Story of Joseph

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang kwento ni Joseph

Book of Genesis
Mayroong labindalawa na lalaki at isang babaeng anak si Jacob at isa na dito
si Joseph. Tinulungan ng magkakapatid ang kanilang ama sa bukid at
inaalangaan ang mga tupa.
Naging paborito ni Jacob si Joseph dahil bata pa ito at inosente. Palagi silang
magkasama at dahil dito ay nagseselos ang kaniyang mga kapatid kay Joseph.
Pakiramdam ng mga ito ay hindi sila napapansin ng kanilang ama.
“Sa aking panaginip ay yuyukod sakin ang araw, buwan at mga tala” ang kwento ni
Joseph sa kaniyang mga kapatid ngunit mas lalo lamang silang nainis sa kanya. Sila
ay nagplano na patayin si Joseph.
Isang araw, pinuntahan ni Joseph ang kaniyang mga kapatid suot ang damit na bigay
ng ama sa kanya. Si Ruben, nakakantanda sa kanilang magkakapatid ay tutol sa
planong pagpatay kay Joseph kaya itinapon na lamang siya sa balon na walang
tubig.
Nakakita ng mangangalakal na galing Egypt ang magkakapatid at ipinagbili
si Joseph ng dalawampung pilak.
Kinuha ng magkakapatid ang damit ni Joseph at nilagyan ng dugo ng kambing
upang magmukhang kinain ito ng mabangis na hayop. Ito ang sinabi nila sa
kanilang ama at labis na nalungkot si Jacob sa pagkawala ng pinakamamahal
niyang anak.
Naipagbenta si Joseph kay Potiphar na mayaman sa Egypt. Matalino at masunurin si
Joseph at napakagwapo. Gustong-gusto ito ni Potiphar kaya pinagkatiwala ang
kanyang mga ari-arian.
Nabilanggo si Joseph dahil sa kasinungalingan ng asawa ni Potiphar. Narinig niya
ang dawalang lalaki na naguusap tungkol sa kanilang panaginip. Tinulungan niya
ang mga ito na maintindihan ang kanilang panaginip sa tulong ng Dios. At
nagkatotoo ang mga ito. Nabilanggo si Joseph ng dalawang taon.
Nagkaroon ng panaginip si Pharaoh at kahit na matatalinong tao ay hindi ito
maintindihan. Pinalabas sa bilanggoan si Joseph at kaniyang binigyang kahulugan
ang panaginip ni Pharaoh.
Ang panaginip ni Pharaoh ay mensahe ng Dios na magkakaroon ng matinding tagtuyot ng
pitong taon. Walang pagkain na tutubo at walang ulan kaya marami ang mamamatay. Babala
ito ng Dios at meron pa silang pitong taon upang maghanda at magimbak. Pinagkatiwala ni
Pharaoh kay Joseph ang tungkulin na ito.
Nagagmamatay ang mga hayop at ang matinding tagtuyot ay dumating. Ang
pamilya ni Joseph ay nabahala. Narinig nila ang isang lalaki na nagbebenta ng
pagkain. Pinadala ni Jacob ang sampung mga anak na lalaki sa Egypt upang bumili
ng pagkain.
Nakita ng magkakapatid ang isang lalaki na nakabihis ng magandang damit at kanilang
nilapitan at lumuhod. Hindi nila namukhaan si Joseph dahil sampung taon na ang nakalipas
ngunit si Joseph ay namukhaan niya ang kaniyang mga kapatid. Pagbebentahan lamang sila
ni Joseph kung idadala nila sa kanya ang ama at nakakabatang kapatid na si Benjamin.
Bumalik ang magkakapatid dala ang ama at si Benjamin at dito na nagpakilala si
Joseph. Masayang-masaya sila dahil buhay si Joseph. Hindi nagkaroon ng sama ng
loob si Joseph bagkus ay nagpasalamat pa ito dahil nagagamit siya ng Dios.

You might also like