Sanaysay Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

G-TEC

(Galing-Talino, Eksperto sa Commentario)


Ni: Cherry Pie C. Verano
BSEd- Filipino 3B

Maraming mga taon ang lumipas sa ating buhay na tila araw at gabi na hindi natin
namamalayang lumilipas. Hindi natin napapansin na ang lahat ng ating mga karanasan ay
naisulat na ng ating mga yapak sa lupa. Ang pagsulat ng mga nagdaan ay parang ulan na
sadyang umiiyak kapag puno na ang salop. Maganda man o masama ang lumipas, parte na ito
ng ating buhay na siyang kumukumpleto sa kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan. Mahalaga
pa ba ang nakaraan para malaman kung ano ang nasa kasalukuyan?

Bilang isang indibidwal na mahilig magsulat, ang G-TEC ang siyang paborito at kasangga
ko sa pang-araw-araw na pag-aaral. Ito ay isang bolpen na matulis ang dulo. Tuwing ako ay
bumibili ng bolpen ito ang kinukuha ko, sa kadahilanan na ito ay may magandang sulat sa mga
papel, medyo may kamahalan nga lang. Hindi lang pansulat ang gamit ng bolpen, marami pa
itong inirerepresnta sa buhay ng isang tao.

Bolpen ang siyang sumusulat ng ating mga karanasan na napagdaanan. Bukod sa mga
nakaraan mas magagamit natin ito para baguhin ang takbo ng ating buhay. Isang maliit at
matulis na bagay lang ito pero malaki ang naging ambag sa ating buhay. Wala tayo sa kung
saan tayo ngayon kung hindi dahil sa bagay na ito. Sumasalamin ito bilang pinakamahalagang
parte ng ating buhay. Sa paggamit pa lamang nito, nagsisilbi na itong boses ng ating isipan, ng
mga ideya na mahirap ipahayag sa personal na paraan. Maraming uri ng bolpen, pero itong G-
Tec ang siyang tumatak sa akin dahil iba ang nadadala nitong saya tuwing ginagamit ko ito.

Ang G-TEC ay katulad ng isang kahoy na marami ang gamit sa buhay. Ito rin ang
nagbibigay kulay sa mga karanasang naisulat sa memorya ng bawat indibidwal.
Nagpapaliwanag ito sa kasalukuyan para mas maharap natin ang mga suliranin na darating. Ito
rin ang nagsisilbing ilaw para mas maging matapang na labanan ang lahat ng kadiliman na
bugso ng mga hindi magagandang pangyayari. Ang bolpen ang humuhubog sa atin para mas
lumaban at patuloy na bumangon mula sa pagkakalugmok. Makikita sa tulis ng G-TEC ang
maaliwalas na bukas na siyang makakapitan sa mga oras ng pangangailangan. Ito ay may
malaking halaga, mataas ang halaga, at palaging nakikita ang halaga. Wala akong maitulak
kabigin sa mga mahahalagang bagay na dulot ng paggamit ng G-TEC. Mura man o mahal, ang
mahalaga na ito ay nakapagpapasaya sa akin. Ika nga ng marami, “mas makapangyarihan ang
panulat kaysa baril o espada”.

Paano ko nga ba ito maihahalintulad sa aking sarili? Galing na mayroon ako, galing sa
pag-aalaga at pagpapahalaga sa kung ano ang mayroon ako. Talino na ginagamit ko para mas
makaahon sa mga pagsubok at kawalang-hiyaan ng kahirapan na siyang dahilan ng paghihirap
namin. Ang pagiging esksperto ko sa pagbigay commentario ay isang paraan ko para mas
maipahayag ang aking mga ideya na siyang nagiging hingahan ko sa oras na malapit ng
sumabog ang aking utak sa mga gawain. Ang halaga ng G-TEC ay kagaya ng halaga ko bilang
tao. Handa kong ubusin ang aking talino at galing makapagbigay saya at makatulong sa
pamilya. Magaling akong magbigay ng komentaryo, sa sobrang galing ko minsan nakakasakit
na ng damdamin ng kapwa ko tao. Ito ang paraan ko para maipalabas ang mga ideya ko sa
pasalita na pamamaraan. Kagaya ng bolpen na G-TEC, maliliit ang sulat pero sa kahabaan ng
panahon na gamit ito hinay-hinay na kumukumpleto sa kung ano ang kulang sa aking pamilya
at aking sarili.Ang bahay ay nagiging makulay dahil sa aking presensiya. Kagaya ng tao, hindi
ako naniniwala na ang bolpen ay isang bagay na walang buhay, mahalaga ito na dapat nating
ingatan at protektahan.

Ang buhay natin ay parang buhay ng isang bolpen, hinay-hinay tayong nauubos at parang
tintang nagpapahiwatig ng karanasan at napagdaanan. Ang nakaraan ang siyang magiging
gabay natin sa kung paano ang magiging bukas. Lahat ng mga bolpen na dumaan sa ating mga
kamay ay siyang nagrerepresenta ng mga pangyayari na mahalaga sa ating buhay bilang isang
indibidwal. Ang pagsulat gamit ang ating memorya ay isang paraan ng pagtanggap din natin sa
mga taong dumaan sa ating buhay. G-TEC, patuloy na humuhubog sa aking buhay bilang isang
ina, estudyante at tao sa lipunan na sana’y magiging magandang modelo sa karamihan.
Cherry Pie C. Verano Marso 1, 2024
BSEd-Filipino 3B Biopoem

Clara,
Maganda, masiyahin, matapang, at hindi kalakihan,
Anak nina Emma at Dan,
Nagmamahal sa mga pamangking palaging may pangangailangan,
Nagagalit, napapagod, at sinusumpong minsan,
Nangangailangan ng pagkalinga, pag-unawa, at kalayaan,
Nagbibigay ng pagmamahal, tsokolate, at laruan,
Takot sa dugo, multo, at pitakang walang laman,
Nais niyang makita ang mga kapatid na nasa magandang kalagayan,
Mamamayan ng Libo-o, lungsod ng Mlang,
Cercado ang huling pangalan.

You might also like