Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN NOTES kukuhanin ang pamumuno ng mga Espanyol

sa Intramuros.
QUARTER 4: MODULE 5 & 6 7. Zambal Revolt (1681-1683). Isang pangkat
Ang Partisipasyon ng Iba’t - ng mga pinuno, datu ng Zambales ang
Ibang Rehiyon at Sektor sa tumangging magpasakop at kilalanin ang
Pakikibaka ng Bayan pamumuno ng mga Espanyol ngunit hindi
nagtagumpay.
1. Pag-aalsa ni Dagami (1565-1567). Ang
pamilya-Dagami ng Leyte ang namuno sa 8. Pag-aalsang Agraryo (1745). Ito ay isang
rebolusyon laban sa mga Espanyol noong pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga
1567. prayle at mga orden ang mga lupang pamana
sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral
2. Pampanga Revolt (1585). Ang pag-aalsa ng
domain.
mga Pampangueno na nagprotesta sa mga
pang- aabuso ng mga encomendero. Ang Partisipasyon ng mga
3. Conspiracy of the Maharlikas (1587-1588) Kababaihan sa Pakikibaka ng
o “Tondo Conspiracy”. Ang samahang Bayan
binubuo ng mga maharlika o pangkat ng mga
datu ng Maynila, Bulacan at Pampanga at Gabriela Silang – Siya ang asawa ni Diego
kanilang mga kaanak upang ipaglaban ang Silang na nagpatuloy sa naudlot na
kanilang mga karapatan sa kanilang mga pakikipaglaban ni Diego sa mga Espanyol
nasasakupan. Tinaguriang “Unang Babaeng Heneral” at
4. Cagayan at Dingras Revolt (1589). Ang “Unang Babaeng Martir” dahil sa kanyang
pag-aalsang nabuo laban sa pagbabayad ng katapangan at kagitingan para sa kapakanan
tributo o buwis at pagmamalabis ng mga ng bayan. At dahil sa kanyang katapangan, ito
conquistadores na nananakit at umaabuso sa ang naging inspirasyon sa pagtatag ng
mga Ilokano at taga Cagayan. partido pampolitika na Gabriela sa
kasalukuyan.
5. Pag-aalsa ng mga Igorot (1601). Ang
rebolusyon ng mga Igorot na ayaw
magpasailalim sa kagustuhan ng mga
Espanyol na talikuran ang mga paniniwala ng
kani-kanilang mga relihiyon.
6. Pag-aaklas ng mga Intsik (1603). Nagsunog
at naglunsad ng pag-aaklas ang mga Tsinong
mangangalakal at mayayaman na naninirahan Gregoria de Jesus – Siya ang kabiyak ni Andres
sa Legarda at Binondo na binantaan na Bonifacio na tinaguriang “Lakambini ng
Katipunan”. Kilala sa tawag na “Oriang”, kauna-
unahang babaeng miyembro ng samahan. Siya Melchora Aquino – Kilala sa tawag na “Tandang
ang tagapagtago ng mga lihim na dokumentong Sora” at binansagang “Ina ng Katipunan” dahil
panrebolusyon. sa edad na 84, ang kaniyang bakuranang
nagsilbing himpilan ng Katipunan at tinanggap
niya sa kanyang pamamahay ang mga
rebolusyonarong humingi ngtulong, pagkain,
salapi at panggamot.

Gliceria Marella de Villavicencio – Mula sa


angkan ng mayayaman sa Batangas, siya at ang
kanyang asawa ay sinusuportahan nila ang
rebolusyong 1896. Ipinagamit ang kanilang
kamalig sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Teresa Magbanua – Nagmula siya sa mayamang
Katipunero at siya ang nagsilbing espiya. angkan ng Pototan, Iloilo na piniling sumanib sa
Katipunan. Nakilala siya sa husay sa pamumuno
at tinawag siyang “Nay Isa”. Siya ang unang
babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang
“Joan of Arc ng Visayas”. Isa siya sa ilang mga
Pilipino na nakibahagi sa lahat ng tatlong
digmaan laban sa mga imperyalismong mga
bansa.
Patrocinio Gamboa – Siya ay taga Ilo-ilo na
mula sa mayamang angkan ng mga ilustrado.
Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng
pondo para sa rebolusyon. Mahusay niyang
naitawid ang bandila ng Pilipinas laban sa mga
bantay ng mga Espanyol. Nakarating ito sa
tamang oras at nailadlad ang watawat sa Agueda Kahabagan y Inquinto – Nagmula sa
pagdiriwang ng anibersaryo ng Pamahalaang bayan ng Sta. Cruz, Laguna at nagsilbing
rebolusyonaryo sa Sta. Barbara, Iloilo. tagapuslit ng mga gamit pandigma noong 1896.
Siya ay kilala bilang si “Heneral Agueda” dahil
sa kanyang katangi-tanging katapangan na
nanguna kasama si Hen. Artemio Ricarte sa
pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San
Pablo, Laguna noong Oktubre 1897.
Marcela Agoncillo – Binansagan siyang “Ina ng
Watawat ng Pilipinas” dahil siya ang
pangunahing tagahabi ng una at opisyal na
watawat ng Pilipinas sa utos ni Hen. Emilio
Aguinaldo.

Marina Dizon – Dinala siya ni Emilio Jacinto sa


bahay ni Don Restituto Javier at nanumpa bilang
kasapi ng Katipunan at isa sa mga unang
kasaping babae. Siya ang tagapag-ingat ng
mga dokumento ng Katipunan at sinunog niya
ang mga ito nang maganap ang mga pagdakip
noong Agosto 1896.

Trinidad Perez Tecson – ang babaeng bayani ng


Himagsikang Pilipino at kilala bilang “Ina ng
Biak-na-Bato”. Isa siya sa iilang kababaihan na
humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng
mga kalalakihan sa rebolusyon. Binansagan din
siyang ina ng Red Cross sa Pilipinas para sa
kaniyang paglilingkod sa mga kasamahang
Katipunero.
Agueda Esteban – Siya ay isang babaeng
katipunero, na siyang tagabili ng bala at
pulbura sa Maynila. Dinadala niya ito sa kanyang
asawa na noon ay nasa Cavite na si Mariano
Barroga.

You might also like