Professional Documents
Culture Documents
MISA TAGALOG AutoRecovered
MISA TAGALOG AutoRecovered
MISA TAGALOG AutoRecovered
B: At sumaiyo rin
Pagsisisi
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat na gumanap sa Banal na Pagdiriwang.
B: Amen
P: Panginoon, Kaawaan Mo kami.
B: Panginoon, Kaawaan Mo kami.
P: Kristo, Kaawaan Mo kami.
B: Kristo, Kaawaan Mo kami.
P: Panginoon, Kaawaan Mo kami.
B: Panginoon, Kaawaan Mo kami.
Panalanging Pambungad
P: Manalangin tayo, Ama naming Makapangyarihan, pinangatawanan
Mong Manahan sa mga may loobing tapat at maaasahan. Sa
kagandahang-loob Mo, kami nawa’y makapamuhay bilang mga
mapalad na maging Iyong tahanan.
Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen
C: Magsiupo ang lahat at makinig sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Unang Pagbasa Genesis 28: 10-22a
Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog. Nang gabing yaon,
siya’y nanaginip. May Nakita siyang hagdan na abot sa langit at
nagmamanhik manaog doon ang mga anghel. Walang anu-ano’y nakita
niya ang Panginoon sa tabi niya. Ang wika sa kanya , “Ako ang
Panginoon, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong
hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. Darami sila na parang
alikabok sa lupa at malalaganapan nila ang apat na sulok ng daigdig. Sa
pamamagitan mo at ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa.
Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta,
at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita hihiwalayan hanggang sa
matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”
B: Salamat sa Diyos!
B: At sumaiyo rin.
-Homiliya-
Panalangin ng Bayan
P: Hindi ninanais ng Diyos ang ating kamatayan. Nilikha niya tayo para
sa buhay ngunit mas pinili natin ang kamatayan sa bawat pagkakasala
natin. Si Kristong Tagapagligtas ay nagbabalik sa atin sa buhay, at
lumalapit tayo sa Ama sa pamamagitan niya.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
Ang mga doctor at mga nars, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit
nawa’y magpakita ng habag at kahinahunan ni Kristo sa pag-aaruga sa
mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Amen
C: Magsiupo ang lahat at ating ihanda ang ating mga sarili sa Pag-aalay.
Awit ng Pag-aalay
Paghahanda ng Alay
----
P: Ama naming…
Magpasawalang Hanggan…
B: Amen
B: At sumaiyo rin
Konsekrasyon
(Pagtatapos ng Konsekrasyon)
Aklamasyon
B: Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas na panahon!
Alalahanin Mo rin ang mga kapatid naming nahimlay, nang may pag-
asang sila’y muling mabubuhay gayundin ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan Mo sila, at patuluyin sa Iyong kaliwanagan.
B: Amen
B: Amen
B: At sumaiyo rin
KORDERO NG DIYOS
P: Manalangin tayo….
Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
B: Amen
B: At sumaiyo rin!