Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Summative Test
3rd Quarter

Pangalan: ________________________________ Iskor: _____

I. Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang pagpapasiya para sa kaligtasan at

malungkot na mukha ( ☹ ) naman kung hindi.

_____ 1. Inalis ni Klyde ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang gamitin


_____ 2. Pinalitan ni tatay ang lumang electrical wire na maaaring mag-init at pagmulan ng sunog.
_____ 3. Sumama pa rin si Jonathan sa kaniyang mga kaibigan na maligo sa dagat kahit may babala ng pagtaas ng tubig dahil sa
bagyo.
_____ 4. Nakinig ng balita sa radyo si Peter tungkol sa paparating na bagyo.
_____ 5. Inilagay ni Boyet sa mataas na lugar ang posporo upang hindi mapaglaruan ng kaniyang nakababatang kapatid.
_____ 6. Umakyat sa puno ng bayabas si Domdom kahit malakas ang ulan.
_____ 7. Tumingin muna sa gawing kaliwa at sa gawing kanan ng daan si Johnbago tumawid.
_____ 8. Hinayaan ni Maricel na maglaro ng siga sa labas ng bahay ang kaniyang kapatid kahit matindi ang sikat ng araw.
_____ 9. Inayos ng tatay ang bubong ng kanilang bahay upang maging handa sa darating na bagyo.
_____ 10. Lumayo si Raymond sa mga bagay na maaaring mahulugan o mabagsakan ng mga bagay habang lumilindol.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis (X) naman kung hindi.

_________1. Bigyang babala ang kaibigan at kaklase sa paparating na bagyo sa inyong lugar.
_________2. Ipagbigay-alam sa iba ang impormasyong napakinggan tungkol sa mga kalamidad na paparating.
_________3. Ilihim ang napakinggang babala upang ikaw lamang at ang iyong pamilya ang makaligtas sa sakuna.
_________4. Unahin ang pansariling kapakanan bago pansinin ang kalagayan ng iba.
_________5. Isaisip ang laging pagtulong sa iba lalo na ang pagbibigay babala at impormasyon tungkol sa kalamidad.
_________6. Kung nasa loob ng bahay o gusali magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paanan.
_________7. Kung nasa tabing dagat, huwag lumikas sa mataas na lugar dahil hindi naman madadala ng tsunami ang bahay.
_________8. Kapag may nagaganap na lindol lumagakpak, magsuklob, at kumapit o duck, cover, and hold.
_________9. Sinusunod ko ang mga paalala at babala ng mga opisyal ng komunidad bilang pakikiisa upang mapanatili ang
kaligtasan ng bawat isa.
________10. Pagsasawalang bahala ang mga balita tungkol sa mga posibleng inaasahang kalamidad.

You might also like