Ang Boses NG Mga Pokpok (Opinyon Mula Sa Rappler)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

[OPINYON | Youth] Ang boses ng pokpok

NOV 7, 2020 12:30 PM PHT


JOHN LORENZ SANTOS
Artikulo mula sa Rappler

'Ang pagsasawalang krimen sa trabahong tulad ng sex work ay makapagpapabawas ng mga


peligro o anumang panganib sa sex workers'

Sa tala ng kasaysayan, ito na siguro ang panahon kung kailan pinakanakaranas ng


paghihirap ang mga tao. Dala na rin ng pandemya, tumaas ang bilang ng mga nawalan ng
trabaho at ang iba pa ay napipilitan na lamang na magtrabaho ng kung ano ang kaya at
“accessible” para sa.kanila.

Sa pagpapatupad ng lockdown, nagbabala ang ilang grupo na ito’y kaaya-aya at maaaring


maging dahilan para ang mga aktibidad gaya ng “online sexual exploitation” ay lumaganap. Sa
panahon ding ito ng pandemya, tumaas ang bilang ng mga naeengganyo at lumalahok sa mga
“sugar daddy dating sites” at pagdami ng sex workers.

Sa bansa kung saan itinuturing pa rin na “taboo” topic ang sex work ay marami pa rin ang
sarado ang isipan at may kani-kaniyang sariling opinyon patungkol sa usaping ito. Ito ay mali at
hindi isang uri ng trabaho sa mata ng simbahan at hindi kinikilala ng batas, kaya’t walang
proteksiyon ang sinumang sumasailalim sa gawaing tulad nito.

May mga bagay na pumipigil sa mga ganitong klase ng gawain kagaya na lamang ng
batas na nag-iigting at ‘di sang-ayon sa sex work dito sa ating bansa. Halimbawa na ang Artikulo
202 ng Revised Penal Code, kung saan itinuturing na krimen ang mga gawain gaya ng
pagbebenta ng aliw – mga kababaihan na para sa pera o tubo ay madalas na nakikipagtalik o
gumagawa ng kahalayan, na itinuturing ng karamihan na “prostitute” o patutot sa Tagalog.

Itinuturing naman ng Magna Carta for Women na isang uri ng karahasan ang
prostitusyon, kung saan dapat silang protektahan at sila ay nagsisilbing biktima ng ganitong klase
ng aktibidad. Ang ligal na pag-igting na ito ang sumailalim sa kung paano tiningnan ang mga
manggagawa sa sex sa lipunan ng Pilipinas: sila ay alinman sa masasamang kababaihan na may
malaswang moral na sumisira sa mga pamilya o biktima na kailangang kaawaan at mailigtas.

Ngunit kasalanan nga ba talaga ito? Ngayon pa at lalong naghirap ang buhay dahil sa
pandemya ay lumobo ang bilang nila. Nagbigay ng opinyon at ikinuwento ng ilang prostitutes o
patutot ang kanilang mga karanasan sa isang panayam ko sa kanila.

Una: si Ema (hindi niya tunay na pangalan). Sex worker sa dalawang konsehal, naisipan
niyang pumasok sa ganitong klase ng gawain dahil sa problemang pinansiyal, at mga bagay na
nais niyang bilhin sa kaniyang sarili na ayaw na niyang hingin pa sa kaniyang magulang – ayaw
na raw niyang maging pabigat pa dahil mas mahirap ang buhay ngayon.

Ikalawa: si Pat (hindi niya tunay na pangalan). Kaibigan ni Ema at matagal na niyang
kasama sa mga raket. Pinili niya ang ganitong gawain dahil sa hirap ng buhay ngayon – mas
mabilis raw kasi ang kita rito. Kumikita siya ng P60,000, na malaking tulong kung tutuusin at
napupunta sa kanilang mga bayarin sa bahay. Pareho sila ni Ema na nakaranas ng panggigipit sa
isang costumer at hindi binayaran nang tama.

Ikatlo: si Bembem (hindi niya tunay na pangalan). Adik ang ama at ina. Pumasok siya sa
ganitong gawain dahil sa kahirapan. Siya ang tumutustos sa pangangailangan nilang
magkakapatid. Kumikita ng P10,000 kada-buwan. Nakaranas na raw siya ng diskriminasyon sa
ibang tao sa paligid niya dahil hindi naman ligal ang kaniyang trabaho. Sumapit ding nakaranas
siya ng pang-aabuso sa kamay ng isang customer. Isang buong araw daw siyang niyaya na
makipagtalik kahit pa nais niyang huwag na itong ituloy – kung saan nabugbog ang kaniyang
katawan. Hindi rin daw siya nababayaran nang tama.

Sa aking panayam, napagtanto ko na iisa lang sila ng dahilan kung bakit sila napunta sa
gawaing ito – ang kahirapan. Mga aminadong “pokpok” ng lipunan. Trabahong itinataya ang
katawan, dignidad naman ang puhunan. Pare-parehong biktima ng panlalamang at pang-aabuso
ng ilan ngunit hindi makapag-sumbong sa awtoridad dahil maging ang trabahong kanilang
pinagkakakitaan ay isang krimen. Aminado silang hindi ito tama sa mata ng karamihan ngunit
naniniwala silang karapatan din nila ang maprotektahan ng batas.

Maraming mga tao sa ating bansa ang nalilito pa rin sa pinagkaiba ng “sex work” sa
“prostitusyon,” kaya’t hindi nabibigyang importansiya ang kapakanan ng mga sex workers. Ang
sex work ay isang trabaho sa sex kung saan sang-ayon ang may katawan sa kaniyang ginagawa.
Kasalungat naman ito ng prostitusyon na may nangyayaring trafficking, exploitation, at
sapilitang pagtratrabaho lalo na sa mga minor de-edad.

Maaaring sabihin ng ilan sa atin, “Bakit hindi na lamang humanap o bigyan ng trabahong
marangal sa halip na ipasawalang krimen ang mga ganitong aktibidad?” Magandang suhestiyon
– ngunit kung iisipin nati’y napakaliit ng tiyansa na pagtuonan ito ng pansin ng gobyerno. Kung
ang mga nakapagtapos nga ng pag-aaral ay hirap makahanap ng matinong trabaho ngayong
pandemya, papaano pa silang mga patutot na mahihirap at ‘di nakapag-aral?

Maraming Ema, Pat, at Bembem sa ating lipunan na piniling magtrabaho bilang isang sex
worker dahil na rin sa hirap ng buhay, lalo na ngayong may pandemya. Mga nakaranas ng pang-
aabuso sa kamay ng malulupit na customer ngunit piniling manahimik na lamang.

Hantad ang mga sex workers sa mataas na lebel ng karahasan, pananakit, o pang-aabuso
dahil kung tutuusin ay sa una pa lamang naman ay krimen na ang turing sa mga tabaho nila. Ang
pagsasawalang krimen sa trabahong tulad ng sex work ay makapagpapabawas ng mga peligro o
anumang panganib sa sex workers dahil kaalinsunod nito ang mga kasong kahaharapin ng
sinumang.mangangahas.na.mang-abuso.sa.karapatan.nila.

Nararapat naman na magkaroon ng parehong ligal na proteksiyon ang mga sex workers
na katulad ng sa ibang mga manggagawa. Dapat ay makapagtrabaho sila nang ligtas – ‘yong
hindi sila mararahas o maaabuso ng kung sino man. Dapat ay mabigyan din sila ng lahat ng
pangangalaga lalo na sa usapin ng kalusugan.

Maaari silang husgahan ng karamihan sa kung anong klase ng trabaho ang meron sila.
Ngunit dapat din nating alamin na may kuwento sa likod ng bawat pagpapasya na pinili nila.
Maaari natin silang ilabas sa pagkakakahon at nararanasan nilang diskriminasyon. Sila ay unang
naging biktima ng kahirapan; huwag naman sana tayong pumayag o magsawalang-bahala na sila
ay maging biktima rin ng karahasan – mga bagay na maaari nating iwasan. Hangga’t kaya at
maaga ay atin na itong aksiyunan. Dapat sila ay maging benipisyaryo – hindi biktima ng batas.

Puwede tayong hindi sumang-ayon sa prostitusyon, trafficking, o exploitation habang


ipinaglalaban ang karapatan ng mga sex workers.

Ang sex work ay iba sa prostitusyon. “Sex work is work.” – Rappler.com

The views expressed by the writer are his/her own and do not reflect the views or positions of Rappler.
AP: Karapatan
ESP: Cooperation
Health: Relevant laws concerning abusive relationship, Laws and policies on sexual and
reproductive health and health services

You might also like