Manaytay Mitch Dessirre A. - M1 GAWAIN # 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE COLLEGE


Talisay Main Campus
COLLEGE OF ARTS & SCIENCES
KONTEKSWALISADONG FILIPINO
GAWAIN # 1
Pangalan: MITCH DESSIRRE A. MANAYTAY Petsa: Dec. 03, 2021
Kurso /Seksyon: BSNED 1-GENERALIST Guro: Rey Q. Mendoza

Lesson Closure Note


Sa araling Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas
ng Edukasyon at Lagpas Pa

Isa sa mahalagang kaisipan o konsepto ay:


Para sa akin, ang mahalagang kaisipan o konsepto sa araling Ang Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa ay “Pagtitiyak sa katayuang
akademiko ng filipino bilang asignatura sa antas tersyarya” na isa sa mga
pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng filipino at panitikan sa
kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSSLF) noong May 31, 2013, sa
ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor ng KWF. Ang nasabing resolusyon na
inilakip ng PSSLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong 2014 at ang resolusyon
na iyon ay pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia na isang ekspresyon ng kolektibong
reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala nasa bagong kurikulum ng
kolehiyo ang asignaturang Filipino ayon sa CHED memorandum Order No. 20, Series of 2013 na
nagsasaad na alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo para diumanaoy
mabawasan at mapagaan ang kurikulum ng kolehiyo kaya labis nangangamba at nabahala ang
mga guro kung ito ay tuluyan ng burahin sa kolehiyo at sa iba pang antas ng edukasyon sa
pilipinas ang asignaturang Filipino.

Ito ay mahalaga sapagkat:


Ang kahalagahan ng resolusyon nakasaad sa itaas ay ang pagsisi-gurado at pagtatanggol na ang
akademikong Filipino bilang asignatura sa antas ng kolehiyo na hindi dapat kailangan burahin o
alisin ang asignaturang Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa pilipinas. sa bahaging ito ay
ang pangunahing nilalaman ng resolusyon paggigiit ng mga guro na hindi patayin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil mayroon din itong kahalagahan sa antas ng tersyarya na
kung saan nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik,
malikhaing pagsulat, pasalin, pagsasalita ng pangmadla at kaalamang pang medya. lalong lalo na
sa panahon ngayon na patuloy ang globalisasyon at ng napipintong ASEAN integration na kung
saan na nararapat lamang ta patibayin natin mga pilipino ang sariling wika at panitikan upang
makapag- ambag tayo sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyon sosyo-cultural. sa ibang
salita, ang pagpapalakas ng wika at panitikanng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay para
sa paghahanda para rin sa ASEAN integration at sa patuloy na globalisasyon. higit sa lahat,
lagpas sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika ay paggigiit ng espasyo para
sa humanidad ng mga pilipino dahil ang ating wika ay salamin at tagapahayag ng ating mga
hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan, hinanakit, pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming
nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang patungo sa hinaharap.

Isa pang mahalagang ideya ay”


Ang isa pang mahalagang ideya sa Araling ito ay “ Filipino bilang wika ng
komunikasyon sa kolehiyo at mas mataas na antas” dito ipinahayag ni Dr.
Willfrido V. Villacorta na isa sa mga komisyoner ng 1986 Constitutional Commission ng ipinakula
niya ang mga probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol sa
edukasyon, wika, at sining na “ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang
makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit sa
karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang pambansang nagsisilbing pahatiran ng
komunikasyon sa pagitan ng mga etno-linggwistika na grupo at uri ay nagbibigay daan sa
pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan”, batay sa banggit petisyon
ng Tanggol Wika sa Korte Suprema(2015) at malayo na ang narating ng wikang pambansa dahil
narin sa pagiging bahagi nito ng kurikulum sa lahat ng antas na edukasyon at mas mataas pang
antas. kagaya ng programang “Batibot” at sinundan ng “At Iba Pa,” “Hiraya Manawari” at
“Bayani” ang pagtatangka ng mga makabayang TV producer na tumulong sa de-Amerikanisasyon
ng mga Pilipino. Bagamat sa unang sipat ay banyagang kultura ang nilalaman ng mga cartoon na
ito, masasabing nakatulong pa rin ito sa proseso ng de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino.
Kumpara sa mga henerasyong isinilang sa huling bahagi ng dekada 90, ang mga isinilang sa
unang bahagi ng dekada ‘80 hanggang sa simula ng dekada ‘90 ay pawang higit na may
kakayahang makipag talastasan sa wikang Filipino. Dahil din dito malaking tagumpay at
pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino sa mass media sa dalawang magkasunod na
dekadang itoy nauso sa paggamit ng Filipino sa mga public affairs at news program.

Nararapat itong tandaan dahil:


Nararapat nating tandaan na ang diwa ng lahat ng tinalakay na, malinaw na Filipino ang wikang
magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng “isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan
ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at
pakikibaka ng nakararami”) at kung susuriing mabuti, hindi lamang dimensyong kultural
mahalaga ang wikang Filipino, kundi maging sa aspektong ekonomiko rin kaya dapat kailangan
pagtibayin ang asignaturang filipino upang mapanatili sa antas ng kolehiyo at iba pang mataas na
antas na ginagamit o gumagamit ng wikang Filipino dahil hindi lahat ng mga tao sa pilipinas ay
marunong umintindi, magsulat at magbasa sa wikang Filipino kaya lagi nating tandaan na
kailangan nating bigyan ng importansya at pahalagahan ang sarili nating wika. Gaya ng sinabi ni
San Juan (2014), ang wikang pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang sistemang
pang-edukasyon ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino o mas
tinatawag sa katagang “Retaining Filipino in the tertiary level is just one step toward aligning our
education system with our goals as a nation. We can change the subjects as often but we should
emphasize inculcating values for national development and international solidarity, rather than
subscribing to dependency on failed foreign frameworks and the race-to-the- bottom doctrine
preached by global capital.”

Sa pangkalahatan:
Sa kabuuan kahit ano mang mangyari wag na natin tangkaing burahin ang wikang Filipino sa
sistema nating pagiging isang pilipino dahil hindi lahat ng tao sa ating bansa ay nakakaintindi ng
ibang lenggwahe at ang pangunahing ginagamit natin ay wikang Filipino upang makapagbigay ng
ating saloobin at maipahayag ang ating damdamin wala nang iba kundi ang wikang Filipino at
naging silbing daan upang tao ay lahat ay pagkakaintindihan sa ano mang bagay kahit ang iba ay
hindi eksperto at hindi sanay ay kaya parin nilang isambit o magsalita ng wikang Filipino gaya na
nasambit ko sa itaas na “Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay
pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao” na ang wikang Filipino ay parte na
ng ating pagkatao na kung saan na magiging silbing gabay tungo sa makabagong hinarap. Oo
maari silang magtagumpay na burahin o tuluyan ng patayin ang wikang Filipino ngunit o kaya
nating ibahin ang asignaturang Filipino pero bilang lumaking namulat sa wikang Filipino kahit
saan tayo pumunta at tumongo at kahit hindi natin ipakita kung san tayo nagmula o gumamamit
ng ibang lengwahe malalaman at malaman rin nila o natin na tayo ang isang pilipino. higit sa
lahat maari nating baguhin ang ating wikang pinagmulan ngunit wag natin kalimutan na bigyan
ng importansya, ipagmalaki at suportahan ang ating sariling wika sa halip na ibagsak ang sarili
nating bansa dahil ang asignaturang Filipino ay konektado at dito nakasalalay para sa kinabukan
ng ating bayan.

You might also like