Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School

Date
GRADE Three Lily
Topic Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid, Liquid at Gas
Learning Pagbabagong Nagaganap sa mga Bagay Sanhi ng Temperatura
Competency Curriculum Guide: Code S3MT-Ih-j-4
Learning Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila kapag ito ay nainitan at lumamig.
Objective

References Growing with Science and Health 3, The New Science Links 3, K to 12 Curriculum Guide
in Science 3, TG and LM, Internet

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral/ Elicit

1. Ano ang temperature ng nasa larawan?

A.___°C B.___°C

2. Paano natin isinusulat ang binasang temperatura ng isang bagay? Ano ang tawag sa mga ito?
(thermometer)(Mathematics and English integration) Ipa-spell angthermometer

3. Ano kaya ang mangyayari sa temperature ng bagay


kung paiinitan?
Ano ang mangyari sa temperature kung palamigin?
4. Balik aralan muna natin ang pagkakaiba sa temperature ng
malamig na tubig at tubig na galing sa gripo, ano ang
pagkakaiba nila?
2. Pagganyak
May mga bagay na maaring magbago ng anyo sa pamamagitan ng init. Tulad ng kandila,
ano kaya ang maaring pagbabagong mangyari sa kandila? Magbabago ba ito kung paiinitan?
Kung palamigin magbabago din kaya?
Ipahanda ang mga kagamitan para sa pangkatang gawain.
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain
(Ipaalala ang mga tutntunin na dapat sundin ng bawat kasapi ng pangkat sa pangkatang
gawain)
 Pamamaraan ng Paggawa
1.Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela. Ilagay ang piraso ng maliit na kandila sa kutsara.
Tingnan ang nasa larawan.
2. Nasa anong anyo (solid, liquid, gas) ang maliliit na piraso ng kandila?
3. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihantulad ng nasa larawan.

4. Hawakan ang kutsara at ilagay sa tapat ng may sinding kandila.

5. Initin ang kutsara na may lamang maliliit na piraso ng kandila ng limang (5) minuto. Tingnan at pag-
aralan ang mangyayari sa kandila.

- Ano ang nangyari sa maliliit na piraso ng kandila?

Paalala:Ang kutsara ay iinit. Mag-ingat sapaghawak.


(ESP integration)

- Mayroon bang nagbago sa anyo ng kandila? Anong anyo


mayroon ito ngayon?
-Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila?
- Ano ang epekto ng init sa kandila?

6. Alisin ang kutsara sa tapat ng may sinding kandila.


7. Maghintay ng ilang minuto hanggang lumamig ang kandila.
Suriin at alamin kung ano ang nangyayari sa kandila.
- Anong nangyari sa kandila ng pinainitan?
- Anong nangyari sa kandila ng lumamig?
a. Mayroon bang pagbabago sa anyo ng kandila?
Anong pagbabago ang nangyari? Ilarawan.
b. Bakit may pagbabago sa kandila? Magbigay ng hinuha.
c. Ano ang epekto ng pag-alis ng init sa kandila?
2. Pag-uulat ng bawat pangkat/ Explore
Pamantayan Puntos
1. Lahat ng kasapi ng pangkat ay kabisado ang gingawa. Ang bawat kasapi ay mayroong 15
pagtutulungan at pagkakaisa sa kanilang ginagawa. Buong husay na naipakita ang kanilang
husay sa kanilang ginagawa.

2. Ang 2-3 kasapi ng pangkat ay hindi ganong kabisado ang kanilang ginagawa. Ang 2-3 9
kasapi ay di kinakikitaan ng pagkakaisa at pagtulong sa kanilang ginagawa.

3. Ang 4 o higit pang kasapi ng pangkat ay hindi gaanong kabisado ang kanilang ginagawa. 8
Ang 4 o higit pang kasapi ay hindi kinakikitaan ng pagkakaisa at pagtulong sa kanilang
ginagawa. Hindi nabigyan ng buong atensyon ang ginagawa

4.Hindi lumahok sa pangkatang gawain 7

3. Pagproseso/Pagtalakay ng mga sagot ng bawat pangkat/ Explain

4. Pagbubuo ng Konsepto/Elaborate
Anong pagpapalit anyo ang nagbago o nangyari sanatunaw na kandila
5. Konsepto
Ang kandila nang matunaw ay nagbagong anyo mula solid tungo sa pagiging liquid. Ang ibang lusaw na
kandila ay sumama sa hangin (nag-evaporate) bilang gas (usok).
Nang muling palamigin ang lusaw o tunaw na kandila ay nagbalik itosa anyong solid.
Anong mga solid pa ang maaring magpalit ng anyo kapag nainitan o nalamigan?

Papanoorin ang mga bata ng VIDEO tungkol sa epekto ng init sa pang-araw araw na pamumuhay.

IV. Pagtataya/ Evaluate

Isulat ang Tama o Mali ang bawat pangungusap.


______1. Ang kandila ay solid.
______2. Kapag natinitan ang kandila ito ay nagiging liquid.
______3. Hindi nagbabago ang anyo ng kandila kahit mainitan.
______4. Kapag muling nalamigan ang kandilang lusaw ay nagiging solid ito.
______5. Nakaapekto o nagging dahilan ang init sa mga pagbabago ng anyo ng mga bagay.
V. Takdang –Aralin/ at Kasunduan/ Extend

A. Magdikit ng 5 larawan ng mga solid sa inyong notebook na nagbabago ang anyo kapag pinainitan.

B. Magdala ng mga sumusunod na kagamitan ang bawat pangkat.


beaker/babasaging lalagyan,tubig,pangguhit/pananda o marker

Prepared by:

Monica Lourdes S. Perez


Teacher I

Noted By:
Filip P. Canas
Principal 1

You might also like