Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Debelopment ng Kompyuterisadong Sistemang Pang-eleksyon para sa

Supreme Student Government ng Politeknikong Unibersidad ng


Lungsod Matapat ni Trishia May R. Guiang
I. Abstrak

Ang panukalang proyekto na ito para sa debelopment ng isang kompyuterisadong sistemang pang-
eleksyon para sa Supreme Student Government ng Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat ay
may tiyak na layuning makabuo ng isang fully-automated na programa para sa eleksyon ng mga opisyales
nito, magawang kustomisado ang programa para sa mge ekeksyin ng bawat kolehiyo, at maimplementa
ang programa bilang isang local area network na sistema. Pamumunuan ang proyektong ito ni G. Albert
Tan, analyst, mula sa University Computer Technology Center. Ang pangkalahatang debelopment ay
gagawin ng isang pribadong programer na may matatag na karanasan sa pagdebelop ng mga katulad na
sistema. Tigdalawang student intern na may espesyalisasyon sa programming, networking, at information
system’s management ang kukunin bilang support staff ng proyekto. May kabuuang badyet itong PhP
283, 000.00 na ilalaan para sa sahod at kagamitang kakailanganin. Magsisimula ang proyekto sa Agosto
15 at inaasahan itong matatapos sa Enero 15 ng susunod na taon.
II. Konteksto

Ang pagpili ng kinatawan at lider ng mga estudyante sa isang kolehiyo o unibersidad ay isang mahusay
na paghahanda para sa aktwal na karanasan sa pagpili ng mga mamumuno sa mga bayan, lalawigan, o syudad
na kinabibilangan nila. Sinasabi nga na ang pagboto bilang isang karapatan ay nagbibigay sa bawat isa,
mayaman man o mahirap ng isang pantay na pagturing sapagkat hindi ito kumikilala sa estadong ekonomiko
o estadong edukasyonal (Tan, 2016). Sinasabi rin na sa pagboto ng mga estudyante, nagkakaroon sila ng
kasanayan sa wastong pagpili ng mga karapat-dapat ba lider na mangunguna sa kanila.
Sa halos lahat ng unibersidad at kolehiyo kung saan nabibilang ang Politeknikong Unibersidad ng
Lungsod Matapat, naging kasanayan na ang taunang pagpili para sa estudyanteng lider. Bahagi na ito ng
kulturang umiiral sa unibersidad para sa kaniyang mahigit na sandaang taong pag-iral (Que, 2005). Ayon sa
pag-aaral ni Manuel (2010) sa historikal na paglago ng politika sa unibersidad, karaniwang napipili ang mga
estudyanteng aktibong nagsusulong ng mga karapatan ng mga estudyante. Nabanggit rin sa kaniyang pag-
aaral na nagkaroon ng mga haka-haka ng ‘di makatarungang resulta na hatid ng gitgitang laban mula sa
kandidatong estudyante (m.p.25-30). Ayon pa sa isang pag-aaral na tumutuon din sa students’ politics sa
unibersidad, nangyayari raw ang mga katulad na insidente, na maaaring sinadya o hindi, dahil sa lumalaking
bilang ng botante na umaabot na sa 26 na libong estudyante (Carpio, 2012, m.p. 110-111). Dahil din sa
pangyayaring ito, napansin pa ng mananaliksik na mabagal ang daloy ng proseso at nababahiran ang mga ito
ng ilang kontrobersiya na kalauna’y wala namang kongkretong ebidensya (p.113).
Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na’t tumataas pa ng 25% ang bilang ng
populasyon na umaabot na ng 39 libong estudyante, isang pangangailangan ng unibersidad ang isang
kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa Supreme Student Government.
III. Katwiran ng Proyekto

A. Suliranin
Taunang isinasagawa ang eleksyon para sa mga opisyales ng Supreme Student Government
Organization ng Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat. Dahil umaabot na sa 39, 000 ang
kabuuang populasyon ng unibersidad, ang pagsasagawa nito ay nagiging mahirap na at madalas
nababahiran ng mga kontrobersiya. Maliban dito, ang unibersidad ay kilala rin bilang sentro ng
kahusayan sa edukasyong kompyuter ngunit ang masalimuot na proseso ng student election ay
isinasagawa pa rin ng manwal na maaari naman sanang magawan ng isang kompyuterisadong sistema.
B. Prayoridad ng Pangangailangan

Kailangan ang pagkakaroon ng isang kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa mga


estudyante sapagkat mahalagang walang bahid ng pagdududa ang mga estudyante sa kanilang mga lider.
Maliban dito, karapatan din nila na magkaroon ng isang maayos at madaling proseso ng eleksyon dahil
bahagi rin ng kanilang bayarin ay nakalaan para sa student government organization. Maliban dito, dapat
maipakita ng unibersidad ang kaniyang kakayahan sa teknolohiya ng kompyuter bilang patunay ng
kaniyang estadong sento ng kahusayan sa edukasyong kompyuter.

C. Interbensiyon
Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga sumusunod na paraan:

A. Pagkuha ng isang pribadong programmer para maisagawa ang proyekto.


B. Pag-assign sa isang staff ng University Computer Technology Center
bilang pinuno ng pagsasagawa ng proyekto.
C. Pagkuha ng mga student intern mula sa Kolehiyo ng Araling Kompyuter
bilang mga support staff ng proyekto.

Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyunan batay sa suhestiyon ng iba’t ibang mga opisyales ng
bawat kolehiyo sa unibersidad na iniharap sa mga ginawang pagpupulong ng mga opisyales ng Supreme
Student Government Organization kasama ang kanilang mga tagapayo.
D. Mag-iimplememtang Organisasyon

Ang Supreme Student Government ang pinakaangkop na organisasyong magsasagawa nito sapagkat
sila rin ang direktang namamahala sa proseso ng eleksyon kasama ang Commission in Election ng
unibersidad. Batay sa masusing pagpili sa mga magsasagawa ng proyekto, masasabing may lubos na
kakayahan ang mga ito upang maisakatuparan ang pagbubuo ng isang kompyuterisadong sistemang pang-
eleksyon. Ang isang pribadong programmer na may karanasan sa katulad na sistema ang pipiliin na
nilahukan pa ng isang espesyalista mula sa University Computer Technology Center. Gayon din, pipili ng
mga katuwang na student intern na may espesyalisasyon sa programming, networking, at information
system’s management upang lalong mapabuti at mapadali ang pagsasagawa ng proyekto.
IV. Layunin

Layunin ng panukalang proyekto na ito na makapagdebelop ng isang kompyuterisadong sistemang pang-


eleksyon para sa Supreme Student Government ng Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat.

Tiyak na layunin nito ang sumusunod:


a. makabuo ng isang fully-automated na programa para sa eleksyon ng
Supreme Student Government;
b. magawang kustomisado ang programa para sa mga takot na eleksyon ng
bawat kolehiyo; at
c. maimplementa ang programa bilang isang local area network na sistema.

V. Target na Benepisyaryo
Estudyante ng unibersidad. Ito ang mga opisyal na nakatala sa iba’t ibang mga programa sa iba’t ibang
kolehiyo sa loob ng unibersidad. Dahil lahat naman ng estudyante ng unibersidad ay kasama sa Supreme Student
Government Organization, lahat sila ay makikinabang sa panukalang proyektong ito. Dahil kustomisado ang
sistema, maaari ring makinabang pa ang bawat kolehiyo ng unibersidad sa kanilang pangkolehiyong eleksyon.
Gayon din, makikinabang dito ang mga organisasyong pang-estudyanteng magsasaggawa rin ng mga pagboto.

VI. Implementasyon ng Proyekto


A. Iskedyul

Matutunghayan sa kasunod na talahanayan ang inaasahang oras ng


pagkakadebelop ng proyektong kompyuterisadong sistema:
B. Alokasyon
Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng listahan ng resorses na
pagkakagastusan:

Pagkakagastusan
Mga Aktibdad
Sahod/Allowance Ekwipment Iba pa

1 programmer
1. Pagpaplano sa (kalahating buwan)
Sistema

1 programmer
2. Pag-analisa sa (kalahating buwan)
Sistema
1 programmer, 2 IM
3. Pagdisensyo sa intern, 2 network
Sistema technology intern
(kalahating buwan)

4. Pagdebelop sa 1 programmer, 2 Lisensya


programmer intern para sa
Sistema
(dalawang buwan) Software

5 kompyuter @
35,000/yunit
5. Pagsubok at
1 programmer, 6 na intern 1 printer @ 7000
Ebalwasyon sa (isang linggo)
Sistema
Kagamitan sa
Networking @
10,00

1 programmer
6. Pagrebisa (hindi kailangang
bayaran dahil bahagi ito
ng serbisyo)

--
7. Instalasyon
(hindi kailangang
bayaran dahil bahagi ito
ng serbisyo)

C. Badyet
Narito ang panukalang badyet para sa proyekto:

Bilang ng
Pagkakagastusan Bayad/Yunit Kabuuang Bayad
Yunit
1 @ 3.75 na
Sahod ng programmer Php 20,000.00 Php 75,000.00
buwan
Allowance ng 2 @ 9 na
9,000.00
Programmer Intern linggo 500.00

Allowance ng Network 2 @ 3 na
linggo 500.00 3,000.00
Technolgy Intern
Allowance ng 2 @ 3 na
Information linggo 500.00 3,000.00
Management Intern
Kompyuter 5 yunit 35,000.00 175,000.00
Printer 1 yunit 7,000.00 7,000.00
Kagamitan sa -- 10,000.00
Networking 10,000.00
Lisensya ng Software 1,000.00 1,000.00
Kabuuang Badyet Php 283,000.00

VII. Pagmonitor at Ebalwasyon

Ang kinatawan mula sa University Computer Technology Center na siya ring analyst ng proyekto ang
magsasagawa ng monitoring at ebalwasyon. Kasama niya sa gawaing ito ang kasalukuyang kinatawan ng
Commission on Election, ang presidente ng konseho, at kanilang mga tagapayo sa konseho. Batay sa
masusing pag-uusap, lingguhan ang gagawing pagmonitor upang masiguro ang kalidad at oras ng
pagtatapos sa trabaho. Dito, nakapag-iskedyul na ng lingguhang pulong para sa programmer na siyang
pangkalahatang tagapamahala sa pagdebelop ng proyekto.

VIII. Pangasiwaan at Tauhan


Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng proyektong ito:

Pangalan Designasyon Responsibilidad


Albert J. Tan Analyst/ Pinuno ng Pinunong
Proyekto tagapag-analisa at
tagapag-aproba ng
anumang kailangang
gawin sa buong
proyekto.
Mark Christian Programmer/Pangkala Tagapagdebelop ng
Borromeo hatang Tagapamahala kompyuterisadong
sistemang
ngDebelopment pang-eleksyon.
Ron Jayson Carta Programmer (Intern) Tutulong sa
Maiko Timbal programmer para sa
debelopment ng
sistema. Kasama rin siya
sa pagsubok, ebalwasyon,
at
instalasyon nito.
Kris Tiu Networker (Intern) Tutulong sa pagdisenyo
April Sajulga ng sistema. Kasama rin
siya sa pagsubok,
ebalwasyon, at
instalasyon nito.
Dindin Guintinas Information System Tutulong sa pagdisenyo
Von Lee Manager(Intern) ng sistema. Kasama rin
siya sa pagsubok,
ebalwasyon, at
instalasyon nito.

IX. Ilakip dito ang mga kakailanganing dokumento. Hal. Mga liham na
kailangan sa pagpapaabruba, curriculum vitae ng mga nagpanukala, atbp.]
Gng. Sarah Jane A. Ferrer
Guro

You might also like