Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MGA ELEMENTO NG TULA

Tagapag-ulat: Requioma, Gyne L.

1. SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
isda — is da —2 pantig
Mariveles — Ma ri ve les — 8 pantig
Mahal Kita — Ma hal Ki ta — 4 pantig

2. SAKNONG
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod).

Couplet—2 linya
Tercet— 3 linya
Quatrain—4 linya
Quintet—5 linya
Sestet—6 linya
Septet—7 linya
Octave—8 linya

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas ginagamit sa mga tula.

3. TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing
may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Halimbawa:
Kay hirap mang tanggapin na wala na sa aking piling,
Hanggang sa huli ikaw parin ang siyang hiling
Bawat saglit hinahanap kita ng labis
Oh aking sinta, kay bilis mong umalis.
4. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa:
Maganda- marikit
Mahirap- dukha o maralita

5. TALINGHAGA
Magandang basahin ang tulang ‘di-tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.

Halimbawa:
Nag-aagaw buhay- malapit ng mamatay
Nagbabanat ng buto- nagsusumikap

MGA URI NG SUKAT AT ANYO NG TULA


Tapag-ulat: Glennie Quisado
May apat na anyo ng tula
 Malayang Taludturan
 Tradisyunal
 May sukat na walang tugma
 May tugma na walang sukat
1. Malayang Taludturan
Walang sinusunod ng sukat, tugma o anyo.

Halimbawa:

Bukas ko Isa-isang Itatapon


ni: Avon Adarna

Bukas ko isa-isang itatapon


Ang mga multo ng kahapon,
Isasapi ko sa mga alon,
Ang luha kong bumabalong.

Harinawang magtagumpay
Sa pag-iiba nitong lakbay,
Kasihan sana ang saysay,
Nang mawala itong lumbay!

Ang dumi kong kalooban,


Ilalaglag ko sa daan,
Pagbalik ko sa hangganan,
Iba na akong nilalang!

At sa puti ng alapaap,
Harinawang tumalab,
At makita ang kislap,
Nitong Poong maliyag!

2. Tradisyunal
May sukat, tugma at mga matalinghagang salita katulad ng mga tulang isinulat ni
Dr. Jose Rizal.

Halimbawa:

Sa Aking Mga Kababata


ni Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang Kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong Kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
3. May sukat na walang tugma o Berso Blangko
Tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit hindi magkasingtunog o hindi
magkatugma ang huling pantig.
Halimbawa:
ALAALA ng mga Naiwan
ni Jose Lacaba
Si Bantay na asong hari na ng tapang
Tigasin, ang maton ng sangkaasuhan,
Ngayon ay narito sa aming bakuran,
Hindi gumagalaw, matigas na’t patay.
Marami ang galit kay Bantya, alam ko.
Una na’y ang kanyang mga kapwa-asong
Sa away ay laging sugatan at talo.
Pero marami ring galit na tao –

Mga kinahulan, tinakot, hinabol,


Mga nasaksakan ng ilang inikisyon.
Ako man, madalas, galit sa asong iyan –
Ang tigas ng ulo, di mapagsabihan.

Ang tingin ko ngayon sa ayos ng bangkay,


matapang na lason yata ang pumatay –
walang dugo’t sugat; wala kahit latay.
Pataksil pinawi ang tapang ni Bantay.
Sapagkat si Bantay, aso naman namin,
Sa aming looban ko siya inilibing.
Pero para sa kanya’y walang dalangin,
Ni walang hagulgol na handog ang hangin.

4. May tugma na walang sukat


Walang tiyak na bilang ang mga pantig sa bawat taludtod ngunit magkasingtunog
o magkatugma ang huling pantig.

Halimbawa:
Iniwan mong sugat sa puso’y nakatatak pa
Pilit mang limutin ka’y di ko magawa pa
Iniwan mo akong nag-iisa
Habang nagtataka sa kung ano ang aking nagawa
Kay hirap mang tanggapin na wala na sa aking piling,
Hanggang sa huli ikaw parin ang siyang hiling
Bawat saglit hinahanap kita ng labis
Oh aking sinta, kay bilis mong umalis.

You might also like