A - El Filibusterismo 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

A – El Filibusterismo 1

Ayon sa aking pag-aaral, ang El filibusterismo ay pangalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose
Rizal at Ito ay inialay niya sa tatlong pari na kilala sa bansag na 'Gomburza' o Gomez, Burgos at
Zamora. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere at tulad ng nasa libro, dumanas si Rizal ng hirap
habang isinusulat ang aklat na ito. Tulad ng Noli Me Tangere, ito ay nakasulat din sa kastila. Ang
mga nobelang ito ang magsisilbing buhay na alaala ng ating pambansang bayani na laging u-ukit
sa puso't isipan ng mga kabataan patungkol sa kalagayan, damdamin at pangarap ng lahing
Pilipino.

Ang pangunahing tema ng nobela ay nagpapakita na ang paghihiganti ay kailanman hindi


magiging solusyon, mabuti man ang intension nito o masama. Naipakita ang ganitong ideya
noong tanungin ni Simoun si Padre Florentino matapos masira ang kanyang plano. Nais niyang
maliwanagan kung bakit hindi ang mga lumapastangan sa bansang Pilipinas ang nagdurusa at
bakit nabigo ang kanyang plano. Sinagot naman siya ni Padre Florentino na maaring hindi ito
kaloob ng diyos dahil ang kanyang pamamaraan ay hindi karapatdapat gawin.

Isinulat ito upang mabigyan ng kalinawagan ang kaisipan ng mga mambabasa sa mga
nangyayaring katiwalian, pang-aabuso at pagmamalupit noong panahon ng kastila. Ang
pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay
itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad ito sa isang malatala-arawang pagsasalaysay
ng mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema gaya ng problema
sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-
tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang tumilagis kay Rizal sa ilang mga eksena at
yugto ng nobela. Sa mensahe ng el filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay
niya bilang isang nobelista.
Ang akdang El Filibusterismo ay isang nobela na nahahati sa 39 na kabanata. Ginamitan niya
ito ng mga kabanata upang mas lalong maintindihan nang mambabasa ang daloy ng mga
pangyayari. Ang kanyang layunin sa pag sulat ng kanyang mga nobela ay ang maiulat sa lahat ang
kalagyang panlipunan, uri ng pamumuhay, pag-asa, mithiin o adhikain, katangian at kalungkutan.

Mga estratehiyang pampanitikan na ginamit ni Rizal:


1. Ang nobela ay isang dugtungang pagkukuwento sapagkat ang El Filibusterismo ay
kasunod ng nobelang Noli Me Tangere.
2. Ito ay nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
a. Ang paghihiganti, kahit na ang layunin ay para sa kabutihan o kasamaan, ay hindi
kailanman magiging isang solusyon.
b. Walang maidudulot na kabutihan ang karahasan.
c. Hindi dapat gamitin ang mataas na posisyon o kapangyarihan upang
pagsamantalahan ang mga nasa laylayan ng lipunan.
3. Mababakas sa akda ang teoryang sosyolohikal dahil ang ang akda ay nagbibigay pansin sa
mundong ginagalawan ng mga karakter at konteksto nito at ang mga nag i-impluwensiya
dito.
4. Makikita rin ang teoryang klasismo dahil ito'y isang uri ng akda na kahit kailan ma'y hindi
malalaos at parte na ng ating kultura.
5. Ang huli naman ang teoryang romantisismo, mababakas sa karakter ni Simoun o ni
Crisostomo Ibarra ang pagmamahal niya sa bayan niya at sa kanyang sinta na si Maria
Clara na umabot na sa puntong nilamon na siya ng kanyang galit at kagustuhang
maghiganti sa mga lumalapastangan dito.
6. Ang akda ay nasa anyong tuluyan na kabilang sa kategoryang nobela.
7. Ang akda ay nakapukaw sa atensyon mga mambabasa lalo na sa panahong ito ay inilathala.
8. Ang mga salitang ginamit ay madaling intindihin maliban na lamang sa mga ilang salitang
hindi kadalasamg gamitin sa pang-araw-araw na buhay sa panahon ngayon.
9. Layunin nitong pukawin ang damdaming makabayan ng isang mambabasa.
10. Ipinahiwatig ni Rizal sa nobela ang madilim na larawan ng mga Pilipino sa kamay ng
Espanyol.

You might also like