito ngunit masasabi
mong patok dahil lagi kaming sold out.

"Oh, buti naman at bumalik ka pa?"

I mentally rolled my eyes. "Hindi pa naman po ako late, Ate Eva."

Pinandilatan niya ako ng mata. "Ang daming naghahanap ng pandecoco! Wala nang stock dahil
inuuna mo ang nanay mo!"

I breathed heavily. "Gagawa na lang ako, 'te."


Pumasok ako sa loob at sinimulan ang trabaho. Marami akong ginawa kanina at sigurado
akong sapat na iyon hanggang hapon pero mukhang mabenta kaya doble ang gawa ko.

Dalawa lang kami ni Ate Eva na gumagawa ng tinapay. Pamilya niya ang may-ari ng bakery kaya
kahit nakakagigil minsan ay pinipigilan ko ang sarili ko na sumagot.

"Sol! Magwalis ka habang nag-hintay na maluto iyan! 'Wag kang maupo lang!" sigaw niya.

Napatayo ako at bahagyang napairap. Napakarami kong ginawa at nararamdaman ko na ang


pagod pero tumayo pa rin ako at nagwalis. Matapos iyon ay pinunasan ko na rin ang ibang
appliances dahil baka may masabi pa siya.

Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi ako at nag-online. Tiningnan ko kung may customer ba
ako ngunit napabuntong hininga ako nang makitang walang gustong um-order.

I sighed. Bumili ako ng oven para sana magbenta ng pastries pero wala talagang bumibili sa
akin. Wala naman kasi akong magandang pang-picture para maging kaaya-aya ito sa mata.
Problema ko pa minsan ang pambayad sa renta dahil ayokong gastusin ang perang binigay ni
Nanay. She earned it for my dream, not for my expenses.

Isang taon akong gano'n. Papasok nang alas sinco nang umaga sa bakery, bibili ng pagkain ni
Nanay, pupunta sa presinto, babalik sa bakery hanggang sa umuwi. Paikot-ikot ang buhay ko at
hindi lang iisang beses kong ginustong sumuko.

I was emotionally, physically, and mentally drained. Gusto kong sabihin kay Nanay na pagod na
pagod na ako pero ayokong pag-isipin pa siya.

Wala akong naging kaibigan kaya lalo akong nahirapan. Tanging si Nanay lang talaga ang
meron ako. Pero sa dulo ng araw, ayos lang, dahil alam kong matatapos din ang lahat.
Kinakaya ko naman ang lahat hanggang sa dumating ang araw na 'yon.

"Anak, 'wag ka nang dumalaw sa akin."

Ayan ang bungad niya sa akin isang umaga. Katatapos lang ng araw ng mga puso at pagkakita
niya pa lang sa akin ay nabasa ko ang awa sa mga mata niya.

"Bakit? Edi wala na akong ginawa sa buhay kung hindi kita pupuntahan?" nakangusong saad ko.

She sighed. "Basta 'wag ka nang dumalaw sa akin..."

I scoffed. "Hindi pwede 'yon, Nay. Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ayaw mo."

"Magpatuloy ka na lang sa buhay mo, Sol. 'Wag mo na akong bilhan ng damit, bigyan ng regalo,
at pakainin. 'Wag mo na akong alagaan." Her tears were glistening in her eyes.. "Ayokong
nakikita kang ganiyan."

Kinagat ko ang labi at hinawakan ang kamay niya. "Para ka namang tanga, eh..." panunumbat ko.
"Iniwan ko nga ang Isabela para sa 'yo... 'wag mo naman akong ipagtabuiyan, Nay."

Natapos ang araw na 'yon na iniisip ko lang siya. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya
pakikinggan. Napagalitan tuloy ako ni Ate Eva dahil nasunog ko ang bina-bake. Kinaltas niya pa
sa sweldo ko.

Hanggang noong mga sumunod na punta ko sa kanya, hindi na niya ako nilabas. Lagi siyang
nagdadahilan na pagod siya at may ginagawa. Pero hindi ako sumuko. Malapit nang mag-senior
ang Nanay ko kaya baka signs of aging lang.
"Lagi ngang may malalim na iniisip iyang si Ate Yella, laging tulala. May pinag-awayan ba kayo?"

Tumatak sa akin ang sinabing iyon ni Asul. Sigurado akong may pinagdadaanan si Nanay at
wala akong ideya kung ano iyon dahil hindi niya naman ako kinukwentuhan.

Ilang buwan din ang lumipas na hindi niya ako nilalabas. Ipinapadala ko lang ang mga pagkain
sa loob kay Ate Jopay dahil ayaw niya akong makita.

It hurt me. Before I knew it, gabi-gabi na naman akong umiiyak habang inaalala siya at ang mga
nangyari noon bago ako umalis sa Isabela.

Kahit ilang beses kong itanggi, ang hapdi-hapdi pa rin. Maayos na ako, eh. Nabubuhay na ako.
Pero tuwing maaalala ko lahat ng nangyari, bumabalik lahat ng sakit.

I had mental breakdowns, and each day, I was forcing myself to wake up and live. Bawal akong
huminto dahil ang pagtigil ay para sa mga may pribilehiyo lang. Kapag tumigil ako, wala akong
ipangbabayad sa renta... wala akong ipangkakain... wala akong ipangbibigay kay Nanay.

Birthday ko nang magpakita siya sa akin pero hindi niya ako kinausap. Nagdala ulit ako ng cake
para sa kanila. Sinusuyo ko siya pero iniignora niya lang ako at hindi binabalingan ng tingin.

Bago ako tuluyang umalis, sinabi niya ulit sa akin na 'wag na akong babalik. Sinabi niyang
humakbang na ako at iwan ang nakaraan.

"Kung kasama ka sa iiwan ko sa nakaraan, hinding-hindi ko gagawin 'yon, Nay."

Another agonizing month had passed. Nagsasawa na ako at napapagod sa araw-araw na


pagbisita sa kanya pero hindi niya ako pinupuntahan; ni hindi ako ma-kumusta sa trabaho ko.
Minsan nga ay gusto ko na lang din gumawa ng krimen para kahit papaano ay kasama ko siya
dahil pagod na pagod na sa mundong malaya ako pero para akong nakakulong.

Pero sabi ko, kakayanin ko. May pangarap siya para sa akin at hindi ko na siya ulit bibiguin.

Nandoon na, eh. Kaya ko na... pero dahil sa isang text message, itinanong ko ulit ang sarili ko
kung kaya ko ba. Dahil unti-unti, para akong pinapatay.

I ended up bruised and scarred by the person I valued most.

Officer Manolo

Sol, nagbigti ang Nanay Yella.

Nilunod ko ang sarili ko sa alak nang mangyari iyon. Nilibing ko ang labi ni Nanay. Pinaglamayan
din siya sa presinto pero wala na akong nakausap.

I'd spent my nights drinking hard liquors. I made sure I always got drunk so that I would forget. I
hoped that when my vision was spinning, I'd stop wondering... it would stop hurting.

Pero pag gigising ako sa umaga, wala, nandoon pa rin iyong sakit... nandoon pa rin ang bigat ng
kawalan.

Walang iniwan kahit sulat si Nanay pero alam ko ang rason niya. Gusto niyang tumuloy na ako
sa buhay nang hindi siya kasama. Gusto niyang kalimutan ko na siya.

And she had to lose her life to stop me. She had to kill herself for me to move forward.
Chapter 23

Malalim ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa The Slice. Malinis ang glass wall at
maganda ang interior design. Tanaw ang counter kung saan ilalagay ang mga pastries.

May mga couches na asul at single chairs na puti. Ang mga mesa naman ay itim lang gaya ng
sahig para malinis itong tingnan. Ang mga pader ay puti rin ngunit may mga dilaw na ilaw na
nagbibigay ng romantic ambience sa lugar. There were paintings and photographs hanging on
the wall. Ang counter ay asul din para iterno sa kulay ng couches.

I smiled.

"Congrats, Miss Solene!"

Sinuntok ko sa tiyan si Jelay. "Anong Miss?! Kadiri ka!"

Itinaas-taas niya ang kilay sa akin, parang nang-aasar. Inirapan ko lang siya bago kami tuluyang
pumasok sa shop. Soft opening pa lang dahil ngayon lang nakumpleto ang furniture ng shop ko.

I worked my ass off for this. Hindi madali. Sa loob ng halos limang taon simula ng mawala si
Nanay, puro hirap ang dinanas ko. Nangatulong ako nang anim na buwan sa isang bahay na
minaniyak lang ako ng asawa ng amo ko, naging janitress, naging call center agent; lahat
pinasok ko.

Ayokong mabakante ang oras ko dahil mag-iisip lang ako. Matapos kong mag-quit sa trabaho
ko sa bakery ay nagfocus din ako sa online selling. I didn't give up on my dreams because it was
my mom's dream for me.

At ngayon, heto na.


At 26, I was officially a bakeshop owner.

Nagkita uli kami ni Jelay nang nagtrabaho ako bilang janitress sa kumpaniyang
pinagtatrabahuhan niya. We became friends after that. May trabaho pa rin siya pero hanggang
ngayon ay suportado niya ang business ko.

Kinuhanan ko ng litrato ang shop ko at ipinost ito sa facebook at instagram page ko.

The Slice

Soft opening starts today! Visit us at Lime St. near State Hermitage. See you!

Wala pang limang minuto kong na-post ay ang dami na agad comments. May mga nag-share pa
na sinasabing ang instagrammable daw ng lugar.

Sa Manila na talaga ako nag-stay. Ngayong taon ay binabalak kong bumalik sa Isabela para
tingnan ang bahay namin dahil matagal ko na rin iyong hindi nabisita. Ni hindi ko nga alam kung
nandoon pa iyon dahil marami nang bagyo ang nagdaan.

"Solene!" irit ni Jelay habang nagbibigay ako ng orders sa mga customer.

"Ano?" tanong ko.

Dahil medyo umingay ang pangalan ko sa social media at nalaman nilang may shop na ako,
maraming bumisita ngayong unang araw. It was heartwarming to see how supportive they all
were. Mula noong small business pa lang hanggang ngayong nagkaroon na ako ng sariling shop.

"Miss Solene, may cheesecake po?" tanong ng isang babaeng naka-uniporme.


Bahagya akong natigilan dahil sa naalala pero ngumiti rin agad sa kanya.

"Meron. Ilan ang o-orderin mo?"

She smiled cutely. "Isa lang po, para sa tropa ko."

Tumango na lang ako at tumalikod para kunin ang order niya. Si Jelay ay naiwan sa cashier para
sa bayad ng babae.

Nang medyo humupa ang mga bisita ay pinaltan ko na siya sa cashier. Sooner or later, I would
hire more people para makapagpahinga naman ako.

"Ano iyong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

Naupo ako sa tapat ng kahera dahil wala nang customer. Humigit din siya ng upuan at tumabi
sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang seryosong mukha pero tinawanan ko lang siya.

"Someone sent an email to you," pa-suspense niyang saad.

"Oh?"

She smiled widely. "Prepare your damn passport because you'll go to Amsterdam!"

Napangiti na lang ako habang inaalala ang nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan. This
was not my first time participating in a baking competition, but it was my first time visiting
Amsterdam!
Gusto akong samahan ni Jelay para makagala rin daw siya. Ang kaso, hindi na-approve and one-
week-leave niya kaya mag-isa ako ngayon dito, nag-iikot.

I postponed my shop's grand opening. Sinabi ko sa page ko na mawawala ako for a week bago
ituloy ang opening dahil may competition ako sa Amsterdam. As usual, my supporters were very
happy for me. They all wished me luck.

Bukas pa ang punta ko sa convention kaya bakante ako ngayong araw. I was planning to visit
some bakeshops here because this place was well-known for their pastries. I was so delighted!

I was wearing a black fitted dress and brown long trousers. Dahil magdi-Disyembre na, medyo
malamig na ang klima sa lugar. I expected this, so I wore a pair of high black boots to cover my
feet. My hair was neatly combed, but its curly ends added more drama to it.

"Two banana muffins and one hot choco," ani ko sa babae.

Matapos iyon ay dumiretso ako sa upuan malapit sa bintana. I was currently at Green Cakes,
one of the best bakery shops in Amsterdam. Habang hinihintay ang order ay pinapanood ko ang
mga taong dumadaan. Over time, it became a habit.

While watching them, memories come back to me like veils, unwrapping layer by layer.

I never saw them again. Hindi ko alam kung alam nila ang nangyari kay Nanay ngunit wala na
akong balita sa kanila. It was not that I couldn't... I just didn't.

"Galit na galit si Roswell kay Mitzie no'ng nangyari yon," kwento sa akin ni Jelay noong unang
beses kaming lumabas.

I didn't want to hear it, but I was taken aback by what had happened.
"Nagkaroon din ng tampuhan sina Troy at Duke pero naayos naman bago mag graduation. Si
Mitzie, ayun, nanganak na," she said casually, as if it were not a big deal.

"What?!" Halos marinig sa buong restaurant ang boses ko. "Anak?!" tanong ko sa mas mahinang
boses.

"Oo, buntis pala siya no'ng nagbalak siyang tumalon... si Duke ang bali-balitang tatay noon. Hindi
ko lang sigurado." Matapos sabihin iyon ay naaawa siyang sumulyap sa akin. "Si Duke, he was
devastated. Ipinahanap ka niya pero magaling ka yatang magtago..."

"It's been years. Hayaan na," I said, even though I could feel a stabbing pain in my heart. They
had a child... he betrayed me. "Saka anong point, 'di ba? He has a family now."

It bothered me for a long time... na may anak sila. Hindi ko alam kung bakit pitong taon na ang
lumipas pero masakit pa rin para sa akin ang ginawa niyang panloloko. He was my first love. He
held a special place in my heart... and he hurt me.

This wasn't the future I saw years ago. I was thinking of becoming an engineer, saving up for my
mom, and being a good girlfriend to him. We would go home together, tired from work but still
willing to kiss each other goodnight.

Yet, considering all that had happened, I had no regrets. It really didn't mean I failed just because
things didn't go as planned.

Inilapag ng babae ang order ko bago ako ngitian. I scanned the place. Mayroong limang
nagseserve dahil malaki talaga ang shop. May dalawa ring bhintay sa counter. Hindi pa ako
sigurado kung ilan ang pastry chef nila.

I smiled. Someday, I would achieve this, too.


"Miss? Is this seat occupied?" tanong ng babae sa harap ko bago ituro ang silya.

I shook my head and smiled at her. She looked harmless. "You can have it."

Tumango siya. No'ng una, akala ko ay kukunin niya ang upuan para higitin sa table niya kaya
nagulat ako nang umupo siya mismo sa harap ko. I looked around the place, and I saw some
vacant seats outside the shop. Kaya lang, sa loob lang may heater at wala nang bakanteng silya
dito.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tiningnan ang mga tao. I drank my hot chocolate and
was blown away by how good it tasted—not too sweet, but the flavor sustained.

"Aray, ang init!" sigaw ng babae.

Agad ko siyang inabutan ng tissue dahil tumulo ang kape sa damit niya. Mainit talaga ito dahil
kita ko pa ang usok na nanggagaling sa tasa.

Namula siya dahil nakitang nakatingin ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang tissue at
nahihiyang nagpasalamat.

"Shit... nakakahiya, nakakawala ng poise!" Narinig kong bulong niya sa sarili.

I chuckled. "Pilipino rin ako."

Mas lalo siyang namula dahil alam niyang naintindihan ko ang sinabi niya. Medyo nagulat lang
ako. Yes, she looked Asian, but I was surprised to learn that she was also Filipino.
I heard her gulp and turned away to avoid making her feel embarrassed.

She cleared her throat. "Sorry about that."

"Okay lang." Ngumiti ako at muling tumango sa kanya.

She bit her lower lip. "Uhm... there's an international convention at De Koning tomorrow."

That caught my attention. A-attend din siya roon? Was she one of the judges? Contestants?

Ngumiti na siya nang kumportable. "'Yon, I just want to inform you. Each contestant can invite
two people to experience the exhibit. I still have one ticket left so... kung interesado ka..." she
trailed off.

I shook my head and took a sip of my drink. "I'm also a contestant."

"You are?!" she uttered, surprised. "What's your name?"

"I'm Solene of The Slice." I chuckled. "I just opened my shop two weeks ago."

Nanlaki ang mga mata niya at ekseherada pang napatakip sa bibig.

"Oh, my God!" she shrieked. "I knew it!"

I chuckled at her reaction. She looked really excited. "Bakit?"


"Your pastries are my fave!"

It sent warmth to my heart. "Thank you."

Umiling ito. "No! Thank you! I think I passed my board exam because of your brownies."

Doon ako tuluyang tumawa. She was nodding at me continuously, as if convincing me that I
really did save her.

"Ikaw? What's your name?" I asked. After some talks, komportable na ako sa kanya.

She said she didn't recognize me. Isang beses lang naman kasi akong nag-post ng product ko
na kasama talaga ako and I was even wearing an apron there! Doon nagsimula ang business ko.
People were praising my looks. Some of them placed an order to see me in person, and though
it felt awkward, it made me happy. Naging regular customers ko rin sila dahil nasarapan sila sa
gawa ko.

"To be honest, I'm a lawyer."

"Really?" tanging nasabi ko. "Wow."

Tumango siya. "I'm a corporate lawyer who happens to have a deep fascination with baking,"
she giggled. "Anyway, I'm Bethany of First Legal Law Firm."

I extended my arms to accept her hand. "You're a big shot!"

She winked at me. "You, too."


Medyo matagal pa kaming nagkwentuhan. She told me that she sent an application to join the
contest. Sinabi niya rin na ito na ang huling beses na pagbibigyan niya ang sarili dahil kailangan
niya nang mag-focus sa career niya talaga.

"Wala na, you will surely win!"

Tumawa ako. "Hindi rin. There's a lot of good patissier. Fifty ang contestants, sure akong
maraming magaling."

"I will root for you, Miss Solene!"

Pinanlisikan ko siya ng mata. "We're competitors!"

Tumawa lang siya sa akin. Kinakabahan siya dahil baka mabokya raw siya pero mabuti na lang
at kasama niya ang kaibigan niya bukas. Elimination round pa lang bukas, semi-finals sa isang
araw, at final round sa susunod.

Nagpaalaman kami sa isa't isa dahil magkikita pa naman kami bukas. Pinagpatuloy ko ang
paglilibot sa malaking syudad ng Amsterdam hanggang sa magdesisyon na akong umuwi na sa
hotel. Malapit na rin magdilim.

Maganda ang hotel room ko. I was relaxing in a jacuzzi while looking at the beauty of
Amsterdam. The lights were dim. I was sipping on my red wine and thinking of my next moves.

This opportunity would boost my business. Hindi pa man tuluyang nagbubukas ang The Slice,
naimbitahan na agad ako para rito.

I smiled as I realized that I already had a name for myself. I was living my childhood dream.
"If a picture paints a thousand words, why can't I paint you?" sabay ko sa kanta. Napatawa ako
bago napailing. "Gago, ang pangit talaga ng boses ko."

Itinapat ko ang kamay sa natatanaw kong buwan. "And when my love for you is running dry, you
come and pour yourself on me..." kanta ko ulit.

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya napairap ako. Panira ng moment.

"Bakit na naman?!" singhal ko nang masagot ang tawag.

"Easy, woman." He chuckled.

"I've got no time for your silly jokes, Atreus." Kinuha ko ang kopita at ininom ang wine doon.

"Kailan ka uuwi?"

"One week ako rito."

He let out a sigh. "I miss you."

I bit my lower lip to hide my smile. "Clingy natin, ah?"

I can imagine him pouting cutely. "Dapat kasi isinama mo ako."

"At paano naman ang trabaho mo?" I laughed.


"You're my priority, Sol."

I sighed as I looked at the moon. "I miss you, too, Atreus."

"Sasagutin mo na ba ako?" tawa niya sa kabilang linya.

Ibinaba ko ang kamay at nilaro ang tubig. "Ayoko, 'di ko feel."

Malakas siyang tumawa sa sagot ko kaya napangiti rin ako. Isang taon na rin mula nang
makilala ko siya. He was one of my regular customers. No'ng una siyang nagpalipad hangin ay
hindi ko siya pinapansin pero sa kulit niya ay nasanay rin ako. He always made time for me. He
was a pediatrician, but he told me he could be with me whenever I needed someone.

I appreciated him. We were not on the same page yet, but I was waiting for my feelings to warm
up. Gusto ko ang lalaki pero hindi para gawing boyfriend. I just wanted him to be my company.

"Let's watch a concert... pagbalik ko? Gusto mo?" I asked softly.

"Yes!" malakas na sigaw niya. Naiimagine ko siyang malaki ang ngiti habang nakasuot ng puting
coat. "I mean, yes," he uttered in a more serious tone.

I grinned. "Silly."

Nang maibaba ang tawag ay muli akong napatingin sa buwan at sa mga building na iba't iba ang
kulay.

Kinumpara ko ang buhay na mayroon ako ngayon sa buhay ko sa mga nagdaang taon.
I had already achieved success... so why did I feel so empty?

Chapter 24

"Ang ganda ko," ani ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

I was wearing a brown sweater tucked into black high-waisted pants. Black short boots lang ang
suot ko sa paa tapos ang buhok ko ay naka-french braid sa kaliwang balikat ko. Dahil sa
hairstyle ko, mas lalong nadepina ang panga at cheekbones ko. I applied light make-up and I
was done!

Mukha akong palaban habang naglalakad sa loob ng convention, pero ang totoo ay kabadong-
kabado ako. I mean, I'd join a competition, and I shouldn't possibly miss this once-in-a-lifetime
opportunity! Kailangan kong galingan para hindi agad ako ma-eliminate.

The place was huge! Maraming napapatingin sa akin pero hindi ko ipinakitang naiilang ako.
Umupo ako sa sinabi sa akin ng receptionist at nag-hintay ng pagtawag.

As expected, walang pamilyar na mukha akong nakita.

Napanguso ako nang tawagin kami ng event manager para pagbihisin. Sayang ang outfit! Buti
nga at hindi na ako pinagpalit ng damit. Sapatos lang ang pinapalitan sa akin tapos pinagsuot
ako ng apron. Itinaas ko rin ang buhok ko para hindi ako maabala mamaya.

Nang matapos ay pumunta na ako sa napakalaking stage na mayroong kitchen stations.


Marami-rami na rin ang naroong contestant kaya lalo akong kinabahan.

"Miss Solene!"

Napatingin ako kay Bethany at medyo nakahinga nang maluwag nang makitang nakangiti siya
sa akin at kumakaway. Tatlong station ang layo niya sa akin kaya kinawayan ko na lang siya
pabalik.

Maraming nanonood sa amin. May mga flash ng camera sa paligid na lalong nagparamdam sa
akin ng kaba; ni hindi ako makatingin sa mga audience! Pumikit lang ako at huminga nang
tatlong beses.

Matalo o manalo, I would enjoy this.

"Good morning, ladies and gentlemen!" bati ng emcee. "Today, we'll witness the baking skills of
known bakers from Europe and Asia!"

The anticipation was killing me!

"With fifty contestants, let's begin!"

Ang nasabi sa amin sa briefing, any pastry would do. We had two hours to prepare our product,
pero natatanga pa rin ako kung anong gagawin ko. Kumuha lang ako ng ingredients habang
natataranta.

Tumingin ako sa mga contestant at gaya ko, halos lahat ay mabilis ang pagkilos. Huminga ako
nang malalim at ngumiti. I should calm down. I'll enjoy the moment.

I didn't know what got into me, but I started making the pastry that became the reason why I
started baking—cheesecake.

I poured my heart and soul into it. I made sure that my measurements were accurate and that I
was not in a rush. Ayokong magkamali dahil mahaba naman ang oras. I was thinking of putting
frosted blueberries on top, but I didn't do it. Instead, naglagay lang ako ng white chocolate syrup
para hindi ito sobrang bare.
Mabilis na lumipas ang oras at maayos ko namang natapos ang akin. Napaawa ako sa ibang
contestant na hindi natapos dahil mahirap na cake ang naisipan nilang gawin. Hindi sumapat
ang dalawang oras dahil na rin sa sobrang pagmamadali.

Lumapit ang emcee kay Bethany kaya nakita kong medyo kinabahan ang babae. Like me, she
opted to do cheesecake pero may fresh strawberries ang kanya. It looked really delicate and
delicious!

"Miss Bethany, of all pastries, why did you bake a fresh strawberry cheesecake?" tanong ng
emcee sa kanya.

There were flashes of cameras around, but she managed to smile. Her eyes twinkled as she
looked at the audience.

"Uhmm..." she trailed off. "This particular pastry is my friend's favorite so..." She shrugged.

Tumango-tango ang emcee kahit nang-aasar na nakatingin sa kanya. "And we all know this
friend isn't just a friend!"

Tumawa ang audience kaya ako ay natawa rin. Namula nang bahagya si Bethany kaya lalo
siyang inasar ng mga nanonood. Nakangiti lang ako sa kanila.

Marami pang in-interview ang emcee kaya tuluyan nang nawala ang kaba ko. May ibang
nagreklamo na sa kaba raw nila ay nasunog pa ang gilid and I laughed so much at it. Inamin
talaga nila!

Akala ko ay lalampasan na ako ng emcee pero nang makita ako ay ngumiti siya nang malaki.
Ang kaninang kalmado ko nang puso ay biglang dinaga.
Humarap siya sa audience. "Of course, here's the muse of the pastry world!"

Nagtilian ang mga nanonood habang namumula ako sa hiya. Anong muse?! Sa Manila lang
naman ako kilala!

Muling humarap sa akin ang lalaki at ngumiti. "You're a Filipino-American, right, Madame?"

"Yeah," I answered, chuckling.

"Are you aware of how popular you are?"

"No!" I blushed. "I mean, I just opened my shop two weeks ago!"

"But you already made your name in this industry in the span of three years! You're famous
online!"

Mahina akong tumango, medyo nahihiya. Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya pinanliitan ko
na lang siya ng mata.

"Thank you?" hindi siguradong saad ko.

Tumawa siya bago ibinaba ang tingin sa niluto ko. Totoong sumikat ang pangalan ko online
ngunit hindi ko naman inasahan na hanggang Europe ay kilala ako! Yes, there were a lot of
French and Greek patissiers who invited me to join their bakeshops, but I always declined
because I wanted to create my own.

"Anyway, Miss Solene, when did you start baking?"


Napaisip ako. Kailan nga ba? Simula no'ng sinabi ni Duke na gusto niya ang cheesecake kaya
nag-aral akong gumawa no'n? I didn't know when.

Umiling ako. "I couldn't remember when."

He nodded. "I heard you're a civil engineer."

Nanlaki ang mga mata ko bago iwinasiwas ang mga kamay. Umiling pa ako nang paulit-ulit sa
kanya.

"Student... I was a civil engineering student. I didn't finish college," tawa ko sa kanya. "You see,
I'm for measuring flours and sugar not for measuring buildings and infrastructures."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga nanonood. Napangiti rin ang emcee sa akin dahil sa
ginawang pag-amin.

"Anyway, I noticed you baked a cheesecake." Tumango-tango siya. "Why?"

Napangiti ako sa tanong dahan-dahan niyang pagtatanong. Marami na akong sariling recipe na
nagawa noon at ang makitang simpleng cheesecake lang ang ginawa ko ay medyo nakagugulat
siguro sa kanila.

"Because this is where I started," I answered with all honesty.

"What do you mean?"

"Just like Miss Bethany..." Tumingin ako sa babae. "I had a childhood friend who loves eating
cheesecakes so I started learning baking," sagot ko nang humarap ulit sa emcee.
"Wow, so it's a young soul's dream..."

I nodded. Hindi na ulit nagtanong ang emcee. Ako ang huli niyang ininterview bago ipinadala sa
amin ang product namin sa unahan para matikman ng judges. Kinakabahan ako nang sobra
pero sa palagay ko ay maayos naman ang pagkakagawa ko.

They would announce the ones who passed the elimination round after two hours. Umalis muna
ako roon at nagpunta sa cafeteria ng De Koning. Maraming tao pero nang makita ako ng emcee
ay tinawag niya ako.

May mga kasama siyang halatang mga Griyego, pero lumapit ako sa mesa nila.

"Hi," I greeted them.

Tumingin silang lahat sa akin. Apat sila roon. Dalawang babae at dalawang lalaki. Halatang
magkasintahan ang dalawa sa kanila dahil na rin sa body language nila. The other girl was one
of the judges!

"You can sit with us," the emcee uttered. "By the way, I'm Alexandrei."

Iniabot ko ang kamay niya. "I'm Solene."

As much as I wanted to sit with them, pakiramdam ko ay hindi maganda tingnan. I was a
contestant, and sitting with them might be disturbing for other contestants.

I sighed. "Uhm, I'm sorry. I don't think I can join you."


Napatingin sa akin ang babaeng judge. "Why, dear?"

"Madame, I'm a contestant, and you're one of the judges. This might not look too appealing to
others," I answered, smiling.

Nakita ko ang pag-ngiti niya sa akin bago tumango.

Alexandrei grinned. "Okay, see you around, then."

Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago umorder ng pagkain. Gano'n na lang ang saya ko nang
makakita ng chicken curry! May hot choco rin silang i-sine-serve kaya lalo akong napangiti. This
place was heavenly!

May mangilan-ngilang nagpa-picture sa akin kaya nahihiya ako. Hindi naman ako celebrity pero
grabe ang atensyon na ibinibigay nila sa akin!

I saw Bethany eating alone, so I went near her.

"Is this seat occupied?" tanong ko, ginagaya ang boses niya.

Tinwanan niya ako. "No, you can have it." Ginaya niya rin ang boses ko kaya napatawa rin ako.

Umupo ako roon. "Akala ko may kasama ka?"

Tumango siya. "Nasa restroom. Ipapakilala kita."

I narrowed my eyes at her. "Friend pala, huh?"


Namula siya bago nag-iwas ng tingin. Napangiti lang ako at sinumulan nang kumain habang
hinihintay namin ang kaibigan niya. Gaya ko ay chicken curry rin ang kinuha niyang ulam.

We talked for a while before she turned around and looked behind me. I noticed how her eyes
twinkled when she saw him. Napailing na lang ako, she was smitten!

Umupo ang lalaki sa tabi niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalakay ng kaba ang dibdib ko.
In shock, my hands were now trembling slightly!

Si Duke.

Nakatingin din siya sa akin, pero walang gulat sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko ang
pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. They were serious and
emotionless.

He was dressed in a black polo with long sleeves.. Ang dating may kahabaan niyang buhok ay
malinis na ang gupit ngayon. It gave him a more formal aura. Halatang batak din siya sa gym
dahil malaki ang kanyang katawan. Kahit sa suot na polo ay halata ang well-toned chest and
shoulders niya. His light brown eyes looked the same, but with the way he stared at me, I knew
something had changed.

"Laurence, this is Solene! Iyong ikinukwento ko sa 'yo kahapon!"

I looked away. Suddenly, ayoko nang kainin ang nasa plato ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba
o dahil tuluyan akong nawalan ng gana.

Hindi rin nagsalita si Duke. Pinanatili ko ang mga mata sa plato at nagkunwaring kumakain dahil
gusto kong iwasan ang titig niya.
For the first time in seven years, our paths crossed again.

I gathered my courage and looked at them. There was no need for me to feel anxious. Matagal
na ang nangyari. I was sure he had moved on!

"Hi, Duke. Long time no see," I greeted him before turning to Bethany who looked utterly
confused. "He's a childhood friend."

Tumango ang babae. Hindi ko alam kung napansin niya ang tensyon sa aming dalawa dahil
mukha siyang nataranta. Nanatiling tahimik si Duke. Hindi ko siya binalingan ng tingin dahil
hindi naman niya ako binati pabalik! Ang arte!

"Uhm..." Bethany cleared her throat. "Are you guys good?" she asked frankly.

Napatingin ako sa kanya.

"Ang awkward niyo kasi!" tawa niya. "Para kayong magkaaway."

I gulped. "I think we're good, Bethany."

Nagpatuloy kami sa pagkain habang tinatanong ako nang tinatanong ni Bethany. Nahihiya na
nga akong sumagot dahil alam kong may ibang nakikinig sa amin. Kumakain lang din siya at
napansin kong may fresh strawberry cheesecake sa tabi niya—iyong ginawa ni Bethany kanina.

"Edi sa Isabela ka rin nakatira?"

I nodded. "Oo. Lumipat na lang ako sa Manila no'ng 19 ako."


She smiled. "Did you keep in touch with Laurence?"

I shook my head. Uminom muna ako bago muling sumagot. "Hindi na, I was busy with
something."

Mukhang may gusto siyang itanong sa akin pero dahil siguro sa hiya ay hindi niya iyon masabi. I
wanted so much to change the topic but I didn't know how!

Napansin ko ang pagtingin ni Duke sa plato ko bago nag-iwas ng tingin. Kinagat niya bahagya
ang pang-ibabang labi kaya nagpakita ang tinatago niyang dimples. I was not going to lie; he
was handsome before, but he was way better looking now! His muscles were in the right places,
and his features were defined.

I sighed.

"What's that something?" he asked in a deep, hoarse voice.

Nagulat ako nang bigla siyang nagtanong sa akin kaya hindi agad ako nakasagot. Kahit si
Bethany ay halatang nagulat sa pagsasalita ng lalaki.

"Something personal, Duke."

Hindi ko alam kung paanong natapos ang pagkain namin na buhay pa ako. Nauna akong umalis
sa mesa nila dahil hindi ko kaya ang tingin ng lalaki. Isa pa, I knew that Bethany liked him. I want
to give them some time alone.

I wondered if Mitzie knew what was going on with Duke. They had a child, but he was here,
flirting with a girl. Ang sabi ni Bethany ay si Duke ang engineer ng mansyon ng pamilya nila kaya
sila nagkakilala.
Inilibing ko sa isipan ang pangyayaring iyon dahil alam kong maaapektuhan ang performance ko
sa mga susunod na araw.

Pero, tangina, nakita ko ulit talaga siya.

May kung anong bumalot sa puso ko nang mapagtantong naabot niya ang pangarap niya. He
was an engineer now. Gaya ko, naabot namin ang gusto naming mangyari.

Nakalulungkot lang siguro dahil magkasama kaming nangarap pero hindi namin magkasamang
naabot iyon.

"From fifty contestants, we're now down to twenty five!"

Nagpalakpakan kaming mga naiwan sa stage. Nalampasan ko ang unang round pero hindi ko
magawang maging sobrang saya dahil alam kong nakaupo si Duke at kasamang nanonood ng
mga audience.

Kasama rin si Bethany sa mga hindi natanggal kaya binati ko siya.

Nang makabalik ako sa hotel room ay saka lang ako nakahinga nang malalim. Alam kong
magtatagpo ulit ang landas namin sa mga susunod na araw... and I knew I had to brace myself.

Chapter 25

Nang sinabi kong magtatagpo uli ang landas namin, hindi ko naman inasahang umagang-
umaga mangyayari iyon.

Alas sais pa lang nang umaga at nakasports bra, jacket at leggings lang ako dahil gusto kong
mag-jogging. Malamig pa rin sa labas pero hindi naman sobra. Isa pa, gusto ko sanang mag-isip.
Hindi ko naman inasahan na paglabas ko ng room, ang iniisip ko agad ang nakita ko.
Nilagpasan ko lang sya dahil wala naman akong sasabihin. Gaya ko, mukhang magjojogging din
siya. I didn't even know we're on the same hotel!

Ang awkward naming dalawa sa elevator. He's wearing a drifit shirt and I'm trying my best not to
go crazy over his body. Sol, you hate him! Ngayong magkatabi kami ay lalo akong naging maliit
tingnan dahil katabi ko sya. I'm 5'5" and he's almost 6'3"!

Nahiya ako lalo nang mag-ring ang cellphone ko. Atreus is calling me on messenger!

I cleared my throat before answering it. Kita ko ang repleksyon namin ni Duke sa pinto ng
elevator. His eyes are piercing me.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hello?"

Narinig ko ang pagtawa ni Atreus sa kabilang linya. "Ang kalma natin, ah?"

"Gago." Natatawang sagot ko pero agad din humupa ang tawa ko nang makita ang titig ng
katabi ko. What's wrong with him?!

"Busy ka?"

"Nope, why?"

Bumukas ang elevator at may sumakay na tatlong lalaki. Medyo umipod kami ni Duke sa likod.
Ang isang matangkad na lalaki ay pumunta sa gilid ko at kitang-kita ko kung paano nya titigan
ang katawan ko.
"Wala lang, miss you!"

I smiled. "Just do your work, Doc."

"Apat na tulog pa bago ka umuwi." Reklamo nya.

"Parang bata." I chuckled. "Babawi nga ako pagbalik ko, diba?"

Mas lalong lumapit ang lalaki sa gilid ko kaya medyo naalarma ako. May sinabi si Atreus sa
kabilang linya pero hindi ko na napakinggan.

"Atreus, I'll call you back later."

Nang ibaba ko ang cellphone ay naramdaman kong may humipo sa puwitan ko. Tumingin ako
sa lalaki at nakitang medyo nasa likod ko na sya.

I heaved a deep sigh and looked forward. Hindi ko na sana sya papansinin but I felt him
squeezed my butt.

Tumingin ako sa kanya. Ngumisi lang sya sa akin dahil walang nakakapansin sa ginagawa nya.
He was about to touch my boobs when I slapped his hand harshly.

"Tangina mo ah!" galit na mura ko kahit hindi nya ako naiintindihan. I saw how his hand turned
red but I don't give a fuck.

Naramdaman kong hinigit ako ni Duke palapit sa kanya. "Anong ginawa sayo?" Madiin na tanong
nya. "Did he touch you?" Galit na galit ang mata at tinig nya habang nakatingin sa akin.
I nodded. Ang dalawang lalaki ay nakatingin lang sa amin.

Itinago ako ni Duke sa likod nya bago malakas na suntukin ang lalaki. He's taller and more
muscular than him kaya agad ang napasandal ng lalaki sa salamin.

"Duke!" I screamed.

Paulit-ulit nyang sinuntok ang lalaki kaya hinawakan ko na ang braso nya. Bumukas na ang
elevator at maraming nakakita sa nangyari. The maniac's face is bleeding. Ni hindi ito nakaganti
sa sunod sunod na pagsuntok ni Duke.

"Duke!" sigaw ko ulit. He kicked him in the face! "That's enough!"

Hinigit ko sya palayo roon bago pa kami awatin ng guards. Dinala ko sya sa lobby at
ipinagpasalamat kong walang tao roon.

He's breathing heavily and his jaw is clenching in anger.

I looked away. "You don't have to do that." I uttered nervously. Paano kung balikan sya ng
lalaking iyon?! I can handle myself.

"What the fuck are you saying?" Galit na saad nya. "Do you want me to stay still while someone
is getting harassed?"

Someone. Right.

I sighed before looking at him. Medyo nakatingala ako sa kanya pero nagawa ko pa ring samaan
sya ng tingin. "You should know by now that I can protect myself, Duke."
He laughed sarcastically before brushing his hair with his hand. "Stop acting, Solene."

"Anong sinasabi mo?" Nanliliit ang matang tanong ko.

"Stop acting like you don't need help." He uttered seriously. "Stop acting like you're strong."

I snorted. "Then stop acting like you care."

He was taken a back. Yumuko na lang ako at akmang lalampasan sya nang hawakan nya ang
braso ko. It immediately sent electrifying sensation in my system but I just pull my arms away
from him.

"Don't appear in front of me again, Duke."

Nakatalikod na ako sa kanya kaya matapang kong nasabi iyon. "Let's stop pretending we're
good."

Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako. Hindi ko na natuloy ang balak kong pagjo-jogging
at umakyat na lang ulit sa hotel room. Naroon pa rin ang lalaki sa elevator at marami pa ring
nakatingin sa kanya pero hindi ko na sya pinansin. I felt guilty when I realized I didn't even thank
Duke.

Inantay ko na lang ang oras para makapagbihis ako at makapunta na sa convention. Kailangan
kong pansamantalang kalimutan ang nangyari kanina dahil ayokong maapektuhan ang contest
ko.

I just smiled at Bethany when I saw her. Limang contestant na lang ang matitira para sa finals
kaya kagaya kahapon ay kinakabahan ako. On-the-spot sasabihin sa amin ngayon kung anong
ibabake namin. Nakita ko ang ibang contestants na nagsasaulo na ng maraming recipe dahil
hindi kami pwedeng tumingin sa recipe book namin mamaya

"Yesterday, these 25 contestants survived the elimination round and now, we'll see who'll pass
the final round! Only five people will be selected making it harder for them to impress the
judges." Alexanrei uttered.

Nag-ingay ang audience. Ramdam ko pa rin ang kaba kaya pumikit na lang ako at yumuko. I
have to focus.

"For today, the contestants will make a carrot cake trifle! This is one of the hardest pastries to
prepare so we'll give them 4 hours to make it!"

Dinaga ang puso ko sa sinabi ng emcee. Isang beses ko pa lang nagagawa iyon! I saw some of
the contestants smiling, siguro'y sanay na silang gawin iyon.

I tried to focus. Inalala ko ang mga ingredients dahil isang taon na rin ang nakalipas noong
gawin ko iyon para sa isang birthday party. I prepared all the ingredients and with determination
in my heart, I started doing my work. Ilang beses akong napatigil para alalahanin kung paano ito
gawin. Iniisip ko na lang ay kahit hindi ako makapasa, basta hindi ko mapahiya ang sarili ko!

Dahil tatlong layer ang cake, medyo natagalan ako bago matapos. Sampung minuto na lang ang
natira para sa plating ko. Maliit lang ang ginawa ko hindi kagaya ng sa iba na malalaki. Ang akin
ay hanggang 10 servings lang yata, sakto lang para sa limang judges.

Nang matapos ay inilugay ko ang buhok ko at pumila sa cafeteria. Natikman ko ang gawa ko
pero dahil sa kaba ay hindi ko nalasahan. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi maalis kahit maya-
maya lang ay iaannounce na ang mga bagsak.

Umupo si Bethany sa harap ko kaya lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa likod nya at
napahinga nang malalim nang mapansing hindi nya kasama si Duke.
"Hindi raw manonood si Duke, wag kang kabahan." She uttered before giggling.

I heaved a sigh. Hindi ko pinansin ang unang sinabi nya. "Kumusta ang cake mo?"

Umiling sya. "I messed up."

"Same," I said as if that will matter. "Bye, finals, na agad."

She looked at me. "Di ako naniniwala sayo. Ang ganda ng presentation mo! Halatang sanay na
sanay kang gawin yon."

"Isang beses ko pa lang nagagawa yon," I said.

She nodded and continued eating. "Hanggang kailan ka pala rito?"

"Sunday morning ang flight ko. Ikaw?"

"Saturday night, may work si Duke sa Monday e."

Tumango lang ako sa kanya dahil narinig ko na naman ang pangalan ng lalaki. Magkasama
kaming bumalik sa hall at nakitang naroon na rin ang ilang contestant. Pumunta kami sa station
namin dahil ia-announce na ang qualifiers.

Unang tinawag ang baker ng Golden Breads. I expected it because he's in the field for 20 years!
Isa pa, kilalang-kilala na ang Golden Breads sa buong Europe. Tinawag din ang chef ng Green
Cakes.
"Solene Clemente of The Slice!"

Napatakip ako sa bibig at bahagyang naluha nang tawagin ang pangalan ko. Binati nila ako nang
makapunta ako sa unahan. I can't believe I made it!

"Bethany Faith Ferrero!"

Napatingin ako kay Bethany na gulat din ang reasyon. Tumabi sya sa akin at hindi nya
napigilang yakapin ako. Tumatalon-talon pa kami sa saya! We were just talking a while ago! We
really thought we fucked up!

Magkasama pa rin kami nang lumabas kami sa covention. Parehas kaming nakangiti dahil kahit
ano mang resulta ng competition bukas, sigurado kaming iingay ang pangalan namin.

"Attorney, sure ka bang susukuan mo na ang baking pagkatapos nito?"

She chuckled. "Parang ang pagiging abogado na ang gusto kong i-give up."

Tumawa ako sa kanya. Inaasahan ko na iisa lang kami ng hotel dahil naroon si Duke kaya
medyo nagulat ako nang sabihin nyang sa Hilton sya. Sinabi nyang wala nang vacant hotel room
sa Waldorf, kung saan kami tumutuloy ni Duke.

Ang saya pa yata ng tadhana dahil iisa kami ng floor.

Kumain muna kami bago tuluyang naghiwalay. Nakarating ako sa hotel room ko nang
mapayapa. Tinawagan ko sa messenger si Jelay para ibalita sa kanya ang nangyari.
"Girl, tangina!" Bungad ko agad.

"Sakit sa tenga, Solene!"

Tumawa ako. "Finals na bukas! I passed!"

Narinig ko ang malakas na tili nya sa kabilang linya. Narinig ko pang parang nalaglag sya sa
kama kaya natawa ako lalo.

"Kumalma ka!"

"OMG! Magququit na ako sa trabaho ko! Sasamahan na lang kita sa The Slice!" mataas ang
boses na saad nya.

"User!"

Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. Pinakinggan ko lang sya hanggang sa kumalma
sya.

"Nagkita rin pala kami rito ni Duke." I said casually.

Kung kanina ay nalaglag sya sa kama, ngayon ay cellphone nya na ang nalaglag. Ang dami kong
unnecessary noises na narinig bago nya tuluyang kunin ang cellphone.

"Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" sigaw nya. "Anong nangyari?!" Ilang beses pa syang
nagmura bago nakinig sa akin.
Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Mula sa pagkakakilala ko kay Bethany hanggang sa
nangyari kaninang umaga.

"Akala ko ba mag-asawa sila ni Mitzie?! Bakit may Bethany dito?" galit na tanong ko sa kanya,
parang kasalanan nya.

"Wait, so, nag-usap kayo?"

"Oo, kanina ko pa talaga sinabi."

She sighed. "Grabe, after 7 years. Hindi kaya kayo talaga?"

"Tanga ka!" tawa ko. "Di ako magiging kabit."

"Wala naman akong sinabing may asawa si Duke, ah?"

My forehead creased. "Eh diba may anak sila ni Mitzie?"

"Hindi rin sure kung sya ang tatay non."

Minura ko sya nang isang beses bago ibaba ang tawag. Matapos iyon ay si Atreus naman ang
tinawagan ko. I told him the good news and like Jelay, he's happy for me.

Maaga akong nagpahinga nung araw na yon. Masaya ako dahil sa nangyari pero inaalala ko ang
pagiging bastos ko kay Duke. Hindi ko sya napasalamatan sa nangyari kanina at hindi ko alam
kung lalapit ba ako gayong ako ang nagsabi na wag na syang magpapakita sa akin.
Kinabukasan sa convention, nagbibiruan na kaming limang contestants. We're sharing the
experieces we encountered in the competition. Ang baker ng Golden Bread ay inaming nabali
nya ang handle ng plastic measuring cup dahil sa kaba.

Bethany isn't with Duke again. Mag-isa syang pumunta at hindi ko naman magawang
magtanong. And I don't really understand why I'm thinking about him.

Nagsimula ang competition at ipinagawa kami ng cookies. Madali lang sana pero kalahating
oras lang namin gagawin! Wala akong ibang naisip gawin kung hindi ang sanay na sanay ko
nang lutuin, ang chocolate chip cookies. 10 minutes kong ginawa ang mixture at 15 minutes
kong iniluto.

Iniiwasan kong mapatingin sa kabilang station dahil pakiramdam ko ay akin ang pinakabasic
gawin! Habang dinudurog ko pa ang chocolates ay nahiwa ang kamay ko. Hinihiwa ko kasi ito
gamit ang kutsilyo. Napangiwi ako nang makitang dumugo ang hintuturo ko. Medyo malalim
ang sugat pero hindi ko na muna pinansin.

Natapos ako on time. Saka lang nagawi ang tingin ko sa iba. Si Bethany ay drop cookies ang
ginawa kaya mas mabilis syang natapos. She doesn't look satisfied but there's no more time to
change it.

Nag-inat ako nang lumabas ng hall. Nagbibihis pa si Bethany kaya mauuna na sana akong
pumunta sa cafeteria nang may umagaw sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood si Duke na maglagay ng bandaid sa sugat ko. Ni
hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sa gulat.

Nang ibaba nya ang kamay ko ay tinitigan nya ako.

Namumula akong nag-iwas ng tingin. "A-ang OA mo! Para hiwa lang."


"Wag mo akong pigilang mag-alala, Sol." His voice is hoarse and serious.

"Arte," tanging nasabi ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nakayuko lang ako at nakatingin
sa mga paa ko.

"Sorry," he said softly.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's looking down at me. Nagtama ang mga mata namin
pero nagawa kong titigan iyon. "Ha?"

"Hindi kita susundin."

"Ha?" mas lumalim ang kunot ng noo ko.

He smiled and I swear to God, I forced myself not to melt. His dimples show and I had to bite
my lower lip to stop myself from sighing. I reminded myself that the guy in front of me isn't mine
anymore. We had a rough past and I should stop admiring him.

"I'll keep appearing in front of you, Sol."

Chapter 26

"Let's just move on, please..."

Tuluyan akong umalis sa harap niya matapos sabihin iyon. Dumiretso ako sa cafeteria at umupo
sa malapit sa glass wall. Tanaw ko ang dagat doon kaya bahagyang kumalma ang sistema ko.

I was not blind nor numb. I knew him. He was making a move again. He wanted me to feel
something again. And I learned my lesson. Nasa kanya na si Mitzie. May gusto na sa kanya si
Bethany. What more could he ask for?

Sa loob ng maraming taon, hiniling ko na sana ay hindi na kami ulit magkita. Hindi dahil hindi pa
ako handang makita siya kung hindi dahil hindi pa ako handa sa mararamdaman ko.

Pero sa tuwing maglalakad ako sa isang mataong lugar, umaasa ang puso kong makatagpo ulit
ang mata niya. Umaasa akong kahit isang sulyap lang ay makita ko ulit siya.

And now, after so many years of emptiness, he was here again, making me feel things.
Natatakot ako na baka hindi ko na naman mapigilan ang puso ko.

Hindi iisang beses kong binalikan ang mga nangyari noon. Sa mga masasayang alaala namin
hanggang sa masasakit. Before Mitzie, it was always me. Ako iyong pinagluluto, hinahawakan,
pinapayungan, niyayakap at minamahal. Kaya noong dumating siya at bigla akong naging
pangalawa, ang hirap mag-adjust. Kung alam ko lang na ang huling yakap ko na pala sa kanya
ay noong nasa tapat kami ng Sweets and Treats, sana tinagalan ko na.

But then it would all come back to me.

He said he didn't love me years ago. He once told me that I was nothing in comparison to her.
Not only did it break my heart, but it also destroyed my self-esteem. Ipinarinig niya sa buong
school kung paano niya ako maliitin.

With my negative thoughts, bumalik ako sa hall nang medyo masama ang loob. Even after I was
announced in second place, I still didn't feel complete. There was a hollow in my chest that I
couldn't get rid of.

"Are you okay?"

Tumango lang ako kay Bethany. May interview kami ngayon. Ang baker sa Golden Breads ang
tinanghal na panalo habang isang Asian pastry chef naman ang nasa third place. Still, lima
kaming i-interview-hin.

Nagbihis ako nang mas maayos na damit dahil recorded ang interview namin. I-u-upload ito
online. I didn't know what questions would be asked, but I wanted to answer with all honesty.

Unang ininterview ang nanalo kaya nakapaghanda-handa ako ng sagot. I really have to open
myself. Wala namang kaso iyon sa akin pero kinakabahan pa rin ako.

Nang matapos ang nauna ay ako naman ang tinawag. Nanonood lang sa screen ang top 5
finalists habang ako naman ay umupo na sa couch na nakahanda para sa amin. There were
cameras and lights. Medyo hindi ako sanay sa ganito pero kailangan ko ito para sa business ko.

"Hi, Ms. Solene Clemente!" she greeted me enthusiastically.

"Hi," I answered briefly.

She smiled at me. "After winning second place, what are your next plans?"

Sinagot ko ang tanong niya. Sinabi kong magfofocus muna ako sa opening ng shop ko dahil
matagal ko nang pangarap iyon. I'll create more recipes for my customers, dagdag ko pa.

"A lot of bakery owners want you to be their brand ambassadress. Will you give it a shot?"

Umiling ako. "I don't think I'll be able to consider offers for the time being because I have a lot on
my mind. But if fate wants me to, I'll do it."

Nagpatuloy ang pagtatanong niya. Kalimitan ay tungkol lang sa paggagawa ko ng recipe, kung
paano ko pa ipopromote ang The Slice at kung ano pa ang mga i-e-expect ng future customers
ko sa akin. I answered all of that with truthfulness.

"From your data, you lived in a province for 19 years," she stated. "Why did you leave Isabela?
Was it because of your passion?"

If I said yes, it would be very heartwarming... but that wasn't the case for me, so I shook my
head.

"It's not my plan, actually. After I failed the battery exam, I was really devastated because I felt
like I wasted three years of my life," I confessed.

I bit my lower lip as I looked at her. "I went to Manila to look for my mom," amin ko ulit sa mas
mahinang boses.

She seemed to want to ask further, but she didn't.

"Were you able to find her?" tanging natanong niya.

I nodded. "After months of being puzzled in Manila, yes, I found her."

Doon siya nakahinga nang maluwag. "Great! Where did you find her?"

I gulped. I didn't expect that as her follow-up question. Still, kailangan kong sumagot nang totoo.
Baka kapag sa iba nalaman ng mga tao ang nakaraan ko, maging issue pa ito sa akin. Dahil
eventually, ang tinatawag nilang muse of pastry world, anak ng kriminal.

"I found her in Manila City Jail," I answered.


Kita ko ang gulat sa mukha niya. Parang gusto niyang ipabawi sa akin ang sinabi ngunit live
interview iyon. Isa pa, ayos lang naman sa akin. My past played a huge part in who I had become.

"I'm not gonna disclose to you why that awful thing happened to her because I really don't want
to stain her name. She's a very loving person and I would trade anything just to be with her
again." I sighed. "She's the only person who prioritized and loved me."

She blinked nervously. "I'm sorry about that, Ms. Solene. Is she doing fine now?"

I shook my head. "She's gone... but it's okay. I'm living our dreams and even though we're not
together now, I'm sure she's proud of me."

"Of course! Everyone from your past will be so proud of you! You worked hard to achieve this."

Medyo matagal pa niya akong ininterview. She even asked me if I have a boyfriend and of
course, I answered none. Nang mag commerical break ay sorry siya nang sorry sa akin. I
assured her that it was fine because it was a part of me.

May victory party kami mamayang gabi sa Central, isa sa mga high class clubs sa buong
Amsterdam. Matapos kong interviewhin ay hindi ko na pinanood ang iba. Nagpaalam ako sa
kanila at sinabing magkita-kita na lang kami mamaya.

Pagkahiga ko pa lang sa kama ay nakaramdam ako ng pagod. I won! Ibinalita ko iyon kina Jelay
at Atreus kanina dahil masaya ako. Hindi nga lang ito kagaya ng inexpect kong sayang
mararamdaman ko. I didn't know what was wrong with me. Para akong kinakabahan sa mga
mangyayari pa.

Nakatulog ako dahil sa pagod. Nang magising ako ay gabi na pero nagawa ko pa ring maligo na
parang pagmamay-ari ko ang oras. Alas-nuebe ang usapan namin na magkita-kita roon pero
alas otso y media na ay nasa hotel room pa rin ako.
Dahil club ang pupuntahan, high-waisted black shorts at isang red crop top lang ang suot ko. My
legs looked longer in my short boots kaya tuwang-tuwa ako sa itsura ko. Minsan lang ako
magmukhang matangkad!

I sent a picture to Jelay.

Me: time na siguro para makipagmomol ako

Jelay Collantes: momol lang ha!!! pag sex, use protection po dahil di pa ako ready magkaroon
ng inaanak sa 'yo

Me: wish me luck

Jelay Collantes: go pokpok akin na lang si doc dito

Natawa ako sa reply niya. Inilagay ko sa maliit na bag ang cellphone ko at nagtungo na sa club.
Nasa labas pa lang ako ay rinig ko na ang ingay ng mga tao at kita ko na ang mukukulay na ilaw.

Dahil hindi ko naman agad nakita ang private room namin, naisipan ko pang sumayaw sa dance
floor.

I couldn't stop my hips from dancing despite the bright lights and deafening music. This was me,
lost in the dance! Tonight, the DJ wasn't playing! Napakagaling nitong mag-remix!

Nang medyo pagpawisan ay tumigil ako. Maraming lalaking pumunta sa likod ko at hinawakan
ang bewang ko para makipagsayaw kaya nang tumigil ako ay rinig ko ang panghihinayang nila.

Medyo nakainom na rin ako nang umakyat ako sa room namin. Unlike me, they all looked like
they were in a formal meeting.
"I thought we'd celebrate..." I pouted.

Narinig ko ang mahinang pagtawa no'ng Asian chef. "Yeah, later. But it seemed like you already
had fun."

I nodded. "I missed clubbing! I used to visit clubs in Manila with my friend!"

Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan. Ako naman ay nasa tabi lang ni Bethany na nakikinig
din sa kanila. Nang mainip ay tumayo ako at pumunta sa bintana para magpahangin. Ang boring
nilang mag-club! Gusto ko na lang tuloy bumaba at sumayaw ulit!

Nagpaalam ako sa kanila na bababa ako. Hindi ako dumiretso sa dance floor dahil nahihilo ako
sa amoy. Kanina pa rin ako umiinom kaya tipsy na ako. The drinks were extremely strong here!

Magsisindi na sana ako ng yosi nang may humawak sa braso ko. Naiinis tuloy akong tumingin
dito.

Hindi ako nagulat nang magtama ang mata namin ni Duke kahit na gusto ko siyang tanungin
kung anong ginagawa niya rito. Kilalang-kilala ng katawan ko ang hawak niya.

"Ano na namang kailangan mo?" paasik kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap?" His eyes were pleading, and they looked really sad.

"Para saan pa? Didn't I tell you to move on?" I snorted. "Gano'n ba ako kaganda para hindi mo
ako makalimutan?"
I'd blame it on alcohol tomorrow, for sure.

"Sa kotse na lang tayo mag-usap, please..."

I narrowed my eyes on him. "Paano ka naman nagkakotse rito?"

He sighed. "Rent." Muli niyang hinawakan ang braso ko. "Let's go."

Inagaw ko ito sa kanya. "Did I agree, Duke?! Ano bang pag-uusapan at kailangang sa kotse pa?!"

He looked away, and I definitely saw loneliness in his eyes.

"Just a minute, please..."

"Lasing ka ba?" I asked. It was not my intention to ask him softly! Lumabas lang iyon nang
malambing sa bibig ko.

"Nakainom lang," he confessed.

I sighed before nodding. "Nasaan ang kotse?"

He bit his lower lip and led me to the car. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako dahil
magmumukha lang akong tanga. Nang makasakay kami ay walang nagsalita sa amin.

"Akala ko ba may sasabihin ka?"


"Solene..." he uttered with tenderness. "I watched your interview."

Ah, ayun pala.

"Oh, anong meron?" Humarap ako sa kanya at nakitang nakayuko lang siya habang
pinaglalaruan ang daliri.

"Wala na ba si Tita Yella?"

I rolled my eyes. "Ano bang sinabi ko sa interview, Duke?" Napatingin ako sa braso niya at
napaiwas ng tingin.

"Wala na," Parang batang saad niya. Sa itsura niya ngayon, pakiramdam ko ay bumalik ang Duke
na minahal ko noon. His strong facade was gone.

"Oo, wala na si Nanay. 'Yun lang ba?" I uttered bravely. Tinatarayan ko siya dahil iba ang
pumapasok sa utak ko ngayon!

I wanted to taste him after seeing him in a white tailored shirt and black pants! And we were in a
closed area! Masyadong delikado ang nasa isip ko. He was talking to me in a serious tone when
I was thinking about other things.

"Why didn't you tell me, Sol?" nanunumbat ang boses niya.

I sighed and looked in front of me. "Nagtanong ka ba?"

Hindi siya nakasagot. Bumalot ang katihimikan sa amin habang ako ay nilalabanan ang antok.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" he whispered softly. "Sol, patawarin mo na ako..."

I scoffed. "Tangina, Duke. Ang tagal na no'n." Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa hilo. "'Wag kang
umarte na parang mahal mo pa ako."

Dahil baka umasa ako tapos hindi mo na naman mapatunayan.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napamulat ako at napatanga sa kanya.
Binawi ko ang kamay ko dahil hindi ko nagustuhan ang epekto ng magkadikit na balat namin.

"What the fuck is wrong with you?!" Singhal ko. "Stop trying your luck! Tangina naman, tapos na
tayo!"

He took a deep breath and then looked at me. He had the impression of a frightened cat. "Sol...
kaya ka ba umiyak no'n ay dahil n-nakulong si Tita Yella?" Dahan-dahan ang pagtatanong niya,
takot na parang mababasag ako.

"Oo!" sigaw ko. "Pero hindi ko makita ang punto kung bakit kailangan kong sabihin sa 'yo to!"

"Dahil boyfriend mo ako no'ng mga panahong yon, Sol!" he said frustratedly. "At wala akong
kaalam-alam sa nangyayari sa 'yo..." aniya sa mas malamyos na tinig, punong-puno ng pagsisisi
ang mga mata niya.

I snorted. "Sa iba ka nagpapakaboyfriend, Duke. Paano mo malalaman?"

"Mitzie was pregnant... that time."

Parang may kung anong dumagan sa akin nang marinig iyon.


"I heard," tanging naisagot ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang pagiging manloloko niya ngunit
natahimik na lang ako.

Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. Gusto ko nang magpahinga.

"Ihatid mo na ako, Duke." Wala nang hiya dahil alam kong hindi ko na kayang lumabas at mag-
hintay ng sasakyan para bumalik sa hotel.

Hindi siya sumagot pero naramdaman kong umaandar na kami.

Mabilis ang ginawa kong pagbaba nang makita ang hotel. Pasuray-suray akong naglakad
patungo sa elevator. Alam kong nakasunod lang siya sa akin at nakatingin. I probably looked
like a shit right now, but I didn't care.

Hinawakan niya ang braso ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator pero malakas na
binawi ko lang iyon.

"Pwede ba?!" singhal ko.

Yumuko lang siya at tumingin sa kamay niya. Nang makapasok kami ay wala kaming imikan sa
loob. Ramdam ko ang tingin niya pero wala akong pakealam. He had a child with Mitzie while
we were in a relationship. Nandidiri ako sa sarili ko dahil iniisip ko pa rin siya!

"Kaya kong mag-isa, Duke," I said when I felt him following me from behind.

Hindi siya nakinig at dumiretso pa rin sa paghahatid sa akin sa tapat ng room ko. Parang tanga
pa na hindi ko makita ang key card sa bag ko dahil natataranta ako sa presensya niya.
Inilabas ko na ang mga gamit ko sa sahih ngunit hindi ko pa rin makita.

"I can ask downstairs," he said.

"I don't need your help."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Umupo rin siya sa sahig at tinulungan ako sa
paghahanap ng card.

Malakas akong napabuntong-hininga.

"I said I don't need your help!" singhal ko. "Bakit ba ang kulit mo?!"

"Just..." nahihirapang saad niya. "Just let me do this for you, hmm?"

Napalunok ako sa lambing ng boses niya. Pitong taon ang lumipas pero may epekto pa rin siya
sa akin!

"Duke, tantanan mo na," I said with conviction. "Hindi mo kailangang bumawi sa akin... hindi
porke nalaman mo ang nangyari dati, may karapatan ka pang maawa at tulungan ako."

Tumayo ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. "Tangina kasi, ano pa bang kailangan mo?!
Bakit ka ba umaarte na parang walang nangyari dati?!"

Nanatili siyang nakaupo sa sahig, nakayuko.

"K-kasalanan ko..." narinig kong saad niya. "N-nagkamali ako."


I looked away. We were too tired to even think straight. Mabuti pang itigil na muna namin ang
usapang ito.

"Bumalik ka na sa room mo, kaya ko na 'to," I said.

Tumayo rin siya. Malungkot ang mga matang tinitigan ako.

He smiled sadly. "You reached your dreams... after everything that happened, nakaya mo pa rin."

He went closer to me and the next thing I knew, he was hugging me. His face was on my neck
while his arms were wrapped around my waist. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko
magawa!

"Late na, Solene, pero proud ako sa 'yo... sobrang proud ako sa 'yo."

Chapter 27

"Wow, taray, amoy Amsterdam!"

I rolled my eyes. "Hindi mo kaya 'yon."

Isinalansan ko ang mga upuan at mesa. Bukas na ang grand opening ng shop ko kaya busy ako
noong mga nagdaang araw. Ngayon ko lang din nakita si Jelay nang makauwi ako galing sa
Amsterdam.

"Nag-hire ako ng apat na tao," I said. "Para hindi hassle bukas."


Tumulong siya sa pagpupunas ng mga pasimano. "Sana hinire mo ako. Ready na ako mag-quit."

I chuckled at her statement.

"Si Roswell, kinuha mo?" tanong niya.

I nodded.

"Nag-send ako ng invitations sa ilang ka-trabaho ko noon pero hindi ko alam kung pupunta sila.
Followers ko lang sa page ko ang inaasahan ko."

Umirap siya sa akin. "Worried ka pa? Kita mo ngang sold out ka lagi no'ng soft opening pa lang."

Umupo ako sa couch at tiningnan ang buong lugar. Malawak ito, siguro ay kayang mag-
accomodate ng hanggang 300 na tao. Malaki ang napanalunan ko sa international competition
kaya kapag lumago ang business ko ay baka magpa-second floor ako.

Tumabi sa akin si Jelay. "Kumusta raw si Duke?"

I scoffed before glaring at her. "Tingin mo ba sa way ng paghihiwalay namin noon,


magkukumustahan kami?"

"Just asking." She shrugged. "Pero engineer na? Saang company raw?"

"Hindi ko alam, hindi ko naman itinanong." I laughed.

"Jusko! Hinding-hindi ako magmamahal ng kaibigan!" ekseheradang saad niya.


I chuckled. Kung sana madali lang na mamili kung sinong pwedeng gustuhin, una pa lang
pinigilan ko na sana ang nararamdaman ko sa lalaki.

Maaga akong pumasok sa shop kinabukasan dahil sa grand opening namin. Naroon na rin sina
Roswell, Diane, Ford at Lexus. Si Roswell ang inatasan kong papalit sa akin sa kahera habang
ang tatlo ang mag-se-serve.

"'Wag kang magtataray sa customers ha!" paalala ko.

Roswell chuckled.

"Yes, Ma'am."

She needed work, iyan ang sabi niya sa akin noong unang beses kaming magkita. Kasabay ko
siyang nagtrabaho sa call center pero dahil sa mahirap na schedule, hindi rin kami nagtagal do'n.
Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta matapos 'yon pero siya ang naisip kong tawagan
para magtrabaho sa shop.

Nilayasan niya ang nanay niya nang makumpirmang kabit nga ito ng gobernador sa amin. She
was so mad and disappointed.

Alas-diez pa ang oras ng opening kaya napatingin ako sa entrance ng shop nang tumunog ito.

I smiled as I saw Atreus holding a bouquet of red roses while smiling genuinely at me. Naka
casual shirt and pants lang ito kaya mukha siyang modelo.

I kissed his cheek. "Ang aga mo, doc!"


Iniabot niya sa akin ang bulaklak at tinanggap ko naman iyon.

"Miss you," he said as he kissed my temple.

I chuckled. Dinala ko siya sa isang mesa dahil tapos na rin naman kaming mag-prepare. Nag-
hintay na lang talaga kami ng oras para magbukas.

"Nag leave ka?"

He nodded. "Hindi naman masyadong toxic sa hospital ngayon. Nire-sched ko na rin ang check-
up ng mga outpatients ko."

"Edi maghapon ka rito?"

"Yup, tutulong ako."

Napangiti ako sa tinuran niya. "Dinner na lang tayo pagkatapos!"

Ginantihan niya ako ng ngiti. Kinuwentuhan niya pa ako tungkol sa paparating na concert na
pupuntahan namin. Next month pa naman ito kaya siguro ay hindi na gano'n ka-busy sa shop.

Dumating na si Jelay at kita ko agad ang nang-aasar niyang tingin sa amin ni Atreus na akala
mo ay hindi ako itinutulak kay Duke kahapon.

"Nagbreakfast ka na ba?" he asked.

Tumango ako. "Mamaya sigurong 8pm ang tapos. Depende sa dami ng tao."
"Sigurado akong maraming pupunta, Sol."

Hindi nga ako nabigo nang magbukas ay maraming pumunta. Hindi ko inasahan na mapupuno
agad ang mga upuan at couches dahil sa rami ng customers. Kahit tuloy ang dami na namin sa
shop ay busy pa rin kaming lahat.

Wala akong katulong sa pag-ba-bake dahil hindi pa ako komportableng i-share sa iba ang recipe
ko. Sa ngayon, si Jelay ang nag-a-assist sa akin. Marami naman akong ibinake kagabi pero
nagdadagdag pa rin ako ngayon sa dami ng tao.

"Tanga ka ba?"

Napatingin ako kay Roswell na masama ang titig sa customer. Nanlaki ang mata ko nang
makitang nalaglag ang panga ng babaeng customer.

"Did you just call me an idiot?!"

Agad akong pumunta roon. Galit na galit ang mukha ng babae.

"I'm sorry about that, Ma'am. What can I do for you?" malumanay kong tanong kahit gusto ko
nang sabunutan si Roswell.

"Who are you?!"

"I'm the owner of the shop po."

Her eyebrows furrowed. "You should handle your employees right! Hindi pa man kilala ay ang
pangit na ng customer service niyo!"

Matapos sabihin iyon ay umalis siya nang nagbubunganga pa rin. Mabuti nga at hindi siya
napansin ng ibang customers.

Hinigit ko si Roswell sa loob ng kusina at sinamaan siya ng tingin. Ni walang bakas ng pagsisisi
sa mukha niya.

"Sinabi ko naman sa 'yong 'wag kang mag-ca-cause ng away!"

She sighed. "Ang bastos kasi ng bibig!"

"Tinawag mo pang tanga."

"Hindi ko siya tinawag na tanga." She chuckled. "Tinanong ko siya!"

Napairap ako sa kanya. Umpisa pa lang ay may negative feedback na agad ang customer.

"Ano bang sinabi?"

"Hindi raw masarap ang pastries mo. Maganda ka lang kaya ka may customers."

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang nainis. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya dahil
sa reaksyon ko kaya unti-unti rin akong napatawa.

"Good job!"
Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. I saw Atreus serving and smiling with the customers. Kanina
pa siya tumutulong at umiinit ang puso ko roon. He was a busy man but he came here to
support me.

Nang medyo nabawasan ang tao ay inaya ko itong maglunch. Nagpaluto ako kay Jelay at sabay
kaming tatlong kumain. Sina Roswell at ang tatlo pang tauhan ay nagpatuloy sa pag-se-serve sa
natirang customers.

"Kalahating araw pa lang pero paubos na ang stocks mo," masayang saad ni Jelay.

"Inom tayo mamaya?"

Sinamaan ko ng tingin si Atreus. "May trabaho pa tayong lahat bukas!"

Sasagot na sana ulit siya nang mapatingin ako sa entrance ng shop at napatayo ako nang
makitang pumapasok si Ma'am Candy at Harvin sa loob!

"Oh, my God!" sigaw ni Ma'am Candy nang makita ako.

Mabilis ang ginawa kong paghakbang papunta sa pwesto nila at mahigpit na niyakap si Ma'am.
Miski si Harvin ay nayakap ko rin sa tuwa! I hadn't seen them in a long time!

"I can't believe you're this successful now, Sol!"

Pinaupo ko sila sa couch at sinabihan si Diane na mag-serve ng lunch at pastries sa table.


Harvin was smiling while looking intently at me. Bahagya ko siyang nginusuan kaya lumaki lalo
ang ngiti niya.

"Thank you po sa pagpunta, Ma'am." I was still so delighted!


"Told you, you're meant for something better!"

I winked at Harvin and looked in the direction of Atreus and Jelay. Pinalapit ko sila sa amin at
nang makapunta sila ay ipinakilala ko sila sa dalawa.

"Si Atreus at Jelay po, mga kaibigan ko."

Ma'am Candy narrowed her eyes toward Atreus. "You're not her boyfriend?"

"Ma'am!"

Atreus chuckled. "Ayaw pa po, eh."

Ang ending, magkakasama kaming nag-lunch lima sa table na yon. Harvin was now a flight
attendant, and he owned various businesses.

"Paano niyo pala nalaman na opening ko?" bulong ko sa kanya.

"Facebook."

I nodded. Nagpatuloy ako sa pagtatanong sa kanila. Si Ate Sab daw ay may kambal na at
matagal nang ikinasal!

"Mas successful pa ang business mo sa akin!"

Umiling ako at mahinang napatawa. "Marami pa akong pagdadaanan para makilala ako nang
sobra, Ma'am."

Habang kausap ko sila ay parang nanumbalik sa akin ang buhay ko noon. Mabilis lang akong
nagtrabaho sa Sweets and Treats pero maganda ang nabuo naming samahan doon.

Pumunta si Ma'am Candy sa counter. Sina Jelay at Atreus naman ay tumulong na sa pag-
aasikaso sa ibang customer dahil nahihiya akong iwan si Harvin. Isa pa, ngayon lang ulit kami
nagkita matapos ang nangyari noon sa Isabela!

"May girlfriend ka?" tanong ko.

He shook his head. "Dati meron... kaso I fucked up."

"We all fucked up." I chuckled.

He grinned. "You caused a ruckus before leaving seven years ago, Sol."

"I guess I did."

Naikwento na sa akin ni Jelay ang nangyari at totoong pinag-usapan ang ginawa ko noon. Mitzie
stopped studying because of what happened. Si Duke naman ay ipinahanap "daw" ako.

At si Troy... I missed him. He was the one who stood up for me. Nagkagalit pa sila ni Duke dahil
sa akin.

The day went on. Parang naging maliit na reunion pa ito nang makita ko rin si Juwen kasama
ang kanyang anak na babae. Talagang ang shop lang ang dinayo niya kaya siya nagpunta sa
Manila. She was so supportive!
Kanina pa nakaalis sina Harvin at Ma'am Candy pero sinabi nilang bibisita ulit sila. Medyo
madilim na rin sa labas pero may mangilan-ngilan pa ring nasa shop.

"Tired?"

I nodded at Atreus. Mabuti na lang at centralized ang buong lugar. Kung hindi ay tumatagaktak
na panigurado ang pawis ko. Nakatayo lang ako sa counter para makapagpahinga si Roswell
dahil kanina pa siya rito.

Ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako nang malaki. I smiled back at him.

"Thank you," I said as I realized that it was his way to comfort me.

"Always."

Lumampas ang tingin ko sa glass wall ng shop nang makita ang isang BMW na pumarada sa
tapat.

"Wow," I uttered as I eyed the car. It was dashing!

Napabaling din doon si Atreus. "Looks like you have a rich customer."

I laughed. Nanatili ang mata ko sa kotse habang hinihintay ang bababa.

"Is that Bethany?"


Napalingon ako kay Atreus. "You know her?"

She was dressed professionally and didn't resemble the woman who had spilled her drink all
over her clothes in Amsterdam! Bumaba siya mula sa shotgun seat at bahagyang ngumiti sa
nag-da-drive.

Umalis naman ang BMW, maghahanap siguro ng mapaparadahan dahil hindi naman siya
pwedeng humarang doon.

"She's my ex," Atreus said casually.

Pinanood naming pumasok ang babae sa shop at nang dumiretso ang tingin niya sa counter ay
nagtama ang mata namin. Ngumiti ako nang malaki sa kanya at bahagyang kumaway. Gano'n
din ang ginawa niya bago tuluyang lumapit.

"Atreus?!" gulat na aniya. "Magkakilala kayo ni Miss Solene?"

He chuckled. "Yes, Beth."

"Small world!"

Napangiti ako sa kanila. Pwede palang casual na mag-usap ang ex? I mentally laughed as I
realized that it wasn't the case for me.

Sinabi ni Bethany ang order niya kaya kinuha ko ito. Si Atreus naman ay naiwang
nakikipagkwentuhan sa babae habang inaayos ko ang order.

"Ka-a-out mo lang sa firm?" narinig kong tanong ni Atreus.


Lumapit ako sa kanila dala ang tray.

"Bethany, saan ka uupo? Dadalhin ko na 'to."

"Don't bother! Ako na."

I shook my head. "It's okay!"

Ngumiti na lang siya bago ituro ang upuan at mesa sa corner ng shop.

Habang papunta roon ay bahagya akong natigilan nang pumasok si Duke. He was clothed in
slacks and a gray button-down polo. Maayos ang buhok at madilim na nakatingin sa akin.

"Laurence, tulungan mo na si Sol!"

Napalunok ako at walang nagawa nang lumapit siya sa akin para kunin ang tray sa kamay ko.
Sa bahagyang paglalapat ng kamay namin ay para akong nakuryente.

"Can you tell me where I should put this?"

Pinigilan ko ang sarili na purihin ang lalim ng boses niya at itinuro na lang ang upuan sinabi
kanina ni Bethany.

Bahagya siyang tumango at naglakad patungo roon. Ako naman ay napahinga nang malalim at
naglakad na patungo sa counter. Naroon pa rin si Bethany at nakikipagtawanan kay Atreus.
"You good?"

I nodded. I observed Bethany as she sat in front of Duke, her bag gracefully placed on the couch.
Bakit ko nga ba hindi naisip na posibleng magkasama ang dalawa?

And BMW? Really?

Nahiya ang luma kong Civic!

"You should join them, Sol. Bisita mo sila," ani Atreus sa akin.

I knew that, but I couldn't! Hindi ito kagaya ni Harvin, Ma'am Candy, o Juwen! He was Duke, and
he was with the woman who would become his future girlfriend!

"Baka nagdadate sila." I laughed nervously.

Tinawag niya si Roswell at sinabihang ito muna ang magbantay sa counter. Kinakabahan ako
habang lumalapit kami sa pwesto ng dalawa.

"Atreus, we should let them eat in peace," pamimilit ko pa sa lalaki.

"Just at least thank them, hmm?"

I bit my lower lip. Tama siya! Bakit ba ako kinakabahan?!

Napasulyap ako sa pwesto ng dalawa at nakitang nakatingin sa akin si Duke. Agad naman ang
pagbaba ng tingin nito sa kamay ni Atreus na nasa braso ko. I noticed how his face darkened
before he avoided my eyes.

I sighed. Nang makarating kami sa pwesto nila ay nginitian ko silang dalawa na parang
komportable ako.

"Salamat pala sa pagpunta," ani ko sa kanila.

"I'm here as a fan, Miss Solene!"

I thanked her again.

Sila at ang apat na magkakabarkada na lang ang nasa shop kaya pagkaalis nila ay magsasara
na kami.

Hindi bumabaling ang tingin sa akin ni Duke at nanatili ang mata niya sa pagkain ng chocolate
brownies.

Bethany cleared her throat. "Did you guys have dinner?"

Nakatayo pa rin kami ni Atreus sa tapat ng mesa nila at napagtanto ko kung gaano ito ka-
awkward!

"We're about to. Pagsara ng shop."

"Sabay na tayo! Hindi pa rin kami kumakain ni Laurence!"

I gulped. Ni hindi manlang nag-angat ng tingin ang lalaki.


"Is that okay with you?" malambing na tanong sa akin ni Atreus.

I wanted to refuse, but I didn't want to seem impolite! Bethany paid a personal visit to my store,
and I couldn't bear to turn down her offer.

"Yup."

Nag-angat ng tingin si Duke at ngumisi sa akin nang nakakaloko.

This isn't good.

Chapter 28

Ipinarada ni Atreus ang sasakyan sa tapat ng restaurant. Kinakabahan ako lalo nang makitang
pumarada rin sa tabi ng kotse ni Atreus ang BMW ni Duke.

"Loosen up, para kang kabado."

I laughed nervously. "Pagod lang."

Nakita ko kung paanong pagbuksan ng lalaki si Bethany. Kung titingnan ay bagay na bagay sila.
Engineer at lawyer? Not bad.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Atreus ng pinto. Bumaba na ako at hinintay na lang
siyang makarating sa pwesto ko. Nauna nang pumasok sina Duke at Bethany sa loob ng
restaurant kaya kaming dalawa na lang ang natira sa labas.
"Hindi ka ba komportable?"

I sighed. "Okay lang ako, Atreus."

Pumasok na kami at lumipad agad ang mata ko sa dalawa. Magkatabi sila at medyo nasa gitna
ang mesang napili nila.

Atreus held my elbow to guide me. Hinayaan ko lang siya lalo at may dumaan sa gilid namin na
waiter.

Nang makarating kami sa pwesto nila ay inalalayan ako ni Atreus sa pag-upo.

"Senior ba ako?" natatawang bulong ko sa kanya.

He chuckled before sitting beside me.

Bethany cleared her throat. Napatingin ako sa kanya. Iniiwasan kong mabuti na mapatingin sa
katabi niya na katapat ko lang.

"So..." Pinanliitan niya kami ng mata. "Kayo?"

Napaubo ako sa tanong niya. Bakit ba ang prangka ng babaeng 'to?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Atreus kaya sinamaan ko siya ng tingin. He was teasing
me with his eyes!

Humarap siya kay Bethany at bahagyang umiling. "Ayaw pa."


She smiled. "You should step up your game, Atreus. Sigurado akong maraming nag-hihintay kay
Ms. Solene."

"Sol na lang, Bethany."

Ngumiti siya sa akin. Duke was quietly reading the menu from my peripheral vision, as though
something was interesting about it. His brows were a little furrowed, and his lips were in a grim
line. Mukha na naman siyang galit.

"Kayo?"

Napatingin ako kay Atreus nang ibalik niya ang tanong kay Bethany. Her cheeks flushed
furiously! Doon dahan-dahang nag-angat ng tingin si Duke at agad niyang nahuli ang tingin ko.

I shifted my eyes away from him and checked the menu.

"We're just... friends."

I breathed heavily. Nagtawag ng waiter si Atreus.

"What's yours?" baling niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang sumabat si Duke.

"Chicken curry?"
Ibubuka ko na ang bibig ko para sumang-ayon ngunit tumawa si Bethany at sumagot.

"You know my favorite, huh?"

I closed my half-open mouth and mentally rolled my eyes. Mabuti na lang at hindi ako nagsalita!
Kung hindi ay mapapahiya ako! Of course, he was asking his date! Bakit naman ako mag-a-
assume na ako ang tinatanong niya?

"Sol?"

I snapped back to reality and smiled at Atreus nervously. "Lasagna na lang..."

Atreus and Bethany were chatting as we waited for our orders. Paminsan-minsan ay sumasali
ako sa kanila ngunit si Duke ay tahimik lang.

Hindi ko siya muling binalingan ng tingin kahit mahirap iyon dahil kaharap ko siya. After the
incident in Amsterdam, I never thought I would see him again.

That night, I pushed him away. Doon siya parang natauhan. I might be longing for him because
he was my first love, but I was not going to put up with his cheating ass. Siguro nga'y
magkaibigan lang sila ni Bethany pero sigurado akong label na lang ang kulang sa kanila.

But I couldn't deny the fact that something embraced my heart when he told me he was proud
of me. Sa napakahabang panahon, ngayon lang may nagsabi noon sa akin... and he sounded so
sincere.

"Laurence, Atreus is a pediatrician. 'Di ba sabi mo ay ipapacheck-up mo ang pamangkin mo?"

Kumunot ang noo ko. Kuya Sean was married?


"Beth, we have a family doctor, but I'll speak to Kuya about it."

Atreus chuckled. "It's okay, bro."

Seryosong tumango lang si Duke at napatingin sa akin. When our eyes met, my heart skipped a
beat, so I quickly averted my gaze. Napansin niyang pinapanood ko siya! Have your act together,
Solene!

Dumating ang orders namin at bahagya pang nagtagal ang tingin ko sa chicken curry ni Bethany.
That looked really... delicious!

I gulped. Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso ang titig sa akin ni Duke kaya itinutok ko
na lang ang mata ko sa lasagna. I hated this! I hated the awkward stares!

"Laurence, why didn't you try Sol's cheesecake? Sabi ko sa 'yo, masarap 'yon!"

Napatingin lang ako kay Bethany nang sabihin niya iyon. Kanina kasi sa shop, kape lang ang
inorder ng lalaki habang si Bethany naman ay chocolate cake at americano. Nagtake-out pa ito
ng brownies.

"Yes, masarap talagang mag-bake si Sol! I remember the first time I tried her chocolate chip
cookie, naisip ko agad na ang sarap niyang maging asawa!" pagyayabang ni Atreus.

Namula ako sa sinabi niya at pabiro siyang inirapan.

"Kahit hindi ako marunong mag-bake, masarap talaga akong maging asawa."
That earned a hearty laugh from Bethany and Atreus. Napangiti na rin ako dahil naa-appreciate
nila ang ginagawa ko to think na sila ang matagal talagang nag-aral.

Duke wiped his lips using his handkerchief.

"I know," he said in a low voice.

Tumingin siya kay Atreus nang seryoso kaya bahagya akong kinabahan.

"Huh?" takang tanong ni Atreus.

I chuckled nervously. "A-alam niya yata na magaling akong mag-bake!"

The way he stared at Atreus created tension between them. Wala namang kaalam-alam ang
doctor sa sama ng tingin sa kanya ng lalaki. Bakit ba kasi mainit ang ulo nito?!

"Alam kong magaling siya dahil ako naman ang unang nakatikim ng gawa niya."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kita ko kung paano lalong kumunot ang noo ni Atreus.

"We're childhood friends, Atreus," I explained. "He was my first customer!"

Dahan-dahang tumango ang lalaki kahit nababasa ko pa rin ang pagtataka sa mukha niya. I had
no intention of publicizing our previous relationship, but Duke forced me to do so! Marahil ay
nagtataka na ngayon ang lalaki kung bakit hindi kami nag-iimikan!

"Besides, pwede namang bukas na lang ako bumili."


I chuckled to conceal my feelings. "Then I will reserve one for you, Duke."

Tumango lang siya sa akin at muling bumalik sa pagkain. Nagpatuloy ang kwentuhan nina
Bethany at Atreus na kalimitan ay sa trabaho lang. Naikwento rin nila na sa iisang university sila
nag-aral noong college.

"Restroom lang," paalam ni Bethany nang matapos kaming kumain. She stood up and walked
confidently towards the restroom.

Natahimik kami sa table nang makaalis ang babae dahil nawalan ng kakwentuhan si Atreus.
Hindi pa nagtagal ay nag-ring ang cellphone nito kaya napapikit ako.

Not now, please.

But it seemed like the heavens had other plans for us.

He tapped my shoulder and nodded at Duke. Tumayo rin siya at lumabas ng restaurant kaya
naiwan kaming dalawa sa mesa. Ipinagdadasal ko na sana ay mabilis na bumalik si Bethany.
Kung bakit ba naman kasi nagkasabay pang mawala ang dalawa!

"Why didn't you order your favorite?"

I mentally cursed when his baritone voice reached my ears.

"Medyo sawa na ako."

Tumingin ako sa kanya at pansin ko ang paghinga niya nang malalim dahil sa pagtatama ng
tingin namin.

"Ipag-ta-take out kita. Alam kong gusto mo 'yon."

I bit my lower lip and shook my head. "Uh... hindi na, Duke. Kaya ko namang magluto."

His eyes lingered, but he nodded slowly. Yumuko na lang ako para iwasan ang tingin niya dahil
kinakabahan ako!

Nakahinga ako nang malalim nang makita si Atreus na patungo sa direksyon namin. However,
his face was tense. Para siyang kinakabahan.

"Sol, may traffic accident at kailangan ako sa hospital," kalmadong saad niya kahit bakas sa
mukha niya ang kaba.

Tumango ako at bahagyang kinabahan din.

"Don't worry about me. I can go home alone, Atreus."

"Are you sure?"

I nodded. "Do your duty, Doc."

He bit his lower lip. "Sorry. Just text me when you get home."

Tumango ako sa kanya. Nagpaalam siya kay Duke bago tuluyang nawala sa paningin namin.
Duke cleared his throat. "Ihahatid na kita, Sol."

"Hindi na, uh, out of the way," I said as I avoided his eyes.

"Ihahatid kita."

Hindi na ako nakapagsalita dahil bumalik na sa pwesto namin si Bethany. Itinanong niya kung
nasaan na si Atreus kaya ipinaliwanag kong may emergency sa hospital.

She shook her head and smiled. Hindi ko iyon naintindihan pero hinayaan ko na lang siya.

"Paano ka?" tanong niya nang nasa labas na kami ng restaurant. "Duke and I are planning to go
to a drive-in cinema."

I sighed heavily and smiled at her. Niyaya pa ako ng lalaki gayong may plano naman pala sila?

"I'm okay, kaya ko namang umuwi mag-isa. Taxi na lang."

She nodded. Hinihintay namin ang sasakyan ng lalaki pero dahil sa kagustuhan kong umalis na
ay nagpaalam na ako kay Bethany.

"Uuna na ako, baka mahirapan akong sumakay... sabihin mo na lang kay Duke. At salamat sa
pagpunta sa shop, Bethany."

"No worries, Sol."

Naglakad na ako paalis sa restaurant at nag-hintay na lang ng taxi na pwedeng masakyan. At


hindi ko alam kung swerte ba talaga ako ngayon dahil walang available na taxi!

Lumipas ang halos tatlumpong minuto. Nakaupo na ako sa gilid ng kalsada dahil sa tagal na
paghihintay. Pinanood ko na lang ang nagdadaang mga sasakyan at tumingala.

The night was perfect. Alak na lang ang kulang. There were stars, and I daydreamed about
Nanay being one of them. Gusto kong isipin na pinapanood niya ako ngayon.

See, Nay? I made it. Naging malaya ako at mapagtagumpay.

Kinuha ko ang cellphone at napagdesisyonang yayain si Jelay mag-inom. The night was too
beautiful and sad.

Me:

saan ka

She immediately responded.

Jelay:

may work ako bukas demonyo ka

Napatawa ako sa reply niya. Isang "saan ka" lang, alam na agad ang ibig sabihin.

Me:
dalawang bote lang

Jelay:

ayoko gago gumagawa ako presentation atm

Ibinaba ko na lang ang cellphone at hindi na siya ginulo. Gusto kong mag-inom pero ayoko
namang yayain si Roswell dahil magtatarayan lang kami no'n. Mabuti pa siguro ay sa condo na
lang ako mag-isa.

I walked toward a convenience store and bought four bottles of beer.

Lumabas ako roon at muling nag-hintay ng taxi ngunit pumarada sa harap ko ang BMW ni Duke
at nakita ko pang dumungaw siya sa akin mula roon.

Napakurap ako nang ilang beses.

"Sabi ko, ihahatid kita, Sol."

Kinabahan ako sa pagalit niyang tono. Nakita ko kung paano bumaba ang kamay niya sa hawak
kong plastic kaya medyo itinago ko iyon sa likod ko.

"Nasaan si Bethany?"

"Inihatid ko na..." he trailed off. "Get in."

I gulped before looking at the road. Mukhang wala talagang taxi na magsasakay sa akin.
"Uh, sa likod na ako sasakay, Duke."

He scoffed. "Dito ka sa tabi ko."

My breathing hitched at the term he used. Sa tabi mo, really?

Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at sumakay roon. Ipinatong ko sa aking hita ang bag at ang
alak.

"A-ano, sabi kasi ni Bethany ay may plano kayo kaya umuna na ako," I explained like there was a
need to.

"Wala kaming plano, Sol, at kung meron man, ipagpapaliban ko muna 'yon. Sinabi kong ihahatid
kita. Delikado na rin at gabi na."

I was about to answer when he cut me off.

"Alam kong kaya mo ang sarili mo. I just can't stop thinking about it, lalo't alam kong kaya
naman kitang ihatid para masiguradong ligtas ka."

I pursed my lips to fight the urge to talk. Ang sabi ni Bethany ay may lakad pa sila! Hindi naman
ako makapag-isip nang diretso dahil kapag ganitong nasa closed area kami, sari-sari ang
nararamdaman ko para sa kanya!

Sinabi ko sa kanya kung saan ang condo ko at tahimik naman siyang nagdrive. Thirty minutes
siguro ang byahe mula restaurant hanggang sa condo ko pero sa bagal ng takbo niya ay parang
aabutin kami ng isang oras. Wala namang traffic at sigurado akong matuling ang kotse niya!
He sighed. "Don't look at me like that. Gusto ko lang ay ligtas tayong makarating."

I rolled my eyes. Hindi na ako sumagot sa kanya at nag-iwas na lang ng tingin.

Over time, I realized how my feelings for him remained. Gano'n pa rin ang epekto niya sa akin
ngunit ngayon, alam kong hindi ko na dapat pagninilay-nilayan ang nararamdaman ko para sa
kanya. This was nothing but longing. Matagal kaming naging magkaibigan at sigurado akong
hanggangdoon lang iyon.

"Iinom ka?"

I nodded while closing my eyes. "Konti lang."

"Sol..."

"Hmm?"

"Gusto mo bang manood ng movie?"

Napamulat ako at napatingin sa kanya. "Huh?"

"May drive-in cinema malapit sa condo mo... do you want to watch the last full show?"

Inirapan ko siya. "Si Bethany ang kasama mo dapat doon, Duke. Hindi ako. Plano niyo iyon."

He sighed.
Tumingin ako sa kanya at napansin kong bahagyang namula ang tenga niya.

"I-ikaw ang balak kong yayaing... manood. Nakita lang ni Bethany yung ticket."

Chapter 29

"Bakit mo naman ako gustong yayain, Duke?"

He looked away. "Para i-congratulate ka sa grand opening ng shop mo."

"Paano mo pala nalaman?"

"Uh... kanina ko lang nalaman kay Bethany."

I nodded before pursing my lips. It sounded... okay. Isa pa, maganda ang gabi.

"Okay."

Kahit siya ang nagyaya ay nabasa ko pa rin ang gulat sa mata niya sa pagpayag ko. Kita ko kung
paanong kagatin niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.

Iniabot niya sa akin ang ticket at bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang dalawang araw
na ang nakalipas nang bilhin niya ito. Bukas ang expiration ng ticket.

Akala ko ba kanina niya lang nalaman?

Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya binawi niya ang ticket sa kamay ko.
Matapos iyon ay matuling niyang pinatakbo ang sasakyan.
Pumasok kami sa mall at napansin ko agad na kakaunti lang ang sasakyan na nakaparada roon.
Ibinigay ni Duke ang ticket sa isang lalaki kaya nakapag-proceed kami agad.

"May chips d'yan sa likod," he said.

Pinanliitan ko siya ng mata. Did he plan this?

"Ano... natira kanina, nag-merienda kasi kami sa site."

I sighed. "Nag-uuwi ka pala ng natirang snacks?"

He gulped but he ignored my statement. Humanga na lang ako nang malamang convertible pala
ang sasakyan niya kaya bumukhas ang bubong nito. Agad na sumalubong sa mukha ko ang
malamig na hangin.

I opened my arms and felt the cold breeze. Ipinikit ko pa ang mga mata ko. This was serene!

Nagmulat lang ako ng mata nang makitang nagsisimula na ang palabas. Umayos ako ng upo at
kinuha ang isang beer sa plastic. Napatingin ako kay Duke para sana bigyan siya ng isang bote
ngunit nakita kong nasa akin ang mga mata niya.

Nag-iwas din siya ng tingin sa akin. Hindi ko na rin naman pinansin at itinutok ko na lang ang
mata sa pinapanood. Parehas kaming may hawak na beer at pakiramdam ko ay hindi sapat ang
binili ko.

I suddenly recalled something he said during our dinner.


"Duke."

His attentive eyes were directed at me. "Hmm?"

"May pamilya na si Kuya Sean?"

Inilagay ko ang bote sa plastic at muling kumuha ng isa. Tumingin ako sa kanya ulit. Sa tagal ng
'di ko pakikibalita, ni hindi nahagip ng isipan ko na pwede nga palang magkaroon ng pamilya si
Kuya Sean.

He nodded. "Ikinasal sila ni Mitzie, apat na taon na ang nakakalipas."

It was now my turn to be shocked. "What?!"

Nanatili ang tingin niya sa akin. Walang reaksyon ang mukha pero nanonood naman sa
ekspresyon ko! Ang hawak kong bote ay muntik ko pang mabitawan!

"I mean, paano ka?"

His forehead creased. Ni hindi na kami nanonood!

"Anong paano ako?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "I thought you were together? Hindi ba't may anak kayo?"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Hindi ko anak 'yon, Solene. Gregory is almost 7 now
at noong mga panahong ipinagbubuntis ni Mitzie 'yon ay ikaw ang girlfriend ko."
I slowly nodded. "Okay..."

Sa isip ko ay gusto ko nang sapakin ang sarili ko. Alam niya na ngayon na nakibalita ako!

"Did you honestly think I cheated on you?"

"Yes," I answered honestly. "Sa nangyari noon, tingin mo ba ay hindi ko iisipin 'yon?"

Magsasalita na sana siya nang putulin ko ang sasabihin niya.

"Manood na lang tayo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ngunit hindi siya nagsalita. Ipinagpasalamat ko na lang
din ang pananahimik niya dahil baka may masabi pa akong hindi maganda. I appreciated his
efforts to mend fences between us, but I had to stand firm. I couldn't let myself fall.

The night was peaceful and quiet. Walang nagsasalita sa amin at nakatutok lang ang atensyon
naming dalawa sa pinanonood. Sometimes, we would laugh... and it was nostalgic. Naubos na
ang iniinom namin pero hindi na kami ulit bumili. I wasn't sure what was bothering him because
he kept staring at me, but after that, he would sigh and look away.

My day ended with a simple "Thank you, Duke."

Kinabukasan ay gano'n pa rin. Nauna pang pumasok si Roswell sa akin na nakita pala ang
nangyari kahapon kaya nang-aasar.

"Ang gwapo lalo ngayon ni Duke, ah?"


I rolled my eyes. "Tigilan mo ako. 'Di pa kita napapatawad sa pagkakalat mo kuno ng nudes ko."

She laughed. "Immature pa ako no'n!"

"As if."

Muli siyang tumawa. Inayos ko ang mga cake sa counter maging ang cookies dahil wala akong
magawa. Maya-maya pa magbubukas ang shop.

Sumali si Roswell sa pag-aayos ng pastries bago naiiling na tumingin sa akin.

"Girlfriend niya iyong kasama kahapon?"

"Kaibigan daw." I shrugged.

"Kaibigan pero nag-da-date? Delikado iyan, ha? Parang kayo lang noon."

Binato ko siya ng basahan. "Gago."

Alas-otso hanggang alas sais ang regular na bukas ng shop namin. May mangilan-ngilan nang
umorder pero wala namang nag-stay sa shop; talagang bumili lang.

Bumukhas ang pinto ng shop at napabaling doon si Roswell.

"Speaking."
She grinned at me. Nag-angat ako ng tingin at nakitang naglalakad patungo sa counter si Duke.
He was wearing a navy blue short-sleeve polo and black slacks. Maayos ang itsura at halatang
bagong paligo.

I cleared my throat as his manly scent reached my nose.

"Good morning," I greeted him with a slight smile.

Tumitig siya sa akin bago ibinaba ang tingin sa pastries. "Good morning, Sol."

Dahil nasabi niya naman kagabi ang order niya, hindi ko na siya itinanong. Kumuha na ako ng
cheesecake at iniabot iyon sa kanya. Mabilis niya naman ding binayaran iyon.

"Uh... may order ka pa ba?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis sa tapat ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Roswell, marahil ay nakikinig sa amin. Hindi ko siya
masamaan ng tingin dahil na kay Duke ang atensyon ko.

"Can I have your number?"

My heart skipped a beat in surprise. Roswell pretended to cough, but I was too nervous to say
anything!

Lumikot ang mata ni Duke nang mapansin ang reaksyon ko. "Para kapag oorder kami... sa
trabaho, uhh, kung ayos lang naman, Sol."

I let out a heavy sigh. "Ito ang business card namin. You can contact us here."
Tumango siya bago inabot ang card sa kamay ko. He slid it in his pocket before looking back at
me. Muling tumalon ang puso ko sa pagtatama ng mata namin.

"Nag-de-deliver ba kayo?"

I nodded.

"Ikaw ba ang nagdedeliver?"

Napaubo ako sa tanong niya. Maging si Roswell ay nakita kong natigilan sa pagpupunas ng
mesa. Ngayon ay talagang walanghiya na niyang pinanonood kami.

"M-minsan, Duke. Depende sa availability," I managed to say.

Medyo kumunot ang noo niya bago tumango. Kinuha niya ang order na cheesecake bago
nagpasalamat at umalis ng shop.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang umalis ang sasakyan niya.

"Talande," parinig sa akin ni Roswell.

Sininghalan ko siya at nagpatuloy na lang sa trabaho. Kagaya kahapon, medyo marami rin
kaming customer dahil bago pa lang. Nagbasa ako ng feedbacks at hindi ko maiwasang hindi
matuwa dahil nagustuhan nila ang lugar.

Inaya ako uli ni Atreus na magdinner para makabawi sa nangyari kagabi. I kindly declined
because I knew he was still busy. Marami ang pasyente kaya mas kailangan siya roon.
Tuwing tumutunog ang pinto ay napapalingon ako at kinakabahan sa hindi ko malamang
dahilan. Panay tuloy ang pang-aasar sa akin ni Roswell at kung hindi ko lang siya
mapagkakatiwalaan, tinanggal ko na talaga siya sa trabaho.

Natapos ang araw na hindi naman tumawag si Duke tungkol sa delivery.

Not that... I was waiting for it.

Lumipas ang mga linggo na malakas ang kita ng shop. Madalas kaming sold out kaya naging
busy rin ako sa pag-ba-bake . Naisip ko nang mag-hire ng makakasama ko dahil ang hirap
maging hands-on.

Bumibisita rin madalas si Bethany. Nagpapa-deliver pa siya sa law firm nila halos araw-araw.
Nakakatuwa dahil ang mga positive feedback nila ay lalong nagparami sa customer ko.

Kadalasan lang talagang problema ay si Roswell. Laging may nakakaaway na customer! Pag
tinatanong ko naman siya, naiintindihan ko ang punto niya kaya hinayaan ko na. We had the
same personality. Sinasabi niya talaga kapag sala na sa hulog ang tao.

"Boring ni Duke. Kinuha pa ang business card, hindi naman pala babalik."

Umupo ako habang hinihintay siyang matapos para maisarado na namin ang shop. Ang ibang
employees ay pinauna ko na nang uwi dahil hindi naman sobrang hectic ngayon.

"Baka hindi nagustuhan ang cheesecake mo?" pang-aasar pa ni Roswell.

Umirap ako. "Mas kapani-paniwalang busy siya, Well."


Nang maisara ang shop ay pumunta na ako sa kotse ko. Pinatunog ko ito nang makita ang
paparating na sasakyan.

BMW.

I gulped as it stopped beside my car. Hindi ako nagkamali nang bumaba si Duke doon.
Sumulyap siya sa shop bago ibaling ang tingin sa akin. His white shirt was tight around his body,
emphasizing his well-toned physique.

"Sarado na," tanging nasabi ko.

Mahina siyang tumango. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko bago nag-iwas ng tingin at
binasa ang pang-ibabang labi. My heart pounded in my chest at the sight of him.

"Uuwi na ako..."

Napabaling siya sa akin. Mukha siyang kinakabahan habang nakatingin sa akin.

"Nagdinner ka na ba?" he asked in a low voice.

I gasped silently. "Ayos lang ako, Duke."

Dahan-dahan ulit siyang tumango. Hindi ko naman malaman kung anong dapat kong gawin.
Aalis na ba ako?

He cleared his throat. "May project ako sa Batangas."


"Huh?"

He looked away. "K-kaya ano... hindi ako nakapunta ulit... Solene."

I bit my lower lip. This was so awkward! "Ayos lang naman, Duke."

He sighed heavily. Ako naman ay naglakad na patungo sa kotse ko at binuksan iyon. Nilagay ko
roon ang bag ko at muling humarap sa kanya na pinapanood ang galaw ko.

"Uuna na ako."

Nang tumango siya ay nagmadali na akong umalis. Mabuti na rin at heavy tinted ang sasakyan
ko dahil ayokong makita niyang kinakabahan ako.

Nang makauwi ay nag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Atreus. Inilibing ko agad
ang kabang naramdaman ko para kay Duke at sinagot ang tawag.

"Doc," I greeted him.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. "Dinner tayo."

"Nasa condo na ako."

He grunted. "Please? Kahit d'yan na lang sa mall malapit sa condo mo."

Natatawa akong pumayag na sa kanya. Tutal ay tinatamad din naman akong magluto. Nagpalit
ako ng pajama dahil malapit lang naman. Isa pa, si Atreus lang naman ang kasama ko at sanay
na iyon sa akin.

Bumaba ako nang mabasa ang text niya na nasa baba na siya. Nakangiti agad siya sa akin kahit
nginusuan ko siya.

Atreus had soft features. Clean cut ang buhok, malinis ang kuko, malamlam ang mga mata at
laging malinis. He was also as fair as me. Wala ring mababasang yabang sa tindig niya. He
looked really kind and soft-hearted... well, he is.

"Patulog na?"

I chuckled. "Oo, napilitan lang ako. Kulit mo, eh."

Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan habang naglalakad kami patungo sa mall. Paminsan-
minsan pa ay kinikiliti niya ako kaya ilang beses ko ring nasapak ang tiyan niya. Tatawa lang
siya kaya natatawa rin ako.

"Ano ba iyan, doctor, pero ang hilig sa fastfood," pang-aasar ko sa kanya.

"Secret lang 'yon."

Tinawanan ko lang siya. Kumain kami at nagkwentuhan. It was normal and comfortable. Walang
kaba at takot pag siya ang kasama ko. Talagang komportable ako sa kanya. Ikinukwento niya sa
akin ang pasyente niyang batang babae na may crush daw sa kanya kaya hindi siya
nahihirapang turukan ito.

"Iyong concert ha," paalala niya sa akin.

Umirap ako sa kanya. "Ayoko, busy ako."


He glared at me before pinching my cheeks tightly. Hinampas ko lang ang kamay niya at
sinamaan siya ng tingin.

Naglakad ulit kami pabalik sa condo ko dahil doon din naman naka-park ang kotse niya. Sa
Sabado ang concert, dalawang araw mula ngayon. Inihatid ko siya hanggang sa sasakyan niya
at ang loko ay humalik pa sa pisngi ko bago umalis. Again, it was not something new.
Komportable talaga kami sa isa't isa.

Papasok na sana ulit ako sa building nang matanaw ko si Duke na nakasandal sa kotse niya at
may dalang paper bag. Iyon pa rin ang suot at bahagyang magulo ang buhok.

Nag-angat siya ng tingin at nahuli niya agad ang mata ko. Tumalon ang puso ko roon ngunit
wala manlang gulat sa mga mata niya. Lalo akong kinabahan nang maglakad siya palapit sa
akin. His face was serious and dark. Kahit madilim na ay kita ko ang titig niya sa akin.

"Napadaan ka..." I whispered. Parang bigla akong nawalan ng hangin.

"Pumunta talaga ako rito dahil sa 'yo."

Para na akong hihimatayin sa kaba dahil sa sinabi niya. Still, I managed to keep my face straight.

"Bakit?"

His brows were now furrowed. "Iaabot ko lang 'to."

Iniabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya at hindi ko naman iyon agad tinanggap. Ni
hindi ko ito sinulyapan.
"Bakit?" ulit ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "It's chicken curry... niluto ko."

I sighed and stared at him. "Duke, why are you doing this?"

"I just..." He sighed. "Want to cook for you," dagdag niya sa mas mahinang boses.

"Bethany likes this, too, right? Bakit hindi mo sa kanya ibigay?"

Umiling siya. "I didn't cook that for her, Sol. I cook that for you... for your dinner."

"Stop whatever you're doing, Duke," I said frankly.

Ibinaba niya ang hawak na paper bag at ngumiti na lang sa akin. It was a faint and sad smile.

"Pero okay lang, nag dinner ka naman na." Tumango-tango pa siya na parang kinukumbinsi ang
sarili. "Sorry for bothering you, Solene. Sige, ano... uuna na ako."

Nagpaalam siya sa akin at hanggang sa mawala siya sa tingin ko ay naiwan lang akong
nakatanga roon... feeling a little guilty and confused.

Chapter 30

"Sol, may bulk order. Hindi kaya ng motor. Lexus needs your car."

Bumaling ako kay Roswell. "Saan daw?"


"Sa Las Islas, sa ginagawang tulay."

Tumango ako at iniabot sa kanya ang susi. Tinanggap niya ito at umalis na sa harap ko. I
continued baking some cinnamon bites and crinkles. Pagkatapos ay isinalansan ko iyon nang
maayos sa counter.

Nakita ko si Roswell na pumasok ng shop, hawak pa rin ang susi ng kotse ko.

"Pick up na lang daw," aniya bago muling iniabot sa akin ang susi.

I nodded. Less hassle.

Naupo muna ako para magpahinga. Dahil kakaunti ang delivery ngayong araw, nakita kong
pumasok na lang si Lexus at tinulungan si Diane sa paglilinis ng mga mesa.

Natulala ako habang iniisip ang nangyari kagabi. I knew I didn't have to feel bad because I didn't
ask him to cook for me. Pero sa mata nito kahapon, hindi ko maiwasang makunsensiya.

Umupo si Roswell sa harapan ko. Napatingin ako sa counter at nang makitang wala namang
customer na oorder ay muli kong ibinaling ang tingin sa kanya.

"May tumawag kanina, magpapagawa raw ng cake para sa wedding anniversary."

"Kailan?"

"Two weeks from now," sagot niya. "Isinulat ko roon iyong contact info."
Tumango lang ako ulit sa kanya at nagkalikot na lang ng cellphone. Nagbasa ako ng comments
at replies sa page para mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Tumayo si Roswell nang
tumunog ang pinto ng shop. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pags-scroll.

Napasulyap lang ako sa ingay ng mga lalaki. Tatlo silang naroon. They were wearing steel-toed
boots, a polo shirt, and knee-pad trousers. Sa porma nila ay halatang nasa trabaho sila.

Ibinaba ko ang cellphone para tulungan si Roswell. Marami silang orders at gusto kong
bungangaan ang babae dahil ngayon pa lang ito nag-pa-pack.

The three eyed me. Muntik akong mapairap nang makitang ang isa sa kanila ay siniko ang
kasama niya.

"Ms. Solene," tawag sa akin ni Roswell.

Lumapit ako sa kanya at bahagyang natawa sa itinawag niya sa akin. Tinulungan ko siyang mag
-pack ng orders nila at nang matapos ay ako na ang humarap sa tatlo.

Akmang iaabot ko na sa kanila ang order nang pumasok si Duke sa shop. He was wearing the
same clothes as them, ang kaibahan lang ay mas pormal ang suot niyang button-down polo. His
expression was serious, and his lips were a bit pursed.

"Engineer," they greeted him. Nalaman ko agad na kasamahan niya sa trabaho ang tatlo.

"Bakit bumaba ka pa?" tanong pa ng isa.

Sumulyap sa akin si Duke bago muling bumaling sa tatlo.


"You're taking too much time."

I cleared my throat. "Kasalanan namin, Sir. We didn't prepare your orders beforehand."

He slowly nodded. Ang tatlong kasama niya sa likod ay nakatingin lang sa aming dalawa ni
Duke. Iniabot ko sa kanila ang orders nila at tinanggap niya naman iyon.

It was amazing how he carried it all in his hands. Ni hindi na kailangan ng tulong ng tatlo.

Still, kinuha nila kay Duke ang order.

"Engineer, kami na po ang magbabayad. Mas marami po kaming order."

Duke shook his head, but his gaze remained focused on me. "Ako na."

Kita ko ang ngiting tagumpay ng isa sa kanila dahil nakalibre. Iniabot sa akin ni Duke ang bayad
at kahit kinakabahan ay nagawa ko siyang suklian nang ayos.

Nang umalis sila sa harap ko ay napabuntong-hininga ako. Rinig ko agad ang mahinang
pagtawa ni Roswell.

"Kaya crush na crush ko 'yon dati, eh!"

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa trabaho. Nang sumunod na araw ay umorder ulit ang
tatlo. Hindi nila kasama si Duke pero rinig ko ang usapan nila.

"Mapera yata si Engineer at libre ulit ang merienda natin..."


Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Hinayaan ko si Roswell na mag-serve sa kanila. Siguro
ay busy ang lalaki kaya hindi na nakapunta rito para siya mismo ang umorder.

Lumipas pa ang isang araw na muling bumalik ang tatlo pero cheesecake lang ang inorder.
Nang maghapon ay nagpaalam ako kay Roswell na uuwi na ako dahil manonood kami ni Atreus
ng concert ng The Script.

I wore a black halter top paired with black high-waisted shorts and a pair of skechers. Itinaas ko
rin ang buhok ko para walang harang sa mukha ko. Napagdesisyonan namin ni Atreus na sa
Arena na lang magkita.

Alas-otso pa ang simula ng concert pero alas siete pa lang ay nakaupo na ako sa isa sa mga
VIP seats. Marami nang tao kaya maingay na rin sa loob.

I smiled as I saw Atreus walking in my direction. He was wearing a basic statement shirt and
maong pants.

"Fresh," pang-aasar ko.

He chuckled but it blended with the noise inside the arena. Nang tumungtong sa stage ang
banda, parang sasabog ang lugar sa lakas ng sigawan. People were jumping and singing along
with them. Kahit kami ni Atreus ay mapapaos na kasisigaw.

They performed fifteen songs at alam ko lahat iyon!

Dalawang oras din ang itinagal ng concert. I was euphoric even after it ended! The Script was
one of my favorite bands, and seeing them perform live made me want to jump in excitement!
Nasa labas na ako at hinihintay lang si Atreus dahil nasa restroom pa ito. Nakangiti pa rin ako
dahil sa napanood. Bibili lang kami ng drinks at uuwi na rin pero tingin ko ay hindi ako
makakatulog sa saya ngayon.

I waved at Atreus when I saw him.

Kaya lang ay natigilan ako nang makita si Bethany sa likod niya. Wala itong ibang kasama.

"Tara na."

"Si Bethany," tanging nasabi ko kay Atreus.

Lumingon ang lalaki sa tinitingnan ko pero imbes na lapitan namin ang babae, inakbayan niya
lang ako.

"Hayaan mo na, kape na tayo."

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatianod. Pumasok siya sa cafe habang ako ay
nagpaiwan sa labas. Nakita kong tumawid din si Bethany at mukhang bibili rin ng kape.

Nagtama ang mata namin. Bahagya akong ngumiti sa kanya hanggang sa makarating siya sa
pwesto ko.

"Nanood ka rin?" masayang tanong niya.

I nodded. "Kasama ko si Atreus."


She giggled, nang-aasar. Hindi ko na pinansin ang tingin niya dahil lumabas din si Atreus sa cafe.

"Huwag ka nang manggulo sa date naming," bungad agad ng lalaki kay Bethany.

Tumawa siya. "Alam ko! Hinihintay ko lang si Laurence at nagpapasundo ako."

Parang magic word ang pangalan ng lalaki dahil napatingin ako sa kanya. My heart leaped at the
thought of him.

"Wala kang kasama?" I managed to ask.

"Ayaw ni Laurence, eh."

Tumango lang ako sa kanya. Pumasok siya sa loob ng cafe para umorder din ng kanya at nang
lumabas ay sumama sa amin ni Atreus. Sabi niya ay roon daw muna siya habang hinihintay ang
lalaki.

Hindi ko maiwasang kabahan gayong alam kong makikita ko si Duke. Nagku-kwentuhan ang
dalawang kasama ko samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Maya-maya lang ay pumasok ulit sa cafe si Atreus dahil bibili pa raw siya ng kape. Naiwan
kaming dalawa ni Bethany roon nang mag-ring ang cellphone niya.

"Nasa cafe ako sa tapat ng arena... yeah... okay, ingat... thank you, Laurence."

Nakatingin lang ako kay Bethany habang kausap niya sa telepono si Duke. Napatuwid ako ng
tayo nang makitang tumatawid ang lalaki at naglalakad papunta sa pwesto namin.
There was a glimpse of surprise in his eyes when he saw me with Bethany.

"Uuna na ako, pasabi na lang kay Atreus."

"Sige... ingat."

Ngumiti siya ulit sa akin bago naglakad para salubungin si Duke. Nag-iwas ako ng tingin sa
kanila lalo pa at sa akin din nakatingin ang lalaki.

"Bibili ako ng kape, Bethany," rinig kong saad niya.

Kinabahan ako nang naglakad ito papunta sa pinto ng cafe pero hindi naman pumasok. Tumigil
siya sa gilid ko at kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang titig niya.

Si Bethany ay nakatingin lang sa kanya kaya naiilang ako.

"Gusto mo ba ng hot choco, Solene?"

I gulped at his soft yet low voice. Umiling lang ako sa kanya at hindi tumingin dahil ayokong
kung anong isipin ni Bethany. He didn't even ask her what she wanted! Ako talaga ang itinanong
niya!

"Ano... nagpasundo lang si Bethany."

Napabaling ako sa kanya at dahan-dahang tumango.

"Ihahatid ko lang siya at uuwi na rin ako pagkatapos."


I bit my lower lip. "Okay."

Tumango siya at pumasok na sa loob. Ako ay naiwan doong mabilis ang tibok ng puso dahil sa
kaba. There was no need for him to explain! Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon.
Ipinagdasal ko na lang na sana ay hindi iyon narinig ni Bethany.

Nang lumabas si Atreus ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Nagpaalam lang kami kay
Bethany at tumawid na ulit papunta sa sasakyan namin.

Lutang lang ako hanggang sa makauwi. Hindi ko alam kung post-concert fever ba ito o dahil kay
Duke. He kept appearing in front of me, and it was driving me insane! His questions were also
confusing. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpaliwanag sa akin gayong
wala naman dapat akong pakealam.

Alas dose na at gising pa rin ako. Nasa couch lang ako habang umiinom ng wine at nag-iisip
nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng condo ko. Naka-night dress lang ako at hindi
ko malaman sa sarili kung bubuksan ko ito.

Sinilip ko kung sino ang kumakatok at halos malaglag ang puso ko nang makita si Duke doon.
Gano'n pa rin ang suot niya at may hawak na cup.

Inayos ko ang sarili at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pakiramdam ko ay namumutla ako
dahil sa kaba. Nagtama ang mata namin at lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"A-anong ginagawa mo rito?"

He gulped. Kagaya ko ay mukha rin siyang kinakabahan. Ni hindi ko siya mayaya sa loob ng unit
ko.
Iniabot niya sa akin ang hawak niyang cup and I unconsciously accepted it!

"Para saan 'to, Duke?" mas mahinang boses na tanong ko.

"Binili ko lang sa baba... ayoko kasing umakyat dito nang walang... dala."

Dahan-dahan akong tumango, kinakalma ang sarili.

"Ano palang kailangan mo?" I asked.

He looked away and breathed heavily. Alas-dose na at narito siya sa tapat ng unit ko!

"Hindi ko yata kayang matulog kung hindi kita matatanong, Sol..."

Dinaga ang dibdib ko sa sinabi niya. Kung ano-ano na agad ang pumasok sa utak ko. Hindi ako
sumagot. Bagkus ay hinintay ko siyang magsalita. My hands turned cold.

He looked me in the eye. Wala akong mabasa roon kung hindi kaseryosohan.

"May relasyon ba kayo ni Atreus?"

I heaved a sigh before shaking my head. Nilabanan ko ang titig niya sa akin kahit pa halata na
ata sa mukha ko ang tensyon.

"Wala pa kami ro'n, Duke... bakit?"


Binasa niya ang pang-ibabang labi. "D-do you like him?"

"Bakit mo nga tinatanong?!" naiinis nang saad ko. Hindi ko makalma ang sarili ko at kung
magpapatuloy pa siya ay baka himatayin na ako rito.

"Pumunta ka nang ganitong oras para lang itanong iyan?" dagdag ko pa nang hindi siya umimik.

"Kasi... kung wala kayong relasyon..." he trailed off. "Solene, pwede ba akong manligaw?"

Chapter 31

Muntik ko nang mailaglag ang hot chocolate na hawak ko sa biglaang tanong niya.

Iniwas niya ang tingin sa akin. "I... I didn't court you back then. G-gusto ko lang simulan 'to nang
tama, Sol."

I wasn't able to answer. Ramdam ko lang ang mabilis na tibok ng puso ko. Para itong lalabas sa
dibdib ko. Napayuko na lang ako at napatingin sa ibinigay niyang cup at namula nang husto ang
aking pisngi nang makitang may nakasulat doon.

'For My Sol'

"Uhh... mamaya na lang ulit sa shop mo, Sol... matulog ka na."

Sa taranta ay napatango lang ako. Hindi ko pa rin siya nililingon at wala akong balak tingnan
siya gayong alam kong pulang-pula ako!

"Good night, Solene," he said in his baritone voice.


"Good night..."

Nang makaalis siya at maisarado ko ang pinto ay napasandal ako sa pader. Mabilis ang aking
paghinga na akala mo ay nakipagkarera ako.

He would court me?!

Duke?!

I gulped as I calmed myself. This wasn't my reaction when Atreus told me he'd pursue me!
Ngayong may bagong gustong sumubok, bakit ako kinakabahan?!

Should I give him a chance?

What about Atreus?

With a lot of thoughts in mind, I didn't know how I managed to sleep that night.

Kinabukasan ay gumising ako na parang nakalutang. I did my morning routine, but I stayed in
bed, contemplating my life decisions. Papasok ba ako sa shop? Duke said he'd be there.

I texted Jelay. Hindi ako makakakilos kung hindi ko sasabihin sa kanya ito.

Me:

bitch guess what


Me:

liligawan daw ako ni duke, wtd wtd wtd huhu im panicking

I waited for a few minutes before I heard my phone rings. Jelay was calling!

"What the fuck, Sol?!" bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

I bit my lower lip. "I don't know what to do!"

"Dalawang linggo lang tayong hindi nagkita, naglalandian na agad kayo?! What happened to
"stop appearing in front of me" mo?!"

"He didn't listen!"

"Umamin ka nga sa akin..." she trailed off. "Do you still love him?"

"H-hindi na, no!" I uttered nervously. "I was just... shocked!"

"Kung hindi mo nakikita ang sarili mong boyfriend siya, don't prolong his agony. Bastedin mo
agad," she said casually.

Napalunok ako. Basted? Si Duke? Nagbago na kami pareho. Hindi na ako ang dating Solene na
patay na patay sa kanya at hindi na rin siya ang Duke na hinangaan at minahal ko noon. He was
more successful and dangerous now. He was like a poison waiting for someone to drink him
without hesitation.
"Oh, bakit natahimik? Hindi mo kaya?"

Tumikhim ako. "D-do you think that's... fair? I mean... I will not give him the chance to prove
himself?"

"Sol, desisyon mo iyan. Basta, ang akin lang, kung hindi mo naman gusto ang tao, 'wag mo nang
patagalin ang panliligaw."

I sighed. "You're right... hindi ko rin makita ang sarili ko na... boyfriend ulit siya."

Tumikhim ito. "Eh si Atreus, do you see him as your partner?"

Natahimik ako roon. For almost eight months, Atreus had been courting me. We were sweet and
casual. He was honest about his feelings for me, but I didn't think I was ready to be in a
relationship with him at this time.

"To be honest... I'm still learning how to love him." I sighed. "Ang bait sa akin ni Atreus. He's
always there for me. I can't... hurt him."

"Sol..." she paused. "You have to think straight. We both know that love doesn't work that way.
Mas lalong hindi deserve ni Doc ng sukling utang na loob."

"Yeah..." I agreed.

Atreus is my only male friend right now. Maaasahan ko ito at napakabuti ng puso niya sa akin. I
couldn't lose him as a friend... he was just too good.
Nang maibaba ang tawag ay lalong naguluhan ang isip ko. Kailangan kong patigilin si Duke sa
pinaplano niya at magfocus na lang kay Atreus. The latter deserved my love better.

Nagbihis ako at pumunta na sa shop ko. Medyo na-late pa ako pero mabuti na lang at nakapag-
bake na ako kahapon. Isa pa ay maasahan naman si Roswell.

Muntik akong matalapid pagpasok ko nang makitang naroon na si Duke. Mukhang handa na ito
sa pagpasok sa trabaho ngunit dumaan talaga sa shop ko! Hindi pa nakatulong at may dala pa
itong bulaklak!

I kept my chin up as I made my way to the counter. Pinipigilan ko ang sarili na magmukhang
tensyonado kahit ang totoo ay natataranta ang sistema ko.

"Magandang umaga, Solene," he greeted me. Lumapit ito sa counter kung saan ko inilapag ang
gamit ko.

Tumango lang ako sa kanya. Iniikot ko ang paningin sa buong shop para sana hanapin si
Roswell pero nasa kusina pa yata ang babae!

I sighed as I looked at him. Nang magtama ang mata namin ay matipid siyang ngumiti. Inilapag
niya sa harap ko ang isang bungkos ng pulang rosas kaya napabaling doon ang tingin ko.

"Kumusta ang tulog mo?"

I wanted to slap myself for being too affected by his question.

"I slept well, Duke," I answered simply. Ang mga mata ko ay nasa bulaklak pa rin.

He cleared his throat. "Do you... like it?"


Napatingin ako sa kanyang nag-hintay na mata. I sported my resting bitch face to conceal
whatever I was feeling.

"Hindi naman na kailangan nito. Gumastos ka pa."

He shifted his weight and his lips twisted a little. Iniiwas niya ang tingin sa akin at nakita ko
agad sa mata niyang hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Nanliligaw ako, Sol. Tama lang na bigyan kita niyan. Hindi iyan gastos lang para sa 'kin," he said
with earnestness.

Gusto kong sabihin sa kanya na 'wag nang ituloy ang ibinabalak ngunit hindi ko madala ang
sarili kong banggitin iyon lalo at nasa harapan ko siya.

Narinig kong lumabas si Roswell sa kusina. She was humming but when she saw us, she
suddenly stopped. Mabagal ang kilos niyang humakbang pabalik sa kusina at gusto kong
mapairap doon.

I looked at Duke. "Wala ka bang trabaho?"

Gumalaw siya kaya napatingin ako sa matipuno niyang braso na bahagyang gumalaw rin. Nag-
iwas ako ng tingin doon.

"Meron... sa Las Islas. iyong ginagawang daan."

I raised my eyebrow. That one was huge. Gumagawa ng shortcut mula Las Islas hanggang La
Union at siya ang engineer noon?
I sighed, trying my best not to show him my amusement. "May trabaho rin ako, Duke."

I immediately regretted saying it when I saw a hint of shock on his face. Dahan-dahan siyang
tumango sa akin at tumitig sa mata ko. Alam kong na-offend dapat siya sa pagiging dismissive
ko ngunit nakita ko ang bahagyang pagsilip ng tuwa sa kanya.

He chuckled lowly. "Sorry, Sol. Babalik na lang ako mamaya."

Inirapan ko siya. Kinuha ko ang bulaklak at inilapag sa ilalim ng counter.

"Saka pala ano..." he trailed off. "Pa-order na rin ng cheesecake."

I nodded and prepared his order. Nagpaalam din agad siya sa akin dahil malamang,
naramdaman niya ang pagiging offhand ko. Kinalma ko ang sarili at pinagpatuloy na lang ang
araw.

Hindi ako nakaligtas sa pang-aasar ni Roswell. Tuloy, maging ang ibang trabahante ay inaasar
ako.

"Ma'am, kilala namin ni Lexus iyong si Engineer. Nagtrabaho kami bilang construction worker
noon sa ilalim niya. Strikto at suplado!" si Ford bago bahagyang tumawa. "Mabait naman iyon at
laging nanlilibre."

Lexus laughed. "Marunong palang manligaw 'yon. Akala namin dati ay walang interes sa babae."

Narinig ko ang pagtawa ni Roswell. "Damang-dama ko iyan! Ilang beses akong nagpapansin
doon no'ng college kami pero si Sol lang ang pinapansin!"

"Ay, matagal na palang magkakilala?"


"Oo! Naging sila dati! May inggrata lang na nakisali. Aba kung i-gi-give up ko naman si Duke,
mas mabuti nang mapunta kay Solene, ano!"

Nagtagal ang usapan nila roon na akala mo ay wala ako sa loob ng shop. Bidang-bida si Roswell
sa kwentuhan at talagang hindi pa pinalagpas ang mga ginawa niya noon sa akin para lang
makuha ang atensyon ng lalaki.

"Naglagay pa ako ng palaka sa bag niyan tapos makikita ko, niyayakap lang ni Duke kasi umiiyak
sa takot! Husko! Saksakan kamo ng arte!"

They laughed.

"Na-suspend pa ako sa school dahil ni-report ako ni Duke! Isipin niyo naman ang sakit noon! Ini-
report ka ng crush mo sa admin! Malakas pa naman 'yon at isa sa top students ng school!"

Napairap ako sa pagkukwento niya at bahagyang napangiti nang maalala ang araw na iyon. It
was during our second year in college.

Habang nagkakatuwaan sila ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan
ko ang nag-message.

Atreus:

Dinner mamaya. Gabi duty ko bukas.

I typed a reply.
Me:

oki libre mo 'ko ha

Agad din akong nakatanggap ng reply sa kanya.

Atreus:

Huwag na lang pala tayong lumabas.

Malakas akong tumawa bago ibinaba ang cellphone ko. Itinext niya pa sa akin kung saan kami
magkikita na alam ko namang mauuwi lang sa Jollibee. Paborito iyon ng lalaki kaya madalas
kami roon kumakain.

Bumisita si Jelay sa shop at nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari. Tili siya nang tili sa
akin na akala mo'y hindi ko ikinwento sa kanya ang nangyari sa text.

"Eh, paano ba naman kasi, subaybay ko ang love story ni Duke! Hindi ko tuloy alam kung kanino
na ako mas boto."

Isang oras bago magsara ang shop, dumating ang tatlong kasamahan ni Duke sa trabaho.
Ngunit ngayon, iba na ang ngiti nila sa akin na parang may alam sila sa nangyayari sa amin ni
Duke.

"Ms. Sol, hindi raw makakapunta si Engineer dahil wala iyong assistant engineer niya. Kailangan
niyang maging hands on doon," paliwanag ng isa sa kanila.

I gulped. "Sabihin niyo sa kanya ay ayos lang dahil hindi ko naman siya hinahanap-hanap."
Nagtawanan ang tatlo kaya napabusangot ako. Ang sabi ni Duke ay pupunta siya rito pero
unang araw pa lang ng panliligaw ay hindi na agad siya tumuloy?

Bitbit ko ang bulaklak nang maglakad ako patungo sa kotse ko. Itinext ko na si Atreus na
papunta na ako at sumagot naman siyang paalis na rin siya sa hospital.

I was about to start the engine of my car when I received three messages from an unfamiliar
number.

Unknown Number:

GOSURF50

Unknown Number:

Wrong send.

Unknown Number:

Dinner? -Duke

I stared at my phone, a little taken aback by his messages. He imitated me! Talagang naalala
niya pa ang ginawa ko noon?! At saan niya naman nakuha ang numero ko?!

Sa inis ay napabaling ang tingin ko sa kumpol ng rosas. Masama ang tingin ko rito na akala mo
may atraso ito sa akin.
Nanliit ang mga mata ko nang makakita ng card doon. Hindi ko ito napansin kanina dahil
inilagay ko ang bulaklak sa ilalim ng counter.

I was expecting a romantic letter, but when I saw what he wrote, my jaw dropped.

'The real shape of Pringles is a hyperbolic paraboloid.'

I swore quietly... but after a while, I found myself howling with laughter... out of breath. Duke
was never one for romance! He'd always been a nerd, but I didn't expect him to do this.

When my laughter subsided, I typed a response.

Me:

may dinner kami ni atreus

Inilapag ko ang cellphone at naiiling na nag-drive. Nangingiti pa rin ako habang inaalala ang
kalokohan ng lalaki. It was as though we'd gone back to being childish teenagers.

Tama nga ang hinala ko na sa Jollibee mauuwi. Hindi rin naman ako nagreklamo dahil libre
naman ni Atreus. Isa pa, gusto ko rin naman ang fastfood.

"Nanliligaw si Duke."

He stopped eating and stared at me. Seryoso ang tingin niya sa akin. Nilabanan ko ang tingin
niya hanggang sa nagpakawala siya ng isang buntong hininga. I wanted to be fair. That was
something I needed to tell him.
Iniiwas niya ang tingin bago tipid na ngumiti. "Pinayagan mo?"

"Hindi ba dapat?" mahinang tanong ko. "Should I turn him down?"

"It's your choice, Sol. Hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin."

After that conversation, he appeared to be distant. Ngumingiti pa rin siya sa akin at


nakikipagbiruan ngunit alam kong nag-iisip siya. Sa isang taon na pagkakakilala ko sa kanya,
ngayon pa lang may lalaking papagitna sa relasyong mayroon kami.

Although we weren't together, I was trying to teach myself how to love him. I hadn't reached that
level yet. He meant a lot to me, so seeing him threatened made me sad.

At the same time, I couldn't ignore Duke. Hindi ko kayang tiisin ang lalaki kapag nasa harap ko
na ito.

I let Atreus think. Natapos ang dinner namin na medyo tahimik siya.

Nakauwi na ako nang mabasa ko ang text ni Duke at kahit may iniisip, hindi ko maiwasang
mapangiti. He instantly wrought havoc on my insides. Something that no one, not even Atreus,
could attain.

Duke:

:(

Chapter 32
"Ang aga mo na naman, Engineer!"

Napairap ako nang marinig ang boses ni Roswell pagkababa ko pa lang ng kotse ko. Namataan
ko si Duke na may dala na namang paper bag gaya ng mga nagdaang araw. I wondered what
that was. Lagi kasing iba-iba ang laman noon.

Even from afar, his built was dominating. Ang polo niyang suot ay hakab na hakab sa katawan
niya. Ang medyo humahaba niya nang buhok ay halatang inayos at sinuklay. Unang tingin pa
lang, mukha na agad siyang mabango.

"Magandang umaga, Sol."

That was his most rehearsed greeting. Walang palya sa nagdaan na isang linggo. Araw-araw ay
maaga siyang pupunta rito, papasok sa trabaho, mag-me-merienda at minsan ay hintayin pa
akong makatapos sa trabaho.

"Good morning, Duke," I replied.

Nagtungo ako sa glass door ng shop at binuksan ito. Alas-sais y media pa lang ng umaga at
alas-siete kadalasan ang oras ng trabaho ni Duke.

Pumasok ako sa loob at sumunod ang lalaki. Maging ang mga trabahante ay pumasok na rin.
They did their usual routine. Inayos ang mga upuan at mesa. Ako naman ay nagtungo sa
counter at inilapag doon ang gamit ko.

"Pwede ba kitang maimbitahan mamaya, Sol?" he asked in a deep baritone. Inilagay niya sa
counter ang paper bag at nang silipin ko iyon ay may tupperware sa loob. Nagluto ulit siya para
sa akin.

I looked at him. "Anong oras? May delivery kasi ako ng cakes mamaya."
"Ikaw ang mag-de-deliver?"

Tumitig siya sa akin at ipinatong ang isang kamay sa counter. Napansin ko agad ang
mamahaling relo niya.

Dahan-dahan akong tumango. "May kalayuan kaya baka... matagalan ako. Sa ibang araw na lang,
Duke."

He looked down. Tumingin siya sa kamay kong nakapatong din sa counter, malapit sa kamay
niya.

I blushed as I recalled how he used to play with my fingers as if it were the most natural thing in
the world..

"Sa office lang ako ngayon para sa meeting. Pagkatapos no'n ay wala na akong gagawin. Pwede
ba kitang samahan?" mahina ngunit malalim ang tinig na tanong niya.

My breathing hitched. "Kasi, uhm... malayo, Duke."

He grinned. "That's... better."

Ipinaglagay ko siya ng cheesecake sa isang paper bag bago siya umalis. Pupunta raw siya sa
shop nang mga alas tres ng hapon. The thought of us being on a three-hour drive overwhelmed
me.

Duke was a bit persistent. Noong mga unang araw na si Atreus ang kasama ko lagi kapag
hapunan ay pupunta si Duke sa akin sa umaga para yayain ako sa mismong shop ko na mag-
umagahan.
Hindi ko maiwasang mag-alala kay Atreus. These days, I noticed how he became aloof. Kapag
kakain kaming dalawa ay may mga remark pa ito na hindi ko nagugustuhan.

"Mas matagal na akong nanliligaw, ha? Baka naman iyan pa ang sagutin mo..." pabiro niyang
saad isang beses habang naglalakad kami patungo sa condo ko.

"What do you mean?"

He'd shrug jokingly. "Wala lang. Mas kilala kita kaysa sa kanya." He laughed. "Sana naman ay
maisip mo lahat ng nagawa ko para sa iyo."

Pabiro niyang sinabi ang mga iyon pero alam kong may laman ang mga salita niya. Tuwing
nagsasalita siya ng tungkol doon ay natatahimik ako. Totoong mas komportable akong kasama
si Atreus dahil itinuturing ko siyang kaibigan ngunit kapag gano'n na siya, hindi ko alam kung
paano mag-re-react.

Buong umaga ay nag-bake lang ako. Inihanda ko ang cakes na idedeliver mamaya para sa
wedding anniversary. Surpresa pa ata ito dahil kaibigan ng mag-asawa ang tumawag sa akin.

Nang mag-alas dos y media, nagulat ako dahil naroon si Atreus at malaki ang ngiti sa akin.
Kinawayan ko rin siya at agad na nilapitan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad.

He smiled. "Mamayang 10pm pa ang duty ko. Date muna tayo."

I laughed. "Sorry, Doc, may delivery ako."


Sinabihan ko si Roswell na dalhan ng kape si Atreus at agad namang tumalima ang babae. Hindi
masyadong hectic ngayon sa shop. Kadalasan ay estudyante at magkakaibigan lang.

"Saan ka magde-deliver?"

"Laguna pa." I chuckled. "Tatlong malalaking cake kasi iyon."

Para siyang nag-isip bago humigop sa kape niya. Tiningnan ko lang siya habang nag-hihintay ng
susunod niyang sasabihin.

"Ihahatid na kita," aniya.

"Huh?"

He chuckled. "Ihahatid kita, sabi ko."

I bit my lower lip. Si Duke na ang maghahatid sa akin at anumang oras ay darating na rin iyon sa
shop ko.

He saw the hesitation in my eyes.

"Bakit? Ayaw mo?"

I shook my head. "Hindi naman sa gano'n, Atreus. Si... Duke na kasi ang maghahatid sa akin."

I noticed how his expression changed. Bahagyang nagdilim ang itsura niya tanda ng
nagbabad'yang galit. His brows furrowed a bit, too.
He sighed. "Reject him, Sol. Sabihin mo sa kanya ay ako ang maghahatid sa 'yo."

My forehead creased. "Nauna siyang magsabi, Atreus. It will be very offensive."

"Mas busy ako sa kanya, Solene. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na makasama ka. Hindi
ko naman hawak ang oras ko hindi gaya niya."

I was surprised at his words. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Atreus!

"Busy rin naman iyong tao, Atreus. He has tons of projects. Siya rin ang head engineer ng
ginagawang daan sa Las Islas at alam natin pareho na iyon ang pinakamalaking daan na
pinagagawa ng pamahalaan ngayon," mahabang litanya ko.

He sighed. "And I'm a doctor. Mas mahirap ang ginagawa ko kumpara sa kanya."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, medyo nawawalan ng pasensiya sa lalaki.

"Paano mo nasabi iyan? Naging engineer ka ba?" medyo inis na tanong ko.

He gritted his teeth. "Sa kanya ka ba sasama, Sol? I told you to reject him. Ako ang maghahatid
sa 'yo."

"We're friends, Atreus, but I am not your property. You don't have the right to tell me what to do.
Ano bang nangyayari sa 'yo?!"

Sinusubukan kong pahinain ang boses ko dahil may mga kasama kami sa loob. Ito ang unang
beses na nagkasagutan kami ni Atreus at hindi ko makuha ang logic ng lalaki.
"I'm... sorry, Sol..." He sighed. "Gusto ko lang talagang makasama ka pero ayaw mo yata."

That calmed me down a little. "Hindi sa ayaw ko, Atreus. Nauna lang magsabi si Duke kaya
gano'n."

He gave me a faint smile. "Ayos lang, lagi mo naman talagang pipiliin si Duke kahit ako ang
nandito."

I swore. I was going nuts because he was playing the manipulative card!

I bit my lower lip, but it wasn't enough to keep my words from coming out. "Hindi ko
nagugustuhan ang sinasabi mo, Atreus. If you'll continue being like that..." Umiling ako. "Mabuti
pa ay umuwi ka muna at magpahinga."

"You like him better, right?" He chuckled. "Mas gusto mo siyang makasama kaysa sa akin."

Napatayo na ako sa sinabi niya. Nakailang buntong-hininga ako bago kumalma. Ipinikit ko nang
madiin ang mga mata para makapag-isip.

"Sana ay mapagbigyan mo ako, Sol. Sigurado naman akong may ibang araw pa para kay Duke."

I bit my lower lip and sat in front of him again. I wanted to get mad. His remarks were all
unnecessary!

Sa pananahimik ko ay muli siyang nagsalita.

"Magtatampo ako kapag hindi ka sa akin nagpahatid."


I grunted before nodding. Sa inis ko sa kanya ay pumayag na lang ako. He was a friend of mine,
and, as I already said, he held a special place in my heart. Ayokong makita at marinig siyang
ganito kaya mabuti pang pagbigyan na lang siya. Duke would be treated unfairly, but I hoped he
would understand.

Me:

si atreus na ang maghahatid sa akin, don't bother

Nang mag-alas tres na ay sumakay ako sa sasakyan ni Atreus. Malaki ang ngiti niya habang
tinutulungan akong dalhin ang cakes. Ipinasok namin ito sa sasakyan niya nang maayos at
itinali para hindi magalaw mamaya.

I was bothered when we were on our way. Wala akong natanggap na reply mula kay Duke pero
dahil hindi naman ito dumating noon alas-tres, naisip kong baka na-receive nito ang text ko.
Dinadaldal ako ni Atreus ngunit ang atensyon ko ay nasa cellphone ko.

"Salamat at ako ang pinili mong maghatid sa 'yo, Sol. This means a lot to me."

Binigyan ko lang siya ng isang maliit na ngiti dahil wala rin naman akong masabi. I felt bad for
Duke, but Atreus was weighing heavily on my mind.

Nagpatugtog lang siya habang nasa byahe kami. Ako naman ay medyo masama ang loob kaya
nakatingin lang sa bintana. Maya't maya kong chine-check ang cake dahil baka tumapon ito.

Sa Los Baños kami mag-de-deliver, malapit sa UPLB. Sa LB Square daw namin dalhin ang cake
dahil nirentahan ang buong lugar para sa surpresa sa mag-asawa. It was a bar, famous for its
nightlife. Kadalasan ay estudyante ang pumupunta roon para magwalwal.

Nang paliko na kami, napansin ko ang isang pamilyar na BMW pero agad ding nawala.
I mentally shook my head. Duke couldn't be here. Wala naman siyang gagawin dito sa Laguna.

Nang mai-park ni Atreus ang sasakyan ay tinawagan ko ang contact person. I informed her that
we had arrived. Wala pa mang limang minuto ay dumating na ito ay pumunta sa direksyon
namin.

"Ang haba ng binyahe niyo! Traffic pa naman sa Calamba hanggang dito sa Los Baños!"
pambungad na bati niya sa amin. "Mabuti pa ay dito na rin kayo maghapunan, Ma'am!"

Siniko ako ni Atreus. "Huwag na, ha? May trabaho pa ako. Mag-take out na lang tayo," bulong
niya sa akin.

Alas-sais na ng gabi at kailangan na naming tumulak pabalik sa Manila para mahabol ang oras
ng trabaho niya.

Humarap ako sa babae at umiling. "Hindi na po. May duty pa kasi itong kasama ko."

Nag-aalalang tumango ito sa amin. Tinulungan namin siya ni Atreus na dalhin sa loob ng Square
ang cakes. Maganda ang ayos ng lugar. May tela sa ceiling at decorated ang chairs and tables.
Inilagay ko nang maayos sa mesa ang tatlong malaking cake.

"Bilisan mo at nariyan na ata ang susurpresahin nila."

Mas binilisan ko ang pagkilos at napangiti nang makitang maganda itong tingnan. Kinuhanan ko
pa ito ng picture para i-post sa page ko.

"Sol?"
Nakangiti ako nang humarap sa kung sino mang tumawag sa akin ngunit unti-unti iyong naupos
nang makita ang pinanggalingan ng boses.

"Mitzie," I uttered in surprise.

Nagkatitigan kami. Napansin ko agad ang pagbabago sa itsura niya. Mahaba na ang kanyang
dating hanggang balikat na buhok. Mas pumuti rin siya at mas lalong gumanda.

Nakita ko ang pagtabi sa kanya ni Kuya Sean kaya halos malaglag ang puso ko sa gulat.

"Solene!"

Niyakap ako ni Kuya Sean nang mahigpit at bahagyang nagtubig ang mata ko. I didn't realize
how much I missed him! Ngayong yakap niya ako ay parang ako ulit ang batang Solene na
inaalagaan niya noon.

"Kuya Sean..."

He hugged me tighter. "I missed you so much, baby girl! Ang tagal mong hindi nagpakita sa
akin!"

I hugged him back. Si Mitzie ay tuluyan nang natakluban ni Kuya Sean kaya hindi ko na siya
tanaw.

Nang maghiwalay kami sa yakap ay pinanliitan niya ako ng mata, parang nagtatampo.

"Dito ka muna. Gusto kong marinig ang kwento mo," aniya sa akin.
Lumipad ang mata ko kay Atreus na umiling sa akin at itinaas pa ang relo niya.

"Kuya, may duty pa kasi si Atreus sa hospital mamayang alas-diez."

Napatingin si Kuya Sean sa lalaki at marahang tinanguan ito. Pansin ko ang madilim na pagtitig
ni Kuya rito.

"Pwede naman kitang ipahatid, Sol. May driver naman kami."

I was about to say yes when I saw Atreus shaking his head.

"H-hindi na, Kuya... sa susunod na lang."

Tahimik lang kaming pinapanood ni Mitzie. Nakatitig siya sa akin at naiintindihan ko ang
reaksyon niya. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita.

"Ako na ang maghahatid sa 'yo, Sol."

Halos mapatalon ako nang makita si Duke na naglalakad papunta sa direksyon ni Kuya Sean.
Kabababa niya lang ng kotse niya ngunit parang galit na agad ang mata niya.

"Ako na, bro," singit ni Atreus. "Ako ang nagdala sa kanya rito kaya ako rin ang magbabalik."

Napalunok ako nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nila. Duke towered over him,
although his gaze was focused on me.

Matapos akong titigan ay madilim ang matang binalingan niya si Atreus.


"Hindi mo ba makitang gusto niyang manatili rito?"

"Duke!"

Napalingon agad siya sa akin kaya kinabahan ako.

"Ano... ayos lang naman... kung hindi," nahihiyang saad ko.

"See?" mayabang na anas ni Atreus at doon pa lang ay gusto ko na siyang sabunutan.

Nanonood lang sa amin ang mga kaibigan nina Kuya Sean at namamangha sa namumuong
tensyon. I couldn't believe we were causing such a ruckus!

Tumitig sa akin si Duke. Ang mga mata niya ay binabasa ako. Yes, I wanted to stay. Gusto kong
mag-sorry kay Mitzie sa nangyari noon. She was suicidal, but I only triggered her emotions. Isa
pa, gusto kong ibigay ang hiling ni Kuya Sean na kwento dahil pitong taon din kaming hindi
nagkita.

But if I stay, Atreus would be furious.

I sighed. "Ayos lang, Duke."

Tumingin ako kina Mitzie at Kuya Sean at bahagyang tumango.

"Next time na lang, Mitz, Kuya..."


Masama ang loob ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Atreus. Ang lalaki naman ay
nakangiti habang nilalaro ang susi ng sasakyan niya. Alam kong matatagalan bago ulit kami
magkita-kita at nalulungkot ako roon.

Lalong bumigat ang nararamdaman ko nang mabasa ang lungkot sa mata ni Duke pagdaan
namin.

I sighed. It was now or never.

"Atreus, umuna ka na."

Napalingon siya sa akin. "Huh?"

"Dito muna ako," seryosong saad ko.

"Magagalit ako, Solene," pagbabanta niya sa akin kaya napayuko ako.

I bit my lower lip and asked myself. Alam ko sa sarili kong gusto kong manatili para kay Kuya
Sean at Mitzie. Hindi lang talaga matanggap ng isip ko ang mas malaking dahilan kung bakit ko
gustong paunahin si Atreus.

Duke's sad eyes would haunt me.

"Salamat sa paghahatid sa akin at kung hindi mo maiintindihan na gusto kong dito muna ako,
wala na akong pakealam kung magalit ka. I'm not your fucking dog, Atreus."

Kita ko ang labis na gulat sa mukha niya pero tinalikuran ko na siya at naglakad patungo sa
lalaking may nakakaawang mga mata.
Chapter 33

"Solene, mabuti naman at bumalik ka!"

Napatingin ang lahat ng bisita sa akin kaya namula ako. Nginusuan ko si Kuya Sean bago
lumapit sa kanya.

Umikot ang mata ko ngunit hindi ko mahanap si Duke. Ang nahagip ng mga mata ko ay si Mitzie
na nakayuko at hindi makatingin sa akin.

"Nasa kotse si Duke. Binadtrip mo," natatawang bulong niya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago nagpaalam kay Kuya Sean na pupuntahan ko ang lalaki.
May kasalanan pa ako sa kanya kanina dahil sa iba ako sumama gayong may usapan kami.

Bukas ang bubong ng kotse niya kaya mula sa likod ay kita ko ang ulo niyang nakasubsob sa
manibela. Dahan-dahan akong lumapit dahil sa hiya.

"D-Duke."

Nag-angat siya ng tingin at agad na nagtama ang mga mata namin. Pinanood ko ang
pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa lungkot ay biglang dumaan ang gulat at saya roon.

"Sol!" anas niya sa pagkabigla.

I bit my lower lip and gave him a smile. "Sorry."


He gulped. Bumaba siya mula sa sasakyan niya at pumunta sa pwesto ko. Nang nasa tapat ko
na siya ay medyo nakatingala ako sa taas niya.

"Nasaan si Atreus?" seryosong tanong niya.

"Pinauna ko. Gusto kong makakwentuhan si Kuya Sean," pagdadahilan ko pa.

I saw a sliver of a smile on his lips, but he quickly stopped himself. He shifted his weight before
staring at me. Namula ako sa ginawa niyang pagtingin kaya bahagya akong yumuko.

"Did you eat your lunch?" mahinang tanong niya. Tinutukoy ang ibinigay niya sa akin kaninang
umaga.

I nodded. "G-gumaling kang magluto ng... caldereta."

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya para
akong mawawalan ng hangin.

"For the past years, I practiced my cooking skills." He chuckled. "Buti naman at nagagamit ko na
ngayon... sa rason... kung bakit ako nag-aral." Humina ang boses niya.

"Huh?"

Umiling lang siya at binigyan ako ng maliit na ngiti. Ilang minuto pa kaming natahimik sa labas
bago kami pumasok sa Square. Nagkakatuwaan na ang mga kaibigan nina Kuya Sean at Mitzie.
Ang dalawa naman ay parang may sariling mundo sa gilid.

Nang makitang pumasok kami ay nagulat pa si Mitzie. Nag-iwas agad siya ng tingin at kinulbit si
Kuya Sean na nakatalikod sa amin.
"Sol, Duke, kumain muna kayo!" ani Kuya Sean. Tumayo pa ito at nilapitan kami.

"Ako na ang bahala kay Sol, Kuya, bumalik ka na sa asawa mo," anas agad ni Duke.

Kuya Sean let out a low chuckle. Umiling-iling pa ito bago tapikin ang balikat ni Duke. Bumalik
siya kay Mitzie na nanonood lang din sa amin.

"Umupo ka na, ikukuha kita ng pagkain."

Napabaling ako kay Duke. Nakatingin din siya sa akin kaya nagtama ang mata namin.

"Ako na..."

He shook his head. "Alam ko naman ang mga paborito mo."

I sighed before nodding. Tipid siyang ngumiti roon. Akala ko ay didiretso na siya sa mga pagkain
kaya medyo kinabahan pa ako nang ipinaghila niya ako ng upuan malayo sa mesa ng mga bisita.

Napatingin ako kay Kuya Sean na may nakakalokong ngiti sa labi.

Habang kumukuha ng pagkain si Duke ay nakatulala lang ako. I felt bad for Atreus, and I knew I
had to apologize to him. Ang akin lang, hindi ko nagugustuhan ang ugali niya. Ayokong
ginagamit niya ang pagkakaibigan namin para itrato nang gano'n si Duke.

Natigil ako sa pag-iisip nang inilapag ni Duke ang plato sa harap ko.
I pouted as I saw a lot of rice. Walang chicken curry dahil wala rin naman akong nakitang gano'n
kanina.

"Nag-lo-low carb diet ako!" singhal ko sa kanya.

He chuckled a bit. "Hindi ako naniniwalang hindi mo kayang ubusin iyan."

Truth be told, naubos ko nga ang kinuha niya sa akin kaya malaki ang ngiti niya. Ako naman ay
grabe na ang simangot dahil nasira ang diet ko.

"Wala ka bang trabaho bukas?" tanong ko sa kanya. "Pwede kang magpuyat dito?"

"Sa site ako bukas, Solene... pero ayos lang, minsan lang naman ito."

"Ano pala..." I trailed off before looking away. His eyes were attentive. "Pasensiya na kay
Atreus."

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya dahil hindi naman ako nakatingin. Bahagya
niyang iginalaw ang mga daliri sa mesa kaya napatingin ako roon. Mahaba ang mga ito at
malinis.

"I understand him, Sol. Gaya ko ay gusto ka niya kaya gusto ka rin niyang makasama. Hindi
naman kaso iyon sa akin... dahil nasa 'yo naman ang desisyon."

I gulped and blushed furiously at his statement. Ni hindi ko na binigyang pansin ang pagiging
maunawain niya! Talagang tumatak lang sa akin ay gusto niya ako! This was insane!

Hindi ako nakasagot hanggang sa naramdaman ko ang presensya ni Kuya Sean at Mitzie sa
gilid ng mesa namin. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa at napansing nang-aasar ang tingin na
iiginawad ng lalaki kay Duke.

"Pahiram naman kay Sol, Duke. Kanina mo pa sinosolo."

Duke grunted. "Shut up."

Kuya Sean chuckled before pulling out a chair for his wife. Matapos iyon ay umupo rin siya sa
bakanteng upuan sa tabi ni Duke. Silang tatlo tuloy ang nasa harapan ko ngayon.

I smiled at Kuya Sean. "Kumusta, Kuya?"

Tumayo si Duke sa at binitbit ang upuan sa tabi ko. Kinabahan ako sa lapit niya pero hindi ko
iyon ipinahalata lalo at may kaharap kami.

"Ako ang dapat nagtatanong niyan, Sol! Napanood namin ang interview mo at grabe ang pag-
aalala ko nang malamang nakulong pala si Tita Yella."

Hindi ako nakaramdam ng gulat o anuman nang sabihin niya iyon. Hindi man namin nakita ang
isa't isa sa mahabang panahon, hindi ako kailanman nakaramdam ng discomfort sa kanya. He
was like a true brother to me.

I nodded, surprised that I felt at ease now. "Umamin siya sa pulisya noon, Kuya... uhh..." I sighed
before gathering all my courage. "P-pinatay niya kasi si Tatay."

Narinig ko ang malakas na pagsinghap niya. Miski si Mitzie ay nanlaki ang mga mata sa narinig.
Napaiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko nang maramdaman ko ang kamay ni Duke sa
kamay ko.

Napatingin ako sa kanya at nang magsalubong ang mata namin ay may mainit na bumalot sa
puso ko. He gave me a reassuring smile, which did wonders to me.

I gulped before avoiding his gaze. Dahan-dahan niya ring binitawan ang kamay ko kaya
napahinga ako nang malalim.

"I'm sorry, Sol..." Kuya Sean uttered. "Ni hindi manlang kita natulungan noon."

"Ayos lang, Kuya. It's not your fault. May problema rin kayo noon at hindi niyo naman ako
responsibilidad."

Umiling ito na parang bigong-bigo sa sarili. Mitzie caressed his back to comfort him.

I continued talking. "Pasensiya na rin kung hindi ko nasabi sa inyo noon... I was planning to but...
things just get out of hand."

Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Kuya Sean. Duke sat quietly beside me, but I could
tell he was thinking deeply. Gaya ni Kuya Sean, para rin itong dismayado sa sarili.

I bit my lower lip. Hindi naman nila kailangang ma-guilty sa nangyari sa akin noon. Things didn't
go according to plan, but it all worked out in the end. Hindi ko ipinagpapasalamat iyon pero dahil
sa naranasan ko, naging mas matibay ako.

"I can't imagine your grief when she died... mag-isa ka lang. I'm very sorry, Sol. I'm very sorry..."

Umiling ako. "Kuya, it's okay! Limang taon na rin halos ang nakalipas kaya ayos na ako. Nanay
wants me to move on so I did. That's her last wish for me."

"S-sorry, Sol..." ani naman ni Mitzie kaya nagulat ako. "I shouldn't have... added to your problems.
S-sorry."
I was lost for words. I heaved a deep sigh before giving her a slight smile. She was once my
friend. Hindi man naging maganda ang nangyari noon, ang mahalaga ay maayos na kaming
lahat ngayon. At some point, maybe, it had to happen. I had to hit the rock bottom for me to rise.

"It's all in the past now, Mitz."

Nahihiya siyang tumango sa akin bago yumuko. Lumalim ang gabi at nabaling sa ibang bagay
ang kwentuhan namin. I was relieved because I wasn't sure I was ready to tell them that Nanay
had committed suicide in a prison cell. Mabuti na ring tungkol sa business ko ang pinag-
uusapan namin.

Kuya Sean is an architect now. May mga proyekto sila ni Duke minsan nang magkasama at
natutuwa ako dahil na-i-imagine ko silang dalawa.

"Duke graduated with Latin honors."

To say I was taken aback would be an understatement. Alam kong matalino ang lalaki ngunit sa
school namin noon ay bilang na bilang ang mga nakagraduate na may Latin honor lalo sa
program namin! Ni si Jelay o Roswell ay hindi ito nabanggit sa akin!

Tinanong nila ako nang tinanong tungkol sa mga nangyari sa akin at hindi ko alam ang magiging
reaksyon nang makita ang mangha at awa sa mata nila.

"Naging katulong ako pero six months lang. Ang manyak ng amo ko." I chuckled.

Naramdaman ko ang paninigas ni Duke sa tabi ko. He crouched a little towards me and let out a
deep sigh.
"Did you file a case against him, Solene?"

Dinig na dinig ko ang diin sa bawat salitang binigkas niya. Nang tapunan ko ito ng tingin, galit
ang mga mata niya at umiigting ang panga.

I gulped before chuckling. "H-hindi na, 'no! Gastos lang 'yon! N-nasapak ko naman bago ako nag-
resign."

That didn't calm him down. Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumaling na lang kina Kuya Sean
at Mitzie na pinapanood kami.

"Nag call center din ako. Doon ko nakita ulit si Roswell... iyong bully noon." Tumawa pa ako para
hindi ipahalata kay Duke ang kaba ko.

"And now, she's in your shop, right?"

I nodded at Kuya Sean.

"After what she did, kinuha mo pa rin siya..." He smiled. "You really have a kind heart, Solene."

"Hindi mo ako kailangang bolahin, Kuya! Ang maldita ko kaya!"

"Well, that's true."

Tumawa ako sa kanya. Binanggit ko rin ang pagiging janitress ko sa kumpaniyang


pinagtatrabahuhan ni Jelay kaya muli silang nagpakita ng simpatya. Sinabi ko lang sa kanila na
'wag akong kaawaan dahil maganda naman ang kinalabasan ng lahat ng paghihirap ko.
Nang matapos ang selebrasyon ay nakapagpaalaman kami. Tita Gemma and Tito Franco were
now in Australia. Ang anak naman nilang si Gregory ay kasama ng kanyang lola kaya hindi ko ito
na-meet. We promised to see each other again. Sabi nila ay pupunta sila sa shop pag hindi na
masyadong busy.

Nang nasa sasakyan na kami ni Duke ay napansin ko ang kanina niya pang pananahimik. Mula
noong ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, hindi na ito muling nagsalita.

"Tara na..." ani ko sa kanya.

Binasa niya ang labi at binigyan ako ng isang seryosong tingin. Tinitigan niya ako nang matagal,
parang sinasaulo ang mukha ko. Hindi ako nakapag-iwas ng tingin dahil para akong malulunod
sa kanya.

He sighed. "I always admire your perseverance and strength, Sol. You always surpass
everything... alone... lagi mong kayang mag-isa... pero hindi ko talaga maiwasang mag-alala. I
can't believe you survived those years without anyone by your side." There's a hint of sadness in
his voice.

My eyes glistened in tears as I listened to him.

Umiling ito at muling bumuntong-hininga. "Can I hug... you?"

My heart jumped. Lumunok ako at handa nang tumango nang mag-ring ang telepono ko. Hindi
ko alam kung sasagutin ko iyon gayong nanlalambot ako sa tinginan namin ni Duke. I bit my
lower lip before answering Jelay's call.

"Pumunta ka sa ospital! Naaksidente siAtreus!"

Chapter 34
Hindi ko na alam kung paano kami nakarating ni Duke sa ospital. I ran up to the nurses, who
took me to the emergency room. Duke was right behind me, but that was the least of my worries
right now.

Jelay told me that instead of working, Atreus went to a bar and got himself drunk. He was
driving his car when he encountered an accident. Natatakot ako dahil alam kong isa ako sa mga
rason kung bakit niya ginawa iyon. Hindi maganda ang huli naming pagkikita at hindi ko
kakayanin kung may masamang nangyari sa lalaki.

Pagkapasok ko pa lang sa emergency room, nakita ko agad ang kalagayan ni Atreus. I almost
fainted when I saw him covered in his own blood. His face and body were riddled with bruises
and wounds!

Hindi ako makalapit sa kanya dahil ginagamot siya ng mga doctor. They were cleaning him and
checking his vitals.

"A-Atreus..." I sobbed.

I regret not staying with him! He was one of the people who never left my side! Tapos ito ang
magiging ganti ko sa kanya? The guilt I was feeling was crippling my system.

Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Duke sa balikat ko ngunit hindi ko siya nilingon.
My eyes were focused on Atreus.

"Umuwi ka na," I told Duke. "May trabaho ka pa bukas."

Dumating ang mga magulang ni Atreus at itinanong ako tungkol sa nangyari. Hindi naman nila
inusisa ang dahilan ng paglalasing ng lalaki pero matalim ang tingin nila kay Duke.

"Sasamahan na kita, Sol."


I looked at him, pleading. "Umuwi ka na... I don't need you here, please..."

"It isn't your fault. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo."

I breathed heavily. "D-Duke, please. Umuwi ka na lang."

Yumuko siya at bahagyang tumango. I watched his back as he walked toward the exit. Nag-iwas
ako ng tingin. Kasama ko sa waiting area ang mga magulang ni Atreus. Ipinakilala na ako noon
ng lalaki kaya alam nilang nanliligaw ito sa akin.

"Boyfriend mo ba 'yon, hija?"

Kinakabahang umiling ako. "Hindi po, Tita."

She sighed. "Mabuti naman."

Hindi na lang ako sumagot. Nag-hintay lang kami hanggang sa lumabas ang doctor at sabihin
sa amin ang nakagigimbal na nangyari.

"He's in a coma."

Ayun lang ang pumasok sa utak ko. Narinig ko ang pagtangis ni Tita Annie. Nag-iisang anak si
Atreus kaya mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Inaalo lang ni Tito Rodel ang asawa at
wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin.

I stayed with them the whole night. Inilipat si Atreus sa isang private ward at doon namin siya
binantayan. His parents and I didn't sleep. Lahat kami ay aligaga at nag-aalala. His lungs were
severely damaged kaya may oxygen tank sa gilid nito.

I couldn't tell how long I cried. Sising-sisi ako sa nangyari. If only I came with him, these things
wouldn't happen. I was abrasive toward him.

Nang umaga ay umuwi ako sa unit ko. I texted Roswell about the incident. Sinabi niyang siya na
muna ang bahala sa shop at ipinagpasalamat ko iyon. Nagbihis lang ako at naligo bago muling
tumulak sa hospital.

"Tita, umuwi po muna kayo. Ako na muna ang magbabhintay."

She stood up. "S-salamat, Solene... babalik din kami mamaya."

Tumango ako sa kanya at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Sumandal ako sa couch at ipinikit
ang mga mata. I remembered what Atreus looked like when we parted ways.

Simula noong makilala ko ang lalaki, hindi ko maiwasang maalala sa kanya si Duke. Atreus was
like my male bestfriend... like him. Automatic na kapag wala itong duty ay pumupunta siya sa
akin. Tinutulungan akong magdeliver noong hindi pa naitatayo ang The Slice at minsan ay
nakakasama ko sa pag-go-grocery.

Wala rin kaming pinag-aawayan dahil napakamaunawain nito. Maraming beses na hindi ko ito
sinipot sa dinner at lunch dates namin pero imbes na magalit ay inintindi niya ako. He was too
dreamy and almost too good to be true.

I sighed. Bumigat ang aking talukap hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako nang makitang may kadiliman na sa labas. Pupungas-pungas akong tumayo
at napansin ang pagkain sa mesa. Nilapitan ko ito at nalaglag ang puso ko nang makitang
galing ito kay Duke. Alam kong sa kanya ito dahil ganito ang ginagamit niyang tupperware
kapag magdadala siya ng ulam sa akin.

He was here, but he didn't wake me up.

Dahil nakaramdam ng gutom, kinain ko iyon. I was on my third and last bite when Tita Annie
entered the room. May dala itong pagkain at agad na pumunta sa mesa ko. Hindi niya kasama si
Tito Rodel dahil nagpapahinga ang matanda.

"Naku! Huwag iyan ang kainin mo! Dinalhan kita ng mas masarap!"

I gave her a smile. "Ayos na, Tita. Patapos na rin naman ako."

She scowled and went to grab Duke's tupperware. Inilapag niya ang dinala niyang pagkain sa
harap ko at pinanood ko lang siyang gawin iyon. It was kind of rude, but I didn't object.

"Dinala ito ng lalaking kasama mo kahapon! Mukhang galing pa sa trabaho kaya hindi ako
nakasisigurong malinis ito! Itinapon mo na lang sana."

I breathed heavily as I calmed myself. Hindi ako sumagot sa kanya at napipilitang kinain na lang
ang dala niya. Umupo siya sa harap ko at pinanood ako.

"Sino ba iyon?! May manliligaw ka bang construction worker, Solene?"

I heaved a sigh. "Engineer po si Duke, Tita Annie."

Natahimik siya sandali ngunit muling nagsalita.


"Maraming oras, ano? Wala sigurong mga project at nakapagluluto pa para sa 'yo."

Muli akong napabuntong-hininga. Hindi hamak na mas masarap ang luto ni Duke kaysa sa
dinala niyang pagkain sa akin kahit pa galing ito sa isang restaurant. Kinakalma ko ang sarili
dahil baka hindi magustuhan ni Tita ang lumabas sa bibig ko.

"Head engineer po siya ng on-going construction ng short cut road mula Las Islas hanggang La
Union, Tita," pigil na sagot ko.

She narrowed her eyes at me. "Manliligaw mo ba iyon, Solene?"

Ayokong magsinungaling sa kanya kaya tumango ako.

Doon siya muling napapalatak. "Kaya mo ba pinagtatanggol ang lalaking 'yon?! Gusto mo ba
'yon, hija?!" Her disappointment was palpable in her tone.

Hindi ako sumagot sa kanya. Pagod ako at nag-aalala kay Atreus at alam kong gano'n din siya.
Sana lang ay hindi na siya ulit magsalita dahil sigurado akong masasagot ko siya.

Thankfully, she took my silence as a warning. Hindi na rin siya umimik at maya-maya lang ay
dumating na rin si Tito Rodel. Nagpaalam ako sa kanila na uuwi muna ako.

Nang makahiga sa kama ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Duke.

Duke:

How's Atreus?

I lazily typed a reply.


Me:

hindi pa rin siya nagigising

Hindi na ako nagulat nang magtext din agad ito. Gabi na at alam kong wala na siyang trabaho.
Marahil ay nakauwi na rin ito.

Duke:

Are you okay? Do you need anything?

I closed my eyes tightly and drove myself to sleep.

Gano'n ulit kinabukasan ang nangyari. 'Yon nga lang, naabutan ko na si Duke na naglalapag ng
pagkain sa mesa gaya ng ginawa niya kahapon.

He was wearing steel-toed boots, palatandaan na nasa site siya at dumaan lang dito. Even with
sweats, napakagwapo nitong tingnan.

"Nag-abala ka pa..." tanging nasabi ko.

"Alam kong hindi ka nakakakain pagbabantay, Solene." He gave me a smile. "You can watch
over him but let me at least... feed you, okay?"

I nodded. Malambing at malumanay ang tinig niya. Niyaya ko siyang kumain para sabay na kami.
Nang matapos ay bumalik din siya agad sa site at naiwan ulit akong mag-isa sa kwarto ni
Atreus.

I sat beside him and reached for his scarred hand. I prayed for him. Siguro ay makapal ang
mukha ko para humiling gayong wala naman akong naibibigay sa Kanya. But then, I didn't know
where to hold on anymore. My guilt and worry were killing me on the inside. It was my fault. I
was the one to blame.

"Pinapapunta mo ba rito ang manliligaw mo, Sol?" nang-aakusang tanong sa akin ni Tita.

"Nagdadala lang po ng pagkain si Duke, Tita," malumanay kong sagot.

"Hindi ba't hindi magandang tingnan iyon?! My son there is on the verge of death tapos dito pa
mismo sa kwarto niya manlalandi ang lalaking 'yon?! Kung wala ka naman palang balak sagutin
ang anak ko, mabuti pang huwag ka na lang pumunta rito at dumalaw!"

Tumikhim ako sa mga salita niya. "Tita, kaibigan ko si Atreus... gaya niyo po, nag-aalala rin ako
sa kanya." I sighed. "Kung tungkol po ito kay Duke, sasabihan ko po siyang 'wag nang pumunta
rito."

"Mabuti naman kung gano'n!"

Later that day, itinext ko si Duke tungkol doon. He understood it well. Mabigat ang loob ko pero
hindi ang nararamdaman ko o ni Duke ang importante ngayon. Mas mahalaga ang paggaling ni
Atreus.

I spent the next days in the hospital. Malaking tulong si Jelay dahil siya ang nagbabake ngayon
sa The Slice. I gave him my recipe book and she willingly helped me. Katulong niya si Roswell sa
pamamalakad sa shop ko habang wala ako.

Hindi pa rin gising ang lalaki kahit dalawang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung
kailan ito muling magkakamalay at... sa totoo lang, hindi ko alam kung hanggang kailan ako
kakainin ng guilt ko. I stopped seeing Duke for a while ngunit madalas itong mag-iwan sa guard
sa condo ko at guard sa hospital ng mga pagkaing niluluto niya para sa akin.
Laging umiiyak si Tita Annie tuwing nakikita ang kalagayan ng anak. It felt like our world had
stopped. Miski siya ay hindi na nakakapunta sa trabaho at nanatili na lang sa tabi ng anak. Si
Tito Rodel na lang ang may kakayanan ngayong gumawa ng office work nila dahil hindi kaya ni
Tita.

"Sol..." tawag ni Tita sa akin. Her eyes were sorrowful.

"Po?"

She looked away. "Kapag gumaling na si Atreus... magpakasal na kayo."

Parang may sumabog sa puso ko nang marinig iyon sa kanya. She was suffering and as much
as I wanted to tell her that I wasn't ready yet, ayokong lalo siyang malungkot.

"P-pag-iisipan ko po..."

Ibinalita sa akin ni Jelay ang minsang pagbisita nina Mitzie at Kuya Sean sa shop ko. Sinabi lang
nila na wala ako roon dahil nagbabantay ako sa hospital.

One time, Jelay said jokingly, "Girl, may sarili kang buhay. Gets ko naman na nag-aaalala ka sa
kanya pero hindi ka naman kailangan d'yan araw-araw."

I didn't agree with her. Kasalanan ko kung bakit narito si Atreus. Kung hindi dahil sa nangyari sa
Laguna, patuloy pa rin sana ito sa paggamot sa mga bata.

Ibinalita rin nila ang madalas na pagpunta ni Duke sa shop para tumulong. It moved my heart,
but as soon as I looked at Atreus, it faded away. Medyo gumagaling na ang mga sugat niya
ngunit wala pa rin siyang malay. His skin was cold and clammy. Maputla rin ang kanyang labi.
I sighed as thoughts pierced through my system.

If I hadn't chosen Duke that night, I would be living my life normally. Masaya na kami ni Atreus
ngunit dahil dumating ulit sa buhay ko ang lalaki, alam kong naramdaman ni Atreus ang dahan-
dahang paglayo ko. He was nothing but a sweet and kind person... ngunit napagsalitaan ko pa
rin ito.

I was drowning in an ocean of what-ifs and should-have-beens. Noon pa lang, alam kong hindi
na para sa akin si Duke dahil noong sinubukan kong abutin siya, nasaktan lang ako. I questioned
my worth and self-esteem.

Hindi siya gaya ni Atreus na lagi akong inuuna. Ipinaramdam sa akin nito ang matagal ko nang
hindi nararamdaman—pagmamahal. With him, I felt loved and wanted. Wala akong ibang
kakumpitensiya dahil ako lang.

Ngayong dumating si Duke, inuulit ko na naman ang pagkakamali ko noon. Sinusubukan ko na


naman. Tumatalon ako sa gitna ng bangin na hindi ko alam ang dulo.

Duke inspired me to love and fly like a free bird. Tuwing kasama ko siya, para akong nakalutang
sa saya. Alam ng puso ko kung sinong nagmamay-ari rito. He was the only one who could get
my heart thumping.

But Atreus was like my comfort zone. He made me feel at ease. He never hurt me. Kahit anong
mayroon ako ay tanggap niya. Hindi niya ako ikinukumpara sa kahit na kanino.

And love should be like that, right?

I think with my eyes closed tightly.

I grabbed my phone from my pocket and typed a message to Duke.


Me:

I'm sorry to say this to you, Duke, but you should stop pursuing me. Pasensya na kung hindi ko
sa personal nasabi ito sayo pero sa paggising ni Atreus, sasagutin ko na s'ya.

I sent that to him and prayed.

Sana ay hindi ko ito pagsisihan.

Chapter 35

Duke:

Hindi mo kailangang ihingi ng tawad ang nararamdaman mo. I guess, I'm years... late, right?

Duke:

Ganito ba ang naramdaman mo noon?

Duke:

Haha, silly me. I'm sorry for bothering you, Sol. Just be happy, alright? Pasensya na kung hindi
ko masasabing masaya ako para sayo dahil hindi ko kayang mag paka-hipokrito. Hindi ko alam
kung kailan darating ang panahon na magiging masaya ako nang hindi ka kasama. But it's okay.
Ayaw kitang pilitin, Solene.

Duke:

You're still my one great love. Pagbali-baligtarin man ang mundo, ikaw lang ang babaeng
minamahal ko. I don't know what the future holds but I hope we both attain what we prayed for.

Duke:

You're always my sunshine, Sol.

Duke:

I love you.

I cried so hard as I read his messages. My heart was clenching in pain even though I knew I did
the right thing.

I loved him for years... or maybe, yes, I still love him... but our love always comes at the wrong
time. Tuwing magdedesisyon kami na mahalin ang isa't isa, parang may pwersang pumipigil
para sa aming dalawa. It was as if destiny was trying to tell us that we weren't meant to be
together. Laging hindi tama, laging hindi sumasakto.

One month after being comatose, Atreus woke up. Panandalian akong naging masaya dahil sa
kanya. Dalawang linggo pa siyang nanatali sa ospital bago na-discharge.

He was happy to see me. Bumalik ako sa shop at nagpatuloy sa buhay. Isang buwan pa ang
nakalipas bago muling bumisita si Atreus sa shop. Magaling na ito at makulit na ulit.
Tumutulong siya minsan sa paglilinis pero dahil naging tambak ang trabaho nya, minsanan lang
siya dumalaw.

It was a sunny afternoon when the three familiar men entered the shop. Hawak pa ng isa sa
kanila ang hard hat kaya alam kong galing sila sa site. I unconsciously looked behind their backs
to look for someone... but I didn't see him.

Nalaglag ang aking puso at hindi na lang nagsalita. I pushed him away... I had no right to feel
this way.
"Mas magaling si Engineer Sanders kahit medyo masungit."

Nagpantig ang tenga ko sa pinag-uusapan nila. It was almost three painful months since I last
saw him. I didn't reply to his messages. Hindi na rin ito muling bumisita sa shop... at kahit ilang
beses kong itanggi, I was hoping to see him again. Kahit hindi ko na siya abutin, basta, makita
ko lang ulit siya.

"Sayang at lumipat pa sa Greece si Engineer. Malaki rin itong project na binitawan niya."

"For good, 'no?"

"Oo."

My heart was pierced by yet another debilitating pain. Nanginginig na iniabot ko sa kanila ang
order nila at nang makaalis sila ay napaupo ako.

He left. He was never going back.

I didn't know how I normally spent my days. Nakikipagtawanan ako kina Roswell at Jelay pero
sa gabi, uuwi ako na parang may kulang.

I hated it! I hated that I was in this phase of life again! Napakaraming taon kong naramdaman
ito at ngayon, sumisilip na naman ang lungkot. Gabi-gabi na naman akong nakatulala sa
malaking dingding at nakatingin sa kawalan.

I killed his love for me... and I grieved for it.


It was my fault that his heart gave up.

Every minute that passed felt like a year. My smiles, giggles, and laughs became a cover-up. No
one noticed it.

"Taas ng sales ngayon!"

I chuckled. "Magpapa-extend na ako ng second floor."

Atreus clasped his hands. "Support kita!"

I smiled. Months had passed, and I still hadn't given him my 'yes'. I knew what was holding me
back, but I was too terrified to admit it. Hindi na rin naman syia nagtanong tungkol kay Duke.
Bumalik kami sa dati na walang harang sa relasyon.

It used to be okay with me, but now I feel empty and unhappy.

I busied myself with baking and expanding my shop. Jelay eventually left her job to join me.
Ngayon ay may katulong na ako sa pagluluto kaya medyo gumaan ang trabaho ko.

"I'm sorry for what happened before," Mitzie uttered. Yumuko pa ito at nabasa ko sa mukha niya
ang labis na pagsisisi. Nasa loob kami ng opisina dahil ito ang gusto niya.

She wasn't with Kuya Sean. Talagang dinayo niya ako dahil hindi raw siya kuntento sa naging
pag-uusap namin noon sa Square.

"Sobrang... pinagsisisihan ko... iyon," she added. "You're one of the few women I admired and
trusted but... I ruined our friendship..."
I sighed, trying to remember the scene I buried years ago.

"Ayos na ako, Mitz."

She shook her head. "Sa La Union... we didn't kiss. T-tinanggal nya ang nalaglag na pilik mata sa
pisngi ko at sinabi niyang mag-wish ako... dahil itinuro mo raw iyon sa k-kanya."

I bit my lower lip at the sudden revelation. Those were the thoughts that haunted me at night.

That was when I realized that maybe... I needed to be honest with Mitzie too. I had to show her
how I felt.

"No'ng umalis ka, Duke didn't go to school for weeks... he was on the verge of losing his Latin
honor. D-doon din sya natutulog sa... labas ng bahay niyo. Umaasang buksan mo bigla ang
pinto..."

Tumulo ang luha sa mata ko at agad kong pinalis iyon. Ang bigat ng puso ko sa nalaman at
pakiramdam ko ay hindi ako handa para rito. Throughout the years, I have only seen my pain. Ni
hindi ko ito nakumusta noong nagkita kami. I didn't tell him that I was very proud of him. He
reached his dreams but I didn't ask him his ways to achive those.

"H-he's always wasted. Kahit si Sean ay nag-aalala na sa kanya... he kept on shouting your
name...every night and day..." she paused. "Until one day, he decided to... study again... to live
again. Do you know the reason why?"

I gulped and shook my head. Sa mga kamay ko lang ako nakatingin dahil tuloy-tuloy ang pag-
agos ng luha sa mukha ko.
"Kasi... hindi mo raw iyon m-magugustuhan. Nag-aral siyang mabuti para sa susunod na
pagkikita niyo... may maikukwento sya sa 'yo. It took him months to realize that you left for
good..." she continued. "N-noong sinabi ko sa kanya na nahanap kita sa social media, I saw how
he watched you from... afar. H-hindi pa siya head engineer noon kaya ayaw niyang magpakita sa
'yo kahit na kita kong gustong-gusto ka niyang... l-lapitan."

I gulped. "And I pushed him away..." I looked at her. "I hated you for years, Mitzie. I'm not gonna
lie... I wish you didn't transfer to our school... I wish I didn't save you that day... I wish Duke
wasn't your seatmate."

She only nodded. She reached for my hand and gently squeezed it.

Sinundo rin sya ni Kuya Sean noong araw na 'yon. Ang akala kong pag-uusap namin ay
magpapagaan sa nararamdaman ko pero hindi. Lalo lang akong nalungkot.

Mahal niya pala talaga ako. Kahit noon, mahal niya talaga ako.

I silently watched Atreus as he ate his burger. This was the man I chose over him. Mabait si
Atreus at alam kong mahal din ako. Kasama ko siya lagi at gaya noon, nasa proseso pa rin ako
ng pagtuturo sa sarili kung paano ibigin ang lalaki.

Duke didn't undergo a process. I loved him naturally, so learning to love someone who wasn't
him was too hard.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong nya.

"Ang alin?"

He grinned. "Pagpapakasal sa akin."


Bahagya akong natigilan bago nagpakawala ng mahinang tawa. I didn't answer him, but I hoped
my dismissive chuckles gave him an idea.

Araw-araw akong parang tangang tumitingin sa glass door ng shop ko... nag-hihintay sa muling
paglakad nyia papasok habang may dalang paper bag.

I missed him... but I couldn't keep on missing him. I felt like I had some sort of responsibility.

"Solene," bungad sa akin ni Jelay isang umaga nang pumasok sya sa shop. "Buntis ako."

Napatayo ako, nanlalaki ang mga mata at laglag ang panga.

"Gago, wala ka namang boyfriend!"

I noticed her tears as she lowered her gaze. Hindi ako nakagalaw dahil may mga ideyang
pumasok sa isip ko. She looked at me with remorse. "Si Atreus... ang tatay nito."

I was stoned for a moment. Para akong napako sa sinabi niya.

"What?! Are you guys fucking behind my back?!" galit na tanong ko.

She looked at me, apologetic. "S-sorry..."

Naging mahabang usapan iyon. Atreus was devastated because his mother asked him to marry
Jelay. He tried pursuing me again, but I finally found my way out. Sinugod pa ako ni Tita Annie
sa pag-aakalang pinipigilan ko ang kasal.
I didn't know why I woke up, realizing that what happened was actually a blessing for me.

"Si Duke ang mahal ko, Tita!"

Iyon ang tanging nasaad ko. After repressing my feelings for him, I could finally broadcast them
to the world.

"How did it happen?" hindi napigilang tanong ko kay Jelay. Yes, my baggage had been lifted, but
I somehow felt betrayed.

"T-tatlong beses lang... he's jealous of Duke and I was always there to comfort him. H-hindi ko
masabi sa'yo pero mahal ko talaga si Atreus. I'm really sorry, Sol," aniya. May umalpas na luha
sa mata niya.

Naging mabilis ang mga pangyayari. In less than two months, they tied a knot. Masayang-
masaya si Jelay dahil kahit papaano raw ay umuusad ang relasyon nila.

Surprisingly, hindi ako nakaramdam ng selos. Ang tanging nananaig sa akin ay ang pagiging
malaya. Lumipas ang mga araw hanggang sa gumising na lang akong napatawad ko na sila.

"Hindi mo talaga mahal," ani Jelay. "Taon din nanligaw sa 'yo 'yon pero lagi mong sinasabing
nasa proseso ka pa rin."

I nodded. Finally realizing that all I felt for Atreus was platonic love. I didn't know the details of
their relationship but... I was thankful.

I sighed. "You may not know it, but really, things happened for a reason. I'm grateful, Jelay. I can
finally be honest with myself."
"Buti na lang hindi mo mahal..." She smiled. "Ako na lang ang mag-aalaga kay Atreus."

I heaved a sigh of relief. Sa mahabang panahon na niloko ko ang sarili ko, ang sarap pala sa
pakiramdam maging totoo.

"Pursue your love, Sol. I'm sorry for caging you," Atreus said with sincerity. "Alam kong mahal
mo pa rin si Duke. Uuntiin ko rin ang sarili ko. I will learn how to love Jelay and our child in my
own way. Pursue him, my S-Sol."

So I did.

After the expansion of The Slice, I booked a flight to Athens, Greece. I gathered all my courage
to look and confessed to him. Our love was long overdue.

The sun was setting when I landed in the country that had the most beautiful islands.

It reminded me of him. That one lucky sunset when he held me in place, lowered his head to
mine, and kissed me.

Sunsets always remind me of our first kiss.

"161 Kifissias Avenue 125 41 Kifissia Athens, Greece," mahinang basa ko sa address ng lalaki.

Sa loob ng napakaraming buwan na lumipas, nabalitaan kong isa ito sa mga head engineers na
nag-operate ng renovation ng Rio-Antirrio Bridge, the longest bridge in Greece.

I was proud of him. Lagi siyang nagtatagumpay sa mga pangarap nya. He really attained what
he prayed for.

It somehow made me want to question myself. Naabot ko rin ang pangarap ko gaya niya... pero
may kulang pa rin. Hindi katulad niya na parang kumpleto na at masaya.

We grew into our best selves separately. We had different branches, but I hoped our love would
become our roots... that no matter how much we grew, we'd remain in the same tree.

Nakita ko ang building ng kanyang condo. Walang pag-aalinlangan akong sumakay sa elevator
at pinindot ang huling floor dahil doon ang kanyang unit. My hands are shaking in excitement
and anticipation.

I was so close to his unit when I saw Bethany going out of it. She was smiling, and her hair was
a bit messy.

Agad akong nagtago sa isang malaking pader nang makitang nagyakapan ang dalawa.

Duke went out. He was wearing a muscle tee and shorts. May kahabaan na ang itim nitong
buhok at medyo pumusyaw ang morenong balat. Ngumiti siya at nagpakita ang tinatago niyang
biloy sa pisngi.

I smiled painfully as I dried my tears.

Bold of me to assume that after some months, his love for me would stay the same.

I clenched my fist in my chest and sobbed.

Tangina, hindi talaga kami pwede.


Chapter 36

My plans changed in the days that followed. I could've just walked into his unit and begged him
to love me again, but that would be too selfish.

Masaya na siya, eh. I saw it in his eyes. Nakaabante na siya mula sa akin... kaya bakit naman
ako lalapit ulit para manggulo?

I stayed in Greece for a while... pero hindi sa Athens. I visited Mykonos, Santorini, and Rhodes.
Dati kapag iniisip kong mag-travel, akala ko masaya... maganda. Pero tuwing lulubog at sisikat
ang araw, wala akong ibang maisip kung hindi ang mga taon na nagdaan.

Siguro nakakapagod talaga ako.

Even the most patient woman killed herself to get rid of me.

What if I just stayed with my father? Paano kung hinayaan ko na lang siyang kunin ako? Siguro
buhay pa rin si Nanay. Siguro hindi niya kailangang mabuhay sa kulungan.

At ngayon, pati ang lalaking mahal ko, itinulak ko palayo sa akin. Nakahanap na siya ng iba at
hindi ko dapat pagsisihan iyon. I gave up on him.

I felt lost. Where do I go now? Where do I go whenever I yearn for his touch? His love?

Hinayaan kong mabasa ng tubig mula sa dagat ang paa ko.

Another sunset. Another sight to behold. Another thought of him. I wanted to spend the
remaining sunsets of my life with him, but the world had its way of rejecting me.
Sana hindi ko na lang nakita si Bethany na lumabas ng unit niya. Sana pala nagpa-late ako nang
kaunti. Sana medyo nagtagal ang expansion ng The Slice. Sana hindi ako agad nasampal ng
realidad na wala na talaga.

Umuwi ako sa Pilipinas na parang walang nangyari.

"Kumusta ang Greece? Si Duke?" agad na tanong sa akin ni Atreus nang makita niya ako.

I smiled sadly. "Negats."

Hindi na siya ulit nagtanong matapos iyon. Niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak sa balikat
niya.

"A-ang daya... lagi na lang hindi p-pwede."

He comforted me like he always did. Miski si Jelay ay lumapit sa akin at niyakap ako.

There were days that I wanted to get hit by a car.

Tapos maaalala ko ang The Slice at mga pinagdaanan ko. From being a maid to a janitress to a
call center agent to a successful businesswoman... ngayon pa ba ako susuko? Siguro hindi na
ako magmamahal pero natira naman ang pag-ibig ko para sa pag-ba-bake. It's enough. It should
be.

Pero tao pa rin ako. Isang araw ay binisita ko ang facebook ni Duke, umaasang maki-update sa
buhay niya. Friends naman kami roon dahil inadd niya ako dati matapos niyang sabihing
manliligaw siya.
Napangiti ako nang makitang umuwi na pala siya, halos kasabayan ko lang. Sayang, siguro kung
itinuloy ko ang plano ko at wala pang ibang tao sa buhay niya, sabay kaming uuwi... magkatabi
sa eroplano habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Happy fucking birthday, self," I whispered as I blew out my candle.

Hinawakan ako ni Jelay sa balikat at agad akong napangiwi sa amoy no'n. Nakita ko pang
nagbungkal ata siya ng lupa dahil madumi ang kamay niya.

"Yuck, ang dumi at ang baho ng kamay!" pang-aasar ko sa kanya.

She rolled her eyes. "May nakakaholding hands naman."

"Gago!"

Narinig ko ang tawanan ng mga bisita ko. Sarado ang shop namin at ang tanging narito ay sina
Roswell, Jelay, Atreus at ang mga trabahante. Mitzie and Kuya Sean were in Australia, so they
didn't make it. Si Harvin naman ay may flight kaya hindi ko na rin inabala.

And I found out that Troy was in Switzerland. He was also a successful engineer there. Hindi ko
alam kung bakit hindi niya rito ipinractice ang skills niya but I was happy for him.

Maraming bumati sa akin sa social media. They posted pictures of me, and it made me so
happy. Nakita ko pang nai-tag ako as a strong independent woman.

"Ma'am, isang smile naman d'yan!"

Ngumiti ako habang hawak ang birthday cake ko na hugis araw. Para feel na feel ko pa, nagsuot
ako ng dilaw na bestida. It went well with my skin complexion. Feeling fresh lang!
I posted it on my page. Marami agad nag-like at nag-share noon. Binasa ko ang ilang comments.
Napapangiti na lang ako kapag sinasabi nilang may irereto sila sa akin.

My smile faded when I saw Duke's comment.

Duke Laurence Sanders: Happy birthday.

It was very simple and plain, but it definitely made my day. Napansin ng mga kasamahan ko ang
pagiging energetic ko bigla kaya kahit nagtataka ay natatawa sila sa akin.

Pinahiran pa ako ni Atreus ng icing sa ilong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang pangit mo!" asar niya.

Inirapan ko siya. "Sus, ang tagal mong patay na patay sa akin!"

"Excuse me?!" narinig kong sigaw ni Jelay na tinawanan ko lang.

"Ang asawa mo! Nagpapapansin sa akin! Kabahan ka na."

Hinampas ako sa braso ni Jelay pero maya-maya ay tumawa rin. Matagal din kaming nanatili sa
shop hanggang sa mag-uwian kami. Niyaya kong mag-club sina Atreus at Jelay pero dahil
buntis ang babae, malamang, hindi pwede.

But since I wanted to forget for a little while, I found myself driving to Astra, one of the most
popular clubs in Manila. Dahil mag-isa ako, ipinaalala ko sa sarili kong hindi dapat ako mag-
inom nang marami.
"Give me a glass of manhattan, please!" anas ko sa bartender pagkaupo sa bar stool.

Binigyan din niya ako agad. Ininom ko ito nang diretso at nang gumuhit ito sa lalamunan ko ay
napangiti ako. Pinanood ko kung paanong malunod ang mga tao sa ingay ng music.

I drank more before looking at the dance floor.

It was engaging. Iniwan ko ang kopita roon at dumiretso sa gitna.

People were dancing wildly, so I did the same. I threw my hands up and swayed my hips. Ipinikit
ko pa ang mga mata para maramdaman ang tugtog. The sound was so sexy and engaging! The
DJ was popping!

Naramdaman kong may sumasayaw sa likod ko pero hinayaan ko lang ito.

"Hey, sexy..." bulong sa akin ng isang baritonong boses. Nilingon ko ito at agad na nakita ang
isang foreigner na nakakapit na sa bewang ko.

I winked at him. We danced sexily. I was grinding my ass at his crotch while his hands were
locked in my waist. I could feel his hot breath on my neck.

"You're hot..." bulong niya.

"I know."

He chuckled. Ramdam ko ang pagkalalaki niya sa akin at rinig na rinig ko ang mahihinang ungol
niya. Ugh, he was moaning... already?! Lumayo ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.
So much for wanting to have fun. Wala pa naman akong tama pero dahil naiihi na, naglakad ako
patungo sa baniyo. Mukhang busy ang lahat sa dance floor dahil walang tao sa loob ng
restroom. Dumiretso ako sa isang cubicle at bahagyang nagtagal doon.

Nang makalabas ay halos malaglag ang panga ko nang makitang nakaharap sa salamin si
Bethany at nag-aayos. Napakatahimik ng pagpasok nito na hindi ko manlang narinig ang galaw
niya.

Mukhang nagulat din siya sa akin pero maya-maya'y ngumiti.

"Sinong kasama mo?" tanong niya.

I gave her a smile. I subtly scanned her posture and admitted my defeat. She was Duke's new
found love. Mabait at may napatunayan na. Maganda rin ito at kung hindi ko lang mahal ang
lalaki, masasabi kong bagay sila.

"Wala." I chuckled.

Tinabihan ko siya sa salamin at inayos ko rin ang buhok ko.

"I'm with my friends, do you want to join us?" mabait ulit na tanong niya. "Hindi ka ma-a-out of
place dahil naroon naman si Laurence."

Naramdaman ko ang bahagyang panlalamig bago umiling. He was here. My heart warmed at
the idea of us being in the same place and breathing the same air. This was the closest we
could get.

"Hindi ka manlang sinamahan ni Atreus? Uhh... that guy!" aniya na tinawanan ko lang.
"Busy yon," tanging naisagot ko bago bumaling sa kanya. "Uuna na ako. Salamat sa pag-iimbita,
Bethany."

"Sigurado ka ba?"

I nodded and smiled. Lumabas ako ng restroom at medyo mabigat na naman ang pakiramdam.
Ang pangako sa sariling hindi masyadong mag-iinom ay nabali.

Bago ako makahanap ng pwesto, nakita ko si Duke. Nakatagilid siya kaya hindi niya ako kita. He
was wearing a black shirt and tattered pants which reminded me of the old times. Bagong gupit
din ito at lalong gumwapo.

Nakahilig sa dibdib niya si Bethany habang ang kamay niya ay nakapalibot sa bewang ng babae.
Nakikipagtawanan din ito sa mga kaibigan ng babae na mukhang may mga relasyon din. They
looked like they were on a group date.

Kung sumama pala ako sa paanyaya ni Bethany, ito ang makikita ko?

Mag-isa lang ako sa mesa at maraming alak sa harap ko. Sunod-sunod ang pag-inom ko na
parang wala akong trabaho bukas.

Birthday ko pa rin naman. Hindi ba pwedeng time out muna sa sakit?

Of all places, bakit naman dito ko pa makikita iyon? Sana pala ay sa Void na lang ako pumunta.

"Hi."
Natigilan ako sa pag-iisip nang may lalaking umupo sa tabi ko.

My forehead creased. "What do you need?"

Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis dahil sa mataray kong
tanong.

He chuckled. "Let me accompany you."

"Hindi ko kailangan."

Ngumiti lang siya at nanahimik. Sumandal pa ito sa couch.

My eyebrows furrowed. "Hey!" I called him. "Gusto kong mapag-isa!"

Hindi nakinig ang lalaki at wala na akong energy pa para makipagtalo sa kanya kaya sumandal
na lang din ako sa couch. Parehas na parehas ang porma naming dalawa.

Lumipas ang ilang sandali na nag-iinuman na kami. Sinasalinan niya ako ng alak sa baso ko
habang pinagtatawanan namin ang mga sumasayaw sa dance floor.

Sa tulong niya, panandalian kong nalimutan ang nakita. He was a light company. Madaling
kausap kaya hinayaan ko na rin. We did not even know each other's names.

"May party sa taas, doon ako kaso parang mga tanga, puro cellphone."

Tinawanan ko siya. "Ang boring no'n!"


He grinned. "Buti nga at nakababa ako. Nakita pa kita."

"Yuck," I said jokingly. Kanina pa siya nagpapalipad-hangin pero hindi ko na lang pinapansin.

He let out a chuckle. "Sayaw tayo?"

Umiling ako at bahagyang sumandal sa couch. Kinuha ko ang baso ko at ininom ang alak na
laman non. I looked at my watch and I smiled sadly as I realized that it was still my birthday.

Ipinikit ko ang mata ko at nagulat ako nang patakan ako ng lalaking kasama ko ng halik sa labi.

Nagmulat ako at inirapan siya. Tumawa lang siya sa akin kaya ipinikit ko ulit ang aking mata.

Mellow na ang music, hindi gaya kanina na talagang rakrakan. It would be perfect if I was happy
and content. Kung si Duke lang sana ang kasama ko.

Muli kong naramdaman ang paghalik sa akin ng lalaki ngunit masyado na akong pagod para
itulak pa ito palayo. I just didn't care.

He tilted his head and kissed me more. Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at
ang bahagyang pagkagat sa pang-ilalim kong labi.

I didn't respond to his kisses. Wala akong maramdaman. Nakapikit lang ako at hinahayaan siya.
May ibinubulong pa siya sa akin pero hindi ko pinakikinggan. Hindi ko alam kung gaano niya ako
katagal hinahalikan. He was squeezing my inner thighs at dahil nakadress ako, ramdam na
ramdam ko ang palad niya sa akin.
I gently pushed him away.

"Why?" he asked in a hoarse voice. Malapit pa rin siya sa akin at ang ulo ay nasa leeg ko.

"Ayoko."

He chuckled, but he didn't remove his face from my neck. Nagmulat ako ng mata at naitulak ko
ang lalaki nang makitang nasa tapat ng table namin sina Bethany at Duke.

Bethany looked shocked while looking at my state. Her eyes widened in surprise, but I didn't
care.

Bumaba ang tingin ko sa braso ni Duke kung saan nakakapit doon ang babae. Matapos iyon ay
hinayaan ko ang sarili na tingnan si Duke.

His face was unreadable. Nakatingin ito sa akin nang walang reaksyon ngunit sa tagal ng
pagkakakilala ko sa lalaki, nabasa ko ang labis na galit sa mata niya. His lips were in a grim line,
and his jaw was tightly clenched. Parang kaunti na lang ay susugurin niya ako.

The guy I was with groaned. Napatingin ako sa kanya na nakanguso sa akin. Hindi niya ata
napansin na may dalawang tao sa harap ng table namin dahil muli siyang lumapit sa akin at
hinalikan ako.

Bago ko pa man ito maitulak, nahigit na ni Duke ang polo shirt nito. He grabbed him at the back
of his collar and dragged him away from me. Napatayo ako sa gulat at bahagyang nawalan ng
tama. Sa laki at taas ni Duke, mabilis na nadala ang lalaki.

"Laurence!"
"Duke!"

Magkasabayang sigaw namin ni Bethany nang haklitin ni Duke ang lalaki patayo. Dahil sa
tangkad ni Duke, hanggang labi niya lang ang lalaki.

"Bro, what the fuck!" gulat na sigaw ng lalaki.

May mga tumitingin na sa amin kaya nilapitan ko ang dalawa. Bethany was behind Duke, and
she was still in the midst of shock.

Mabilis ang paghinga ni Duke habang hawak pa rin ang kwelyo ng lalaki. His eyes were a shade
darker because of anger.

"Duke, tama na," alo ko dahil masama pa rin ang tingin nito sa lalaki.

Sumulyap ito sa akin at bahagyang pumungay ang mata. Nang ilipat niya ang tingin ulit sa lalaki
ay bumalik ang bangis sa mukha niya.

"Why did you kiss her?" mahina ngunit madiing tanong niya.

Napapikit na lang ako. Bahagyang nahihilo pero dahil sa ginagawa nila ay kailangan kong
pumagitna.

"I have her consent! Kanina pa kami naghahalikan!" sigaw ng lalaki kaya lalo akong napapikit.

You kissed me! I didn't kiss you back!


But of course, of course, he took my silence earlier as "consent" to kiss me.

Duke harshly pushed him away before glaring at me. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon
dahil wala akong ibang maramdaman. I saw Bethany touch Duke's arms, but his eyes remained
on me.

I looked away.

Mabuti na lang at hindi gumanti ang lalaki at hinawakan na lang ako sa braso.

"Tara na," yaya nito sa akin.

I glanced at him and nodded. Gusto ko na ring umalis.

Sasama na sana ako sa kanya nang maramdaman ko ang hawak ni Duke sa kabilang braso ko
rin. I immediately felt how much my body longed for him. Hinigit niya ako pero dahil kapit din
ako ng lalaki sa kabila ay hindi niya ako tuluyang nabawi.

Para kaming tanga rito. Hawak ni Bethany ang kanang braso ni Duke habang ang kaliwa naman
ay nakahawak sa akin. My other arm was pulled by the guy I barely knew.

"Bro, kanina ka pa! Ano bang problema mo?!" naiirita nang sigaw ng lalaki.

Duke didn't even throw him a glance. Nanatili ang mata niya sa akin pero alam kong wala siyang
mababasa sa mukha ko. I was just too tired. I wanted to go home and cry.

"Uuwi ka na?" mahinang tanong sa akin ni Duke. Napakalambing ng boses nito na kung hindi mo
kita ang mukha niya ay aakalain mong walang galit sa mata niya.
I nodded. I couldn't utter another word without breaking down. I remembered the way he held
Bethany and the way he kissed her forehead like she was the most important person in his life. I
couldn't take that. I was in the moving-on phase, so seeing him with her wasn't helping.

"Then I'll bring you home," he said with full conviction.

Bago ko pa matapos ang reaksyon ko, binitawan ako ng lalaking kasama ko kanina at itinulak si
Duke. To my surprise, Duke didn't even budge.

"Huwag kang makealam sa amin!" sigaw ng lalaki. "Nauna ako sa kanya!"

Duke snorted. "Ikaw ang nauna? Sigurado ka?"

"Duke..."

He ignored me. Tumingin siya kay Bethany at tumango naman ang babae bago ako higitin
palabas ng club. Hindi mahigpit ang kapit niya sa akin kaya pwede akong kumawala.

But I didn't.

Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya.

"Get in," he said dangerously. His brows were furrowed and he was gritting his teeth.

I didn't move a muscle.


Lumingon siya sa akin at nakita ko ang galit sa mata niya.

"Where's your boyfriend?" mas lalong galit ang tinig niyang tanong. "Narito dapat siya! You were
getting harassed!"

I sighed but I didn't answer him. Pumunta na lang ako sa pintuan ng sasakyan niya at tahimik na
pumasok.

Sumunod din agad siya. He was breathing heavily, tanda ng labis na galit. I closed my eyes as I
listened to his heavy breathing.

"I didn't let you go for this..." hirap na hirap na saad niya.

Bumigat ang puso ko sa narinig sa kanya kaya nagmulat ako ng mata. Diretso lang ang tingin
niya sa daan kahit na hindi pa naman umaandar ang kotse.

"Nasaan si Bethany? Siya ang ihatid mo pauwi, Duke," I said, trying to calm myself.

"How's your relationship with Atreus?"

Nagulat ako sa out of context na tanong niya.

Still, I shook my head. "Si Bethany ang ihatid mo..."

Binasa niya ang pang-ibabang labi bago bumaling sa pwesto ko.

"Ihahatid ko siya mamaya."


I secretly laughed at myself. Syempre ihahatid niya ito. Uunahin muna ako pero babalik siya sa
totoong gusto niya.

"Do you love him?" he asked in a soft voice. "Masaya ka ba?"

I gulped as pain pierced through my heart. No one could hurt me but you, Duke. Ikaw lang ang
may kakayanang durugin ako... and you were doing a good job.

"Ikaw? Masaya ka ba?" ganting tanong ko.

I was hoping he'd say no. Call me names but I wished he wasn't happy without me. Sana gaya
ko, hindi niya rin kaya. But then, I realized how toxic that was. Mahal ko ang lalaki at hangad ko
dapat ang kasiyahan niya... even if that happiness no longer included me.

He gave me a faint smile. "Masaya na ako, Solene."

Tumango lang ako habang nararamdaman ko ang pagguho ng maliit na pag-asa sa puso ko. He
was okay, now. Heto na ang confirmation ko.

"Mabuti naman, Duke... ano, bababa na ako, ha? Dala ko naman ang kotse ko at kaya ko pang
magmaneho."

I didn't wait for his answer. Bumaba na ako at tinakbo ang direksyon kung nasaan ang sasakyan
ko.

I entered my car and cried.


Happy birthday, Solene.

Chapter 37

"Good morning, Miss Sol."

I smiled at Ford. Maaga akong nagbukas ng shop para simulan na ang pag-ba-bake ko. Nauna
ako ngayon kina Roswell at Jelay, hindi gaya noong mga nagdaang linggo.

Sinabihan ko si Ford na tingnan na ang list of deliveries namin para masimulan ko na ang
gagawin. Kalahating orders ang natapos ko kahapon kaya hindi na masyadong hassle ngayon.

"Maga ang mata ah, iyak ka, girl?"

Binatukan ko si Jelay. "Huwag mong sirain ang araw ko at baka paanakin kita."

She covered her belly, as if protecting her baby from me.

"Ang sama ni Ninang!"

I rolled my eyes. "Hindi ko papapaskuhan iyan."

She glared at me. "Sana ikasal na sina Duke at Bethany."

Malakas ko siyang minura pero tinawanan niya lang ako. Ipinagpatuloy naming dalawa ang pag-
ba-bake na talagang masama ang timpla ko sa kanya. Minsan tuloy ay sinasadya kong pahiran
ng harina ang suot niyang itim na dress kaya sinisinghalan niya ako.
"Basta ang alam ko, bago ang kasal, may naghahabol sa akin," pang-aasar ko.

"Ako pa rin ang end game."

I chuckled. "Wala lang choice."

She stomped her feet, napipikon na. "Napakahayop mo! Ganan ba talaga kapag virgin?!"

Naputol ang pag-aasaran namin nang pumasok si Roswell na nakabusangot. Nakakunot ang
noo nito at matalas ang nguso. Padabog pa nitong inilagay ang tray sa station.

"Anong nangyari?" tanong ko. "May problema ba sa customers sa labas?"

Umiling ito. "Ang daming deliveries. Nagrereklamo na ang iba dahil gusto nila agad-agaran. Nag-
leave pa naman si Lexus kaya walang katulong si Ford."

Ibinaba ko ang rolling pin na hawak. I crossed my arms and leaned on the sink.

"Pwede namang ako ang mag-deliver. Malayo ba?"

Tumingin sa akin si Roswell. "Eh, sinong katulong dito ni Jelay?"

I slid my apron off and glanced at Jelay.

"Ayos lang, patapos na rin naman kami. Nakasalang na ang huling batch ng cinnamon bites."
Roswell nodded. Lumabas siya sandali at ibinigay sa akin ang info ng customers.
Napasimangot ako nang makitang tatlong magkakalayong lugar ang mga iyon.

I took my car keys and walked out of the store.

Inuna kong padalhan ang dalawang nasa bahay lang. Mild orders lang naman ang mga ito kaya
hindi hassle. Inabot din ako ng halos dalawang oras sa paghahanap at pag-hihintay sa mga
nagpipick-up.

Nag-ring ang cellphone ko at agad kong na-identify na customer ito dahil nasilip ko kanina ang
number sa papel na ibinigay ni Roswell.

"Good afternoon. This is Solene of The Slice," bati ko agad pagkasagot ng tawag. "I'm on my
way to your company..."

"Uhh... okay. Thank you. Anong oras po kaya kayo makakarating? Paalis na kasi ang bisita."

I bit my lower lip. "Fifteen minutes, Miss."

Nang maibaba ang tawag ay mabilis akong nagmaneho. Kung alam ko lang na para sa bisita ay
inuna ko na 'to. Wala pang labinglimang minuto ay nakarating ako sa company. Wala na akong
oras basahin kung anong kumpaniya ito dahil dumiretso na ako papasok.

"Hi, I'm here to deliver these..." Itinaas ko ang dalang apat na paper bags para ipakita sa
receptionist. "...to Mr. Cedric Castillo."

May tinawagan muna ang babae bago ako tuluyang papasukin. Pinaakyat nila ako sa 7th floor
at nang makarating doon ay nakita ko agad ang maraming cubicles. Dinig na dinig ko ang tunog
ng pagtatama ng daliri at keyboard ng laptop. Isinama pa ang isang tambak na mga papel.
Napangiwi ako. Hindi talaga ako para sa ganitong trabaho.

Nakita ko ang office sa dulo kaya naglakad ako patungo roon. Wala akong nilingon ni isang
employee dahil mukhang busy naman ang lahat.

"Uhm... excuse me," tawag ko sa atensyon ng sekretariyang nasa labas.

Nag-angat ito ng tingin sa akin bago ngumiti. "Ipasok niyo na po."

I smiled back at her. Siya marahil ang kausap ko kanina sa telepono. I knocked three times
before opening the door.

Itinago ko ang gulat sa mukha ko nang makitang kausap ni Mr. Castillo si Bethany. Napansin
nila ako kaya bahagya silang tumigil sa pag-uusap. Bethany didn't look surprised. Ngumiti ito sa
akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"These are your orders, Sir," I said.

Ipinatong ko ang paper bags sa mesa bago nag-angat ng tingin.

Mr. Castillo smiled. "Ikaw ang owner ng The Slice, hindi ba?"

"Yes, Sir."

"Ikaw pa talaga ang nag-deliver. You're hardworking."


Tumayo ito at lumapit sa paper bags na dala ko. Marami-rami siyang inorder para siguro sa
ibang employee.

"Thank you, Sir. Marami po kasi kaming deliveries ngayon kaya nag-division of labor kami."

He nodded before glancing at Bethany. Tumayo naman ang babae at lumapit din sa pwesto
namin.

"I'll get going, Sir," I said.

Tumango lang ang lalaki. Tumingin ako kay Bethany at bahagya rin siyang nginitian bago
tuluyang lumabas ng office. Ang sekretarya ang nag-abot sa akin ng bayad kaya nakatuloy na
ako sa paglabas ng building.

Sasakay na sana ako ulit sa kotse ko nang nakita ko si Bethany na tumatakbo patungo sa
pwesto ko. Her hair was a bit disheveled. Kumakaway pa ito sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko nang makalapit siya. "May problema ba sa orders?"

Umiling ito habang hinahabol ang paghinga. Sumandal ako sa pinto ng kotse ko at hinintay
siyang makapagsalita nang maayos.

"Are you busy?" aniya.

Inayos niya ang kanyang buhok at nagtatanong ang matang tumingin sa akin.

"Hindi naman, bakit?"


She shifted her weight. "Can we talk?"

"Para saan?" tanong ko, bahagyang kinabahan.

"Let's grab a tea!"

Pumayag ako sa sinabi niya dahil sa kuryosidad. My heart was beating loudly against my chest.
Isa lang kasi ang nasa isip kong pag-uusapan namin at si... Duke iyon.

Nang mai-serve sa amin ang orders, sumandal siya bahagya sa upuan at pinasadahan ng daliri
ang buhok. I, on the other hand, remained calm.

"About your case..."

My brows furrowed. I blinked a few times before narrowing my eyes at her.

"Case? What case?"

She was a corporate lawyer, and I couldn't remember ever infringing on anyone's rights in my
business.

She gave me a puzzled look. "Iyong ipinapaasikaso mo kay Laurence."

Lalong kumunot ang noo ko. What's going on?!

I shook my head. "Hindi na kami nag-uusap ni Duke... so I don't know what you're saying."
She looked annoyed. Humigop siya ng tsaa bago muling tumingin sa akin. Nakakunot ang
kanyang noo at magkasalubong ang dalawang kilay.

"Your sexual harassment case..." she uttered. "Matagal nang on-going ang kaso mo at hindi mo
alam 'yon?"

"Look." I sighed. "Wala akong i-fini-file na case kahit kanino. I'm focused on my work right now.
Ayokong magka-stain ang pangalan ng business ko dahil hindi pa naman ito malaki."

Muli niyang pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok, tanda na medyo naiinis na siya
samantalang ako ay nakatanga lang sa kanya.

"So... you mean to say... Laurence filed a case against your predator without asking your
permission?" dahan-dahan niyang tanong.

I shrugged, confused like her. "Maybe? I don't know. Sino ba ang kinasuhan niya?"

"Mr. Matthew Corpuz."

My jaw dropped. He was the husband of my boss when I worked as a maid! Oo, naikwento kong
binastos ako nito pero wala na akong plano sa kaso na 'yon!

"Nasa Greece si Mr. Corpuz kaya pumunta roon si Laurence. Inalam niya ang previous cases ng
lalaki... and you're telling me, you do not know what's going on?" aniya nang hindi ako umimik.
Nanliit ang mga mata niya sa akin, parang binabasa ako.

He went to Greece... for that?!

"I-I thought... he worked there?" natatangang tanong ko, hindi pinansin ang nanghuhusgang
mata niya.

"He did. Pero ang totoong rason kung bakit siya pumunta roon ay dahil kay Mr. Corpuz. At first,
hindi ko naintindihan kung bakit bigla siyang interesado roon... I mean, it's not his field of
expertise. Then I've learned that you're the victim, his childhood friend..."

My breathing hitched. Hindi ko alam kung dahil sa rebelasyon na ako ang rason kung bakit
umalis si Duke sa Pilipinas o dahil sa terminong childhood friend ni Bethany.

I sighed. "So... what about my case?"

"I think we should contact Laurence first. Is that okay with you?"

Dinaga ang dibdib ko sa sinabi niya. Alam kong tungkol lang sa kaso ang pag-uusapan namin
ngunit hindi ko maiwasang kabahan dahil makikita ko na naman ang lalaki.

"Uh... s-sure," nasabi ko na lang. I sipped on my cup to ease my emotions.

"Hello? Laurence... I'm with Sol... yes. About the case. Oo, sinabi ko... okay, take care."

It was just a short phone call, but I envied her. She was free to call him whenever she wanted
without fear of being questioned.

"Nasa office si Laurence, pero malapit lang naman ito roon," she informed me.

I nodded and ran my fingers through my hair.


She leaned more on her chair. "Lagi kasi akong nandoon kaya alam ko."

"Okay." I smiled, wanting to dismiss the topic.

"Laurence always invites me over. Naka-close ko na nga ang ibang engineers at skilled workers
nila," she chuckled.

Muli akong tumango sa kanya at nagbigay ng maliit na ngiti para hindi niya mapansin ang
kagustuhan kong itigil ang usapan. Hindi ko alam kung may ideya siya na nanligaw sa akin ang
lalaki pero kung mayroon... hindi niya naman para siguro sabihin ito, 'di ba?

"Good for you," I replied.

She sipped on her tea and smiled widely. "I'm glad Laurence and I are on the same page now."

Gusto kong mapapikit sa inis nang magpatuloy siya.

"Kumusta pala kayo ni Atreus? Naikwento sa akin ni Laurence na magkasintahan na kayo."


Ngumiti ito. "I'm happy for you."

I sighed. "We're not together. He's a father now."

Natutop niya ang bibig at suminghap. Nag-iwas lang ako ng tingin. Hindi pala nila nabalitaan.

"I'm sorry..." she uttered.

I shrugged. "Ayos lang. She's my friend's husband."


Lalong sumama ang timpla niya ngunit hindi na siya nagsalita. Sumandal siya sa upuan na
parang napagod sa sinabi ko.

Habang lumilipas ang oras ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. Duke would be here in a
minute! Matapos kong mag-walk out kagabi, hindi ko naman in-expect na makikita ko ulit siya
agad agad!

"Sorry, medyo natagalan ako..."

Tuluyan nang nalaglag ang puso ko nang marinig ang baritonong tinig nito sa gilid ko. Tumingin
ako sa kanya at agad ding nag-iwas ng tingin nang mapansing nasa akin ang mga mata niya.

I unconsciously moved to the left side to give him a seat.

"It's okay, Laurence, come here."

I let out a deep breath when he went near Bethany and settled himself beside her. Umipod ulit
tuloy ako pa-kanan at gustong mapailing sa naisip na tatabi sa akin ang lalaki.

I sported a straight face kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang umalis lalo at nasa harap ko ang
dalawa. Hindi ko na tinapunan ulit ng tingin si Duke dahil sa kaba.

"It took you almost thirty minutes to arrive. Bakit?" Narinig kong tanong ni Bethany sa lalaki.

"Bumili ako ng cookies sa... The Slice... para sa workers."

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tingnan si Bethany.


"Let's just get straight to the point," I said. "Babalik pa kasi ako sa shop."

"Dala mo ba ang sasakyan mo, Sol?"

Para akong aatakihin sa puso sa biglaang pagtatanong ni Duke. Napatingin ako sa kanya at
bahagyang tumango.

Hinampas ni Bethany ang braso nito. "Of course! Nagdedeliver siya!" she chuckled.

Duke let out a sigh and leaned on his chair.

"So..." Bethany trailed off. "Hindi pala alam ni Sol ang pinaggagawa mo?" nang-aakusang tanong
niya sa lalaki.

Duke bit his lip and nodded. "She's... busy. Hindi ko na nasabi sa kanya. At saka, parang wala
siyang plano... kaya ako na ang gumawa ng paraan."

I interfered. "There's no need for you to do that, Duke. Though I appreciate your concern, sana ay
hindi ka na nag-abala. Isa pa, ilang taon na rin naman ang lumipas."

His brows met. "It's not okay, Sol. Nang sabihin mong minamanyak ka no'ng lalaking 'yon, I didn't
sleep a wink. Pinaparusahan dapat ang mga gano'n."

Just like in the old times, he always wanted to punish everyone who did me wrong... or kahit
sino. He was a man of justice... I see.

"Kaya ba pumunta ka ng Greece? Para sundan si Matthew? Do you really think it's worth it?"
tanong ko. "You should focus more on yourself, Duke."

Umigting ang panga niya bago basain ang pang-ibabang labi. He sighed countless times to calm
himself. Matapos iyon ay bumaling siya kay Bethany na nakikinig lang sa amin.

"What's with that asshole?"

Napairap ako. He ignored me!

Bethany composed herself. "Well, we found out that Mr. Corpuz is a downright maniac and he
has tons of victims... na-interview namin ang iba sa kanila at willing silang mag-testify sa court."

"What?!" tanong ko. "Marami siyang biktima?!"

Tumango si Bethany. "Yeah... bale iyong kasong i-fi-nile ni Laurence ang nag-give way para
makakuha rin ng justice ang ibang victims. Some of them were... raped."

Sympathy washed through me. I couldn't imagine how terrified they were!

"He's currently in Cebu but we'll track him down... don't worry." She smiled.

I nodded, but my heart felt heavy for the victims.

"Is it okay if you tell us what... happened to you?" tanong ulit ni Bethany.

Duke let out an exasperated sigh. "No, Beth."


I turned away from him and focused my eyes on Bethany, ready to tell her about the jerk who
had harassed me. I would not hesitate to tell her my story if it would help the victims get the
justice they deserve.

"Hindi mo kailangang sabihin, Sol," ani ulit ni Duke.

I bit my lower lip. "Ayos lang, hindi naman na kaso iyon sa akin."

Inilapit ni Bethany ang katawan sa mesa at parang handang-handa nang makinig sa akin.

"Uhh... anim na buwan lang akong nagtrabaho para sa mga Corpuz," panimula ko.

Duke sat back in his chair, his eyes tightly shut.

Bethany encouraged me to keep going.

"Hindi ko alam kung ilang beses niyang ginawa ito pero... nahuli ko siyang nakasilip sa akin
habang naliligo ako."

"Bethany, stop asking her!" medyo pagalit na saad ni Duke. "Solene, hindi mo kailangang i-
kwento ito!"

I ignored him.

"Hinayaan ko lang no'n kasi kauumpisa ko lang sa trabaho at wala naman akong ibang pwedeng
pasukan." I sighed. "Kapag maglilinis ako ng matataas na bintana at magpapalit ng kurtina, I
would see him... peeking at my body... hinayaan ko ulit."
I swallowed hard as regret pierced my heart. How could I let him do that?!

"Please, Sol... just stop."

Bethany reached out for his hand. Nakita kong marahang pinisil ng babae ang kamay nito kaya
mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

"H-hindi ko lang kinaya noong pinasok na ako nito sa kwarto." Mariin kong kinagat ang pang-
ibabang labi.

I glanced at Duke and he looked like he was pleading with me to stop. Nag-iwas na lang ulit ako
ng tingin at itinuloy ang kwento.

"He s-started touching my body... mabuti at nagising ako at nakalaban... marami akong naiwang
gamit sa kanila dahil hindi ko na rin ginustong bumalik doon. K-kaya hindi ko masikmura kung
anong ginawa niya sa iba. They must be so scared..."

Nag-angat ako ng tingin at agad na nahuli ng mata ko ang mga mata ni Duke. His eyes were
darker than usual, and he had a hard expression on his face.

"I will send that fucking asshole behind bars, Solene," he said in a low baritone. Bawat salita ay
may diin. "He would pay for what he did."

"Yeah, we'll make sure of that, Sol," Bethany said.

Tumango lang ako sa kanila. "Can I leave now?" hindi nakatiis na tanong ko. As much as I
wanted to be with Duke, hindi ko naman kayang tingnan sila na parang wala lang.

"Ihahatid na kita," Duke uttered.


Napasulyap ako kay Bethany na napatingin kay Duke.

I shook my head. "Hindi na, dala ko naman ang sasakyan ko."

"Then I'll come with you... may gusto rin akong itanong."

Muli akong sumulyap kay Bethany. Nakayuko na ito ngayon at pinaglalaruan ang daliri. I felt sad
for her. She must be jealous right now.

"Pwede mo naman akong tanungin na lang dito, Duke," I reasoned out. "At... may pag-uusapan
pa yata kayo ni Bethany tungkol sa... case."

Bethany looked at me and smiled a little.

"Oo nga, Laurence. We should talk more," she uttered.

Kinuha ko na ang bag ko pero hindi pa rin ako tumatayo.

"That can wait, Bethany." Narinig kong saad ni Duke. "I have something very important to tell
Solene."

Napatingin ako rito. I wanted to get mad that he was dismissing Bethany... but at the same time,
I got curious. Ano namang sasabihin nito?

I swallowed. "Mabilis lang 'to, Bethany..."


Malungkot na tumango ang babae. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya bago lumakad
patungo sa kotse ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Duke sa akin kaya nariyan na naman
ang pagtibok ng puso ko.

I didn't enter my car. Sumandal lang ako roon at tiningnan siya.

"Sinabi ko kay Bethany na saglit lang tayo. Ano ang kailangan mo, Duke?" I said firmly,
attempting to show that I was unaffected by his presence.

Seryoso ang tingin niya sa akin. "I have a lot to say..." He sighed.

"Make it quick."

He tilted his head and bit his lower lip.

"I'm sorry for filing a case against him without your notice," panimula niya na tinanguan ko lang.
I realized that it was a good thing.

"I don't like that you seem fine with it..."

Hindi ako ulit sumagot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangang narito pa siya para
sabihin iyon? Pwede namang sabihin na lang doon kahit na nakikinig si Bethany.

"And..." He swallowed hard. "Ayokong siraan si Atreus sa 'yo pero... I saw him with Jelay... and
she's pregnant."

Tumango lang ulit ako. I knew that.


"Is that the reason why you're sad? Did he cheat on you? With your friend?" Sunod-sunod na
tanong niya. "Kaya ka ba malungkot kahapon ay dahil sa nangyari?"

Umiling ako. "Ayos lang ako, Duke. Hindi naman naging kami ni Atreus kaya okay lang sa akin.
Isa pa, kasal na ang dalawa at hindi big deal 'yon."

"It's not okay!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

"Paano ka?!" galit na sigaw niya. "You love him... you must be very sad," mahinang bulong niya
sa sarili.

I sighed. "Hindi ko siya sinagot, Duke, dahil hindi ko siya gusto. Magkaibigan lang kami ni Atreus
kahit noon pa."

Hindi naitago ang gulat sa mukha niya nang sabihin ko iyon.

"Ang sabi mo ay sasagutin mo na siya paggising niya?"

"I didn't," I simply answered.

He looked away with a pained expression. "W-why didn't you tell me?"

Nag-iwas din ako ng tingin. Pinanood ko ang mga taong pumapasok sa nilabasan naming cafe.

"Anong point?" I chuckled nervously.


Nagulat ako sa pagharang niya sa tinitingnan ko kaya napatingala ako sa kanya. He was looking
down at me with an unreadable expression.

I gently pushed him away but he didn't flinch.

"Anong point?" he scoffed. His lips trembled while looking at me.

Hindi ko na makontrol ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang anumang oras ay sasabog
ito sa kaba.

"For a year, naniwala akong... masaya ka na rito kasama siya."

I lowered my gaze. I couldn't stand the intensity of his stares.

"H-hindi na iyon importante, Duke."

"Goddammit!" he cursed. "It might not be important to you but it was my lifeline, Solene!"

Rinig na rinig ko ang mabilis na paghinga niya.

"You should've told me that you weren't together!"

"Bakit?!" Hinarap ko na siya. "Anong gagawin mo kung sinabi ko?! May magbabago ba?!"

"Yes!" pigil na pigil niyang sagot, medyo tumaas ang boses.


"Edi sana ay hindi ako nag-ubos ng isang taon para lokohin ang sarili ko na nakalimutan na kita!
Kasi... alam ko! Alam kong hinding-hindi mangyayari 'yon dahil mahal na mahal pa rin kita!"

My hands were shaking as he uttered those words. His eyes were bloodshot, and I couldn't look
away from him. For a moment, I wanted to forget everything and love him fully.

Tears welled up in my eyes as hope arose in my heart.

Hinawakan niya ako sa balikat at wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya.

"Can I court you... again?" hirap nahirap na tanong niya. "Please... let me love you."

Chapter 38

"Paano si Bethany?" tanong ko, nanginginig pa rin sa sinabi nya.

"Ikaw ang mahal ko, Sol," nanghihinang sagot nya.

My cheeks flushed. Para akong nakalutang sa sinabi nya. Hindi pa nag-si-sink in sa akin ang
nangyari. Basta ang alam ko ay mabilis ang tibok ng puso ko at magaan ang pakiramdam ko.

"Pero sabi niya... you're on the same page," I whispered. "Akala ko ay... kayo."

He crouched a little toward me. Lalo akong namula sa lapit namin sa isa't isa.

"Paano naman magiging kami kung ikaw ang gusto ko, Solene?" he uttered with sincerity.
Para akong nayanig sa sinabi nya. I breathed deeply to calm myself, but it wasn't enough! Kaunti
na lang ay sasabog na ako sa nararamdaman.

I gulped. Yumuko ako at tiningnan ang mga sapatos namin. My white flats looked small with his
black leather shoes. Kahit sa paa lang, parang mas dominante pa rin ito.

"Bumalik ka na sa loob... Bethany is waiting for you." I wanted to slap myself for stuttering.

"Pupunta ka na ba sa shop?" he asked softly.

Nakayuko akong tumango. Sigurado akong namumula ang pisngi ko sa nangyayari.

"May plano ka ba mamayang gabi?" mas malambing ang boses na tanong nya.

"Wala..."

He let out a low chuckle kaya napatingala ako sa kanya. Mapungay ang mata nya at dahil
nakangiti ay sumilay ang dalawang biloy sa pisngi.

"Nahihiya ka ba sa akin, Sol?"

I squinted my eyes at him. Parang nawala ang mahika ng mga sinabi nya.

"Manliligaw lang kita," anas ko na parang hindi kinakabahan.

He looked amused. Binasa nya ang pang-ibabang labi at tumitig sa akin na parang aliw na aliw
sa nakikita nya.
"Ganda mo."

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Seryoso niyang sinabi iyon! Itinulak ko sya
nang malakas pero hindi manlang siya natinag. Gawa ba sa bato si Duke?!

He smiled. "Dinner tayo?"

I glared at him. "Ayaw ko."

"Bakit? May iba ka bang gagawin?" muling sumeryoso ang mukha niya. "Ipagluluto kita."

I pouted. "Bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako."

"I will fetch you at 6," he said.

Tumango lang ako. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at ganoon din siya. Parang
pinakikiramdaman namin ang isa't isa.

He cleared his throat. "And tell Atreus I'm sorry."

"Why?"

He looked away. "Basta..."

I breathed and nodded. "Uuna na ako, ha?"


Bumaling ulit sya sa akin at tinitigan ang mata ko.

"Mag-iingat ka, Solene."

Namumulang sumakay ako sa kotse. Tinted naman ito pero kinakabahan ako dahil nanonood
pa rin sa akin si Duke. Pinaandar ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan akong makalayo roon.

I bit my lower lip as my mind wandered back to what had happened earlier.

He still loves me, right? Liligawan niya ulit ako at sa oras na sagutin ko isya, pwede ko na siyang
tawagan, kumustahin, yakapin... halikan.

I blushed. Umiling ako at ipinaling na lang sa ibang bagay ang isip ngunit kahit anong gawin ko
ay naiisip ko ang lalaki.

We had kissed before, but I was curious how it felt now. He had grown into a more mature and
refined guy, and I couldn't help but wonder about some... things. His arms were very muscular,
not that he wasn't before. Ngayon kasi ay parang tambay ito sa gym. Even his chest looked
good. He had turned into a sexy beast.

"Ahh! Sol! Ang dumi dumi!"

Hanggang sa makarating ako sa shop ay namumula ako. Kinalma ko ang sarili dahil ayokong
humarap sa pang-aasar nina Jelay at Roswell.

"Grabe iyong delivery na inabot ng apat na oras!" bungad ni Jelay. "Gumala pa ata, jusko! Gawain
ba iyan ng matinong amo?"
Napatingin sa akin ang ibang customers kaya binigyan ko sila ng nahihiyang ngiti.

Nang makarating sa counter ay pigil na pigil ko ang sariling suntukin ito sa tiyan. Hinampas ko
na lang sya nang malakas sa braso at sinamaan ng tingin.

"Ako nga may manliligaw pero nagpabuntis ka. Gawain ba 'yon ng matinong kaibigan?"

I had to cover her mouth because she laughed so loudly.

"Sarap ko raw, eh."

I gave her a disgusted look. Bahagya ko siyang itinulak at sinabing ako na ang tatao sa counter.
Tuwang-tuwa naman ang gaga. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nakita kong tinawagan
niya si Atreus.

"Hoy, Jelay, pakausap nga d'yan."

She glared at me. "Bakit?! Anong lason ang sasabihin mo?"

"May itatanong lang ako!"

Padabog siyang lumapit sa akin at ibinigay ang cellphone. Bumungad sa akin ang mukha ni
Atreus na nakasuot pa ng lab coat.

"Bakit ka nakatitig?" walanghiyang tanong nya. "Nagsisisi ka na ba?"

"Yuck!" hindi ko maiwasang saad na tinawanan lang ng mag-asawa.


I rolled my eyes and composed myself. "Sorry raw sabi ni Duke," I said. "Anong ginawa no'n sa
'yo?"

Bigla itong umayos ng upo at umarteng handang-handang magkwento.

"Tangina, Sol, sinuntok ako no'n kanina! Bukas ko pa sana ikukwento! Nakausap mo?"

I ignored his question. "Bakit ka raw sinuntok?"

"Aba, gago, akala yata ay mag-on tayo! Bakit daw ako may kasamang ibang babae!" medyo
pagalit niyang saad.

"He did that?" I asked, amused.

"Niloloko raw kita! Ano ba kasing ipinagkakalat mo na boyfriend mo ako?"

Napairap ako. "Kadiri ka, gago. In-assume nya lang na ikaw ang boyfriend ko," pagdadahilan ko.

Walang paalam na iniabot ko kay Jelay ang cellphone nya. Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap
habang ako ay iniisip ang nangyari. I didn't appreciate his violence... pero nag-iinit ang puso ko
gayong alam kong kahit hindi niya ako nakikita ay pinoprotektahan niya ako... like he always did.

Mabilis na lumipas ang oras. Kanina ko pa gustong higitin ang relo para mag alas-sais na.

Nagtaka si Jelay nang makitang nagpalit ako ng damit at nag-ayos. I sprayed perfume all over
my body, but I didn't overdo it.
"Tinitingin-tingin mo?"

She narrowed her eyes at me. "May date ka?"

I smirked. "Yup, kami ni Atreus."

Kinurot nya ako sa tagiliran kaya malakas akong tumawa. Inayos ko ulit ang nagulo kong buhok
dahil sa kakulitan niya.

"Si Duke, 'no?" maya-maya'y tanong niya.

"Paano mo nalaman?" I asked, a bit surprised.

"Siya lang naman ang may kayang magpasaya sa 'yo nang ganiyan. Tingnan mo nga at
kumikislap pa ang mata mo."

Tumitig ako sa salamin at nakitang maaliwalas nga ang mukha ko. Taliwas ito sa itsura ko
kahapon kahit na kaarawan ko.

I sighed. "He's courting me again."

Mula sa salamin ay nakita kong nagulat ang babae.

"Akala ko ba may Bethany?!"

I shook my head. "Hindi raw sila."


"What?! What's with the touches?! Wala lang?"

Bahagyang bumigat ang paraan ng paghawak niya sa babae noong nasa Astra kami.

Ikinuwento ko kay Jelay ang nangyaring pag-fi-file ni Duke ng kaso sa nang-harass sa akin noon.
She listened to me intently. Maging ang nakita ko sa club ay sinabi ko sa kanya.

"Hunghang ka," aniya. "Kilalanin mo muna, ha?"

"Kilala ko si Duke." Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi ko.

Umiling ito. "Maraming taon na ang lumipas, Sol. Maaaring kilala mo ang dating siya pero
marami nang nagbago. Mabuti pa ay tanungin mo ito mamaya tungkol kay Bethany. If you still
have doubts after he answered, ask the girl."

"Uh..." I sighed. "Mukhang gusto ni Bethany si Duke. Paano kung magsinungaling siya sa akin?"

"The truth will reveal itself. Basta, hindi mo malalaman ang totoo kung hindi ka magtatanong at
kung matapos ang lahat ay duda ka pa rin, alam kong alam mo na ang gagawin. What's the
point of getting to know each other if you don't trust him, 'di ba?"

I swallowed hard as I listened to her words. May tiwala ako kay Duke dahil mahal ko ito ngunit
tama si Jelay; hindi ko na siya kilala.

Naging palaisipan ko 'yon hanggang sa dumating sa shop ang lalaki. Inasar kami ng mga
trabahante kaya ang ilang customer ay napapabaling sa amin.
Duke looked ruthlessly handsome in his white button-down polo and black pants. His hair was
also combed nicely. Kahit na mukha itong malinis at matino, his strong features gave him away.
Mukha pa rin itong matapang at delikado.

"Let's go?" mahinang aniya.

"Saan?"

He smiled. "Ayos lang ba na sa condo ko?"

Namula ako sa klase ng tanong niya at bumalik ang mga naisip ko kanina. I took a deep breath
and squinted my eyes at him.

"Oo. Bakit naman hindi?"

Liar.

Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil sa sasakyan niya ako sumakay. Nang makasakay ako ay
halo-halo ang nararamdaman ko. Pumasok din sya sa loob at naramdaman ko agad ang tingin
niya.

Tumingin din ako sa kanya at nang magtama ang mga mata namin ay kinagat niya ang pang-
ibabang labi at bahagyang ngumiti.

I cleared my throat. "Tara na."

He nodded and started the engine of his car. Napagawi ang tingin ko sa kamay niyang
nakahawak sa manibela. His veins were showing as he gripped tightly on the steering wheel. His
gold watch looked intimidating on his wrist. Parang komportableng-komportable itong nakaikot
doon.

"Tungkol sa kaso, Sol..." he suddenly uttered.

Napatingin ako sa mukha niya. I knew he could see me through his peripheral vision even
though he was facing the road.

"What about it?"

He bit his lower lip. "Wala kang gagawin. Ako na ang bahala roon."

I looked away. "Uhh... paano ang ibang biktima? Ayos lang naman kung... mag-testify rin ako."

"Will you be fine?" marahang tanong nito.

"Kung kailangan, Duke."

He sighed heavily. "Ayokong makaharap mo ulit ang lalaking iyon, Sol. I don't think I can go on
with the case without beating him to death."

Tumalon ang puso ko sa narinig sa kanya. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.

"T-Then, if that's what you want... I will not do anything, Duke. Just make sure that the victims
will have their justice."

Napabuntong-hininga sya. "I will, Sol. I promise you."


Natahimik kami parehas. Pakiramdam ko ay napaka-awkward ng katahimikan dahil tanging
paghinga lang namin ang naririnig sa loob.

"Uhh..." I uttered. "Nabanggit sa akin ni Atreus ang g-ginawa mo."

He gulped. "Yeah, about that... I'm really sorry," parang nahihiya niyang saad. "I thought he was
cheating on you..."

Nangingiting tumango ako. "Kaya sinuntok mo? I can't believe you can be violent, Duke."

His jaw clenched. Nagsalubong ang kilay at inis ang matang tumingin sa akin. Nang makitang
nakangiti ako ay nag-iwas lang ito ng tingin at binasa ang pang-ibabang labi.

"Huwag kang ngumiti, Solene. Akala ko lang ay sinaktan ka niya kaya ko nagawa 'yon."

I chuckled. "Kaya mo nga sinuntok?"

He scoffed. Itinigil niya ang sasakyan at napansin kong nasa tapat na kami ng Slatewood, isa sa
mga pinakamahal na condominium sa bansa. Dito pala ang condo niya?!

Humarap ako sa kanya at nasalubong ko agad ang seryoso niyang tingin.

"Ayokong sinasaktan ka, Solene." He sighed. "Kahit sino pa 'yon... kahit ako. Ayokong
nasasaktan ka."

Halos matulala ako sa sinseridad sa boses niya. I gasped for air and gave him a slight smile, but
his eyes remained serious.
"I hated myself for what happened back then... I didn't intend to do that but I have no valid
reason to justify my acts... ayokong masaktan ulit kita, Solene. I can't live seeing you hurting...
not again."

I gulped. "D-Duke..."

"Ang tagal kong pinrotektahan ka at hindi ko matanggap na ako ang nanakit sa 'yo." Yumuko
siya na parang sising-sisi. "I r-regret it so much... hindi tama ang rason ko pero sana ay sinabi ko
pala sa 'yo noon ang nangyayari. I was so... concerned with the safety of my nephew. S-sobrang
gulo ng nangyayari but I didn't mean to hurt you. Gusto ko lang talagang pigilan si Mitzie noon,
at kahit alam kong mali, sinabi ko ang mga salitang 'yon kasi natatakot ako... T-takot na takot
ako... I-I'm so sorry, Solene..."

Natahimik ako.

"'Yong sa rooftop... I didn't mean it. I swear. 'Yong pag-iwan ko sa 'yo no'ng lumabas ang resulta,
labis kong pinagsisisihan 'yon... masyado akong nag-alala para sa kalagayan ng bata sa loob ni
Mitzie na hindi ko manlang naisip na nasasaktan na kita. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin
pa no'n, Sol... she's suicidal at pakiramdam ko, kapag hindi ko siya kinausap, itutuloy niya ang
pagpapakamatay... I don't want that."

Huminga siya nang malalim at nagpakawala ng buntong-hininga.

"Pero no'ng nagsalita ka na, no'ng umalis ka na, hiniling ko na sana hinayaan ko na lang pala
sila... kasi mas kaya kong wala sila sa buhay ko, kaysa ikaw..." aniya.

Hindi ko napigilan ang sarili. I extended my arms and reached for his bare wrist. One touch and
he stared at me. Mabilis ang tibok ng puso ko sa tinginan namin.

"You will make it up to me, right?" mahinang tanong ko.


Pumungay ang mata nyiia at hinawakan ang kamay kong nasa palapulsuhan niya. Tiningnan
nyia ako na parang ako lang ang nakikita niya.

"Even more than that, Solene. I will communicate everything to you, now. I p-promise."

Nang nasa loob kami ng unit niya ay napansin ko agad ang linis nito. His interiors were dark,
hindi gaya ng akin na halos puti ang kulay kaya maaliwalas. Ang mga gamit ay itim at gray lang
ngunit maganda itong tingnan. My baby blue flats and sling bag looked out of place on his
couch.

I cleared my throat. "Dito muna ako sa sala... habang nagluluto ka."

He looked intensely at me. "Gusto mo ba rito?"

"Ayos lang, Duke."

He shifted his weight. "Ayaw mo bang... uhh, sa... kusina na lang din?"

Namula ako sa dahan-dahan niyang pagtatanong ngunit tumango na lang sa kanya. Para akong
hinahapo sa bilis ng pintig ng puso ko.

Umalis sandali ang lalaki para magbihis kaya napahiga ako nang malalim. I couldn't believe
things escalated this fast. Parang kahapon lang ay selos na selos ako sa kanila ni Bethany pero
ngayon ay kasama ko na ito at ako raw ang... mahal nya!

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jelay. Maybe, I should ask him about that later.

Nag-iwas ako ng tingin nang bumalik ito sa kusina. Nakasando lang ito kaya kitang-kita ang
makinis at malaki niyang katawan. He started cooking. Nakatalikod siya sa mesang inuupuan ko
kaya pansin kong gumagalaw ang muscles niya kapag may ginagawa siya.

I busied myself with my phone. Kung ano-ano na ang kinalikot ko rito para hindi mapatitig sa
lalaki.

Tatlumpung minuto ang lumipas na wala kaming imikan. Naririnig ko lang ang pagtikhim niya
ngunit hindi ko siya binabalingan ng tingin. Nakuha niya lang ang atensyon ko nang ilapag niya
sa mesa ang pagkain namin.

I smiled at the sight of chicken curry.

Kumuha siya ng plato at nilagyan iyon ng kanin at ulam. Ipinatong niya iyon sa tapat ko at
muling tumayo para kumuha ng tubig. Pinanood ko lang ang bawat pagkilos niya.

The scene reminded me of the old times. Mga panahong madalas niya akong ipagluto at
pagsilbihan.

Tumikim ako sa niluto niya. I pursed my lips to hide my amusement. Lalo talaga siyang
gumaling magluto!

"How was it?" tanong nya sa akin.

I glanced at him and shrugged. "Sakto lang."

Kumunot ang noo nito at kinuha ang kutsara niya. He tasted the food at parang in-analyze kung
ano ang kulang.

"You don't like it?"


I smiled and sighed. Mukhang seryoso talaga siya. "Masarap, gumaling kang magluto."

Doon kumalma ang itsura nya. He leaned on his chair and watched me eat.

"Ako ba ang ulam, Duke?"

Halos masamid ako sa sariling tanong. I didn't even think of it! Natahimik kami parehas kaya
lalong ang awkward!

"I mean... kumain ka kasi! "Wag mo akong panoorin lang!" I told him to save myself.

He chuckled and ate silently. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko pero kumain na lang
din ako.

"Sa shop ka bukas? Wala ka bang delivery?" tanong niya bigla matapos ang mahabang oras ng
pananahimik.

"Depende rin. Nag leave kasi si Lexus kaya kami ni Ford ang nagde-deliver."

Tumango ito. "Just contact me if you need help..."

"Kaya ko naman na 'yon."

He bit his lower lip. "Then, just contact me... whenever you want... kahit hindi mo kailangan."

I faked a cough and reached for the glass. Titig na titig isya sa akin at alam kong pulang-pula
ang pisngi ko sa hiya.

Nang matapos kaming kumain ay umupo ako sa couch inya. Sabi ko ay ako na ang
maghuhugas ng pinagkainan namin pero dahil manliligaw raw siya, siya na lang daw muna. I
giggled at that. Pabibo.

Lumabas din agad ito at dumiretso malapit sa pwesto ko. He didn't sit beside me so I had the
chance to tell him my doubts without being nervous.

"Duke, pwede ka bang makausap?" seryosong tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya at huminga nang malalim. Ilang beses bumukha ang bibig niya
ngunit walang salitang lumabas mula roon. Bahagya rin siyang namutla ngunit hindi ko na lang
iyon pinansin.

"S-sige..." kinakabahang saad niya.

I gulped.

"Kasi ano..." I trailed off. His eyes were attentive and alert. "Nakita ko kayo kahapon ni... Bethany,
'di ba? Uhh... kung wala kayong relasyon... why are you..."

I cleared my throat and looked away. "Why are you touching her? I mean... wala naman iyon sa
akin pero kung gusto mo ang babae... hindi ba dapat ito ang nililigawan mo?"

Bumaling ako sa kanya at napansin ko agad ang pag-igting ng panga niya. Kahit seryoso siya ay
napakaganda niyang tingnan. Madilim ang mukha niya na parang nagalit sa sinabi ko.

He breathed heavily. "Sinabi ko na sa 'yong ikaw ang gusto ko, Solene..."


He crouched in my direction. "Kaibigan ko lang si Bethany at puro magkakasintahan ang
kasama namin kagabi kaya kinausap inya ako na huwag ipahalatang walang namamagitan sa
amin. Her friends were pressuring her to get married and settle down... at medyo kinaiinisan
inya iyon."

I nodded and clasped my hands. Hindi ako sigurado kung kumbinsido ako.

"We can talk to her about the details, Solene," he uttered. "Ikaw ang gusto ko at... ayokong
magduda ka sa amin... dahil wala naman talaga kaming relasyon."

Tumingin ako sa kanya at nag-init ang puso ko nang makita ang sinseridad sa mata nya.

"Pati..." I uttered, medyo kinakabahan sa susunod na sasabihin. "P-pumunta ako sa Greece... at


nakita kong lumabas siya ng unit mo... kaya ganoon ang n-naisip ko."

Hindi na ako nakatingin nang diretso sa kanya dahil sa hiya.

"Pumunta ka sa Greece?" madiing tanong nya. "Bakit ka pumunta roon, Solene?"

I didn't answer. Tumingin lang ako sa mga daliri ko.

He sighed. "Lumabas syia ng unit ko dahil doon namin pinag-usapan ang kaso mo. Nasa Greece
si Matthew kaya nagpunta ako roon. I asked Bethany's help dahil may mga kilala siyang
abogado na maaaring humawak sa lawsuit... I thanked her."

I swallowed. "Y-you held her. Is that how you show your gratitude?"
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya kaya hindi ko alam ang reaksyon nito.

"Walang malisya iyon sa akin, Solene..." He sighed. "But I will keep that in mind..."

"Huh?"

Nag-angat ako ng tingin at agad ding napayuko nang magtama ang mata namin.

"I don't want you to doubt my love for you, Solene."

Marahan na lang akong tumango. Ang sabi ni Jelay ay tanungin ko raw si Bethany kung may
agam-agam pa ako pero ngayon, alam kong hindi na mangyayari iyon. Sa salita pa lang ni Duke
ay pinagkatiwalaan ko na ito.

Nanigas ako nang lumapit sya sa tabi ko. I bit my lower lip harshly and played with my own
fingers to distract myself.

Nagulat ako nang gamit ang hintuturo niya ay iniangat niya ang mukha ko. My eyes met his.
Mapupungay ang mga ito at parang tumatagos sa kaluluwa ko. Para akong nalulunod sa tingin
nya.

Tumigil ang mundo ko. I wanted to memorize his face, but my attention was drawn to his brown
eyes.

"Bakit ka pumunta ng Greece?" he asked softly.

I gulped. "I... just wanted to."


Naging malikot ang mga mata ko kaya bahagya niyang ginalaw ang mukha ko para mahuli ang
tingin ko.

"Did you go there... for me?" tanong niya sa mas malambing na boses.

Para akong nahipnotismo sa mata niya kaya hindi ako nakapagsalita.

Umawang ang bibig niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

He licked his lower lip. "Solene, ako ba ang pinuntahan mo roon?" Mas may diing tanong niya.

I swallowed hard. Sa oras na umamin akong siya ang dahilan, alam kong may ideya na siyang
mahal ko pa rin siya.

Nagtatanong pa rin ang mapupungay niyang mata kaya isang beses akong tumango.

His eyes were now filled with different emotions. Tumitig syia sa akin na parang pigil na pigil
ang nararamdaman but his eyes gave his feelings away.

Hindi ako nag-iwas ng tingin. I watched how his hard-earned control took over him.

"Sol..." mahinang tawag niya na hindi ko sinagot.

"I-I love you..."

Pumikit ito nang mariin ay binitawan ang mukha ko. Sumabog ang pag-ibig sa puso ko sa sinabi
inya... dahil ito ang unang beses na direkta niya iyong sinabi sa akin... nang personal... iyong
dinig ko talaga ang bawat emosyon.

Umiling ito nang paulit-ulit habang kagat ang pang-ibabang labi.

"W-walong taon ang nagdaan pero... mahal na mahal pa rin kita..." aniya, bigong-bigo dahil
parang alam niyang imposible ang pag-ahon mula sa pagkalunod sa akin.

I love this man... so much... too.

Chapter 39

"Natuloy rin ang naudlot," pang-aasar sa akin ni Roswell.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng brownies at cookies sa counter. I couldn't


help but smile when I looked over at Duke, who was cleaning the table. Matapos ang meeting
niya kasama ang ibang engineer, dito na siya dumiretso sa shop para raw tumulong kahit hindi
naman na kailangan.

Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap din siya sa pwesto ko.

He caught me staring at him!

I continued whatever I was doing. Si Roswell ang humaharap sa orders ng customer, si Diane
ang nagbibigay sa tables at sina Lexus at Ford ang nagdedeliver. Wala naman na masyadong i-
ba-bake dahil halos patapos na ang araw. Next month ay mag-ma-maternal leave na si Jelay at
dahil ayaw kong mag-isa sa pag-ba-bake , I would hire more bakers next week.

"Tapos ka na ba, Sol?"


Tumingin ako kay Duke na nakahilig sa counter at tumango.

"Bakit? Gutom ka na?" I asked him. Tinanggal ko ang suot na apron at inilugay ang buhok.

His lips parted a bit before smiling.

"Hindi pa naman. Iniisip ko lang na baka ikaw ang nagugutom na."

Tumango ako. Roswell teased me when I told her to bring us our dinner.

"Umuna ka na roon sa upuan. Maghihilamos lang ako."

Tumango si Duke sa akin at naglakad patungo sa sinabi kong pwesto namin. Pinanood ko ang
paglalakad niya hanggang sa nakarating siya roon.

Habang nasa pantry, nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Unknown Number:

Hi, Solene. This is Bethany. Are you free tonight?

I licked my lower lip as I typed a reply.

Me:

Yeah. But, what for? Kung tungkol sa kaso, Duke told me he'd deal with it.
Halos mapailing ako sa format ng text ko. Really, Sol? What's with the formality?

Bethany:

Oh, it is not about the case. Tungkol sana kay Laurence.

Dinaga ang dibdib ko sa nabasa. Napansin ni Jelay ang pagtitig ko sa cellphone kaya nilapitan
niya ako. Sumandal siya sa locker at tiningnan ako nang mabuti. I couldn't even type a reply!

"Anong meron?" tanong nito.

Ibinaba ko ang cellphone. "Bethany wants to talk to me..."

"Oh, edi makipag-usap."

Umirap ako. "It's not about the case! Tungkol daw kay Duke!"

Lalo siyang humilig sa sinasandalan at sinimangutan ako. "Oo nga, makipag-usap ka. You trust
him, right? Anong kinatatakot mo?"

I bit my lower lip and nodded. "Nakakakaba lang."

"Sus, ikaw ang nililigawan, eh!"

Muli kong inangat ang cellphone at nagtipa ng sagot sa babae.


Me:

Sure.

I breathed heavily. Walang imik akong lumabas ng pantry para puntahan si Duke. May pagkain
na sa mesa namin pero hindi pa rin siya nagsisimula. Nang makitang palapit ako ay umayos
siya ng upo at hinintay akong makarating sa direksyon niya.

"Bakit hindi ka pa nagsisimula?" tanong ko.

Binigyan niya ako ng kutsara at tinidor. Inayos niya rin ang plato ko na parang may dapat pang
ayusin doon.

"Sabay tayo," he said.

Tinanguan ko lang siya at bahagyang nginitian.

Kumakain na kami nang bigla siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.

"Uhh... I know your birthday is almost a month late..." aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? May regalo ka?" I chuckled.

Binasa niya ang labi at natawa na rin. "Oo... sana. Hindi ko naibigay agad dahil nawala na sa isip
ko."
"Ano namang nasa isip mo at hindi mo agad naibigay?" natatawa pa ring tanong ko.

He grinned. "Nililigawan na kasi kita at kahit araw-araw naman tayong nagkikita, medyo
natataranta pa rin ako kapag malapit ka."

I snorted to hide my flushed cheeks. "Corny mo, Duke!"

Ngumiti rin ito at humilig sa mesa. "At... hindi rin agad nawala sa isip ko ang ginawa mo noon sa
Astra... no'ng birthday mo."

Ang lamlam sa mata kanina ay napalitan ng inis.

"Do you even know that guy, Solene?" tanong niya sa mas malalim na boses.

Ibinagsak ko ang tingin sa pagkain. "Hindi... pero hayaan mo na. Wala naman na akong
pakealam doon."

Narinig ko ang muling pagtikhim niya. "Hindi ko lang maiwasang maisip... pasensiya na."

Napangiti ako sa narinig na pagpipigil sa boses niya pero hindi ko na lang pinansin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain na parang kaswal lang ako at hindi kinakabahan.

"At... pwede ba akong umalis pagkatapos nating kumain? Tumawag kasi si architect at may
itatanong daw tungkol sa blueprint," he said. "Pero kung may kailangan pang gawin, sasabihin
ko sa kanya na sa ibang araw na lang."

Nag-angat ako ng tingin at pinanliitan siya ng mata.


"Someone's being clingy..." panunudyo ko.

Nagsalubong ang kilay niya at matalim ang tingin na ibinigay sa akin.

"Hindi ako gano'n, Sol."

I chuckled. "Sayang, mahilig pa naman ako sa clingy."

Ngumisi rin siya sa akin, parang handang sabayan ang pang-aasar ko.

"I will text the architect, then..."

Lalong lumaki ang ngisi ko. "Joke lang! Gawin mo muna ang trabaho mo."

He shook his head. "No, my girl likes me being clingy. Dito lang ako at hindi ako aalis."

"My girl?" I blushed but I was determined to tease him. "Hindi pa kita sinaisagot, Duke."

"Yeah... but for me, you're my girl."

Natatawang inirapan ko siya bago muling ibaba ang tingin sa pagkain. Gano'n din ang ginawa
niya kaya nang matapos ay parehas kaming natulala.

"Uuwi ako sa Isabela sa death anniversary ni Nanay," I informed him. "Hindi ako natuloy last
year... kaya pupunta ako ngayon."
He suddenly looked attentive. "Kailan? Sasama ako..."

"Two weeks from now," I said. "Huwag mo na akong samahan. Alam kong abala ka rin, at balak
kong mag-stay sa Isabela sa loob ng tatlong araw."

Para siyang nag-isip sa sinabi ko. "I can adjust my schedule, Solene."

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko namang mag-isa roon, Duke."

He sighed. "Gano'n din kasi ang schedule ng construction ng mall... pero siguro ay kaya kong
gawan ng paraan."

"Duke, ikaw ang head engineer. Hindi ka pwedeng mawala roon."

"I will still try," he uttered.

Nakumbinsi ko siyang umalis at kitain ang architect na sinasabi niya.

Napasimangot ako nang maalala ang regalong ibibigay niya raw sa akin pero hindi natuloy
dahil sa pang-aasar ko. Hindi rin naman niya naalala!

Naka-receive ako ng panibagong text mula kay Bethany kung saan daw kami magkikita kaya
nag-hintay lang ako ng oras bago tuluyang pumunta roon.

Naroon na rin siya sa coffee shop kaya nagkita kami agad.

"Good evening," pormal na bati ko sa kanya bago maupo sa tapat niya.


We ordered some drinks and proceeded with our conversation.

"Nire-review na ang evidences and testimonies ng victims..." panimula niya.

I nodded. "Justice will be served."

She sighed deeply and fixed her gaze on me. Gano'n din ang ginawa ko sa kanya.

"Nililigawan ka ba ni Laurence?" she asked frankly.

Muli akong tumango dahil iyon naman ang totoo. Isa pa, in-expect ko na ito sa kanya.

"Sasagutin mo ba siya?" tanong niya ulit.

"Oo, Bethany," I answered.

She gasped. Napakapit siya sa silya sa pagiging prangka ko.

"You can't, Solene. You can't," aniya.

Kumunot ang noo ko sa talim ng mga salita niya. I crouched lazily in my chair.

"Why?" I asked briefly. "For you?" Those came out bitter.


"For Laurence... ayokong sabihin ito pero alam kong awa lang ang nararamdaman niya sa 'yo."

I wanted to snort, but I didn't. Isinerve sa amin ang inumin ngunit walang gumalaw sa aming
dalawa.

"Awa?" I chuckled. "Ibang klase pala maawa si Duke?"

"Look... alam kong niligawan ka niya noon pero noong sinabi mong si Atreus ang sasagutin mo,
ako ang nilalandi niya!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.

"He always contacts me, and we even kissed!"

I raised my brow, bahagyang naapektuhan sa sinabi niya.

"Did he tell you he loves you?" tanong ko. "I don't care if you guys kissed dahil nangyari iyon
noong wala ako sa buhay niya."

Yumuko siya at dismayadong umiling. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng awa sa
kanya.

"We're trying to work things out... dumating ka lang..." she whispered.

I swallowed hard.

"Hindi ako ang tamang kausapin dito, Bethany. You should ask him directly. Anong point ng
pagtatanong sa akin?"

Our eyes met. Basang-basa ko sa kanya ang inis at kagustuhang manumbat ngunit pinipigilan
niya ang sarili.

"He pitied you so much, he couldn't hurt you. He was confused! Akala niya ay pagmamahal ang
nararamdaman niya!"

I sighed. "What do you even know about his feelings, Bethany?"

"I was with him!" bahagyang tumaas ang kanyang tinig. "Narinig ko mismo sa kanya na
tutulungan ka niya dahil naaawa siya sa 'yo!"

"Kung awa lang, bakit niya ako nililigawan?"

She scoffed. "At nagpaligaw ka naman? Si Atreus ang gusto mo pero pinapaasa mo si Laurence?
Dahil hindi available si Atreus, you'll settle with him?"

I gave her a puzzled look. "You clearly don't know what's going on."

She crossed her arms. "Sigurado rin akong hindi mo alam na habang nililigawan ka niya ay may
nangyayari sa amin."

That took me by surprise. I wasn't sure whether she was telling the truth or not, but she said it
without stuttering!

Nakita niya yata ang gulat sa mukha ko kaya malaki ang ngiting ibinigay niya sa akin.
"No'ng birthday mo... do you really think we went home?" She snorted. "Kahit mamayang gabi...
he said he'll come to my place and we don't know... what might happen."

Nagsalubong ang kilay ko bago humilig sa mesa. "And you expect me to believe you
because...?"

Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi niya. "Bakit hindi ka pumunta mamaya sa unit ko? Listen
to us while we do... wonders."

Umakyat ang kaba sa puso ko dahil sa kumpiyansa sa tinig niya. Ngunit nanaig ang kagustuhan
kong maging matapang sa harap niya.

"Sure," I said, smiling confidently.

Umuwi ako sa unit ko na kabadong-kabado. Alam kong dapat kong pagkatiwalaan si Duke
ngunit sa paninindigan ng babae ay hindi ko maiwasang magduda.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang mag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si


Duke.

"Hello?" bungad ko sa kanya.

"Hi."

Napakurap ako sa lalim ng boses nito.

"Pupunta ako sa unit ni Bethany para pag-usapan ang kaso mo."


I bit my lower lip as my doubts started to fade outHindi ako nakasagot agad kaya muli itong
nagsalita.

"I... just wanna inform you."

Tumango ako kahit hindi niya naman kita.

"Sige lang... ingat ka."

Narinig kong pinatay niya ang engine ng sasakyan at bumaba ng kotse niya.

"Nand'yan ka na?" tanong ko.

He cleared his throat. "H-hindi. Paakyat ako sa unit mo."

Tuluyan akong napatayo sa sinabi niya. Sinuklay ko ang buhok at mabilis na inayos ang sarili
lalo at narinig kong kinausap niya ang guard.

"Huy! Anong gagawin mo rito?!" natatarantang tanong ko.

I sprayed air freshener all over the place. Binkusan ko rin ang humidifier.

He chuckled before ending the call. Natatangang napatingin lang ako sa cellphone ko hanggang
sa marinig ko na ang buzz. I closed my eyes tightly and went straight to the door, brows
furrowed.

"Why are you here?" mataray kong tanong.


Pinasadahan ko siya ng tingin. He was wearing a plain black shirt and ripped maong pants.
Though he looked dashing, his clothes confused me.

"Akala ko ba ay galing ka sa trabaho?"

Ngumiti siya. "Nagbihis lang ako, Sol. Binisita kasi namin ang site at napagpawisan ako."

I breathed heavily and nodded. "Oh, bakit ka nga nandito?"

He smirked. "Because you like... clingy?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at sinamaan siya ng tingin.

"So? Mag-aadjust ka dahil lang gusto ko? Gano'n ba?"

He shifted his weight and looked intensely at me. "Gusto ko rin ang makita ka, Sol... at gusto
sana kitang isama kay Bethany."

"Bakit?" tanong ko, bahagyang kumunot ang noo.

Tuluyan na akong lumabas ng unit. Nakabihis naman ako kaya kung aalis kami ngayon ay
presentable pa rin akong tingnan. Nakita ko ang pagtungo niya.

"Kailangan ba ng rason?" bulong niya sa sarili na narinig ko naman. Nag-angat siya ng tingin at
pumormal ang itsura. "Para sana sa kaso..."
I rolled my eyes. "Ayokong sumama."

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha niya pero ngumiti rin siya at tumango.

"Ayos lang. Ang mahalaga ay nakita naman kita."

Nang makaalis siya sa harap ko ay napabuntong-hininga ako. I got my car keys and followed
him to Bethany's unit. I shouldn't do this, but I wanted to know if she was telling the truth.

I was not going to deny the anticipation I was feeling. Parang sasabog ang puso ko sa kaba
dahil sa oras na mapatunayang may nangyayari sa dalawa, alam kong masasaktan ako.

Ngunit nananaig sa akin ang pagiging tapat ng lalaki. If he was there for something else, bakit
niya ako gustong makasama, hindi ba?

Nakita kong bumaba si Duke sa kotse niya kaya nang makitang pumasok ito sa building ay
sumunod ako. Sumakay ako sa kabilang elevator at pinindot ang floor kung saan naroon ang
unit ng babae.

My phone vibrated.

Bethany:

He's almost here.

Umirap ako sa nabasa. Inilagay ko itong muli sa bulsa ko. Habang tumataas ay kinakabahan
ako. I trusted Duke, but I couldn't ignore Bethany's remarks.
Hindi agad ako lumabas ng elevator pero sinilip ko ang lalaki at nakitang nasa tapat na ito ng
unit ni Bethany. Nagtago ako sa pader para makita siya nang maayos.

Paglabas ni Bethany ay nakasuot lang ito ng red silky night dress. Nakabalandra ang cleavage
nito at halatang inaakit ang lalaki. Alam kong alam niyang nanonood ako kaya pinigilan ko ang
sariling maapektuhan nang itapon niya ang braso sa leeg ni Duke.

I calmed down when I saw Duke slightly pushing her away.

Lumapit ako nang kaunti para marinig ang usapan nila. Bethany was leaning on the side of the
door while talking to him. Si Duke naman ay nakikinig lang sa kanya.

"I can't forget your kisses, Laurence..." nang-aakit ang boses na saad nito. She touched Duke's
arms, and I saw how Duke removed them.

I bit my lower lip.

"Narito ako para sa kaso ni Solene, Beth."

Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan na hindi niya itinanggi iyon. So... they kissed.

"Of course... but we can do so much more, Laurence," she uttered in a very seductive manner.

Napaiwas ako ng tingin nang tumingkayad ang babae para abutin ang labi ni Duke. May mga
dumaang tao kaya nag-angat uli ako ng tingin. Ang kaso lang, nakita kong pumasok na sa unit
ang dalawa. I didn't see Duke's reaction, but the smile on Bethany's face explained it.

I received her text after a few minutes, and it immediately crashed my heart.
Bethany:

Told yah.

Chapter 40

Sumakay ulit ako sa elevator na nakatulala lang. My heart felt heavy, but I didn't cry. Mabigat
lang itong tumitibok sa loob ko dahil sa dismaya, selos, at galit.

They probably kissed and had sex, right? Alam kong hindi naman dapat ito pagselosan dahil
wala naman kaming relasyon noong may nangyari sa kanila. Ang sabi ni Bethany ay nililigawan
ako ni Duke noong una silang naghalikan at... pakiramdam ko ay naloko ako.

Duke sounded so sincere. No'ng sinabi niyang magkaibigan lang sila at walang malisya ang mga
halik niya kay Bethany ay naniwala ako. But they shared kisses... and those were not platonic.

Nang makarating ako sa kotse ay tulala lang akong naupo sa driver's seat. I closed my eyes and
leaned on my seat.

I wished I could live my life again... in a different way. Kung may restart button lang ang buhay,
ginawa ko na. Sana ay hinayaan ko na lang na bugbugin ako ng tatay ko noon. Sana ay hindi na
lang din ako lumabas noong unang araw na nakilala ko si Duke. Sana ay hindi na lang
engineering ang pinili kong kurso.

I wondered if I would be happy if my choices were right. Paano kung noong sinabi ni Nanay na
tumigil na ako sa pagpunta roon, tumigil na talaga ako? Masakit na hindi siya makita pero mas
masakit isiping wala na talaga siya.

I bit my lower lip harshly and shoved a tear that fell from my eye.
Binuksan ko ang engine ng sasakyan, umuwi sa condo, nag-impake at tumulak patungo sa
Isabela. I notified Jelay and Roswell that I would be gone for three days. Nagtanong ang mga ito
at sinabi kong may kailangan akong asikasuhin.

Gabi na at madilim ang daan pero kaya ko namang magmaneho. Isa pa, malumanay akong
magpatakbo. Ang estimated time ng dating ko roon ay umaga na dahil halos siyam na oras ang
byahe. This would tire me out, but I was determined to do this.

Siguro, pagbalik ko ay saka ko na lang kakausapin si Duke. Hindi ko alam kung aamin siya sa
akin sa relasyon nila ni Bethany pero kailangan kong tanggihan ulit ang lalaki.

"Ang kulit mo kasi, Solene, sabing hindi pwede..." natatawang saad ko sa sarili kahit na mabigat
ang loob ko.

It was six in the morning when I finally arrived. Masakit ang ulo ko sa haba ng biniyahe maging
ang paa ko mula sa pagmamaneho.

Bumaba ako ng kotse na pupungay-pungay pa ang mata nang may tumawag sa akin.

"Sol? Ikaw ba iyan?"

Napaangat ako ng tingin at napangiti nang malaki nang makita si Ate Ivy.

"Ate Ivy! Kumusta?"

Parang nawala ang pagod ko. Matalik na kaibigan siyang ni Nanay noon! Hinigit niya ang kamay
ko at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Grabe! Halos walong taon na!" gulat na gulat na saad niya. "Kumusta ka?! Si Yella?!"

I smiled. "Ayos lang po ako, Ate Ivy. Si Nanay, anim na taon na hong wala."

Lumungkot ang mukha niya ngunit dahan-dahang tumango. "Sabagay at matanda na rin naman
si Yella..." malungkot na pahayag niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Pupunta ako mamaya sa bahay mo! Magpahinga ka muna!"

"Sige po, Ate."

"Alam kong babalik pa kayo rito! Ano pa't ipinaayos mo ang bahay niyo, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko at napabaling sa bahay namin. To my horror, ang gate namin ay bakal na!
Ang kahoy naming pader ay semento na at may pintura pa!

"A-anong nangyari rito, Ate?!" nagulat na tanong ko. This wasn't our house!

"Hindi ba't no'ng nasira ng bagyo ang bahay niyo, ipinagawa mo ulit? Ako minsan ang
pumapasok d'yan at naglilinis... wala namang nagbago sa gamit."

I swallowed hard, still surprised. "H-hindi ako, Ate..."

"Ha? Hindi rin ba ikaw ang nagpapadala sa akin ng pera para linisin ko 'to?"

I shook my head. "Ate... hindi."


Duke's face flashed in my mind. Hindi naman siguro niya ginawa ito... hindi ba?

Mukhang nagtaka rin si Ate Ivy ngunit hinawakan niya lang ang braso ko.

"Mamaya mo na isipin. Magpahinga ka muna."

Nagpaalam siya sa akin habang ako ay napasandal lang sa kotse ko. Isang tao lang ang nasa
isip kong gagawa nito para sa akin. I closed my eyes tightly and walked towards our home.

Ate Ivy was right. Pagpasok ko pa lang sa bahay, alam ko agad na walang nagbago. Ang sofa at
mesa namin ay naroon pa rin sa dati nitong pwesto. Ang mga larawan namin ni Nanay ay
nakalagay pa rin sa maliit naming divider. Bukod sa nagkaroon ng puting pintura ang loob,
walang nabago sa mga naiwan kong gamit.

Nostalgia filled my heart. This house has witnessed my growth as a woman. Lumapit ako sa
larawan namin ni Nanay at napangiti nang mapait. My wounds healed, but the scars that
remained did not fade completely.

Dumiretso ako sa kwarto ko at napabuntong-hininga nang matanaw ang bintana kung saan ko
pinanood sina Duke at Kuya Sean na maglaro noon. I sat down in my bed and fell asleep almost
instantly due to exhaustion.

It was almost four in the afternoon when I woke up. Nag-ayos lang ako saglit, naligo at
nagdesisyon na bumili na lang ng makakain.

Handa na akong lumabas ng bahay nang makitang papasok si Ate Ivy ng gate. I opened the
door and welcomed her.

"Pinagdala na kita ng ulam at alam kong pagod ka."


I smiled at her before carrying the plastic bags. "Salamat, Ate."

Inilapag ko sa mesa ang mga dala niya at kumuha ng dalawang pinggan at baso. Wala naman
siyang ibang kasama kaya dalawa lang kami sa loob ng bahay. I knew she had a lot of questions.

Hindi nga ako nagkamali nang pagkaupo namin ay nagtanong agad siya sa akin.

"Tungkol sa Tatay mo, 'no?"

I glanced at her and slowly nodded. "Hindi ko alam ang eksaktong detalye dahil walang ibang
sinabi si Nanay."

"Stressed na stressed d'yan si Yella noon! Kung ano-anong death threats ang ibinibigay ng ama
mo sa inyong mag-ina!"

"T-totoo ba, Ate?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Walang binanggit si Nanay."

Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tumitig sa akin. "Ayaw kasi niyang mag-alala ka pa. Pero...
alam kong mali pa rin si Yella ro'n..."

Nanghihina akong tumango. "Y-yeah..." I said, still dumbfounded by the newfound knowledge.
Hindi ko noon nabasahan ng takot o ano si Nanay. She really hid it from me.

"Nalaman mo na ba kung sino ang nagpagawa nito... Solene?"

I shook my head. My eyes were still on the food.


"Tinawagan ko ang contact person ko ukol rito at si Duke ang sumagot." She sighed. "Kilala mo
pa naman ang lalaki, hindi ba? Magkakabata kayo..."

I gulped and focused my eyes on her. "Opo, Ate. Inasahan ko na rin po... na ano... si Duke ang
nagpaayos."

She squinted her eyes. "Hindi naman ako manghihimasok sa buhay niyo, Sol, at parehas na
kayong may isip pero... gusto ko lang malaman... may relasyon ba kayo?"

"Wala po, Ate. Nanliligaw po sa akin si Duke pero..." I sighed. "Siguro pagbalik ko sa Manila ay
patitigilin ko na siya..."

Loneliness hit me like a ton of bricks. Parang miski ang puso ko ay taliwas sa sinabi ng aking
bibig ngunit pakiramdam ko ay hindi ko kayang magtiwala sa lalaki lalo at nakita ko ang
paghahalikan nila ng sinabi niyang kaibigan lang.

Ate Ivy cleared her throat. "Mabait na bata, 'yon, hija. Tatlong taon noong makaalis kayo nang
bagyuhin ang bahay niyo kaya... ipinaayos niya."

I bit my lower lip harshly as I listened to her.

"Bago pa lang siya sa trabaho at kapapasa lang sa board exam pero imbes na sa sarili gamitin
ang pera, mas inuna niya 'to... akala ko noon ay ikaw ang nagpapadala ng pera at ipinapakisuyo
mo lang sa kanya..." she smiled sadly. "Sa loob ng maraming taon, binibigyan niya ako ng
sweldo... para i-maintain ang linis ng bahay niyo."

I dropped my eyes to the plate, unable to process any words.


"Pero kung hindi mo mahal ang lalaki... tama lang siguro na, huwag mo na siyang sagutin... dahil
hindi sa mga materyal na bagay nasusukat ang pagmamahal..." she uttered in a slow manner.

Napabuntong-hininga ako. "H-hindi ko na alam, Ate." Pakiramdam ko ay hindi talaga kami para
sa isa't isa.

Tumango siya sa akin at tahimik na kaming nagpatuloy sa pagkain. Kada lumilipas ang sandali
ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Ayokong bumalik muna sa Maynila dahil hindi
ko pa kayang harapin ang lalaki.

Umalis din si Ate Ivy at nangakong babalik kinabukasan. Isinarado ko ang pinto at napatigil ako
sa paglalakad patungo sa kwarto ko nang makita ang pares ng sapatos.

I kneeled and reached for it.

He gave me this pair of shoes. As I remembered the days when I could walk easily because of
these shoes, I found myself tearing up a little. Tuluyan akong umupo at tumingin sa paligid.

This was still our home... our space... but it improved. Gawa niya rin ito. Bigay niya rin ito.

And the thought of rejecting him again hurt me. Hindi lang dahil sa dami ng naibigay niya sa akin,
even without my knowledge, kundi dahil hindi rin namatay ang pag-ibig ko sa kanya. He was my
childhood and teenage love... na hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin.

Still, I knew I couldn't love him fully if he had other women in his life. I love him, but I don't think I
deserve half-hearted love.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Nakita kong si Jelay ito kaya sinagot
ko rin agad.
"Gaga, nasaan ka?!"

Umupo ako sa sofa at bahagyang sumandal doon. "Bakit? May problema ba sa shop?"

"Wala!" she uttered. "Ang manliligaw mo ang may problema! Maghapon dito sa shop at ayaw
maniwalang umalis ka!"

Napapikit ako at hindi agad nakasagot. Bakit ba hindi ko naisip na sabihin kay Duke na aalis
muna ako?

I sighed. "Hayaan mo na... I'll be back in a few days."

She grunted. "I can't stand him! His presence is too domineering! Hindi pa nakatulong na buntis
ako at baka siya ang gusto kong gawing tatay nito at hindi si Atreus!"

I bit my lower lip to suppress a smile.

"Bakit ba kasi ang gugwapo ng mga manliligaw mo?!"

In normal days, I would say "nagtaka ka pa, eh, ang ganda ko" but my negative emotions were
taking over me.

"Just... let me be alone for a while, okay?" I sighed.

Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga niya. "Love you, girl. Ingat ka d'yan."
I smiled and told her the same things before ending the call. Pumikit akong muli habang
inaaalala ang mga nangyari sa bahay na 'to.

Life was simple back then. Sana pala ay hindi na lang ako nagrereklamo kapag maraming
labahin si Nanay kasi at least doon, mahaba ang oras ng kwentuhan namin. Abutan lang ng
ulam minsan sa mga kapit-bahay, tambay sa rooftop nina Duke, pasok sa school... minsan,
nakikipag-away pa kay Roswell.

I had no idea those were the days I should have treasured.

Ang sarap maging bata ulit.

I fell asleep on the couch, so I woke up feeling a bit uncomfortable. Pumunta ako sa South para
bumili ng pwedeng lutuin at nang makauwi ay mag-isa akong kumain.

It felt light and normal. Just like the old days.

Pumunta ulit si Ate Ivy nang dumating ang hapon pero hindi gaya kahapon, medyo mababaw na
ang usapan namin.

"Sikat ka pala!"

I laughed at her statement. "Hindi, ah! Mabenta lang talaga ang pastries ko pero hindi ako sikat."

"Nasa google ka na kapag isinearch. Panigurado'y bilib sa 'yo si Yella ngayon."

"Aba, pangarap ito ni Nanay sa akin, Ate. Bukas ay pwede kitang ipaggawa ng brownies dahil
may oven naman dito."
Humilig ako sa couch habang pinapanood siyang uminom ng kape.

"Mabuti pa nga! Sasamahan kitang mamili ng ingredients."

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Kinuha ko ang tasa sa center table at humigop din doon.

Nang mag-angat ako ng tingin, mukha siyang may gustong itanong sa akin... at sa itsura niya,
alam kong seryoso ito... hindi gaya ng mga napag-usapan namin ngayon.

"Sol, kasi... tumawag ako kay Duke kahapon, hindi ba?" nag-aalalang saad niya.

"Bakit, Ate? May problema ba?"

She bit her lower lip. "Iitinanong kasi niya kung paano ko nalaman at sinabi kong... narito ka sa
Isabela."

Napatigil ako sa ginagawa. Inilapag ko ang tasa sa mesa at kagat-labing sumandal ulit sa upuan.

"Hindi naman siguro pupunta iyon dito. Busy..." I said, trying to convince her but it sounded more
like I was convincing myself.

She chuckled nervously. "Oo nga naman!"

Nang matapos ang iniinom ay lumabas kami ni Ate Ivy para magdilig sa mga halaman sa tapat
ng bahay namin. Wala pa iyon noon pero marahil ay ipinalagay iyon ni Duke.
"Sol, kailan pala ang death anniversary ni Yella?"

I pursed my lips before answering. "Sa susunod na linggo pa, sa a-sinco."

Tumango ito bago itapat sa isang malaking paso ang hose. Pinanood ko kung paanong ininom
ng lupa ang tubig.

"Anong naging sakit niya?"

Para akong napipilan sa tanong niya. No one asked me about that! Napako ako sa kinatatayuan
ko at ang mga mata ay nanatiling nakadirekta sa paso.

Napansin niya ata ang pananahimik ko dahil bumaling siya sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

I swallowed hard before nodding. Siguro naman ay... ayos lang dahil... magkaibigan sila.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang mapait. May kung anong bigat sa dibdib ko na gustong
kumawala. Si Ate Ivy lang ang matalik na kaibigan talaga ni Nanay at dapat lang na alam niya
ang nangyari.

"A-ate... kasi..." I trailed off.

She turned off the hose and held my left shoulder.

"Sol, ayos lang. Huwag mong pilitin ang sarili mo."


Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiling.

"A-ate..." Tuluyang tumulo ang luha sa mata ko. "N-nagbigti... sa kulungan si N-nanay."

Hindi ko nakuha ang reaksyon niya dahil tuluyan ko nang tinakpan ang mukha gamit ang
dalawang kamay. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at paghaplos
sa likod ko.

"P-pasensiya... Sol... pasensiya..." paulit-ulit niyang tanong.

Hindi ko alam kung may dumadaan at nakikita kami dahil hindi naman ako nakatunghay.
Ramdam ko ang luha sa kamay ko dahil kahit ilang taon na ang lumipas... masakit pa rin... na
pinili niyang iwan ako para magkaroon ako ng sariling buhay na wala siya.

Gusto niyang makalimot ako pero sa ginawa niya, lalo ko siyang naaalala.

"Duke..."

I froze when I heard Ate Ivy calling him. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya kinuha
ko ang pagkakataon na 'yon para punasan ang basang mukha.

Nakatalikod ako sa kanya pero alam kong alam niyang umiiyak ako.

"Ate Ivy... pwede ko bang makausap po sandali si Sol?"

I gulped harder when I heard his voice. It sounded soft and sweet... parang hindi siya nanggaling
sa ibang babae. I gathered all my courage and faced him. Kahit may luha sa mata ay nagawa ko
siyang tingnan.
"A-ah... s-sige! M-mabuti pa ay... pumasok kayo sa bahay! B-balik na lang ako bukas, uhh, Sol..."

Marahan akong tumango kay Ate Ivy habang siya ay natatarantang umalis sa harap naming
dalawa ni Duke. Nang mawala sa paningin ko ang babae ay muli kong tiningnan ang lalaki sa
harap ko.

I sported a straight face. "Sa loob na lang tayo mag-usap."

Sumunod siya sa akin. Mabibigat ang hakbang na parang pagmamay-ari niya ang lugar. Umupo
ako sa couch at nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nasalubong ko ang galit niyang mata.

"Upo ka," I said, trying to sound unbothered.

Tumalima ito. Sinakop ng katawan niya ang single-seat na couch at muling tumingin sa akin.
His stares were intense so I cleared my throat.

"Bakit ka nandito, Duke?"

"Ikaw? Bakit ka nandito, Solene? Akala ko ba ay sa susunod ba linggo ka pa uuwi?" he asked


darkly.

I gulped. "Napaaga lang... wala namang mali roon... at hindi ko naman kailangang magpaalam
sa 'yo, hindi ba?"

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. Pinigilan ko
ang sariling iiwas ang tingin nang makitang lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko.
He sighed and avoided my gaze. "N-nag-alala lang ako, Sol..."

"Ngayong nakita mong ayos na ako, pwede mo na ba akong iwan?"

Doon siya muling nag-angat ng tingin. Muling bumalik ang tapang sa mukha niya kaya
kinabahan ako.

Itinaas ko ang kilay at umayos ng upo. I'd got the upper hand. I may love him more than he loves
me, but... I wouldn't give him the chance to know that.

"Isa pa, Duke..." I trailed off. Pinakiramdaman ko ang pagkabasag at pagguho ng kung ano sa
puso ko. It was happening again, and this time, I hoped I could take it.

I looked at him. Sinaulo kong mabuti ang mukha niya hanggang sa bumalik ang mata ko sa
kulay tsokolateng mata niya.

"Let's stop..." I said clearly. "Babayaran ko sa 'yo ang pagpapaayos mo ng bahay namin... pero...
tumigil na tayo. Tumigil ka na."

His breathing hitched. Ang sakit sa akin habang pinapanood ang mukha niya na daanan ng iba't
ibang emosyon... na naduduwag akong pangalanan.

He gulped, trying to control himself, before giving me a sad smile.

"I... will respect your decision, Solene... and there was no need for you to pay me. I did it on my
own will..."

Nag-iwas ako ng tingin sa sakit na naramdaman. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan
ang sarili sa paghikbi.
Tango lang ang tanging naibigay ko sa kanya dahil hindi ko na kayang magsalita.

"Sol," he called me.

Nahihirapan akong tumingin sa kanya.

He pursed his lips before releasing a heavy sigh. "P-pwede ko bang malaman kung bakit?"

I swallowed the lump in my throat. "Alam mo ang rason, Duke. Don't deny it on my face. Nahuli
na kita." I uttered nervously. "Pwede ka nang tumigil sa pagpapanggap na mahal mo ako..."

His eyes turned darker. "Anong sinasabi mo, Sol? I told you not to question my love for you!" he
uttered with evident anger.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?! You can't go around saying you love me if you're fucking
other girls, Duke!" galit na sigaw ko.

Mabilis ang paghinga ko at gano'n din siya. He looked utterly offended, but I saw what I saw!

"Pahinga ko dapat ang araw na ito ngunit dahil nandito ka, mabuti pang klaruhin na natin ang
relasyon natin!"

"Is this about... Bethany?" he asked dangerously. "Iniisip mo bang may relasyon kami, Solene?"

"Oo!" sigaw ko. "Hindi ko iniisip lang dahil nakita ko!"


"You don't trust me," nanghihinang saad niya. Ang kaninang inis na tinig ay napalitan ng
panglalambot. "I never once kissed her, and you're saying we're having sex? Siya ang humahalik
sa akin at lagi ko siyang itinutulak palayo dahil magkaibigan kami."

"Liar," I said. "Nakita kong hinalikan ka niya sa tapat ng unit niya at pumasok kayo sa loob! Who
knew what happened next?!"

Yumuko siya at umiling. "Maraming dumadaan at hindi magandang tingnan na ginagawa namin
iyon... hindi mo siguro nakitang lumabas din ako agad ng unit niya..."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Mabigat ang bawat paghinga ko at ang nanlilisik na mata ay
kumalma.

"You always doubt my love, Solene. Lagi ka pang... tumatakbo palayo sa akin..." he chuckled
before looking at me.

"Ang sakit mo namang mahalin."

Chapter 41

"But, I won't stop... Solene. My feelings for you were too intense to control."

Nawala ang kabang bumalot sa puso ko nang marinig ang kasunod niyang sinabi.

"S-sabi ni Bethany..." tanging nasaad ko bago yumuko. Nawala ang tapang sa akin at hindi ko
man aminin, lumuwag ang pakiramdam ko.

"I could assure you that nothing's going on between us... and I'm sorry you had to witness that.
Wala akong gusto o plano sa kanya. We're friends but if she wants to ruin us... I won't sit still."
Tumango lang ako at hindi na ulit tumingin sa kanya. Nanlalambot ako sa mga sinabi niya.

"Sol..."

"Hmm?" hindi humaharap na saad ko.

"Do you want me to stop?" He said it in such a gentle and sweet manner. It was as if he was
trying to make me swoon.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at mahinang umiling. I gulped, trying to bring my


heartbeat down to a bearable pace. Nakita ko ang pagtango niya nang marahan. Siguro nga'y
mahal na mahal ko ang lalaki dahil nawala agad ang agam-agam sa puso ko.

"Now..." He sighed. "Why are you crying?"

"I just... remembered Nanay, Duke..."

Matapos sabihin iyon, tumayo na ako para makaiwas sa susunod niya pang mga tanong. I
wanted to strangle Bethany for making me believe that they were together! Ang kaso, bakit
naman ako naniwala? I even stopped him!

"Have you eaten?"

Tumango ako, medyo nakalayo na ako sa kanya pero alam kong kita niya iyon.

"Ikaw?" I nervously asked. "I can... cook."


"Really?" he asked, amused. Tumayo rin siya at dinaga ang puso ko nang lumapit ulit siya sa
akin. Itinukod niya ang kamay sa sandalan ng upuan sa mesa at tumitig sa akin.

I raised my brow. "O-of course!"

"Okay... ipagluto mo ako, Solene."

Binasa ko ang pang-ibabang labi at nilabanan ang tingin niya. "Sa couch ka muna."

Akmang may sasabihin na ito nang pumasok sa bahay si Ate Ivy at dumiretso sa kusina.

"Nagdala ako ng pagkain ni Duke! 'Wag ka nang mag-abala, Sol."

Kita ko ang pagpikit ng lalaki at pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Palihim akong


napangiti bago balingan si Ate Ivy.

"Salamat, Ate... uhh... tuloy tayo bukas sa South, ha? Gumagana pa naman ang oven dito."

She clasped her hands and smiled widely. "Oo! Gusto kong matikman ang ipinagmamalaki ng
The Slice!"

Tumingin siya kay Duke na ngayon ay mukhang masama pa rin ang timpla pero dahil sa
pagbaling ng matanda ay nagbigay ito ng maliit na ngiti.

"Thank you... Ate Ivy, sa pagkain."

Lumapit si Ate sa kanya at ipinaghila pa ng upuan. "Malayo ang pinanggalingan mo. Mabuti pa
ay kumain ka na."

Humilig lang ako sa hamba ng pintuan ng kusina at pinanood kung paano maglagay ng pinggan
at pagkain si Ate Ivy sa harap ni Duke.

"Bakit ka ba pumunta pa rito?" tanong ni Ate habang kumakain si Duke. Umupo siya sa harap
nito at kita ko ang ilang sa mukha ng lalaki.

Sumulyap sa akin si Duke kaya napaayos ako ng tayo.

"Nag-aalala lang po kay Solene..."

Halos magkasabayan ang singhap namin ni Ate Ivy. She glanced at me as I bit my lower lip to
suppress a smile.

I cleared my throat. "Ayos lang naman ako rito... Duke. Hindi mo kailangang bumyahe nang
gano'n katagal dahil alam kong busy ka."

Ibinaba ni Duke ang kubyertos. "Hindi mo ako sinabihan na uuwi ka rito, Sol. Sinabi ko naman sa
'yo na sasamahan kita... gabi ka pa talaga bumyahe..."

"Oo! Umaga pa nakarating iyan kaya alam kong pagod talaga!" sulsol ni Ate Ivy.

Nakatingin silang dalawa sa akin na parang malaki ang kasalanan ko.

"Tapos pagdating ko pa... naabutan kitang umiiyak..." He sighed as concern passed through his
eyes.
"Uhh..." I uttered. "T-tungkol lang kay Nanay..."

Tumango siya bago muling ibagsak ang tingin sa pagkain. Naaawang tumingin sa akin si Ate Ivy
kaya ngumiti lang ako nang maliit sa kanya. I wanted to convince her that everything was fine
now.

Nang matapos si Duke ay hinugasan pa nito ang pinagkainan. Hinayaan ko lang siya dahil hindi
naman siya nagpapigil. Ate Ivy bid us goodbye kaya kaming dalawa na lang ulit ang nasa loob
ng bahay.

We were both sitting on the sofa, both silent. Parang pinakikiramdaman namin ang isa't isa.

I cleared my throat because the silence was deafening.

"Umuwi ka muna... bukas na lang ulit tayo magkita," I just said, but when I saw his eyes, I
panicked. "I mean, kung... gusto mo lang naman!"

Pinanood niya ako gamit ang seryosong mga mata kaya lalo akong kinabahan.

"Huwag na lang pala! May pupuntahan din naman kami ni... ano... ni Ate Ivy!" natataranta ko pa
ring saad.

Namula ako nang husto nang makita ang pagdaan ng paghanga sa mga mata niya. Parang
natatawa siya sa nagiging reaksyon ko.

"Gusto ko, Sol. Sasama ako sa inyo ni Ate Ivy bukas."

Dahan-dahan ang pagtango ko bago kalmahin ang sarili. Humilig ako sa upuan at nakita kong
may kinukuha siya sa bulsa niya. My gaze was drawn to the red velvet case. I saw a gold
bracelet with a rose quartz pendant when he opened it.

I swallowed hard when I dragged my eyes to him. His face was still so serious. My breathing
hitched when he stood up and went beside me.

"This is my gift, Sol."

Natulala lang ako. Inabot niya ang palapulsuhan ko at ikinabit doon ang bracelet. It was a
natural match for my wrist, and the color complemented my skin tone.

"Salamat, Duke..."

Tumitig siya sa palapulsuhan ko kahit na nakatitig lang ako sa kanya. His eyes were beaming
with intense passion, and I couldn't take my gaze off him. He looked at it as if my wrist were his
most prized possession.

"Happy birthday..." he uttered softly before dragging his eyes to me.

Kinabukasan ay iyon agad ang tiningnan ko pagkagising. The sun shone brilliantly through the
curtains in the distance, but my eyes was drawn to the rose quartz pendant, as if awestruck by
its beauty.

Magkano kaya ito?

I chuckled and did my morning routine. I was excited to see Duke again. Hindi ako masyadong
pinatulog ng ibinigay niyang regalo.

Nagbihis ako dahil pupunta kami sa South. Nang mag ala-nuebe ay namataan ko nang
pumapasok sa loob ng bahay namin si Ate Ivy.
"Tara na?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

I pursed my lips. "Sasama raw po si Duke, Ate."

She gave me a teasing look before grinning. "Akala ko ba ay babastedin mo na?" nang-aasar na
tanong niya.

My cheeks flushed. "Hindi po pala, Ate... mali ako ng akala sa kanya."

"Hmm, sa babae ba?" tanong niya ulit.

Nahihiya akong tumango bago yumuko. Lagi na lang sa mga babae ni Duke ako naiinsecure
kahit na hindi naman ako gano'n!

"Gwapong bata si Duke, hija..." she said. "Maraming babae talaga ang maghahabol at
maghahabol d'yan lalo at may napatunayan na sa buhay... pero sa nakita kong pagpupursigi niya
sa 'yo, alam kong seryoso siya at mahal ka talaga."

I sighed as I let her words drown me. I love him, too... and I'd been waiting for our moment to
come. I didn't have the courage to tell him my feelings, but I hope the radiance of the sun had.

"At isa pa... gusto siya ni Yella para sa 'yo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

She smiled at me. "Lagi ikinukwento ng Nanay mo ang pagkakagusto mo noon kay Duke at kung
may aaprubahan daw siyang lalaki sa buhay mo, paniguradong ang manliligaw mo iyon..."
Uminit ang puso ko sa narinig. I didn't know why that seemed to be the trigger for me to confess
my love for him.

"Sasagutin ko po si Duke, Ate... pero hindi lang dahil sa gusto siya ni Nanay para sa akin kung
hindi dahil... mahal ko po siya. Hindi ko lang po alam kung paano sasabihin sa kanya pero...
totoong mahal ko po si Duke at alam ni Nanay iyon."

She let out a sigh of relief and smiled. Her eyes were directed at my back, and I felt myself
freeze when I found out that Duke was just right behind me!

Ate Ivy cleared her throat and looked at me nervously. "Iwan ko muna kayo, Sol, Duke..."

I wanted to slap Ate Ivy so bad! Umalis ito sa harap ko at narinig kong sinarado pa ang pinto na
akala mo ay may manggugulo sa amin ni Duke. Parang may kabayong nagkakarera sa puso ko
nang mapagtantong kami lang ang nasa bahay at narinig niya ang sinabi ko!

Namumula akong humarap sa kanya. Sinalubong ko ang seryoso at parang galit niyang tingin.
Gustuhin ko mang gayahin ang ekspresyon niya ay hindi ko magawa dahil sa kaba!

"K-kanina ka pa ba d'yan?" nangangatal na tanong ko.

He took a step forward, only to feel my insides screaming! Napako ako sa pwesto ko kaya halos
isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Niyakap agad bango niya ang ilong ko.

"Ang dami kong gustong sabihin, Sol," hirap na hirap niyang saad, seryoso pa rin ang mukha at
magkasalubong ang dalawang kilay. "Pero... mahal mo ako?"

Nalaglag ang puso ko sa tanong niya. Bakit gulat na gulat ka, Duke? Am I incapable of loving you?
I wasn't able to answer. I couldn't process any words to say.

Lalong nagdilim ang paningin niya at parang naputol ang pasensiya. "Mahal mo nga ako?"

I gulped as I slowly nodded. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan na lang ang mga daliri
ko. Maybe I should get my nails... polished? Or should I buy a ring?

I tried to come up with as many reasons as I could to avoid facing Duke. Pulang-pula panigurado
ang mukha ko sa hiya. I almost rejected him yesterday, and now, he heard me say I love him!
What a clown, Solene!

Lalo pa siyang lumapit sa akin at halos magdugo na ang pang-ibaba kong labi sa tindi ng
pagkakakagat ko rito. Mula sa pagkakahawak ko sa mga kamay ko, nakita ko kung paano niya
marahang abutin ito para makuha ang atensyon ko.

When I looked up at him, I could see love in his eyes. I had no intention of swimming my way up
because his brown eyes were drowning me. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog nang mas
malalim pa sa kanya.

"Mahal mo 'ko?" he whispered lowly.

I pursed my lips and released a deep sigh. There was no point in denying it now. Isa pa, isn't this
what I wanted? I trust and love him. What's more to lose? Wala na akong agam-agam kay
Bethany at handa akong harapin siya pagbalik namin ng Maynila. I gulped and nodded.

"Oo, Duke."

"Hmm?" he asked, not satisfied with what I'd said.


"Mahal kita." Nag-init ang pisngi ko.

He shifted his weight and leaned a little closer to me. He was still holding my hands as if his life
depended on it.

"Mahal na mahal din kita, Sol."

He stared at me with love and longing in his eyes. Para akong nakaharap ngayon sa inosenteng
Duke na minahal at patuloy kong minamahal.

I didn't know what happened to me but an urge to kiss him suddenly pushed me to my limits.
Tumingkayad ako at inabot ang labi niya. And he was insanely attentive! To keep me in place, he
encircled the small of my waist.

My world came to a halt when my lips met his. We weren't moving at all. We were just feeling
the familiar warmth of each other. My eyes were closed, and the only thing that mattered to me
was his gentle lips. They were cold, tender, and had a minty fragrance. His hands on my waist
were doing everything they could to keep me under control.

Nang maglayo ang labi namin, ipinatong niya ang noo sa akin... gaya noong nasa tapat kami ng
dagat habang lumulubog ang araw. Ngayon naman, ang mataas na araw na lumalampas sa
bintana ng bahay namin ang naging saksi. It was always the sun... the warmth.

"Thank you, Sol..." he uttered before closing his eyes. "Ang saya saya ko..."

My arms were in his nape to support my weight. Ipinikit ko rin ang mga mata at hinayaan ang
sarili na mahalin siya.
"No." My voice was slurred. "Thank you," I added with so much sincerity. "Thank you for not
giving up on me. Thank you for helping me even without me, asking for it."

Bahagya siyang lumayo sa akin kaya nagmulat ako ng tingin. Nasalubong ko agad ang mata
niyang nakatitig din sa akin. In his arms, I felt something I wasn't able to grasp for the past
years... the comfort of home... the security and love.

"Thank you for not giving up on your dreams, Sol... sobrang saya kong panoorin ka habang
inaabot mo 'to..."

I shook my head. "It took me years, Duke. Hindi kagaya mo."

He brushed my cheeks with his thumb. "It doesn't matter how long your journey was. Ang
mahalaga, narating mo... at ngayon, kasama mo na ako ulit."

"You're successful. You handled a lot of projects and you're making your way to the top. Hindi
gaya mo, malayo pa ang lalakarin ko. You can get anything you want, Duke," I said with
conviction.

"We have a long journey ahead of us and we will walk it hand in hand together. Don't belittle
yourself, Sol. You can shine alone and it's terrifying that you need no one in life. You're my sun.
You will always be unreachable to me."

Tumulo ang luha sa mata ko sa sinabi niya. How could I possibly be unreachable to someone
this high?

He held my hand and in the warmth of his palms, I knew I was home.

Epilogue
"Duke! Tingnan mo iyong bata, nanonood na naman!" ani Kuya Sean bago ituro ang bintana ng
katapat naming bahay gamit ang kanyang nguso.

I saw a girl my age and her eyes were puffy. Her hair was brownish and her skin was fair. One
look and you would know that she was beautiful... but dirty. Magulo ang buhok at may dumi pa
sa mukha.

Halos isang taon na rin simula no'ng lumipat sila rito pero hanggang ngayon ay hindi lumalabas
ang batang babae. Parang laging nakakulong lang sa bahay.

"Kaya siguro maputi..."

"Huh?"

Tumawa ako kay Kuya Sean at umiling. "Hayaan mo na 'yon, Kuya! Mukhang madungis!"

Our days were like that. Madalas ay nahuhuli ko ang batang babae na nakatingin lang sa amin ni
Kuya at nanonood mula sa bintana. Hindi ko na lang siya pinapansin kahit pansin ko sa kulay
tsokolate niyang mata na gusto niyang makisali sa amin. Hindi naman kasi siya lumalabas ng
bahay! Paano ko siya makikilala?

Until that one sunny day.

Kalalabas ko lang ng bahay. Wala si Kuya Sean kaya medyo masama ang loob ko dahil wala
akong makalalaro. Still, I went outside our house to play under the sun. I was having my alone
time when my eyes drifted to the girl who was making her way out of the wooden fence. Dahil
magkatapat lang ang bahay namin, ako agad ang nakita niya pagkalabas.

She was wearing a big, old shirt that fell below her knees. Nakasuklay nang maayos ang buhok
at hindi alintana ang pagtama ng araw sa balat niya. She had a little smile on her face, as if the
sun was pleasant and soothing.

I was taken aback because she didn't appear intimidated by my snobbish facial expression.
Lumapit pa ito sa akin at nagpakilala.

"Hi, ako si Sol."

Her smile warmed my heart. It shone brighter than the radiance of the sun.

That simple conversation started our friendship. Hindi siya laging pwedeng lumabas dahil
nalaman kong sinasaktan siya ng tatay niya kaya minsan, pati ang pagligo ay masakit para sa
mga sugat niya. May mga kapitbahay pa kaming inaasar siya dahil madalas siyang marumi kaya
tuloy, madalas din ang pakikipag-away ko.

"Palibhasa, hindi niyo alam ang nangyayari! Oo, marumi si Sol pero hindi naman siya pangit
kagaya niyo!"

"Ang sabihin mo, crush mo lang 'yon!"

"Oo nga, Duke! Sayang ka at ang pangit ng taste mo!"

Nag-init ang ulo ko sa mga paratang nila. Hindi ko siya crush! Ayoko lang na inaaway siya dahil
nakakaawa ang lagay niya! Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang na laitin ako kaysa si
Sol ang pag-usapan nila.

Alam din nina Mommy ang nangyayari sa pamilya sa tapat ng bahay namin kaya nang
maghiwalay ang mag-asawa, agad kong pinuntahan si Sol para samahan siya. Ang kaso, imbis
na malungkot, nakita ko ang ngiti sa labi niya.
"Wala nang mananakit sa amin ni Nanay, Duke."

After that incident, she seemed to appear like a normal kid. Madalas makipag-away sa mga
kapitbahay naming bata rin at napapailing na lang ako sa mga gulong pinapasok niya.

"Oh, ano ngayon kung labandera si Nanay? Hindi pa rin niya kayang pabanguhin ang hininga mo,
Elena!" pakikipagtalo niya sa babaeng ka-edad din namin.

Nasa likod niya lang ako... sakaling may mangyaring kung ano sa kanya. Hindi nga ako
nagkamali nang sumugod ang kaaway niya at imbes na braso niya ang makalmot, ang likod ko
ang sumalo sa pasakit ng kaaway niya. Napa-igik na lang ako pero hindi ako nag-reklamo.
Alangan namang hayaan kong mapaaway si Sol? Baka hindi ako makatulog kapag nagka-sugat
pa 'to!

Hindi pa rin siya tumitigil kahit na nakayakap na ako sa kanya.

"Guilty ka kasi totoo! Ang mura mura lang ng toothpaste!"

I tried to tell her not to get herself in trouble but she would always say that she couldn't let those
girls bully her just because they were poor. At dahil hindi ko siya mapigilan, sinasamahan ko na
lang siya para protektahan. Ilang ulit niya nang sinabi na kaya niya ang sarili niya ngunit hindi ko
kayang ma-upo lang dahil alam kong kahit saan siya dalhin ay kung sino-sino ang nakakaaway
niya.

"Duke, tingnan mo ang isinulat ni Solene sa crush niya sa slambook!" sigaw ni Denise, kaklase
namin.

"Ang epal mo!" sigaw ni Sol habang inaagaw ang slambook sa babae.

Kinabahan agad ako nang marinig iyon. Ano't natututo nang magkacrush si Sol? Hindi pa pwede!
She was too young for that! We were too young for that! Bawal pa!

Nakakunot ang noo kong lumapit sa pwesto nila. Dahil may katangkaran, mabilis kong naagaw
ang pinagsulatan ni Solene.

I swallowed hard when I saw her beautiful handwriting. Maliit, malinis at pantay-pantay. My eyes
dropped on the 'who's your crush' part and my heart started thumping when I saw my name
written on it.

Binalingan ko si Sol at nakitang pulang-pula na ito sa hiya. Hindi ko alam kung totoong crush
niya ako pero masaya ako na pangalan ko ang isinulat niya.

I didn't know what to call it back then. We were just kids. Basta ang alam ko, masaya ako kapag
kasama ko siya... masaya ako kapag nasa akin ang atensyon niya. The way she looked at me
somehow made me feel like I could be a better person... na sa mundong 'to, mayroong
nagtitiwala sa akin.

"Crush mo 'ko?" pang-aasar ko kahit na mabilis ang tibok ng puso ko.

She glared at me, and all I could think about was how God took his time to create her. She was
the brightest work of art.

"Ang kapal mo! Wala lang akong ibang kilalang pwedeng isulat!" tanggi niya.

We literally grew up together. Natural na ang yakapan sa amin; maging ang paghahawak ng
kamay ay normal. It made me question myself. Hindi kasi ako ganito sa ibang babae.

"Favorite mo ang cheesecake?" tanong niya sa akin isang hapon habang nakatambay kami sa
bench at hinihintay si Mommy para sunduin kami.
"Oo! Kung mag-aasawa ako, gusto ko sana ay iyong marunong gumawa no'n! Pero pwede rin
namang hindi dahil bibili na lang kami..." natatawang saad ko. It's odd how soothing I feel
around her. Kaunti lang ang lumalapit sa akin dahil hindi naman ako mukhang friendly.

Kay Sol naman, kaunti lang ang lumalapit dahil lagi siyang nakikipag-away.

Ever since that day, I saw her investing her time in learning how to bake. We were only 12 but
she said she'd be a pastry chef or baker someday. That was the only part of her personality that
was frail. Magaan ang kamay niya sa paggawa ng pastries pero mabigat ang kamay sa
pisikalan.

I couldn't believe she was my prom date because she was the most beautiful woman I'd ever
seen. Narinig ko na sa mga kaklase kong lalaki na aayain nila si Sol bilang date nila at hindi ko
nagustuhan iyon. She was stunning, and she wasn't even aware of it!

"Bakit? May iba ka bang inaasahan na magiging date mo?" nakasimangot kong tanong sa kanya.

She pouted cutely. "Hindi naman. Ikaw ba? Ayaw mo bang sumubok sa iba? Maraming
nagkakagusto sa 'yo."

I shook my head. "Tayo na lang."

She blushed a little and gave me a thumbs-up.

She was dressed elegantly in a red evening gown and I was glad that my batchmates were too
afraid to ask her for a dance! Hindi ko na rin sila binigyan ng pagkakataon dahil ako lang ang
isinayaw niya noong gabing iyon.
She was my first and last dance... the only woman I laid my eyes upon. All around us, including
the scenic views and people, disappeared. We allow the groove to guide our movements. It was
just her, me, and the mellow music.

"Thank you for dancing with me," I whispered. My hand brushed against her face. Ang ganda
ganda niya.

She wrapped her arms around my neck as I drew her closer to my chest.

Kahit pa noong nanalo ako bilang prom king, siya pa rin ang isinayaw ko. Some of the boys were
talking about her, but they didn't get a chance to see her up close.

When we finished senior highschool, nagulat ako nang sabihin niyang Civil Engineering ang
kukunin niyang kurso.

"Bakit?" tanong ko. "You should study more about baking. Hindi ba't iyon ang gusto mo?"

She shook her head. "Hindi pwede. Saka na 'yon. Wala kasing pera sa ganoon, Duke. Paano ko
tutulungan si Nanay?"

I had a lot more to say but in the end, I supported her. She was street-smart but she didn't excel
much in academics. Nahirapan siya sa subjects namin kaya ilang beses ko rin siyang tinutukan.

Trust me when I say that Sol was the kindest woman I've ever met. Kahit pagod na pagod galing
sa school, lagi ko siyang nakikitang tumutulong kay Tita Yella na maglaba at magsampay. Lagi
rin itong nakangiti kasama ang ina kaya alam mong masaya siya sa ginagawang pagtulong.

She loves Tita Yella so much. Kung sa iba ay matigas at palaban lagi ang anyo niya, pagdating
sa nanay, para siyang ibang tao.
That was exactly what I saw in her.

She celebrated her 18th birthday which we had prepared for her. Kahit na inaasar-asar niya ako
no'ng gabing 'yon, kita ko ang pagtulo ng luha niya noong nakatingin siya nang mag-isa sa
birthday cake niya. She liked maintaining a strong personality, but her eyes were the most
honest ones.

Kita ko roon ang paghanga noong magpakilala si Mitzie sa klase. Pinapanood ko lang siya
habang ang lahat ay tutok sa bagong babae. She seemed amused and delighted.

"Kita mo iyong babae sa likod? Maputi, brown ang buhok, maganda..." tanong ko kay Mitzie.

Lumingon doon ang babae at tumango. "Bakit?"

"Mahina sa science at math 'yon pero magaling siyang mag-bake at mabait." I smiled
comfortably at her. "Sana ay maging magkaibigan kayo. She doesn't have any girl friends but
she's a great person."

Marami pa akong sinabi kay Mitzie tungkol sa babae ngunit kadalasan ay puro pang-aasar lang
dahil ayaw kong mag-isip siya ng iba.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako may napagkatiwalaang tao para maging kaibigan ni Sol.
Marahil siguro sa nakita kong paghanga niya kay Mitzie kaya ko sinabi iyon.

Noong nakaraan lang ay may ini-report ako sa admin dahil nabalitaan kong binastos na naman
siya. Her nude photos were all over our campus and we could all tell that those weren't hers!
Inireport ko rin si Roswell dahil sa ginawa niyang iyon.
Solene was always displeased that others were insulting her. Hindi niya naririnig ang mga papuri
sa kanya ng iba gaya ng pakikipagtalo niya sa mga school bullies kapag may inaaway ang mga
ito at noong nanalo siya bilang Miss Engineering.

"Walang makapanligaw d'yan, akala ay may relasyon kayo," natatawang saad ni Troy.

Ipinagpasalamat ko iyon. Hindi pa ako handang makitang umibig si Sol. She had always been so
precious to me... I felt like no one deserved her.

Not even me.

"I like Mitzie," saad ni Kuya Sean isang gabi habang kumakain kami. "I saw the way you looked
at her. Uunahan na kita, ha?" He laughed.

My forehead creased. "The way I looked at her?"

"Oo kaya! No'ng nagpe-perform dito! You looked smitten."

I smiled. "Well, Mitzie is a nice catch, Kuya. She has a very soothing voice. Mahinhin at matalino
pa."

"I know that she's your ideal girl, but please, don't make a move, Duke." Muli siyang tumawa.

"Don't worry. I'm not planning to. She's interesting, pero hindi ko para ligawan."

Sinabi ko sa kanya ang pagpunta namin sa La Union para lumaban sa quiz bee. Doon pa lang ay
pinagbawalan niya na akong landiin ang babae kahit wala naman talaga akong balak. He also
told me to take care of her, lalo at may personal na problema yata ito.
No'ng nasa library kami ni Mitzie para mag-aral, dumating si Sol na nakabusangot. I had to keep
my eyes away from her to refrain myself from staring. I was drained when we finished reviewing
our notes. Ngunit isang tingin ko lang sa nakangiting si Sol, para na akong natunaw.

It made me confused and mad. I was starting to have feelings for her... and I was afraid it would
turn into something I couldn't control. Kailangan ko nang patayin bago pa magsimula.

"Itinanong ko lang naman kung pwedeng sa ibang araw na lang ang pamimili at pag-ba-bake mo
dahil sigurado naman akong hindi iyan importante! Hindi naman agad-agaran 'yan, 'di ba?!"

I immediately regretted saying that when I saw how pain passed through her eyes. I tried
explaining to her but my words were useless. Nagsisi ako dahil nasaktan ko siya. I ought to
protect her but I hurt her.

Still, she made it up to me. Siya pa rin ang gumawa ng paraan para magkaayos kami. Pinlano
kong kausapin siya ngunit tuwing sinusubukan ko ay may nasasabi akong hindi tama. I became
too insensitive, too shallow.

Iniiwasan ko siya dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko sa kanya. I didn't want to name
it because I knew I'd be in a lot of trouble if I did. I knew that it started a long time ago but my
cowardly self couldn't admit it.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah?" si Mitzie bago umupo sa tabi ko. We were in front of the beach in
La Union.

I sighed. "Kumusta kayo ni Kuya?"

Nakita ko ang paglunok niya at bahagyang panunubig ng mata. Agad na napakunot ang noo ko
dahil bago kami umalis ay sigurado akong maayos pa sila.
"May pinag-awayan kami... pero sana ay maayos pa." She faked a smile. "Nakita mo ba 'yong
comment niya sa picture natin sa blog? He didn't even get jealous. People in our school were
making a fuss about it. Akala ay naghahalikan tayo."

"That's non-sense." Tiningnan ko ang buwan at muling dumaan sa isip ko si Sol. Ano kayang
ginagawa niya ngayon? I made a mental note to talk to her when we got home, lalo at nakita
kong binibisita na siya noong ka-banda ni Mitzie. Sana ay hindi siya nagpapaniwala sa mga
ipinopost sa blog ng school dahil alam niya namang hindi namin 'yon magagawa.

Hindi na ako nagtaka nang matahimik kami parehas ni Mitzie. I knew that she was thinking
about my brother.

Nilingon ko siya at napansin ang pasa sa braso niya. She immediately covered herself and gave
me a smile. Sa tahimik na paninitig ko sa kanya ay unti-unting tumulo ang luha niya. I was
surprised! Para akong napako sa kinauupuan ko. Si Sol lang ang umiyak na babae sa akin!

"I'm..." She sobbed.

"Mitz..." tanging nasabi ko.

She covered her face with her palms. "I-I'm pregnant, Duke..."

I was speechless. For a brief moment, I couldn't breathe. Parang natigil ang mundo sa biglaan
niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit sa akin... ngunit wala akong ibang magawa kung hindi
ang magulat sa inamin niya.

"Alam ba ni Kuya?" nanginginig ang tinig na tanong ko. I didn't expect that! Alam kong may
namamagitan sa kanila ngunit hindi ko alam na nagagawa na nila 'yon! They were both young!
She nodded, tears pooling in her eyes. Maya-maya ay umiling siya habang kapit ang dibdib na
parang hindi siya makahinga.

"Ayaw niya, Duke..." Lumakas ang iyak niya. "H-he wants me to abort our baby. Hindi pa raw
kami handa. Masyado pa raw maaga... pero hindi ko kaya, Duke! I argued with him, but he just
shoved me away... graduating daw siya at marami pang pangarap. He wasn't ready for this."

Buong gabi ay iyon ang nasa isip ko. Mitzie also confessed that she had a bad relationship with
her family. Palagi siyang binubugbog ng tatay niya. It reminded me so much of Sol. Kung
paanong ang batang siya ay tinitiis ang lahat ng palo at hampas, at wala pa akong magawa
dahil bata pa ako.

Nang makauwi ako, agad kong binuksan ang kwarto ni Kuya Sean. He looked horrible. I went
near him and punched him in the face.

"Tangina, Kuya!" malakas na sigaw ko. Mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa galit. I knew my
brother! He was a man of values!

Yumuko siya na parang sising-sisi sa nangyari. Ni hindi siya tumayo para kalmahin ako.

"Dinali mo 'yong babae tapos hindi pananagutan?!" Tears were beginning to form in my eyes. I
was so disappointed and hurt for Mitzie. Inalala ko ang gabing nag-usap kami at parang
sumabog ang emosyon niya dahil sa bigat na dinadala.

"H-hindi mo naiintindihan, Duke..."

I scoffed. Nangangatal ang labi ko sa pagtitimpi. "No! Naiintindihan ko! Naiintindihan ko na hindi
mo kayang magpaka-lalaki dahil d'yan sa sinasabi mong pangarap mo!"

Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata niya ngunit wala akong awang naramdaman. "I
expected too much from you, Kuya! Alam mong binubugbog si Mitzie sa kanila at wala kang
ginagawa?!" galit na sigaw ko. "Wala kang kwentang magmahal!"

Simula noong araw na 'yon, lagi na akong nasa tabi ni Mitzie. Isang tawag lang ng babae ay
kinakabahan na agad ako dahil kapag makikita ko siya ay may bago na naman siyang sugat.
Ako rin ang nakakasama niya sa check-ups dahil wala siyang ibang malapitan. Nabibigatan ako
sa responsibilidad dahil hindi ko naman dapat kargo 'to... pero dahil kaibigan ko siya at
pamangkin ko ang nasa sinapupunan niya, hindi ko magawang magreklamo.

We hid everything from everyone. It was her choice. Ayaw niyang ipaalam kahit na kanino.
Walang nagtataka sa kalagayan niya dahil hindi naman siya tumataba nang husto. Hindi na rin
kami nag-uusap ni Kuya kaya nagtataka na ang mga magulang namin dahil alam naman nilang
magkadikit kami, pero walang nagsalita sa amin.

Kuya Sean maintained his strong disposition about Mitzie's pregnancy. As his brother, I
somehow felt responsible... na kung hindi kaya ng kuya ko, sa paraang kaya ko, tutulong ako.

Sa ginagawa kong 'yon, hindi ko manlang napansin na unti-unti na pala akong nawawala kay Sol.

"Si Sol oh..." bulong ni Mitzie sa akin habang nasa jeep kami.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko at sumulyap sa itinuro niya. Nakita kong nagpapaulan si Sol
kasama si Harvin. Gusto kong bumaba para pigilan ito ngunit malaki ang ngiti sa labi niya na
parang masaya siya... at doon ko rin napagtanto na may hawak itong kahon na naglalaman ng
cheesecake na sa pagmamadali ay nailaglag ko kanina sa sahig ng classroom.

"Mukha ka nang bruha!" narinig kong malakas na sigaw ng lalaki na parang walang ibang
nakatingin sa kanila. "Kumalat na ang mascara mo!"

"Ayos lang iyan, maganda pa rin ako!"


I was hurt by what I saw. Solene had always wanted to run in the rain because she never
experienced it as a child. Nakita ko kung paanong alalayan siya ni Harvin hanggang sa
lumampas na ang jeep na sinasakyan namin sa kanila.

That same day, I admitted that I had fallen in love with her.

Nang malaman kong nilalagnat siya, ginawa ko ang dating ginagawa namin. I went to her house
and took care of her... only for her words to stab me. She no longer wanted me. She had given
up on us.

"Do what you want, Duke. Hindi na kita haharangan."

Her words hit like a fucking train. Gusto kong sabihin sa kanya na may karapatan siyang
harangan ako dahil kaya niya akong kontrolin, na nagseselos ako dahil may iba na siyang
nakakasama maliban sa akin. I wanted to be selfish. I wanted her all to myself! I couldn't stand
seeing her with someone else... and so I told her how I felt.

It was the best decision I'd ever made in my entire life. We showed our love for each other in our
own ways. We were happy and content. Those were the moments I would treasure for the rest
of my life.

But I'd realized that I had never treated her the way she deserved to be treated.

Hindi lang iisang beses kong naibunton kay Sol ang inis ko sa sitwasyon namin nina Kuya Sean
at Mitzie. Alam kong mali, at lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag natapos ang lahat ng 'to ay
babawi ako sa kanya. I wished I could tell her the whole truth about Mitzie, but it wasn't my story
to tell.

"Duke, bakit absent si Sol?" tanong ni Troy.


Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Akala ko ay nauna na siyang pumasok dahil
sarado na ang bahay nila nang daanan ko kanina. No'ng mag lunch break ay umuwi ako sa amin
at nakita ko pa ring sarado ang pintuan nila. Kahit si Tita Yella ay hindi ko makita.

I knew that they were inside, pero hindi ko alam kung bakit hindi sila lumalabas. I tried
contacting Sol but she never answered my calls or messages. Lagi kong tinatanaw ang bahay
nila. The fear of not seeing her again consumed me. Alam kong hindi ko kaya.

"Pumasok na si Sol! Nakita ko kanina..." saad ni Owa.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Araw ng battery exam namin 'yon. Pinuntahan ko siya
sa room kung saan siya naka-assign at kumirot ang puso ko sa nakitang lagay niya. She had
dark circles under her eyes, para bang wala siyang naging matinong tulog.

"Nandito lang ako lagi para sa 'yo..." I meant it... but I failed. Ni hindi ko manlang natanong kung
bakit bigla siyang nawala... kung ano ang nangyari sa kanila... kung ano ang dinadala niya.

Not only did I fail as her partner, but also as her friend.

Laging mali. Laging may balakid. My heart got broken when she failed the battery exam. I
wanted so badly to comfort and hug her... but I didn't. Instead, I ran after Mitzie to calm her
down. Nasa isip ko noon, mas kaya ni Sol dahil hindi naman mahina ang loob nyia. Isa pa, Mitzie
had suicidal ideation and my nephew was inside her stomach. I chose to run to her because of
the child.

"Tangina, may nasabi ako kay S-Sol..." I whispered to myself. "Tangina, mali ako. May nasabi
ako..." Mas hindi inaasahan ni Mitzie ang pagbagsak? What the fuck was I thinking? "H-hindi ko
dapat sinabi 'yon..."

I regretted it so much. I hurt Solene again. Paulit-ulit ko na lang siyang ginagago. My words were
always too harsh. I should have known better than to take her for granted. I should have loved
her better.

"Duke, puntahan mo si Sol," saad ni Troy sa akin nang habulin namin si Mitzie. She was crying.
Alam kong nakakahalata na siya sa nangyayari habang ako ay litong-lito sa gagawin. Mitzie
wouldn't tell him her problems, but I knew that I should stay with the one I really loved.

"No, Duke, please, stay with me..." bulong ni Mitzie.

Nagkatinginan kami ni Troy. Sa paraan ng pagtingin niya, alam ko na... he was making me
choose.

I sighed deeply and turned to face Mitzie. Her cheeks were filled with tears, and the fact that Sol
had the same expression as hers hurt me. Hindi ko dapat iniwan si Sol doon! Hindi ko dapat siya
hinayaang mag-isa! She told me to stay with her, but I only scarred her.

"I'm sorry, Mitz..." buo ang loob na saad ko. My girlfriend needed me. I should be there for her.

Tumakbo ako patungo sa bahay namin ngunit nakita ko siyang nakayuko habang naglalakad
pauwi sa kanila. Her shoulders were moving, and I knew she was crying.

"S-Sol," I whispered from afar.

Diretso ang lakad niya habang tahimik na umiiyak. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi malaman
ang gagawin. I wanted to hug her, but after everything I'd done and said, I couldn't... parang
nawalan ako ng lakas ng loob. I was the one who caused her pain. I was the one who made her
cry.

That time, the only thing I could tell her were my broken promises and never-ending apologies.
Kahit isang beses ay hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya dahil alam kong hindi ko 'yon
naipararamdam sa kanya.
I felt like I lost myself.

No'ng araw ring iyon, lasing akong pumunta sa kwarto ni Kuya Sean. His eyes were closed, but I
knew he wasn't sleeping. I stared at him for a long time. He was the one I always looked up to
and my ideal man. My respect for him was beyond measure.

"K-Kuya..." I sobbed like a boy, complaining to his brother.

Dumilat siya at namilog ang mga mata nang makitang nakaluhod na ako sa gilid ng kama niya.

"P-please... please... panagunatan mo na si Mitzie. H-hirap na hirap na ako, Kuya. P-parang awa
mo na..."

Images of Solene flashed in my head like recorded tapes. Ang magaganda niyang ngiti na
napalitan ng tahimik na pagtangis, ang pasimple niyang pag-irap ngunit ang kasunod noon ay
ang palihim na pagtawa, ang minsanang paghawak niya sa kamay ko, at ang liwanag sa mata
niya kapag nakikita ako.

"M-mahal na mahal ko si Solene pero dahil sa nangyayari sa inyo, nagagago ko na siya..." Tuloy-
tuloy ang pagtulo ng luha ko.

I knew that I shouldn't blame them because it was my decision to treat her like that... pero wala
na akong mapagkapitan. Gusto ko nang masisisi dahil hindi ko matanggap na nasasaktan ko
siya.

But Kuya Sean didn't answer me. Tinitigan niya lang ako habang may bahid ng luha rin sa mga
mata niya.
"You changed, Kuya." After saying that, I stood up and stormed out of his room. Sigurado na ako.
Babawi ako kay Solene. Hahanap ako ng tyempo at sasabihin ko ang lahat sa kanya.

Just when I was about to make it up to her, everything got tied up.

Ang hirap. Ipit na ipit ako. Hindi na ako makapag-isip nang tama. Gusto kong layasan na lang
ang lahat at isama si Solene para matahimik na kami.

"Duke, magpapakamatay ata si Mitzie!" ani Calix sa akin sa telepono.

Naging mabilis ang pagkilos ko. Ni hindi ko na nasabihan ang mga kakilala o kaibigan dahil sa
pagmamadali. Marami nang tao ngunit walang pumipigil sa babae. Nakita kong may malaking
foam sa baba ng building para kung sakaling matuloy ang pagtalon ay ligtas pa rin ito. Hindi ko
maiwasang mag-alala sa dinadala nitong bata. Kuya Sean was seriously messing things up!

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!" sigaw ng babae.

"I care for you, Mitzie. Alam mo iyan," pang-aalo ko. I was trembling in fear. Kaunting galaw lang
ay maaari siyang mahulog.

"But you love her more!" sigaw niya ulit. "Hindi naman kita gusto pero dahil lagi kang nand'yan
para sa 'kin, hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa kanya,
nahuhulog ako sa 'yo!"

Pinigilan ko ang sarili na magpakita ng kung anong reaksyon. She was with my brother! I was
more than terrified. Sa tuwing sinusubukan kong humakbang palapit sa kanya ay gumagalaw
siya, at takot na takot ako! I didn't know what to do! Ako lang ang kinakausap niya!

"Do you love her?!" tukoy niya kay Sol.


I wanted to tell her the truth but I was afraid it would trigger her more. Kahit hirap na hirap akong
banggitin ang napakalaking kasinungalingan na 'yon, sinabi ko pa rin.

"N-no, Mitz, I-I don't love her..."

One lie for two lives.

I swear to God, I didn't mean it. I love Solene more than my own life! But I had to deny it. I had to
calm and tame Mitzie. Pamangkin ko ang nasa loob ng tiyan niya at hindi ko kakayanin kung
may masamang mangyayari sa bata.

I said words I could never take back. She was insecure of Sol... my love... but she was on the
verge of death and I couldn't afford to see her in that state when I knew I could do something.

When I realized that Sol was listening to whatever nonsense I was spewing, my world came
crashing down. My shaky hands reached for hers, but she pushed them away.

The moment she did that, I knew I had lost her.

"Girlfriend mo ako pero ilang beses mo nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si Mitzie..."

It crashed me. I love Sol so much but I started discarding her. I was wrong. I was fucking wrong.
But that was the only thing I could do that time! A life was at stake... my nephew's life was at
risk.

"Sol... hindi..." Umiling ako nang paulit-ulit. Walang ibang lumalabas sa bibig ko dahil sa halo-
halong emosyon. Nangingibabaw ang takot dahil alam kong masisira kami pagkatapos nito...
and I would bleed.
I wanted to tell her she was perfect for me and the most beautiful woman I'd ever seen, but I
couldn't find the right words. Words failed me. Habang pinapanood ko siyang umiiyak ay
tumutulo rin ang luha sa mga mata ko, ni wala na akong pakealam sa mga estudyanteng
nanonood.

"Ang galing mo!" sigaw niya sa akin. "Para iligtas siya, kailangan mong lunurin ako!"

Para akong sinasakal habang sinasabi niya iyon. No, baby, I didn't mean that. I love you so much.

But deep down, I knew, I deserved that.

She gulped. "Maghiwalay na tayo."

That is how I ended up destroying my life. Nawala siya matapos ang gabing iyon. I spent my
nights at bars to drink liquor because I always saw her face in my room. She left me and I
fucking deserve it!

I regretted it. I regretted it so much. But it would never be enough. I inflicted pain on the most
precious woman, and I deserve to be hurt like this.

Inalala ko ang mga oras na madalas ko siyang isantabi para kay Mitzie at sa kapakanan ng bata
sa loob niya. I should've told her what was going on at the time, but I couldn't think clearly.
Mitzie's suicidal impulses were clouding my judgment. Natatakot akong baka mawala ito at ang
pamangkin ko sa oras na hindi ko ibigay ang kailangan niya.

This was the price I had to pay for choosing Mitzie and my nephew's well-being over Solene.

Minsan ay naiisip ko na sana ay hinayaan ko na lang silang lahat at nag-focus na lang kay Sol,
pero hindi kaya ng konsensya ko ang tumunganga lalo at may batang involved.

I was mad at everyone. Kay Kuya Sean, sa pagiging gago. Kay Mitzie, sa pagsasalita ng
masasakit kay Sol at higit sa lahat, sa sarili ko, sa hindi pagmamahal nang tama sa kanya.

"I'm sorry, Duke... I really am..." I was holding onto the liquor as if my life depended on it.
Masama ang tingin ko kay Kuya Sean na ngayon ay nasa kwarto ko, nakayuko, at parang sising-
sisi sa nangyari.

My lips trembled. "Y-you're a father now. Magpaka-lalaki ka naman..."

"Natakot ako! Hindi ko pa kayang bumuhay ng pamilya!" he reasoned out.

I stood up and grabbed his collar. "Imagine what your girlfriend would feel when she hears that!
Hindi mo pa rin ba naiintindihan?! I lost Sol! K-Kuya, si Sol! Iniwan ako ni Sol!"

Wala na akong naintindihan sa mga sumunod na sinabi niya. It was too hard. Too painful... at
kahit anong pagsisisi pa ang gawin ko, hindi magiging sapat 'yon para pantayan ang sakit na
naidulot ko kay Sol.

Sa tapat ng bahay nila ako madalas... umaasang bigla siyang magbubukas ng pinto. Wala na
akong pakealalam kahit hindi siya maging akin... basta nakikita ko siya. Ayos lang na hindi ko
siya maabot basta alam kong nasa paligid lang siya.

Pero hindi. She vanished completely.

I failed my exams. Parang nawalan ako ng buhay sa nangyaring pag-alis niya. Minsan ay hindi
na ako pumapasok. Tinanggihan ko rin ang pagre-represent ng school namin sa ibang lugar.
I had spent my whole life with her by my side. Kaya ngayong wala na siya, parang hindi ko na ulit
alam kung saan magsisimula. I miss her hugs. I miss playing with her fingers. I miss the feeling
of her head on my shoulder. I miss cooking for her. I miss her beautiful face and fiery attitude.
Miss na miss ko na siya.

"Anak, nakausap ko ang dean niyo, kaunti na lang ay mawawala ka na sa candidates ng mga
makaka-receive ng Latin honor."

That seemed to nudge me back into my original route. I found myself apologizing to Troy a year
later because he was angry with me for hurting Sol. I was angry with myself as well, but she was
now my motivation to do better.

"Buti at natauhan ka. Sayang ang pag-aaral mo at ikaw lang ang minamatang Magna Cum Laude
ng batch natin," ani Mitzie sa akin.

Naging ayos din kami. Kuya Sean courted her again. Hindi naman malalim ang pagtingin sa akin
ni Mitzie. I just became her comfort zone but I knew that her love for my brother wasn't shallow.
When she gave birth, they started fixing their family.

Mahabang usapan iyon kasama si Kuya pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
Mitzie and I were victims of poor decision making. Sapat nang natuto kami parehas. Kahit si
Kuya Sean. I became too busy dealing with my own mess. Mabuti na ring nagkaayos sila. Kahit
huli na para sa akin.

"Ayokong pagbalik ni Sol ay maaabutan niya ako nang ganoon. Hindi siya matutuwa..." I didn't
intend to mention Solene but that was the truth. Nabubuhay na lang ako sa pag-asang balang-
araw, makikita ko ulit siya at sa pagdating ng araw na 'yon, ibubuhos ko sa kanya ang
pagmamahal na hindi niya naranasan sa akin.

Mitzie dropped her eyes on her phone. I could tell she was consumed with remorse and regret.
Naging matalik din silang magkaibigan pero dahil sa nangyari ay nawala ang babae.
I graduated with Latin honors. My family and friends were happy for me. Umuwi rin si Papa para
sa graduation ko at naayos ang gulo sa pamilya namin tungkol sa pambababae nito. It was like
a mini reunion.

Pero kahit anong gawin ko, hinahanap ng mga mata ko ang isang babae na may kulay
tsokolateng buhok, maputing balat, masungit na mukha at mainit na ngiti... but again, she
wasn't here.

I earned money to renovate their house. I did it secretly because I didn't want people to think
about it. I hired Ate Ivy to maintain the cleanliness of the area. Bumagyo kasi at totoong nasira
ang pinakapundasyon ng bahay nila. Fortunately, the things inside their house were saved.

It was hard. Hindi pa ako malaki kumita pero ayun ang unang-una kong ipinagawa. This place
was special for her... and I wanted to do something for her. Kahit sa ganitong paraan lang.

As I looked at the window of her room, my heart felt incomplete. Dito niya lang kami tinatanaw
noon pero ngayon, kahit anino niya, hindi ko na makita.

Years after her disappearance, Mitzie rushed toward me.

"May page pala si Sol! She's a baker now! Wala pang sariling shop pero maraming customers!"

Agad kong tiningnan ang hawak niyang cellphone at nag-init ang dalawang sulok ng mga mata
ko nang makita siya sa larawan. She looked the same, but her body matured. Kahit ang ayos ng
buhok niya ay ganoon pa rin.

I caressed her cheeks as if they were real.

"My Sol..." I whispered to myself. She was smiling widely at a customer while holding a medium-
sized cake.
It was a stolen shot but she looked beautiful... still so beautiful.

I became her constant follower since that day. Sa dami siguro ng followers niya ay hindi niya na
napansin ang pangalan ko. I still visit her page to see what she'd been up to. Hindi siya nag-po-
post ng pictures niya. Talagang mga niluluto niya lang.

Call me creepy, but I kept an eye on her from afar. Hindi ako makalapit dahil bukod sa
naduduwag ako, wala pa akong napapatunayan. Oo, engineer na ako ngunit hindi pa ako
nabibigyan ng magandang break.

At hindi ko pa kayang lumapit dahil nahihiya ako. Masyado ko na siyang nasaktan. Masyado ko
na siyang nadurog.

But my heart just longed for Solene. Her contagious smile, warm hugs, and silly jokes.

"I'm Bethany... you're Engr. Laurence, right?"

Inabot ko ang palad niya at bahagyang napangiwi sa itinawag niya sa akin.

"Call me Duke."

She grinned. "Okay, Laurence."

Bethany somehow reminded me of Sol. Mahilig ito sa chicken curry at magaling din mag-bake.
She piqued my curiosity at first, but only for a short time. Napagtanto ko rin agad na wala akong
ibang gusto kung hindi si Solene.
"I'll go to Amsterdam and you'll come with me!" bungad niya sa akin isang umaga sa opisina ko.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at umiling. "Busy ako, Beth. Marami pa akong hindi naaayos na
blueprints."

It was partly true. Ngunit ang pinaka pinagkakaabalahan ko ay ang nalalapit na pagharap kay Sol.
I was promoted as a head engineer at sa akin in-assign ang malaking tulay at shortcut ng Las
Islas hanggang La Union. It was a huge project and many engineers envied me.

Nagbukas ng shop si Sol at nagbabalak akong pumunta sa grand opening nito.

"Gano'n?" malungkot na tanong ni Bethany.

I nodded. I have a lot on my plate right now.

But when I saw Sol's update about joining an international convention in Amsterdam, I
immediately texted Bethany.

Me:

I will go with you.

Bethany:

Yay! Ang lakas ko talaga sa 'yo!

"I had a childhood friend who loves eating cheesecakes so I started learning baking," Solene
said in an interview.

I had a feeling it was me. I was her only childhood friend who loves cheesecakes. The familiar
warmth enveloped me as I recalled her as a child, learning how to bake because I mentioned my
love for cheesecakes.

Kitang-kita ko ang pagguhit ng gulat sa maganda niyang mukha nang ipakilala ako ni Bethany.
Kahit dinadaga ang dibdib ko, pinanatili ko ang seryosong mukha.

Our meetings in Amsterdam were a nightmare because she kept driving me away! My heart
didn't take it lightly when I heard her talking to a guy named Atreus and her voice sounded so
nice. Ilang mura ang pinigilan ko dahil sa mga napagtanto.

Maaaring wala itong kasintahan ngayon ngunit sigurado akong maraming nag-aabang sa kanya.

Her experiences for the past years were said over an interview. Kahit ilang beses kong
pagsisihan, hindi ko pala talaga maaalis lahat ng sakit na dinanas niya. Her mother was jailed!
She worked her ass off to achieve everything! She was alone on her darkest days. My pain was
nothing compared to what she had been through.

Even so, I pursued her. Since this was my only chance, I courted her. I love her so much that I
put up with her being comfortable with Atreus.

"Don't even think of flirting with Sol," paalala ko kina Tim, James at Angelo nang utusan ko
silang bumili ng merienda namin.

They exchanged a knowing look and grinned. "Si Angelo ang may gusto kay Ms. Sol, Engineer!"

Takot na umiling si Angelo sa akin lalo at nasalubong ang tingin ko. Kung pwede lang ay ako na
ang pupunta roon para makita na rin si Sol. Ang kaso lang ay mag-iikot ang mga architect sa
site at kailangan ko silang samahan. Wala rin naman ang assistant engineer.

Bethany found out that I was courting Solene and she wasn't happy about it. Nagulat pa ako
noong minsang pumunta ito sa unit ko nang lasing.

"Beth, umuwi ka na sa inyo. Ihahatid na kita."

Umiling siya. "No! You break my heart, Laurence! Para ka ring si Atreus!"

Inalalayan ko siya patayo mula sa couch ko ngunit kinuha niya ang braso ko. Dahil sa gulat ay
napahiga ako sa katawan niya. Nang hinalikan niya ako ay mabilis akong umalis sa ibabaw niya.
Galit na galit akong tumingin sa kanya ngunit nakapikit na siya at parang natutulog.

Hindi lang iisang beses nangyari iyon. May isang beses na kahit hindi siya lasing ay hinahalikan
niya ako. My reaction was consistent. I always push her away. Para sa akin ay kaibigan ko ang
babae at wala dapat mamagitan sa amin. Isa pa, nililigawan ko si Sol at hindi magandang
tingnan na ginaganito niya ako.

May mga araw nga na hindi ko na siya sinasamahan dahil ayokong lumalim pa ang
nararamdaman niya. She knew how massive my love for Solene was.

Sol❤:
si atreus na ang maghahatid sa akin, don't bother

Nasa labas na ako ng shop niya nang itext niya 'yon. I saw her being guided by Atreus towards
his car. Bumigat ang loob ko dahil ito ang pinili niyang maghahatid sa kanya kahit na ako ang
nauna.
Pero wala akong karapatang magalit. Manliligaw lang ako. Wala akong karapatan sa kanya.

Nagulat ako nang malamang sa Laguna rin pala ang delivery nito at kina Kuya Sean pa! That
night, when she told us her journey, I fell harder. Kahit na nalaman ko na ang mga pinagdaanan
niya dahil sa interview niya sa Amsterdam, nasasaktan pa rin ako lalo at narinig kong nabastos
siya.

The world didn't deserve her. She was an angel but everyone had forsaken her! Kahit ako! Kaya
wala akong karapatang magalit sa mga nanakit sa kanya dahil isa ako roon!

"I don't need you here... umuwi ka na..."

Her words lingered in my mind, but I knew she was upset by Atreus' accident. Those days were
painful. Nilimitahan niyang makipagkita sa akin ngunit dahil hindi ko kayang wala akong
ginagawa para sa kanya, pagkatapos sa trabaho ay magluluto ako para ibigay sa guard. Kapag
hindi masyadong busy, tumutulong ako sa shop niya dahil hindi na siya nakakapasok.

"Naku, Engineer, iyong nililigawan mo, may ibang inaalagaan."

My forehead creased at the terms used. "Kaibigan niya iyon, Tim. Natural lang na nandoon siya
habang nagpapagaling 'yon."

"Hirap magmahal nang ganiyan!"

I ignored his remarks. Hindi ko na rin masyadong makausap si Sol kaya inasikaso ko ang pag-fi-
file ng kaso laban sa nambastos sa kanya noon. Hindi ko matanggap na parang ayos lang sa
kanya ang nangyari. She almost got raped! Because of that, I sought Bethany's help. I was
confident in her ability to do her work. Kahit hindi naman siya criminal lawyer, marami siyang
connections na maaring makatulong sa akin na maipanalo ang kaso ni Sol.
Sol❤:
I'm sorry to say this to you, Duke, but you should stop pursuing me. Pasensya na kung hindi ko
sa personal nasabi ito sa 'yo pero sa paggising ni Atreus, sasagutin ko na siya.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal tinitigan ang cellphone ko para basahin ang text message
niya. Ipinanalangin ko na sana ay panaginip lang 'yon dahil parang hindi kaya ng puso kong
tanggapin na may mahal na siyang iba.

I was never meant for her.

That thought ended my life. Para akong bumalik sa dating gawi na puro inom ang ginagawa
para makalimot. I love her so much but she doesn't want me anymore. She loves someone else
now.

Gusto kong maging makasarili at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya ngunit hindi ko kayang
pagkaitan siya ng kasayahan na matagal niya na dapat nararanasan. Masakit dahil alam kong
tuluyan na akong nawalan ng pag-asa para maipakita sa kanya ang pagmamahal ko.

Maybe I was late... maybe I hurt her too much. Kahit ano pang pagbawi ang gawin ko, hindi no'n
mabubura ang lahat ng kasalanan ko sa kanya.

I went to Greece. Kinumbinsi ko ang sarili na dahil iyon sa offer na pag-re-renovate sa


pinakamalaking tulay, pero alam kong para sa kanya kaya ako umalis. Her predator was
wandering around this place and I had to track him down.

Isa pa, ayokong makita siya na may kasamang... hindi ako.

I didn't want to see her wrapped around another man's arms. My heart would surely not take it
lightly if I saw her kissing Atreus. Hindi ko kaya. I wasn't ready for this.
Masaya na siya. Ayun naman ang hiling ko, hindi ba? Kahit hindi sa'kin. Ang mahalaga, masaya
siya. After everything that happened to her, she deserved to be happy. Even if that happiness no
longer included me. Pwede ko naman siyang panoorin na lang ulit... mahalin nang palihim.

For months, I busied myself with work and her case. Pumunta pa si Bethany sa Greece para
iparinig sa akin ang testimonies ng ibang biktima. I tried focusing on her lalo at nagbibigay siya
ng motibo ngunit hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko ay may niloloko ako.

"Come on, Laurence... we're both single," she uttered in a very sexy voice.

Bethany was beautiful. Her features were soft but with her red and plump lips, you would know
that she wasn't a typical innocent girl.

"Hindi, Beth. You know that I'm still in love with her, right?"

I wanted to try to get in a relationship with her, but I didn't. My thoughts were clouded by Sol and
my love for her. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magmahal. She was the only woman I
loved for years... parang imposibleng mabaling ang atensyon ko sa iba.

Pag-uwi ko sa Pilipinas ay ipinangako ko sa sarili na titingin lang ako kay Sol... na hindi ako
lalapit. Ayokong guluhin na siya. But then, when I saw her being kissed by an unfamiliar man at
the bar, I was furious and perplexed.

It was her birthday but she looked so sad. That moment, gusto ko siyang alagaan. Gusto kong
magmakaawa sa kanya na ako na lang ulit. Kahit noong tanungin niya ako kung masaya na ba
ako, gusto kong sabihin sa kanya na hindi! I wanted to lie to her! I wanted to tell her that I wasn't
complete without her.

"Gago ka! You're cheating on her?! With her friend?! Sol doesn't deserve an asshat like you!"
Nakaupo na sa semento si Atreus dahil sa lakas ng suntok ko. Nagdilim ang paningin ko nang
makitang may kalandian ito sa mall. At buntis pa talaga!

Nagdadalawang isip pa ako noong una kung sasabihin ko iyon kay Sol pero sa dulo ay sinabi ko
rin... and her revelations shocked me.

Me, being the smitten piece of crap, I tried again. I pursued her again. It was like a never-ending
chase but I knew I could never love the same way again. She was my ball of sunshine.

I did my best. I showed her my purest intentions. Hindi matatawaran ang saya ko nang
malamang nagpunta siya sa Greece para sa akin.

I wanted to kiss her that night... but I didn't have the right yet.

She had doubts about me. I understand that. Sa lahat ng ginawa ko noon, dapat kong
pagdaanan lahat para makabawi sa kanya. Masakit siyang mahalin. Nakakasuko. Nakakapagod.
Pero alam kong mas nasaktan ko siya, mas nakakasuko ako... mas nakakapagod ako. At wala
akong pakealam kung ilang beses siyang maghinala sa akin dahil araw-araw ko siyang
sisiguruhin na siya lang.

"Mahal ko po si Duke."

Para akong nabuhay ulit nang marinig iyon. She said it so softly as if the words were fragile
glasses. Nang humarap sya sa akin at nakita ko ang mapula niyang pisngi ay may kung anong
kumurot sa loob ko.

She was so beautiful and radiant. Her warmth was something you would get addicted to. She
was as serene as the sunrise... the one you'd look forward to for the rest of your life. The beauty
of her eyes was like a sunset... they would make you feel like there was an untold promise that
tomorrow would get better.
She doesn't realize how beautiful she is... like the sun.

Ngayon ay nasa harap kaming dalawa ng puntod ni Tita Yella. Justice was served and Matthew
would spend the next years of his life in jail. Si Bethany naman ay nagpaplano sa pagtatayo ng
sarili niyang law firm ngunit nagkaroon ng gap ang pagkakaibigan namin.

But it was okay.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagsisinungaling para mapaghiwalay kami pero
ngayong nasa akin na si Sol, parang kaya kong magpatawad.

When I found out that Tita Yella committed suicide, I cried with Sol. We hugged each other that
night and prayed for her mother's soul.

"Ang gusto niyo lang po ay ligawan ko si Sol pero... I want more, Tita," I said while holding my
woman's hand. "I'm sorry for inflicting pain on your precious daughter. I'm undeserving... but
years passed and I'm still so in love with her. Nothing has changed." I'm really hopeless.

I sighed, a bit teary. "She's still the one I prayed for. It hurt me that she gave herself to me but I
failed to keep her."

Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko at tumalon ang puso ko roon.

"I won't do it this time, Tita. I will love her better."

Tumingin ako sa kanya at halos matulala na naman ako sa ganda niya.


"I will marry you."

With tears in her eyes, she nodded slowly and planted a kiss on my lips. I supported her waist
and leaned closer to her.

I have chased the sun... my sun.

Note

Thank you for sticking with me 'til the end!

This is a story of love, dreams, family and forgiveness. I know that all of you already know this
but, really, no man is an island. No matter how tough a person might be, at the end of the day,
everyone needs a helping hand. Also, your life might not go according to your plan but that
doesn't mean you failed. You're meant for something greater and more profound.

Always choose happiness without hurting anyone in the process.

I hope that you learn something from our Solene and Duke Laurence. I want to impart to you
that love isn't too dreamy but I also want you to appreciate their emotional, behavioral and
mental development.

I'm the type of person who writes impulsively kaya may ibang parts sa story na 'to na baka hindi
ko o niyo nagustuhan. But still, I managed to finish writing it so I'm really glad. This is my first
finished novel and this will always be a special thing to me. Marami rin akong natutunan habang
isinusulat 'to. Hindi perfect ang plot, dialogues at conflicts... pero that's how we grow.

Again, thank you for riding with Duke and Sol!

I love you, my inks!


PS: See you on Taming the Waves (College Series#2)! ♥
CTS Book

𝑪 𝒐 𝒍 𝒍 𝒆 𝒈 𝒆 𝑺 𝒆 𝒓 𝒊 𝒆 𝒔 1: 𝑪 𝒉 𝒂 𝒔 𝒊 𝒏 𝒈 𝑻 𝒉 𝒆 𝑺 𝒖 𝒏 𝒃 𝒚 𝑰 𝒏 𝒌 𝒔 𝒕 𝒆 𝒂 𝒅 𝒚

Price: Php 799.00

with 5% discount from July 21 - July 31, 2021 (Php 759.00)

The book version has a special chapter in Duke's point of view.

Book details:

Book size: 6.25 x 9.25

Pages: 448 pages

With pin, bookmark, and colored flyleaf

matte and embossed book cover

With signature

Pre-order dates: July 21, 2021 to October 18, 2021

Release date: Dec 9, 2021

To order, visit:

Precious Shop

https://www.facebook.com/preciouspagesonlineshop
https://preciousshop.com.ph/home/

Precious Negosyo

https://www.facebook.com/PreciousNegosyo/

Precious Express

https://www.facebook.com/PreciousExpressOfficial

and to our authorized reseller: https://bit.ly/PPC-ARList

#CTS #ChasingTheSun #CollegeSeries #Inksteady #LIBYA

Source: LIBOfficial on Facebook.

Thank you, inks! 💜🤍


CTS REPRINT

Hi, since a lot of you have been sending me emails and messages about the reprint, I'll be
answering your questions here.

But before anything else, let's go over the book's details.

Advance Selling Dates: November 18, 2022 – December 26, 2022

Release Date: January 26, 2023

Price (during the AS): Php 449.00

Price (after the AS): Php 499.00


Number of pages: 352

Size: 5.25 x 8.5 (smaller than premium)

Paper: Cream (whiter than premium)

Matte laminated cover with bookmark

Book cover:

Questions and Answers:

1. Lalabas ba sa bookstores ang reprint after ng advance selling?

- Yes, lalabas sa bookstores ang reprint early next year. Ang difference lang ay 'yong price. Php
449.00 during advance selling, Php 499.00 after.

2. Ano'ng pinagkaiba ng premium at reprint?

- Sa content, wala. Same parts, same special chapter. Mas malaki ang premium at may hand
signature din. Sa reprint kasi, wala nang signature. Magkaiba rin ng paper (see details above) at
book cover. Php 799.00 ang SRP ng premium at Php 499.00 naman ang reprint.

3. How to order?

- For details, visit LIBOfficial on Facebook or check out the pinned post on my account
(Inksteady WP).

You can order on Precious Pages Bookstore, Precious Pages Bookshop, Precious Express,
Precious Negosyo, Precious Pages Pre-Order Shopee Account, Inksteady Merch, and other
authorized resellers.

Mag-send lang ng message o email dahil sumasagot din naman agad sila. You may need to
sign a form to process your order.
Kung may doubts pa rin, you can go to their physical stores. Precious Pages SM Manila Branch,
SM North Branch, at Pasig Branch.

Link of authorized resellers: https://bit.ly/PPC-ARList

Bago magbayad, i-check mabuti ang authenticity ng resellers.

4. Wala po ba sa Shopee?

- May mga resellers na sa shopee ipina-process ang order. Pero kung nagdadalawang-isip, you
can place an order in the PPC's Shopee account.

Shopee Account: Precious Pages Pre-Order

5. Bakit wala pang sold?

- Dahil advance selling pa lang. Sa January 26 pa ang release ng reprint. Hindi pa completed ang
process kaya wala pang lumalabas na nag-purchase.

6. Ano pong mas magandang paper? Bulky newsprint o cream paper?

- We have different preferences. Ang bulky newsprint ay mas magaan at rough ang texture.
Overtime, nagdidilaw 'to. Ang cream paper naman ay mabigat at kadalasang ginagamit sa mga
self-published books. Smooth din ang texture. Ito 'yong nanalo no'ng nagpa-poll ako. Most
collectors (based from what I've read in the comments) prefer this over bulky newsprint. Hindi
kasi nagdidilaw. 'Yon nga lang, mas mahal talaga.

7. May COD po ba?

- Depende po kung saan kayo oorder.

Please leave a comment if you have more questions. I'll try to respond in the comments section.
Here's a book sample from LIBOfficial:

Sa mga bibili, may planong bumili, o nakabili na, thank you so much po! Actually, na-amaze ako
na may mga bumibili talaga ng physical copy kahit na free and available naman dito sa Wattpad.
Hindi ko po ide-delete 'to o ilalagay under Paid Program, kaya okay lang kahit hindi kayo
gumastos. We all have bills to pay and responsibilities to attend to, so make sure that buying
this book will not jeopardize your needs. Priorities muna lagi, syempre. Needs > Wants.

Maraming salamat po sa pagmamahal at pagsuporta sa unang libro ko! Without you, CTS
wouldn't have gotten this far.

This achievement is ours.

🅰


🌖
Parts: 47

Font size: 18

Wattpad.com

Wattpad Downloader

You might also like