Manaytay Mitch Dessirre A. - MODULE 3 KONFIL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE COLLEGE


Talisay Main Campus
COLLEGE OF ARTS & SCIENCES
KONTEKSWALISADONG FILIPINO
Module 3
PAGSASANAY # 3
Pangalan: Mitch Dessirre A. Manaytay Petsa: 01/06/22
Kurso /Seksyon: BSNED 1-GENERALIST Guro: Rey Q. Mendoza
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod sa 5 hangangg 8 pangungusap.

1. Alin sa itaas na mapagpipiliin ang nakagawiang pamamahayag ang pinakamadalas mong ginagawa
sa araw-araw na buhay? Paano ito natutulong sa iyo ?
Ang nakagawiang pagpapahayag na pinakamadalas kong ginagawa sa pang araw
araw na buhay ay ang Pagkukuwentuhan o tinatawag na Kuwentuhan. Ang pakikipag
kuwentuhan ay naging parte na ng aking buhay kung saan dito ko na ipamamahagi ang
mga nagaganap,ginagawa at kung ano ang nangyayari sa pang araw araw ko na buhay.
Ito rin ang paraan na aking ginagawa upang maipalabas ang mga damdamin na aking
tinatago sa pamamagitan ng paghingi nang oras sa mga malapit kung mga kaibigan
upang humingi ng payo kung ano ang aking gagawain gamit ang pagpapahayag ng
kuwentuhan. Ito rin ang nagsilbing gabay na lalong pinalakas, pinagtibay at pinabuti ang
aming relasyon ng aking pamilya at kaibagan dahil mayroon kaming oras upang
kamustahin at alamin ang nagaganap sa aming sarili sa pagitan ng pagkukwentuhan.
Higit sa lahat, naniniwala ako na kung walang kuwentuhan na nagaganap sa ating mundo
hindi natin malalaman ang mga pinagkaiba o pagkapareha nating lahat na kung saan
nagbibigay ligaya patungo sa kaunlaran ng bayan.
2. Ipaliwanag ang kasabihang may pakpak ang balita sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon.
Ang kahulugan ng kasabihang "may pak pak ang balita" ay, para sa akin na bilang
pilipino ang pagiging Obserba sa lahat na nakikita sa kapaligiran ay nakagawian na o sa
madaling salita kapag may nakita tayo na kakaiba at bago sa ating paningin tiyak ay may
magaganap na debate, pagbibigay opinyon at paggawa ng hakahaka sa napiling paksa o
tema pati narin sa buhay ng isang tao. Katulad ng mga tsismosa o madalas na tinatawag
na marites ng bayan na kung saan wala silang ibang ginagawa kundi ay paguusapan ang
buhay nang iba na nagdudulot ng masamang epekto halimbawa nabalitaan ng isang
marites na buntis daw ang kapit bahay Nila sa kadahilanang hindi na ito Nila nakikitang
lumalabas sa bahay at ang balitang iyon ay mabilis na lumaganap sa kanilang bayan at
habang ito ay patuloy na lumaganap ang kwento ay napapalitan ng ibat iba at mas
malala pang imporsyon kaya bago tayo makibalita siguraduhin natin mona kung ito ay
may katutuhanan o wala upang maiwasan ang problema na maaaring sanhi ng
pagbibigay ng maling balita kahit ano pa itong kategorya na makikita sa ating bansa at
para sa akin ito ang kahulugan ng may pakpqk ang balita dahil hindi ito mawawala
hanggat hindi rin mawawala ang mga nagpapalaganap ng mga peking balita.

Krayterya: Nilalaman 10 puntos, Mekaniks 5 puntos, Organisasyon 5 puntos = 20 puntos

You might also like