Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY

 1580-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin


ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. -sa mga nakabasa ng
Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok
at mga pagsisikap ng mga may-akda.
 1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga
saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “
Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.
 1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan
ang mga yapak ni Bacon. Isa na rito sina:Sir Thomas Izaak Walton– sumulat ng aklat na
pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at
pakikipagkaibigan.

Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y masusi
niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial.

John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin
ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na
sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy.

 1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel
Johnson, Oliver Smith atbp.

 1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at sining


naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa panahong ito ang
pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold atbp.

Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni
Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong
Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isinulat ni Francois de Rochefouldcauld
tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay si Voltaire. -
noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand
Brunetiere at Anatole France.

Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book na


nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na Ingles.
Nagkakaiba lamang sa istilo sapagkat higit na matimpi ang istilo ni Irving. -nakilala rin ang mga
sanaysay nina Ralph Waldo Emerson, John Burroughs, atbp. At sino ang hindi nakakikilala kay
Edgar Allan Poe na hindi lamang mahusay sa makata’t manunulat kund iisa ring institusyon sa
larangan ng pagsulat ng sanaysay.

Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at James
Russell.-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng mga sanaysay ng
ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s Magazine.

You might also like