PAGSULAT NG SARILING ABSTRAK Activity

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSULAT NG SARILING ABSTRAK

Basahin at suriin ang isang halimbawa ng pananaliksik na nakalakip dito pagkatapos ay igawan ito ng abstrak batay sa
gabay at kraytirya na nasa ibaba.
1. Pamagat: Malikhaing Gawain at Performans ng mga Mag-aaral sa Filipino-7
2.Hilda C.Dawayen
Baguio City High School
Governor Pack Road, Baguio City
Taong Panuruan 2016-2017
3. Panimula: Ang ‘Mga Malikhaing Gawain sa Filipino 7 para sa Ikalawang Markahan bilang Interbensyon’ ay inasahang
makatutulong nang labis upang matutunan din ng mga mag-aaral ang mga paksang aralin na di nila lubusang
naunawaan o natunghayan sa araw ng kanilang pagliban. Mabibigyan din sila ng pagkakataon na maipagpatuloy ang
kanilang interes sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa oras na maluwag para sa kanila.
Ayon kay Manto (2007), ang kumprehensibong pagtuturo ng Filipino sa paaralang sekondarya ay nangangailangan ng
paggamit ng mga napapanahong istratehiya. Ang mga ito ay mahalaga at nagagamit upang magkaroon ng interes at
paggiliw ang mga mag-aaral sa Filipino. Ang ilan sa mga epektibo at napapanahong istratehiya ayon kay Manto ay ang
mga sumusunod: a. training o pagsasanay; b. pagpuupulong; c. convention/ conference; d. panonood ng video sa tamang
paggamit ng istratehiya; e. malawakang talakayan/ “brainstorming”; at f. paggamit ng mga malikhaing kagamitan o mga
gawain.
4.Layunin: Sa pananalisik na ito, gusto kong mabigyan ng malinaw at tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na
katanungan 1) Ano ang antas ng pang- akademikong performans ayon sa bigat ng pagpapahalaga (mean) ng Pre-test
score sa Filipino ng mga mag-aaral sa Grade -7 na madalas lumiliban sa klase bago isakatuparan ang paggamit ng “ Mga
Malikhain Gawain o Pang-Interbensyong Kagamitan”? 2) Ano ang bigat ng pagpapahalaga (mean) ng Post-test score sa
Filipino ng mga mag-aaral sa Grade -7 na madalas lumiliban sa klase pagkatapos isakatuparan ang paggamit ng “ Mga
Malikhain Gawain o Pang-Interbensyong Kagamitan”?. 3) Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang pre-test at post –
test ng mga mag-aaral na may mababa o bagsak na marka sa Filipino-Baitang 7? 4) Gaano kaepektibo ang paggamit ng
mga Malikhaing Gawain o Pang-Interbensyong Kagamitan sa pang-Akademikong Performans ng mga mag-aaral na may
mababa o bagsak na marka sa Filipino-Baitang 7?
5. Pamaraan: Disenyo ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, ang “descriptive comparative research” o palarawang paghahambing na disenyo ang ginamit ko sa
pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa paghahambing ng ng mga datos at impormasyong nalikom ukol sa Paggamit ng
‘Mga Malikhaing Gawain sa Filipino 7 para sa Ikalawang Markahan bilang Interbensyon’ sa pagtuturo. Halimbawa,
Hakbangin, at Sakop ng Pag-aaral Isinagawa ang “purposive sampling” kung saan pinili ang mga mag-aaral sa
Filipino na nasa Grade 7 na may maraming araw na pagliban sa klase sa Ikalawang Markahan
6. Pamamaraang Statistical
Batay sa mga nakuha at nakatalang datos, ginamit ko ang mean at paired sample T-test upang suriin ang mga ito. Ginamit
ko ang pangunang datos tulad ng iskor sa pre at post test na nasa class record.
Binibigyang-diin sa bagong kurikulum ang kahalagahan ng pagsasanib ng pagpapahalaga sa lahat ng asignatura.
Samakatuwid, ang guro sa Filipino ay hindi lamang guro ng wika at panitikan kundi guro rin ng edukasyon sa
pagpapahalaga.
May kamalayan ang guro sa bisyon ng DepEd para sa mag-aaral na Pilipino at nililinang niya sa kanyang mga aralin sa
Filipino ang mga pagpapahalagang Pilipino. Ang mga ito ay hindi na bago para sa guro sa Filipino sapagkat ginagawa na
ito sa datihang kurikulum.
7. Konklusyon
Mula sa mga natuklasan sa pag-aaral na ito, narito ang mga sumusunod na konklusyon:
Ang paggamit ng Mga Malikhaing Gawain o mga materyal bilang mga Interbensyon ay may makabuluhang bisa sa pag-
angat ng performans ng mga mag-aaral sa Filipino 7.
Sa pamamagitan ng mga Malikhaing Gawain o mga Materyal bilang mga Interbensyon ay mabibigyang pagkakataon ang
mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang interes sa patuloy na pagbabasa ng kanilang aralin hindi
natunghayan dahil sa pagliban. Ang paggamit ng Malikhaing Gawain o mga Materyal bilang mga Interbensyon
ay napakaepektibong nakapagdudulot ng mas mas malalim na kaisipan at kahusayan sa mga mag-aaral.
Ang Malikhaing Gawain o mga Materyal bilang mga Interbensyon ay nakakatulong a mga mag-aaral na matutunan ang
mga paksang-araling di-lubusang naunawaan ng mga mag-aaral sa araw ng pagliban.
8. Rekomendasyon
Ipagpatuloy at lalo pang palaguin ang paghahanda at paggamit ng mga Malikhaing Gawain
o mga Materyal bilang Interbensyon. Lalo pang pagibayuhin at pagbutihin ng mga guro ang paggawa at paggamit ng
mga Malikhaing Gawain o Interbensyon upang mas makamtan pa ng lubos ang mas malalim na layuning nais iparating ng
aralin sa mga mag-aaral.

Sumulat ka na ngayon ng isang abstrak ng Pananaliksik gamit ang mga sumusunod na gabay at rubrik ng pagmamarka.
1. Pangalan ng mananaliksik, pamagat ng pananaliksik, paaralan, address, taon kung kalian natapos
2. Tagapayo (kung mayroon)
3. maikling panimula
4. layunin o kahalagahan ng nasabing pag-aaral
5. ang pamamaaraang ginamit
6. ang kinalabasan ng pananaliksik
7. kongklusyon

Rubrik ng Pagmamarka (10 ang pinakamataas at 7 ang pinakamababa)

Katangian 10 8 7
1. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

3. Gumamit ng mga simple,malinaw at direktang mga pangungusap.


Kabuuan:

You might also like