Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE

GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 3rd Quarter Weeks 3-4

Ang Pagmamahal sa Bayan


Name: ____________________________________ Grade & Section: ___________________________

Kasanayang Pampagkatuto
 Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan.
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo).

Mga Layunin Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Mapangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan;
2. Maipaliliwanag ang pagmamahal sa bayan; at
3. Makagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan

I. Panimula

May pagmamahal ka ba sa iyong bayan? Ito ang tanong na dapat natin masagot bilang isang
mamamayan sa ating bayan. Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang
mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung
wala tayo nito ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Ngunit
sa harap ng mga nangyayari sa kasalukuyan, paano mo kaya ito maipamamalas? Makatutulong ang
gawaing pampagkatuto na ito upang masagot mo ang mahalagang tanong tungkol sa pagmamahal sa
ating bayan.

II. Pagpapaunlad
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang
pangangangailangang maglingkod para sa ating bayan. Ang pagbibigay ng nararapat para sa
iba at ang pagkokontrol sa sarili sa mga sitwasyon na tayo lamang ang makikinabang ay
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang mithiin na


mapabuti ang lahat. Ito ay posible kung naisasakatuparan ang kapayapaan, ang
paggalang sa pagkatao ng tao at ang tawag ng katarungan.

Ang ating lipunan ay nagsasagawa sa mga mamamayan na isabuhay


ang mga birtud na makatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at
kilos, tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa, at pakikipag-ugnayan sa
Diyos. Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, (The Preamble), nakapaloob dito
ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay
ang pagmamahal sa bayan.
_______________________________________________________________________________________________
Address: Poblacion 14, Tingloy, Batangas
E-mail: tingloynationalhighschool@yahoo.com
Cellphone Nos.: 0917-173 6651

You might also like