Professional Documents
Culture Documents
Week 4-6 Filipino Module
Week 4-6 Filipino Module
FILIPINO 7
Modyul para sa Mag-aaral
Unang Markahan
Filipino 7 1
Week 4-6/ Quarter 1
Asignatura: Filipino
Baitang: 7
Markahan: 1st
Linggo: 4
Lesson title: Pagpapaliwanag sa Sanhi at Bunga
A. Panimula
Sa araling ito, malalaman mo ang kahalagahan nang maayos
na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap na
mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang
paglalahad. Sa pamamagitan nito ay maipaliliwanag mo ang sanhi
at bunga batay sa mga pangyayari.
B. Layunin
a. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F7PB-
Id-e-3)
b. Natutukoy ang mga pang-ugnay na ginagamit bilang sanhi at
bunga.
c. Nakabubuo ng isang pagpapaliwanag sa mga posibleng sanhi at
bunga sa kasalukuyang pangyayaring naganap o nagaganap sa
Mindanao.
C. Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Kopyahin ang grapikong disenyo na nasa ibaba at isulat
ang tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
Paraan upang
makaiwas sa
taong tuso at
manloloko
Filipino 7 2
Week 4-6/ Quarter 1
D. Nilalaman
Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at
pangungusap ay mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal, at
mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa
pagpapahayag.
Isa na rito ay ang pagbibigay ng sanhi at bunga.
Basahin
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang epikong Indarapatra at
Sulayman. Hanapin at isulat ang mga pang-ugnay na ginagamit
bilang sanhi at bunga sa iyong sagutang papel o notbuk.
Indarapatra at Sulayman
(buod ng kuwento)
Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa
Mantapuli, palilbhasa’y kagagaling lamang sa kamatayan upang
makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari sa Bundok Kurayan
Filipino 7 3
Week 4-6/ Quarter 1
upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at
matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang ibon
at sila ay naghamok. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat ay
madali niyang napatay ang ibon.
Kaya naman ng kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang
mga taong naging dahilan upang matagpuan niya ang isang
magandang diwatang tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang
kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng diwata sa yungib na
pinagtaguan ng mga tao. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang
pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga
halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi ni Haring Indarapatra na
maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat wala
na ang mga halimaw at ibong gumulo sa kanila. Nagpasalamat ang
mga tao kay Haring Indarapatra.
Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang
pakasalan siya nito. Pumayag ang diwata at kaagad na
ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang kasalan.
Tuwang-tuwa ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na
“Mabuhay ang hari!”
Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na lupang bagama’t
pawang kapatagan ay tunay na malusog naman. Hindi na bumalik
sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na siya naghari sa
mayamang lupa ng pulong Mindanao.
(Mula sa Pinagyamang Pluma 7)
E. Pagpapalalim
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Bakit pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa
Mantapuli?
a. dahil wala na itong halaga sa kaniya
b. dahil gusto niyang makapagpahinga
c. dahil kagagaling lamang nito sa kamatayan
d. dahil napagod siya sa paglalakad
2. Ano kaya sa tingin mo ang naging dahilan nang madaling
pagkahulog ng loob ng diwata kay Haring Indarapatra?
a. matapang c. mahinhin
b. malusog d. maputi
3. Ano ang kaniyang ginawa matapos matalo ang ibon?
a. Hinanap niya ang mga taong naging dahilan upang matagpuan
ang diwata.
Filipino 7 4
Week 4-6/ Quarter 1
b. Nagpahinga siya nang isang taon.
c. Namasyal siya sa kagubatan para makapagpahinga.
d. Nagpasalamat siya sa magandang diwata.
4. Bakit sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas
sa kanilang pinagtataguan?
a. Patay na ang mga halimaw at dambuhalang ibon.
b. Manghuhuli pa sila ng maraming ibon.
c. Pasalamatan nila ang mga taong tumutulong sa kanila.
d. Pagod na silang magtago.
5. Ano ang bunga ng pagdiriwang ng kasalan ni Haring Indarapatra
sa magandang diwata?
a. Lumakas lalo ang kaniyang katawan.
b. Lumitaw ang malawak na lupa bagama’t pawang kapatagan.
c. Umulan nang malakas.
d. Iniwan si Haring Indarapatra sa isang magandang diwata.
Gawain 3
Panuto: Batay sa nabasang buod ng Indarapatra at Sulayman,
suriin ang mga pahayag na nagsasaad ng mga sanhi at bunga.
Kopyahin ang disenyong grapikong fishbone na nasa ibaba at isulat
ang mga sanhi at bunga mula sa epikong nabasa sa iyong sagutang
papel.
Paalala: Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.
Kagagaling
lamang sa
kamatayan upang Mga Sanhi
makapagpahinga
Pinauwi ni Haring
Indarapatra si
Prinsipe Sulayman
sa Mantapuli.
Mga Bunga
Filipino 7 5
Week 4-6/ Quarter 1
Gawain 4
Gawain 5
Tiyakin Natin
Filipino 7 6
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
1. Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
a. sanhi b. bunga c. pang-ugnay d. resulta
2. Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a. bunga b. sanhi c. dahilan d. pang-ugnay
3. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod.
Ano ang pang-ugnay na ginamit sa sanhi at bunga?
a. sa b. sapagkat c. pagkat d. ang
4. Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya
sa daan.
Ano ang bungang ipinapahiwatig sa pangungusap?
a. pumutok ang gulong c. gulong ng sasakyan
b. napatigil siya sa daan d. sasakyan ni Jovanie
5. Ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo pagkat sobrang
matirik ang sikat ng araw. Ano ang sanhing isinasaad sa
pangungusap?
a. ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b. matirik ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
6. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kaya umasenso ang kaniyang
buhay.
Ano ang bungang ipinapahiwatig sa pangyayari?
a. umasenso ang kaniyang buhay c. kaya umasenso
b. nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
7. Maraming naghihirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang
presyo ng mga bilihin.
Ano ang sanhing isinasaad sa pangyayari?
a. maraming naghihirap c. sa panahon ng
krisis
b. tumataas ang presyo ng mga bilihin d. ang presyo ng mga
bilihin
8. Tumataas ang kaso ng COVID-19.
Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a. kakulangan ng disiplina ng mga tao c.kakulangan ng
pamilya
b. kakulangan ng salapi d. lahat ng nabanggit
Filipino 7 7
Week 4-6/ Quarter 1
a. naliligo araw-araw c. labis na pag-inom ng
alak
b. nakababad sa araw d. nakatutok sa kompyuter
10. Si Jovern ay nagsikap sa pag-aaral.
Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a. maraming salapi c. may trabaho
b. sa labis na kahirapan d. gustong may gantimpala
11. Alin sa mga salawikain ang hindi nagsasaad ng sanhi at
bunga?
a. Kung may sipag at tiyaga, may nilaga.
b. Kapag may isinuksok, may madudukot.
c. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
d. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
12. Alin sa mga paliwanag ang nagpapaliwanag sa salawikaing,
“Kung may itinanim, may aanihin”?
a. tumutukoy sa pagtitiyaga ng isang tao
b. tumutukoy sa pag-iimpok ng isang tao
c. tumutukoy sa paggawa nang mabuti sa ating kapwa
d. tumutukoy sa paghihirap ng taong nagtatanim sa bukid
13. Ano ang nais na ipaliwanag ng sanhi at bunga sa salawikaing,
“Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit”?
a. Handang mangaliwa sa ibang may pamilya.
b. Handang mamulubi sa daan mabuhay lamang sa mundo.
c. Handang mangibang bansa para maiahon sa kahirapan ang
pamilya.
d. Handang magbuwis ng buhay ang tao mabuhay lamang ang
pamilya.
14. “Kapag may isinuksok, may madudukot.”
Alin sa mga sumusunod na paliwanag ang angkop na napapaloob
sa nabanggit na salawikain?
a. Kapag may nailagay ay may makukuha.
b. Maraming pera sa bahay dahil may sariling negosyo ang
magulang.
c. Mag-aksaya ng pera dahil may ipong malaki sa bangko ang
magulang.
d. Kapag marunong mag-ipon, sa oras ng kagipita’y may
mapagkukunan.
15. Ano ang nais na ipaliwanag ng salawikaing,
“Kapag may sipag at tiyaga, may nilaga.”
a. Masipag magluto ang ina.
b. Nagluto ng nilaga ang nanay.
c. May magandang trabaho kung laging magsisikap.
Filipino 7 8
Week 4-6/ Quarter 1
d. May kapalit na magandang kapalaran ang pagsisikap.
E. Paglilipat
Napiling Pangyayari:
Filipino 7 9
Week 4-6/ Quarter 1
B. Layunin
a. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga
pamantayan. (F7PD-Id-e-4)
b. Nakasasagawa nang masusing pagsusuri ng isang dokyu-film
gamit ang mga elemento ng maikling kuwentong nakatutulong
sa maayos na pagsusuri nito.
c. Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa mga elemento nito
na may kaugnayan sa sariling karanasan sa buhay.
C. Tuklasin
Pagbabalik-aral
Filipino 7 10
Week 4-6/ Quarter 1
1. Tuwang-tuwa si Ibrah __________ naisilang na ang kaniyang
anak.
2. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili _________ napasugod
siya.
3. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may
tubig __________ napasigaw ang mga tao.
4. Abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng
masasarap na kakainin ang mga kababaihan __________
magkaroon ng seremonyang paggunting.
5. Maganda ang kinalabasan ng seremonya __________ ipinagbunyi
ng lahat.
D. Nilalaman
Karaniwan sa isang kuwento ay natatapos sa isang upuan lamang.
Ito ay nagdudulot ng aliw at karaniwang kapupulutan ng mga aral
sa buhay.
Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kuwento
ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-
araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari, at may isang kakintalan.
Filipino 7 11
Week 4-6/ Quarter 1
Wakas – Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na
maaaring masaya o malungkot.
Filipino 7 13
Week 4-6/ Quarter 1
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng
karamihang nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang
kagalakan sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni
Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa
buhay.
Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya.
Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata.
Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang
kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggugunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng
pagislam ni Abdullah,” wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong
muli,” nakangiting sagot ni Aminah.
“Sana, kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon,” halos panabay na wika ng mag-asawa habang
masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.
Mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas
nina Patrocino Villafuerte, et al.
E. Pagpapalalim
Gawain 1
Panuto: Gamit ang dayagram, suriin ang kuwentong “Pagislam”
batay sa mga elemento ng maikling kuwento. Kopyahin ang
dayagram at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Paalala: Ang sagot sa bahaging panimula ay magiging gabay upang
masagutan mo nang maayos ang gawaing ito.
Tauhan Tagpuan
Banghay
Tunggalian:
Kasukdulan:
Filipino 7 14
Week 4-6/ Quarter 1
Gawain 2
Panuto: Panooring mabuti ang isang dokumentaryo, kilalanin ang
Ginang na mag-isa na lamang sa buhay na maligayang kapiling ang mga
“bagong anak” sa makikita sa link na https://www.youtube.com/watch?
v=E8UIVXDLyiQ. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Bakit mag-isa na lang sa buhay si Jing? Paano niya nasolusyunan
ang pang-araw-araw na pagkain ng kaniyang mga alaga?
2. Ano-ano ang mga katangiang ipinapakita ni Jing bilang pag-aalaga
nang maayos sa kaniyang mga itinuturing na mga anak?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng maging resulta ng pag-
aalaga ng maraming hayop at pagturing sa mga ito bilang anak o
kapamilya?
4. Kung ikaw si Jing, ano ang sasabihin mo sa mga taong tulad mo na
nag-aalaga ng mga hayop ngunit hindi nila ginagawa nang maayos
ang kanilang responsibilidad? Bakit ito ang sasabihin mo?
Tiyakin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
1. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento.
a. Tunggalian b. Kasukdulan c. Kakalasan d. Wakas
2. Elemento ng maikling kuwento na nagbibigay-buhay sa kuwento.
a. Tagpuan b. Banghay c. Tauhan d. Simula
3. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Tagpuan b. Banghay c. Tauhan d. Simula
4. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento.
a. Simula b. Kakalasan c. Wakas d. Tunggalian
Filipino 7 15
Week 4-6/ Quarter 1
5. Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o
malungkot.
a. Wakas b. Simula c. Kakalasan d. Tunggalian
6. Nasaksihan ng mga dumalo ang isang mahalagang seremonya sa
sanggol. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakadiin?
a. Dumalo b. Sumang-ayon c. Narinig d. Nakita
7. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
a. Wakas b. Kasukdulan c. Simula d. Kakalasan
8. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay d. Wakas
9. Ang Imam ay umanas ng isang panalangin sa tainga ng sanggol
pagsilang nito. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakadiin?
a. bumulong b. kumanta c. nakiusap d. sumigaw
10. Sino ang nagsabi na ang maikling kuwento ay isang maikling
kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na
buhay?
a. Patrocino Villafuerte c. Jose Rizal
b. Genoveva Edroza-Matute d. Juan Luna
11. Isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at
masining na paraan.
a. Alamat b. Pabula c. Epiko d. Maikling Kuwento
12. Tumutukoy sa paglalaban ng pangunahing tauhan na
sumasalungat sa kanya.
a. Simula b. Tunggalian c. Kakalasan d. Kasukdulan
13. Paano nakatutulong ang mga elemento ng maikling kuwento sa
pagsusuri ng isang akda o ng isang dokyu-film?
a. upang mailahad ang lahat na ideya
b. upang maging maayos ang daloy ng pagsusuri sa mahahalagang
pangyayari.
c. upang mailahad nang maayos ang pamamaraan ng pagkukuwento
d. upang makamit ang mga layunin
14. Maraming panauhin ang dumalo sa seremonyang paggunting sa
sanggol.
a. kaibigan b. kasamahan c. bisita d. nakikain
15. Maraming nagbigay ng handog kaya malaking pasalamat ng mag-
asawa.
a. damit b. ginto at pilak c. regalo d. salapi
F. Paglilipat
Filipino 7 16
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Manaliksik o manood ng isang dokyu film o freeze story at
suriin ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang graphic
organizer na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Simula
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Asignatura: Filipino
Baitang: 7
Markahan: 1st
Linggo: 5 and 6
Lesson title: Pagsasalaysay ng Buod at Pagkakasunod-sunod ng
mga Pangyayari
A. Panimula
Magandang Araw ma mahal kong mag-aaral. Sa araling ito,
matututunan mo ang pagsasalaysay nang maayos at wasto sa buod ng
akda maging ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mahalagang
alamin mo ito upang mas mauunawaan mo ang mga mahahalagang
pangyayari sa kuwento na makapagbibigay sa iyo ng mahahalagang aral
sa buhay. Halina’t alamin at unawain natin ang mga ito.
B. Layunin
a. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito/alamat, kuwentong-
bayan. (F7PS-Id-e-4)
b. Naibubuod nang maayos at wasto ang binasang maikling kuwento.
c. Napagsusunod-sunod nang maayos ang mahahalagang pangyayari
sa kuwento.
C. Tuklasin
Tandaan: Lahat ng mga katanungan sa modyul na ito ay sagutan sa
itinalagang sagutang papel.
Gawain 1
Filipino 7 17
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang walong (8) mga salitang
tumutukoy sa mga elemento ng maikling kuwento. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
T S W A K A S N W T A U H A N T
U T I W W A S A D T G N U T S U
N U T M A A L S A B Z L I O N N
G N G L U M S A N A I W L R A G
G G G I K L Q L H N L A S B U G
A G L N A V A A A G M S M M P A
L A I G Q X Y K Y H O A A I G L
I I A G R O O A W A P K A O A I
N O M O T L U K N Y R S T T T A
K A S U K D U L A N T G P S E N
D. Nilalaman
KASUKDULAN
PAPATAAS NA PABABANG
PANGYAYARI PANGYAYARI
Sa bahaging ito Makakamit ng
nagkakaroon ng pangunahing
pagtatangkang tauhan ang
malutas ang layunin
suliraning
magpapasidhi sa
interes o
kapanabikan
PANIMULANG
RESOLUSYON
PANGYAYARI
Filipino 7 18
Week 4-6/ Quarter 1
KARANIWANG BALANGKAS
NG AKDANG PASALAYSAY
Filipino 7 19
Week 4-6/ Quarter 1
Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga
Magindanaw. Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na
nangangahulugang paghikbi. Gawa ito sa isang uri ng kawayang
tinatawag na bakayawan ng mga katutubo. Ito’y may habang
dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa
magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na
gaya ng plawta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig
upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay
na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at
nakalilikha ng isang maganda at nakaaantig-damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa
pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang
damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong
Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay
nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang
hanggan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang
kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar.
Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago
makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang
misyon ng lalaki. Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad
pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang susulat nang
madalas.
Sa unang linggo, panay ang dating ng sulat na punong-puno ng
pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang
ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.
Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na
balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang
misyon.
Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago
ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol
niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang
kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang
ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging
pagpatak dito ng luha ng dalaga.
Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at
lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon,
inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang
ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
mula sa http://www/kapitbisig.com/philippines/_282.html/
Gawain 2
Filipino 7 20
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang
pagka-susunod-sunod nito sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa
iyong sagutang papel.
________1. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa
isang malayong lugar.
________2. May isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga
sa pook at nagkaisa ang kanilang damdamin ngunit ang kanilang
pagmamahalan ay nanatiling lihim.
________3. Mula noon, inaliw ng dalaga ang sarili sa pagtugtog ng
palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong
pangmusika.
________4. Nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na
balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae sa lugar ng misyon.
________5. Sa unang linggo, panay ang dating ng ilang sulat na
punong-puno ng pagmamahal at pag-alala.
E. Pagpapalalim
Filipino 7 21
Week 4-6/ Quarter 1
Sa kanilang paghahanap, sila ay nagulat sa kanilang nakita. Sirena
ang kasama ni Santiago. Agad nila itong sinulong sa pag aakalang
ginayuma nito ang binata. Ginawa ni Santiago ang lahat para
protektahan ang kasintahan ngunit siya ay tinamaan ng balsa. Ito ang
naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Pinilit pa rin ni Clara na
makatakas ngunit siya ay naabutan at napatay.
Ang lahat ng ito ay nakita ng mga isda. Ipinaalam nila sa pinuno ng
mga sirena ang pangyayari. Nagalit ang pinuno kaya pinatawan niya ng
parusa ang mga tao. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon (tsunami)
na nagdulot ng pagkamatay ng mga mangingisda at pagkasira rin ng
buong lungsod ng Pagadian.
Ang malaki at malakas na alon ay nag-iwan ng isang bangin na
nagsisilbing palatandaan ng kanilang kasakiman. Sa ngayon ang mga
tao ay naging mabait na sa dagat, isda at mga kapwa nito, at sa mga
serena rin.
Mula sa https://brainly.ph/question/1555964
Gawain 3
Panuto: Buoin ang flowchart sa ibaba. Dugtungan ito ng mga
pangyayari batay sa kuwentong “Ang Sirena at si Santiago” upang
mabuo ang diwa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Isang hapon,
Pagkatapos ay
_______________________________________________________________
Sa paglipas ng
Kung kaya,
Sa huli,
Filipino 7 22
Week 4-6/ Quarter 1
Tiyakin Natin
I. Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang
suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
A. Panimulang Pangyayari C. Resolusyon
B. Kasukdulan D. Pababang Pangyayari
2. Tumutukoy sa pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning
kahaharapin.
A. Panimulang Pangyayari C. Papataas ng Pangyayari
B. Kasukdulan D. Pababang Pangyayari
3. Dito makakamit ng pangunahing tauhan ang layuning ninanais.
A. Papataas ng Pangyayari C. Resolusyon
B. Kasukdulan D. Pababang Pangyayari
4. Sa bahaging ito magkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas.
A. Resolusyon C. Kasukdulan
B. Papataas ng Pangyayari D. Pababang Pangyayari
5. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing
tauhan ang kaniyang suliranin.
A. Panimulang Pangyayari C. Resolusyon
B. Kasukdulan D. Pababang Pangyayari
II. Pagkakasunod-sunod
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito sa kuwentong “Reynang Matapat”. Isulat
ang bilang 1-5 sa iyong sagutang papel.
III. Pagpapaliwanag
Filipino 7 23
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Basahin at sagutin ang katanungan. Gawing batayan ang
rubrik na makikita sa ibaba para sa pagbibigay ng puntos. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Pamantayan 5 4 3 2
F. Paglilipat
Pamantayan 5 4 3 2
Lohikal na pagkasusunod-sunod ng mga ideya.
Malinaw ang diwa.
Wastong gamit ng mga salita at bantas.
Filipino 7 24
Week 4-6/ Quarter 1
Pamantayan: 5 – napakahusay: 4 – mahusay; 3 – medyo mahusay;
2 – nangailangan pa ng pagpapaunlad.
B. Layunin
a. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na
ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad
(una, ikalawa, halimbawa, at iba pa; isang araw, samantala, at
iba pa), sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay,
talaga, pero/subalit, at iba pa). (F7WG-If-g-4)
b. Natutukoy ang mga pang-ugnay na salitang ginamit sa mga
pahayag.
c. Nakasusulat ng isang editoryal na nanghihikayat gamit ang
mga retorikal na pang-ugnay.
C. Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Piliin sa panaklong ang angkop na pang-ugnay sa
pangungusap upang mabuo ang diwa. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Umuwi siya nang maaga (dahil, ngunit) masama ang kaniyang
pakiramdam.
2. (Oo, Maaari), ibibigay ko ang iyong hinihiling.
3. (Sakali, Kung) mang malihis ka ng landas ay huwag
magdalawang-isip na tawagin ang Diyos.
4. Natuwa ang kaniyang kapatid (sapagkat, kaya) nangunguna
siya sa klase.
5. (Dahil, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya
para maglaro ngayong umaga.
6. Ang ating mahal na Pangulo ay may malasakit sa mga Pilipino
(sapagkat, ngunit) pinaiiral niya ang seguridad sa mga tao.
7. Mayaman ang pamilyang Cruz (sakaling, samantalang)
naghihikahos sa hirap ang pamilyang Lopez.
Filipino 7 25
Week 4-6/ Quarter 1
8. Naging malinis ang ating kapaligiran (dahil sa, subalit) sobrang
pag-aalaga nito.
9. (Huling araw, Balang araw) darating din ang suwerte mo.
10. Abala ang lahat (kaya, ngunit) ikaw ay walang ginagawa sa
bahay.
11. Magsipilyo nang tatlong beses sa (isang araw, dalawang
araw) upang maiwasang masira ang mga ngipin.
12. Magdasal muna tayo (bago, mamaya) tayo kumain ng
hapunan.
13. Naghihirap magtrabaho ang magulang mo (kasi,
samantalang) inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.
14. (Dahil sa, Palibhasa) masamang bisyo, napariwara ang
kaniyang buhay.
15. Tutulungan tayo ng Panginoon (kung, samantala)
magdasal tayo araw-araw.
D. Nilalaman
Bago ka makagagamit ng mga pang-ugnay, kinakailangan mo
munang linangin ang iyong kaalaman sa mga iba’t ibang
retorikal na pang-ugnay.
Retorikal na Pang-ugnay
Retorikal – isang masining na salita, parirala at pangungusap na
ginagamit sa pagpapahayag.
Pang-ugnay – ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o ugnayang
namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Pinag-uugnay
nito ang dalawang salita, parirala o sugnay. Nakatutulong din ang
pag-ugnay sa pagkakaroon ng kaisahan at ugnayan ng mga
pangungusap sa loob ng isang talata.
Filipino 7 26
Week 4-6/ Quarter 1
ang problema ay, ang suliranin ay, ang deperensiya ay, ang
tanong ay, ang sagot diyan ay, ang solusyon ay at iba pa
Paglalahad ng kuwento:
isang araw, noong unang panahon, samantala at iba pa
Pagsusunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o proseso
sa pagsasagawa ng isang bagay:
una, ikalawa, ikatlo, kasunod, panghuli at iba pa
3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbuo ng editoryal na
nanghihikayat
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon:
totoo, oo, mabuti, sigurado at iba pa
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol:
hindi, ngunit, pero, subalit, datapwat, bagama’t at iba pa.
E. Pagpapalalim
Basahin at unawaing mabuti ang isang editoryal na nanghihikayat.
Pansinin ang mga pang-ugnay na salitang nakasulat nang madiin.
Filipino 7 27
Week 4-6/ Quarter 1
Isinagawa ang paglilinis makaraang mag-viral sa social media ang
estero. Dahil sa dami o kapal ng basura, maari nang maglakad sa
ibabaw niyon na hindi malulubog.
Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa mga
susunod na araw, tambak na naman ang basura roon. Balik na
naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira.
Ang mga basurang iyon ang tatangayin muli sa Manila Bay at
magpapaulit-ulit lamang ang tanawin. Isusuka ng Manila Bay ang
basura sa Roxas Blvd at ibabalik din sa mga estero, kanal at iba
pang waterways.
Nararapat makaisip ng solusyon ang MMDA at ang DENR kung
paano madidisiplina ang mamamayan at magkakaroon ng takot na
huwag magtapon ng basura sa waterways. Dapat kamay na asero
ang gamitin para wala nang magtatapon ng basura na nagdudulot
ng pagbaha. Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang
problema. Ipatupad ang paglilipat o pag-aalis sa mga informal
settlers. Bakuran ang mga gilid at pampang ng estero o ilog para
hindi makabalik ang informal settlers na numero unong nagtatapon
ng basura.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mga pang-ugnay na sinalungguhitan sa
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
a. Pang-ugnay na ginamit sa akda
b. Pang-ugnay na ginamit sa paglalahad
c. Pang-ugnay na ginamit sa pagbuo ng
editoryal na panghihikayat
Filipino 7 28
Week 4-6/ Quarter 1
8. Dahil sa dami o kapal ng basura, maaari nang maglakad sa
ibabaw nito na hindi malulubog.
9. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang
problema.
10. Kaya ang mga basurang itinapon ng mga walang disiplina,
magdudulot uli ng panibagong problema.
Gawain 3
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag gamit ang pang-ugnay na
natalakay sa Tuklasin upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Kopyahin ang pahayag at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Halimbawa: Huwag kang mataranta kapag may sunog.
1. Subukin mong itama kung
2. Makinig ka sa iyong magulang kapag
3. Sinabi mo sana
4. Natatakot ako baka
5. Huwag magdalawang-isip na tawagin ang Diyos sakaling
Gawain 4
Panuto: Pagsunod-sunurin ang wastong hakbang sa pagsasaing.
Isulat ang mga ito sa bawat bilang na may nakalaang pang-ugnay
na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ihanda ang bigas. Tingnang maigi kung may ipa ba ito o wala.
Kung mayroon itong ipa ay maaari itong tahipan sa bilo upang
mawala ang ipa sapagkat ang ipa o darak ay maaaring
makasama sa kalusugan kapag ito ay nakain.
Ihanda ang malinis na kaldero kung ikaw ay magsasaing sa
kalan. Maaari ring gamitin ang rice cooker kung mayroon.
Kung malinis na ang kaldero, takalin ang bigas na naaayon sa
dami ng inyong pamilya o ayon sa dami nang kakain ng kanin.
Hugasang maigi ang bigas. Mas mainam na hugasan ito nang
tatlong beses sapagkat hindi na ligtas ngayon ang mga bigas
dahil sa mga kemikal na ginagamit na pamatay ng mga peste
na ginagamit ng mga magsasaka. Ito ay maaaring makasama sa
kalusugan ng kakain nito.
Hugasan at lagyan ito ng tubig na naaayon din sa dami ng
bigas.
Isalang na ang kaldero o rice cooker at hintaying kumulo.
Filipino 7 29
Week 4-6/ Quarter 1
Pagkatapos na kumulo ay hinaan ang apoy, walang problema
kung sa rice cooker mo ito niluto sapagkat kusa itong
mamamatay.
Kung wala ng tubig ay maaari na itong ihain.
1. Una,
2. Ikalawa,
3. Ikatlo,
4. Ika-apat,
5. Ikalima,
6. Ika-anim,
7. Ikapito,
8. Panghuli,
Tiyakin Natin
Filipino 7 30
Week 4-6/ Quarter 1
a. pero b. samantala c. sapagkat d. kung
11. ________ mang malihis ka ng landas ay huwag
magdalawang isip na tawagin ang Diyos.
a. Sakali b. Samantala c. Sapagkat d. Kung
12. Natuwa ang kaniyang kapatid ________ nangunguna siya sa
klase.
a. kaya b. pagkat c. sapagkat d. kung
13. ________ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya
para maglaro ngayong umaga.
a. Kaya b. Samantala c. Sapagkat d. Kung
14. Ang ating mahal na Pangulo ay may malasakit sa mga
Pilipino ________ pinaiiral niya ang seguridad sa mga tao.
a. pero b. ngunit c. sapagkat d. kung
15. Mayaman ang pamilyang Cruz ________ naghihikahos sa
hirap ang pamilyang Lopez.
a. sakaling b. samantalang c. kapag d. kung
1. Ngunit
2. Subalit
3. Samantala
4. Totoo
5. Palibhasa
F. Paglilipat
Panuto: Sumulat ng isang editoryal gamit ang retorikal na pang-
ugnay. Pumili lamang ng isang paksa sa ibaba. Ang iyong editoryal
na nanghihikayat ay hindi bababa sa 200 na salita. Gawing batayan
ang rubrik na makikita sa ibaba para sa pagbibigay ng puntos.
Isulat ito sa isang buong papel o bondpaper.
MGA PAKSA:
COVID-19 Pandemic
Pagsuot ng Face Mask
Filipino 7 31
Week 4-6/ Quarter 1
Online Learning
Halimbawa ng Editoryal
Adiksyon sa computer, nakababahala
Nakababahala ang tumataaas na antas ng pagkalulong ng mga kabataan
sa computer, lalo na sa mga mag-aaral na mula pitong gulang pataas. Sila
ang laging laman ng mga internet café na ang mga may-ari o nangangasiwa ay
walang ibang iniisip kundi ang magkamal ng salapi na hindi man lang iniisip
ang kapakanan ng mga batang sa halip na nasa silid-aralan ay puro na
lamang paglalaro ng computer ang ginagawa.
Hindi maikakaila ng malaki ang kontribusyon ng computer sa panahong
ito. Sa pamamagitan ng internet, madaling naihahatid sa atin ang mga
impormasyong nais nating malaman at naging susi ng ating ikatuto.
Ngunit sa kabilang dako, naging mitsa rin ito ng pagbubulakbol ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral dahil sa pagkalulong nila sa mga computer
games tulad ng counter Strike,Ragnarok, Red Alert at iba pa. Dito nilulustay
kadalasan ng mga kabataan ang salaping pabaon sa kanila ng kanilang mga
magulang.
Filipino 7 32
Week 4-6/ Quarter 1
Talamak din sa mga computer ang pornograpiya na lumalason sa isipan
ng mga kabataan na siyang dahilan ng pagtaas ng antas ng kasong
panggagahasa sa bansa. Dahil din sa nasanay na ang mga kabataan sa laro
ng computer na may patayan o madugong labanan, balewala na sa kanila ang
mga ito at halos hindi na sila kakikitaan ng pagkabahala sa tumataas na
antas ng kriminalidad sa bansa.
Bago pa man maging huli ang lahat, nararapat na bigyan ng atensyon ng
mga magulang ang pagsusubaybay sa kanilang mga anak. Kailangan din ang
pakikipagtulungan nila sa mga guro sa paaralan upang matiyak nilang nasa
paaralan ang mga ito sa oras ng klase. Kailangan din ang mahigpit na
pagmomonitor ng mga kinauukulan sa mga internet café. Parusahan ang mga
may-ari nito na nagpapasok ng mga menor de edad lalo na sa araw ng
eskwela. Sa ganitong paraan maliligtas natin ang mga kabataan sa hindi
mabuting epekto ng pagkakalulong sa computer.
B. Layunin
a. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay
sa sariling karanasan. (F7PB-Ih-i-5)
b. Natutukoy ang pangyayari kung makatotohanan o hindi batay
sa sariling karanasan.
c. Napapahalagahan ang pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari ayon sa sariling karanasan.
C. Tuklasin
Gawain 1
Filipino 7 33
Week 4-6/ Quarter 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (√)
kung makatotohanan ang pangyayari at ekis (X) naman kapag hindi
makatotohanan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
D. Nilalaman
Basahin at unawain ang siping dula na isinulat ni Arthur P.
Casanova na pinamagatang “Ang Mahiwagang Tandang”.
Filipino 7 34
Week 4-6/ Quarter 1
Taumbayan 3: Elegante. Panreyna at pansultan ang mga telang
ito.
Mahiwagang Tandang: Sige mamili kayo ng mga gusto ninyo. Huwag
kayong mag-agawan. Lahat kayo’y makatatanggap ng mga tela
buhat sa akin.
Korong Babae: Nang magkaroon na ng tela ang bawat
taumbayan, nagsimula nang dumumi ang Mahiwagang Tandang.
Mahiwagang Tandang: Ugh! Ugh! Ugh!
Taumbayan 4: Ai-dao! Ginto’t pilak ang lumalabas sa puwit ng
tandang!
Taumbayan 5: Ai-dao! Oo nga. Ginto’t pilak.
Taumbayan 6: Para sa atin ba ang mga iyan?
Mahiwagang Tandang: Oo. Paghahatian ninyong lahat iyan.
Korong Lalaki: Tuwang-tuwang namulot ng mga ginto’t pilak ang
mga taumbayan.
Korong Babae: Naging masaya ang lahat.
Mahiwagang Tandang: Bagoamama, sa palagay ko’y tapos na ako sa
aking misyon. Panahon na upang ako’y lumisan. Dalangin ko ang
masaya at masaganang pamumuhay ninyo rito sa kaharian ng
Agamaniog.
Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila ka! Sana’y
dalawin mo kami sa hinaharap. Salamat.
Lokus a Babae: Hindi namin malilimutan kailanman ang iyong
labis na kabutihan. Salamat sa ginintuan mong puso.
Korong Lalaki: Masayang lumipad ang Mahiwagang Tandang sa
himpapawid.
(Ang lahat ay kumakaway sa Mahiwagang Tandang. Lumuluha sina
Bagoamama at Lokus a Babae.)
Bagoamama: Salamat muli kaibigan. Utang na loob ko sa iyo ang
lahat ng tinatamasa ko ngayon. Sana’y patnubayan ka ni Allah.
Filipino 7 35
Week 4-6/ Quarter 1
Naranasan ko na pong magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng
biyaya na aking natanggap at mismo sa lahat ng taong dumating at
naging parte ng aking buhay.
E. Pagpapalalim
Gawain 2
Filipino 7 36
Week 4-6/ Quarter 1
Gawain 3
Panuto: Batay sa mga pahayag mula sa siping dulang “Ang
Mahiwagang Tandang”, suriin ang mga pahayag na nasa ibaba at
dugtungan ang pahayag na nagaganap sa totoong buhay ayon sa
iyong karanasan. Gawing batayan ang ginawang halimbawa upang
mapag-tagumpayan ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Filipino 7 37
Week 4-6/ Quarter 1
Tiyakin Natin
I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sino ang nagbasbas sa pagmamahalan nina Bagoamama at
prinsesa?
a. Sultan Aliadab c. Sultan Abdullah
b. Sultan Abubakar d. Sultan Aladin
2. Batay sa iyong pag-unawa, ano ang tunay na kahulugan ng
karanasan?
a. Ang karanasan ay bahagi ng pagkatao kaya huwag husgahan
ang tao.
b. Ang karanasan ay para lamang sa matatapang na mga tao
c. Ang karanasan ay walang kaugnayan sa iyong buong
pagkatao.
d. Ang karanasan ng isang tao ay nakadepende mismo sa
kanyang sarili.
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ng tandang?
a. Nagalit ang tandang kay Bagoamama.
b. Natapos na ang kanyang misyon.
c. Nagselos ang tandang sa prinsesa.
d. Nakahanap ng bagong bahay ang tandang.
4. Ano ang ibig sabihin sa sinabi ni Bagoamama para sa tandang?
“Utang na loob ko sa iyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon.”
a. Malaki ang galit ni Bagoamama sa tandang dahil sa binigay
na pasakit nito sa kaniyang buhay.
b. Malaki ang pasasalamat ni Bagoamama sa lahat ng biyayang
kaniyang natanggap.
c. May itinatagong inggit si Bagoamama sa mahiwagang
tandang dahil makapangyarihan ito.
d. Nasasaktan si Bagoamama sa pag-alis ng tandang dahil
napamahal na ito sa kanya.
5. Ano ang dahilan kung bakit mahiwaga ang tandang?
a. Nakalilipad ang tandang.
Filipino 7 38
Week 4-6/ Quarter 1
b. May angking talino ang tandang.
c. May kapangyarihan ang tandang.
d. Makulay ang balahibo ng tandang.
Paglilipat
Panuto: Pansinin ang mga nangyayari sa lipunang iyong
ginagalawan. Ipaliwanag ang iyong mga karanasan batay sa
larawang nasa ibaba. Gawing batayan ang rubrik na makikita sa
susunod na pahina para sa pagbibigay ng puntos. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
KAHIRAPAN
Filipino 7 39
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Week 4-6/ Quarter 1
Filipino 7 40
Week 4-6/ Quarter 1
nilalaman g ng
. kauntin kauntin
g ideya g ideya
sa sa
nilalama nilalam
n an.
Filipino 7 41
Week 4-6/Quarter 1
Filipino 7
4
2