ME Fil 10 Q3 1801 - SG

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

ARALIN 18.1
Mga Katangian ng Anekdota
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 4
Mga Katangian ng Anekdota 4

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 6

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 7

Mga Sanggunian 8
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

Aralin 18.1
Mga Katangian ng Anekdota

Lar. 1. Ang anekdota ay isa sa mga akdang nagsasalaysay na nagbibigay ng kasiyahan at


aral sa mga mambabasa

Introduksiyon
Ilang beses ka nang nakarinig ng mga nakatutuwang kuwento mula sa ibang tao?
Kapupulutan mo ba ito ng mga aral sa buhay? Kung minsan, nakatutulong ang
pakikipagkuwentuhan upang mas mapalapit ka sa ibang tao. Dahil sa mga kuwentuhang
mayroong iyakan, kapupulutan ng bagong kaalaman, at tawanan, mas napapalalim ang
ating ugnayan sa ating mga kausap. Ang kasiyahan din ay isa sa mahahalagang sangkap sa
isang maunlad na pamayanan. Nagiging magaan at payapa ang bawat araw kung
nagkakapalagayang-loob ang mga mamamayan na naninirahan dito. Hindi
dapat nawawala ang pagbati at pagngiti; maging ang masasayang karanasan na posibleng

1
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

kapupulutan ng aral. Posibleng ang mga ganitong karanasan, payak man ay natututo ang
mga mamamayan. Posible rin na mula sa kanilang natutuhan ay magsimula ang pag-unlad.
Ang mga ganitong uri ng karanasan—masasayang karanasan na kapupulutan ng aral ay
magandang maisulat, nang sa gayon ay mas marami ang makaalam. Posibleng ito rin ay
maghatid ng inspirasyon sa mga mambabasa. Malalaman mo ang mga ganitong uri ng
karanasan sa pagpapatuloy ng araling ito.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang mga katangian ng isang anekdota.
● Nakapagbibigay ng puna, opinyon, at reaksiyon sa pinanood na
anekdota.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
● Nabibigyang-puna ang napanood na video clip. (F10PD-IIIa-74)
● Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
Youtube. (F10PD-IIIb-75)
● Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa
Youtube. (F10PD-IIIf-g-78)

2
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

Simulan

Pagbabahagi ng Karanasan

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Ibahagi at isalaysay ang isa sa mga hindi mo malilimutang karanasan bilang isang
mag-aaral.
2. Sagutin ang mga gabay na tanong na kaugnay ng gawain.

Hindi Malilimutang Karanasan

Mga Gabay na Tanong


1. Bakit ito ang karanasang iyong ibinahagi?
2. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing maaalala o mababalikan ang karanasang
ito?

3
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

3. Sa iyong palagay, ano ang aral o mensaheng hatid sa iyo ng karanasang ito?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Anong mga pangyayari ang madalas na mababasa sa mga anekdota? Saan
nakabatay ang mga pangyayaring isinasaad ng anekdota? Saan madalas na
nagagamit ang mga anekdota? Ano-ano ang mga katangian ng anekdota?

Alamin Natin
payak simple

isinasalaysay inikukuwento

tanyag kilala o sikat

Mga Katangian ng Anekdota


Gaya ng mga maikling kuwento, ang anekdota ay isang uri ng akdang pampanitikan na
naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao. Ito ay maikling kuwento
patungkol sa isang magandang karanasan, makatawag-pansin o kawili-wiling pangyayari na
nag-iiwan ng aral o mensaheng may mabigat na impresyon sa mambabasa o tagapakinig.
Kadalasang ang isinasalaysay sa mga akdang ito ay mga pangyayari sa buhay ng isang kilala
o tanyag na tao.

Itinuturing na isang malikhaing akda ang anekdota. Layon nitong makuha ang interes ng
mga tagapakinig at mambabasa. Bukod dito, layunin din ng anekdota na
makapagbigay-aliw, makapagturo o magpangaral at magbigay ng impormasyon. Madalas
din itong ginagamit sa pagsisimula o pagwawakas ng pagtatalumpati upang mabigyang-diin
ng mga tagapagsalita ang puntos o kaisipang kaniyang isinasaad. Gaya ng ibang akda, may

4
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

namumukod ding katangian ang isang anekdota na makatutulong sa mga tagapakinig o


mambabasa na maunawaan ang isang anekdota at sa mga manunulat o mananalumpati na
sumulat ng isang mahusay na anekdota.

Ilan sa mga kilalang katangian ng isang anekdota ay ang sumusunod:


- Ang mga pangyayari ay hango sa tunay na buhay ng isang tao kung saan
itinatampok ang mga totong pangyayaring naranasan at nasaksihan ng isang tao sa
kanityang buhay. Nagbibigay ito ng pagkakataong higit na makilala ng mga
mambabasa o ng mga tagapakinig ang pagkatao o personal na buhay ng taong
pinatutungkulan ng anekdota.
- Ang ibang mga pangyayari ay likhang-isip lamang. Ang anekdota ay naglalahad ng
totoong karanasan, ngunit sa paglipas ng panahon, sa patuloy itong naisusulat ay
nagkakaroon ng mga pagbabago sa mga detalye. May mga naidadagdag na
pangyayaring likhang-isip lamang ng sumulat ngunit napananatili pa rin ang
kakanyahan ng karanasan ng taong ginawan ng anekdota.
- Ang mga pangyayari ay kapupulutan ng aral o natatanging kaisipang maaaring
ilapat at iugnay sa buhay ng mga tagapakinig o mambabasa. Kadalasang hindi lantad
o hindi tahasang isinasaad ng anekdota ang aral o natatanging-kaisipang nais nitong
iparating kaya’t kailangan sa pag-unawa nito ang kritikal at mapanuring pag-iisip ng
mga tagapakinig o mambabasa.
- Ang mga pangyayari ay kawili-wili, nakatatawa/nakatutuwa at
makapatawag-pansin dahil pangunahing layunin ng anekdota ang
makapagbigay-aliw sa mambabasa habang isinasaad ang makabuluhan nitong
mensahe.
- Ang mga pangyayari ay isinaayos sa paraang kapana-panabik kung saan hindi
agad isinisiwalat ng manunulat o mananalumpati ang kasukdulan ng kaniyang
isinasalaysay sa anekdota. Bagkus, dahan-dahan at unti-unti nitong iisinisiwalat ang
kasukdulan upang mapanatili ang kasabikan nng mambabasa sa akda.
- Gumagamit ng magagaan at payak na mga salita upang madaling maunawaan ng
mga tagapakinig o mambabasa. Ginagawa ito upang maiwasan ang pagkalito o

5
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

pagkagulo ng isipan ng mga tagapakinig o mambabasa.


- Ang pagsasalaysay ay parang nakikipagkuwentuhan lamang upang madaling
makasunod o makaugnay nag mga tagapakinig o mambabasa. Sa paraang ito,
maaaring maramdaman ng tagapakinig o mambabasa na kabahagi sila ng
pinatutungkulan ng mensahe o kaisipang hatid ng anekdota.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang anekdota?
2. Kaninong buhay ang madalas na ginagawan ng mga anekdota?
3. Ano-ano ang layunin ng anekdota? Ibahagi ito.
4. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga magagaan at payak na salita sa anekdota?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit madalas na ginagamit ang mga anekdota sa pagtatalumpati?
2. Bakit mahalagang malaman at matutuhan ang mga katangian ng isang anekdota?
3. Sa iyong palagay, paano higit na mapagbubuti ang pagsulat ng isang anekdota?

Isaisip Natin
Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa mga katangian ng
anekdota?

6
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

Pag-isipan Natin
Sundin ang sumusunod sa pagsasagawa ng gawain. Gawin ang gawain sa malinis na papel.
1. Magsaliksik ng isang halimbawa ng anekdota sa Youtube. Panoorin at unawain itong
mabuti.
2. Bigyan ng puna, opinyon, at reaksyon ang pinanood na anekdota. Isaad ang iyong
mga napana o napansin sa pagsasalaysay ng mga pangyayari, emosyon o
damdaming nangibabaw at sariling pagtingin sa mensahe o aral na ipinararating nito.
3. Isaalang-alang ang mga katangian ng anekdota sa pagbibigay ng puna, opinyon, at
reaksiyon.

Dapat Tandaan

● Ang anekdota ay isang maikling kuwento patungkol sa isang magandang karanasan,


makatawag-pansin o kawili-wiling pangyayari na nag-iiwan ng aral o mensaheng may
mabigat na impresyon sa mambabasa o tagapakinig.
● Layunin ng anekdota na makuha ang interes ng mga tagapakinig at mambabasa,
makapagbigay-aliw, makapagturo o magpangaral at magbigay ng impormasyon.
● Ilan sa mga kilalang katangian ng isang anekdota ay ang sumusunod: Ang mga
pangyayari ay hango sa tunay na buhay ng isang tao; Ang mga pangyayari ay
likhang-isip lamang; Ang mga pangyayari ay kapupulutan ng aral o natatanging
kaisipan; Ang mga pangyayari ay kawili-wili, nakatatawa/nakatutuwa at
makapatawag-pansin; Ang mga pangyayari ay isinaayos sa paraang kapana-panabik;
Gumagamit ng magagaan at payak na mga salita; Ang pagsasalaysay ay parang
nakikipagkuwentuhan lamang.

7
Filipino

Baitang 10 • Yunit 18: Anekdota mula sa Africa/Persia

Mga Sanggunian

Adaya, Jomar G. et. al. 2012. “Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Unang


Edisyon).” Jimczyville Publications. Malabon City.

Animoza, Imelda V. 2007. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House,
Inc. 2007.

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. 2014. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

Gonzaga, Marina at Dimaguila, CristIna. 2016. “Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at


Panitikan.” Abiva Publishing House, Inc. Quezon City.

Lacano, Diana Gracia L. at Maida Limosnero-Ipong. 2015. Parola. Valenzuela City:


JO-ES Publishing House Inc.

Marasigan, Emily. 2016. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix


Publishing House.

You might also like