Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Name: __________________________________ Date: ____________________________


Teacher: Mr. Gilbert D. Paradero Parent’s Signature:__________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon o pahayag sa bawat bilang. Ang bawat bilang ay
may apat na pagpipilian (titik A-D). Bilugan ang titik na kumakatawan sa pinakawastong
sagot.
1. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon, saamg rehiyon napabilang ang bansang South Korea?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
2. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal. Paano isinasagawa ang
paghahating ito?
A. Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa
B. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa
C. Gamit ang batayang pisikal, kultural, historical at political
D. Isinasaalang-alang ang sukat at lawak
3. Sa hilagang bahagi, hangganan ng Asya ang Arctic Ocean, sa silangang ang Pacific Ocean, sa timog
naman ang Indian Ocean. Ito ang patunay na ang Asya ay ____________________.
A. Napapalibutan ng anyong lupa C. napaliligiran ng apoy
B. Napapalibutan ng hangin D. napaliligiran ng anyong tubig
4. Hango sa salitang Arabo na mausim na nangangahulugang season. Ito rin ay mga hanging
nagtataglay ng ulan.
A. Mansoon B. Mausun C. Mensoon D. Moonsoon
5. Ang HINDI tamang pagtatapon nito ay nagdudulot ng malaking problemang pangkalusugan sa mga
tao at problemang ekolohikal sa kalikasan.
A. Biodiversity B. Ecological Balance C. Polusyon D. Solid Waste
6. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makakatulong upang mapangalagaan ang gating mga
likas na yaman.
A. Hindi nagtatapon ng basura kung saan-saan lalung-lalo na sa mga ilog at estero.
B. Hindi pagsusumbong sa awtoridad sa mga namumutol ng puno ng walang permiso.
C. Makikisama sa mga nanghuhuli ng mga hayop na malapit nang maubos
D. Pagwawalang bahala sa mga mangingisdang gumagamit ng dinamita at lambat na may maliliit
na butas.
7. Bakit higit na kailangan ang matalinong paglinang ng ating mga likas na yaman?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan.
B. Upang magamit ito sa ating mga kagustuhan
C. Upang hindi agad maubos at lalo pang maparami.
D. Upang maipamahagi ito sa lahat
8. Anong suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy ng pahayag: “pag-alat ng lupa, dala ng mataas na
konsentrasyong asin na nanggagaling sa ilalim ng lupa o kaya naman ay dala ng pag-agos ng tubig.”
A. Desertification B. Red Tide C. Salinization D. Siltation
9. Sa Hilagang Asya matatagpuan ang mga Grassland tulad ng Steppe at Prairie. Nasa bahagi naman ng
Siberia ang Tundra at Taiga. Samantala ang malaking bahagi ng rehiyon na ito ng Asya ay disyerto.
A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Timog Silangang Asya
10. Ito ay isang rehiyon ng Asya na nagtataglay ng sobrang habang tag-lamig at may maigsing tag-init.
Hindi kayang tirahan ng tao ngunit nagtataglay ng matabang lupa.
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog Asya D. Timog Silangang Asya
11. Ang Asya ay hango sa salitang Assyrian na ASU na nangangahulugang
A. Di sinisikatan ng araw C. Lubhang malamig
B. Lubhang mainit D. Sinisikatan ng araw
12. Pinakamalaking lawa sa Asya na matatagpuan sa ilang mga bansa sa Hilagang Asya.
A. Caspian Sea C. Sea of Marmara
B. Lake Baikal D. Taal Lake
13. Ang lugar na nagtataglay ng maraming hanay na mga bulkan at tinawag ding Circu-Pacific Seismic
Belt.
A. Pacific Seismic Belt C. Pacific Ring of Fire
B. Pacific Ocean of Fire D. Pacific Volcanic Fire
14. Hanging nagmumula sa Siberia patungong kontinente.
A. Amihan C. Moonsoon
B. Habagat D. Southeast Moonsoon
15. Hanging nagmumula sa karagatan patungong kontinente.
A. Amihan C. Moonsoon
B. Habagat D. Southeast Moonsoon
16. Kung ikaw ay taga-lungsod, ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa pagpapatupad ng
tamang paraan ng pagtatapon ng basura?
A. Pagbabahay-bahay upang kolektahin ang basura
B. Paghihiwalay ng mga nabubulok sa di-nabubulok na basura
C. Paglalagay ng mga babala sa paligid ng lungsod
D. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan.
17. Kung ang Uzbekistan ay nasa Hilagang Asya, saang rehiyon naman matatagpuan ang Afghanistan?
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog Asya D. Timog Silangan Asya
18. Ano ang epekto ng klima sa vegetation cover ng isang lugar?
A. Ang klima ang nagdidikta ng magiging uri ng halaman na uusbong o lalago sa isang lugar
B. Nakadepende sa uri ng klima ang pagdami ng mga uri ng halaman at puno sa isang lugar.
C. Nasa klima nakasalalay ang mga pagkukunang yaman ng mga tao sa isang lugar.
D. Nakadepende sa klima ang pangyayari sa pagkaayos ng mga halaman sa isang lugar.
19. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa likas na hangganang bansang Pilipinas, maliban
sa
A. Ang Silangang bahagi ay ang bansang Taiwan
B. Ang bansang ito ay napapaligiran ng dagat at karagatan
C. Matatagpuan sa kanlurang bahagi ang Vietnam
D. Sa silangang bahagi nito matatagpuan ang karagatang Pasipiko
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong karagatan sa daigdig na nakalibot sa Asya?
A. Karagatang Artiko C. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko D. Karagatang Pasipiko
21. Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya.
A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog Silangan Asya
22. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga hanay ng kabundukan sa magiging klima ng isang lugar.
A. Nagsisilbi itong proteksyon o harang sa malalakas na bagyo
B. Nagbibigay ito ng iba’t-ibang uri ng yamang mineral.
C. Nakapagdudulot ito ng kasaganaan sa mga tao dahil sa iba’t-ibang pananim na maaaring anihin
dito.
D. Nakatutulong ito para sa kabuhayan ng mga tao.
23. Ang matalinong paggamit ng likas na pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pangangalaga,
paggamit ng wasto at kailangan lamang; at muling paggamit ng mga ito ay
A. Kapaligirang likas B. Konserbasyon C. Populasyon D. Yamang di nauubos
24. Pinakasagana sa yamang mineral ng mga bansa sa kanlurang Asya. Anong pangunahing yamang
mineral ng mga bansa dito?
A. Karbon at mineral C. Langis at petrolyo
B. Ginto at langis D. Tingga at bakal
25. Ang makapal na kagubatan ng Taiwan ay matatagpuan mula sa hilaga hanggang sa timog na bahagi
ng bansa. Dahil sa ganitong katayuan, ano ang pinakamainam na pagkakakitaan sa mga lugar na ito?
A. Pagmimina C. Pagtrotroso
B. Pagsasaka D. Pangangalakal
26. Ito ay isang uri ng naipong mataba at pinong lupa sa lambak at bunganga ng ilog matapos ang
pagbaha.
A. Alluvial Soil B. Kaoliang C. Oasis D. Prairie
27. Umaabot sa timog 44,900,000 kilometrong kwadrado kasama ang mga pulo ang sukat ng Asya, 1/3
bahagi ng mundo ay sakop nito. Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, ang Asya ay
katumbas ng pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog Amerika, Australia at apat na beses ang laki ng
kontinente ng ______________.
A. Africa B. Antarctica C. Australia D. Europa
28. Malaking bahagi ng kalupaan sa Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya kung saan ang China ay
sumasakop sa kabuuang porsiyento ng sukat ng kontinente.
A. 20% B. 25% C. 30% D. 35%
29. Sa kasalukuyan, makikita ang iba’t-ibang larawan ng pandaigdigang kalakalan sa Asya. Hawak ng
mga bansang Arabo gaya ng Kuwait ang malaking reserba ng langis, kontrolado naman ng Thailand
at Vietnam ang pagluluwas ng bigas, ang tsaa sa Sri Lanka at goma sa Malaysia. Ipinahihiwatig
lamang nito na ______________.
A. Ang Asya ay nagiging pandaigdigang kapangyarihan sa ekonomiya
B. Ang kaayusang pulitikal ay tatag sa Asya
C. Magiging malakas ang turismo sa Asya
D. Maraming manggagawa ang kailangan sa Asya
30. Sa usapang pangkapaligiran, alin ang HINDI diretang dahilan ng mabilis na pagkawala ng
biodiversity sa Asya,
A. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
B. Pagkakalbo o Pagkasira ng kagubatan
C. Patuloy na pagtaas ng populasyon
D. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
31. May mga pangkat etniko na itinuturing na uplander o naninirahan sa matataas na lugar at mayroon
ding lowlander na makikita naman sa kapatagan at mga baybaying dagat. Ano ang batayan ng
kanilang pagpapangkat?
A. Etnisidad B. Panirahan C. Kultura D. Persian
32. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na tagpuan ng iba’t-ibang kultura dahil sa estratehikong
lokasyon nito kung kaya’t tahanan ito ng iba’t-ibang grupo ng tao. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa pangkat?
A. Assyrian B. Austronesian C. Jew D. Persian
33. Kung ikaw ay nagnanais na magtungo sa bansang Bhutan, anong pangkat etnolingwistiko ang
inaasahan mong makilala?
A. Arabs B. Balinese C. Ngalops D. Tajiks
34. Makikita ang yaman ng kultura ng Tajikistan sa makukulay na tela na karaniwang hinahabi at
nilalagyan ng disenyo kagaya ng mga karpet na nasa mga dingding. Ano ang masasalaming
katangian ng mga Tajiks?
A. Kahusayan sa pagbuburda
35. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika na ginagamit sa rehiyon ng Timog Asya ang dahilan ng
pagkakaroon ng mayamang kultura nito. Alin sa mga sumusunod na wika ang hindi kasama sa grupo
ng mga taga Timog Asya?
36. Isa ang wika sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Bakit mahalaga rin ang wika sa
paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Asyano.
37. May dalawang kategorya ang ginagamit na wika sa Asya, ang tonal at non tonal language. Bakit
maikakategorya na Tonal Language ang mga Wikang Chinese, Tibetian, Burmese, Thai at
Viatnemese?
38. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na
kinabibilangan.Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
39. Ang mga Tajik ay isa sa mga sinaunang tao sa daigdig. Sa matagal na panahon paano napanatili ng
mga Tajik ang sinaunang kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno?
40. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat etnolingwistiko. Anong
pangkat etnolingwistiko ang matatagpuan sa Indonesia?
41. Ano ang iyong maipapayo upang mapanatili ang mayamang kultura ng mga pangkat
etnolingwistiko?
42. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng Wika ang kultura ng
isang lahi?
43. Austro-Asiatic ang dalawang pamilyang matatagpuan sa Timog Silangang Asya, samantala, saang
rehiyon naman matatagpuan ang mga pangkat ng Sino-Tibetan, Indo-Aryan at Hapones?
44. Kamakailan ay nagkaroon ng framework agreement sa pagitan ng gobyerno at ng MILF na
tatawaging BANGSAMORO. Ano ang kahalagahan ng kasunduang ito ng mga Muslim na isa sa
pangunahing pangkat etnolingwistiko sa Pilipinas?
45. Ang bangsamoro ay isang political entity na naglalayong ipalit sa pangalan ng isa sa mga
kasalukuyang rehiyon ng Pilipinas. Anong rehiyon ito na matatagpuan sa Mindanao?
46. Alin sa mga sumusunod ang tunay na kahalagahan ng yamang tao sa pag-papaunlad ng bansa?
47. Simula pa noong dekada 70 sinisikap na ng pamahalaan ng indonesia na makontrol ang mabilis na
paglaki ng populasyon ng bansa. Sa kasalukuyan isinusulong ng Indonesia ang programang Quality
Family 2015. Ano ang binibigyang pansin ng programang eto?
48. Ang kaunlaran ng isang bansa ay maaaring masukat sa pamamagitan ng kabuuang populasyon ng
daigdig ay nagmula sa Asya.
49. Ayon sa ulat ng United States Census Bureau, 60 bahagdan ng kabuuang populasyon ng daigdig ay
nagmula sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang bansa na may pinakamalaking populasyon ay
matatagpuan sa Asya. Anu-ano ang dalawang bansang ito?
50. Taong 1979 ipinatupad ng China ang “One Child Policy” na naglalayong limitahan ang mabilis na
pagdami ng kanilang populasyon. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng
bansa. Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ang kasalukuyang populasyon ng China ay
binubuo ng karamihan ay may edad, edukado at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong
ito.
51. Ang mga mag-asawang sumusunod sa patakarang One Child Policy ng China ay binibigyan ng
pabuya ng pamahalaan. Alin sa mga sumusunod na insentibo ang ipinagkakaloob sa pamilyang
sumusunod sa patakarang ito?
52. Ano ang implikasyon ng mabilis na pagdami ng populasyon sa kalunsuran ng isang bansa?
53. Ayon sa ABC News humigit kumulang 33 bata ang isinisilang sa India kada 2,000 bata kada oras at
umaabot sa 48,000 kada araw. Ano mahihinuha sa datos na ito?
54. Aling pangugusap ang nagpapahayag ng tuwirang ugnayan ng edukasyon at kaunlaran?

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod
na mga tanong kaugnay nito.

Bilis ng Edad
Bansa Populasyon paglaki ng
0-14 15-64 65+
populasyon
Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6,320,429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127,156,225, -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6

55. Kung susuriin ang talahanayan sa itaas, anong bansa ang pinakamabilis ang paglaki ng populasyon.
A. India B. Japan C.Laos D. Sri Lanka
56. Ayon sa mga datos na makikita sa talahanayan anong bansa ang may pinakamataas na life
expentancy?
A. India B. Japan C.Laos D. Sri Lanka
57. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang
pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka at Laos
B. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
C. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
D. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
58. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng
populasyon, sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa
India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang
bansa?
A. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
B. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
C. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran na makakapagbagal o
makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
D. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
59. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Makikita rin
sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya
gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang
pagkakaroon ng anak.
B. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
C. Mabisa ang impluwensya ng mga bansang kanluranin.
D. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
60. Dahil sa pagdami ng tao, mas marami ang naghahati-hati sa pinagkukunang yaman. Alin sa mga
sumusunod ang maaaring maidulot nito?
A. Kaguluhan sa mga bansa
B. Kakapusan sa pagkain, damit, tirahan at gamot.
C. Migrasyon ng mga tao sa ibang lugar
D. Pagdami ng lakas paggawa

You might also like