Activity PT 34 FILIPINO1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 1

Pangalan: ___________________________________________________________

Seksiyon: ____________________________________________

ACTIVITY #3
PANUTO: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung anong barayti ng wika nabibilang
ang mga sumusunod na pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa linya. (2 puntos ang bawat bilang)

________________1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag

sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”

________________2. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa tagalog ng mga

taga-Metro Manila.

________________3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang

“Ah,ha,ha! Okey! Darla! Halika!”

________________4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man

dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong hindi alam ang wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng

wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.

________________5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang

taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang

naging unang wika ng kanilang mga naging anak.

________________6. Maririnig sa usapan nila Lauro a.k.a “Laura” at ng kaibigan niyang si Danila a.k.a “Dana” ang mga

salitang charot, chaka, bigalou at iba pa.

________________7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.

Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam na

niyang mga guro ang nakaupo sa harap niya.

________________8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakakatawa ang

ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-

ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang paraan ng kanilang

pagsasalita.

________________9. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan ng mamasyal siya sa Batanes. Saan man

siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng
mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.

________________10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linya na binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang

programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang
pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng
pagbigkas.

PERFORMANCE TASK #3
Panuto: Punan ang mga kahon ng halimbawa na nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. (40
puntos)

Halimbawa ng iba’t ibang Barayti ng Wika


Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng
tatlong gay lingo o salitang pangungusap na sinasabi pangungusap na nakasulat limang jargon ng
beki na alam mo at ang ng coño o sosyal. sa paraang jejemon. trabahong ninanais mong
kahulugan ng bawat isa. makuha o magampanan
balang araw.

Punan ang kahon ng Isulat mong muli ang Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng
pangalan ng taong may pangungusap sa ibaba. tatlong salitang gamit sa dalawang salitang
kilalang idyolek. Sumulat Isipin mong ang kausap lalawigan o rehiyong may maituturing na etnolek.
ng pahayag na madalas mo ay ang bestfriend mo. ibang kahulugan sa Tagalog
marinig sa kanya. ng Maynila.
“Pinayagan ako ng aking
ina at ama na dumalo sa
pagdiriwang ng iyong
kaarawan.”
ACTIVITY #4
PANUTO: Isulat sa linya ang tungkulin ng wikang tinutukoy sa pahayag sa ibaba. (2 puntos bawat bilang)

__________________1. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

__________________2. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro kuro sa paksang

pinag-uusapan.

__________________3. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-

aaralan.

__________________4. Tumutukoy ito sa tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng

pakikipag-ugnayan sa iba.

__________________5. Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa

paksang pinag-aaralan. Isa dito ang pag-iinterbyu sa mga taong nakasasagot sa mga tanong

tungkol sa paksang pinag-aaralan.

__________________6. Ito ang paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng

pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

__________________7. Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,

sanaysay at iba pa.

__________________8. Paraan ng pagbabahagi ng wikang tumutukoy sa pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at

emosyon.

__________________9. Ito ay gamit ng wika upang makahimok at maka-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-

uutos at pakiki-usap.

__________________10. Saklaw nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng

kaalaman upang maiparating ng mensahe at impormasyon.


PERFORMANCE TASK #4
PANUTO: Magbigay ka ng sarili mong halimbawa para sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinabi ni
Jakobson (2003). Gawing malikhain subalit makatotohanan dahil sadyang masasambit mo ang mga paraang ito sa iyong
pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap sa iba. (30 puntos)

Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Wika


Pagpapahayag ng Damdamin Panghihikayat (Conative) Pagsisismula ng Pakikipag-ugnayan
(Emotive) Gusto mong hikayatin ang mga (Phatic)
May isang taong matagal mo nang producer at director ng pelikulang Isang bagong lipat na kamag-aral ang
lihim na minamahal subalit hindi mo Pilipino upang bumuo ng matalino at nakita mong nag-iisa at wala pang
masabi sa kanya ang damdamin mo. mahusay na pelikula tulad ng Heneral kaibigan. Lumapit ka at magsimula ng
Ilahad sa ibaba ang sasabihin mo sa Luna sapagkat sawang-sawa ka na sa usapan para mapalagay ang loob
kanya kung sakaling magkakaroon ka paksang paulit-ulit na tinatalakay sa niya.
ng lakas ng loob. pinilakang tabing. Paano mo sila
hihikayatin.

You might also like