Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MANUEL A ROXAS

1946 to 1948

MANUEL A ROXAS 28 Mayo 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); 4 Hulyo 1946, (bilang Pangulo ng
Ikatlong Republika) – 15 Abril 1948 Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948). Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa
lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina
Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika
bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of the
House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly,
nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa
Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na
Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas
na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli
ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos
ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng
mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral
Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.
Ito ang nagbigaybuhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa
pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga
nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang
nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa
kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino. MGA NAGAWA 1. Bell Trade Act - Malayang Kalakalan
sa pagitan ng US at Pilipinas Quota at Parity Rights 2. Batas sa Rehabilitasyon Hindi pagkakalooban ng pondo para
sa rehabilitasyon kung hindi pagkakalooban ng mga Pilipinas ng Parity Rights ang mga Amerikano. 3. Kasunduan ng
Pangkalahatang Ugnayan Iniurong at Isinuko ng U.S. Ang lahat ng mga karapatan sa pagmamay-ari, pamamahala,
hurisdiksyon, kontrol o soberanya sa Pilipinas maliban sa mga base militar. 4. Kasunduan sa Base Militar
Pinahihintulutan nito ang U.S. Na magkaroon ng 23 base militar sa iba't ibang lugar sa Pilipinas na tatagal ng 99 na
taon. Clark Field Air Base sa Pampanga atSubic Naval Base sa Olonggapo ang pinakamalaking base militar sa
bansa. 5. Pangakalahatang Amnestiya Amnestiya sa lahat ng mga taong kinasuhan ng kolobarosyon o
pakikipagtulungan sa mga Hapones noong digmaan. Hindi kabilang ang mga mga taong nakagawa ng krimen at pag
espiya ng mga hapon. 6. National Development Company (NDC) Nagsaliksik ng alternatibong paggamit na mga
hilaw na sangkap o materyales. 7. Amiyendahan ang Philippine Rice-Sharing Tenancy Act 60-40 sa pagitan ng
nagmamayari ng lupa at nangungupahan dito. Atake sa puso ang ikinamatay ni Manuel A Roxas pagkatapos
magtalumpati sa Clark Air Base.

ELPIDIO R QUIRINO
1948 to 1953

Elpidio R. Quirino Ika-6 na Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan 18 Abril
1948 (halal 30 Disyembre 1949) – 30 Disyembre 1953 Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero
1956) ay isang politiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera.
Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa
Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng
"Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang
Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang
malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang
Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni
Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29
Pebrero 1956 sa gulang na 66. MGA NAGAWA 1. Nagbigay ng amnestiya sa mga lider at kasapi ng Huk at
Pambansang Kaisahan ng mga magbubukid. kasama sa amnestiya ang nakagawa ng rebelyon, sedisyon, pagsapi
sa ilegal na samahan, iligal na pagmamay ari ng baril. Nagpakita rin si Luis Taruc sa pamahalaan at naibalik sya
bilang kongresista at nakakolekta ng backpay bilang kongresista. 2. Natanggal si Taruc bilang congresista sa
partidong Democratic Alliance matapos akusahan ng pandaraya sa halalan. ngunit sa katotohanan tumutol sila sa
parity rights ng mga amerikano. 3. Nanungkulan si Ramon Magsaysaybilang kalihim ng tanggulang pambansa.
Nagtagumpay ang pamahalaan laban sa mga Huk. 4. Itinatag ang President's Action committee on Social
Amelioration ( PACSA), upang ipatupad ang anim na programa ng pangulo. 4.1 Bumili ng malawak na lupa upang
ipamahagi sa mga kasama. 4.2 Magpagawa ng mga pagawaing bayan. 4.3 Papasukin sa mga paaralan ang mga
anak ng mga rebeldeng Huk at magbigay ng mga klase para sa edukasyong pangmatanda. 4.4 Maglaan ng pautang
para sa mga pananim. 4.5 Magpatayo ng bahay mula sa Philippine National 4.6 Pamamahagi ng pagkain at iba pang
pangangailangan sa pamamagitan ng Social Welfare commission at magtatag ng mobile unit. 5. Naitatag ang
Foreign Service - Sektor ng pamahalaan na may kinalaman sa diplomasya at pagtatag ng ugnayang panlabas sa
Pilipinas
RAMON F MAGSAYSAY
1953 – 1957

RAMON F. MAGSAYSAY ka-7 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan 30
Disyembre 1953 – 17 Marso 1957 Tinaguriang Tagapagtanggol ng Demokrasya Si Ramón' '"Monching" del Fierro
Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) sinasakyan.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil
niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider
ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ay
tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga
inkompetenteng heneral. Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng
eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
MGA NAGAWA 1. Pag angat ng mga nayon o baryo.  Magna Carta of Labor Tumitiyak sa karapatan ng mga
mangagawa na mag organisa at magpawalang -bisa sa mga unyon ng kompanya. Kinikilala rin ng batas ang mga
gawaing hindi makatarungan sa employer at unyon ng manggagawa.  Presidential Complaints and Action
Committee (PCAC) Isang komite na itinatag upang maipaabot sa kanya ang mga karaingan ng mga tao. 2. Pag
papabuti ng sistema ng reporma sa lupa. Agricultural Tenancy Act - Nagbigay ang batas na ito ang higit na
proteksyon sa mga Kasama sa pamamagitan ng kalayaang pumili ng sistema ng pakikisaka. Nabuo rin ang
Agricultural Tenancy Commission at ang Court of Agrarian Relations, tungkulin nilang magbigay ng desisyon sa lahat
ng kaso na may kinalaman sa pagsasaka.. Pautang ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Agricultural Credit and
Cooperative Financing Adminitration ( ACCFA) , Tumulong ang ahensyang ito sa paghahanap ng pamilihan para sa
kanilang produkto. Farmers Cooperative and Marketing Associations sa buong Bansa na Nagkakaloob ng pautang
sa mga kasapi para sa pagtinda ng kanilang produkto. Pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang pasilidad para sa
kapakanan ng mga tao sa baryo Nagpagawa ng Kalsada na nag uugnay ng mga pamayanang rural sa sentrong
urban upang mapabilis ang pagdadala ng produkto at pagalalakbay ng mga tao. 3. Proyekto sa irigasyon. 4.
Namatay sya nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan.mga tao. Proyekto sa irigasyon. Namatay sya nang
bumagsak ang eroplanong sinasakyan.

CARLOS P GARCIA
1957 – 1961

CARLOS P. GARCIA Ika-8 Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan 23
Marso 1957 (halal 30 Disyembre 1957) – 30 Disyembre 1961 Pangunahing Suliranin ng Bansa :Problemang
Pinansyal Programa : Maingat na paggasta, pagtitipid, higit na pagtatrabaho, produktibong pamumuhunan. Noong
Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa
eroplano. Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa
1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo
bilang pangalawang pangulo. Ekonomiya Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit
upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin
ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang
"Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga
imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga
kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang

guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang
mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong
sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino. Habang nasa kapangyarihan,
ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas
ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni
Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang
pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961. Mga Nagawa 1.
Filipino First Binigyan ng karapatang magbukas ng mga negosyo bago ang dayuhan. Produktong Pilipino ay dapat
tangkilikin bago ang sa dayuhan. 2. Ang Pag-upa sa base militar ay nabawasan mula 99 na taon hanggang 25 taon
na lamang. 3. Pagtutol sa Komunismo at Pag sa batas ng Anti - Subversion Law Pakikipagkaibigan, kalakalan at
nabigasyon. 4. Association of Southeast Asia (ASA) Binubuo ng Pilipinas, Malaysia at Thailand. Layunin nito ay ang
kooperasyon sa larangan ng kabuhayan at kultura sa kasapi.

DIOSDADO P MACAPAGAL
1961 – 1965

DIOSDADO P. MACAPAGAL Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan
30 Disyembre 1961 – Disymbre 30, 1965 Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ang
ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Siya ay ama ni Gloria
Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin,
wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal,
ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong Agosto 8, 1963
upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano
ang Hulyo 4, 1946. MGA NAGAWA 1. Kodigo ng Reporma sa Lupa Sa pamamagitan ng batas nito, maililipat sa mga
magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka. Ito rin ang nagbigay daan sa pagkabuo ngKATIPUNAN NG MGA
KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA. 1.1. Bumuo ng organisasyon.

1.2. Magtakda ng pinakamababang pasahod. 1.3. magkaroon ng karapatang magmayari 1.4. magtatag ng
ahensyang mamamahala sa salaping kakailanganin sa programmang ito. 2. Inilipat niya ang Araw ng Kalayaan sa
Hunyo 12, 1898 Ang Hunyo 4, 1898 ay ginawang Filipino -American Friendship day. 3. Itinatatag sa panahong niya
ang MAPHILINDO Binubuo ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia Ugnayan at pagtutulungan ng tatlong bansa sa
larangan ng pulitika, ekonomiya, panlipunan at Kultura. 4. Pormal na iniharap ang pag-angkin sa Sabah noong
Hunyo 22, 1962 Ang Sabah ay dating bahagi ng Hilagang Borneo. Ibinigay ito ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu
bilang sa pagkilala sa tulong nito na pigilan ang isang rebelyon.
FERDINAND E MARCOS
1965 – 1986

FERDINAND E MARCOS Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika Unang Pangulo ng
Ika-apat na Republika Panunungkulan 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986 Si Ferdinand Emmanuel Edralin
Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30
Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan
ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging
Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos
ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at
mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling
nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo
ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula
sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.[1] Nagkaroon din ng isang
pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago
kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang
MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga
ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at
pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang
kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito,
ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni
Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda
noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na
si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang
inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial
Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang
Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga
amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na
magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga
kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga
kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni
Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si
Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula 1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong
negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak.[2] Itinatag ni Marcos ang
kapitalismong crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging,
pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay
mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986
mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965.[3][4] Kanyang hinirang ang
mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng
mga pampublikong utilidad at media.[2] Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at
autonomiya.[2] Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na
hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%.
[2] Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak
ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino
habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-
atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng Papa na dumalaw noong
Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981
bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang
bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang
pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya
pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong
hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na
kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang

paglilitis ng pamahalaan ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na
tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986
halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military
vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula isang milyon
hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni
Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan
siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa
kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang
mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.
1.Proyektong kontruksyon ng mga daan at tulay Tulay ng San Juanico - Pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nag
uugnay sa lalawigan ng Samar at Leyte. 2. Proyektong Imprastruktura Ospital na may espesyalisasyon : 1.Heart
Center for Asia 2. Philippine Kidney Institute 3. Lung Center Tanghalan para mapagyaman lalo ang Kultura natin: 1.
Philippine Convention Center 2. Cultural Center of the Philippines. 3. Folk Arts Theater. 3. Programang Pansakahan
1. Masagana 99 at Miracle Rice Pagkakaroon ng irigasyon, mahuhusay na binhi ng palay at paggamit ng pataba. 2.
Green Revolution Humikayat sa maraming mag-anak na magtanim sa mga bakanteng lote at mag alaga ng mga
hayop para madagdagan ang kanilang kita. Manila Summit Conference -Ginanap sa Maynila na dinaluhan ng mga
pinuno ng South Vietname, Australia, South Korea at Marami pa. Napagkasunduang ang isyu ng Sabah ay dapat
lutasin sa mapayapang paraan. ASEAN - Association of Southeast Asian Nations Layunin ng ASEAN na matamo ang
pag-unlad na pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura sa pamamagitan ng pagtutulungan at pag sulong ng
panrehiyong kapayapaan at katatagan.

You might also like