Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

JV sa Kamara: Huwag apurado sa

Cha-cha
Hinimok ni Senador Joseph Victor Ejercito ang Kamara de
Representantes na hintayin na maaprubahan ng Senado ang
Resolution of Both Houses No. 6 sa Charter change (Cha-cha) bago
iratsada ang kanilang bersyon ng panukala.

Ayon kay Ejercito, ito ang napagkasunduan ng mga lider ng Senado at


Kamara sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nauna nang sinabi ng mga lider ng Kamara na plano nilang ipasa ang
RBH No. 7 bago mag-Semana Santa. Ang Senado naman ay hindi
nagmamadali sa pagtalakay sa RBH No. 6 at target nilang tapusin ito sa
Oktubre ng taong ito.

“Ang tanong ko lang, bakit minamadali ng House itong RBH7 na


kanilang pinasa? Sabi ko nga mahirap magkamali, dahil ito’y kumbaga ito
yung pinaka soul of the Republic, ‘yong ating Constitution kaya iyan
ang posisyon ng Senado, hindi tayo puwede magkamali, we have to do it
correctly, we have to do it the proper way,” diin pa ni Ejercito. (Dindo
Matining)

You might also like