4 Pangulo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MANUEL A ROXAS

1946 to 1948
1. Bell Trade Act - Malayang Kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas Quota at
Parity Rights
2. Batas sa Rehabilitasyon Hindi pagkakalooban ng pondo para sa rehabilitasyon
kung hindi pagkakalooban ng mga Pilipinas ng Parity Rights ang mga
Amerikano.
3. Kasunduan ng Pangkalahatang Ugnayan Iniurong at Isinuko ng U.S. Ang lahat
ng mga karapatan sa pagmamay-ari, pamamahala, hurisdiksyon, kontrol o
soberanya sa Pilipinas maliban sa mga base militar.
4. Kasunduan sa Base Militar Pinahihintulutan nito ang U.S. Na magkaroon ng 23
base militar sa iba't ibang lugar sa Pilipinas na tatagal ng 99 na taon. Clark Field
Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Olonggapo ang pinakamalaking
base militar sa bansa.
5. Pangakalahatang Amnestiya sa lahat ng mga taong kinasuhan ng kolobarosyon
o pakikipagtulungan sa mga Hapones noong digmaan. Hindi kabilang ang mga
taong Nakagawa ng krimen at pag espiya ng mga hapon.
6. National Development Company (NDC) Nagsaliksik ng alternatibong paggamit
na mga hilaw na sangkap o materyales.
7. Amiyendahan ang Philippine Rice-Sharing Tenancy Act 60-40 sa pagitan ng
nagmamayari ng lupa at nangungupahan dito. Atake sa puso ang ikinamatay ni
Manuel A Roxas pagkatapos magtalumpati sa Clark Air Base.
ELPIDIO R QUIRINO
1948 to 1953

1. Nagbigay ng amnestiya sa mga lider at kasapi ng Huk at Pambansang Kaisahan


ng
1. mga magbubukid. kasama sa amnestiya ang nakagawa ng rebelyon, sedisyon,
pagsapi sa ilegal na samahan, iligal na pagmamay ari ng baril. Nagpakita rin si
Luis Taruc sa pamahalaan at naibalik sya bilang kongresista at nakakolekta ng
backpay bilang kongresista.
2. Natanggal si Taruc bilang congresista sa partidong Democratic Alliance matapos
akusahan ng pandaraya sa halalan. ngunit sa katotohanan tumutol sila sa parity
rights ng mga amerikano.
3. Nanungkulan si Ramon Magsaysay bilang kalihim ng tanggulang Pambansa.
Nagtagumpay ang pamahalaan laban sa mga Huk.
4. Itinatag ang President's Action committee on Social Amelioration ( PACSA),
upang ipatupad ang anim na programa ng pangulo.
 Bumili ng malawak na lupa upang ipamahagi sa mga kasama.
 Magpagawa ng mga pagawaing bayan.
 Papasukin sa mga paaralan ang mga anak ng mga rebeldeng Huk at
magbigay ng mga klase para sa edukasyong pangmatanda.
 Maglaan ng pautang para sa mga pananim.
 Magpatayo ng bahay mula sa Philippine National Bank
 Pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailangan sa pamamagitan ng
Social Welfare commission at magtatag ng mobile unit.
5. Naitatag ang Foreign Service - Sektor ng pamahalaan na may kinalaman sa
diplomasya at pagtatag ng ugnayang panlabas sa Pilipinas.
RAMON F MAGSAYSAY
1953 – 1957

TinaguriangTagapagtanggol ng Demokrasya

1. Pag angat ng mga nayon o baryo. Magna Carta of Labor Tumitiyak sa karapatan
ng mga mangagawa na mag organisa at magpawalang -bisa sa mga unyon ng
kompanya. Kinikilala rin ng batas ang mga gawaing hindi makatarungan sa
employer at unyon ng manggagawa.
1. Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) Isang komite na itinatag
upang maipaabot sa kanya ang mga karaingan ng mga tao.
2. 2.Pag papabuti ng sistema ng reporma sa lupa. Agricultural Tenancy Act
Nagbigay ang batas na ito ang higit na proteksyon sa mga Kasama sa
pamamagitan ng kalayaang pumili ng Sistema ng pakikisaka. Nabuo rin ang
Agricultural Tenancy Commission at ang Court of Agrarian Relations, tungkulin
nilang magbigay ng desisyon sa lahat ng kaso na may kinalaman sa pagsasaka..
Pautang ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Agricultural Credit and
Cooperative Financing Adminitration ( ACCFA) , Tumulong ang ahensyang ito sa
paghahanap ng pamilihan para sa kanilang produkto. Farmers Cooperative and
Marketing Associations
3. sa buong Bansa na Nagkakaloob ng pautang sa mga kasapi para sa pagtinda
ng kanilang produkto.
4. Pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang pasilidad para sa kapakanan ng mga
tao sa
5. Baryo Nagpagawa ng Kalsada na nag uugnay ng mga pamayanang rural sa
sentrong urban upang mapabilis ang pagdadala ng produkto at pagalalakbay ng
mga tao. Proyekto sa irigasyon. Namatay sya nang bumagsak ang eroplanong
sinasakyan.
CARLOS P GARCIA
1957 – 1961

Pangunahing Suliranin ng Bansa : Problemang Pinansyal Programa : Maingat na


paggasta, pagtitipid, higit na pagtatrabaho, produktibong pamumuhunan.

1. Filipino First Binigyan ng karapatang magbukas ng mga negosyo bago ang dayuhan.
Produktong Pilipino ay dapat tangkilikin bago ang sa dayuhan.
2. Ang Pag-upa sa base militar ay nabawasan mula 99 na taon hanggang 25 taon na
lamang.
3. Pagtutol sa Komunismo at Pag sa batas ng Anti - Subversion Law Pakikipagkaibigan,
kalakalan at nabigasyon.
4. Association of Southeast Asia (ASA) Binubuo ng Pilipinas, Malaysia at Thailand.
Layunin nito ay ang kooperasyon sa larangan ng kabuhayan at kultura sa kasapi.
DIOSDADO P MACAPAGAL
1961 – 1965

1. Kodigo ng Reporma sa Lupa Sa pamamagitan ng batas nito, maililipat sa mga


magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka. to rin ang nagbigay daan sa
pagkabuo ng
KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA.
o Bumuo ng organisasyon.
o Magtakda ng pinakamababang pasahod.
o magkaroon ng karapatang magmayari
o magtatag ng ahensyang mamamahala sa salaping kakailanganin sa
programmang ito.
2. Inilipat niya ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 1898 Ang Hunyo 4, 1898 ay
ginawang Filipino -American Friendship day.
3. Itinatatag sa panahong niya ang MAPHILINDO Binubuo ng Malaysia, Pilipinas at
Indonesia Ugnayan at pagtutulungan ng tatlong bansa sa larangan ng pulitika,
ekonomiya, panlipunan at Kultura.
4. Pormal na iniharap ang pag-angkin sa Sabah noong Hunyo 22, 1962 Ang Sabah
ay dating bahagi ng Hilagang Borneo. Ibinigay ito ng Sultan ng Brunei sa Sultan
ng Sulu bilang sa pagkilala sa tulong nito na pigilan ang isang rebelyon.
FERDINAND E MARCOS
1965 – 1986

1. Proyektong kontruksyon ng mga daan at tulay Tulay ng San Juanico -


Pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nag uugnay sa lalawigan ng Samar at
Leyte.
2. Proyektong Imprastruktura Ospital na may espesyalisasyon :
 Heart Center for Asia
 Philippine Kidney Institute
 Lung Center
Tanghalan para mapagyaman lalo ang Kultura natin:
 Philippine Convention Center
 Cultural Center of the Philippines.
 Folk Arts Theater.
3. Programang Pansakahan
 Masagana 99 at Miracle Rice Pagkakaroon ng irigasyon, mahuhusay na
binhi ng palay at paggamit ng pataba.
 Green Revolution Humikayat sa maraming mag-anak na magtanim sa
mga bakanteng lote at mag alaga ng mga hayop para madagdagan ang
kanilang kita.

Manila Summit Conference -Ginanap sa Maynila na dinaluhan ng mga pinuno ng


South Vietname, Australia, South Korea at Marami pa.
Napagkasunduang ang isyu ng Sabah ay dapat lutasin sa mapayapang paraan.
ASEAN - Association of Southeast Asian Nations Layunin ng ASEAN na matamo ang
pag-unlad na pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura sa pamamagitan ng
pagtutulungan at pag sulong ng panrehiyong kapayapaan at katatagan.

Suliranin sa panahon ng kanyang panunungkulan

1. Mataas na presyo ng bilihin.


2. Pagtutol sa pagpapadala ng mga sundalong Pilipino para tulungan ang U.S. Sa
Vietnam War.
3. Nagdeklara ng BATAS MILITAR

You might also like