Classroom Observation FILIPINO 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Filipino V

COT-RPMS

I. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahalagang


impormasyon tungkol sa isang isyu.

F5EP-IIe-i-6

Mag-obserba ng “social distancing” sa Pangkatang Gawain

KBI: Pag-iingat sa mga Babasahin/Aklat

II. A. Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahahalagang


Impormasyon Tungkol sa isang Isyu
B. K to 12 – CG (MELC), F5EP-IIe-i-6 / BOL Quarter 2 Week 8
C. tsart, plaskard, larawan, tarpapel, powerpoint
D. Estratehiya: Differentiated Instruction, Groupwork, Reporting
E. Integrasyon: English, Araling Panlipunan, Music, Health
Literacy and Numeracy

III. Pamamaraan:
A. Panlinang na Gawain:
1. Awit
2. Pagbaybay: (plaskard)
- sanggunian, impormasyon, isyu, aklat, silid-aklatan
3. Pagsasanay:
- internet, mapa, globo, atlas, peryodiko/pahayagan, diksyunaryo,
almanac, ensayklopedya, tesawro
4. Balik-aral:
- Punan Mo, Letra Ko!

1. P_ha_a_a_ 3. D_k_y_na_y_ 5. m_p_

2. A_la_ 4. g_ob_

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:

1|Page
1) Pagganyak:
- Tingnan ninyo ang larawan. Anu-ano ang nakikita ninyo sa
larawan? Ano ang tawag ninyo sa larawan? Mahalaga ba ito sa
atin? Bakit mahalaga ang silid-aklatan?

2) Paglalahad:
- Ngayon, pag-aaralan natin ang gamit ng pangkalahatang
sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol
sa isang isyu.

3) Paghawan ng Balakid
a. Sanggunian - isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan
ang isang bagay ay nagtatakda, o gumaganap bilang isang paraan
upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay.
b. Isyu - ito ay mga balitang nangyayari sa loob at labas ng ating
bansa; ito ay isang paksa na ating napapakinggan o nakikita sa
ating radyo, telebisyon, internet, dyaryo, pampletes at iba pa.
c. Pagsaliksik - ang sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang
paksa, pangyayari, at iba pa.
d. Pagtatala - ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong
kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat,
diyaryo, magasin at iba pa.
e. Impormasyon - isang bagay o detalye na may kahulugan at
konteksto sa tumatanggap nito. Ang impormasyon ay
nagpapahiwatig ng mga detalye ukol sa isang sitwasyon, tao,
pangyayari, lugar, at iba pa.

4) Pagbasa ng teksto: “Kailangan Pala Kita” (tarpapel)


(Literasi)

5) Pagtalakay #1:
- Pagsagot sa mga tanong:
a. Anu-ano ang mga hinahanap ni Joy?

2|Page
b. Bakit niya kailangan ang mga ito?
c. Sa paanong paraan siya tinulungan ng kaniyang kapatid?
d. Mula sa pahayagan, tungkol saan ang iuulat niya sa klase?
e. Bakit nasabi niya sa kaniyang sarili na, “Kailangan Pala Kita”.
f. Anong oras natapos ni Joy ang kaniyang klase?
g. Mayroon bang silid-aklatan dito sa ating paaralan? Sa inyong
lugar mayroon din bang silid-aklatan?

6) Pagtalakay ng Bagong Konsepto #2: (larawan ng mga sanggunian)


- Tingnan ang sumusunod nag mga larawan. Ito ang mga uri ng
sanggunian. Ang sanggunian ay tumutukoy sa mga aklat o
babasahin na karaniwang unang binabasa upang makakalap ng
mahahalagang detalye tungkol sa isang paksa. Nagbibigay ito ng
karagdagang impormasyon para sa mga mambabasa at ginagamit
ito sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang
isyu.

 Mga Uri ng Pangkalahatang Sanggunian:

Diksyunaryo Pahayagan

Isang uri ng aklat ng mga Isang uri ng paglilimbag na


salita at ng mga kahulugan at naglalaman ng balita,
minsan mga etimolohiya nila. impormasyon at patalastas,
kadalasang na imprenta sa
mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may
Ensayklopedya espesyal na interes, at
kadalasan itong inilalathala ng
isang libro o hanay ng mga libro na araw-araw o lingguhan.
nagbibigay ng impormasyon sa
maraming mga paksa o sa
maraming aspeto ng isang paksa Tesawro
at karaniwang nakaayos ayon sa ito ay nagbibigay ng
alpabeto. listahan ng
kasingkahulugan ng
salita. Minsan ay
naglalaman din ito ng
Globo kasalungat ng salita

AngAlmanak
globo ay ang modelo ng mundo. Ito ay hugis bilog na
kinapapalooban ng mga lugar/bansa Internet
sa buong mundo. Dito
isang uri ng isang sistema na ginagamit
rin natin makikita
pangkalahatang ang iba't-ibang bahagi ng globo tulad ng
nang buong mundo upang
ekwador, hilaga na
sanggunian at timog polo, meridian, idl (international date
mapagkonekta ang mga
line),nagbibigay
punong meridiano, tropiko ng kaprikorn at kanser at kompyuter
iba o grupo ng mga
pa. impormasyon
Dito rin makikita
sa mgaang iba't-ibang bansa sa iba't-ibang kompyuter na dumadaan sa
kontinente at mga kapuluan
mahahalagang tao at maging mga katubigan. iba’t-ibang klase ng
3|Page bagay. telekomunikasyon katulad ng
linya o kable ng telepono,
satellites, at ibang
komunikasyon na hindi
Atlas
isang kalipunan ng
mga mapa, partikular
na ng daigdig o rehiyon
ng mundo, subalit
mayroon ding mga atlas Mapa
ng iba pang mga
planeta at ng kanilang ang paglalarawan
mga satelayt sa sistem ng kalawakan gami
ang solar. t ang mga simbulo
at pinapahiwatig
ang kaugnayan ng
bawat bagay,
rehiyon at tema ng
nasasaad na
kalawakan.

C. Pangkatang Gawain
1. Pagbibigay ng panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.
2. Mga Gawain

Pagsasanay 1:
- Pagtambalin ang uri ng sanggunian sa Hanay B sa kahulugan nito
sa Hanay A.

4|Page
Pagsasanay 2:
- Piliin ang letra ng tamang sagot.
______1. Isang uri ng sanggunian na kung saan pinagsama-sama ang mga mapa
sa iisang aklat.
A. Atlas B. Almanac C. Ensayklopedya D. Mapa

______2. Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa


at lahat ay nakaayos ng paalpabeto.
A. Pahayagan B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopedya

______3. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita,


pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas.
A. Ensayklopedya B. Almanac C. Diksyunaryo D. Atlas

______4. Gabay na ginagamit ng mga turista upang malaman ang mga


impormasyon at pangyayari sa isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Globo B. Almanac C. Pahayagan D. Internet

______5. Gusto mong malaman kung alin sa mga kontinente ang may
pinakamalawak na lupaing nasasakupan.
A. Pahayagan B. Diksyunaryo C. Atlas D. Almanac

III. Pagsasanay 3:
- Tingnan at pag-aralan ang mapa ng Ilog Pasig. Gamitin ito sa
pagtatala sa mahahalagang impormasyon at isulat ang titik ng
tamang sagot.

5|Page
_____ 1. Sa mapa ng Ilog Pasig, ilan lahat ang mga lugar at barangay na
nadadadaanan ng ilog?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13

_____ 2. Ilan naman ang mga lugar ang may panandang kulay na bughaw?
A. 6 B. 7 C. 8 D. 9

______ 3. Ano ang pinakauna at pinakahuling bahagi ng Ilog Pasig ayon sa mapa?
A. Pinagbuhatan at Escolta C. Pinagbuhatan at PUP
B. Pinagbuhatan at Sta. Ana D. Pinagbuhatan at Plaza Mexico

______ 4. Anong barangay sa Pasig ang may pahilis na linya na bahagi ng Ilog
Pasig?
A. Maybunga B. Pinagbuhatan C. San Joaquin D. Kalawaan

_____ 5. Ano-ano ang mga lugar sa Metro Manila ang nadadaanan ng Ilog Pasig?
A. Taguig, Pasig, Makati at Mandaluyong C. Manila, Makati, Mandaluyong at
Taguig
B. Pasig, Mandaluyong, Makati at Manila D. Makati, Guadalupe, Hulo at Pasig

D. Paglalahat:
- Ano ang tinatawag na sanggunian?
- Ano ang mga uri ng pangkalahatang sanggunian?

 Ang sanggunian ay tumutukoy sa mga aklat o babasahin na


karaniwang unang binabasa upang makakalap ng mahahalagang
detalye tungkol sa isang isyu. Ang mga uri ng pangkalahatang
sanggunian ay diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, atlas,
pahayagan, internet, mapa, globo at tesawro.

E. Paglalapat/Isagawa: (Pangkatang Gawain)


- Bawat grupo ay magbibigay ng kanilang kaalaman base sa mga
tanong tungkol sa pahayagan.
1. Ano ang pahayagan?
2. Bakit ito mahalaga sa mga mamamayan?
3. Paano ito nakapagbibigay ng kabutihan sa mga tao?

6|Page
4. Sa inyong palagay, anong mga pangyayari sa inyong lugar na
maihahalintulad sa mga nasusulat sa pahayagan?
5. Magbigay ng halimbawa ng bahagi ng isang pahayagan at
ipaliwanag kung anong nilalaman nito na nangyayari sa ating
lugar/pamayanan.
(Integrasyon sa pang-araw-araw na sitwasyon)

F. Pagpapahalaga:
- Paano ninyo pahahalagahan/iingatan ang aklat/babasahin?
- Maiuugnay ba ang aklat sa ating sarili?
- Anong pag-iingat ang gagawin sa aklat gayundin sa ating sarili?
(Integrasyon sa Health)

IV. Pagtataya:
- Piliin ang angkop na uri ng pangkalahatang sanggunian na
tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Nais hanapin ni Nena ang bansang may pinakamalawak at pinakamaliit na
lupain. Ano ang dapat niyang gamitin?
A. Almanac B. Ensayklopedya C. Atlas D. Globo

_____2. Isa sa mga proyekto ni Leo ay alamin ang mga sikat na Pilipinong imbentor
at ang imbensyon nito. Saang aklat niya ito hahanapin?
A. Diksyunaryo B. Almanac C. Pahayagan D. Ensayklopedya

_____3. Saan maaaring hanapin ang pinakamagagandang tanawin sa buong mundo


sa loob ng isang taon?
A. Atlas B. Almanac C. Globo D. Pahayagan

_____4. Nais magpunta ni Alice sa silid-aklatan upang magawa ang kanyang


takdang-aralin, ngunit hindi niya naabutang bukas ito. Ano pang sanggunian ang
pwede niyang gamitin?
A. Internet B. Atlas C. Mapa D. Pahayagan

_____5. Anong sanggunian ang pwedeng gamitin para malaman ang tamang
bigkas, baybay at pantig ng isang salita?
A. Pahayagan B. Ensayklopedya C. Diksyunaryo D. Almanac

IOM: _____ 5 _____ 4 _____ 3 _____ 2 _____ 1 _____ 0

V. Gawaing-bahay:

7|Page
- Mangalap ng larawan ng mga uri ng pangkalahatang sanggunian.
Idikit ito sa bond paper.

Remediation:
Hanapin sa Hanay B ang pangalan/anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang
tinutukoy ng larawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A

1. 2. 3. 4.

5.

Hanay B

a. Diksyunaryo
b. Internet
c. Ensayklopedya
d. Tesawro
e. Almanak

Reinforcement:

Aling sanggunian ang gagamitin sa pagkuha ng sumusunod na impormasyon. Isulat


kung anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang tinutukoy ng pangungusap.

8|Page
__________ 1. Kahintulad nito ang diksyunaryo. Ang pagkakaiba lamang ay
nagtataglay ito ng kasingkahulugan at mga kaugnay na konsepto ng mga salita.

__________ 2. Ito ay isang taunang aklat na naglalaman ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa isang bansa sa loob ng isang taon.

__________ 3. Detalyadong impormasyon tungkol sa mga anyong tubig at anyong


lupa.

__________ 4. Mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.

__________ 5. Impormasyon tungkol sa solar system.

Sagot: (tesawro, almanak, atlas, pahayagan, ensayklopedya)

Enrichment:

Magtala ng mga impormasyong makukuha sa:

1. Ensayklopedya
2. Diksyunaryo
3. Almanak
4. Atlas
5. Internet

Prepared by:
RONELDA A. PONFERRADA
Teacher III

Observed by:

PRISCA G. QUITALIG
Master Teacher I

THELMA C. ESTIL
School Head

9|Page

You might also like