Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.3
Panitikan: Sanaysay
Teksto: “Nang maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama”
Wika: Mga Pahayag sa Panghihinuha ng Pangyayari
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIIf-g-15)


 Nahihinuha ang kaalaman at motibo/ pakay ng nagsasalita batay sa
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ((F7PB-IIIf-g-17)


 Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga
pantulong na kaisipan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ((F7PT-IIIf-g-15)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha.

PANONOOD (PD) ((F7PD-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng
napanood na dulang pantelebisyon.

PAGSASALITA (PS) ((F7PS-IIIf-g-15)


 Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng tauhan na hindi tuwirang
ibinibigay ang kahulugan.

PAGSULAT (PU) ((F7PU-IIIf-g-15)


 Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari sa
teksto.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) ((F7WG-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng pangyayari.
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIIf-g-15)


 Nahihinuha ang kaalaman at motibo/ pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Sanaysay


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Kalinangan workteks sa Filipino 7
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S ON YOUR MIND?)


May inihandang katanungan ang guro sa klase. Kukuha ang mga mag-aaral ng
kapirasong papel upang isulat ang sagot sa katanungan. Pipili ang guro ng piling mag-
aaral upang ipaliwanag ang kanilang sagot.
Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong napansin sa ating ginawang gawain?
b. Madalas din ba kayong mag-post ng inyong hinaing sa facebook?
c. Ano-ano ang mga midyum na ginagamit sa pakikipagtalastasan?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang motibo o pakay ng nagsasalita sa sanaysay na “Nang maging


Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama”?

1. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA!)


Pagpapabasa ng sanaysay gamit ang estratehiyang dugtungang pagbasa.

“Nang Maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama”

ANALISIS

1. Anong damdamin ang namutawi sa inyo habang binabasa ang sanaysay?


2. Bakit may mga taong hindi maipahayag ang kanilang saloobin o opinyon?
3. Isa ba kayo sa mga taong nagbabahagi ng saloobin sa social media gaya ng
facebook?Bakit?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( TANONG KO, SAGUTIN MO)


Magbibigay ang guro ng mga katanungan sa mga mag-aaral at hihingin ang saloobin nila
hinggil dito.

1. Sa inyong palagay, ano ang motibo o pakay ng nagsasalita sa sanaysay?


2. Paano nakatulong ang Internet sa pagbibigay ng hinaing ng may akda?
3. Bakit kailangang gamitin natin ang karapatang magbahagi ng saloobin o opinyon?
4. Bakit kailangan nating limitahan ang paggamit ng Internet sa pang-araw-araw na
buhay?
5. Paano mo magagamit sa personal mong buhay ang mga gintong aral na iyong
nakuha sa napakinggan?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ayon sa akdang “Nang maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama” halos
lahat na ng bata ay gumagamit na ng internet. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Mendiola
sa akda?
Ang Mendiola ay isang lugar na maraming tao na nagpoprotesta na kung saan ay
may dala silang plakards para ipakita ang kanilang mga opinyon at saloobin hinggil sa
mga usapin o isyu. Duon sila ay walang takot at Malaya nilang naipaparating ang
kanilang mga saloobin. Ngunit iba na ang panahon ngayon mayroon na tayong social
media gaya na lamang ng facebook, tweeter at instagram.
Motibo o Pakay sa Pagsasalita
1. Magbigay-aliw
2. Makapanghikayat
3. Magbigay impormasyon

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( POST IT)

Magsusulat ang bawat pangkat ng status sa facebook tungkol sa motibo o nais iparating
na mensahe ng napakinggang sanaysay na “Nang naging Mendiola ko ang Internet dahil
kay Mama”.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 25

Organisasyon ng mga
Kaisipan 10

Kaisahan ng Pangkat 15
KABUUAN 50

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa sanaysay na


“Nang maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama”. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Ano ang mahihinuhang kaisipan na nais iparating ng “ Naging Mendiola ko ang


Internet dahil kay Mama”?
a. Sumunod sa ating mga magulang dahil mas alam nila ang tama at mali.
b. Huwag mahihiyang magpahayag ng sariling saloobin tungkol sa mahahalagang
isyu sa lipunan.
c. Ipagsawalang-kibo at hayaan na lamang ang mga isyu sa lipunan.

2. Paano ninyo bibigyang kahulugan ang social media?


a. Ang social media ay nagbibigay-aliw sa mga kabataan.
b. Ang social media ay makatutulong upang makapanira ng ibang tao.
c. Ang social media ay isa sa mga instrumento upang maipahayag ang sariling
saloobin ng mga tao.
3. Ano ang inyong mahihinuha tungkol sa kasabihang “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig
para makapagsalita at utak para makapag-isip”?
a. Lahat ng tao ay may karapatang magpahayag ng sariling saloobin.
b. Pili lamang ang mga taong kayang magpahayag ng s aloobin.
c. Gamitin ang bibig upang magsalita at isipan sa mga importanteng sitwasyon
lamang.
4. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng pakialam sa ating lipunang ginagalawan at
kinabibilangan?
a. Dahil ito ay kailangan.
b. Dahil mawawalan tayo ng pakinabang sa lipunan kung hindi tayo mangingialam.
c. Dahil mayroon tayong responsibilidad bilang mga mamamayang kabilang sa
ating lipunan.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng tamang paghihinuha
sa mensaheng napakinggan?
a. Sumunod sa magulang dahil ang sinasabi nila ay para sa ating ikabubuti.
b. Gamitin ang karapatang magbigay ng sariling opinyon sa mga importanteng
sitwasyon lamang.
c. Lahat ng tao ay may karapatang magpahayag ng sariling saloobin.

Sagot:
B C A C B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga isyung nagaganap sa bansa.


2. Magsaliksik ng isang halimbawa ng sanaysay at ibigay ang pangunahing kaisipan
at pantulong na ideya na binabanggit dito.

You might also like