Lesson Plan Ma'Am Dona

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Semi-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino II

I. Layunin
 Nakakapaglahad ng mga impormasyon na natutuhan sa nabasang teksto;
 Napapahalagahan ang mga bagong salitang natutuhan;
 Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa mga kahulugan ng salita.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Pagbibigay-kahulugan sa mga salita
b. Sangunian: Bumasa at Sumulat I (Filipino), pahina 71-74
c. Kagamitan: Mga larawan, laptop, visual aids
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Balik Aral
Ilista ang mga bagay na hindi pamilyar na nabanggit sa kwentong pinakinggan
at hanapin sa diksyonaryo ang kahulugan nito.
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan ng aparador, nagsuot, nakasiksik,nangangalay, at
tambak. Sagutin ang mga tanong upang matukoy ang kahulugan ng mga
salitang nasa larawan.
Itanong: Ano ang inilalagay sa larawang ito? Ano ang tawag dito?
Ano ang ginagawa ng bata?
Ano ang ibig sabihin ng tambak?
Ano ang ginagawa ng nakasiksik?
2. Pagtatalakay
 Pag-aralan ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
tulong ng mga pangungusap sa pahina 72-73.
Itanong:
Ano ang mga salitang may salungguhit?
Ano ang mga kahulugan nito?
3. Pagpapahalaga
Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng mga salitang may kahulugan?
4. Gawaing pagpapayaman
Igrupo ang mga estudyante sa dalawa.
Unang grupo- magbibigay ng mga salita
Pangalawang grupo-magsasaad ng kahulugan sa naibigay na salita ng unang
grupo
D. Paglalahat
Ang mga salita ay may kahulugan iyo sa pamamagitan ng tunay na bagay,
mga larawan at kilos o galaw
E. Paglalapat
Basahing mabuti ang ibibigay na teksto ng guro at isulat ang mga salungguhit
sa tulong ng mga pangungusap.
F. Takdang-aralin
Sa inyong papel gumuhit ng limang bagay na makikita sa inyong tahanan at
ibigay ang kahulugan ng bawat iginuhit

You might also like